KathNiel: One Shot Collection

By asdfghjklELA21

147K 2.4K 227

Written by: Pamela Claudio A collection of short stories filled with love, adventures and heart breaks. A s... More

How To Say Goodbye
Ang Prinsesa at Alipin
Fangirl
Eternal
Peace Sign Necklace
Manhid Ka
I'll Never Let Go
Kung Ako Nalang Sana
Part Of Your Destiny
Bouquet & Garter
Assumera Ka Talaga
Must Be Love: Angel's Fast Forward
Those 3 Words
Magkabilang Mundo
That Very Moment
Dati
Anything For You
Happy Christmas
Abort Mission
Milktea & John Green
Ikaw Lang
She Loved
Weird Love Story

He Loves She, She Loves He too.

4.8K 80 3
By asdfghjklELA21

He Loves She, She Loves He too....

...She loves he, but does he loves she too?

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2013

Kathryn's POV

“KATHRYN! SAGUTIN MO NA KASI AKO!!” 

“KATH! KISS MO NAMAN OHH ANG SAKIT TALAGA NANG PISNGI KO!” 

“KATH KO! ANG GANDA MO TALAGA!” 

“NASA IYO NA ANG LAHAT KATH! MINAMAHAL KITANG TAPAT!” 

“Paasa bwiset. Magsasama-sama kayo ng crush kong pinaasa lang ako!” bulong ko sa sarili ko. 

“Huy! Sino ba kausap mo?” tanong ni Julia. 

“W-wala! Nakakainis na kasi si Grey eh. Daniel Padilla lang ang peg?” inis kong sabi.

“Sus. Parang sinasabi mong si Deej lang. Umuulan bumagyo ayos lang--ARAY!” kanta ni Julia pero binatukan ko siya.

“Wag mo na ngang kantahin 'yung Kumusta Ka, naaalala ko lang siya eh. Bakit pa kasi kaboses ni Deej 'yun Ugh.” inis kong sabi. 

“Oh sige, kay Grey ka nalang atleast 'yun katulad ng idol mo. Daniel Padilla kung kumilos, bumanat, kumakanta ng Daniel Padilla songs parang fanboy na ni Daniel Padilla. Ayaw mo ba 'nun?” tanong ni Julia. 

“Aish! Kahit inis na inis ako sa tuwing naalala ko si Deej sorry pero mahal na mahal ko talaga siya. Kahit nagpapakahirap akong tignan siya sa 5th floor.” 

“Okay. Hindi na kita pipigilan niyan. Pero sana, tama nga sabi ni Diego na mahal ka rin niya. Kahit niloko niya lang tayo siguro naman totoo pinagsasabi ni Diego sa iyo. Bakit pa kasi ang lalandi nila?!” inis na sabi ni Julia. 

I know everyone is curious kung bakit ako inis na inis kay Deej. Simple, naglalandian lang naman kami ni Deej hoy! hindi ako malandi, nakikisalo lang ako sa trip niya na hindi ko alam kung totoo o hindi ba pinagsasabi niya and I thought he was really sincere about his feelings for me 'yun pala, nilalandi niya lang ako. Sakit 'noh? Sabi daw ni Diego, minsan lang daw mag-mahal si Deej kaya sa lahat daw ng nilandi niya sa akin daw siya natamaan. Ugh. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako. Sht. 

“ALL STUDENTS, PLEASE PROCEED TO THE GYMNASIUM.” narinig kong sabi ng DJ namin sa school. 

Naglabasan na kami sa room since wala naman kaming teacher at pumunta na sa gym. 

Pagdating namin sa gym, wala naman masyadong decorations hindi katulad pag may mga culminating activities. Siguro may aanounce na napaka-importante 'yung directress namin. 

Hinanap na namin 'yung bleachers na pag-uupuan ng sections namin. Pagkaupo namin, lahat ng mga kaklase ni Deej nakatingin sa section namin. Specifically, me.

“Nakatinggin sa atin 'yung section nila Deej ohh. Pero wala si Deej.” bulong ni Julia. 

“Siguro kilala tayo dahil nga diba naging ex mo si Diego tsaka kaibigan slash kalandian ko si DJ.” inis kong bulong. 

“Hay naku! Bahala sila diyan.” sabi nalang ni Julia. 

