Project LOKI ①

By AkoSiIbarra

55.9M 986K 797K

Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put tog... More

Project LOKI - Volume 1
Chapter 01: Detective of Mischief
Chapter 02: Mystery in the Locker
Chapter 03: Lights, Camera, Drama!
Chapter 04: Haunting in Room 302
Chapter 05: Partners in Crime
Chapter 06: Cost of Friendship (ver. 2022)
Chapter 07: Damsel in Distress
Chapter 08: One Murder, Two Glasses, Three Suspects
Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya (Part 1)
Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya (Part 2)
ANNOUNCEMENT: Project LOKI Volume 1 • Part 1
Chapter 11: Knocks and Scratches
Chapter 12: Deduction Showdown? Loki versus Lorelei!
Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 1)
Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 2)
Chapter 13.5: Belladonna
Chapter 14: Melody of Menace
Chapter 15: Hidden in Plain Sight
Chapter 16: Caught in the Act (Part 1)
Chapter 16: Caught in the Act (Part 2)
Chapter 17: Over a Cup of Coffee
Chapter 18: Code Conundrum
Chapter 19: The Devil's Digits
Chapter 20: Napoleon of Crime (The Code)
Chapter 20: Napoleon of Crime (The Revelation)
Chapter 20: Napoleon of Crime (The Confrontation)
Afterword
ANNOUNCEMENT: Project LOKI Volume 1 • Part 2
FAQ GANERN! (Spoiler Alert!)
Project LOKI: Volume 2

Chapter 09: Whereabouts of the Photographs

1.3M 36.9K 27.4K
By AkoSiIbarra

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 09. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains references to blackmail and death that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

THE DAYS quickly went by as I spent most of my free time in the QED clubroom. It had become a habit to visit there during my morning break or lunchtime, stay there until the bell rang, and strike some strange conversations with Loki. Doon ko rin madalas tinatapos ang assignments o seatworks ko kaysa sa classroom.

Speaking of strange conversations, minsa'y naikuwento sa akin ni Loki kung paano pwedeng gamitin ang mahaba kong buhok para makasakal at makapatay. Just to be clear: We did not strangle anyone. Mabuti't may mga kumakatok sa pinto kaya hindi niya naitutuloy ang 101 Ways to Murder Someone sessions. Kung dati'y nilalangaw kami dahil wala ni isa kahit aninong pumapasok sa mini-detective agency namin, ngayo'y mayamaya na ang dating ng clients.

Effective ang pag-submit ni Rosetta sa CHS Confessions ng photos kung saan kausap namin ni Loki ang tatlong suspect sa White Hostel murder case habang nakapaligid ang mga pulis sa amin. Na-promote din ang aking blog kaya dumagsa ang page views at comments. May mga napabilib sa ginawa namin habang may ilan naman nagsabing nakikialam daw kami sa trabaho ng mga pulis. Nevertheless, dahil sa exposure sa social media, hindi na kami nakatunganga at naghihintay na may pumasok sa clubroom.

Ang kaso, kadalasa'y boring cases ang inire-refer sa amin. Laging tungkol sa love life ng mga lalaki at babaeng ginawa na yatang oxygen ang pag-ibig at pakikipagrelasyon. They could not live without it. May ilang gustong humingi ng tulong kung paano mapaghihiwalay ang crush niya at ang partner nito. 'Yong iba, lumapit sa amin para magpatulong kung paano makapag-move on. May isa pa ngang nagtanong kung may alam kaming trick para mawala sa landas niya ang kanyang rival sa pag-ibig.

"We're problem-solvers, not love gurus or genies," naalala kong sabi ni Loki sa babaeng nagtanong kung may alam kaming recipe ng gayuma. "We don't have time to entertain your stupid request. Either you find someone else who can help you or just piss off."

Mangiyak-ngiyak na lumabas ng clubroom ang problemadong estudyante. Malas niya dahil walang concept si Loki ng pagiging sensitive sa feelings ng iba. He was never afraid to speak out what was on his mind. Kung ayaw niya, ayaw talaga niya. Pero sinubukan ko siyang pagsabihan na bawasan ang pagiging rude. Baka kasi kami ang sunod na maging topic sa CHS Confessions. Hindi ako sure kung t-in-ake niya ang advice ko.

Ngayong Thursday, gaya ng nakagawian kapag morning break, umakyat ako sa third floor at lumakad patungo sa clubroom. Compared noon, mas maingat at mas naging aware na ako sa surroundings ko. Baka kasi maulit na naman 'yong pagdukot na nangyari sa akin noong isang linggo.

Speaking of abduction, sineryoso ni Margarette ang sinabi niya na hindi niya na ako guguluhin kapag nailigtas ako ni Loki sa costume room. Wala sa itsura niya ang madaling sumuko, pero dahil 'yon ang napagkasunduan namin, mukhang sinunod na niya ito. I could admire her for making good on her promise.

