Haraam (GxG)

Door Messiahd

48.3K 2.2K 499

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... Meer

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 1

4K 140 39
Door Messiahd

It's been a month, pero parang kahapon lang nangyari ang lahat. Walang lumipas na araw na hindi sumasagi sa isip ko si Klein... at ang nasaksihan ko. Nasasaktan pa rin ako tuwing naaalala ang mga kaganapang nakita ko. Nasasaktan ako tuwing magsi-sink in sa'kin na wala na talaga kami. Nasasaktan ako dahil sa pagtataksil niya. Nasasaktan ako dahil sa ako mismo ang nakakita ng kagaguhan niya.

Does she look better naked?

Does she touch you in a ways that you ain't gonna fake it?

Does she got that kind of--

Pinatay ko ang nagp-play na music sa phone ko. Spanish for milk! Sa dinami-rami ng songs na pwedeng sumunod sa natapos na song, yun pa talagang relate sa sitwasyon ko.

Napilitan akong bumangon sa kama. Hindi ko na dapat siya isipin. Nabuhay ako ng fifteen years nang wala siya. Tatlong taon lang siyang naging bahagi ng buhay ko. Eighteen pa lang ako ngayon at alam kong marami pang mangyayari at mababago. Marami pa 'kong ibang kailangang gawin maliban sa magmukmok dahil sa letseng lalaking yun na naghanap ng iba dahil sa hindi ko kayang ibigay ang-

"Gago. Gago ka talaga Klein! Gago ka." Hindi ko napigilang magmura.

Di ko na siya iniiyakan pero di ko pa rin maintindihan kung bakit ako nasasaktan nang dahil sa kanya. Ang sama-sama ng loob ko. Hindi ko alam kung bakit pa rin ako nagagalit nang dahil sa kanya.

* * *


Kinuha at inayos ko na ang lahat ng gamit ko rito sa apartment para i-empake. Bigla ko na lang kasing naisipang lumipat. Para naman hindi na 'ko magkaroon pa ng rasong maghintay sa gagong yun. Inaamin ko sa sariling umaasa pa rin akong puntahan niya 'ko rito para humingi ng patawad pero isang buwan na nga ang lumipas at nagmumuka lang akong tanga.

Naghanap ako ng malapit sa university na pinag-aaralan ko. Yung walking-distance para tipid na sa pamasahe. Wala na kasing Klein na maghahatid-sundo sa'kin. Wala na kasi yung gagong lalaking laging naghahatid-sundo sa'kin.

Maswerte at nakahanap agad ako ng malilipatang pad at malapit nga ito sa pinag-aaralan ko. Iisa na nga lang yung bakante mabuti naman at naging mabait sa'kin ang tadhana para ako ang makaokupa sa bakanteng yun. May kamahalan nga lang kumpara sa apartment ko. May maintenance fee at security fee pa kasi pero okay naman sa budget ko.

Naging maayos ang transaksyon kaya walang naging problema. Nagpauna na 'ko ng one month deposit, one month advance. Pwede na raw akong lumipat anytime pero sinabi kong next week na lang, sa start mismo ng summer class ko.

Aasa pa 'ko ng isa pang linggo. Malay ko, baka magsisi na siya at humingi nga ng second chance.

Kasalukuyan na 'kong pababa nang building matapos makipag-transaction tungkol sa pad na rerentahan. Nawala ang isip ko kay Klein nang bigla na lang akong may makabanggaan sa hagdanan.

"Shit!"

Pareho at sabay pa kaming napamura ng babaeng nakabanggaan ko.

Mariin ko siyang tinitigan at ganun din siya sa'kin na para bang nagsasabi ng 'Tumingin-ka-sa-dinadaanan-mo'. Hindi na 'ko nagsalita pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad at ganun nga din ang ginawa niya na para bang walang nangyari.

* * *


Ngayon ang start ng summer class. Second year pharmacy student ako. At dahil nga summer class ay 9 units lang ang pwede naming kunin. Bale tatlong subjects lang ang meron ako ngayon dahil tig-3 units ang bawat subjects na kinuha ko at panay mga minors lang. Nakakawalang gana pero kailangang i-enroll dahil required sa curriculum namin.

Dalawa ang klase ko sa umaga at ang huli ay sa alas tres pa ng hapon. Mahaba-haba ang vacant time ko. Iko-consume ko sana ang oras na yun sa paglilipat ng mga gamit ko sa pad pero naisipan kong lumipat na lang mamayang hapon pagkatapos ng lahat ng klase ko. Nanamnamin ko muna ang nalalabing oras ko sa apartment.

Para maghintay kay Klein...

Sa huling pagkakataon.

