KTnxBye

By Abciddy

37.9K 1.2K 450

Isang palaisipan sa maraming tao kung posible nga bang maging magkaibigan ang dalawang taong minsan ng minaha... More

Prologue
Chapter 1: Bad Habit
Chapter 2: Say Goodbye
Chapter 3: Pasensya Ka Na
Chapter 4: Clean
Chapter 5: Not Over You
Chapter 6: Cool With You
Chapter 7: Set You Free
Chapter 9: Gravity
Chapter 10: Hanap Hanap

Chapter 8: What Do We Mean

1.9K 67 38
By Abciddy

From Sergio Mendes' "What Do We Mean to Each Other":

What do we mean to each other, am I friend, am I lover is it over now

If this is it then why bother tell me where do we take it from here

What do we mean to each other am I friend, am I lover, is it over now

Do you love me still or do you just mean well

--

2 weeks after, sa hideout...

Pochee: (nakaupo sa sofa, may hawak na magazine) Ano na ba balita sa kakambal mo? Tatlong araw ng di nagpaparamdam.

Bree: (nagchecheck ng Intagram account niya habang kinakausap si Pochee) Nasa Cavite pa. May pinapaasikaso sila mudrabels eh.

Jhona: (nakasandal sa upuan, walang magawa) Weh? Ganun siya kabusy? Hindi man lang makapagtext? Ni hindi nga sumasagot sa group chat natin.

Pochee: Uuuuuuy! Namimiss mo noh?

Bree: Ayan kasi. Pag nandiyan, wagas ka maka-irap. Pag wala, hanap ka naman ng hanap.

Jhona: Excuse me ha! Di ko siya namimiss. Nacucurious lang ako kung anong ganap sakanya.

Pochee: Push mo yan girl! Deny pa more!

Bree: Mas okay na si Bry, 3 days palang nawawala. Eh si Mo ano na nangyari? Magdadalawang linggo na, tipid na tipid magkwento. Ni hindi nga nagpapakita.

Gan: (naka-upo sa sofa, dumilat mula sa pagkaka-idlip) Hayaan niyo na. Masaya eh.

Pochee: (nagulat, napahawak sa dibdib niya) Anubeeeeey!! Lakas manggulat teh! Akala ko ba tulog ka?

Jhona: (natatawa) Lam mo naman yan si Logan. Just say the magic word biglang nabubuhay.

Bree: Tinatawagan niyo ba?

Jhona: Laging kasama si Vince eh. Hayaan na natin. Bago palang eh. Di pa mapaghiwalay.

Gan: (pumikit ulit) She's happy. Let her be.

Pochee: (binitawan yung magazine na hawak niya, umusog palapit kay Logan, sumunod sina Jhona at Bree, tinititigan nilang tatlo si Logan, kinalabit ni Pochee) Psst... baks...

Gan: (dumilat, nagulat na ang lapit masyado sakanya nung tatlo, nakatitig sakanya na para bang nang-aasar at naghihintay ng sasabihin niya) Ano? Problema niyo?

Pochee: Yeng tetee? Nakamove on ka na?

Gan: Tsss! Ano ba! Oo naman!

Bree at Jhona: Weh?!?!

Gan: Oo nga! (pumikit ulit)

Pochee: Tsk! Naman 'to! Kinakausap ng maayos eh! Dumilat ka! Bubuhusan ko ng suka yang mata mo!

Gan: (dumilat) Oo nga!! Ang kulit niyo!

Jhona: So pag sinama ni Mo si Vince dito, ok na sayo?

Gan: Oo. Normal naman na isama niya. Boyfriend niya na nga diba?

Bree: Eh pag nagholding hands?

Gan: Okay lang.

Bree: While swaying?

Gan: Oo nga! Okay lang!

Jhona: While walking?

Gan: Tss! Tigilan niyo nga ko! (pumikit ulit)

Bree: (nanlaki mata) EH WHILE KISSING??? Ok pa rin?!

Jhona: Oo nga. Sa harapan mo... este natin. Okay lang? Keri mo?!

Gan: (dumilat) Masasanay din ako na makita silang sweet sa harap ko at masasanay din kayo na may iba ng nagpapasaya kay Mo.

Bree at Jhona: (sarcastic tone) Hoooooowkay!