Nang nakarating na ako sa tapat ng clubroom, huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob at itinulak ang pinto papasok.

"Good morning," bati ko sa lalaking nakaupo sa swivel chair at nakatalikod sa akin. Umupo ako sa monobloc chair na malapit sa kanya at inilabas ang notes ko. "Wala pa bang dumarating na client?"

Hindi naman ako ini-snob ni Loki kapag may tinanong ako na related sa club. Umangat ang tingin ko sa kanya at napansing medyo nagbago ang posture niya. Parang tumangkad siya 'tapos umayos ang hairstyle.

No, that was not Loki. That was someone else!

Bigla akong tumayo, napaurong ang upuan ko sa likod. "Sino ka? Hindi ikaw ang lagi kong kasama rito, ah?"

"I let myself in, I hope you don't mind."

Nanindig ang mga buhok ko sa buong katawan pagkarinig ko sa boses. It sounded lowly and gravely ... and somewhat familiar. Narinig ko na yata noon. Pero saan?

The guy turned his swivel chair—Loki's favorite spot—to see me face-to-face. My curious gaze met his dead-eye stare. His eyes looked into my very mind and heart, sending chills down my spine. I gazed into the window of his soul, but I saw nothing. His placid face was like that of a chiseled statue. It was devoid of any human emotion. A metal badge was pinned on his royal blue blazer's lapel.

Napalunok ako ng laway at napahakbang paatras. At the back of my head, I heard a faint voice telling me to run. But I could not. My legs were too terrified to move even an inch. My feet were rooted on the spot. Parang estatwa akong nakatayo.

Tumayo siya at inilagay sa likod ang kanyang mga kamay. Lumapit siya sa akin. Sa tangkad niya, kinailangan ko pang tumingala para matingnan siya. "Did I make such a terrifying impression on you?"

The second time I heard his chilling voice, it rang a bell on me. Hindi ako pwedeng magkamali. That was the same voice I heard noong ipinadukot ako ni Margarette. Siya 'yong lalaking kasama niya! Ngayong nakatayo na siya sa harapan at nasukat kung gaano siya katangkad, mas nakasiguro akong siya nga 'yon.

Teka . . . Siya rin 'yong lalaking nasa picture na pinagtutusok ng darts ni Loki sa apartment. At kung tama ang pagkakatanda ko, parang siya 'yong vice president na tinutukoy niya. So I was meeting the second highest student leader in all of Clark High?

He stood exactly a foot away from where I was, his cold eyes looking down on me. "Judging by your worried expression, I gather that Loki has already told you about me. Fear nothing. I am not an antagonist. I am here to ask for your club's help."

I could say that Loki's descriptions of the guy behind my abduction was not an exaggeration. He did reek of evil. Baka nasa walang buhay niyang mga mata o boses na sobrang lamig. Baka rin nasa aura na dala-dala niya.

"Oh, forgive my manners. I have not introduced myself properly." He stretched out his left hand. "My name is Luthor Mendez. I'm Loki's elder brother."

Namulagat ang mga mata ko sa kanya at halos malaglag ang panga ko. Tama ba ang dinig ko? Kuya siya ni Loki?

My left hand automatically responded to his friendly gesture and shook hands with him. Parang inilagay sa freezer ang mga kamay niya sa sobrang lamig n'on. Agad din nagkahiwalay ang mga kamay namin.

"WHAT THE HELL—"

Parehong nagawi sa bumukas na pinto ang tingin namin. Nakatayo roon si Loki, kapapasok lang sa clubroom, tila nanigas ang katawan nang nakita niya ang kanyang kuya. Halos nagsalubong ang mga kilay niya at tumalim ang kanyang tingin sa direksyon namin. Nakalabas pa ang pangil niya na parang asong handang mangagat.

Mula sa nagpakilalang kuya niya, nalipat ang kanyang tingin sa akin. "Did you let that guy inside our clubroom? If not, did he materialize out of thin air or did he emerge from a pentagram?"

Sobrang aggressive ng boses niya. Kung makapagsalita siya, parang isang wizard ang kanyang kuya na pwedeng sumulpot kahit saan. Damang-dama ko sa boses niya ang magkahalong inis at galit. Mukhang may issue ang magkapatid.

"Nandito siya kasi may problem siyang gustong i-consult sa atin," sagot ko sabay turo sa kapatid niya.

"Oh!" Naningkit ang mga mata ni Loki na muling nabaling kay Luthor. "So there are problems that the master manipulator can't solve with all the resources and schemes he's hidden up his sleeves. You disappoint me."

"I've been preoccupied by another problem." His brother did not give in to his hostile attitude toward him. Nagawa niyang manatiling kalmado, which was quite a feat. "Besides, the problem that I will refer to you requires an outsider's hand."

