Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XIII: What we had

161K 5.6K 4.4K
By Serialsleeper

CHAPTER XIII:

What we had

DANA

"Cielo... Cielo where's Harper?"


Hindi umimik si Cielo. Nanatili lamang na nakayuko ang ulo niya habang nakatitig sa sahig na tila ba ayaw na itong pag-usapan. Sa totoo lang gusto kong mainis sa kanya, hindi ko na kasi siya maintindihan. Pinipilit kong intindihin siya pero hindi niya ako binibigyan ng rason.

Pero sa kabila ng lahat, hindi naman siguro niya pinabayaan si Raze o si Harper diba? Wala naman sigurong basehan kung pag-iisipan ko siya ng masama, after all, siya parin si Cielo... Si Cielo na kaibigan at kasangga ko mula pagkabata.

"S-sinusundan ko si Harper pero biglang may sumulpot na isa sa kanila. Hindi ko na alam... N-nagkahiwalay kami... I heard her scream..." Nanlulumong sambit ni Cielo gamit ang boses niyang namamao kaya naikuyom ko na lamang ang kamao ko sa pag-asang titigil ang luha ko sa pag-buhos.

Nawala na nga sakin ang mga magulang ko, ngayon nawalan na naman ako ng kaibigan. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Oo nga't may mga masasamang tao rin dito sa Drayton pero hindi naman siguro kaming lahat ang nararapat sa parusang 'to?

"Dumudugo parin ang ulo mo." Nag-aalalang sambit ni Axel habang nakatingin kay Cielo. Dali-dali niyang tinanggal ang backpack niya pero bigla siyang pinigilan ni Shem.

"'Wag mo muna siyang gamutin dito. Delikado tayo dito." Giit ni Shem kaya agad nakunot ang noo ko at dali-dali kong pinunasan ang luha ko, gaya ng dati pilit kong itinatago ang sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ko.

"Wacky's head is still bleeding too. Do you want them to bleed to death?" Sarkastiko kong sambit lalo pa't nakikita ko pa ang mumunting butil ng dugo na dumadaloy pababa sa panga ni Wacky.

"May alam akong ligtas na lugar." Sabi ni Shem kaya nagkatinginan kaming lahat.

"Teka paano namin masisiguradong mapagkakatiwalaan ka namin?" Biglang tanong ni Wacky habang pinupunasan ang dugo sa kanyang panga gamit ang likod ng kanyang kamay. Mistula niyang sinisindak si Shem gamit ang matama niyang tingin, ni hindi niya iniinda ang sugat sa ulo niya.

"Kasi hindi ako gaya nila?" Sarkastikong sambit ni Shem.

"Paano kung—" Hindi ko na pinatapos pa si Wacky sa sinasabi niya.

"We can trust him. We've been protecting each other's asses since day one." Sabi ko na lamang pero biglang humakbang si Church na tila ba matama rin ang tingin kay Shem.

"Yang mga mata mo? Paano yan naging—" Hindi na natapos pa ni Church ang kanyang sinasabi nang biglang idinilat ni Shem kanyang kanang mata saka tinanggal ang contact lens nito.

"Nang sinugod kami nila Boris sa imburnal, nagkahiwa-hiwalay kaming lahat hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa isang kalye kung saan naroroon ang isang optical clinic. Nagbakasakali lang akong makahanap ng kung ano-anong supplies hanggang sa makahanap ako ng contact lens. Punyeta, ni hindi nga 'to kulay itim!" Giit ni Shem saka binalik ito sa mata niya, "Maswerte ako, oo. Kagaya nila? Hindi."

"Kung tutuusin ako nga dapat ang 'wag magtiwala sa inyo." Mahinang sambit ni Shem dahilan para bahagyang makunot ang noo ko.

****

Biglang itinaas ni Shem ang kamay niya kaya naman agad kaming huminto sa paglalakad at dali-daling napasandal sa pader gaya ng ginawa niya. Siya ang nasa unahan kaya sumusunod kami sa kanya o sa kung ano man ang sabihin niya. Sa tuwing nagsasalita kami, hinihinaan namin ang boses namin kahit umabot sa puntong halos magbulungan na kami.

"Sigurado ba kayong tama tong dinadaanan natin?" Nag-aalalang sambit ni Church habang bitbit ang dalawang bag sa kanyang harap at likod, palibhasa kasi si Wacky na ang kumakarga sa natutulog na si Pip.

"Shhh..." Nilingon ko si Church at sinamaan ng tingin.

"M-mapapagkatiwalaan ba talaga yang si Shem?" Pabulong namang sambit ni Wacky na nasa tabi ko lamang at pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman. Alam ko kasi nakikita kong iika-ika na siya kung maglakad pero hindi man lamang siya nagrereklamo, ni hindi siya nagrereklamo kahit bitbit na niya si Pip.

"May water-refilling station sila at tumutulong siya lagi sa pagde-deliver, kung may isa man sa ating maraming alam pagdating sa bawat sulok ng Drayton, siya 'yon." Paliwanag ko na lamang at sinenyasan siyang 'wag nang magsalita pa.

Ibinalik ko ang paningin kay Shem. Dahil siya ang nasa pinakaunahan at nasa dulo ng pader, siya ang sumisilip at nagmamasid sa buong lugar, naghahanap ng mga senyales ng panganib.

"Go go go..." Mahinang sambit ni Shem sabay wasiwas ng kamay niya kaya naman nang tumakbo siya ay dali-dali kaming sumunod sa kanya.

Ipinanganak at nag-dalaga ako dito sa lungsod ng Drayton pero sa kabila nito ay napakarami ko paring hindi napupuntahan dito sa lungsod. Ni hindi ko alam kung nasaan kami, ang alam ko lang ay wala na kami sa sentro ng lungsod.

It's bad enough na hindi ko alam kung nasaan kami, nalilito pa ako lalo dahil sa dilim ng paligid, palibhasa mangilan-ngilan na lamang ang mga posteng nakasindi at wala nang mga ilaw ang nakabukas sa mga bahay-bahay at gusali.

Halos dalawang oras rin yata kaming palakad-lakad, umaarte na tila ba walang masamang nangyayari habang pasimpleng pinagmamasdan ang paligid upang makaiwas sa kahit na anong panganib.