Pare-pareho silang walang magawa kaya naisip nalang nila magmovie marathon sa hideout kaya pagkatapos ng pang-aasar kay Logan, lumabas sina Bree at Jhona para bumili ng makakain habang nanunood sila. Naiwan sina Pochee at Logan sa hideout.

Pochee: (ginising si Gan) Huy! Kausapin mo nga ako.

Gan: (dumilat, umayos ng upo) Tungkol saan?

Pochee: (tinuro yung dibdib ni Gan) Yan. Tungkol diyan.

Gan: Ha?

Pochee: (sinabunutan si Logan) Maang-mangan pa 'to! You know what I mean!

Gan: (inayos yung buhok niya) I have nothing to say.

Pochee: Kasi ayaw mo pag-usapan o kasi wala kang mafeel?

Gan: Ewan ko. Both?

Pochee: You know you can talk to me, right?

Gan: Alam ko. Salamat.

Pochee: Nag-usap na ba kayo ulit?

Gan: Tumawag siya one time. Hindi ko sinagot.

Pochee: Hmm... bakit?

Gan: Kasi pag narinig ko boses niya masasaktan nanaman ako.

Pochee: Akala ko ba nakamove on ka na?

Gan: Para sakin moving on is different from getting over. Nakamove on, oo, dahil hindi na ko umaasa. Tanggap ko namang wala na talaga eh.

Pochee: Pero di ka pa over kasi mahal mo pa?

Gan: (huminga ng malalim) Pwede naman 'to diba? Mahalin siya kahit iba na yung mahal niya? (teary eyed) Hindi ko naman sisirain kung anong meron sila eh. Hahayaan ko lang na ganito. And maybe... just maybe... one day I'll wake up na kaya ko na siyang tingnan sa mata ng hindi ako nanghihina.

Pochee: (kumapit sa braso ni Gan para icomfort) Sana makahanap ka na rin. Gusto ka na din namin makitang masaya.

Gan: I may get used to this, her not loving me, me not having her. But she is and will always be my great love, Poch. (bumuntung-hininga) The one girl I will never get over.

Pochee: I hope that's not true. Kasi lahat tayo deserve natin makatuluyan yung taong pinakaminahal at pinakamamahalin natin.

Gan: (may kinuha sa bulsa niya, nilagay sa kamay ni Pochee) Keep this.

Pochee: (binuksan yung box) Ito yung...

Gan: Yeah. Yung promise ring na binigay ko sakanya nung kami pa. I look at it every night and it reminds me so much of what I have lost. Nung isang araw ko pa iniisip kung anong gagawin ko diyan. Sayo nalang muna.

Pochee: Isangla ko kaya 'to... Charot!

--

Sa bahay nina Bryan...

Pochee: (kausap si Logan sa phone) Uy nasan ka na ba?

Gan: (while driving) Malapit na. Nasa gate na ko ng subdivision. Bakit ba nagmamadali kayo? Alas siete palang. 9 pa yung last full show.

Pochee: Eh bilisan mo na kasi nagugutom na kami. Dun na tayo magdinner sa mall.

Gan: Dapat kasi nauna na kayo. Pwede namang dun nalang ako sumunod. Ako nalang ba wala diyan?

Pochee: (pretending na choppy yung line) Hello? Gan? (inabutan ng supot ni Bree, ginusot gusot ni Pochee malapit sa mouthpiece ng cellphone niya para umingay) Ha? Ano? Di kita marinig. Ga... Gan... He... Hell... Hello... (ended the call, nakipaghigh five kay Bree) Bonggabels yung effects!

Bryan: (kukuha sana ng icing sa cake na hawak niya, pinalo ni Jhona yung kamay) Araaaaay!

Jhona: Sisirain mo pa yung cake eh!

Bree: (inaayos yung party hat sa ulo niya) Ano guys? Ready na?

Pochee: (narinig yung busina ng kotse ni Gan) Ayan na! Ayan na!

After a few minutes, may nagbukas ng pinto. Nakaabang sa sala sina Pochee, Bree, Bryan at Jhona. Pag pasok ni Logan...

Pochee, Bree, Bryan, Jhona: SURPRISSSSSSSE!!!!!!!!!!!! (grinoup hug si Gan) Happy birthdaaaaaay!!!

Gan: (nagulat) Ano 'to?

Bryan: (hawak yung cake) Teka, hipan mo muna yung kandila.

Pochee, Bree, at Jhona: (pinagitnaan si Logan) Make a wish!

