TOTGA (The One That Got Away)

By Krizzyuuuuh

61 4 0

Paano kapag bumalik siya? Paano kapag bumalik si TOTGA? Paano kapag bumalik yung taong, nanakit sayo ng pauli... More

Mga Tauhan
Chapter 1

Chapter 2

7 0 0
By Krizzyuuuuh

Cassandra's POV

Hindi talaga ako makapaniwala kung sino ang lalakeng kaharap namin ngayon ni Ashly. Ang sabi kasi ni Ashly sakin kanina ay naglalaro daw sila ng video games. Pero bakit siya nandito? At kasama nya 'tong babaeng mukhang halimaw? Wag mong sabihing....

O_o

GIRLFRIEND NYA TO?! O_____O

"HOY! LALAKE! BAKIT KA ANDITO HA?! AKALA KO BA NAGLALARO KAYO NG VIDEO GAMES?! TSAKA ASAN SYA?! ASAN SI SKY?! ANO? KASAMA MO RIN BA SIYA?! HA?!" Galit na sabi ni Ashly kay Kurt.

Oo. Si Kurt nga ang kaharap naming lalake. Ang ex ko -_-

Nakatitig lang siya sakin at di parin niya sinasagot ang mga tanong ni Ashly. Nastarstruck na naman to sa kagandahan ko. Hahaha

"HOY KURT ANDERSON! SAGUTIN MO ANG MGA TANONG KO! WAG MONG TITITIGAN ANG BESTFRIEND KO KASI DI NA SIYA MAPAPASAYO!" Sabi naman ni Ashly kaya napatawa ako.

"Bakit? May bago ka na ba? May Boyfriend ka na ba Cass?" Tanong naman sa akin ni Kurt na halong may gulat.

Sa way ng pagtatanong nya, makikita ko na parang nalungkot sya sa sinabi ni Ashly sa kanya. Or assuming lang talaga ako? Duh? Hahaha.

"Oo meron na. Bakit? Ikaw lang ba ang pweding magkaroon ng bago ulit? Syempre ako din no! Tsaka anong 'Cass'? Ano tayo? Close? Casscassin mo mukha mo sa pader!" Pagtataray kong sagpt sa kanya. Tsaka wala pa naman talaga akong bago e.

"Teka nga. What are you guys saying?! Baby? Ex mo ba tong babaeng to?!" Sabi nung babaeng mukhang halimaw kay Kurt havang tinuturo ako.

Nageexist pa pala siya? Akala ko nilamon na sya ng lupa sa tinatayuan nya e. Hahahaha.

"Oh bakit? Ano bang pakealam mo? Kasi mas MAGANDA pa ako sayo? Don't worry, ex is ex. Sayo na yan! Baby? Babytawan ka rin nyan." Sabi ko kay halimaw tapos diniinan ko talaga ang pagbigkas dun sa 'Maganda'. Totoo naman e. Mas maganda pa ako sa kanya. Charot! Hahahaha

"Patricia Baby, just get inside the car okay? I'll explain it to you later." Malambing na sabi ni Kurt dun sa halimaw. So Patricia pala ang pangngalan ng halimaw na yun?

Teka lang. Parang sumikip ang dibdib ko nung tinawag nyang 'Baby' yung halimaw na yun. Ang sweet pa ng pagkakasabi nya. Pero duh? Wala akong pake! Tsaka di ko na sya mahal no. Siguro lumalaki lang dibdib ko kaya feeling ko sumisikip sya. Hahahahaha!

"Una sa lahat Ash, hindi ko kasama si Sky. Nasa bahay nya sila naglalaro ng Video Games. Oo, naglalaro kami kanina dun pero nagpaalam ako sa kanya na aalis ako kasi kasama ko si Patricia. Tsaka Cass, sorry sa inasal ng Girlfriend ko ha? Pagpasensyahan mo nalang." Mahinahong sabi sa amin ni Kurt.

Aray naman. Bakit kailangan nyang sabihing 'Girlfriend ko'? Ang sakit ha. So nakamove-on na pala talaga sya sa akin no? Well, sya nga din naman pala ang nang-iwan sa akin. Hahaha. Ano ba 'tong mga sinasabi ko? Past is past Cassandra! Past is past!

"Mabuti naman. Akala ko naman gumaya na sayo e. Hahahaha." Sabi ni Ash sa kanya.

"At kailan ka pa natutong mag-sorry?" Sabi ko naman sa kanya.

Oo nga. Kailan pa natutong mag-sorry ang mokong na to? Isang himala! Hahaha

"Cass naman. May galit ka parin ba sa akin?" Sabi nya sa akin.

Oo. Meron pa! Actually ang laki pa nga e. Lampas sa outer space ang galit ko sayo! Manloloko ka! Mang-iiwan! Bwesit ka!

"Past is past. Kaya just get inside your car nalang okay? Jan ka na sa baby mo! Anakan mo para di na mawala sayo! Damihan nyo ha? Mga isang dosena para ninang ako!" Sabi ko sa kanya habang tumatawa.