Nagsimula na ang program nang biglang magsalita 'yung DJ ng school namin. 

“He love she. Does she love he? He got jealous of she with someone. Does she get jealous of he when he is with someone? He is scared to confess his feelings for she. Does she is scared to confess her feelings to someone? He hopes it's him.” introduction ng DJ ng school namin kaya bigla naman napatingin sa akin 'yung mga kaklase ni Deej pati na rin 'yung DJ. 

SERIOUSLY?! 

“He is madly in love with she that he does stupid things to she. Does she do stupid things to he too? He is secretly hiding his feelings for she that instead, he just flirted she. Does she flirted with he too because of the same reason?” sabi naman ni..........LIZA?! 

SI LIZA NA BESTFRIEND NI DEEJ NA NILANDI LANG NI DEEJ NA NAGING ASSUMERA DIN?! 

Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

Sa akin kaya tumingin?! HALA?! 

“He is desperately wanted to confess his feelings for she but he doesn't want because she might not believe him another reason because he mirrorized she that he is just flirting with she. Does she desperately wanted to confess her feelings for he too but she cannot do it 'cause he might just humiliate she. I know she, she obviously likes he. She even looks for he during break time or after class 'cause he always goes out of the room. Base on what she's classmate said.” sabi naman ni DIEGO?! EH DIBA LUMIPAT NA SI DIEGO?! 

SINO BA KASI SI “HE” at si “SHE”?! TSAKA, BAKIT SI DIEGO NAKATINGIN SA AKIN?! OR SA PWESTO NAMIN?! 

Suddenly biglang may nag-play na kanta. 

“Ay p--!” 


“Easy girl!” niyakap ako ni Julia kaya napatahimik ako. 

“♫Kay tagal din nating 'di nagkita Ako'y nasasabik na sayo Kamusta kana nalulungkot ka rin ba? Sana ay kapiling kita.♫” aish. Nagplay lang pala ng kanta. Yay! Daniel Padilla kaso sht. Yun pa? eh kaboses nga ni Deej. 

“YUN OHH!” sigaw ni Julia kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

“♫Ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah la la♫” bakit ganun? bakit parang bigla akong kinabahan.

Aish Kath! Ba ka sinisikmura ka lang. Yun tama! Ba ka nga. 

“♫Sumulat ako upang malaman mong Ako'y tapat pa rin sayo May problema ka ba, matutulungan ba kita? Sa 'kin ay huwag kang mangamba.♫” nagtilian na 'yung ka year level ni Deej. Pero teka, nasan na nga si Deej  at bakit sila nagtitilian? 

Nandiyan ba si Daniel Padilla?! HALA! Bakit hindi ako updated? 24/7 naman ako online ah? 

“♫Ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah la la.♫” grabe talaga! Kinakabahan ako! Feel ko kasi eh, may kakaiba. 

*Ting* 

Kinuha ko 'yung cellphone ko sa pocket ko at binasa 'yung text.

GALING KAY DEEJ! OMG! OMG! It's been 4 months na rin since he didn't text me and I freakin miss it when he texts or calls me. 

From: Deej

(; 

*LAGLAG PANGA* 

ANO BA NAMAN 'YAN?! WINK LANG?! 

“Huy Kath! Nakikinig ka ba?! Tsaka ano ba 'yang ginagawa mo? Nag-wawattpad ka ba diyan? Tama na nga! Tingin ka sa stage, nandyan si Daniel Padilla!” sigaw ni Julia sa akin kaya tumingin ako. 

HINDI SI DANIEL PADILLA. 

“ANO BA NAMAN 'YAN JULS! SI DEEJ LANG NAMAN YAN-WWHAAAT?!” sabi ko at tumingin ulit sa stage. 

Napansin kong kumakanta siya habang nakatingin sa akin. Mataas kasi itong bleachers na ito. 

Kaso nga lang, napunta 'yung year level namin sa taas tapos 'yung year level naman nila Deej sa malapit sa stage. 

“♫Tandaan mo nalang ang sasabihin ko sa'yo Ang pag-ibig kong ito'y 'Di magbabago, kahit malayo ka sa piling ko Umula't bumagyo, ayos lang, Huwag kang mangangamba, ayos lang,  Kumusta ka mahal ko ok ba? Sana'y 'di pa rin nagbabago.♫” nagulat ako at nag-wink siya sa pwesto namin. Oh shet. 