Pumikit si Gan, nagwish, at hinipan yung kandila sa cake. Tiningnan niya isa isa sina Pochee, Bryan, Bree at Jhona.

Jhona: (cleared her throat) Ahem! Parang may hinahanap ka ah?

Gan: Ha? Wala noh. Thank you guys. Pero... sa weekend pa birthday ko. Napaaga naman ata tong surprise party niyo.

Jhona: Kasi...

May narinig si Logan na boses na hindi nanggagaling sa mga taong katabi niya...

"Idea ko..."

Gan: (napatingin sa direksyon na pinanggagalingan ng boses, umusog si Jhona, napangiti si Gan sa nakita niya) Mo...

Mo: (lumapit kay Logan, sinuotan siya ng party hat) Namiss mo ko noh?

Gan: Anong ginagawa mo dito?

Mo: Malamang ako nagplano nito, alangan namang ako pa yung wala.

Pochee: Teka lang noh... Bago tayo langgamin... (nilabas yung cellphone niya) Groupfie munaaaaaa!!!

Pagkatapos nila magpicture taking, dumiretso sina Bryan, Bree, Pochee at Jhona sa dining table para kumain. Habang palakad papunta sa dining area...

Mo: (hinawakan siya ni Gan sa kamay, hinila palapit) O? Bakit?

Gan: Thank you.

Mo: Ako naman lagi nagpaplano ng birthday party mo, diba?

Gan: I know. Pero siyempre, alam mo na...

Mo: Gan, oo nga hindi na tayo but that doesn't make you less special. Tayo pa rin 'to. Moira and Logan. Sa dami ng pinagdaanan natin mas lalo ka pa nga naging special kasi with what we have now, hindi na tayo magbebreak. Ever.

Gan: (hindi alam kung malulungkot o matutuwa sa sinabi ni Mo) Basta. Salamat.

Mo: Walang anuman. (pinisil kamay ni Gan) Happy birthday! (smiled at him)

Bryan: (nagpaparinig) Hoy! Lovebirds! Tama na yaaaaaaaan!

Bree: (inabutan ng plato sina Mo at Gan) May chocolate, ice cream at cake na sa lamesa. Hayaan niyong sila nalang yung matamis. Wag na kayo sumali. Tara na!

Buong gabi sila nagcelebrate. Kainan, tawanan, kwentuhan. Ilang oras ang dumaan na hindi nila napapansin. Halatang namiss nila na kumpleto sila. Kung hindi pa nakaramdam si Bryan ng antok, hindi pa nila mapapansin na malapit na maghating gabi. Nagsimula ng magligpit sina Bree, Pochee at Jhona. Si Bryan naman nauna na sa kwarto niya. Gusto sana tumulong ni Logan maglinis sa dining area at sa kusina pero dahil siya daw ang may birthday, hindi pumayag sina Pochee. Lalabas sana si Gan para magpahangin nang biglang magvibrate yung phone niya sa bulsa ng pantalon niya.

Gan: (tumatawag si Mo) Hello? Mo? Asan ka?

Mo: Hideout. Punta ka dito.

Gan: Di mo nalang ako sinama nung pumunta ka diyan?

Mo: Basta! Pumunta ka na dito. Bilisan mo. (ended the call)

Gan: (pagdating sa hideout nakita si Mo na nakatingin sa MoGan wall, tinabihan niya) Huy!

Mo: (napalingon kay Gan, ngumiti, bumalik ulit yung tingin sa pader) Friends.

Gan: (nakatingin lang kay Mo) Ha?

Mo: (huminga ng malalim) Wala. Binabasa ko lang yung nakasulat sa wall.

Gan: (nagtataka) Okay ka lang?

Mo: (tumingin kay Gan) Oo naman.

Gan: So... why are we here?

Mo: (may inabot na envelope kay Logan) Birthday gift.

Gan: (kinuha yung sobre) Ano'to?

Mo: You were asking kanina bakit napaaga yung surprise party mo. Yan. Dahil diyan.

Gan: (sinilip yung laman ng sobre) Plane ticket.