"Oo. Aanakan ko to at sige ikaw ang Ninang. Sige na. Una na ako sa inyo ha? Ingat!" Sabi nya at pumasok na sa loob ng sasakyan niya.

Wtf? Sineryoso nya ang sinabi ko? Mahal nya na ba talaga ang Patricia na yun? Tsaka para syang nagbago. Parang naging mabait. Bakit? Dahil ba kay Patricia? Mahal nya na ba yun? Nakamove-on na nga pala talaga sya. Ang sakit. Kumikirot dibdib ko.

"Cass, tara na sa loob ng sasakyan." Sabi sa akin ni Ash.

Tahimik lang ako nung nasa sasakyan na kami hanggang sa umandar na. Mayamaya ay biglang hininto nalang ni Ash ang sasakyan kaya nagulat ako.

"Bessssss!" Sabi sa akin ni Ash tapos bigla akong niyakap na syang ikinagulat ko.

Ugh! Naiiyak na ako. Actually, kanina pa.

"Bes, alam kong nasaktan ka sa nakita at narinig mo kanina kay Kurt. Alam ko rin na mahal mo pa sya at hindi ka pa nakakamove-on sa kanya. Kalimutan mo na kasi ang feelings mo para sa kanya Cass. Kaya ka nasasaktan e. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Oo. Marami ngang nanliligaw sayo, pero lahat sila tinanggihan mo diba? Kasi sabi mo di ka muna magboboyfriend, pero aminin mo man o hindi Cass, alam kong hindi yun ang totoong rason kaya mo sila tinanggihan. Si Kurt naman ang dahilan diba? Kasi ayaw mong may pumalit sa kanya jan sa puso mo. Diba tama ako? Bestfriend mo ako Cass. Kilala kita. Para narin kitang kapatid. Kaya kahit na hindi mo sabihin sa akin ang totoo, alam ko. Kasi nararamdaman ko. Alam kong nasasaktan ka. Na nasasaktan ka parin. Kasi mahal mo pa sya. Pero anong magagawa mo? May bago na sya. May mahal na nga siyang iba diba? Kaya kalimutan mo na sya Cass. Please. Andito pa naman ako e. Tsaka may darating pa naman sa buhay mo na mamahalin ka, hindi katulad nung ginawa sayo ni Kurt. Kaya kalimutan mo na sya. Lalo na yang feelings mo para sa kanya." Sabi sa akin ni Ash na syang dahilan ng paghagulhol ko.

"Salamat Ash. Salamat kasi lagi kang nasa tabi ko. At lagi akong pinapaalalahanan. Pero bakit ganun Ash? Pinipilit ko naman syang kalimutan pero di ko magawa? Pinipilit kong kalimutan lahat ng nararamdaman ko para sa kanya pero bumabalik parin? Lahat ng mga alaala namin bumabalik. Lahat ng masasayang moment na magkasama kami, naaalala ko palagi. Lahat ng sweet moments namin. Lahat ng tawanan. Lahat ng kulitan namin? Yung pagmamahal ko sa kanya, di ko mawala. Mahal na mahal ko sya Ash. Mahal na mahal ko pa sya. Ano bang gagawin ko? Nakamove-on na sya. At may bago na sya. Ash, gusto kong bumalik kami sa dati. Mahal na mahal ko pa sya. Sana may Time Machine. Para maibalik ko lahat. Para magawa ko na lahat ng pagkukulang ko. Mahal na mahal ko sya Ash. Mahal na mahal ko pa sya. Gusto ko na ulit syang mayakap, at makasama ulit. Magiging mabuting Girlfriend na akp sa kanya. Magbabago ako para sa kanya. Bumalik lang sya sa akin. Ash please, mahal na mahal ko sya. Sabihin mo naman sa kanya na bumalik na sya sa akin." Sabi ko habang umiiyak at mahigpit akong nakayap sa kanya.

