The Bad Boy's Obsession

By iorikun

9.7M 173K 15.3K

College student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of O... More

The Bad Boy's Obsession
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Huling Kabanata (Part One)
Huling Kabanata (Part Two)
Huling Kabanata (Part Three)
Wakas

Kabanata 2

259K 4.6K 310
By iorikun

KABANATA 2

It's only 7:30 AM at gising na ako. Gising na rin ang diwa ko pero nakahiga lang ako sa kama ko. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa ceiling ng kwarto ko.

I'm looking at it like it's the most interesting thing right now. But I was actually having a hard time to sleep. It has always been like this.

Isang buwan na rin ang lumipas simula nung lumipat kami ni Mama. Naninibago pa rin ako sa sitwasyon ng magulang ko. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Naninibago akong buo ulit ang pamilya ko. Am I happy? I should be grateful about it, right? Since I’m unlike those more unfortunate teenagers who don't have parents.

Gosh, I just wish I'll overcome this right away para mas madali. Nahihirapan na ako. I've been overthinking things regarding my parents. Parang lagi kong hinihintay na may maling mangyayari. I've been waiting for the price of this happiness…or maybe, I'm just too traumatized.

Hindi ako sanay na masaya lagi si Mama. Na magkasama sila at hindi nag-aaway. Na nabibigyan na ako ng atensyon mula sa mga parents ko. It's too good to be true.

Araw-araw, laging may tumutulak sa ‘kin na umuwi na pabalik sa mga lolo at lola ko. I'm very much at ease when I'm with them. How I missed them so much. Lagi nga akong tumatawag para lang kumalma ako noong unang linggo ko dito. I want their comfort—that everything will be all right with us.

Napapikit ako nang mariin dahil sa sakit ng ulo. Ilang araw na akong kulang ang tulog. Lagi akong nagigising ng alas 3 ng madaling araw hanggang sa hindi na ako makatulog. Just like now, alas siete ng umaga umabot ang pagpupuyat ko.

I feel like floating now.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Bumangon ako at tumingin muna sa salamin bago buksan ang pinto. I already know who's knocking—nakangiting si Mama ang sumalubong sa ‘kin.

Right now, ito na ang naging routne niya: ang katukin ako at gisingin ng alas siete. Dati naman, kahit may pasok ako, hindi niya ako ginigising. Laging nakakulong sa kwarto. Nasisilayan ko lang siya kapag kakain. Swerte pa nga na pansinin niya ako isang beses sa isang linggo.

Kaya naninibago ako sa ugali niya.

"Oh, anak, gising ka na pala. Tara, sabayan mo na kami ng Papa mong kumain," nakangiting sabi ni Mama.

Maraming nagbago kay Mama simula nung lumipat kami kay Papa. Palagi silang nagkukulitan, naglalambingan, at minsan naaabutan ko pa sila sa sala na nakakatulog sa kapapanood ng TV.

Masaya ako para sa mga magulang ko. Nararamdam kong bumabawi sila sa isa’t isa. Kahit na pinipilit kong maging masaya para sa kanila... ‘di ko magawa.

I don't know. Nandito pa rin ang tampo na narararamdam ko sa mga magulang ko e. Sa tagal kong inasam kung paano ba maalagaan ng isang Papa o kahit man lang Mama ang isang katulad ko, parang natupad ang matagal ko nang pangarap—noon. Pero, nawala rin naman ang ‘pag-asa ko na mangyayari yun. Akala ko habangbuhay na kaming ganun ng Mama ko.

I gave her a timid smile. I feel like I’m facing another person. Parang nahihiya ako kapag nagiging ganito siya.

"Sige po, Ma, mag-aayos lang po ako. Susunod na lang po ako," sabi ko at pilit akong ngumiti. Nakita kong medyo napawi ang ngiti niya at tumango.

"Nak, may problema ba?" nag-aalalang tanong sa ‘kin ni Mama.

Umiling ako bilang tanggi.

"Wala po, medyo masakit lang po yung ulo ko," pagsisinungaling ko na may kaunting katotohanan naman.

Biglang sumilay ang ‘pag-aalala sa mukha niya. Gusto kong matuwa dahil ilang taon ko nang hindi nakikita ang kanyang mukha na may ‘pag-aalala sa ‘kin.

Napapikit ako nang haplusin niya ang pisngi ko bago kinapa ang noo ko.

"Hindi ka naman masyadong mainit. Uminom ka na ba ng gamot? Teka, kukuhanan kita," mabilis niyang sinabi at akmang kukuha na siya ay hinawakan ko siya sa kamay para pigilan.

"‘Wag na po, Ma. Hindi naman po malala tsaka nakainom na po ako ng gamut," malumay kong sinabi.

"Ganun ba, anak? Sige, baba ka na lang huh? Hintayin ka namin ng Papa mo para sabay na tayong tatlong mag-breakfast," she smiled. "O gusto mo, dalhin ko na lang dito ang pagkain mo?" tanong niya ulit.

"‘Wag na po. Baba na lang po ako," pagtanggi ko.

"Okay, sige, anak…" mahina niyang sabi.

Anak. It was a heartwarming feeling to be called by her like that.

Tumango ako at sinara na ang pintuan.

