Project LOKI ①

By AkoSiIbarra

55.9M 987K 798K

Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put tog... More

Project LOKI - Volume 1
Chapter 01: Detective of Mischief
Chapter 02: Mystery in the Locker
Chapter 03: Lights, Camera, Drama!
Chapter 04: Haunting in Room 302
Chapter 05: Partners in Crime
Chapter 06: Cost of Friendship (ver. 2022)
Chapter 07: Damsel in Distress
Chapter 09: Whereabouts of the Photographs
Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya (Part 1)
Chapter 10: Madonna, Michelle, Mylene, Moriya (Part 2)
ANNOUNCEMENT: Project LOKI Volume 1 • Part 1
Chapter 11: Knocks and Scratches
Chapter 12: Deduction Showdown? Loki versus Lorelei!
Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 1)
Chapter 13: Moriar-Tea Party (Part 2)
Chapter 13.5: Belladonna
Chapter 14: Melody of Menace
Chapter 15: Hidden in Plain Sight
Chapter 16: Caught in the Act (Part 1)
Chapter 16: Caught in the Act (Part 2)
Chapter 17: Over a Cup of Coffee
Chapter 18: Code Conundrum
Chapter 19: The Devil's Digits
Chapter 20: Napoleon of Crime (The Code)
Chapter 20: Napoleon of Crime (The Revelation)
Chapter 20: Napoleon of Crime (The Confrontation)
Afterword
ANNOUNCEMENT: Project LOKI Volume 1 • Part 2
FAQ GANERN! (Spoiler Alert!)
Project LOKI: Volume 2

Chapter 08: One Murder, Two Glasses, Three Suspects

1.3M 45.8K 33.4K
By AkoSiIbarra

AUTHOR'S NOTE: This is the updated 2022 version of Chapter 08. If you are re-reading this part, you may observe some changes from the previous version.

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter contains depictions of death and gore that may be upsetting for some readers. Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

LORELEI

MAAGA AKONG nagising ngayong Lunes, hindi dahil sa alarm ko, kundi dahil sa malakas at nakaiiritang tunog ng vacuum cleaner. Gusto ko pa sanang umidlip, kaso hindi ko malabanan ang ingay. I got off my bed and went out of my room to see who was cleaning the carpet in the living room. I thought Loki was already awake in the early hours of the morning and decided to do some household chores. Pero malabo pala 'yon. Ni hindi nga niya magawang magwalis o mag-mop ng sahig. Mag-vacuum pa kaya?

I was surprised to see Tita Martha holding the black hose of the vacuum cleaner while seemingly dancing to a certain tune. Instantly na nawala ang pagkayamot sa mukha ko.

"Good morning, Lori!" nakangiting bati niya sa akin habang patuloy ang kanyang paglilinis. "Nakatulog ka ba nang mahimbing kagabi?"

I rubbed the sleep off my eyes. "Ang aga n'yo yatang naglilinis, Tita? May bisita ba tayo mamaya rito o naisipan n'yong gawing exercise ang pagba-vacuum?"

Napaisip tuloy ako kung nag-request ba ako sa kanyang i-vacuum ang carpet, pero wala akong natandaan. Kahit kamag-anak ko siya, ayaw ko rin siyang utusan. Pinag-stay na nga niya ako sa apartment niya 'tapos uutusan ko pa siya? No way. Could it be Loki? Imposible. Hindi niya maiisipang magpalinis ng sala. Wala rin yata siyang pakialam sa cleanliness.

Huminto muna siya at kunot-noong tumingin sa akin. "'Di ba sinabi ko na sa 'yo last week? Pupunta ang papa mo rito today! Nakahihiya naman kay Walter kung marumi ang unit na tinutuluyan ng unica hija niya."

"Huh? Talaga?" I yawned. Ang dad ko lang pala ang bisita namin—Teka! Si dad?! My eyes widened in surprise. Biglang nagising ang diwa ko nang ma-process na ng aking utak 'yon. "A-Ano pong sinabi n'yo? Darating si Papa rito? As in today?"

"Naku! Naging makakalimutin ka na yata!" pailing-iling na sabi ni Tita. Nagpatuloy na siya sa paglilinis at pag-indak. "Baka mamayang hapon siya dumaan dito kaya maaga kang umuwi, ha? Ipagluluto ko kayo ng masarap na meryenda."

Oo nga pala. Last week, nabanggit sa akin ni Tita na may ka-meeting dito sa Pampanga si Papa. He was planning to hit two birds with one stone while he was here. As usual, hindi ako ang priority niya.

Dumeretso ako sa bathroom para makapaghilamos. Hinayaan ko munang tumulo ang tubig mula sa gripo habang pinagmamasdan ang reflection ko sa salamin. Was my dad serious about visiting me here? Maybe he said that just to make me feel that he was parenting me. Kung ako ang masusunod, ayaw ko pa siyang makita sa ngayon. Hindi pa naman gano'n katagal mula nang huling pagkikita namin.

Dahil sa breaking news na hatid ni Tita, hindi na ako nakakain ng breakfast. Nawalan ako ng gana. Apektado na rin ang araw ko. Pumasok na ako sa bathroom para maligo at makapagpalit ng damit. Sa sobrang pagka-preoccupied ko, mali ang pares ng socks na naisuot ko. Kainis. Matapos kong ayusin ang itsura ko, umalis na ako ng apartment.

Buong umaga, hindi natanggal sa isip ko ang balita na darating si Papa mamaya. Hindi ako nakapag-concentrate. Sinubukan kong mag-focus sa discussions namin sa klase, pero mayamaya'y sumasagi ang thought na makikita ko siyang nakaupo sa couch, naka-dekwatro ang mga binti at umiinom ng favorite niyang chamomile tea.

Hindi maganda ito. Kailangan kong i-distract ang aking sarili. Hindi effective ang academics bilang distraction. Baka extra-curricular activities ang makatulong sa akin.

"You look troubled," komento ni Loki habang binabasa ang latest issue ng Clark Clarion, ang official student publication ng Clark High. Ibinaba niya ang newspaper para makapagbato ng tingin sa akin. "Something's bothering you."

Huminto muna ako sa pagsagot ng assignment. Nagtagpo ang tingin namin. "Paano mo nasabi? Halata ba sa mukha ko?"

"Since you came in here, you've sighed six times already." Itinupi niya ang hawak na newspaper. "You've never done that in your previous visits. I can tell that you're trying to fight off whatever's troubling you, but it still persists on your mind."

Now, for the seventh time, I let out a long sigh. "This is none of your business, and you may not care at all, but my dad's coming to the apartment to visit me."

"Now that explains why the landlady is cleaning even before the crowing of the roosters." Muli niyang binuksan ang newspaper at inilipat ang page nito. "To most people, parents visiting their children is good news. But based on your repeated sighs and your lack of enthusiasm on his arrival, it doesn't seem that way for you. You have issues with your father?"