"Unfortunately, we don't accept suspicious requests." Tumabi si Loki sa daanan at itinuro ang nakabukas na pinto. "I have to ask you to leave. Now."

"May I remind you that I am the chairman of the committee on non-mandated organizations." Walang pagbabanta sa tono ni Luthor, pero gano'n ang dating niya sa akin. "Even if the QED Club failed to meet the required minimum number of members, the application for your club renewal was still approved. I am hoping that you would express an appropriate amount of gratitude by doing us a favor. If you choose not to, it would be quite easy for me to reverse your club's status into dissolved. Perhaps I should give this room to the Paranormal Club. They have been requesting for ages."

Loki gave me an I-told-you-so stare. "I mentioned to you that he's despicable, didn't I? See what I mean?"

"Should we discuss my request or should I leave now and revoke your club's status?" tanong ng kuya niya bago muling umupo sa swivel chair ni Loki. Ipinatong niya sa lap ang kanyang mga kamay at ipinagkrus ang mga binti.

Naghihimutok na lumapit sa kabilang dulo ng mesa si Loki, biglaang hinila ang monobloc chair para lumikha ng malakas na kaluskos bago umupo. Bumalik din ako sa pagkakaupo at itinabi ang notes ko sa mesa. They were already in their teens, but why were they acting like they were eight years old?

"This is a confidential matter." Napatingin muna si Luthor kay Loki bago sa akin. Nakararamdam ako ng pangingilabot tuwing nagtatagpo ang mga mata namin. "A friend of mine is being blackmailed by another student."

"Oh, you have a friend? Or you mean, a pawn?"

Hindi siya pinansin ng kuya niya. "A student named Charles Meliton is in possession of compromising photographs of my friend. In exchange for not sharing the photos and for not uploading them online, he is asking for three thousand pesos per photo. We do not know how he got those materials, but we are a hundred percent certain that he has them."

Isang blackmailing incident pala ang gusto niyang imbestigahan namin. This was the first time we were encountering this type of case. Ang akala ko'y mas mabigat na kaso ang ire-refer niya dahil involved ang tulad niyang taga-student council.

"This is not the first occasion that Charles attempted to extort money from a student. We have received reports before that he is fond of prying into the secrets of students with money and power. No one knows where he gets those files, documents, photos, or videos. You may consider him as a serial blackmailer."

"So what do you want us to do? Beg him to stop blackmailing your so-called friend and other students?"

"I want you to retrieve the storage device containing the compromising photos along with everything that he got on other students. His confidence emanates from the materials in his possession. If you take that away from him, he would lose his power."

Loki crossed his arms across his chest as his right leg started fidgeting. "I wonder why you can't solve this petty problem on your own. With all the resources at your disposal, it will be just a piece of cake for you to take him down. You don't need to waste our time on this request."

"Just so you know, Charles knows every officer in the council and the students who are affiliated with us," his brother explained. "His awareness of us makes any move from our side risky. If he finds out that we are planning to retrieve the photos, he might cancel the deal and upload the files. That is why it has to be you, a third party who is not under the influence of the council."

They said that the QED Club was always the last resort of troubled people in this high school. That was becoming a fact. Maging ang student council mismo, sa amin umasa para masolusyunan ang problemang hindi nila kayang lutasin.

Tumayo na si Luthor at nagtungo sa pintuan. "I will ask one of my colleagues to bring you the files we have on Charles. I hope you can come up with a plan to end his villainy by tomorrow. Once you accomplish the task without a glitch, consider us even. By the way, Lorelei, I would like to get to know you more. I look forward to having a chat with you over a cup of tea one of these days."

Nagpaalam na siya sa amin—na hindi pinansin ng kapatid niya—at tuluyan nang lumabas ng clubroom.

Matapos ang ilang segundo ng katahimikan, pinuntahan ni Loki ang swivel chair niya at itinulak 'yon palayo sa mesa. "Looks like I need to request a new one. I can still feel his eerie presence by just staring at that chair."

Ang exaggerated naman ng reaksyon niya. Inupuan lang ng kanyang kuya, ipapapalit na niya agad? Gano'n ba katindi ang galit niya kay Luthor?

"If he invites you to a tea party, decline his offer or ignore his invitation completely." Hinila niya ang bakanteng monobloc chair sa kanyang kaliwa at inilagay sa dating puwesto ng swivel chair. "How I wish you would never cross paths with him again."

"I'm surprised you didn't tell me that your brother is the vice president of the student council," tugon ko. "Hindi mo rin nabanggit sa akin dito rin pala siya nag-aaral."

"Oh, I didn't?" Tumaas ang isa niyang kilay. Mukhang hindi siya comfortable sa bago niyang upuan. Wala kasing cushion ang monobloc chair. "I thought you got it via subtext. By the way, don't be deceived by his title as vice president."