Mo: Naalala mo nung tayo pa nagpapaalam ka sakin na gusto mo bumiyahe mag-isa? Ayoko pumayag kasi maliban sa gusto ko lagi tayo magkasama, natakot ako kasi feeling ko gusto mo kumawala. That time hindi ko naisip na kahit tayo, na kahit may girlfriend ka, kailangan mo din ng panahon para sa sarili mo. Na ikaw lang. Na hindi ibig sabihin nun hindi mo na ko mahal. Na ang gusto mo lang magkaron din ng panahon na ang iisipin mo lang sarili mo. So... there.

Gan: You're letting me go?

Mo: Uhm-hmmm. Now you can go. It's a two-way ticket to Singapore. We can't throw a party for you sa mismong birthday mo kasi first flight ng Saturday yung departure and first flight ng Monday naman yung pabalik. I suggest magpaalam ka na sa boss mo na baka half day ka lang sa Lunes. Nag-arrange na rin ako ng hotel accommodation and tour for you kaya pagdating mo dun, wala ka ng iisipin.

Gan: (napangiti) Wow. Thank you.

Mo: Pinag-ipunan ko yan ah!

Gan: (natawa) So nanunumbat ka?

Mo: Joke lang. (biglang naging seryoso yung mukha) Pero di nga, mag-enjoy ka dun ah.

Gan: I will. Nga pala, bakit hindi mo sinama si Vince?

Mo: Nag-overtime eh. Pero tinawagan ko na. Susunduin niya ko.

Gan: (hinuli yung tingin ni Mo) Mo...

Mo: (napatingin kay Logan) Hmm?

Gan: Are you happy?

Mo: (flashed a sincere smile) Yes.

Gan: Good.

Mo: (chineck yung phone niya) Nagtext na si Vince. Malapit na daw siya. Balik na tayo sakanila Poch?

Gan: Tara.

Maya maya, tumawag si Vince kay Mo. Nagpaalam na si Mo kina Pochee, Bree at Jhona. Ihahatid sana ni Logan si Mo palabas pero biglang umulan.

Gan: (nakasilong malapit sa may pinto, katabi si Mo) Teka. Kuha lang ako payong sa loob. Dito ka muna.

Bumalik si Logan sa loob ng bahay para kumuha ng payong pero nung binalikan niya si Mo, nakita niya si Vince na may dalang jacket. Pinatong ni Vince yung jacket sa ulo ni Mo para hindi maulanan at inakbayan habang inaalalayan papasok sa kotse.

Lumapit si Pochee kay Gan...

Pochee: (hinimas sa likod si Gan) Ok ka lang?

Gan: (habang hawak yung payong at nakatingin sa papaalis na kotse ni Vince) Ngayon lang nagsink in sakin, Poch. Hindi na ako ang kailangan niya.

--

After a few weeks...

Bryan: (on the phone) Hoy! Nagbirthday ka lang hindi ka na nagparamdam!

Gan: Sorry bro. Medyo busy lang.

Bryan: Busy saan? Kung kailan naman si Mo na yung laging present, ikaw naman laging wala. Ano ba nangyari sayo? Buti nga sinagot mo tong tawag ko.

Gan: (natatawa) Ang clingy mo din eh noh?

Bryan: Siyempre. Walang lovelife eh. So ano nga? Kailan ka magpapakita? Nasa office ka pa ba?

Gan: Kakaalis ko lang.

Bryan: O yun naman pala. Tara! Daan ka sa bar. Inom muna tayo.

Gan: May lakad ako bro. Next time nalang.

Bryan: Saan naman lakad mo? Samahan nalang kita.

Gan: Ang dami mong tanong!

Bryan: Sagutin mo kasi! Ano ba pinagkakaabalahan mo?

Gan: Pare, saka na ko magkekwento ok? Sige na! Nagdadrive ako.

Bryan: (lungkut-lungkutan yung boses) Wala ka ng time sakin.

Gan: Arte mo!

Bryan: (natawa) Di nga bro! Magpakita ka na!!

Gan: Oo. Sige. Next time na may lakad pupunta na ko.

Bryan: Promise?

Gan: Anong promise? Ano ka? Chicks?

Bryan: (pabebeng maktol) Say promise first!

Gan: Oo na! Oo na! Promise!

Bryan: Sakto! Magkikita yung barkada bukas.

Gan: Bakit? Ano meron?

Bryan: Wala lang. Hang out. Di na ba uso yun? Basta pumunta ka ah! Sa bar tayo.

Gan: Ok. Sige sige.

Bryan: Kiss ko?

Gan: Leche!