"Come on, I'll carry him." Sabi ko na lamang kay Wacky nang mapansin kong napaka-bigat na ng bawat hininga niya at lalo siyang bumabagal sa pag-kilos habang karga ang natutulog paring si Pip.

"Sa payat mong 'yan, para ka lang walis tingting na mababali." Nakangisi niyang sambit dahilan para agad kong suntukin ang braso niya.

"Kigwa!" Agad siyang napangiwi at sinimangutan pa ako. Leche, kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon siguro nagsisigaw na ako dahil sa kapogian niya.

"Shh!" Sita sa amin ni Axel. Narinig niya yata ang usapan namin kasi nilapitan niya si Wacky at dahan-dahang kinuha si Pip upang 'wag magising. Para namang nakahinga ng maluwag si Wacky nang tuluyang mawala sa mga braso niya si Pip.

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa mapansin kong si Cielo na pala ang katabi at nakakasabay ko sa bawat paghakbang. Pasimple akong napasulyap sa kanya at nakita kong deretso lamang ang tingin niya na animo'y napakalalim ng iniisip.

"H-hindi mo naman siguro ginustong mahiwalay kay Raze at Harper diba?" Tanong ko sa kanya gamit ang mahina kong boses. Hindi ko alam kung bakit ko ito sinabi, ni hindi ko alam kung ba't ko siya kinakausap. Hanggang ngayon, galit parin ako dahil sa pang-iiwan niya pero hindi ko maatim na 'wag siyang kausapin matapos nang ginawa niya kanina... The way she smiled at me while she was on top of that car, it was as if siya na ulit yung Cielo na nakilala ko. Para niyang sinasabi na magiging okay ang lahat kasi andiyan siya para protektahan ako... Alam ko, kasi ganun ako sa kanya noon.

"Ba't walang kabituwi-bituwin sa langit?" Bigla niyang sambit, ngayon ko lang napansin na nakatingala na pala siya sa kalangitan.

Naiinis man ako dahil sa paglilihis niya ng usapan, hindi ko rin mapigilang mapatingala. Tama nga siya, walang kabituwi-bituwin sa langit. Kung tutuusin, ni isang bituwin ay wala talaga akong nakita mula nang magsimula ang lahat ng 'to.

"Mamamaga lang ang mga mata niyo kung maghihintay kayo ng shooting star." Narinig naming may nagsalita mula sa likuran namin at nang lingunin namin ito ay nakita naming si Church pala ang nagsalita.

"Hindi tumutupad ng kahilingan ang shooting star, kalokohan yan." Mahinang sambit naman ni Wacky na katabi lamang ni Church. For the first time, agree ako sa sinasabi ni Wacky. Truth is, yang mga Shooting stars, 11:11, Wishing Wells o kung ano man, they're just wishful thinking, nakasanayan lang ng tao kaya ang iba nagba-baka sakali na lang.

"Naalala ko ang sabi ng papa ko noon." Biglang sambit ni Axel na nasa likuran damin dahilan para bahagya kaming mapalingon sa kanya.

"Ang mga bituwin, maganda sila kung titingnan pero ang hindi alam ng karamihan, mga demonyo sila na naniniktik sa kalangitan, sa kaharian ng diyos. Nakikinig sila, nagmamasid, at naghahanap ng kahinaan. Oras na manghina ang mga ito ay bumabagsak sila at bumabalik sa pinanggalingan..." Sambit ni Axel gamit ang mahina ngunit malalim niyang boses, pagkatapos ay isa-isa niya kaming tiningnan "Sa impyerno." Dagdag pa niya dahilan para unti-unti naming maibalik ang mga paningin namin sa daan. Sa isang iglap, namayani sa amin ang nakabibinging katahimikan.

Sa kabila ng lahat ng mga nasaksihan at pinagdaanan ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko parin maiwasang kilabutan dahil sa mga sinabi ni Axel. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga sinabi niya o dahil sa paraan ng pagkakasabi niya.

Si Axel. Sa unang tingin ay mapapatitig ka talaga sa kanya, hindi dahil sa sobrang tikas o ganda ng mukha, kundi dahil sa napakaamo niyang aura. Ibang-iba sila ni Raze; Kung si Raze ay laging mukhang galit at maangas, kabaliktaran si Axel, si Axel na mukhang hindi marunong magalit. Lalo pa tuloy siyang nagmumukhang dahil sa suot niyang kulay puting t-shirt. Siguro kung hindi siya ang nagsabi nun, natakot na talaga ako.

Bitbit parin ni Axel ang case ng gitara sa likod niya pero imbes na gitara, ang palakol na niya ang laman nito. Hindi niya ito inilalabas pagka't karga parin niya si Pip.

Ibinalik ko ang tingin kay Shem na nasa unahan at nagtaka ako nang mapansing tila ba napakatalim ng tingin niya kay Axel. Napansin ni Shem na nakatingin ako sa kanya kaya naman dali-dali niyang ibinalik ang paningin sa daan at kasabay nito ang paggalaw ng kamay niya na tila ba may ibinabalik siya sa bulsa ng kanyang pantalon.

"May kotse, sinong marunong mag-drive sa inyo?" Biglang sambit ni Wacky sabay turo sa isang van na nasa hindi kalayuan.

"Walang susi." Sabi ni Axel.

"Yan lang naman pala, 'wag kayong mag-alala, marunong kami ni Church na mag-hotwire ng kotse." Pagmamalaki ni Wacky dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya.

"See! I told you guys, jejemon criminals sila!" Hindi ko mapigilang magmalaki dahilan para agad akong samaan ng tingin nina Church at Wacky.

"Shhhh!" Biglang giit ni Shem dahilan para sa kanya naman kami mapatingin. Nakakakilabot talagang tingnan si Shem ngayon lalo pa't ibang-iba na ayos ng mata niya, but I can't deny the fact na napaka-maabilidad talaga niya. Shem is not known at school as 'Shem-of-all-trades' for nothing. He looks like a fragile boy since he's skinny and all pero marami siyang kayang gawin. Sa unang tingin para siyang rich kid na puro luho at kalokohan lang ang nalalaman pero magugulat ka nalang sa kaya niyang gawin.

"Hindi na natin kakailanganin ang kotse." Sabi pa ni Shem at biglang napatakbo paliko sa isang kalye dahilan para agad kaming mapatakbo upang makahabol sa kanya.