"Huh?"

"My brother is more than just a spare tire to the president. He's not just the vice president of the student council. He is the student council."

Lalo kong hindi naintindihan ang gusto niyang sabihin. If there was someone who could best represent the council, that would be the president—the highest position in the student hierarchy—not the second-in-command.

"Wrong!" bulalas niya kaya napaangat ang magkabilang balikat ko. Tila nahulaan niya kung ano ang pumasok na thought sa isip ko. "The incumbent president is only a puppet while my brother is the one pulling the strings. He prefers to work in the shadows than step into the spotlight."

"Bakit kung makapagsalita ka kanina, parang asar na asar ka sa kanya?" tanong ko. Heto talaga ang gusto kong malaman. "Parang siya na ang pinakakinasusuklaman mong tao sa mundo?"

He shot me a curious stare. "You're fortunate that you don't have him as your sibling. If you were in my shoes, you would probably feel the same."

Hindi ako maka-relate sa kanya dahil only child ako nina mama't papa. Hinayaan ko siyang mag-rant tungkol sa kuya niya hanggang sa maubusan na siya ng sasabihin. Ako nama'y bumalik sa pagbabasa ng notes hanggang sa mag-ring na ulit ang school bell.


PAGSAPIT NG lunchtime, dumaan sa clubroom ang isang estudyanteng hindi man nagpakilala sa amin. Ibinigay niya ang isang folder na may logo ng aming school. Nakapaloob doon ang student records ni Charles Meliton at iba pang detalye tungkol sa buhay niya.

Habang tinitingnan ko ang student ID photo niya, hindi ko lubos akalain na magagawa niyang mam-blackmail ng kapwa estudyante. Mukha kasi siyang inosente sa retrato at parang walang muwang sa kasamaan ng mundo. Nakadagdag pa roon ang abot-tainga niyang ngiti. Napaisip nga ako kung naligaw ba ang retratong ito sa file ni Charles.

Sabi nga nila, looks can be deceiving. Hindi porke mukhang tupa, maamo na. Some wolves could very well hide in sheep's clothing.

"Hmm . . ." Ikinalat ni Loki sa mesa ang bawat page ng student records ni Charles. Particular siyang naka-focus sa class schedule. Sinabihan niya kanina ang kanyang kuya na hindi siya interested sa case, pero mukhang mas nanaig ang curiosity niya. "This is the only piece of information that matters. Everything else can be disregarded."

Tiningnan ko rin ang class schedule. Ahead pala ng one year sa akin itong si Charles. "Ano'ng binabalak mo?"

"We need to find the perfect timing for our mission." In-underline ng daliri niya ang bawat time range. "We can't approach him during class discussions. It's too risky to ambush him during his break or lunchtime."

"How about during his PE class tomorrow?" Itinuro ko ang eight to nine o'clock subject. "Dahil magpapalit siya ng damit para mas maging comfortable siya sa physical activities, ilalagay niya ang kanyang mga gamit sa locker. Gano'n kasi ang ginagawa ko kapag PE class namin. Magaling ka sa lock picking, 'di ba? Hindi magiging problema sa 'yo ang pagbubukas ng locker niya."

Napatango siya. "Good thinking. The next question is, how can we be sure that he's bringing the storage device with him?"

"Saan ba niya puwedeng ilagay?"

"Flash drive, external hard drive, or his phone's memory card. If he prefers to be old school, he could also use a floppy disk. But will he carry it around the school, knowing that people like us might be after him?"

Obviously, hindi namin siya pwedeng tanungin na "Hey, dala mo ba 'yong device kung saan naka-save ang mga pam-blackmail mo?" Dapat naming iwasan ang kahit anong contact sa kanya. Dapat ding hindi niya matunugan na may nakabuntot sa kanya. Dahil kung hindi, baka lumala ang sitwasyon.

"Anyway, we'll find out tomorrow." Kinolekta ni Loki ang lahat ng mga papel at ibinalik sa folder. "Should he choose not to bring the storage device with him and leave it in his dorm, I have a plan on how we can retrieve it. Are you available around eight o'clock?"

Inalala ko kung ano'ng subject namin sa oras na 'yon. "Magagawan ko ng paraan." Hindi naman siguro masyadong makaaapekto sa academic performance ko kung magsi-skip ako ng Personality Development class namin.

Teka, bakit parang willing akong um-absent para sa case na ito?


KINABUKASAN, PAGPATAK ng eight o'clock ng umaga, pumasok na sa classroom ang Personality Development teacher namin. Nangako ako kay Loki na imi-meet ko siya ng ganitong oras. Hindi puwedeng basta-basta ako umalis o um-absent. Mas mabuti kung may valid excuse ako. Ayaw kong i-sacrifice ang academics ko para sa isang case

Habang binubura ng teacher namin ang nakasulat sa whiteboard, huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya. Hindi ako marunong umarte at ayaw ko ring magsinungaling, pero kailangan kong gawin.

