SWEET ACCIDENT - COMPLETED 20...

Por WeirdyGurl

524K 13.6K 1.5K

VERDANAH D'CRUZE accidentally got herself in a one night stand with a stranger and the guy wanted to MARRY HE... Más

PREFACE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
NOTE
Chapter 22 (Repost)
Chapter 23 (Repost)
Chapter 24 (Repost)
Chapter 25 (Repost)

Chapter 6

17.5K 600 86
Por WeirdyGurl

DANAH

Kanina pa na hulog sa malalim na pag-iisip si Danah. Heto siya, tulala at walang ibang iniisip kung hindi ang pechay na Text na 'yon! Kung bakit ba kasi ang tibay ng resistinsiya ng lalaking 'yon sa usaping responsibilidad. Oo, gwapo ito. Ideal guy ng mga babaeng conservative. Mukha namang mabait. Well, palangiti rin ito. Maganda manamit. Makinis. Matangkad. Makisig. Lahat na yata ng M na hinahanap ng mga babae ay na kay Text na.

Eh 'yon naman pala! Bakit masyado kang pabebe doon sa lalaki?

Like, duh? Unang-una, ang pangit ng pagtatagpo nila – one night stand? Ano 'yon? Parang ang lame naman masyado na papayag agad siyang magpakasal sa isang lalaki na first love si Lord. Mahal niya si Lord pero nakakaloka talaga ang sitwasyon nila. At saka, it was an accident. Hindi naman 'yon sinadya. Mahalaga sa kanya ang naibigay niya kay Text pero hindi naman 'yon basehan para itali niya ang sarili sa isang lalaking ngayon lang niya nakilala.

At ang kulit-kulit pa ng hudyo – este ng Samaritan na 'yon! Nai-stress siya ng bongga.

Bumaba siya ng kama at tinungo ang vanity table. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Bagong gising pero maganda parin. Not to bragged, bakit pa niya ide-deny e magkaroon ka ba naman ng amang Crosoft D'cruze 'di maambunan ka talaga ng magandang genes.

Hay naku! Nakakatamad 'tong araw na 'to. Buti na lang at ipina-clear niya lahat ng schedules niya ngayong araw. Tinatamad talaga siya ng bongga. Swear!

Mula sa table ay kinuha niya ang tali ng buhok para itali sa nagwawala niyang buhok. Lumabas siya ng kwarto na naka TJ at bunny slippers.

Hindi kataka-takang tahimik ang bahay. Maaga talagang umaalis ang mommy niya. May pasok ang kambal at ang magaling niyang kapatid na si Font ay nasa lungga na naman nito sa attic na ginawa na nitong kaharian.

Natigilan naman siya nang mapansin ang daddy niya na mukhang model na umiinom ng kape sa balkonahe ng bahay. Tignan mo 'tong si Daddy kung maka-inom ng kape akala mo imo-model ang Nescafe eh. Hindi ito nakaupo, sa katunayan, nakasandal ang kalahating katawan ng Daddy niya sa railings habang nakapatong naman ang isang siko nito doon. Hawak naman ng isang kamay nito ang isang tasa habang nakatingin sa malayo. Edi wow! Iharap ko kaya kay Daddy ang bentilador para complete na ang Modeling Starter Pack.

Pigil ang ngiting nilapitan niya ang ama. Humalakipkip siya sabay tikhim.

"Mukhang feel na feel mo ang umaga Daddy ah," she grinned.

May ngiting binalingan siya ng ama. "Ganyan talaga anak, dapat lagi tayong makiisa sa kalikasan." Lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa noo. "Good morning, baby. How's your love life?"

"Love life agad?" taas kilay niyang react.

"Ay hindi, 'yong spiritual life mo na lang ang itatanong ko. Kumusta na ang relasyon mo sa Panginoon? May nakikita ka na bang liwanag? Christmas tree? Three Kings? Or Keso de bola na may kasamang ham?"

Lalo lang kumunot ang noo niya sa pinagsasabi ng Daddy niya.

"Daddy!"