"You have got to be kidding me." Napangiwi na lamang ako nang mapagtanto ko kung ano ang nasa dulo ng kalyeng nilikuan namin.

"Ligtas ba talaga tayo diyan?" Agad na tanong ni Axel kay Shem na nililibot ang tingin sa paligid.

"Hindi ko alam pero kung tama ang naalala ko, may chapel diyan sa gubat. Matagal na iyong abandonado kaya malamang wala nang tao doon. Kung walang tao, walang mamamatay, walang mamamatay, walang skunks." Paliwanag ni Shem sabay laklak ng tubig mula sa hawak na bottled water. Huminga siya ng malalim saka pinunasan ang tubig sa labi niya, "Sabi ng mayor, mamamatay ang lahat ng mga aalis. Kung ganun nga, kailangan natin ng lugar na mapagtataguan. May supplies kayong dala at may alam akong lugar. Kahit maliit, may pag-asa parin tayong tumagal nang buhay."

"Teka naalala ko na!" Church snapped his fingers as if may naalala siya "diba may haunted house pa nga sa malapit?" Dagdag naman ni Church.

"H-haunted house?" Agad namang napalunok si Wacky na animo'y natakot dahil sa sinabi ni Church. Leche, haunted house pala ang katapat nito.

"Wala tayong mapagpipilian, kung mamamatay ang lahat ng mga nagtatangkang umalis dito sa Drayton mas mabuti pang doon nalang tayo magtago at maghintay." Muling giit ni Shem sabay tapon ng ngayo'y wala nang lamang bottled water sa daan.

Haunted House sa gitna ng gubat at malapit sa isang Chapel? Isang malaking kalokohan lalo pa't alam ko kung kaninong bahay iyon.

Napalingon ako kay Cielo at napansin kong nakatitig lamang siya sa kawalan na animo'y napakalalim ng iniisip. Siguro naiintindihan niyang ang dati niyang tirahan ang ngayo'y itinuturing na nilang Haunted House.

"It's not haunted. Just abandoned." Bulalas ko na lamang dahilan para mapalingon silang lahat sakin. Pati si Cielo.

"But then again, Abandoned could also be considered as Haunted. Haunted of thoughts on how some people could abandon them all of a sudden." Mahina kong sambit habang nakatitig sa mga mata ni Cielo dahilan para agad siyang umiwas ng tingin at naglakad patungo sa direksyong itinuro ni Shem.

"Cielo sandali." Sabi ni Axel at agad na humabol kay Cielo na dire-diretso lamang sa paglalakad. Pati ang iba ay sumunod narin sa kanila pero ako, heto at naiwan parin sa kinatatayuan.

Balewala na ba talaga ang lahat ng pinagsamahan namin? Masama ba akong kaibigan noon kay Cielo? I know I'm a horrible person. I'm annoying. I can't control my temper. I can't even say the right things—Nagtitis lang ba si Cielo sakin noon dahil nangangailangan siya ng isang kaibigan?

"Hindi mo ba talaga kayang kalimutan ang galit mo sa kanya?"

Nagulat ako nang mapansing nasa tabi ko parin pala si Wacky at para bang hinihintay ako. Hindi siya nakangiti, hindi rin siya mukhang seryoso. Kalmado lang siya.

Napag-iiwanan na kaming dalawa kaya nagsimula na lamang akong maglakad para makahabol sa kanila, agad namang sumunod sakin si Wacky.

"Dana nakikita mo ba ang sitwasyon natin ngayon?" Bigla niyang sambit kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"I'm not blind abnoy." Sarkastiko kong sambit.

"Hindi sa masyado akong negatibo kung mag-isip pero sa sitwasyon natin, para nang nakalibing ang isang paa natin sa hukay. Hindi natin alam kung kelan tayo tuluyang lulubog sa hukay kaya hindi ba't mas mabuti kung kakalimutan mo nalang ang nakaraan para naman kahit sa mga maaring huling sandali ng mga buhay natin, wala kang hinanakit?" Paliwanag ni Wacky gamit ang mahina niyang boses.

"You don't get it." Pilit kong pinigilan ang luha ko't umiling-iling.

"Atin-atin lang 'to," Bigla siyang humakbang palapit sakin at inilapit ang labi niya malapit sa tenga ko na animo'y may ibubulong na sikreto, "Kanina ko pa gustong-gustong pulbusin ang pagmumukha ni Churchill. Bwisit na bwisit na bwisit na bwisit ako sa kanya kasi kung hindi niya ako inimbitahan sa birthday party niya, edi sana nasa bahay parin ako at naglalaro ng Call of Duty at wala dito sa Drayton, wala sa bingit ng kamatayan mula sa mga bayolenteng tinapa. Pero tingnan mo naman? Hindi ko nalang siya sinisisi kasi aanhin pa ang pagka-bwisit ko sa kanya kung nangyayari na ang nangyayari? Kung tatadyakan ko ang mukha niya, mababago ba nito ang mga nangyari? Hindi Dana, lalo ko lang ikokomplika ang lahat sa gagawin ko." Aniya at bigla na lamang naglakad ng mabilis patungo sa direksyong tinahak nila Shem.

"Abnoy." Napangiwi na lamang ako at kahit naiinis ay sumunod na lamang sa kanya.

May punto si Wacky. Aaminin ko, meron. Pinipilit ko namang isantabi muna 'tong galit ko kay Cielo eh. Pinipilit ko naman siyang bigyan ng pagkakataon. Kaso sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang lahat, hindi ko lang talaga mapigilan ang bibig at hinanakit ko.

Isang ekspenasyon lang naman eh. Isang sorry, kahit hindi sincere pagta-tiyagaan ko nalang. Isang effort mula sa kanya, siguro mapapalagay na 'tong isip ko.

****

"Bata ba't mag-isa ka lang? Wala ba yung kambal-tuko mo?" Tanong sakin ng tindera ng tindahan kung saan naroroon ang machine kung saan kami laging naglalaro ng Mortal Kombat.

"Paparating na po 'yun, nagpapalit lang! Ayaw niyo po kasing palitan ng mga piso yung twenty-pesos ko eh!" Pasaring ko na lamang dahilan para matawa ang tindera at tumigil sa pagwawalis.

