Beautiful Disaster

Af -QueenLi

695K 2.2K 100

He is the Jacob Rye Lucre, vocalist ng sikat na banda sa buong bansa, Falling in love with him and with his m... Mere

Prolouge
My Strength
Punta Fuego
Wound
Private
Like
Autograph
Always
Trust
After Party
Complicated
Right time
A girl can dream
False hope
Brother

Concert

18.4K 114 2
Af -QueenLi

Concert

Dumaan ang isang linggo ng mabilis at concert na ng The Chase! Simpleng puting dress puting sneakers ang aking suot na pinatungan ko ng denim na jacket at itim na sling bag. Kontento naman ako sa repleksyon ko sa salamin at komportable din ako sa suot kaya ito na ang napili ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko at kinuha sa study table ang aking telepono. I checked if there's any reply from Jacob.

Ako:
Goodluck sa concert niyo tonight!

Pero walang reply. Nagtagal ang titig ko doon. Gusto ba niya talaga ako? Sinabi niyang girlfriend na niya ako ng huli kaming nagkita, pero pagkatapos noon ay puro text messages na lang kami at halos hindi pa siya nakakapag reply.  Doon pa lang, alam kong hindi ko na dapat pa iyon seryosohin.

Inalis ko sa aking isip ang malulungkot na bagay at masayang pumunta sa parking, dadalhin ko ang sasakyan dahil alam kong gagabihin. Ng buksan ko ang stereo ay automatic na playlist ng The chase ang tumugtog.

Tumunog ang maliit kong telepono at chineck ko ng nasa stop light ako.

Tam:
Good evening Tasha, nakita kong parehas tayo ng duty bukas. See you tomorrow sa Chapters!

Nag type ako ng reply.

Ako:
See you Tam! : )

Walang nakakaalam na pumupunta ako ng concert, kahit si Auntie ay hindi. Si Jane lang ang may alam.

Pinaandar ko na ang sasakyan ng mag green ang light. Maayos akong nakarating sa Arena,  ang dami ng tao na nakapila, karamihan ay kababaihan at hindi makaantay na makapasok sa loob. Matiwasay kong inabot ang aking ticket ng turn ko na para pumasok. Tinignan ng lalaking security ang likuran ng aking ticket at automatic na may iniradyo.

Kahit pila pa lang ay maingay na, ang ibang grupo ay kumakanta at naghihiyawan, pero kahit ganon ay hindi naman nagugulo ang pila. Marahil takot din sa mga security na malalaki ang katawan na nakapaligid.

"Miss dito ang daan." Natigil ako sa aking iniisip ng imuwestra sa akin ng security ang daan taliwas sa mga kasabayan ko. Isang security pa ang sumalubong sa akin para samahan ako sa tamang daan.

Nagtataka akong sumunod at ng makitang nasa pinakaharapan ako ng stage at kahilera ko ang iilang artista at sikat din na singer na pumunta sa concert na iyon ay hindi ko na napigilang tanungin ang lalaking security na nagdala sakin doon.

"Ah, mali po ata? Hindi po VIP ang ticket ko sir." Ngiwi kong sabi.

"Dito po ang puwesto niyo Ma'am. Naibilin na sa amin yan ni Nate." Sabi nito sabay pakita ng ticket ko na may pirma.

Unti-unting kumunot ang aking noo at inalala ang sinabi niya sa akin.

"Thank me later."

Laglag ang aking panga ng mapagtantong ito ang ibig sabihin non! Anong plano niya at naisip niya ito? This is not definitely a revenge for saying na hindi siya ang gusto ko sa grupo hindi ba? Pero kung parusa nga ito, panalo siya!

Dinig ko na nagbulungan na parang mga bubuyog ang mga kilalang personalidad sa paligid ko, ng marinig ang pangalan ni Nate. Hindi pa nakuntento at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Sino siya? A newbie?" Bulong ng isang teen star na morena.

Nailang ako bigla sa paligid, halatang lahat sila ay may sinabi sa buhay at karamihan ay kilala sa showbiz industry.

"Ah, uhm.. doon nalang po ako sa dapat kong pwesto." Nahihiya kong sabi, lalo na at nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang kilalang tao na naroon.

"Pasensya na Ma'am napagutusan lang." Malaking boses na sagot ng security

Bumagsak ang aking balikat at wala ng nagawa pa. Dahan dahan akong pumunta sa aking puwesto at nagpaalam na ang security ng masigurong naroon na ako. Naiilang ako at halos di malingon ang mga katabi, ito ang unang pagkakataon na ganito ako kalapit. Nangangamba ako na makita niya dito. Hindi ko alam. Hindi ko maproseso ang mga dahilan ko kung bakit ayaw kong makita niya akong nakatingala at pinapanood siya.