Umiwas ako ng tingin kagaya ng pag-iwas kong sagutin ang tanong niya.

"Don't worry, I know the feeling of despising someone," sabi niya matapos ang ilang Segundo ng katahimikan. "Sometimes, you wish you would never cross paths with them again. Sometimes, you wish you could cut them out of your life. That's how I strongly feel about my brother."

"Just to be clear, I don't despise my dad. Despise is a strong word," pagtatama ko sa kanya. "I don't hate him either. Ayaw ko muna siyang makita sa ngayon."

"Don't let him live rent-free in your head. You must evict him." Ibinato niya sa ibabaw ang bookshelf ang newspaper bago niya ibinalik sa akin ang kanyang tingin. "The more you think about him, the more you become bothered. The solution? Stop thinking about your dad. I wager you couldn't even focus on your classes because of the news."

"Sana'y gano'n kadaling gawin 'yon. Sana'y sa isang iglap, puwede nating itigil ang pag-iisip sa isang tao o bagay. Pero hindi."

"That's the problem with you people." Heto na naman siya. Kung makapagsalita itong si Loki, parang hindi kami parehong tao. "You worry so much about the inevitable. If your dad's coming here, there's nothing you can do about it. You must accept what you cannot change and adjust accordingly."

And he was back to being the usual Loki again. Last week, after going through the painful memories, he showed me that he was capable of being genuine with his words and actions. Ang akala ko, 'yon na ang side na makikita ko araw-araw. Matapos ang weekend, muli siyang bumalik sa pagiging Loki na nakilala ko noong unang araw ko rito sa Pampanga.

"If meeting him is so troubling for you, why don't you do the opposite?" tanong niya. "Don't show up where you two are supposed to meet. Tell him that you're too busy with schoolworks. Your problem is solved."

"At ano'ng gagawin ko? Mag-stay ako rito sa clubroom after class hanggang sa makasigurong wala na siya sa apartment?"

"If you're lucky, someone would come in here, pick our brain, and keep us busy for a couple of hours." Napasulyap siya sa nakasarang pinto kaya napatingin din ako roon. "You would have a legit excuse to not meet him."

Most people would suggest na makipag-meet ako kay Papa lalo na't ilang linggo na kaming hindi nagkikita. But Loki had a dissenting opinion. Kinukunsinti pa niya akong gumawa ng way para hindi matuloy ang nakatakdang pagkikita namin. I must say, this was one of the rare occasions where I appreciated his unpopular takes.

Naghintay ako mula lunchtime hanggang hapon, pero wala ni isang client ang sumulpot sa clubroom. Mukhang kailangan ko pang pagsikapan ang pagsusulat ng blog para maka-attract ng atensyon. Ang akala ko noong una, magtutuloy-tuloy na ang buhos ng clients mula nang ini-refer sa amin ni Madonna ang boring niyang problema.

Wait, did I say boring? Nahawa na yata ako sa pananalita ni Loki.

At dahil walang case na magsisilbing distraction sa akin, naghanap ako ng ibang paraan para hindi ako agad umuwi ng apartment. Thankfully, may kaibigan akong maaasahan sa ganitong panahon. Take note: Hindi si Loki ang tinutukoy ko.

"Talaga? Gusto mo munang mag-stay sa dorm ko?" pagulat na tanong ni Rosetta habang inaayos niya ang kanyang mga gamit sa loob ng handbag.

"Kung pwede? Nakalimutan ko kasi 'yong susi sa apartment," pagsisinungaling ko. I got the keys in my bag. "Mamaya pang gabi uuwi ang roommate ko kaya wala akong ibang mapupuntahan."

"Sure, I don't mind!" Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa request ko. Maaasahan ko talaga pagdating sa ganito si Rosetta. Tama ang desisyon kong tanggapin ang offer of friendship niya noong first week ko rito sa school. "Mamaya ring gabi uuwi ang ka-dorm ko kaya walang problem kung doon ka muna mag-stay. At saka magpapatulong din ako sa assignment natin sa General Mathematics."

Problem solved! Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay hintaying umalis si Papa sa apartment. Kung may normal father-daughter relationship kami, hindi ko palalampasin ang pagkakataong makita siya. Kaso iba ang sitwasyon namin, medyo complicated. And I was just returning the favor. There were numerous instances noon kung saan sinabi niyang magkikita kami pero hindi siya sumipot. Lagi niyang sinasabi na may emergency meeting siya.

NASA CAMPUS premises mismo ang dormitory na tinutuluyan ni Rosetta. Mula sa high school building, ilang metro ang kailangang lakarin para makarating doon. Ang tawag nila roon ay "White Hostel" dahil sa pang-hotel na ambiance at kulay white na pintura sa exterior. May limang floor ito at may elevator din. Karamihan daw sa mga nagre-rent dito ay mayayaman o 'di kaya'y malalayo ang tinitirhan.

Pagtulak namin sa glass door at pagpasok sa loob, agad kaming binati ng guard sa reception desk. "Good afternoon, Miss Rodriguez! Sino po 'yang kasama n'yo?"

"Classmate ko siya, kuya," sagot ni Rosetta sabay patong ng mga kamay niya sa mesa. Nginitian niya ang guard na parang close na close silang dalawa. "May gagawin kasi kaming assignment. Wala naman sigurong problem kung mag-i-stay muna siya sa unit ko, 'no?"

"Wala pong problema, ma'am!" May kinuha ang guard sa likod ng desk—isang kulay asul na logbook—at binuksan sa harapan ko. "Ma'am, pakisulat na lang po ang pangalan at contact details n'yo rito."

I borrowed the pen on his desk and wrote my name, my phone number and the person-to-visit in the logbook. Nang matapos ako, ngitian ako ng guard at binati ng energetic na "Welcome to the White Hostel, ma'am!"

"Thank you," bati ko pabalik.

Dumeretso na kami ni Rosetta sa elevator. Pinindot niya ang number four. May ilan pang estudyante ang sumabay sa amin at pumasok sa loob. It turned out na magkakakilala pala siya kaay nagkaroon ng kumustahan. Medyo na-out of place ako saglit.

Nang narating na ng elevator ang fourth floor, naunang lumabas si Rosetta at sumunod ako sa kanya. Nilakad namin ang hallway hanggang sa huminto kami sa tapat ng Room 402. Ipinasok niya ang susi sa doorknob, itinulak ang pinto papasok at pinauna na ako sa loob.

Compared sa apartment namin, hindi hamak na mas maliit ang unit ni Rosetta. Nakakalat ang mga damit, underwear, towel at iba pa sa bunk bed. May maliit na foldable table sa side kung saan kumakain ang dalawang tenant dito. Nasa bandang unahan ang kitchen habang nasa likuran ang comfort room.