"Kinokonsensya mo pa ako." Natatawa niyang sambit bago pumasok sa loob ng bahay niya.

Kahit hindi umaandar ay pinindot-pindot ko na lamang ang control board para may mapag-libangan. Habang ginagawa ko ito ay napatitig ako sa monitor, iniimagine kong lumalabas si Reptile at chinuchugi si Sub-zero kaso nagtaka ako nang makita ko ang repleksyon lolo ni Cielo sa monitor.

Dali-dali akong napalingon at nagsi-tayuan ang balahibo ko nang makita ko ang lolo ni Cielo na bumibili ng alak. Bago pa man niya ako makita ay dali-dali akong nagtatakbo palabas. Alam kong oras na makita niya si Cielo ay tiyak mapapahamak ito lalo pa't wala ang lola at nanay niya sa bahay nila dahil sa trabaho.

Halos maiyak na ako sa sobrang kaba habang tumatakbo sa mga eskinita at pilit na hinahanap si Cielo. Gusto kong isigaw ang pangalan ni Cielo upang mabalaan siya ngunit natatakot akong baka marinig ako ng lolo niya at lalo lamang siyang mapahamak.

Tuluyan akong napaiyak nang mapansin ko si Cielo mula sa malayo. Tumatakbo siya patungo sa direksyon ko habang kumakaway at may napakalapad na ngiti sa kanyang labi. Dali-dali ko siyang sinenyasan na 'wag gumalaw. Habang tumatakbo ako papalapit sa kanya ay unti-unti nang nawawala ang ngiti sa mukha niya, siguro napapansin na niyang umiiyak ako.

"Sinong umaway sayo?!" Bulalas agad ni Cielo nang lumapit ako sa kanya.

"Si—andun—alis—tayo!" Sa sobrang paghikbi ay hindi na ako halos makapagsalita. Iyak lang ako ng iyak.

"Ha? Sino?" Naguguluhan niyang sambit.

"Lolo—mo!" Sa abot ng makakaya ko'y pinilit kong magsalita.

Dahil nasa tindahan ang lolo ni Cielo, wala kaming ibang naisip na paraan kundi mag-punta na lamang sa bahay at doon magpalipas ng oras. Alam nila mama ang sitwasyon ni Cielo kaya minsan nga, sila na mismo ang naghahatid kay Cielo pauwi oras na tumawag na ang mama ni Cielo para hanapin ito. Hindi namin hinahayaang umuwi si Cielo kapag hindi pa nakakauwi ang mama o lola niya, alam na kasi namin kung ano ang maaring mangyari—madadagdagan na naman ang latay ni Cielo sa katawan.

"'Tong anak ko talaga, napaka-iyakin." Sabi ni Mama at hinalikan ako sa ulo habang kapwa kami nakaupo ni Cielo sa kama ko at kumakain ng champorado.

"Ako po ang may kasalanan kung ba't siya umiyak, sorry po." Sabi ni Cielo habang nakatitig sa sahig at hindi man lang ginagalaw ang pagkain niya.

"Ang batang 'to talaga, parang parte ka narin ng pamilya. Kung pwede lang talagang dito ka nalang tumira sa amin." Sabi ni Mama at hinalikan rin si Cielo sa ulo.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Nakakatuwang isiping may kapatid ako lalo na kung si Cielo ito.

Habang naglalaro kami ni Cielo ng mga paper doll ay narinig ko ang isang sasakyan dumating kaya natigil kami ni Cielo sa paglalaro. Nakita ko ang takot sa mukha ni Cielo kaya naman dali-dali akong napatayo upang silipin kung sino ito.

"Si Chief Razon." Sabi ko kaya agad na nakahinga ng maluwag si Cielo.

"Alam mo, nakakatakot yung nangyari kanina." Naupo ako sa tabi ni Cielo at napabuntong-hininga.

"Oo nga eh, salamat talaga ha?" Sabi ni Cielo kaya ngumiti ako at nag-thumbs up.

"Cielo kung magkaroon kaya tayo ng paraan para balaan ang isa't-isa? Yung sisigaw ako tapos tayong dalawa lang ang makakaintindi para mabalaan kita. Kanina kasi gustong-gusto kong isigaw ang pangalan mo kaso natatakot akong baka marinig ng lolo mo." Sabi ko kaya napakamot siya sa ulo niya at napaisip.

"Pero ang hirap naman kung sigaw, drawing nalang kaya?" Suhestyon niya kaya ako naman ang napakamot sa ulo ko.

"Eh hindi naman ako magaling mag-drawing gaya mo eh!" Giit ko.

"Madali lang naman eh! Turuan kita!" Aniya kaya dali-dali kong kinuha ang oil pastel ko at kapwa kami lumapit sa dingding.

"Sige nga!" Sabi ko kaya agad niyang ginuhit ang isang tatsulok.

"Tatsulok para madali lang, ibig sabihin, danger." Paliwanag niya kaya tiningnan ko ito ng maigi. Hmmm, masyadong simple.

"Lagyan natin ng X para mukhang danger talaga." Sabi ko saka nilagyan ng ekis ang loob ng tatsulok.

"Sige! Sige!" Sabi ni Cielo na parang tuwang-tuwa sa simbolo namin.

"Tapos paano pag safe?" Tanong ko.

"S?" Kunot-noo niyang sambit.

"Superman na eh!" Napakamot ako sa ulo ko at saglit na napaisip. Bigla kong naalala si Chief Razon kaya naman agad akong nagtatakbo patungo sa bintana at sinilip ang plate number niya.

"778!" Napasigaw ako.

"Ha?" Tanong ni Cielo.

"Diba alam nating safe tayo pag nakikita na natin ang car ni Chief Razon? 778 ang number sa plate niya kaya gawin nating 778 ang safe!"

"Dana may—" Nagulat na lamang ako nang matagpuan ko ang sarili kong nakaluhod na sa damuhan. Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sakit ng tuhod ko pero napaungol na lamang ako habang kagat ang labi ko.

"—bato sa harap mo." Natatawang pagtatapos ni Wacky sa kanyang sinasabi habang tinutulungan akong tumayo.

"Bwisit." Napairap na lamang ako sa kanya at winakli ang kamay niya nang makatayo na ako.