"Sir, excuse me?" tawag ko sabay hawak sa aking ulo. Bahagyang nanliit ang mga mata ko. "Medyo nahihilo po ako. Puwede po bang mag-excuse muna ako at pumunta ako sa clinic para magpa-checkup?"

Huminto siya sa pagbura at lumingon sa akin. May kaunting bakas ng pagkabahala sa itsura niya. "Naku, Miss Rios, mukhang namumutla ka nga! Gusto mo bang ihatid kita sa clinic?"

Huwag na po, sir. Nakahihiya sa inyo. Kaya kong pumunta nang mag-isa ro'n."

"Sigurado ka? Baka mahimatay ka sa daan? As your teacher, I can't let something happen to you during my class."

"Magtiwala po kayo sa 'kin. Ayaw ko rin pong maistorbo ang klase natin."

Pinayagan niya akong ma-excuse muna. Mabagal akong naglakad palabas ng classroom at muntik pang napahawak sa pader. Pinanindigan ko ang pagkahilo para mas mapaniwala ko ang teacher namin, pati ang classmates ko. Gusto nga akong samahan ni Rosetta, pero sinabi kong kaya ko nang mag-isa papunta sa clinic.

This was the first time na nagsinungaling ako sa isang teacher at nagpanggap na may sakit para ma-excuse mula sa klase. Pero hindi gaya ng iba na umaarte para makapagbulakbol, may noble cause ang ginawa ko.

Gaya ng pinag-usapan namin kahapon, nagkita kami ni Loki sa tapat ng gymnasium. Nagsimula na ang sa Physical Education class nina Charles. Nakita ko siyang nag-i-stretching kasama ang classmates niya. Nakasuot siya ng puting shirt na may school logo sa harap at itim na shorts. Heto ang perfect opportunity para sa mission namin.

"Here's what we're gonna do. I'll go inside the boy's locker while you'll wait outside." Nakasubaybay pa rin si Loki sa aming target. "Everyone's busy with their activity so this is Charlie's most vulnerable moment and our perfect opportunity to strike. Keep an eye if someone's going in the locker room. Cough thrice as loud as you can if you see him or anyone approaching the area. Understood?"

Tumango ako. Wala akong concern sa instructions niya, pero he got the name of our target wrong. The name's Charles, not Charlie. But they sounded close enough so I would let it pass.

"Let's begin."

Pumasok na si Loki sa locker room ng mga lalaki habang ako'y naiwan sa labas, malapit sa pinto. I took my phone out, placed it near my ear and pretended that I was calling someone. Pasulyap-sulyap din ako sa kinatatayuan nina Charles ilang metro mula sa akin. Baka bigla nila maisipang pumasok sa locker room dahil may nakalimutan sila.

Halos ten minutes na siguro ang lumipas bago lumabas si Loki at bumalik sa tabi ko. I expected him to flash a wide grin of victory. Pero ang bumungad sa akin ay ilang pag-iling at dismayadong mukha.

"Wala ba pati sa damit o bag niya?"

"I left no stone unturned, but . . ." Ipinakita niya ang kanyang phone screen kung saan naka-display ang retrato ng isang papel na naglalaman ng ilang salita at isang emoticon.


Nanlaki ang mga mata ko bago tumingin sa aking kasama. "A-Alam ba niya kung ano'ng binabalak nating gawin?"

Ibnulsa ni Loki ang phone niya at ibinaling ang tingin sa direksyon ni Charles. "I highly doubt it. Based on the discoloration, the paper must have been inside his locker for a while now. He must have expected someone to force it open way before we got involved in this case."

"Baka nasa bulsa ngayon ng shorts niya ang hinahanap natin?"

"Possible, but less likely. If it's a flash drive, he might lose it while he's doing some exercises. If it's an external hard drive, he might be inconvenienced by its weight in his pocket."

Kung ako ang nasa posisyon ni Charles, hindi ko rin dadalhin ang isang importanteng bagay sa activity kung saan pwede itong mawala o mahulog.

"I'm more interested as to why he didn't bring his phone. Before you came here, I've been observing his movements. Not even once did he take his phone out. It's common for students to bring their phones in class. In case of an emergency, they can call or message their parents or guardians."

"So you think na nakatago sa phone niya ang kanyang mga pam-blackmail? Paano kung wala talaga siyang phone?"

"That's impossible. He put a contact number in his student record so he must have a phone. It's possible that he hid his gadget away from anyone's reach while he and my brother's friend haven't reached a deal yet. Our Plan A has failed. It's now time for Plan B."

"And what's Plan B?"