Natatawang inakbayan siya ng Daddy niya at iginiya sa palapit sa railings. "'To naman 'di na mabiro. Joke lang 'yon. Huwag mo ngang seryosohin." He playfully messed my hair.

"No work, Dad?" pag-iiba niya.

"Meron, but I cancelled it today. Sasamahan ko si Font sa school niya mamaya."

Naiangat niya ang tingin sa Daddy niya. "Huwag mong sabihing nagbabasag-ulo na si –"

"Grabeh ka naman! Hindi 'yan marunog magbasag-ulo 'yang kapatid mo. Basag-bulsa siguro dahil panay hingi 'yan ng pera." He chuckled. "You're brother is still normal."

"Bakit abnormal ba siya dati?"

"Hindi, normal parin, at least normal parin siya hanggang ngayon."

Natawa siya. "So, bakit nga Dad? Anong event meron ang school nila ngayon?"

"Well," alanganin ang ngiti nito na may kasabay na kamot sa ulo. "Ahm, may recollection kami ng kapatid mo ngayon."

Natawa siya nang sobra. "Recollection?!" natatawa parin niyang ulit. "Uso pa ba 'yon sa College?"

"Ewan ko ba naman diyan sa kapatid mo at naingganyong maging pro-spiritual life. Hayon, ini-register ang sarili sa isang recollection."

"That's weird," napakamot siya sa noo. "Demonyo ang 'sang yon eh."

"Naisip ko na rin 'yan pero ayokong maging judgmental. Kagagaling ko lang sa self-examination kaya no to judgment muna ako."

"Nagbabagong-buhay?" biro niya.

"Hindi, healthy living only."

"Sabi mo eh," she shrugged.

"Hey! Maiba akong bata ka. Kumusta naman kayo ng Text na 'yon? Tapos n'yo na bang basahin ang bible?"

"Bakit Dad? Gusto n'yong mag-bible study tayo together?"

"I'll check my schedule." Her dad laughed.Napabuntong-hininga naman siya. "Danah?"

Malungkot na naiangat niya ang mukha sa ama. "Dad,"

"Buntis ka?"

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Hindi ah! Daddy naman eh!"

"Juice ko naman Danah!" natutop nito ang noo. "Huwag mo nga akong pakabahin nang sobra."

"Dad lang sinabi ko, buntis agad? Kaloka!"

"Eh ganito ang mga linya sa mga teleserye ngayon. I-orient mo muna ako. Ayokong mahimatay sa hindi carpeted na sahig."

"Choosy mo Dad,"

"Teka nga," seryosong binalingan siya ng ama. "May problema ka bang bata ka? Huwag kang mag-joke, seryoso ako."

"Hmm, Dad..."

"I'm not going to tell your mom."

Danah sighed. "Fine, but promise you'll never freak out... and please Dad, huwag mo kong kalbohin."

"Fine," he held a sighed. "You have my word."

"Good," humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga. Okay, sasabihin niya na. Oh Dear! Sana 'di maging OA si Daddy. "Ganito kasi 'yon –"



TEXT

Kung nakakamatay lang ang tingin matagal na sigurong nakahandusay sa lupa si Text sa sobrang talim ng tingin ng tatay ni Danah sa kanya. Nagulat siya nang makita ito sa "Father and Son Recollection" na in-organized ng isang kaibigan niya na ReED teacher sa unibersidad na 'yon. He didn't expect na active pala ang kapatid ni Danah at ang Daddy nito sa mga ganitong pagtitipon.

Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa ginagawa dahil laging may mga matang nakasunod sa kanya. It feels weird, though.

His phone vibrated in his pocket. Hindi niya sana titignan ang inbox niya dahil napaka-solemn ng buong paligid. Everyone are closing their eyes habang nire-relax nila ang mga sarili sa isang meditation instrumental song.

Kaya lang hindi siya mapakali. Panay ang vibrate ng phone. Kanina pa tumatawag at nagti-text sa kanya si Danah pero hindi niya ito sinasagot o tinitignan ang mga message nito sa kanya. Minsan talaga ang 'sang 'to laging wala sa timing. Kung kailan siya hindi pwedeng makausap saka naman siya nito gagambalain. Not that he was complaining. Oh shut up Text! You're already complaining.