"Madilim at nagkalat ang mga bato at nakausling ugat sa paligid. Concentrate ka lang." Giit ni Shem sarkastiko akong ngumiwi.

"You don't have to remind me. This place used to be my playground." Pagmamalaki ko na lamang habang pasimpleng pinapagpagan ang tuhod ko.

"Taong-gubat pala 'tong si Dana." Pang-aasar ni Wacky kaya muli ko siyang inirapan.

This place used to be my playground. Used to be lalo na noong mga panahong halos hindi kami mapag-hiwalay ni Cielo. Kung asan siya, nandun ako. Sa tuwing wala ang lolo ni Cielo at nasa kabilang lungsod, dito kami laging naglalaro ng taguan lalo pa't napakaraming mapagtataguan. Mula sa itaas ng mga puno hanggang sa mga naglalakihang ugat na gumagawa ng maliliit ng espasyong sapat para mapagtaguan.

"Ano yun?" Kunot-noong sambit ni Church saka itinutok ang liwanag ng hawak na flashlight sa direksyon ng isang napakalaking puno ng Acacia.

May nakapakong isang plywood sa Acacia at nilapitan ito ni Church upang basahin.

"Tree belong to ana and—" Bago pa man matapos ni Church ang pagbabasa sa lumang karatula ay napalingon na agad ako kay Cielo. Alam kong naririnig niya si Church pero imbes na tumigil at mapatingin sa puno ay nagpatuloy lamang siya sa paglalakad kasabay si Axel.

Sa totoo lang naiiyak na naman ako. Naiiyak dahil sa inis, oo yun siguro 'yon. Naiinis ako kasi parang balewala nalang talaga sa kanya ang lahat.

Ang punong ito, napaka-importante nito sa amin noon. Dito ko unang nakita si Cielo. Umiiyak siya habang hinahabol ng lolo niya at sa ilalim siya ng mga ugat nagtago. Tinulungan ko siya at simula nito naging napaka-lapit na namin sa isa't-isa. Dito sa punong 'to kami laging naglalaro. Tinuruan niya ako kung paano akyatin ito. Lagi rin kaming nagtatago rito para magbasa ng mga comics. Dito rin namin tinatago ang mga examination papers namin sa tuwing bumabagsak kami. Napakarami naming alaala kasama ang punong ito pero parang gaya ko, balewala nalang ito kay Cielo.

"Diana and Cielo... This tree belongs to Diana and Cielo." Napalingon ako kay Shem. Malabo man dahil sa sobrang luma at dumi, nagawa niya paring mabasa ang kabuuan nito.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at ganun rin sila.

Nakakakilabot ang ginagawa naming paglalakad dito sa gitna ng kagubatan lalo pa't ang flashlight lamang na dala namin ang nagsisilbi naming gabay. Natatakot akong sumulyap sa paligid dahil paminsan-minsan akong namamalikmata, akala ko may nakikita akong tao yun pala, anino lang ng puno. Madilim na nga, napakalakas naman ng simoy ng hangin kaya doble-doble ang kilabot na nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang tunog ng pagkabali ng mga kahoy na paminsan-minsa'y naaapakan namin.

"Okay lang 'yan, mahahanap rin natin ang mga kapatid mo." Narinig kong sambit ni Wacky kay Churchill. Mukhang balisa parin talaga si Churchill dahil sa mga kapatid niya.

Nasa pinakaunahan sina Cielo, Axel at Pip. Nakasunod sa kanila sina Wacky at Churchill samantalang nasa pinaka-hulihan kami ni Shem. Nakakadagdag sa takot ang nakabibinging katahimikan kaya naman kung ano-ano nalang ang pinag-uusapan namin habang pinapanatili paring mahina ang mga boses namin.

"Dana." Biglang bulong ni Shem. Napansin kong binagalan niya ang paglalakad kaya binagalan ko rin ang sakin. Pakiramdam ko may gusto siyang sabihin at ayaw niyang marinig kami ng iba.

Nang may sapat na kaming distansya mula sa kanila ay biglang may inilabas si Shem mula sa kanyang bulsa. Bigla kong naalala ang ginawa niya kanina nang tiningnan niya si Axel, may kung anong inilagay si Shem sa loob ng bulsa niya.

"Gaano mo kakilala si Axel?" Tanong ni Shem na animo'y nababahala.

"He saved our lives. He says he's a member of a band, nabangga nila ang kotse ni Cielo at ng papa niya kaya sinundan niya si Cielo rito para masiguradong okay lang siya. Bakit? May mali ba sa kanya?" Ewan ko ba pero hindi ko mapigilang kabahan. Shem and Axel both saved my life. Si Shem ang nagligtas sa akin mula kay Mama at Papa samantalang si Axel naman ang nagligtas sa amin ni Harper. Pero kung may higit akong mas pinagkakatiwalaan, that would be Shem.

"Nakita ko 'to kanina. Pinapako 'to ng mga skunks sa bawat puno na madaanan nila. Pinagtatapon 'to nila." Sabi pa ni Shem saka ipinakita sa akin ang nilukot na papel.

Lalong nadagdagan ang lahat ng misteryong bumabalot sa Drayton nang bumulaga sa akin ang dalawang mukha sa papel. Guhit lamang ito gamit ang isang lapis, hindi man perpekto, namumukhaan ko naman kung sino ang mga mukhang nakaguhit rito—Sina Axel at Cielo. Nakalagay sa ibabaw nito ang salitang DISPAREO.

"Dana hindi ko alam anong ibig sabihin ng Dispareo pero kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga nangyayari, pinaghahanap ng mga skunks sina Axel at Cielo." Bulong ni Shem kaya agad akong umiling-iling.

"Th-that's impossible..." Ibinalik ko sa kanya ang papel gamit ang mga kamay kong bahagya nang nanginginig, "Baka kamukha lang. Ba't naman nila hahanapin sina Axel at Cie—"

"Shem?" Nagtaka ako nang mapansing nakatitig lamang si Shem sa likuran ko. Parang hindi na niya ako napapansin o pinapakinggan. Nakatuon lamang ang atensyon niya sa likuran ko bagay na agad nagbigay sakin ng matinding kaba.

"Shem bakit?" Napasinghap ako at nagsimulang mangatal ang labi ko.