Ngumisi siya sa akin. "Did you know that Charlie lives in the White Hostel?"

Sapat na ang itsura niya para makutuban akong may binabalak siyang hindi kaaya-aya. Sana'y hindi kami mapahamak sa plano niya. Ayaw ko pa namang madumihan ang student record ko.


PAGKATAPOS NA pagkatapos ng afternoon period namin bandang four o'clock, muli kaming nag-meet ni Loki. This time, sa White Hostel kung saan nangyari ang isang murder case noong isang araw. Kagaya kaninang umaga, nauna na naman siya sa akin. Gano'n ba kaaga nagdi-dismiss ang mga teacher niya? O baka nagka-cut siya ng classes? Well, it was none of my business.

Ayon sa student record ni Charles, mag-isa siyang nakatira sa Room 303 sa third floor. Pagpasok namin sa loob ng hostel, binati kami ni Kuya Guard na mukhang natandaan ang mga itsura namin. Tinanong niya kami kung sinong bibisitahin namin at sinabihan kaming mag-sign sa logbook. Siyempre, hindi ko pwedeng ilagay ang name ni Charles, kaya kay Rosetta ang isinulat ko kahit wala kaming study session ngayon.

"Balak mo bang pasukin ang room niya at halughugin kung nandoon ang kanyang phone?" tanong ko habang hinihintay ang pagdating ng target. Nakatambay kami sa dulo ng hallway, malapit sa fire extinguisher at fire alarm. Tatlong kuwarto mula rito ay ang Room 303.

Sasagot na sana si Loki, pero bumukas ang sliding door ng elevator kasabay ng isang "ding!" Lumabas mula roon si Charles at dumeretso sa kanyang unit. Ipinasok niya ang kanyang susi sa doorknob at tumuloy na sa loob.

"Teka, may iba kang pinaplano," hirit ko nang napagtantong may mali sa nauna kong sinabi. "Kung balak mo talagang mag-trespass sa room niya, kanina pa dapat tayo pumunta rito, noong wala pa siya."

"That was the initial plan." Tumalikod siya sa akin at sinuri ang katabing fire alarm. "But I realized that would take a great deal of effort and time on my part. It's also possible that he hid it very well. The success of Plan B was not guaranteed under such circumstances. Then I thought of a plan that's less time-consuming and more thrilling."

Heto na naman siya sa kanyang preference sa thrilling solutions instead na sa simple. Mukhang may balak nga na gawing kalokohan itong si Loki na hindi ko magugustuhan. Ayaw ko sanang madamay, pero involved na ako rito.

"Paano mapadadali ang paghahanap natin?" Napatingin ako sa mga estudyanteng palakad-lakad sa hallway. 'Yong iba'y napasusulyap sa amin dahil nakatambay kami rito. Baka isipin nilang may heart-to-heart talk kami ngayon. That would give us the perfect cover, but that would give them a wrong impression.

"We'll compel him to bring the phone to us," kumpiyansa niyang sagot na tila aayon ang lahat sa plano. Sana nga. "You know how to run, don't you? Let's meet at the lobby in a short while."

"Ano ba'ng pinapl—"

KRING!

Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng ingay matapos niyang pindutin ang fire alarm. Nagsilabasan ang mga estudyante mula sa iba't ibang room at nagsitakbuhan. May ilang nataranta, may ilang hindi alam kung kakaliwa o kakanan. May mga nagsisigaw pa ng "Sunog! Sunog!" kaya lalong nag-panic ang lahat.

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?!" tanong ko kay Loki habang nakatakip ang tainga ko. Dapat sinabihan muna niya ako para at least prepared ako!

"I created chaos to lure him out. There's always an opportunity in chaos," nakingisi niyang tugon. Mukhang ine-enjoy pa niya ang mga nababahalang itsura ng mga estudyanteng dumaraan sa gilid namin.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin si Charles, lumingon-lingon muna sa paligid, tila pinag-iisipan kung saan mas ligtas dumaan kahit wala namang apoy o usok. Nataon na pinili niyang tumakbo sa direksyon namin.

"Let's put an end to this case." Tumakbo papunta sa kanya si Loki at sinadya siyang banggain, dahilan para mawalan sila ng balanse at mapaupo sa sahig.

"Tingnan mo nga 'yang dinaraanan mo!" sigaw ni Charles. Ang inosente niyang mukha, naging kasintapang at bagsik ng tigre. Kapag nalalagay tayo sa desperadong sitwasyon, nahuhulog ang mga maskarang suot natin.

"S-Sorry!" Inalalayan pa ni Loki na tumayo ang target namin bago siya nagpatuloy sa pagtakbo.

Then I saw him raise his right thumb, senyales na naging matagumpay ang plano niya. Sumabay na ako sa mga estudyanteng pababa ng hagdanan hanggang sa narating namin ang lounge.

