Coleen P.O.V
Life is happier when there is love.
It can melt your stone heart everyday,that makes you blooming all day.
Sometimes,love define as an achievement of a strong heart but a failure for a brokenheart.
The real definition of love is depend on the person whose defined with it...love can be hard if you're broken but love can be soft if you're in love...
Napakamot pa ako ng ulo nang bigkasin yun ni jules sa harap ko.
Month of february na kasi and it's time for feb-ibig ika nga nila.
Nakatunganga lang ako sa harap ni jules.
Nakikinig peru malalim ang iniisip.
Rinig ko pa minsan nang maisigaw niya ang bawat linyang binibigkas dahil sa nararamdamang kilig.
Naririnig ko rin ang tili ng mga kaklase ko habang hawak hawak ang hugis pusong construction paper.
"Kanino mo balak ibigay ang kalahati niyan?",sabi nung isang babae na itinuro ang magkabiyak na construction paper.
"Kang...kyle..my crush!",nahihiyang sagot nung isa.
"My god...chona..may girlfriend na siya,malamang hindi niya tatanggapin yan!",sagot uli nung isa.
"Bahala na..basta sa kanya!",nakasimangot na yung babae.
"Daah..basta sa akin kay luwin!",kinikilig nitong yakap sa pusong ginawa niya.
"Ikaw?,nasaan na ang puso mo?",namalayan kong palo ni jules sa braso ko.
"Wala..kinain ng anay!",sabi ko.
"Etchuserang frog..kinain..ang sabihin mo na snatch ng iba!",snub niya sa akin.
Ano daw?
Mukhang may parte sa akin na natamaan ah..kahit sa pagkakaalam kong wala naman..sana..!!
Dahil nga pumapag ibig ngayon ay marami na namang mga activities na pwedeng gawin ng kung sino.
Isa dito ay ang gumawa ng hugis puso gawa ng cartolina o kahit na anong bagay na may kulay basta ba magugupit eh.
Kinakailangan itong hatiin at ibigay sa nagugustohan mong tao na may personal message pa galing sa nagbigay para sa binibigyan at pumili ng saktong kulay na naaayon sa nararamdaman mo dun sa taong pagbibigyan mo.
CoLors:
RED-kung love mo siya
GREEN-kung magaan ang loob mo sa kanya
PINK-kung crush mo siya
At
BLACK-kung hate mo siya
Ako itong alam na ang gagawin peru nakatunganga pa rin.
Inisip isip ko pa kung magbibigay pa ako sa kanya ng ganun,eh alam naman na namin ang message namin para sa isa't isa.
"Tralala..tralaala!",kanta ni jules sa tabi ko.
"Ooh.!",rinig kong bigkas ng isang tao sa harap ni jules.
Si myka..oh..my bad!!!
"Ano naman to bian?",mataray na sagot ni jules.
"Kalahating puso ko!",astig na sabi ni myka.
"Ohh..puso mo pala eh..bakit mo ibibigay sa akin",sa nakikita ko ay naiinis na ang mukha ni jules.
"Buksan mo yung box!",itinuro niyon ang box.
Binuksan yun ni jules na nang i-isnub at nang buksan niya ito.
Kulay black???buo naman yung puso.
"Kita mo?,sa'yo na yang mainisin kong puso!",nang aasar niyang sambit.
"Hindi nah..meron ako nito!",pagbabalik ni jules dito.
"Talaga?,so maitim rin pala ang budhi mo..akala ko..",napa isip pa sa isusunod na sasabihin.
"Ano ha?..ha?",tatango tango pang sambit ni jules na mukhang naghahamon.
"Wala...akala ko wala kang puso,kasi ibinigay mo na sa crush mong hindi mo naman abot diba?",pang aasar nito kay jules.
"Oo naman!",nandidilat pang sabi ni jules dito.
Asaran na naman ang nangyayari sa kanila.
Magkakatuluyan seguro sila.
The more you hate the more you love ika nga nila.
Pagkatapos ng bangayan ng dalawa ay balik uli sa formal class dahil may klase na.
Ewan ko ba peru para kaming high school student sa mga pinaggagawa namin peru pag sa klase naman ay umaasta kami sa naaayon.
Nang kailangan na naming mag P.E ay pumunta kaming covered court para isagawa ang mga activities.
Napasulyap pa ako sa mga estudyanteng nakakarinding ingay ng nagtsitsismisan sa di kalayuan.
Doon ko napagtantong nasa gitna na pala kami ng court.
"Hahai..aligaga talagang babae!",mataray niyang sambit na noo'y nakatingin sa may gilid ng railings.
Napabuntong hininga pa ako sa nakita ko doon,si stephen na pahidpahid ni anexis ang pawis sa mukha gamit ang tuwalya.
Tiningnan ko lang sila na para bang magkarelasyon at sweet sa isa't isa.
"Sus..langgamin ka sana!",naiinis na bulong ni jules na narinig ko naman sa gilid ko.
Nag iwas pa ako ng tingin ng papadaan kami sa kinaroroonan nila kahit hindi naman sa harap talaga mismo dadaan,kita parin kasi kung may mapadaan.