Bigla niyang itinaas ang flashlight na hawak dahilan para agad akong mapalingon sa direksyon kung saan niya ito itinutok.

Biglang naglakad si Shem patungo sa direksyon nito kaya agad akong sumunod sa kanya. Nagulat na lamang ako nang mapansin ko ang isang kulay itim na varsity jacket sa damuhan, agad itong pinulot ni Shem.

"Razon..." Napatakip ako sa bibig ko't tuluyan akong naluha nang mapagtanto kong jacket ito ni Raze dahil sa apelyido niyang nakaburda pa sa likod nito. Ito ang suot niyang jacket nang huli ko siyang makita. Wala itong kahit na anong punit pero ngayon meron na.

"D-dugo..." Nauutal na sambit ni Shem habang itinututok ang liwanag sa kamay niyang nakahawak parin sa jacket.

Parang nanlambot ang mga paa ko. Akala ko manhid na manhid na ang puso ko dahil sa sama ng loob pero lalo lamang bumigat ang kalooban ko. Kahit na anong gawin ko, patuloy parin ang pagragasa ng luha ko.

"Anong nangyari?"

Nakita ko sina Wacky, Axel at Cielo na naglalakad patungo sa direksyon namin. Samantalang si Churchill ay nagpatuloy lamang sa paglalakad.

"S-Si Raze." Bulalas ng nanlulumong si Shem at ipinakita sa kanila ang jacket ni Raze.

"Teka, ibig sabihin may tao na dito? Este yung mamamatay-tao?" Nauutal na sambit ni Wacky.

"Hindi tayo ligtas dito." Sabi pa ni Axel.

"S-si Churchill? Churchill?!" Biglang bulalas ni Wacky at agad na nagtatakbo patungo sa mas masukal na parte ng nilalakaran namin.

"R-raze could be dangerous. May dala siyang itak." Narinig kong sambit ni Cielo gamit ang walang emosyon niyang boses kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't napatayo na ako. Nang makita ko ang walang kaemo-emosyon niyang mukha, naikuyom ko na ang kamao ko. Oo alam kong hindi ito ang tamang oras pero sadyang umabot na sa sukdulan ang mga ipinapakita ni Cielo.

"You bitch! We're talking about Raze Razon! Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo?!" Nanlisik ang mga mata ko't tuluyan akong napasigaw. Naramdaman ko ang pagbakat ng ugat sa leeg ko at paninigas ng nakakuyom kong kamay, kasabay nito ang pagragasa ng luha ko.

"A-ano bang gusto mong gawin ko?" Pagmamang-maangan ni Cielo bagay na lalo pang nagpasiklab ng galit na nararamdaman ko.

"Shhh, tama na, tama na." Paulit-ulit na sambit ni Shem at hinawakan ang braso ko.

"Hindi!" Sigaw ko kay Shem at iwinakli ang kamay niya.

"Sumosobra ka na Cielo!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, nilapitan ko si Cielo at matama siyang tiningnan. Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang sabunutan pero dahil sa sobrang galit ay walang ibang magawa ang kamay ko kundi manginig.

"A-alam kong hindi mo siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya sa'yo! Alam kong napilitan ka lang na makipag-relasyon sa kanya kasi ayaw mong saktan ang damdamin niya! Oo na't hindi mo siya minahal ng lubos pero sa kabila nun may pinagsamahan parin kayo! For God's sake Cielo! This is Raze! Raze loved you! Raze fucking loved you! Mahirap ba talagang—"

"Ano bang gusto mong gawin ko?!" Biglang pabalang na bulalas ni Cielo dahilan para mapatili ako sa labis na galit. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko't sinugod ko siya. Masasabunutan ko na sana siya ngunit bigla na lamang humarang sa harapan ko si Axel at hinigit naman ni Shem ang bewang ko. Naririnig kong umiiyak na si Pip na ibinaba ni Axel sa isang tabi.

"Shh! Shh! Tama na, please tama na. Shhh!" Paulit-ulit na sambit ni Shem pero nagpumiglas ako. Pinilit kong itulak si Axel para lang makaharap ko si Cielo.

"Akala ko may puwang pa kami diyan sa puso mo! Akala ko may chansa pang magbago yang pinapakita mo! Akala ko may kakarampot pa kaming halaga sa'yo! Ba't ka pa bumalik?! Hindi ka nalang sana bumalik! Tinalikuran mo na kaming lahat! Ba't ka pa bumalik?!" Nagsisigaw ako habang nagpupumiglas at pilit siyang dinuduro. Pinanlilisikan ko siya ng mga mga mata. Lalo lamang tumitindi ang galit ko habang nakikita ko ang walang kaemo-emosyon niyang mukha. Para bang tanggap niya ang lahat ng sinasabi ko. Ni hindi siya nangangatwiran o umiimik man lang.

"Wala kang utang na loob alam mo ba 'yon?! Tinalikuran mo kaming lahat ng ganun-ganun nalang! Putangina mo! Putangina mo!" Sa sobrang galit ko ay kung ano-ano na ang sinabi ko. Kahit na anong masasakit na salita ang sumasagi sa isip ko, isinisigaw ko. Siguro dahil may parte parin sa puso kong umaasang magsasalita siya. Mangangatwiran. Magpapaliwanag.

Gusto ko siyang magsalita. Gusto ko siyang mangatwiran. Gusto kong bigyan niya ako ng rason para maipamukhang mali ako... Na sa kabila ng lahat, mahalaga parin kami sa kanya. Na totoo ang pangako niya sa akin noong magkaibigan kami kahit na anong mangyari.

"Guys nahanap na namin ang chapel! Nahanap na namin!" Biglang sigaw ni Wacky at Church na nasa malayo.

Nagulat ako nang biglang naglakad si Cielo patungo sa direksyon nila. Kaswal lamang siyang naglalakad na para bang walang nangyari. Ni hindi niya kami nililingon.

Sa sobrang sama ng loob ko'y napahagulgol na lamang ako.

And for the nth time, Cielo made me feel like a piece of garbage... miserable... abandoned.

"P-pagpasensyahan mo na siya." Sambit ni Axel sakin at tinapik ang balikat ko.

"Dana tama na, walang patutunguhan ang galit mo." Sabi pa ni Shem at paulit-ulit na hinimas ang likod ko.