"Simulan na natin?" tanong ni Rosetta sabay labas ng notebook niya sa General Mathematics.


MAHIGIT ISANG oras din ang lumipas mula nang sinimulan naming gawin ang assignment. Halos sumakit na ang ulo namin sa kasasagot sa mga item. Nagbiro pa nga si Rosetta na ida-drop ang subject na ito dahil sa sobrang hirap. Pero hindi pwede. Wala kaming choice kundi tiisin hanggang matapos ang academic year.

Napaunat ako ng braso bago ch-in-eck ang oras sa aking phone. Past five o'clock na pala ng hapon.

"Anong oras kaya siya aalis?" bulong ko. Hindi pa rin ako nakatanggap ng kahit isang call o text mula kay Tita Martha o kay papa. Kung gusto nilang malaman kung nasaan na ako, siguradong iko-contact ako ng mga 'yon.

While the phone was in my hand, it suddenly vibrated. An unregistered number was calling me. Medyo kinabahan ako. Either my dad changed his number or it was someone else's.

"Hello?" bati ko pagka-press ng answer key.

"Are you home, Lorelei?" Boses ni Loki ang narinig ko. Medyo nakahinga ako nang maluwag. "So how did the meeting with your father go?"

"Hindi pa ako nakauuwi sa apartment." Hininaan ko ang aking boses para hindi maistorbo si Rosetta sa pagsagot. "Nag-stay muna ako sa dorm ng classmate ko. Sa White Hostel. Six o'clock na siguro ako makauuwi. Kung mauna ka sa 'kin, let me know if my dad is still there."

"Oh, what a coincidence. I'm on my way there."

"Papunta ka rito sa White Hostel? Sinusundan mo ba ako?"

"No, no. Why would I even do that? Chief Estrada texted me minutes ago. Something happened in Room 404 of the White Hostel. He wants my—or should I say—our help. If you've got nothing else to do there, you can join me. See you."

"Hey, I'm still—"

Hindi na niya hinintay ang sagot kung available ako. Basta-basta niya ibinaba ang tawag.

Teka, nasa Room 402 ako ngayon sa fourth floor. Kung gano'n, may nangyari sa unit malapit dito? Masilip nga.

"Saan ka pupunta, Lori?" tanong ni Rosetta nang tumayo ako at nagtungo sa pintuan. "Uuwi ka na ba?"

"May titingnan ako sa labas," tugon ko bago binuksan ang pinto at lumabas ng kuwarto niya. Bumungad sa akin ang ilang campus police officers na kinokordonan ang isang kuwarto sa 'di kalayuan. May isang babaeng estudyante na humihikbi at mangiyak-ngiyak na pilit pinakakalma ng isang pulis na bata pa ang itsura.

"Lorelei?"

Lumingon ako sa likuran kung saan galing ang boses na tumawag sa akin. Agad kong nakilala ang officer na papalapit sa akin dahil sa makapal niyang mustache. "Ang bilis n'yo yatang nakapunta rito? "Nasaan na si Loki? Ang sabi niya'y paalis pa lang siya ng clubroom."

"Nataon lang po na nandito ako," nahihiya kong tugon. "May ginagawa kasi kaming assignment ng classmate ko."

"Gano'n ba?" Sandaling huminto sa harap ko ang inspector. "Hindi kaya't sinusundan ka ng kamalasan? Mukhang kahit saan ka magpunta, may nangyayaring masama. Noong una, sa chemistry lab. Ngayon, dito sa White Hostel."

Kahit ako'y nagtataka kung bakit nasasangkot ako sa mga ganitong bagay. Mula nang nakilala ko si Loki, mysterious stuff began happening around me. "Naisip ko nga rin po 'yan—"

"Biro lang!" natatawang sabi ng inspector. "Pasensiya na kung medyo nakaiistorbo itong mga bata ko. Mukhang napadadalas na naman ang mga ganitong kaso."

Nagpaalam na siya sa akin bago tumungo sa Room 404. Sana'y totoong joke na may dala akong malas. Ang saklap naman kung may case sa bawat lugar na pupuntahan ko.

"So what do we have here?" Biglang sumulpot sa likuran ko si Loki. Sabay na umangat ang mga balikat ko at napahawak ako sa dibdib. Bakit ba kasi siya nambibigla? "How convenient for you to be a few doors away from the crime scene. You didn't have to walk as far as I did."

"Being near the crime scene is far from convenient," tugon ko at saka umirap sa kanya. "Dapat yata, sa ibang lugar ako nagpalipas ng oras. O baka dapat umuwi na ako at tiniis ang meeting kay Papa."

"This is no time to dwell on what-ifs." Natuon atensyon niya sa police line sa labas ng unit. "Since you're here, you may as well help me find out the truth about the case."

"But I'm not here to—"

"Whatever trivial task you're doing can wait. Remember that you're now a member of the QED Club. We must assist the campus police in finding justice for the victims."

Hindi trivial ang pagsagot ng assignment. Kapag hindi ko sinagutan 'yon o kapag mababa ang score na nakuha ko, posibleng maapektuhan ang grade ko sa isang subject. And that would have an impact on my academic standing.

Naglakad siya patungo sa Room 404. Hinawi niya ang kordon at yumuko para makadaan. Lumingon siya sa akin at sumenyas na sumunod. Bumuntonghininga muna ako bago lumapit sa kanya.

"According to the inspector, this is a murder investigation," paliwanag niya habang sinisilip mula sa hallway ang loob ng unit. "A female student was found dead here not more than fifteen minutes ago."

Sandaling napapikit ang mga mata ko. Mas madugo yata ang crime scene na 'to compared sa chemistry lab. Kailangan kong ihanda ang sarili ko.

Una niyang pinuntahan ang babaeng kanina pa umiiyak. Sabi ng officer na kasama nito, siya raw ang unang nakakita sa bangkay at nag-report sa mga pulis. I thought he was going to console the grieving girl, but I was wrong.

"You know," panimula ni Loki sabay hawak sa balikat ng babae. "More often than not, the person who first discovers the body is the culprit."

Namulagat ang mga mata ng babae at lalo pang napahagulgol. Paulit-ulit siyang umiling. Why would he say such a thing to someone who was in grief? "M-Maniwala kayo sa 'kin! H-Hindi ko kayang patayin ang d-dormmate ko! Kakauwi ko lang nang nakita ko siyang w-walang buhay."

"May idea ka ba kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kanya?" mahinahong tanong ko. Mas mahihirapan kaming interview-in siya kung lalo siyang paiiyakin ni Loki.

