Superman's Trespasser (soon t...

By PHR_Novels

3.2K 44 3

Superman's Trespasser by Honey Villa More

CHAPTER ONE

CHAPTER TWO

1K 18 2
By PHR_Novels



DAHIL sa sulsol ng dalawang pinsan ni Raie ay ikinuwento niya ang nangyari sa pagitan nila ni Rafael bago siya makarating sa simbahan kahapon kapalit ng mga impormasyon tungkol dito.

Tatlong bahay lamang pala ang layo ng bahay ng lalaki sa kanila. Madalas din itong customer sa karinderya ng kanyang tita kaya naisipan niyang ipagluto ito ng madalas nitong kainin, na ayon sa mga pinsan niya ay beefsteak. Kaya ngayon ay iyon ang kanyang dala bilang "props" at dinagdagan pa niya ng kape at kanin.

Nakangising naglakad si Raie papunta sa bahay ni Rafael. Ngunit napalitan iyon ng ngiwi nang ilang beses na siyang tumatawag ngunit wala pa ring lumalabas na tao mula sa loob. "Mali yata ang timing ko."

Sinubukan niyang buksan ang maliit na gate at agad naman iyong bumukas. Sumilip muna siya at baka sakaling may tao ngunit wala siyang natagpuan. Sa halip isang munting garden na punong-puno ng maraming bulaklak ang kanyang nakita. Tila inaanyayahan siyang pumasok ng mga bulaklak kaya pumasok siya—nang walang pahintulot mula kanino man.

Inilapag ni Raie ang kanyang mga bitbit sa isang mesa sa porch saka tila bubuyog na inamoy ang mga bulaklak. "Ah, ang bango!"

"Sino ka?"

She was about to pick a white rose when she heard that voice. Hindi na kinailangan ni Raie na lumingon pa dahil kilala niya kung sino ang nagsalita. She readied her smile as she turned to face him. But no words came out of her mouth as she stared into his eyes. Wala itong suot na salamin ngayon.

"Have you lost your tongue woman? Who are you?"

Tila nasamid siya nang matauhan.Talk, Raie. Don't just stare at him. "H-hindi mo ba ako natatandaan?"

Tumaas ang kilay ni Rafael. Cute. "Sa tingin mo tatanungin ko pa kung sino ka kung kilala na kita?"

Sungit naman. "Ako si Raie, iyong babae kahapon," pagpapakilala niya sa sarili. "Ikaw si Rafael, 'di ba?Iniligtas mo ako kahapon."

Bumakas sa mukha nito ang rekognasyon. "Ah! Ikaw 'yong babaeng naglalakad nang wala sa sarili kahapon."

Napangiwi siya sa pagkakaalala nito sa kanya. "O-oo."

"Bakit narito ka? Hindi mo ba alam na trespassing ang ginawa mo? Maaari kitang kasuhan dahil sa pagpasok mo sa bahay ko nang walang permiso."

The lawyer's talking. Nalaman ni Raie sa kanyang mga pinsan na isang abogado si Rafael. In fact he ranked seventh place when he took the bar exam. Isa si Rafael sa senior partner ng law firm na itinatag ng lalaki at ng mga partner nito na kapwa abogado. Noong una ay hindi niya mapaniwalaan na isa itong abogado. Kakaiba kasi ang lalaki at tila wala sa hitsura ang pagiging isang manananggol. Maliban na lang sa pagiging mukhang masyadong seryoso at pagiging masungit.

"Kasi, tumatawag ako kanina kaso walang sumasagot kaya pumasok na ako."

"That is not a valid excuse. You should know that—"

"Okay!" Itinaas ni Raie ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "I'm sorry. Hindi dapat ako pumasok sa bahay mo."

Humalukipkip si Rafael at naglakad patungo sa porch. "Kung maaayos ng sorry ang lahat ng bagay sana hindi na ginawa ang batas."

Napakamot siya ng ulo. This is one stubborn man. "You'll sue me then?"

"I can, if I want to."

Naglakad din siya palapit sa lalaki. "Okay, but before that I just want you to know I cooked breakfast for you, Attorney." Iminuwestra ni Raie ang pagkaing dala na inilapag niya sa mesa. "And thank you for saving my life again." Tinapik niya ang balikat ni Rafael at bago pa ito muling makapag-react ay nilayasan na niya.

Maluwang ang kanyang ngiti habang naglalakad. Mission one, accomplished!