"Ang papa ko, ayoko sa inyo. Gusto ko ang papa ko." Napalingon kaming lahat sa direksyon ni Pip nang marinig namin siyang umiiyak.

"Pip, hahanapin natin ang daddy mo, sa ngayon magpahinga muna tayo ha?" Kalmadong sambit ni Axel at agad na kinarga ang bata.

***

Napatitig kaming lahat sa pinto ng Chapel. Hindi man ito kalakihan at napakasama man sa pang-amoy ng dumi at alikabok sa paligid, alam naming magiging ligtas kami sa loob lalo pa't may mga plywood na nakalagay sa bawat bintana na matagal nang iniligay rito. Ginawa itong secured mula sa mga kabataang magtatangkang mag-vandalize sa buong paligid kaya siguro naman magiging ligtas rin kami sa loob mula sa mga bayolenteng nilalang na iyon.

"Protect the kid." Mahinang sambit ni Axel na siyang nasa pinakaunahan naming lahat. Mahigpit ang hawak ni Axel sa palakol at wala siyang pagdadalawang-isip na gamitin nito para lang ma-protektahan ang bawat isa sa amin.

"Oo." Sabi naman ni Churchill na siyang nasa pinakalikuran namin at karga-karga si Pip.

"If anything goes wrong just run as fast as you can." Sabi pa ni Shem habang nakataas ang hawak na kutsilyo at animo'y naghahanda sa nagbabadyang panganib.

Hindi na nagbilang pa si Axel. Walang paligoy-ligoy niyang itinulak ang pinto at laking gulat naming lahat nang tuluyan itong bumukas.

Agad kaming humakbang papasok, sabay-sabay habang nakapalibot at nakatalikod sa isa't-isa. Kinakabahan man, hindi parin humuhupa ang labis na panlulumo at galit sa puso ko kaya para lang akong nakalutang.

Narinig naming may kumalabog malapit sa altar kaya sabay-sabay kaming napaharap sa direksyon nito. Si Axel naman ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa, napasigaw siya at agad na sinugod ang naroon. Sabay-sabay naman kaming napasigaw nang makita namin ang anino ng isang nakatayo sa tapat ng altar, mistula itong lalaki at hawak nito ang isang shotgun.

"Axel may shotgun!" Napasigaw kaming lahat at nag-unahang humabol kay Axel upang mapigilan ang kanyang pagsugod. Hindi naman kami nabigo pagka't agad na napako si Axel sa kinatatayuan nang mapagtanto niyang nakatutok na sa direksyon namin ang nguso ng isang shotgun.

"Diyan lang kayo! Diyan lang kayo!" Paulit-ulit na sigaw ng lalaking animo'y natataranta dahilan para tila ba pumantig ang tenga ko.

"Raze?!" Biglang umalingawngaw ang boses ni Cielo kaya naman dali-dali naming itinutok ang liwanag ng flashlight sa mukha ng lalaking may hawak ng shotgun.

Para akong nabunutan ng napakalaking tinik at lalo pa akong naiyak nang mapagtanto kong si Raze nga ang may hawak ng Shotgun, duguan man, may lakas parin siyang tumayo at tumutok sa amin ng shotgun.

"Cielo?!" Agad na kumurba ang napakalapad na ngiti si Raze at kasabay nito ang pagbaba niya ng shotgun niya. Napahinga siya ng malalim at napatingala sa tuwa.

Nagulat kaming lahat nang walang ano-ano'y biglang nagtatakbo si Cielo at niyakap si Raze ng napakahigpit. Nagulat ako sa nakita pero mas nagulat ako nang mapagtanto kong umiiyak si Cielo. Hindi makapaniwala si Raze sa nasaksihan, lalong-lalo na ako.

"Hoy 'wag kang umiyak. Hindi ako sanay." Natatawang sambit ni Raze habang tinatapik ang likod ng ulo ni Cielo na nakasandal sa balikat niya.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Lumuluha man, may halo na itong tuwa. Tuwa dahil ligtas ang kababata kong si Raze, at dahil sa kabila ng lahat, may pinatunayan ni Cielo na mali ako.

"She cares." Mahinang sambit ni Shem na ngayo'y nakangiti na rin.

"She cares." Tumango-tango na lamang ako.

"Wala rin ba akong yakap mula sa inyo?" Natatawang sambit ni Raze kaya hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa ni Shem at nagtatakbo na kami agad at sinugod siya ng yakap.

****

"Hinabol nila ako kaya tumakbo ako ng tumakbo. Naalala ko ang chapel kaya dito ako pumunta." Kwento ni Raze habang binabalatan ang isang bayabas na nakuha niya mula sa labas. Panay naman ang pag-ngiwi niya lalo pa't kasalukuyan kong ginagamot ang malaking hiwa niya sa braso.

Kanya-kanya kami ng mga ginagawa; Si Shem, hayun at kumakain na matapos kong gamutin ang ulo. Si Axel kinikilatis ang shotgun ni Raze. Sina Churchill at Wacky nasa isang tabi at mukhang nag-uusap ng masinsinan, siguro pinag-uusapan nila ang mga kapatid ni Church. Si Cielo naman, andun at pinapaypayan ang natutulog na si Pip.

"A-asan ang iba?" Tanong ni Raze na animo'y nagiging maingat sa bawat salitang binibitawan niya. Siguro si Harper na ang hinahanap niya.

"Nagkahiwa-hiwalay kami." Sabi na lamang ni Shem sa pagitan ng kanyang pag-nguya.

"And you're done. Rest well Raze." Sabi ko na lamang at agad na tumayo nang tuluyan kong malagyan ng benda ang mga sugat ni Raze.

"Ba't ganun? Ang ayos ng pagkakalagay mo sa benda ni Raze? Ba't ako nag-mukhang mummy?" Nakangiwing sambit ni Shem kaya hindi ko mapigilang matawa. Palibhasa kasi, sa ulo ang sugat ni Shem. Hindi ako marunong maglagay ng benda sa ulo kaya ang ginawa ko, pagkatapos kong malagyan ng paunang layer ng bandage ang ulo niya eh pinalibot ko pa sa ulo niya na para bang korona ang ibang bandage.

"Kung wala lang tayo sa ganitong sitwasyon, kanina ko pa kayo inasar." Biro ni Raze kaya naman agad ko siyang binatukan.