Paulit-ulit din ang kanyang pagtango. "Oo! Kagabi kasi, may isinusulat siya sa kanyang b-blog tungkol sa ex-boyfriend niya. Nakipag-break kasi si Janine sa lalaking 'yon kasi gusto niyang mag-focus sa studies. Ang kaso, hindi nagustuhan ng ex niya kaya sinunggaban siya nito at pinuwersang halikan habang nasa campus kahapon!"

Bumuntonghininga si Loki at umirap ang mga mata sa ibang direksyon.

Iniwan na namin ang babae at pumasok na kami sa unit. Agad kong napansin ang mga bubog sa sahig, mukhang mula sa babasaging baso. May isang baso pa na may lamang tubig ang nakapatong sa mesa.

Iginala ko ang aking tingin. Nakahandusay sa pader ang duguang katawan ng isang babae. Paulit-ulit siyang pinagsasaksak base sa dami ng butas sa uniform niya. Bahagyang dilat ang mga mata niya, nakayuko ang ulo at nakabuka ang bibig.

My instinct told me to turn around and try not to stare at the bloody scene, and I did. Nabaling ako sa aking kasama. Loki quickly averted his gaze from the corpse. That was strange. Hindi siya gumano'n nang nakita ang duguang katawan ng lalaki sa chemistry lab noong isang araw. I heard him mutter, "I really hate seeing that pose."

"The victim's name is Janine Montemayor." Inabutan kami ng disposable gloves ni Inspector Estrada na pareho naming isinuot. "Mainit pa ang kanyang katawan at hindi pa nagse-set in ang rigor mortis. Sa tantiya namin, wala pang isang oras nang patayin siya. Tiningnan din namin kung may fingerprints sa murder weapon, pero wala kaming nakita. Any ideas?"

Itinaas ni Loki ang hintuturo niya. "The girl outside who had found the body didn't kill the unfortunate victim. If she did, some splatters of blood should have been on her school uniform. I have serious doubt that she could change her bloodstained clothes and dispose of them in a short time."

"So posibleng tama ang sinabi ng babae na baka ang ex-boyfriend nga ang nasa likod nito?" tanong ko.

"Possible." Yumuko siya sa mesa at sinuri ang mga bubog. "Judging by the multiple stab wounds that the victim's body sustained, the killer must have a deep grudge against her. Having a broken heart can be a vicious motive for murder."

"Ipinakuha ko ang logbook na hawak ng guard na naka-duty ngayong hapon." Sunod na iniabot sa amin ni Inspector Estrada ang photocopy ng isang page. Nakasulat doon ang listahan ng mga pangalan, contact number, at person-to-visit, pati ang time-in at time-out. Nandoon din ang pangalan ko. "Kung nangyari ang krimen sa pagitan ng alas-kuwatro at alas-singko, may tatlong pangalan diyan na pasok sa time frame at ang person-to-visit ay si Janine."

"Have you already contacted them?"

"Ipinatawag ko na sila para malaman natin kung isa sa kanila ang salarin. On the way na sila rito."

Iniwan muna kami ni Inspector Estrada kasama ang iba pang pulis na kumukuha ng retrato at nagtse-check ng fingerprints sa mga furniture. Abalang-abala naman si Loki sa pagsuri sa baso ng tubig at sa mga bubog sa ilalim ng mesa.

Dala ng curiosity, yumuko rin ako para i-check kung ano ang tinitingnan niya roon. Bigla akong nakaramdam ng continuous vibration mula sa aking bulsa. Inilabas ko ang phone ko at tiningnan ang pangalan o number ng tumatawag.

Dad is calling . . .

I rolled my eyes and slid my phone back inside my pocket. Mukhang nasa apartment na siya ngayon, malamang umiinom ng favorite niyang chamomile tea. Hindi pasensyosong tao si Papa kaya aalis na rin siya mayamaya.

"Aren't you gonna answer that call?" Isinawsaw ni Loki ang daliri niya sa basong may laman na tubig. Ano ba'ng ginagawa niya?

"Mas mabuti kung iisipin niyang busy ako kaya hindi ko nasagot ang tawag niya," sagot ko habang pinagmamasdan ang mga bubog sa sahig. "At saka dapat focused ako sa ginagawa natin ngayon."

"Then what can you say about this glass of water?" Tumayo na siya at itinuro ang baso na kanina pa niya pinagkakaabalahan.

Ginaya ko ang ginawa niya kanina at isinawsaw ang daliri ko sa tubig. Naramdaman kong malamig pa 'yon kahit walang yelo at hindi nakabukas ang aircon. Sunod kong tiningnan ang mga bubog sa sahig. Mukhang may nakasagi sa isa pang baso kaya nahulog at nabasag 'yon.

"Your thoughts?"

Ch-in-eck ko ang laman ng maliit na refrigerator na nasa kusina ng unit. Binuksan ko ang freezer at napansin ang ice cube mold sa loob. Kalahati sa mga square nito ang wala nang laman.

"Nilagyan ni Janine ng ice cubes ang dalawang baso ng tubig at ipinatong ang mga 'yon sa mesa. Nalusaw na ang inilagay niyang yelo, pero malamig pa rin ang tubig sa baso. 'Tapos may nakasagi sa isang baso kaya nabasag at nagkalat ang mga bubog dito."

"That much is obvious. What else?"

"Meron siyang inalok ng tubig—posibleng ang killer—bago siya pinatay nito."

"Why would she offer a glass of water to a person who had the intention of killing her?"

Napaisip ako sa punto niya. Bakit nga ba?

"Tell me, would you let someone in your room and offer him a glass of water?" Hinawakan niya ang baso at itinapat sa mukha ko, parang inaalok niya akong inumin 'yon. "Would you also make the effort of putting ice cubes in it?"

"No, not unless you know that someon—" Nanlaki ang mga mata ko. "I get it! Kakilala niya ang pumatay sa kanya!"

"We have little to no doubt about that angle." Ibinalik niya ang baso sa mesa bago tumingin sa labas ng unit. "The question is, who among her three visitors would she most likely let inside her room and offer a glass of water?"

Inilagay na ng mga pulis sa stretcher ang bangkay ni Janine at tinakpan ng itim na kumot. Sumunod ang pagdating ng tatlong lalaking estudyante na kung hindi ako nagkakamali ay mga suspek sa pagpatay sa kanya. Hindi sila hinayaan ng pulis na tumapak sa crime scene kaya hanggang sa hallway lang sila.

The first boy did not have any tinge of emotion on his face. Kung sinabihan siyang patay na si Janine, kahit paano naman siguro'y makararamdam siya ng pagkabigla at lungkot. Pero kahit anong hint, hindi ko makita sa mukha niya. Puwede ring magaling siyang magtago ng emosyon.