Fine! I am complaining.

Sasagutin niya na nga lang ang text. Lumabas siya ng ball room.

"Okay, Danah," inilabas niya ang cell phone sa bulsa. "Let's read what's in your mind today."

My dads gona kill u! – Danah

I swear! I thnks he's gona kill u! – Danah

Pack juice ka Text! Sgutin mo twag ko oy! – Danah

Bhla ka sa buhay mo! Pkamtay ka nlang! – Danah

Hoy Text! Sagutin mo tawag ko!!! Lechee ka! – Danah

Langya ka talaga ewan ko sayoooo!! – Danah

50 missed calls

30 unread message

Kumunot ang noo ni Text. "Ang babaeng 'to puro na lang mura ang text. Pwede niya naman akong i-text na medyo may lambing, tsk." Napailing na lang siya.

Pero 'di nga? My dads gona kill u! – Danah

Natigilan siya. Medyo naguguluhan siya. Bakit siya papatayin ng tatay ni Danah? What capital sin did he commit? Mabilis na nag-reply siya kay Danah.

"Bakit. Ako. Papatayin. Ng. Tatay. Mo? Sorry. Late. Reply. Insert. God Bless. And. Smiley. Send."

Minsan 'tong si Danah kung maka-text OA masyado.

"Text!"

"Holy bread!" sa gulat niya ay napalingon siya sa nag-salita.

Si Tito Crosoft.

"Sorry, wala akong pan de holy na dala." Seryoso nitong balik. 'Di niya alam kung nag-joke ito o seryoso. "Joke 'yon huwag mong dibdibin."

"Ok po,"

"Do you have a minute?"

"Opo,"

"Bueno," seryoso ang tingin nito sa kanya. Hindi niya naman alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Hindi naman siya kinakabahan ng ganito sa ibang tao. This is really weird. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa by Nadine Lustre."

"Ho?" kumunot ang noo niya.

"Joke parin yon, huwag mong dibdiban ulit."

"Ah... eh... sige po," napakamot siya noo. "Ano po 'yong sasabihin nyo saken?"

"Hijo, alam ko na ang lahat ng tungkol sa inyo ng anak ko. Aaminin kong hindi ko rin gusto ang mga nangyari pero nangyari na ang lahat at wala na akong magagawa pa roon. Kilala ko ang anak ko. OA 'yon at medyo spoiled. Binabalaan na kita, limang balde ang laman ng tiyan non. Mainitin ang ulo ng batang 'yon. Masyadong mautos. Masyadong demanding. Pero sana huwag mong isipin na naibagsak namin ang 101 parenting manual dahil ganyan 'yan si Danah. Huwag kang judgmental. May sarili lang talagang isip ang batang 'yon."

"Alam ko po,"

"Ngayon mo lang 'yan nalaman, huwag kang echosero."

"Sorry po,"

"Anyway, pareho na kayo na nasa tamang edad. Hindi ko hihingin sayo na ialay mo ang buong buhay mo sa anak ko. Medyo OA na 'yon. Huwag kang martyr. Mahal ang magpagawa ng bagong monumento sa tabi ni Rizal. At isa pa, huwag mong ituring na responsibilidad ang anak ko. Hindi porket nangyari 'yon ay itatali mo ang sarili mo sa kanya. You have your life. She has her own life as well. Ayokong ipilit mo ang isang bagay na hindi mo naman gusto. Gusto ko... kung may tao mang mamahalin ang anak ko ay 'yong hindi dahil may responsibilidad ito sa kanya kung hindi mahal nito ang anak ko."

"Mahal na mahal ko ang anak ko. Silang lahat. At bilang ama nila tungkulin ko na patnubayan sila sa bawat desisyon nila sa buhay. Hindi kita pinipilit na gawin ang mga 'to. Wala naman akong problema sayo. Sakatunayan ay gusto kita."

"P-Po?"