Sa mga sandaling 'yon, hindi pa siguro alam ni Charles na nakuha na sa kanya ang pinanghahawakan niyang alas.


KAILANGAN KO pa bang idetalye kung ano ang sumunod na nangyari? Hindi na masyado. Pagkatapos makuha ni Loki ang phone ng target namin, tinanggal niya ang memory card nito at i-p-in-lug sa isang laptop. Naka-save doon ang iba't ibang documents, photos at videos na talagang makakasira sa reputasyon ng sinuman sakaling kumalat.

Napatanong tuloy ako kung paano nakolekta ni Charles ang lahat ng files na ito.

Nang nasabihan na namin si Luthor, pumunta ang isang member ng student executive committee sa clubroom para kunin ang memory card. Sila na raw ang bahalang gumawa ng aksyon laban sa serial blackmailer. He expressed their gratitude to us for putting an end to this case.

Dahil resolved na ang request ng student council, wala nang reason para manatili pa ako rito sa campus. Gusto ko nang makauwi sa apartment para makapag-update na ng blog. May gagawin pa raw si Loki sa clubroom kaya nagpaalam na akong mauuna sa kanya.

Nang nakababa ako sa ground floor, nasorpresa akong makita ang isang familiar na mukhang ilang araw ko ring hindi nakita. Agad kong na-recognize ang salamin niya na may makapal na black frame at ang metal badge sa lapel. Huminto ako sa landing at nagtagpo ang tingin namin. What did she want this time?

"Congratulations for another case closed . . . though I heard you caused quite a ruckus in the hostel," bati ni Margarette sa akin. Nakasandal siya sa pader at nakakrus ang mga braso. "You seem to be enjoying Loki's company. Have you already fallen for him? I pity you if that's the case."

Ano'ng pinagsasabi ng babaeng ito? Hindi porke't sinasamahan ko si Loki sa mga imbestigasyon niya, nangangahulugan na 'yon na may crush o feelings ako para sa kanya. Bakit ba ang daling maka-misinterpret ng mga gaya niya? "Ang akala ko ba, hindi mo na ako guguluhin?"

"I did say that I won't bother you anymore. But that doesn't mean you won't be seeing me again."

"What do you want this time?"

"I'm here to deliver a message. The vice president wants to meet you. He's at the cafeteria, waiting for the pleasure of your company."

Biglang nanindig ang mga balahibo ko. Kahit wala rito ang kuya ni Loki, damang-dama ko ang presensya basta't nabanggit ang kahit anong salitang may connection sa kanya.

Loki advised me to not accept any invitation from his brother, but I was tempted to meet the person and know more about him. Between what Loki had already told me and meeting him myself, masasabi kong mysterious at suspicious siya at the same time. Gusto kong malaman kung bakit gano'n katindi ang galit ng roommate ko sa kanya.

Makapaghihintay naman ang pag-blog ko kaya tinanggap ko ang imbitasyon. In-escort ako ni Margarette mula sa high school building patungo sa cafeteria. Walang kumibo sa amin habang naglalakad kami. Umasa akong hihingi siya ng sorry sa ginawa nilang pagdukot sa akin. Pero wala akong narinig mula sa kanya.

Dapat sarado na ang cafeteria nang ganitong oras. Wala na kasing estudyanteng pumupunta rito para um-order ng food o drinks bandang five o'clock. Pero para sa meeting namin ni Luthor, mukhang nag-extend sila ng ilang minutes.

Dahil walang ibang tao maliban sa amin, agad ko siyang nakita. Nakaupo siya sa may pabilog na mesa at nakatalikod sa akin. In-excuse ni Margarette ang sarili niya at iniwan kaming dalawa rito. Habang papalapit ako sa kinauupuan niya, parang palamig nang palamig ang hangin sa loob.

"Please take a seat." Luthor gestured to the chair opposite of his seat. "I apologize for asking you to meet me this late."

Umupo na ako at nahiyang tumingin sa kanya. Kapag nagtatama ang tingin namin, nakararamdam talaga ako ng pangingilabot. Parehong gray ang mga mata niya at ni Loki, pero may kakaibang aura inilalabas ang kanya. Napakapit ako sa aking mga tuhod. Mas naramdaman ko ang lamig sa cafeteria.

"Do you want tea or coffee?" alok niya bago uminom mula sa isang teacup.

"Neither." Mariin akong umiling. Baka hindi ko kayanin ang lamig dito. Hindi ko rin alam kung bakit, but his presence was making me uncomfortable. "Sorry, but I've still got something important to do at home. I hope we can make this quick?"

"Very well." Inilagay niya ang teacup sa saucer na hawak ng isa pa niyang kamay. "I apologize for having you abducted. We needed to resort to such method since you did not want to leave the club that my brother is proud of. We also wanted to test his resolve if he was willing to save you in case you were put in danger."