The next boy was sobbing as his teary eyes looked inside the unit. Kitang-kita ang kanyang pagdadalamhati dahil halos hindi na maipinta ang mukha niya. Tinanggal muna niya ang kanyang salamin at pinunasan ang mga matang patuloy na lumuluha.

The last boy almost passed out when he saw the blood on the wall and floor. Paulit-ulit siyang umiling at bumulong ng "Bakit? Bakit nangyari 'to sa kanya?" Tumulo ang ilang luha mula sa namumugto niyang mga mata.

"Walang hiya ka!" Sinugod ng babaeng nakakita sa bangkay ni Janine ang lalaking muntik nang mahimatay at sinubukang kalmutin ang mukha nito. "Alam kong ikaw ang may gawa nito! Bakit mo pinatay si Janine, ha? Sumagot ka!"

Bago pa niya masugatan ang mukha ng lalaki, inawat na sila ng mga nakabantay na pulis.

"Mamatay man ako ngayon, Eunice, hindi ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ng lalaki. "Paano ko magagawang patayin ang taong mahal ko, ha?"

"By stabbing her multiple times," bulong ni Loki habang nakatingin sa ibang direksyon. Minasamaan ko siya nang tingin para patahimikin siya. Halos magkagulo na nga, balak pa yata niyang makisali.

"Christopher Bautista, tama?" tanong ni Chief Estrada sa matipunong lalaki. "Ayon sa roommate ng biktima na si Eunice, may motibo ka raw para patayin si Janine. Pinipilit mo siyang makipagbalikan sa 'yo kahit ayaw na niya."

"Dahil lang doon?" Halos nagsalubong ang mga kilay ni Christopher. "Napakababaw namang dahilan! Porke't ayaw na niyang makipagbalikan sa 'kin, papatayin ko na? Kung may dapat kayong pagsuspetsahan, tanungin n'yo si Richmond o kaya ang mokong na 'to!"

Una niyang itinuro ang lalaking nakasalamin bago ang lalaking walang kibo.

"Si Richmond Montero?" Tumingin ang chief sa kopya ng logbook para i-confirm ang nabanggit na pangalan. "Meron ba siyang motibo para patayin si Janine?"

"Close friends kami ni Janine mula pa noong elementary," paliwanag ng lalaking tinawag ng inspector. Matapos punasan ang salamin, muli niyang isinuot 'yon. Huminto na rin siya sa paghikbi. "Kung may misunderstanding man kami, pinag-uusapan namin. Hindi ko idaraan sa brutal na paraan."

Napangisi si Christopher. "Close friends, huh? Hindi ba't umaaligid ka na sa tabi niya noong kami pa? Abangers ka, eh! Naikuwento sa 'kin ni Janine last week na nag-confess ka raw ng feelings mo sa kanya. Ang kaso, the feeling is not mutual kaya nganga ka."

"Sinasabi mo bang posibleng pinatay ni Richmond si Janine dahil hindi ini-reciprocate ng biktima ang nararamdaman nito?"

"Oo, nagtapat nga ako kay Janine noong nakaraang linggo!" pagkumpirma ni Richmond, bahagyang tumaas ang boses. "Pero friendship lang talaga ang mao-offer niya. Satisfied na ako ro'n. Masaya nga ako na hindi naging awkward ang friendship namin mula nang nag-confess ako sa kanya."

Sunod na humarap ang inspector sa lalaking kanina pa walang reaksyon. "At paano naging involved si David Florencio rito?"

"Naikuwento sa 'kin ni Janine na may sumusunod daw sa kanya mula pagpasok niya ng school hanggang sa pag-uwi niya rito. Stalker, kumbaga," paliwanag ni Christopher, pasulyap-sulyap sa lalaking tinutukoy niya. "Last week, nakita ko ang lalaking 'to na nakabuntot sa kanya. Not only once, but thrice! Posibleng siya ang pumasok sa kuwarto ni Janine at pumatay sa kanya dala ng obsession nitong si Mokong sa girlfriend ko!"

Hindi pa rin kumibo si David. Nakipagtitigan siya sa taong nag-akusa sa kanya. Heto na ang perfect opportunity para depensahan ang kanyang sarili, pero bakit pinalalampas niya?

Nilakasan ni Loki ang paghikab niya at kinusot ang mga nababagot niyang mata. "Can we now ask them why they visited the victim? I'm getting bored of this complicated romantic plot in the poor girl's murder."

"Naunang nag-log si David bandang 4:05," basa ni Inspector Estrada sa hawak-hawak na kopya ng logbook. "Ayon sa record ng guard, nag-out siya ng 4:21. Sapat na ang oras na 'yon para makapag-commit ng mabilisang krimen."

Noong una'y nag-alinlangan pang sumagot si David. Maybe he was hiding something. "Kasi . . . pumunta ako sa Room 404 para magpakilala na kay Janine. Oo, matagal ko na siyang sinusundan kahit saan siya magpunta. Ayaw ko nang magtago sa dilim. Ayaw ko na rin siyang takutin kaya naisip kong pumunta rito kanina."

"Then when you knocked, she opened the door for you, asked you to come in, and offered you a glass of water. And that's when you stabbed her multiple times?" Sa bilis ng pananalita ni Loki, parang nagra-rap siya.

"Hindi. Kumatok nga ako, pero hindi niya binuksan ang pinto. Alam kong nasa loob siya, kaso talaga yatang ayaw niya akong pansinin. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko naisipang umalis na."

Kahit ako siguro, hindi ko pagbubuksan ng pinto ang isang lalaking hindi ko kilala at laging nakabuntot sa akin. Tama ang ginawa ni Janine na hindi siya pansinin.

"Ang sumunod na nag-log noong 4:24 ay si Richmond." Mula sa kopya ng logbook, iniangat ng inspector ang kanyang tingin sa lalaking nakasalamin. "Ni-note ng guard na 4:40 ka umalis. Ano'ng ginawa mo sa labing-anim na minuto mo rito?"

"Galing ako sa gym bago ako nagpunta rito sa hostel," nagsimulang paliwanag ni Richmond. "May gagawin kasi kaming assignment ni Janine sa ICT subject namin. Nang kumatok ako, hindi siya sumagot. Ilang minuto rin akong naghintay, baka kasi may binili siya sa labas. After ten minutes, umalis na ako."

"At ang pinakahuli ay si Christopher na nag-log noong 4:44." Ibinaling ng inspector ang kanyang tingin sa matipunong lalaki. "Sa record ng guard, lumabas ka ng 4:59."

"Tinext ako ni Janine bandang 4:35 ng hapon." Ipinakita ni Christopher ang isang text message mula sa late ex-girlfriend niya. Gusto raw makipagkita ng biktima sa kanya para ayusin ang gusot ng kanilang breakup. "Nagmadali akong pumunta rito kasi gusto kong magkaayos kami. Nang kumatok ako, hindi niya rin ako pinagbuksan. Wala ring sumagot kahit ilang beses akong nagsisigaw at humingi ng sorry habang nakaluhod sa may pintuan. Naisip kong baka pinagti-trip-an niya ako kaya umalis na ako."