Bryan: (tawang tawa) Isang mwah lang! Wag ka madamot!

Gan: Bahala ka sa buhay mo! (ended the call)

--

8pm the next day, sa VIP room sa bar nina Bryan at Bree...

Jhona: Guys! Glasses up!! CHEEEEERS!!

Pochee: (pagkatapos uminom) Bry! Tinawagan mo ba si Logan?

Bryan: Nakausap ko kahapon. Sabi niya pupunta daw siya.

Bree: (exchanged meaningful glances with Jhona, bumulong kay Jhona) Ok lang ba na nandyan si Vince?

Bryan: Ano pinagbubulungan niyo?

Jhona: (binatukan si Bryan) Dun ka nga! Ang tsismoso nito! (napatingin kina Vince at Mo na busy sa pag-uusap)

Bryan: Aray ha! Namumuro ka na!

Jhona: Ang ingay mo kasi eh. Kaya nga binubulong para hindi marinig.

Bryan: O eh di sorry! (pabulong na nagsalita) So ano nga pinagtsitsismisan niyo?

Bree: Ay jusmiyo!!! (hinila si Jhona) Tara nga mars samahan mo nalang ako sa CR.

Bryan: Kabuwanan niyo bang dalawa?? Ang susungit niyo!

Pochee: Bry, tawagan mo nga ulit. Confirm mo lang kung dadating ba siya. Ang tagal na kamo niyang missing in action. Magpakita naman siya.

Bryan: Kayo naman kaya tumawag. Baka sabihin nanaman nun ang clingy ko.

Pochee: (kinuha yung phone niya) Fine! Ako na.

Tinawagan ni Pochee si Logan pero hindi sumasagot. Maya maya, bumalik na sina Jhona at Bree. Nakipagkulitan nanaman si Bryan sa dalawa.

Bryan: Si Logan nagbirthday lang naging indianero na.

Pochee: Ano ba kinabibusyhan nun?

Bree: Oo nga. Ang hirap na mahagilap.

Maya maya, may nagbukas ng pinto ng VIP room.

Gan: Late na ba ko?

Bryan at Pochee: FINALLY!!! (lalapitan sana si Gan)

Gan: (dahan dahang hinila yung kasama niya papasok) Umm... guys... I'd like you to meet Audrey.

Awkward silence.

Pochee: (tried hard to break the ice) Uy hello!! Pasensya ka na. Ganito talaga kami pag nakakakita ng dyosa. Lam mo na. Natutulala. Upo ka. (tumingin kay Gan) Order na kayo.

Bryan: (pinandilatan ni Pochee) Ay oo nga. Ganda mo girl ah. (nalito sa sinabi niya) Um, I mean... tama si Poch. Umorder na kayo.

Gan: (inalalayan si Audrey paupo, tumingin kina Bryan) Chumill nga kayo. (umupo sa tabi ni Audrey) Ano gusto mo?

Audrey: Ikaw ba? Para share nalang tayo.

Bree: (nagpaparinig) Ahem! Ahem! Sana pinapakilala mo muna kami diba?

Gan: Ay. Oo nga pala. Sorry. Auds, these are my friends. Pochee, Bryan, Bree, kambal yang dalawang yan. Di halata noh? This is Jhona. (napatingin kina Mo at Vince) Ummm... Vince... and... (napatigil sa pagsasalita)

Mo: (medyo sarcastic) Wow ah! Nakalimutan mo na pangalan ko? (tumayo para makipaghandshake kay Audrey) I'm Moira.

Audrey: Oooh. So ikaw si Mo, tama ba?

Mo: (nagtaka) Yes. Kilala mo ko?

Audrey: Oo naman. Lagi ka nakekwento sakin ni Logan. His bestfriend, right?

Mo: (tumingin kay Gan) Bestfriend huh?

Gan: (umiwas ng tingin) Anywaaaay... ummm... oorder muna kami. Medyo nakakagutom na.

Bryan: Oo naman. Pag awkward nakakagutom talaga.

Jhona: (kinurot si Bryan sa tagiliran, binulungan) Shut up.

Awkward silence nanaman.

Gan: Anong gusto mo?

Audrey: (tumitingin sa menu) Share nalang tayo ha? Hmm... gusto mo ng gambas?

Gan: Sige. Ano pa?

Mo: Gambas? Allergic ka kaya dun.