"I doubt if she's a newbie.." Pagpapatuloy ng bulungan, this time isang mestisang sikat na teen star naman iyon.

"Probably Nate's new P.A" Sagot naman ulit ng morenang teen star.

"Yeah, masyadong mabait lang siguro si Nate, gustong iparanas ang VIP sa P.A" savi nung mestiza tapos nagtawanan pa sila.

Kinagat ko ang aking labi, ito ang dahilan kung bakit ayoko pumwesto dito, bukod sa mahal naman talaga ay, ayokong nahahalo sa kanila dahil mas nararamdaman ko kung gaano ako kalayo sa mundo niya.

Hindi mo maiwasang sisihin si Nate. Naiinis ako sa kanya.

Nasa harapan ako ng hugis letter T na stage, nakatayo ang lahat walang upuan. Ang kulay bughaw na ilaw ng stage ay namatay at dumilim ang buong paligid. Nagsimulang magsigawan ang mga tao, hudyat na magsisimula na ito.

I sigh in anticipation. Pero hindi ito kasing kumportable ng ibang concert nila na pinuntahan ko. Knowing na pwede niya akong makita dito.

Nagsimulang bumukas ang malaking screen at isa- isang nag flash doon ang mga solong litrato ng grupo, bawat isa ay nakakuha ng pare-parehas na lakas ng sigawan.

Halos mabingi ako sa  tili ng mga kababaihan, kahit ang mga celebrity na babae ay hindi matago ang excitement na para bang nakalimutan kung sino sila.

Tulad ng dati, tahimik lang akong nanood, pero ang puso ko parang sasabog na sa excitement.

Bumukas ang pulang ilaw, maraming usok ang lumabas sa stage, mula sa ibaba ng stage ay unti- unting umaangat ang bawat miyembro ng The Chase. Si James in drums, Whayne and Nate in guitar. At si Jacob na nakasabit din ang gitara sa katawan.

Napasinghap ako, he's all in black again, ang leather niyang jacket at ang itim niyang boots, ang maliit niyang hikaw sa kaliwang tainga na kumikinang kapag gumagalaw siya.

Napalunok ako, hinawakan ko ang dibdib kong walang tigil sa pagwawala, sa tingin ko ay ano mang oras ay mahuhulog ito kung hindi ko gagawin iyon.

Nagsimula ang tugtog at tumahimik ang mga tao, nahanap ni Nate ang aking mga mata at isang mapaglarong ngiti ang kanyang pinakawalan bago magsimula tumugtog ng gitara.

Marahan ko siyang inirapan at umismid.

This time, this place misused, mistakes
Too long, too late, who was I to make you wait?

Ang malamig na boses ni Jacob ay binalot ang buong arena. Napasinghap ang aking mga katabi at walang nagtangkang magingay. Hinayaang walang malagpasan sa kanyang kinakanta.

Just one chance, just one breath
Just in case there's just one left
'Cause you know you know, you know

Ang boses niya na tumatagos sa lahat ng puso na naririto, kahit kailan ay hindi binibigo ang kanilang fans.

That I love you I have loved you all along and I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore

Ang kulay pulang ilaw ay biglang naging puti, nakakasilaw pero nakakamangha, halos wala ng makita sa stage pero saglit lamang iyon. At kalaunan ay naging malinaw na sila sa paningin.

Intense ang bawat pag strum nila ng gitara at ang pagpalo ng drums. Dalang dala ang lahat. Giving all their best in every performance. No wonder they are the best band of the country

Sa bawat kanta ay mas lalo akong nahuhulog, hindi ko alam kung hanggang kailan ang paghangang ito. Ni hindi ako sigurado kung paghanga nga lang ba ito o mas malalim pa.  Wala sa sariling ikinulong sa aking kamao ang singsing na nakasabit sa aking leeg.

Ng matapos ang kanta ay deretcho akong tinignan ni Jacob na para bang alam niya kung nasaan ako kanina pa, natigil ang aking paghinga, napalunok ako at naalala muling malapit lang ako!

Tumalikod siya inilapag ang gitara at kumuha ng bote ng tubig na nasa gilid lang niya.

Alam ba niya kanina pa na narito ako? Kumalabog ng malakas ang puso ko sa naisip.

Relax Tasha..

"Maureen is one heck of a lucky girl." Narinig kong bulong ng isang babae na napagtanto kong one of the hottest singer ngayon.

"He probably sang it for her." Malungkot na sabi ng katabi nito.