"Kung hindi ako kumakain siguro nabatukan narin kita. Kung maghahanap ka ng maipan-lalabtim mo diyan kay Diana..." Biglang ngumuso si Shem sa direksyon nina Wacky at Church.

"Church at Dana?" Kunot-noong sambit ni Raze kaya muli ko siyang binatukan.

"Aray! Oo na, magpapahinga na!" Natatawang sambit ni Raze at nahiga sa napakaruming upuang may kahabaan. Hindi man komportable ang abandonadong chapel na ito para maging pansamantala naming tahanan, wala kaming magawa kundi magtiyaga.

Nilibot ko ang paningin ko hanggang sa mamataan ko ang isang malaking board na tadtad ng mga litrato. Nasa dulo ito ng chapel kaya naman kinuha ko ang flashlight at nilapitan ito. Dahil sa sobrang dilim at dami ng alikabok, kinailangan ko pang itutok ang flashlight sa mismong mga litrato sabay punas nito gamit ang kamay ko.

Agad na bumungad sa akin ang napakaraming litrato—mga masasayang alaala ng mga mamayan ng Drayton. Ang ibang mga litrato ay may kalumaan na kung pagbabasehan ang mga petsang nakalagay sa baba nito.

Nakaramdam ako ng kurot sa puso ko nang makita ko ang isang litrato—litrato namin ni Mama at Papa na kuha dito sa simbahan. Siguro kuha pa ito noong nasa 12 or 13 ang edad ko.

"Mama... Papa..." Hinaplos ko ang nakangiti nilang mga mukha. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti ngunit sadyang ayaw na namang papigil ng mga luha ko. Bumabalik sa isipan ko ang lahat... ang mga masasayang alaala, ang mga masasakit na salitang nabitawan ko sa kanila noon, at higit sa lahat ang mga hitsura nila noong hinahabol nila ako at pinagtangkaang patayin.

"Your mom and Dad, they love you so much. They'd hate to see you cry." Napansin ko si Cielo na ngayo'y nakatayo na pala sa tabi ko at gaya ko ay nakatitig rin siya sa mga litrato. Gaya nitong mga nakaraang araw, wala ulit akong nakikitang kahit na ano sa mga mata niya. Just like her last name, she became as cold as snow. Seeing her cry is so rare that I'd wish to see her cry again... Not that I want her to be sad, but because I want to see Cielo... The old Cielo that I loved.

"But guess what? I never even got to say how much I loved them... And now they're gone and I'll never see them again." Sabi ko sa pagitan ng bawat hikbi ko, "Kung sana may paraan lang para maibalik ang lahat sa dati... Kung sana maibabalik ko lang ang buhay ng mga magulang ko."

"But we can't bring them back." Narinig kong may nagsalita sa kabilang banda ng kinatatayuan ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko si Raze na nakatitig sa litrato nila ng mga magulang niya na naka-paskil din sa board.

Nakita ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ni Raze kaya ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa litrato namin ng pamilya ko.

"Parang kailan lang sakal na sakal ako sa mga magulang ko, pero ngayon minu-minuto kong pinagdarasal na nandito sila sa tabi ko." Napapikit na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Shem. Ang boses ni Shem ay unti-unti nang nababasag, hindi ko man siya nakikita, alam kong sa puntong ito'y umiiyak na rin siya. Alam kong sa puntong ito, lahat kami ay lumuluha... nangungulila at labis na nasasaktan.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko pero bigla akong napalingon sa direksyon ni Cielo. May pinagmamasdan siya sa board at nang sundan ko ito ng tingin ay nakita ko ang litrato naming dalawa na kuha noong mga bata pa kami. Napakarumi man ng mga mukha at damit namin dahil sa mga pintura, nakayakap naman kami sa isa't-isa habang may napakalapad na mga ngiti.

"Raze yung haunted house sa malapit dito? Maayos pa ba 'yon? May maayos bang tulugan, toilet at tubig doon?" Biglang tanong ni Shem kaya naman napalingon kaming lahat kay Raze.

"Ah.. Oo.." Sagot ni Raze ngunit hindi ko mapigilang magtaka lalo na nang mapansing para bang nagdadalawang isip si Raze na sagutin ang tanong ni Shem.

"Let's go there. Let's be real, this place is a mess. Kung kailangan natin ng lugar na mapagtataguan ng matagal, perpekto ang dati kong bahay. It's not haunted.... Well, anymore since wala na ang lolo ko doon." Biglang bulalas ni Cielo dahilan para sa kanya naman kami mapalingon.

"Sinasabi ko na nga ba, ikaw talaga yung naalala kong nakatira doon noon." Bulalas naman ni Churchill.

"Cielo sigurado ka? Kaya mong bumalik sa bahay na iyon?" Biglang tanong ni Raze kaya mas dumami pa ang mga taong sa isipan ko. Nang makita ko ang mukha ni Raze, napansin ko ang pag-aalala sa mukha niya. Nag-aalala siya kay Cielo... Para bang ayaw niya itong bumalik sa dati nitong bahay... May nalalaman ba si Raze na hindi ko alam?

"Let's go." Sabi ni Cielo kaya naman agad nilang kinuha ang mga gamit namin.

*****

Habang naglalakad kaming lahat sa gitna ng madalim at ubod ng tahimik na kakahuyan ay pa-simple kong hinila si Raze sa isang tabi.

"Bakit?" Agad na tanong ni Raze.

"Bakit ayaw mong pabalikin si Cielo sa bahay nila?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong pa ni Raze kaya marahas akong napakamot sa ulo ko.

"Raze, may alam ka ba kung bakit umalis si Cielo tatlong taon na ang nakakaraan?" Tanong ko at kapwa kami napalingon kay Cielo na nangunguna sa paglalakad habang hawak ang kamay ni Pip.

"Dana hindi na importante kung bakit—"

"Why can't you just tell me the truth?!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong taasan siya ng boses.

Biglang napabuntong hininga si Raze. Sa puntong ito'y nakahinga ako ng maluwag kasi sa wakas malalaman ko narin kung bakit.

"Tatlong taon na ang nakakaraan—"


END OF CHAPTER 13!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <33








Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...
Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
100K 6.1K 60
Tarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and s...