Kung gano'n, wala ni isa sa tatlong ito ang nakakita kay Janine noong oras na pumunta sila sa Room 404. Kung isa nga sa kanila ang salarin, iisa lang ang ibig-sabihin n'on: May isang nagsisinungaling sa kanila.

"Inspector, don't they have a security camera installed on every floor of the hostel?" tanong ni Loki habang nakatingala sa kisame. "If we check the footage, we can confirm whether they entered the victim's room or not."

Umiling ang inspector. "Tinanong na namin 'yan sa guard. Tanging sa lobby may security camera. Pero balak yata nilang maglagay sa susunod na buwan."

"How convenient for the killer!" Muling ibinaling ni Loki ang atensyon niya sa tatlo. "But unfortunately for him, I have an idea on who he might be."

Nanlaki ang mga mata ng dalawang suspek habang no response ang isa pa. One of them probably did not expect someone to find out the truth that quick.

"Just to reiterate the obvious, he's one of you three." Isa-isa niyang itinuro ang tatlong lalaki. "At the moment, I don't have a concrete proof against that person. But just give me a few more minutes, I'll expose what he did and how he did it. In the meantime, inspector, why don't you escort them to the lobby while waiting?"

When the some police officers escorted them to the elevator, I heard a scratching noise. Nakangingilo ang tunog. Napangiwi pa nga ako. Something sharp must have been stuck in the sole of their shoes.

Wait a minute. Kung ang sapatos ng isa sa tatlong suspek ang lumilikha ng kaluskos, posible kayang . . .

"So you heard it too, huh?" Loki looked at me sideways. Muli niyang itinuon sa tatlong suspek na papalayo ang kanyang tingin. "If our hunch is right, that's the evidence we can use against the culprit."

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Paano ka nakasisigurong pareho tayo ng iniisip? Ni hindi ko nga alam kung sino sa kanilang tatlo ang salarin. Do you mind telling me who he is?"

"I'm gonna ask again: Who among the three would Janine most likely let inside her room and offer a glass of water?" As usual, ayaw niyang i-share agad sa akin ang sagot. Gusto niya munang pasakitin ang ulo ko. "There's only one thing that bothers me. Janine did something out of place, something that she couldn't have done. Unless, of course, it wasn't Janine who did that thing."

Hindi na kami nagtagal sa fourth floor at sumunod na kami sa baba. Sabay na kaming sumakay ng elevator at sandaling natahimik. Nadatnan namin ang tatlong suspek na nakaupo sa couches ng lounge. Nakayuko si Christopher, magkadikit ang mga kamay na parang nananalangin. Nanginginig ang mga binti ni Richmond at parang hindi mapakali. Si David naman, wala pa ring reaksiyon at nakatingin sa malayo.

Nilapitan kami ni Inspector Estrada at bumulong, "Ano? May nakita ba kayong ebidensiya na magpapatunay na isa sa kanila ang pumatay sa biktima?"

"We don't have any evidence against the culprit." Umiling si Loki, dahilan para mapapikit ang inspector. "Don't be disappointed. I said we don't have it because the culprit's still in possession of it."

"T-Talaga?"

"Shall we draw the curtain of mystery and put an end to this case?"

Tumayo sa harapan ng tatlong suspek si Loki at inilagay sa likod ang mga kamay niya. Maging ang mga nakaabang na officer ay nalingon sa kanya. "Sorry for waiting. Now is the moment of truth."

"Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa! Sabihin mo na kung sino ang pumatay kay Janine!" sigaw ni Christopher. "Sisiguruhin kong gagapang palabas ng building na 'to ang lalaking 'yon!"

Loki ignored him and continued with his show. "Before I reveal who the culprit is, I want you to think about this question: Who among you three would Janine most likely let inside her room and offer a glass of water?"

Nagkatinginan ang tatlo, may pagtatakang nakaukit sa mga mukha nina Christopher at Richmond habang walang pagbabago sa itsura ni David. Nagbulungan din ang ilang pulis sa paligid namin.

"Kung gagawing basis ang mga statement namin kanina, hindi binuksan ni Janine ang pinto nang kumatok kami," tugon ni Richmond. "Wala siyang na-offer-an ng tubig sa amin."

"One of you lied earlier," Loki countered. "One of you stood in front of Janine's room and knocked on her door. She let that person in, unaware of what that person was capable of. Who could it be?"

Tikom ang kanilang bibig. Wala ni isang sumagot sa kanila. Nakakunot ang mga noo nina Christopher at Richmond habang no reaction si David.

"Could it be David Florencio, the suspicious stalker who had been following her?" tanong ni Loki sabay turo sa lalaking hindi natinag nang binanggit ang pangalan niya. "No. Janine might be aware of your presence, but she didn't know anything about you. So would she open the door to a stranger, let you in, and offer you a glass of water? No."

Nanatiling walang reaksyon ang mukha ni David, hindi ko tuloy masabi kung nakahinga na siya nang maluwag.

"Maybe it's Christopher Bautista, the ex-boyfriend?" sunod niyang itinuro ang lalaking nagbato ng nasorpresang tingin sa kanya. "Yes, possibly. But considering what happened the past few days—your breakup and what you attempted to do to her—she wouldn't even think of inviting you in. She'd rather tell you to go to hell."

"Pero bakit nag-send siya ng text message sa 'kin kanina? Ang sabi niya, gusto niyang pag-usapan ang nangyari?"

"That's a trick used by the culprit to make us think that Janine was still alive by the time she sent you that message, around 4:35." Almost everyone in the lobby gasped. "That's right. The culprit is none other than the person who went to Janine's room between 4:24 and 4:40—her best friend, Richmond Montero."

Lumingon ang lahat sa lalaking nakasalamin. Napalunok pa siya ng laway habang namulagat ang mga mata at ilang beses na umiling. "H-Hindi! Nagkakamali ka! Hindi totoo 'yan!"

"Among the three of you, you're the only one in good terms with Janine," paliwanag ni Loki nang hindi nilulubayan ng tingin ang salarin. "As what you've said earlier, you are her close friend and your relationship didn't turn sour even after you've confessed your feelings to her. There's no doubt that she would open the door for you, let you in, and offer you a glass of water."

"Kung totoo nga 'yang paratang mo, bakit ko siya papatayin?" tanong ni Richmond, may namumuo nang pawis sa noo niya. "Basta-basta ko na lang siyang sasaksakin nang walang dahilan?"