Tama nga si Loki. Ang lalaking ito ang mastermind. At least, nakuha ko na ang apology na hinahanap ko.

"Bakit n'yo ba ako pinipilit na umalis sa QED Club?" tanong ko. "Ano ba'ng meron at sobrang obsessed kayo ro'n?"

Hinipan muna niya ang mainit na tea at uminom nang kaunti. Familiar ang apple-like aroma n'on. He reminded me of my dad na mahilig sa chamomile tea. "Maggie must have told you repeatedly that she wants to help you. The truth is, we want to protect you from any danger that may be caused by your association with my brother. I heard that you have been already informed about Rhea, Loki's only friend and his former associate in the club?"

"Ang sabi ni Loki, pinatay siya ng isang taong kilala bilang M."

"But why would they kill an innocent girl?"

"Dahil naging close siya kay Loki?"

Ibinaba ni Luthor ang hawak na teacup at saucer sa mesa. Natutok sa akin ang tingin niya kaya kinalabutan na naman ako. "There is always a collateral damage when two objects collide, according to the laws of celestial mechanics. More than half a year ago, my brother investigated some related cases involving a person who is only known by the letter M. That elusive M seemingly retaliated by killing my brother's only friend, delivering a heavy blow to him. Rhea became that collateral damage."

Nang ikinuwento sa akin ni Loki noong isang araw, hindi niya masyadong idinetalye kung ano talaga ang nangyari kay Rhea maliban sa pagpatay sa kanya. Nagkrus na pala ang kanilang landas noon.

"What does that have to do with my abduction?" sunod kong tanong.

"M is still active and you, being the closest person to Loki, might become the next collateral damage." Binigyan niya ng emphasis ang huling dalawang salita. "As much as possible, we want to prevent that from happening. That is why I asked Maggie to convince you to leave. But you did not . . . as if you are willing to take the risk. I wonder why."

Our eyes maintained contact. "If I were to become a collateral damage, then I need to be prepared for anything that might happen to me, don't I?"

Ibinalik ni Luthor ang atensyon niya sa kanyang tea. "Now I am beginning to understand why my brother feels comfortable around you. I have known him since we were little boys. He has a hard time connecting with people. But with you, I guess it is going easy."

"What do you mean?"

"Do you know why my brother founded the QED Club?" Muling umangat ang tingin niya sa akin. "Because Loki is attracted to mysteries. And you, Lorelei, are a mystery to him. He doesn't see you as a person. He sees you as a puzzle to solve. It may be possible that both of you have a tragic past that you want to escape from. And that is why you two established this uncanny connection. Loki lost someone important in his life. How about you? Did something happen in your previous school?"

Bakit biglang lumiko ang conversation namin? Kanina, si Loki ang pinag-uusapan namin. Ngayon, ako na. Kumuyom ang mga kamao ko, bahagyang bumaon sa palad ang aking mga kuko. Dapat yata'y nakinig ako kay Loki noong sinabi niyang tanggihan ko ang kahit anong invitation mula sa kanyang kuya.

Huminga muna ako nang malalim at ini-relax ang aking mga kamay. "Mukhang alam ko na kung bakit naiirita ang kapatid mo sa 'yo. You think you know better than most of us. Is that why you're trying to control our decisions and correct our paths that you believe are wrong?"

"I assure you that is not my intention."

Muling nagtagpo ang tingin namin. This time, hindi na ako umiwas. Mata sa mata. Gusto kong ipakita sa kanya ang conviction ko—na hindi niya ako basta-basta mapasusunod sa gusto niya.

"Now if you will excuse me." Tumayo na ako at naglakad patungo sa exit ng cafeteria. Iniwan ko siyang umiinom ng tea. Ayaw kong mag-wish nang masama, pero sana'y mapaso ang dila niya.

"Just one more thing, Lorelei."

Huminto ako at humarap sa kanya nang may malalim na pagbuntonghininga. Ni hindi man siya lumingon sa direksyon ko. Ano naman kaya ang huling hirit niya?

"This is only a hunch. Loki might use you as a bait to lure out M, like a cheese on a mouse trap. But let us hope that I am wrong."

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)


Continue Reading

You'll Also Like

MORIARTEA By akosiibarra

Mystery / Thriller

4.2M 135K 16
Meet the detectives of the Moriartea Cafe. Cover artwork by @CryAllen
6.9M 253K 30
The day Molly's attackers were set free was the day Mallary decided to take justice into her own hands. And Mallary knew that in order to do that, sh...
11.6K 251 21
Nang piliting kumahol ng pusa Isulat ang titik ng bawat hinuha Idaing ang hinagpis sa bawat pahina Ibulong sa aklat ang bawat luha.
14M 573K 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music...