Audrey: Really? Sorry hindi ko alam. Iba nalang.

Gan: Hindi, ok lang.

Mo: Anong ok lang? Eh dati halos maospital ka na kasi magang maga yang mukha mo. Umiyak iyak ka pa nga sakin nun.

Bree: (habang patagong tinatapik si Jhona) Oo nga. Naalala ko yun. Pero baka naman magaling na si Logan, diba?

Jhona: Oo nga.

Bryan: Oo nga.

Jhona: (tumingin kay Bryan) Echo lang?

Pochee: (bumulong kina Bryan) Tigilan niyo yan. Halatang ang tetense niyo. (tumingin kay Audrey) Audrey sige iorder mo na yan para matikman mo. Masarap yan, promise.

Audrey: Pano si Logan?

Gan: Siyempre, share pa rin tayo.

Audrey: Yung allergy mo?

Gan: Hayaan mo na. Pag umatake naman, aalagaan mo ko diba?

Mo: Oo nga. Ok yan para makita kita ulit magmukhang Kokey. (awkward laugh)

Vince: Okay ka lang ba?

Mo: Oo naman. Nagjojoke lang ako noh.

Vince: Ikaw lang natatawa eh.

Pochee: (pilit na tumawa ng malakas) Hahahahahaha! Oy hindi ah. Natawa din ako. (bumulong) Jusko nasestress aketch. Magccr ako. Sama kayo girls? (pinandilatan sina Bree, Jhona at Bryan)

Bryan: O bat pati ako? Di naman ako girl?

Pochee: Sumama ka na rin. Iorder mo yung mga gusto nila Gan.

Bryan: (tumingin kay Logan) Pare labas muna ko ah. (tumingin kay Audrey) Don't worry Audrey. Ako na bahala sa order niyo. Papadagdagan ko nalang ng mga bestseller namin para matikman mo din. Pag may ipapadagdag pa kayo, sabihin niyo lang.

Lumabas sina Pochee, Bree, Jhona at Bryan. Naiwan sina Mo, Vince, Logan at Audrey. Ang tagal nilang natahimik. Naisipan ni Vince na magsimula nalang ng small talk para mawala yung ka-awkwardan ng sitwasyon.

Vince: San nga pala kayo nagmeet?

Audrey: Singapore. Logan was on a trip. Medyo naligaw siya at na-timing pa na sakin siya nagtanong. It so happened na I was there to visit my sister. Ilang beses na ko pabalik balik ng Singapore so medyo alam ko na yung mga lugar dun. I offered to join him and tour him around. Nakakatuwa nga kasi nameet ko siya mismong birthday pa niya.

Vince: Nice! Baka destiny.

Audrey: (tumingin kay Gan, napangiti) Might be.

After a few minutes, bumalik na din sina Pochee, Bree, Bryan, at Jhona.

Mo: Sabay din kayo bumalik dito?

Audrey: No. Nauna siya. Pero nung bumalik ako dito sinundo niya ko sa airport and we saw each other everyday since.

Mo: Ahhh. Kaya naman pala missing in action. May nilalandi.

Vince: Mo... (kinuha yung baso sa kamay ni Mo) Alam mo nakakarami ka na...

Mo: What?! (biglang tumingin kay Audrey) Uy don't get offended ah! Ganun lang kami magbiruan niyan ni Logan. Diba Gan?

Gan: Ah. Ano. Umm... oo. (nagtataka, napansin na nagtitinginan sila Pochee)

Audrey: It's okay. (nginitian si Mo) Sorry ah. Hindi ko alam na hindi na pala masyado nakakapunta 'tong si Gan sa mga lakad niyo.

Gan: They'll understand. Yang mga yan pa.

Pochee: Oo nga! Tsaka anyone na nagpapasaya sa mga friends namin welcome na welcome sa barkada.

Bree: True! Ito lang si Logan eh. Ginawa kang top secret kaya hindi namin knows na pumapag-ibig na pala.

Mo: (kinuha yung bote ng wine at pinuno yung baso niya) Oo nga! Ang bilis nga eh. Nagbirthday lang nainlove na. At dahil diyan... cheers!!!

Vince: (bumulong kay Mo) Mo, are you okay? Napaparami na yang inom mo.

Mo: Uhaw lang. To naman!

Gan: (pinagsilbihan si Audrey nung dumating yung mga pagkain) Sabihin mo kung may gusto ka pa ah.