Maureen? naalala ko ang pangalan na iyon, siya ang kausap noon ni Jacob sa hospital ng ibalita niyang wala na ang kanyang mommy. She must be really important to him, to be the first person to know that Jacob's mom was gone. Idagdag pa ang naririnig ko ngayon sa iba.

Tumingin muli ako sa stage ng magsimula ang susunod na kanta. It's still a slow rock song at tulad ng dati, sobrang ganda parin ng boses niya habang kinakanta iyon.

Wala sa sarili kong naisip, he told me that very night na girlfriend na niya ako, after he kissed me. Hindi ko maitanggi na gusto ko iyon. Did he really mean it? But his action telling me otherwise. Para g ang hirap hirap hindi umasa.

Lalo na kung binibigyan niya ako ng pag-asa.

Is this concert is important to him? Does Maureen texted him good luck too? And.. did he reply then?
May kaunting kurot akong naramdaman sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim para mawala iyon.

Siguro nga ay nababaliw na ako para umasa. Ang isang tulad ni Jacob kailanman ay hindi magka-kagusto sa isang tulad ko. Marahil ay naoobliga lang siya, sinabi niyang ideal girl niya ang nagbigay sa kanyang sing-sing, at nagpapasalamat siya. Nalaman niyang gusto ko siya, at tingin niya ay dapat niyang suklian iyon.

Tama.. naoobliga lang siya.

Nabaling ang atensyon ko ng pumunta si Jacob sa edge ng stage kung saan ako nakaharap, lumuhod siya doon habang nagigitara. Napasinghap ang babae na katabi ko. Nawala ang lahat ng iniisip ko ng nakatingin siya sa akin habang kumakanta. Sa akin nga ba?

Lost and insecure
You found me, you found me
Lying on the floor
Surrounded, surrounded
Why'd you have to wait?
Where were you? Where were you?
Just a little late
You found me, you found me

Nanikip ang dibdib ko, hindi ko na alam ang mararamdaman. Pilit kong iniiwas ang tingin ko, pero sa tuwing ibabalik ko ang mata ko sakanya, talagang nakatingin siya sa akin. Lumunok ako at yumuko, hindi na kinaya pa ang kanyang titig.

Gustong gusto kita Jacob, at sapat na sakin iyon.

Marami pang sumunod na kanta, ang iba ay solo ng bawat grupo. Mayron din na nagpakitang gilas sila sa pagtugtog ng kanilang instrumento, at halos mahimatay na ang mga babae sa paligid. Maraming sumigaw ng pangalan ng bawat myembro ng banda, makikitang pantay sila  taga hanga.

Sa gitna ng nagkakagulong fans ni Nate ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin habang tinitipa ang gitarang hawak. Natawa lamang siya ng muli ko syang irapan, may mga kababaihan din sa likod na sumisigaw ng pangalan ni James ng solo itong nag drums, at ganun din kay Whayne ng mag solo ito sa base guitar.

Lagot kayong lahat kay Jane. Natatawa kong naisip

Isang malakas na palakpak at sigawan ang huling narinig sa Arena na iyon ng magpaalam na ang The Chase at magpa- salamat dahil muli isang matagumpay na concert na naman ang naganap.

Hinawakan ng mahipit ng dalawang kamay ko ang sling ng aking bag. His voice and music will always inspire me to live. It's like food to my soul.

Mas malapit sa exit ang pwesto ng VIP, ang dalawang sikat na teen star ay nasa harapan ko naglalakad palabas ng Arena kasunod ako, panay ang hagikgikan nila at kinikilig parin kahit tapos na ang concert, ang dalawang kilalang model naman sa likuran ko ay busy sa pag check sa cellphone nila ang na-record nilang performance.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang si Jane ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

"Hello." Sagot ko

"Nandito ako sa Arena." Bungad ni Jane

Nagulat ako at huminto sa paglalakad, lumingon at baka sakaling nasa likuran ko lang siya.

"Huh? Saan dito?" Tanong ko.

"Saan ka nakapark?" Pagbabalewala niya sa tanong ko.

"Sa C16, nasaan ka ba?" Tanong ko ulit.

"Hintayin mo na lang ako don. Sabay tayong umuwi."

Iyon lang at ibinaba na niya ang linya. Ang weirdo lang ng tawag niyang iyon, sabi niya ay hindi siya pupunta tapos narito pala siya, sana ay sabay na kaming nagpunta at nanood.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakikita ko na ang labasan ng may humila sa kamay ko, sisigaw na sana ako sa takot pero mabilis niyang natakpan ang bibig ko ng isandal niya ako sa pader.

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino iyon. Ang lapit ng maamong niyang mukha sa akin. Ngumiti siya na para bang natutuwa siyang nagulat niya ako.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...