Sumandal muna ako sa pintuan nang magsimulang tumulo na naman ang mga luha ko. Matagal na akong nangungulila sa ‘pag-aaruga ng isang ina, sa ‘pag-aaruga ni Mama. Nakakalungkot isiping kailangan ko pang maghintay ng labing-limang taon bago niya maparamdam sa ‘kin ang pagiging ina niya ulit.

Pa’no pala kung hindi na sila nagkabalikan ni Papa?

Hindi ko na rin ba mararamdaman ang alaga ng isang ina? Iba pa rin ang alaga ng isang ina sa Lola't Lolo ko, pero kelan man ‘di ko naramdaman ang halaga ko sa kanya.

Marahan kong pinahid ang luha ko at dumiretso sa banyo at nag-ayos. Napatigil ako sa pagpunas ng aking mukha at tiningnan ang sarili ko sa harap ng salamin.

I saw my reflection. My sapphire blue eyes stared back at me which was something I inherited from my father who's half-American. Habang kay Mama ko naman, namana ko ang puti kong balat at ang kulay tsokolate kong kulot na buhok.

Marami na ang nagsabi sa ‘kin na maganda ako, pero hindi ko na lang ito pinapansin. Madami ring nanligaw sa school namin...but, I never entertained them. I was never interested with such things. Siguro, dahil lunod ako sa family issue ko.

Kaya ‘di maiwasang mainis ang mga babae sa school ko dati. They always bully me at pinagsasabihan ng mga masasakit na salita. Malandi raw ako, na I liked the attention that the boys gave me.

Kahit hindi ko man pansinin ang mga sinasabi nila talagang masakit pa rin para sa ‘kin. No matter how you say okay lang, it's not. Kasi tao ka lang, talagang masasaktan at masasaktan ka talaga... no matter how strong you are.

That's why I never gained friends sa dati kong school. Except sa mga neighbors ko. They're all nice and friendly kaya naman nalungkot ako nang sabihin ni Mama na magkabalikan na sila ni Papa and he wants us to live with him again.

That means I have to face new people again. I can never tell if they'll be nice or just be like the ones in my school.

It sucks. My life sucks.

I shook my head at pinagpatuloy ang pagpunas sa basa kong mukha. I brushed my teeth and showered after. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako para saluhan silang kumain.

Naabutan kong masayang nag-uusap sila Mama at Papa habang kumakain ng agahan. Nagtatawanan pa sila. I feel left out.

Sabay nila akong niyayang kumain pagkakita sa ‘kin. Alagang-alaga pa si Mama sa pagkain ko at ganun din si Papa. Nagdagdag pa siya ng pagkain para sa ‘kin.

They continued talking happily after that, habang nanatili lang akong tahimik at mabagal na nginunguya ang pagkain.

"By the way, princess, anong year ka na pala ngayon?" 

Napatigil ako sa pagkain nang balingan ako ng pansin ni Papa.

Tumigil ako sa pagkain at tumingin kay Papa. Napaisip ako sa sinabi niya. Isang linggo na lang pala at pasukan na ulit.

Hindi ko na pala namalayan.

Ganun ba ako sobrang kalungkot na hindi ko na namalayan ang panahon?

"It's my third year in college, Pa," tugon ko at nagpatuloy lang ulit sa pagkain.

"Really?" he asked in shock. Kita ko sa gilid ng mata ko na sandali itong natigilan, pati rin si Mama.

Of course, he doesn't know. I bet he doesn't even know how am I now. What my faves are, what are my likes and dislikes. He was never updated about me. Pati nga siguro si Mama kaya ganun din ang reaksyon niya.

"What is your course again, anak?"

"Education po."

"Oh..." He trailed off before smiling. "Then we should enroll you to Osmium University; it's a good school. Doon din ako nag-college, anak," sabi ni Papa.

Yeah, right. I bet, hindi ako magkakaroon ng kaibigan doon. It sounds tiring already.

"Kayo pong bahala, Pa," tugon ko.

Nakita ko namang tumango-tango lang si Mama sa pinag-usapan namin ni Papa.

"Great, I'll call my secretary to enroll you tomorrow," sabi ni Papa at ngumiti.

Yeah, sure. Whatever you want.

"Oh! We should go shopping for your school supplies later, Christie. Right hon?" excited na sabat ni Mama.

"Sure, honey, the uniform is not a bother. ‘Di mo na kailangang magpatahi. They have a branch at the mall nearby. You can just buy them," pagsang-ayon ni Papa.

Wow, Osmium has its own store branch? Ang yaman siguro ng school na 'yun. I wonder what it looks like?

"Christie, just prepare later. We'll go shopping, okay?" tanong sa ‘kin ni Mama.

Tumango na lang ako at nagpatuloy lang sa pagkain.

New school? Yeah, right.

I'm not ready to face new bullies again. I bet they're all the same again. I just wish I'll have a normal college experience there. Sana naman, kahit isang kaibigan lang. I hate being alone.

Sana maging maganda ang simula ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.1M 119K 64
JAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga...
46.5K 1.6K 15
PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES SINGLES. "She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how ba...
16.8M 293K 71
Dmitri Montreal ~ Eliza Lopez Highest Ranking: #2 in General Fiction Feb. 09, 2017 - #17 in General Fiction. Feb. 10, 2017 - #16 in General Fiction F...
1.3M 35.9K 50
Highest Rank: Number 5 in Teenfiction -- Amber Tuazon, ay tinatawag ng mga lalake na Hot Chick. Siya ay di maikakailang sexy at maganda sakabila ng m...