"PAMBIHIRA kayong dalawa!" naiinis na sambit ni Raie sabay padyak ng kanyang mga paa. Matapos niyang maihatid ang pagkain ni Rafael ay umuwi agad siya sa bahay nila, ngunit ngising-aso na lumapit sa kanya ang mga pinsan at nakikipag-bargain. Ngayon halos mag-iisang oras na silang nagkukulitan sa karinderya nila para makakuha ng impormasyon sa isa't isa.

"Sige na, Ate, magkuwento ka na," pangungulit ni Kae.

"Kapalit naman n'on ang iba pang impormasyon tungkol kay Kuya Rafael, eh. Ayaw mo n'on mas magiging close pa kayo?" Pinagdikit ni Clara ang dalawang daliri para ipakita ang pagiging close.

"Heh!Kayong dalawang kuting talaga, ang wawais n'yo!" Akmang sasabunutan ni Raie ang dalawa nang nagsitakbo ang mga ito. "Humanda kayo sa 'kin kapag nahuli ko ka—"

Napahawak si Raie sa kanyang noo nang maramdaman ang pagbangga niyon sa isang matigas na bagay. "Aray..."

"Careful, lady."

Napaangat siya ng tingin."R-Rafael?"

"Don't look so surprised, I have to return these. Iniwan mo na lang kasi basta kanina." Iminuwestra nito sa kanya ang dalang tray kasama ang plato, tasa, at mga kubyertos. "Bakit ba napaka-clumsy mo?"

"Hinahabol ko kasi 'yong dalawang iyon, eh!" bulalas ni Raie sabay turo sa dalawang kuting niyang pinsan na pawang may nakapaskil na ngiti.

"Hi, Kuya!" sabay na bati ng dalawa.

"Hello, little people." Nginitian ni Rafael ang kanyang mga pinsan.

She was a bit moved when she saw that smile. Ngunit pagbaling sa kanya ay nakakunot na naman ang noo nito at wala na ang ngiti sa mga labi. "Bakit mo naman sila hinababol dito sa loob ng karinderya n'yo? Hindi mo ba naisip na baka maaksidente kayo?

Nagkibit-balikat lamang si Raie.

"Here."

Wala sa loob na tinanggap niya ang tray. She was busy thinking why he was like that. Parang masama ang timpla nito kapag siya ang kausap. She didn't do anything wrong didn't she?

"Rafael, tinanghali ka, ah! Kakain ka ba?" singit ng kanyang tita na hindi niya alam kung saan nagmula. May bitbit pa nga itong sandok.

"Hindi na po, Auntie Celyn, nakakain na po ako, eh. Paalis na rin po ako. Dinala ko lang ito." Itinuro nito ang tray.

Nagtatakang tiningnan naman si Raie ng kanyang tita. Ipinuslit lamang kasi niya sa kusina nito ang hinanda niyang pagkain. "Sige, ingat ka, ha?"

"Sige po."

Sinundan na lamang niya ng tingin ang lalaki habang naglalakad palayo.

"Hey."

"O?"

Lumapit uli si Rafael sa kanya—nang malapit na malapit. "By the way, next time try not to put too much soy sauce on your marinade. Ang alat, eh."

Her senses seemed to wake up nang maramdaman niya ang pagdampi ng mainit nitong hininga sa kanyang tainga.

Tinapik nito ang kanyang balikat. "But thanks anyway... Raie." Then he walked away again, leaving her with nothing to do but to sigh. Wait a minute! He called me by my beautiful name! Walang ano-ano ay bigla siyang napangiti! Wagi!

"Uy, Ate. Ano'ng sinabi niya sa 'yo?" Kinurot ni Kae ang tagiliran niya habang humahagikgik naman si Clara.

"Heh!" Nagmartsa siya palayo sa dalawa. "Wala na kayo ro'n!"

"Ayaw mong makipag-bargain?"

"GOOD morning!" bati ni Raie kay Rafael nang pagbuksan siya ng gate. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng bakuran nito. "Improving, ha, marunong ka nang magbukas ng gate.Natatakot ka sigurong mag-trespassing ako uli, 'no? Don't cha worry, hindi na mauulit 'yon." Inilapag niya sa mesa sa porch ang bitbit na props ng araw na iyon—pancakes.

"What are you doing here today, lady?"

"Lady?"Nilapitan niya ito. "Alam mo naman ang pangalan ko, ah, bakit ganyan pa rin ang tawag mo sa akin?"