"Sa'n ka magla-lunch, Steffan?" Tanong ng kaklase kong si Anica pagkadismiss ng pangalawa at panghuling klase namin sa umaga.

"Malayo."

"Sungit mo pa din." Narinig kong sabi ni Ysa. "Anyway, three hours yung vacant. Sa'n ka tatambay?"

"Sa lungga ko."

"Oy! Pero parang ikaw yung nakita ko kahapon do'n sa FP building ah?" Usisa naman ni Jade. "Yung mga unit na for rent malapit lang dito." Paalala pa nito.

"Lilipat ako do'n ngayon." Sagot ko na lang para magtigil na sila. "Pero mamaya pa pagkatapos ng lahat ng klase ko." At saka plastic na ngumiti.

"Sabay ka sa'ming mag-lunch kung gusto mo." Pag-aaya ni Anica.

Napabuntong hininga na lang ako at napangiwi. Itong magbabarkadang 'to talaga, parang mga elementary pa rin. Masyadong FC. Hindi ko naman sila ka-close. Wala naman talaga akong ka-close rito until now simula no'ng mag-transfer ako last semester.

Binilisan ko ang paglalakad para makalayo na sa kanila.

* * *


"You're late." Sita sa'kin ng panot na instructor sa panghuling klase ko; Philippine Constitution, malayo sa kurso kong BS-Pharmacy.

"And who are you by the way? Oppenhiem or Steffan?" Tanong na naman ni Sir na hindi ko pa alam ang pangalan. Akma akong magsasalita nang biglang bumukas ulit ang pinto.

Mukhang may mas late pa kesa sa'kin. Lumingon ako sa pintuan para tingnan ang bagong dating.

Mahaba at straight ang dark brown na buhok. Maliit at matangos ang ilong. At parang adik dahil sa kapansin-pansin na dark-circles sa gilid ng mga mata. Halatang hindi pure-blooded Filipina pero hindi ko maintindihan ang lahi.

Teka, sandali ...

"Ikaw?!" Sabay naming tanong sa isa't isa at parehong mababakasan ng pagkasorpresa o mas maiging sabihing hindi pagkapaniwala.

Sa tagal ng pagtitig ko sa kanya, ngayon ko lang na-realized na hindi ito ang unang pagkikita namin. Sa tingin ko namukhaan rin niya ako dahil sa naging tanong at reaksyon niya.

Siya yung babaeng nakabanggaan ko sa hagdan noong pababa ako ng FP building matapos makipagtransaksyon ukol sa lilipatang pad.

Nawalan ako ng pakialam sa ibang mga narito na siguradong nasa amin ngayon ang atensyon, maging sa professor na nasa likuran ko lang.

"Classmate kita sa subject na 'to?" Di makapaniwalang tanong ng babae.

Akma akong magsasalita nang pumeke ng ubo si Sir, para siguro kunin ang atensyon naming dalawa na parehong nakatayo mismo sa harap ng buong klase. "Ms. Steffan and Ms. Oppenheim, kindly take your sit before starting an interrogation with each other?"

Sandali ulit kaming nagkasukatan ng tingin no'ng babae bago maghanap ng kanya-kanyang mauupuan.

Sa harap siya umupo. Meron pang bakanteng upuan sa tabi niya pero dumiretso pa rin ako sa likod para sana do'n umupo pero sinita agad ako ng professor.

"Please occupy the vacant seats in front." Demand ni Sir. "Thirteen students na nga lang kayo sa class na 'to, nagkakalayo-layo pa."

Ayoko ng gumawa ng eksena kaya bumalik ako sa harapan at umupo sa nag-iisang bakanteng upuan sa pinakaharap, sa tabi ni ...

"Miss Oppenheim?" Tanong sa kanya ni Sir.

Pagtango lang ang naging sagot ng katabi ko.

"Heather Naz Kusser Oppenheim." Turo nito sa kanya at saka bumaling sa'kin. "At ikaw naman si Vanessa Steffan."

Kinumpirma lang pala ni Sir kung sino sa'min ang Steffan at Oppenheim. Pagkatapos ay ipinagpatuloy na nito ang pagdi-discuss.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi ko. May dugo nga siyang banyaga base sa last name niyang may pagka-aleman pero hindi naman makikitaan ng kaparehong itsura ng nga puti. Brunette ang buhok, hindi blonde. Morena siya at balbon nang mapansin ko ang braso niyang may balahibong-pusa. Sa parte ng mata parang may pagka-bumbay dahil sa mahahabang pilantik ng pilik-mata, bahagyang dark-circles sa bawat mata niyang may pagka-mulagat at perpektong guhit ng natural na makapal na kilay. Sa ilong naman, maliit na matangos, parang kastila. Mukhang ka-edad ko lang din siya. At kung magka-edad nga kami, masasabi kong matangkad siya para sa height na 5'6. Tantya ko lang din yung tangkad niya na ikinumpara ko lang sa'kin kasi tingin ko kanina, magka-height kami; Hindi siya nakasuot ng heels. Classic converse. Kung sa pananalita naman, masasabi kong Pinay kasi nakapagtagalog na walang accent. Kung iba-base naman sa pangalan niya. Ewan ko. Sa lahat ng binanggit, Heather lang kasi ang natandaan ko. Bakit hindi na lang siya pinangalanang Oven Toaster?