Bryan: Naks! Namiss kita makitang ganyan bro ah.

Audrey: Ang alin?

Bryan: Yung may inaasikaso. Naku, pag naging kayo niyan ni Logan ewan ko lang kung makakilos ka pa sa sobrang maasikaso niyan.

Mo: Oo nga. Naalala ko nung kami pa niyan halos di na ko gumalaw kasi lahat siya na gumagawa.

MATINDING AWKWARD SILENCE.

Audrey: Naging kayo?

Mo: Oops. Hindi ba nakwento sayo ni Gan?

Jhona: (napabulong sa gulat) Shet.

Bree: (sinubukang saluhin si Mo) Umm... you know what mars, naiihi ako. Kanina ka pa nakaupo diyan. Hindi ka pa lumalabas. Tingin ko naiihi ka na rin. Tara?

Mo: No, I'm okay.

Vince: Labas muna ko.

Mo: Where are you going?

Vince: Magpapahangin lang.

Mo: Samahan na kita? (dirediretso ng alis si Vince, hindi na hinintay si Mo, halatang badtrip)

Kakausapin sana ni Gan si Audrey pero nag-excuse para mag-cr, sinamahan siya ni Bree.

Gan: (hinatak si Mo, kinausap si Bryan) Pare, pahiram muna ng opisina mo ah.

Sa office ni Bryan...

Gan: (sinara yun pinto, kalmado yung boses) What was that?

Mo: What?

Gan: Yun. Yung mga pinagsasabi mo kay Audrey.

Mo: Nagsabi lang naman ako ng totoo ah?

Gan: Why did you have to tell her?

Mo: Well, obviously, kasi hindi niya alam. She deserves to know.

Gan: What for? At hindi mo ba naisip na may rason ako kung bakit hindi ko sinabi sa kanya?

Mo: Gan, if you can't be honest with her sa simula pa lang, don't you think yun palang red flag na?

Gan: Akala ko ba gusto mo na ko maging masaya?

Mo: Oo nga. That's why I'm trying to save you from this mistake. You deserve to be with someone na kayang tanggapin lahat sayo. Even the fact that you are friends with your ex.

Gan: Mo, ako magdedecide nun, hindi ikaw. And how can you say that she doesn't deserve to be with me eh ilang oras mo palang ba siya nakikilala??

Mo: Gan, ayoko lang masaktan ka.

Gan: Mo, hindi madali ipaliwanag sa mga tao tong sitwasyon natin. I wasn't ready to tell her about us because I sincerely like her and I don't want to turn her off. Hindi lahat ng tao maiintindihan tong setup natin. Hindi ko muna sinabi sa kanya because I want to keep her without losing you in the process.

Mo: I'm sorry. I'm a bit drunk. And... ewan ko. I don't know what has gotten into me. (lumapit kay Gan) Sorry na. What do I have to do para di ka na magalit?

Gan: Stop acting like a jealous ex girlfriend.

Bago pa makasagot si Mo nagwalk out na si Logan sa sobrang kabadtripan.

Pagbalik sa VIP room...

Audrey: Umm... I have to go. It was really nice meeting you guys.

Gan: (tumayo) Una na kami. (bumeso kina Jhona, Bree at Pochee)

Bryan: Hatid ko na kayo bro sa parking lot.

Pagkalabas nina Gan, Audrey at Bryan...

Pochee: (tumabi kay Mo) Anyare sayo teh?

Jhona: Okay ka lang ba bes?

Mo: Ewan ko.

Bree: Napalakas inom mo mars ah. Jusko yung wine ginawa mong tubig.

Pochee: Yung totoo... ano yung eksena mo kanina?

Mo: Hindi ko din alam. Ang sama ko ba?

Jhona: Hindi naman bes. Medyo ano... umm... bitch move nga lang.

Bree: Alam mo mars puntahan mo na muna si Vince. Mag-usap muna kayo. Mukhang isa pa yun na nabadtrip. Kami na bahala dito.

Pochee: Mabuti pa nga. Ayusin niyo yan. Mga eksena niyo kanina kaloka ah! Nakakataas ng hairline.

--



Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
2.4K 219 17
[Epistolary] Punong-puno na si Alexa sa boss niyang walang ibang ginawa kung hindi mag-utos at magreklamo. Kaya nang may maka-chat siya tungkol sa mg...