"What if nakita mong opportunity ang breakup nila ni Christopher?" Hindi ko na napigilang sumingit. This was just a guess, pero heto ang most likely motive na naisip ko. "Inakala mo siguro na puwede ka nang pumapel bilang boyfriend sa buhay ni Janine. Ang kaso, kahit break na sila, hindi niya kayang i-reciprocate ang feelings mo dahil wala siyang nararamdaman para sa 'yo. Posibleng nagdilim ang paningin mo, kumuha ka ng kutsilyo at paulit-ulit siyang pinagsasaksak."

"Walang-hiya ka!" Susuntukin na sana ni Christopher sa mukha si Richmond pero mabilis siyang inawat ng mga pulis. Nagpumiglas pa siya kaya kinailangan na niyang i-restrain. "Sisiguruhin kong wasak 'yang mukha mo, ha! Naririnig mo ba ako?!"

Ipinikit ni Richmond ang kanyang mga mata, tila pinakakalma ang sarili. Nang muli niyang iminulat ang mga 'yon, sinabayan niya ng ngiti. "Magandang ideya 'yan para sa isang mystery novel. Sige, for the sake of discussion, sabihin na nating ginawa ko 'yon. Nasaan ang ebidensiya n'yo?"

Tumuro sa kanya si Loki. "It's on you."

"Hmm?" Umangat ang isang kilay ni Richmond. "Ano'ng ibig mong sabihin? Paanong nasa akin?"

"Take off your shoes and show the soles to everyone in this lobby," utos ni Loki.

"Paano mapatutunayan ng pagtanggal ko nito na ako ang salarin?" Nakangiti pa si Richmond habang tinatanggal ang kulay itim niyang sapatos. "Umaasa ba kayo sa hula n'yo? Ang akala ko pa naman, matatalino kayo."

Nang iniharap niya sa amin ang suwelas ng kanyang sapatos, nakita naming nakaipit doon ang maliit na bubog, katulad ng nasa unit ni Janine sa itaas.

"After killing Janine, you accidentally stepped on a shard of glass near the table." Hinablot ni Loki ang kanang sapatos mula sa salarin at ipinakita 'yon kay inspector. "You were in a hurry so you didn't notice. When the police asked you to come here, you weren't allowed to enter the room so how did this shard get in here?"

"Teka, Loki!" hirit ni Inspector Estrada. "Kung siya nga ang pumatay kay Janine, dapat may mga bakas ng dugo sa damit niya, tama? Bakit walang napansing kakaiba ang guard noong lumabas siya ng hostel? Siguradong mapapansin ng guard ang kakaibang mantsa sa damit niya."

"He changed his clothes." Itinuro ni Loki ang suot ni Richmond. "He said he went to the gym earlier, so he must have brought extra clothes with him. If the shard stuck in the sole of his right shoe isn't enough, I suggest that you review the security footage in the lobby by the time he went in and went out. You'll notice the change in his clothes. You can also run a luminol test on his shoes to check if it has any traces of blood."

Ngayong na-corner na siya ng reasoning ni Loki, wala nang ibang choice si Richmond kundi ang umamin. Tumingala muna siya, ipinikit ang mga mata, at saka ilang beses na huminga nang malalim. Nang ready na siya, doon na niya inamin ang lahat.

C-in-onfirm niyang tama ang nabanggit kong motibo kung bakit niya pinatay si Janine. Hindi niya natanggap na ayaw pa rin siyang i-consider bilang potential boyfriend. Doon na niya nagawa ang karumal-dumal na bagay na 'to. Nang nahimasmasan na siya, nakaramdam daw siya ng guilty. He thought of turning himself to the police, but he was worried that his family would be caught in a scandal. So he chose to not admit the crime.

With that, another case was solved and closed.

"Talagang maaasahan ko kayong taga-QED Club!" Paulit-ulit na tinapik ni Inspector Estrada ang kaliwang balikat ni Loki 'tapos pinasalamatan niya ako. "Malaki na ang utang namin sa inyo."

"By the way, inspector, do you have any update on the missing chemicals in the chemistry lab?" tanong ni Loki, naging seryoso ang mukha at tono niya.

"According sa property custodian, ilang bote ng sodium hydroxide ang nawawala. Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit interesado ang isang estudyante sa chemical na ginagamit bilang drain cleaner."

"Sodium hydroxide . . ." bulong ni Loki, naningkit ang mga mata at napahawak sa chin. "What does M plan to do with that chemical compound? Is the drain in their house clogged?"

"I-inform kita kapag may bagong impormasyon kaming nalaman. Mauna na kami sa inyo. Kailangan pa naming kunin ang confession ni Richmond sa station."

Nagpaalam na si Inspector Estrada bago lumabas ng hostel kasama ang iba pang pulis. Richmond was escorted out of the building along with the two other suspects.

Inilabas ko ang aking phone para i-check kung anong oras na. It's already six in the evening. Hindi na rin tumawag si Papa sa akin o nagpadala ng text message. Why should I be surprised? Malamang noong hindi ako sumagot sa call niya, agad na siyang umalis sa apartment. He got little to no patience for waiting.

"Shall we get going? It's getting dark." Nagawi ang tingin ni Loki sa glass entrance kung saan kita ang labas ng hostel. Lumubog na ang araw at dumidilim na ang kalangitan. The moon peeked behind the gray clouds and the stars flickered their lights.

Palabas na sana kami nang bigla akong huminto. Oo nga pala! Naiwan ko ang aking bag sa unit ni Rosetta.

"Teka! Magpapaalam muna ako sa classmate ko." Ni hindi ko man siya nasabihang tutulong ako sa pag-solve ng murder sa room malapit sa kanya. "Baka hinahanap na niya kung saan ako nagpunta."

"Oo nga e! Ang sabi mo, may titingnan ka lang sa labas."

Lumingon ako sa likuran nang narinig ko ang boses niya. Saktong lumabas siya sa elevator habang bitbit ang handbag ko. Lumapit siya sa akin na parang model na rumarampa sa runway. Nag-bounce ang mahaba niyang buhok sa bawat hakbang.

"R-Rosie, n-nandyan ka pala!" nauutal kong tawag. Lagot! Kapag nakita niya kaming magkasama ni Loki, baka magkaroon siya ng maling idea! "S-Sorry kung hindi ako nakapagpaalam. Hindi ko rin kasi namalayan ang takbo ng oras."

"Hindi mo rin sinabi sa 'kin na member ka na pala ng QED Club." Lalong lumawak ang ngiti niya bago iniabot ang aking gamit. "Kaya pala ayaw mong sumali sa Paranormal Club."

Mula sa akin, nalipat ang tingin ni Loki kay Rosetta. "Who's this girl?"

"She's my classmate, Rosetta Rodriguez," pagpapakilala ko. "Nasa unit niya ako kanina, gumagawa ng assignment sa General Mathematics bago mo ako c-in-ontact."