"Loading ka rin minsan eh, gusto kita para sa anak ko. Nakikita ko ang respeto mo sa anak ko. Sino ba namang ama ang hindi gugustuhin na magkaroon ng manugang na mabait, diba?"

"You mean?"

"Hindi kita pipigilan na ligawan ang anak ko. Pero sana, bukal sa puso mo ang gagawing pagsuyo sa anak ko. Binabalaan lang kita ng maaga, hijo. Demonyita din 'yang anak ko."

Natawa siya. "Alam ko po,"

"Naks! Dami mong alam ah. Wikipedia ka ba?"

"Bakit po?"

"Wala lang, natanong ko lang."

Natawa lang siya lalo. Mukhang alam na niya kung saan nagmana si Danah. Actually, he's not really familiar with the D'cruze. Since elementary nasa seminary na siya. They were not given the luxury to know about the in and out of showbiz. Let's just say, he had a quite boring life that time – but being with God is not boring. It's always a pleasure to pray.

"Anyway, may favor lang sana ako sayo, hijo."

"Ano po 'yon Tito?"

Lumapit ito sa kanya at bumulong."Kapag nagtanong sayo ang anak ko sabihin mo galit ako at friendship over mode ako." He stepped back and smiled.

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman po?"

"You'll see,"

Hindi parin niya ito maintindihan.

"Dad!" bigla namang dumating si Font. "Kuya Text," baling sa kanya ni Font.

"Font," tumango lang ang lalaki sa kanya.

"Dad! Anong ginagawa n'yo dito?"

"Ano ka bang bata ka! Ikaw ang nagdala saken dito tapos tatanongin mo ako kung anong ginagawa ko dito? Wow! Ano 'yon, ha?"

"Dad! It's not what I meant."

"Hay naku anak," inakbayan nito si Font. "Lumabas lang ako para sabihin na shipper ako ng Dannah-Text love team."

"Anong shipper? Tagagawa ng ship, shipper?"

"Joke 'yon, anak?"

"Hindi, tula 'yon Dad, tula."

Natawa lang si Tito Crosoft. "De wow!"

Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang minamasdan ang mag-ama na nagkukulitan. Naalala niya naman si Danah. Oh that woman! Kasingkulit rin ito ni Tito Crosoft. Lalo lang siyang napangiti. Na miss niya tuloy ang bubwit.



DANAH

Bumped in2 ur Dad today –Text

Tumalksik ka ba? –Danah

Patay na nga ako eh –Text

Patay ka na?! Wee? –Danah

Patay na patay sayo –Text

Ewww! Yack mo Textford! –Danah

HAHAHA –Text

Hindi tuloy mainom ni Danah ang gatas sa baso sa sinabi ni Text sa kanya. Seriously? Bumanat ba ang 'sang 'yon? Natawa lang tuloy siya. Ang corny ah.

"Makikidaan sa taong inlove," binangga siya ni Font.

"Font!" sigaw niya sa kapatid. "Baliw ka ba?! Kita mong may dala akong baso eh."

"Hay naku Ate!"

"Bakit?"

"Bagay ka ba?"

"Huh?!" kumunot lang ang noo niya. "Bakit?"

"Kasi... bagay rin si kuya Text. Bagay kayong dalawa."

"Baliw!"

"Aminin mo kinilig ka! Ayiie!" tukso pa nito.

Nag-init naman ang mga pisngi niya. "Hindi ah!" Tinalikuran niya ang kapatid. "Baliw! Huwag mo akong asarin at baka -"

"Seryosohin mo siya?"

"HINDI AH!"

"Haha!"

Ano bang meron sa mga tao ngayon at bumabanat ng pick up lines?!



De wow! Ngayon rin ako nag-update! 

Happy Reading! Sorry guys! <3



Seguir leyendo

También te gustarán

908K 31K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
266K 817 5
Hellina Marieve Amante, a Governor's daughter and a Mayor's sister, promises to herself that she wont let any of her family's enemies enter in her li...
160K 3K 52
All Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.
3.6K 141 12
Chasing Series #3 Ellaine Nicole Andrade The SSG president of Ferrer international School, best friend of lance Benedict Volibar, Ellaine has been...