"pa-Heather Heather pang nalalaman."

"May sinasabi ka?" Tanong niya sa'kin bigla.

Lekat. Nasabi ko yata yung nasa isip ko. Kunwari wala akong narinig at di na lang siya pinansin. Inabala ko ang sarili sa pagta-take-down notes.

Matapos kaming i-dismiss ni Sir (na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan), nanguna na 'ko sa paglabas.

Ayokong ma-corner ulit nila Anica at tanungin na naman ng kung anu-ano o ayain kung saan-saan. Mabuti pang umalis na lang kaagad at nang mailipat ko na ang mga gamit sa pad.

* * *

"Dito na lang po. Salamat." Ani ko sa guard na tumulong pa sa'kin sa pag-akyat ng mga gamit ko rito sa ikatlong palapag ng building.

Pagkaalis ni manong guard ay sakto namang nariyan na rin yung ginang na nakatransaksyon ko.

"Naku hija, ikaw ba yung dapat na magrerenta diyan?" Tila nababahalang tanong nito sa'kin.

Napakunot-noo naman ako. "Opo. Bakit, may problema po ba?"

"Ang tagal mo kasing lumipat dito. At wala ka ring pasabi kung kelan. Akala ko di ka na interesado... kaya... ibinigay ko na sa iba." Hindi ko inasahan yung sinabi niya. "Pasensya na hija. May tao na diyan." Tukoy nito sa pad na dapat sana'y lilipatan ko.

"Hindi ko alam na ngayon ka lilipat." Paghingi ulit nito ng paumanhin. "Hindi ko alam kung pa'no 'to ngayon. Sa totoo lang, wala na kasing bakante. Pasenya na talaga."

"Po?!" Di makapaniwalang sambit ko. "Pero nag-down po ako ng one month deposit, one month advance. It means reservation. At sinabi ko pong lilipat ako sa start ng summer class. May contact number din akong nilagay dun sa form na pina-fill up nyo sa'kin. Pa'no niyo pa nagawang ibigay sa iba nang di ako nai-informed?"

"Wala ka naman kasing sinabing eksaktong petsa. At di ko mahanap yung papel mo. Nakalimutan ko nga ring ibigay sa'yo yung susi kaya akala ko di ka pa nakakapagbayad. At akala ko rin hindi ka na matutuloy. Ang tagal mo kasing lumipat."

Ang dami naman niyang akala. Kung maraming namamatay sa maling-akala, bakit hindi pa siya--

Haynaku.

"Pero may usapan ho tayo."

"Small world."

Napalingon ako sa nagsalita. Yung Heather na magandang babaeng hindi ko alam ang lahi. At nakangiti pa?

"Ikaw na naman?" Tanong ko.

"Yep. Taga-rito ako." Sagot niya nang nakangiti pa rin. "I heard everything. And I have a nice idea."

"Ano yun hija?" Tanong naman agad ni manang na nabubuhay sa maling-akala.

Lumapit sa tabi ko si Heather. "Siya dapat yung mag-o-occupy sa pad na yan, diba?" Turo niya sa kinatatapatan naming pinto. "Pero pinarentahan niyo rin sa iba. And di niyo na rin mabibigyan ng ibang pad kasi nga wala ng vacant. So, the solution is ibalik niyo na lang sa kanya yung bayad niya." Paliwanag ni Heather at saka ako tiningnan nang may ngiting makahulugan.

"Anong nice do'n sa idea mo?" Kwestyon ko.

"Yun nga rin ang problema. Hindi ko maibabalik ng cash kasi walang pera dito. Wala akong nasingil na cash ngayon. Halos lahat ng renta bank to bank na. Itatawag ko pa kay ma'am Stella yung refund kung sakali. Siya kasi yung may alam e nakabakasyon sila ngayon. Pa'no yan?" Nababahalang muli na sabi ni manang bago pa magawang sagutin ni Heather ang tanong ko sa kanya.

"Ba't kasi di kayo marunong tumupad sa usapan?" Naiinis namang sabi ko sa ale.

"Naughty or nice." Muli akong napatingin sa weirdong alien na nasa gilid ko. "Nasabi ko na yung not so nice idea. Gusto mo bang malaman yung naughty?"