“WOOH! SI KATH OHH! HINAHARANAHAN KA NA NG CRUSH MO!” sigaw ng mga classmates ko. 

“Paging Kathryn Bernardo, please go on stage.” sabi nung DJ ng school namin.

Medyo naglower ang music pero kumakanta pa rin si Deej. 

“♫Tandaan mo nalang ang sasabihin ko sa'yo Ang pag-ibig kong ito'y 'Di magbabago, kahit malayo ka sa piling ko Umula't bumagyo, ayos lang, Huwag kang mangangamba, ayos lang,  Kumusta ka mahal ko ok ba? Sana'y 'di pa rin nagbabago.♫” kanta niya habang papunta ako sa stage. 

Pagkarating ko sa stage, nagtilian na ang lahat. Oh my gosh. 

Nilapitan ako ni Deej pero kumakanta pa rin siya. Unexpectedly, I never heard him sing. Never! Pero kaboses niya si Daniel Padilla pag medyo astigin.

“♫Umulan bumagyo ayos lang, Huwag kang mangangamba, ayos lang Kumusta ka mahal ko, ayos ba? Sanay 'di parin nagbabago.♫” kanta niya at hinawakan kamay ko. 

“♫Ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah ha ah, ah haah La la.♫” natapos na siyang kumanta kaya nagtilian na. 

Tinignan ko siya at kumunot ako ng noo. 

“Ano nanaman ito? Kalandian? Sorry but I don't want any more of your games.” seryoso kong sabi sa kanya.

Instead of a reaction, nginitian niya lang ako at hinawakan kamay ko. 

“He is not fooling or flirting around this time. He is serious. He really loves she. Does she loves he too?” tanong ni Deej habang nakamic. 

Naks. Umiinglish. Pero teka nga?!

“Sino ba kasi si He at She na 'yan? Alam mo, inis na inis na ako sa he or she na 'yan. Hindi naman ito pronoun churvaloo.” inis kong sabi kaya natawa siya. 

“Tanga ka ba? Malamang, Ako si He at ikaw si She.” Aba't tinanga pa ako?!

Napansin kong naghiyawan ang mga classmates ko. Oh great.

 

“Sorry. Tingin mo alam ko? Tsaka, I didn't know na gagawin mo ito. Pero teka nga, seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?” 

Ngumiti ulit siya sa akin at niyakap ako. 

Naghiyawan na mga students, pati na rin ang mga teachers na kakadating palang. 

“Hindi ko kayang umamin sa'yo kaya third person nalang ang ginagamit ko. Ewan ko ba, ako ata ang tanga sa ating dalawa eh.” bulong niya kaya kumalas ako sa yakap at tinignan siya ng masama. 

“Ugh. Ano ba 'yan? Ginagawa mo na nga eh! Osige para madali, Mahal kita Deej. OKAY?! At kung hindi ka naman pala seryoso sa sinasabi mo at pinagttripan mo lang pala ako, then fine.I'll sacrifice myself na mapahiya because of a lie mabuti at nagtapat na ako sa'yo kasi ayoko na itago pa sa'yo ang gusto kong idating sa'yo!” sabi ko sa kanya kaya nagtilian at naghiyawan sila.

“WAHHHHHHHHHHHH! OMG! OMG! YIEEEEEEEEEEEEE! WOHOOOOO!” sigaw ng mga students pati na rin ang mga teachers. 

He kissed me infront of many people. He goddamn kissed me.

“Osige na. *sighs* Mahal na mahal kita Kath at ginagawa ko ang lahat upang maging Daniel Padilla nang buhay mo. Torpe ako eh. Sorry na. Simula palang na makilala kita, natamaan na ako sa'yo kaso takot ako..takot ako na ba ka ayaw mo sa akin. Gustong-gusto kong umamin sa'yo kaso nga lang, naiinis ka sa akin. Mabuti talaga at nagawan ko nang chance na pagtripan ka, atleast doon kahit papano nasasabi ko ang mga gusto kong sabihin sa'yo. Mahal mo ba talaga ako Kath?” seryosong tanong niya through mic. 

Ngumiti ako.

Kinuha ko 'yung mic at...

“He loves she? she loves he too.” 

Continue Reading