"Nababaliw ka na ba Cass?! Wag ka ngang desperada jan! Hindi ganyan si Cassandra na bestfriend ko! Tsaka, di mo na maibabalik ang lahat sa dati. At kung may time machine man, hinding hindi kita papagamitin nun kasi ayokong masaktan ka na naman ulit. Tsaka anong pinagsasabi mong nagkulang ka? Tanga ka ba? Well, oo tanga ka nga. Sobrang tanga mo sa kanya dati e. Hindi ka nagkulang Cass. Sobra sobra pa nga ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya tapos sinayang nya lang. Sobrang tanga mo dati kasi ikaw lagi ang unang nagtetext sa kanya imbis na sya, sobrang tanga mo kasi ikaw lagi ang nag-eeffort para sa kanya, sobrang tanga mo kasi mas pinaniniwalaan mo pa sya dati kesa sa mga kaklase natin dati na nagsasabi sayo na nagkikita sila nung mga kalandian nya, sobrang tanga mo kasi hinahayaan mong makipagtext at callsign sya sa ibang babae porket sinabi nya sayo na magkaibigan lang sila kahit ang totoo nyan ay NAGLALANDIAN na sila, sobrang tanga mo kasi everytime na nag-aaway kayo ay ikaw lagi ang unang nagbababa ng pride mo, sobrang tanga mo kasi masyado kang mabait sa kanya, sobrang tanga mo kasi di mo magawang iwan sya kahit na binabalewala at sinasaktan ka na niya, sobrang tanga mo kasi sya lagi ang nang-iiwan o nakikipaghiwalay sayo kaso kapag nakikipagbalikan naman sya sayo ay tinatanggap mo ulit, sobrang tanga mo kasi kahit ikaw na nga mismo ang nakahuli sa kanya na tina-timer ka, na pinagsabay ka sa iba, na niloloko ka, nagawa mo paring balikan. Na kahit ikaw na yun yung unang beses na hiniwalayan mo sya, tapos nagpakatanga ka na naman ulit kasi nung nakipagbalikan sya sayo, ay binalikan mo naman. Sobrang tanga mo na Cass. Sobrang NAGPAKATANGA ka na sa kanya dati. Sa tuwing monthsary nyo nga, wala man lang syang ka-effort-effort na ginagawa sayo, ni hindi ka nga niya niyayayang magdate kayo. So ano? Ikaw pa ngayon ang may kulang? Ang may pagkukulang? Gumising ka nga! Wag kang tanga ulit Cass! Sobra na e. Maawa ka naman jan sa puso mo na lagi nalang nasasaktan ng dahil sa kanya. Jan sa mata mo na lagi nalang umiiyak ng dahil sa kanya. Kalimutan mo na ang pagmamahal mo para sa kanya. Kasi kahit pagbalibaliktarin man natin ang mundo, hindi na maibabalik yung dating kayo. Yung dating masayang kayo." Sabi sa akin ni Ash habang naluluha narin.

Oo nga naman. Tama din naman sya. Grabe tong Bestfriend ko. Tinanga na ako ng maraming beses. Nagpapasalamat talaga ako dahil nagkaroon ako ng bestfriend na katulad nya. Lagi kasi syang nasa tabi ko everytime na kailangan ko ng makakausap, evrutime na may problema ako.

Nagpasalamat ako kay Ash at niyakap ko nalang siya tsaka pinahiran na ang mga luha ko.

"Oh, tahan ka na jan ha? Papanget ka nyan. Dapat maganda lang tayo ha? Kasi kapag pumangit ka na, di na talaga kita bestfriend. Hahahaha!" Sabi nya kaya ako napatawa.

"Oo na oo na. Grabe naman to. Hahaha!" At nagtawanan nalang kami.

Gumaan na ang loob ko. Salamat talaga dito sa kaibigan ko na realtalk kung makapagsalita. Hahahaha

"Sha ngapala, pasukan na sa isang araw. Sabay na tayo pumasok ha? Tutal magkaklase naman tayo ulit. Hahaha." Sabi nya sakin kaya nginitian ko nalang sya at tumango nalang ako.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa bahay tapos pagkarating namin sa kwarto ko ay nilabas na nya agad yung mga pinambili nya para sa akin at pinasukat sa akin lahat. Grabe! Sobrang dami ng mga pinambili ng babaeng to. Eh marami pa naman akong damit sa closet ko. Hahahaha.

Matapos naming magsukat ng damit, nanood ng horror movies, at kumain ng dinner ay nagpaalam narin sa akin si Ashly na uuwi na siya.

"Pupunta ulit ako dito bukas ha? Magmomovie-marathon ulit tayo. Bye bes!" Sabi sa akin ni Ash tapos kiniss na ako sa cheeks.

"Sige bes. Babye, ingat ka!" Sabi ko naman sa kanya at kinawayan na sya. Tapos pumasok na ako sa loob at natulog na. Sobrang nakakapagod ang araw na'to.

At syempre, bago ako natulog ay nagpray muna ako. Ganyan ginagawa ko gabi-gabi. Okay, Goodnight.

-

Author's Note: Sana nagustuhan nyo ang update ko. Sa susunod ulit. Sana abangan nyo. Hahaha. Vote nyo naman Guys. Hahaha. Tsaka you're free to comment. Salamat. God bless :)

Continue Reading

You'll Also Like

7K 89 26
Kung magkita ulit kayo ng ex mong nang-iwan sayo, anong gagawin mo? Single na sya, single ka..posible ba ang second chance?
673 1 19
Bakit nga ba may mga taong bumabalik matapos kang iwan? Papayag ka bang bigyan siya ng second chance? Gusto mo bang marinig ang dahilan niya? Paano k...
96.7K 1.9K 36
Paano kapag mahal mo pa pala yung taong iniwan mo? sabi nga ni Vice Ganda,, hindi lahat ng iniiwan pwede mong balikan. Paano kung mahal ka pa nya per...
343 7 4
Anong gagawin mo kapag yung inaakala mong wala na, meron pa pala? Pano kung bigla syang bumalik para sabihing mahal ka pa rin niya? Kakalimutan mo ba...
Wattpad App - Unlock exclusive features