"Sinasabi mo?" takang tanong ko. Pansin na nga ang pagkainis ko an'dami pa niyang delaying answer.

Bumaling siya sa landlady. "What if share na lang kami ng pad? Pwede naman diba? Maluwang naman sa loob at double-decker yung bed ko at payag naman ako."

Muling umaliwalas ang mukha ni manang. "Naku, syempre naman pwedeng pwede, kung okay lang sayo. At magandang idea yun kasi makakatipid kayo sa renta dahil paghahatian niyo yung bayad. Gano'n ang siste ng iba dito." Bumaling ito sa'kin "Yung one month deposit, one month advance mo, magiging tig-two months. Ibig sabihin hindi mo na problema ang apat na buwang renta dahil bayad ka na."

"Yun ay pag pumayag siya." Singit na naman ni Heather bago pa 'ko makapagsalita.

"Gusto ko ng peace of mind kaya ako kumuha ng sariling unit." Sagot ko. "At privacy." Dugtong ko pa. "Pero pa'no mangyayari yun kung magkakaro'n lang din ako ng room-mate?"

"Well, nagsa-suggest lang naman ako." Kibit-balikat ni Heather.

"Sige na hija. Pumayag ka na." Pakiusap sa'kin ni manang. "Hindi ko kasi maibabalik yung bayad mo ora-mismo. At muk'ang maaabala ka na nang sobra kung maghahanap ka pa ng ibang marerentahan."

Napatingin ako sa mga bagaheng dala ko. Isang malaking suitcase at isang maliit. Meron pang isang duffle bag at isama pa ang bag na nakasukbit sa balikat ko. Totoo nga naman. Maaabala na 'ko kung ngayon pa mismo ako maghahanap ng ibang malilipatan. Hindi na rin ako makakabalik sa apartment dahil bukod sa malayo rito e nagpaalam na rin ako do'n sa landlord na aalis na 'ko. Nakakahiya naman kung babalik pa 'ko do'n dala-dala ang mga naka-empakeng gamit at sasabihing 'Pwedeng makitulog, kahit isang gabi lang?'. Eh sakto na ngang natapos mismo sa araw na 'to yung cover ng renta ko do'n.

Hindi ko inaasahan ang biglaang pag-akbay sa'kin ni Heather. "Walang problema sa'kin, besides, magkakilala naman kami nito. Close nga kami. Kaya kami nalang dalawa sa pad ko."

Bumitaw rin ako agad at lumayo sa kanya pero bago pa 'ko makaangal kinuha na niya ang ilan sa mga dala ko at ipinasok sa loob ng pad niya na katabi lang pala mismo ng dapat sana'y pad ko.

"Get inside, hon!" Sigaw niya mula sa loob. "Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?"

Napabuga ako ng malalim na hininga at muling humarap kay manang. "Sana po hindi na maulit 'to. Baka masigawan pa kayo no'ng iba." At saka na rin ako pumasok sa loob ng pad ni Heather dala ang iba pang bagahe.

"Feel at home, hon." Nanunudyong sabi niya habang naghuhubad ng damit para magbihis.

"Hon mo muk'a mo." Naiiritang sabi ko na pilit ngayong nag-iiwas ng tingin sa gawi niya.

May kwarto naman at meron ding banyo at walk-in closet pero ba't dito pa siya mismo sa harap ko nagbibihis?

"At bakit? Your nickname Van kinda rhymes with Hon?" Pero para naman siyang di sigurado sa sinasabi. "Even the last syllable of your surname. Fan."

"Vanessa." Pagtatama ko. At napaka-assuming naman niyang 'Van' ang nickname ko. 'Vaness' kaya ang pinaikling tawag sa'kin ni Klein.

Hay... Klein na naman. Pukang ama talaga.

Pinilit kong maging mahinahon at inilibot na lang ang paningin sa buong paligid. Kagaya rin 'to ng pad sa kabila na ipinakita sa'kin ni manang. May maliit na sala kasama na ang kusina. Sa kanan ay may dalawang pintuan; Banyo at walk-in closet yun. Sa gawing kaliwa ay may pintuan ulit at iyon nga ay kwarto. Marami ng gamit dito pero maaliwalas at kaaya-aya naman. Pwera lang sa babaeng kasama ko ngayon na basta-basta na lang naghuhubad sa harap ko para magpalit ng damit.

Pagkatapos niyang magbihis (alam ko kasi nakikita ko from my pheripheral vision) ay lumapit siya sa'kin. Sobrang lapit, as in magkadikit na ang mga noo namin. "I prefer to call you hon or honey." Bulong niya at saka na lumayo nang di nawawala ang ngisi sa labi.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
8.1M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...