Namaywang ito sa halip na sagutin ang tanong niya. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Hinatiran uli kita ng breakfast."Pumalatak siya. "Sorry pala kung sobrang maalat 'yong steak—"

"Is this to say 'thank you' again?" Kunot na naman ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

Napabuntong-hininga si Raie."Actually, no." Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kahita. "Ito talaga ang sadya ko sa 'yo ngayon. Here."

Halatang nagulat si Rafael nang makita ang hawak niya. Naisipan niyang ibalik na dito ang singsing na tinapon nito noong isang araw. Kung patuloy kasi niya iyong itatago ay baka patayin na siya ng kanyang konsiyensiya. Para kasing inangkin na niya ang hindi kanya.

"Bakit nasa 'yo 'yan?"

"Tinapon mo ito noong isang araw, hindi ba?"Binuksan niya ang kahita. Muli, nakita niya kung gaano kaganda ang singsing na laman niyon. "It happened that I was there too, right at that moment. Kinuha ko 'yong tinapon mo, 'tapos natagpuan ko ito." Kinuha niya ang singsing."Bakit mo itinapon ito?"

"Itapon mo na ang bagay na 'yan," marahas na sabi nito.

"Bakit?"

Iritableng tumingin si Rafael sa kanya. "Just do it, no questions asked."

"Hindi ko ito itatapon." Pinagmasdan ni Raie ang singsing at saka isinuot iyon sa kanyang daliri. The ring fit perfectly. "I can't bear throw this beautiful ring away." Tinitigan niya ang lalaki. "Kung may nais kang pagbigyan nito, dapat ibinigay mo sa kanya. Didn't you know that a ring symbolizes eternity? Kung may nais kang pagbigyan nito, ibig sabihin gusto mo siyang makasama habang-buhay." Tinanggal niya ang singsing sa kanyang daliri at ibinalik sa kahita.

"I can't."

"What?"

"Hindi ko puwedeng ibigay 'yan sa kanya."

For the first time, she thinks she finally saw emotion in his eyes. Naramdaman ni Raie ang kakaibang emosyon ni Rafael. Nakikita niya ang sakit at pagmamahal sa mga mata nito. These are the things that even those glasses of his cannot hide. Mukhang tama nga ang tsismis ng dalawa niyang pinsan na in love nga ang lalaki sa best friend nito. "Because she's wearing another guy's ring?"

Masamang tingin ang ipinukol ni Rafael sa kanya. "Ano'ng sinasabi mo?"

"I'm just guessing you know," patay-malisya niyang sagot. Mahirap magsalita nang walang sapat na ebidensiya, tama na sigurong nakikita niya ang reaksiyon ng binata sa sinasabi niya. "But did I hit home?"

"Shut up." Umakyat ito sa porch, na agad naman niyang sinundan. "Itapon mo na 'yan."

"I told you I can't, and I won't. Kahit magalit ka pa sa 'kin." She took his hand and put the innocent box in there.

"Ano ba'ng pakialam mo?"

"Let's just say I hate seeing people going crazy over someone who is already married. May mahal ng iba ang mahal mo. You should move on."

Makahulugan ngunit matalim na tingin ang ibinigay ni Rafael sa kanya. Hindi naman siya natinag, nakipagtitigan din siya. "Alam mo, may mga bagay na kailangan mong pakawalan kahit mangahulugan iyon ng pagkawasak ng puso mo. Hindi mo naman kasi maaaring hawakan ang isang bagay habang-buhay, lalo na ang isang tao."

"It's none of your business, lady," masungit na sagot ni Rafael at tinalikuran na siya.

"If you really love her, you have to let her go," mariing sabi ni Raie. "It would hurt you so much seeing her in pain while she's in your arms when all she really wanted is to be with the one she loves. Move on, marami ka pa namang puwedeng mahaling iba, eh."

Lumingon ito sa kanya. "You just came here lady, wala kang alam sa mga nangyayari. I bet you don't even know what you're talking about."

Tumango siya. "Maybe I just got back here, but I don't need to stay here for so long to see it in your eyes, Rafael." It sounded so good to say his name.

"You're an unbelievably annoying lady." Tuluyan na siyang tinalikuran ni Rafael at pumasok sa loob ng bahay.

"Ang tigas naman ng ulo mo!" pahabol niya.


Continue Reading

You'll Also Like

411K 17.2K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features