"Hi! You can call me Rosie!" masiglang bati ni Rosetta na sinabayan pa ng kaway. "Ikaw pala ang president ng QED Club? Nice to meet you! Marami na akong narinig tungkol sa inyo. By the way, kung kailangan n'yo ng photos for documentation, meron ako rito sa phone ko."

"Photos?" Halos magdikit ang kilay ko.

"Secretly akong nag-take ng photos n'yo habang nasa hallway kayo at kinakausap ang mga suspek kanina." Ipinakita ni Rosetta ang photos na naka-flash sa phone screen niya. "Balak kong i-submit 'to sa CHS Confessions para malaman nilang nag-e-exist ang club n'yo at pwede kayong lapitan. Promotion, kumbaga."

"Teka, huwag mong ipapo-post ang mga 'yan!" Ewan, pero ayaw kong may makakitang magkasama kaming dalawa ni Loki sa ilang photos. Baka gawan pa kami ng tsismis at maging topic kami ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay.

"It's perfectly fine with me." And here I thought Loki would be against it! "I don't like where the CHS Confessions page is heading, but I admit that they have the following. If their followers—who are mostly students—see us in action, we can attract more clients in the coming days. Maybe we can also promote Lorelei's blog about our cases."

"May blog ka, Lori? Bakit 'di mo sinasabi sa 'kin? Eh 'di sana may binabasa ako sa free time ko!"

Umiwas ako ng tingin at napakamot ng pisngi. "Nahihiya kasi ako."

"I don't wanna owe anyone a favor, but we may owe you one if you'll do exactly what you've said," dagdag pa ni Loki. "We need all the help that we can to promote the club."

"Sure! My pleasure!" masayang tugon ni Rosetta.

Sinubukan kong magprotesta dahil hindi pa ako ready na mabasa ang blog ko ng ibang estudyante. Pero mukhang buo na ang isip ni Loki. Mababalewala lang ang reklamo ko kaya pinili kong manahimik sa tabi. Wala akong nagawa kundi bumuntonghininga.


SIX-THIRTY na kaming nakauwi sa apartment. For the second time, sabay na naman kaming umuwi ni Loki. Bago binuksan ang gate, ch-in-eck ko muna kung may naka-park na itim na kotse sa tabi. No such vehicle was in sight kaya posibleng umalis na nga si Papa.

Pagpasok sa unit, bumungad sa amin si Tita Martha na inaayos ang mga pagkain sa mesa. Mukhang galing sa mamahaling restaurant ang mga nasa plato at mangkok.

"Lori! Naghintay sa 'yo ang papa mo kanina," malungkot na bati ni Tita. Dumeretso na si Loki sa kuwarto niya habang nagpaiwan ako sa sala. "Sinabihan ko siyang hintayin ka kasi baka may ginagawa ka pa sa school. Kaso kailangan na raw niyang bumalik ng Manila ngayong gabi."

I was not surprised anymore. Himala kung hihintayin niya talaga akong dumaring. "Pasensya na, Tita. Medyo busy kami sa school."

"O, kumain na kayo ni Loki! Dala ng papa mo ang mga 'yan kanina." Nagtungo na sa pintuan si Tita. Bago siya lumabas, lumingon muna ulit siya sa akin. "Siya nga pala, may iniwan ang papa mo sa kuwarto mo."

"I hope it's not a bomb," bulong ko bago binuksan ang pinto ng aking kuwarto. Bumulaga sa akin ang malaking teddy bear na nakaupo sa aking kama at nakatitig sa direksyon ko. Parang hinihintay nito ang aking pag-uwi.

That was the teddy bear that my mom had bought me when I was a child. Lagi ko 'yang kasama kapag natutulog ako noon. Laging sinasabi ni mama na poprotektahan ako niyan mula sa monsters tuwing gabi.

Nilapitan ko ang dambuhalang stuffed toy. Hinawakan ng mga nanginginig kong kamay ang malalambot nitong braso. I bit my lower lip as my eyes started welling up with tears. Tinitigan ko sa mata ang luma kong laruan. Was this why he brought this here? To emotionally torture me?

I'm not a child anymore, dad! I mustered all of my strength as I lifted the teddy bear and threw it out of my room.

"Ouch!" daing ni Loki mula sa sala. Oops! Mukhang natamaan siya nang hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na nandoon pala siya! "Where the hell did this bear come from?"

"Sorry!" sigaw ko mula sa aking kuwarto. Lumabas ako para i-check kung kumusta siya. "If you want it, you can have it."

"You have no idea how many children wanna have a teddy bear as cute as this one." Binuhat niya ang stuffed toy sa kanyang harapan. "Then here you are, throwing it out like a piece of trash. It must not have been easy for your father to bring this huge bear all the way from Manila to our apartment."

"Are you sympathizing with my dad?"

"No, I'm sympathizing with the innocent teddy bear. He didn't deserve to be thrown out like what you did."

Dahil sa sinabi niya, nakaramdam tuloy ako ng guilt. May point naman kasi. Hindi 'yon deserve ng laruang nakasama ko mula noon pang bata ako. Nadamay ko pa siya sa issues ko kay papa.

"Okay, give it back to me," utos ko sa kanya.

He wrapped his arms around the teddy bear's soft body. "You said a minute ago that I can have it if I want it. I want it. It's mine now. Wala nang bawian."

Sinubukan kong kunin sa kanya, pero mahigpit ang pagkakayakap niya sa katawan nito. I was worried na baka matanggal ko ang isang braso ng stuffed toy kaya binitawan ko na.

"Fine, it's yours." Pumalatak ako bago tumalikod at muling pumasok sa kuwarto. Was he just messing with me or did he seriously want to keep it? Maybe he did not have one when he was a child.

Ipinaubaya ko na kay Loki ang dati kong teddy bear. He looked cute together with it.

q.e.d.


Project LOKI Volume 1 (Collector's Edition) is still available on PSICOM Publishing's Shopee and Lazada stores for only ₱650. The package includes (1) book with author's signature, (2) bookmarks, (2) postcards, (2) sticker pads, and (1) magnetic bookmark.

Get in touch with AKOSIIBARRA (R.C. MUSNI) on social media:

Facebook: Cris Ibarra / Akosiibarra
Twitter: @akosiibarraWP
Instagram: @akosiibarraWP
Tiktok: @akosiibarraWP
YouTube: @akosiibarra

Like or follow Project LOKI on social media:

Facebook: Project LOKI
Twitter: @TeamProjectLOKI

Join the official group for AKOSIIBARRA and Project LOKI readers on Facebook:
www.facebook.com/groups/theqedclub or The Q.E.D. Club (Project LOKI)









Continue Reading

You'll Also Like

24.6M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
4.7M 189K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...