Hanggang naupo na kami sa gilid ng court na kasalukuyang may mga metal na upuan.
Ayaw ko mang tingnan ang gawi nila ay hindi ko maiwasang matingnan gamit ang gilid ng mga mata ko,kita ko kasi sila sa gilid ng mata ko.
Hindi ko alam kung nakikita ba ako ni stephen o napansin niyang nandito ako basta ang alam ko ay hindi siya tumitingin sa gawi ko.
Maghapon akong abala sa pag aaral.
Halos di ko na mabalingan ang c.p dahil tutok ako sa lecturer.
Kaya nang magkauwian na ay nangangapa pa ako at nahuling umuwi dahil may research paper kaming dapat ipasa sa susunod na araw.
Umuna narin si jules sa akin.
Nang pagkalabas ko ng campus na nakalayo na sa gate ay biglang may humintong itim na kotse sa tapat ko.
Akala ko ay magtatanong lang peru nang buksan nito ang salamin ng kotse ay napangiwi pa ako ng makitang ngingisi ngisi si boy snuber sa loob ng sasakyan.
"Come in..monkey!",sabi pa niya na binuksan ang pinto ng kotse na kaharap ko.
Ngayon ko lang ulit narinig na tinawag niya ako nang ganun para asarin ulit.
Pinasadahan ko siya ng tingin at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko.
Muli siyang tumango na sinasabing sumakay na ako peru hindi parin ako natinag.
"Gusto mong sunduin kita diyan?,nang malaman ng buong campus na girlfriend kita?",pang aasar niya na may kasamang pambabanta.
Palibhasang alam niya kung paano ako bantaan.
Nakakunot noo akong sumakay sa kotse na katabi niya.
Napatingin pa ako sa kanya nang hindi maramdamang binuhay ang makina ng sasakyan.
"Ano?",nakataas kilay na sabi ko.
"Seatbelt please",saka niya hinawakan yun at akmang itatali sa katawan ko nang agawin ko yun sa kanya.
"I can fix this!",bulalas ko at itinali.
Napakunot uli ako ng noo nang hindi siya gumalaw sa kakatitig sa akin.
"Bilis nah..may trabaho pa ako",sambit ko na iniwas ang tingin.
"Sinong may sabi?",seryoso ang mukha niya nang tiningnan ko.
Napataas ang kilay ko ng parang hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Pinagpaalam na kita sa boss mo,dahil araw natin ngayon!",nakangiti niyang sambit.
"Araw?,bakit?,kaarawan ba nating dalawa ngayon?",naiinis ko paring sabi.
"Buwan ng pag-ibig ngayon mine!",sabay pingot niya sa ilong ko at minaubra na ang kotse para umandar.
Pumapag-ibig talaga siya ah!!!
Halos kanina lang may kapares na siya sa buwan ng mga puso...
Well..hindi naman ako nagseselos talagang humahanga lang ako..sa kanya?
Hindi ah..sa alexis na yun!!!
Pumapag-ibig sa ibang pag -aari.
Myka P.O.V
Ang tao daw pag umibig nag iiba,kagaya ng bulaklak,bumoblooming peru ang daldalitang ito...
Lanta na atah sa kakadaldal.
Nandito ako sa flowershop nila,sinamahan ko ang ante sa pagbili ng bulaklak,ilalagay niya kasi sa puntod ni tito.
Dahil sa february ngayon ay gusto niyang i-celebrate ito kahit na namayapa na ang kanyang asawa.
Pasimple ko lang tiningnan ang mga nagagandahang bulaklak sa paligid.
Nasa hardin kami ngayon kung saan nakatanim ang kanilang mga bulaklak.
Nakita ko rin dun ang tumatalak na si jules kausap ang animo'y natutuwang ali sa kanya.
Ang daldal!!!
Nanatili akong nakatingin sa mga nagagandahang bulaklak sa paligid,iba't ibang uri katulad ng tulip,rose,gumamela at iba pa.
May mga bulaklak ring sumasabog ang mabangong amoy na animo'y perfume na natapon.
Nang mapansin ko ang bulaklak na merong iba't ibang kulay ay di ko mapigilang hawakan sana ito nang tapikin ito ng isang pamilyar na tao.
"Oops!oops!,bawal hawakan at baka malanta!",sabi niya na nakataas kilay pa.
Ngumisi lang ako dahil halatang naiinis na siya kahit pa hindi pa ako nang titrip sa kanya.
"Pwera nalang kong pitasin ko",paliwanag ko pa kunyari.
"Bibilhin mo ba bian?",sumbat niya sa akin.
"Nagbago na ang isip ko eh..wag nalang",pasimpleng angat ko pa sa balikat na parang nanghihinayang.
"Eh..di mabuti..kasi hindi naman bagay sa'yo to(turo niya sa bulaklak)masyadong pambabae para sa'yo!",sarkastiko niyang sambit.
"Oo nga..mukhang bagay sa'yo",sagot ko nalang na napatingin sa bulaklak.
"Dahil pambabae?",tanong pa niya.
"Dahil..iba iba ang kulay!",ngumingising sabi ko.
"Oh..well,thank's for the complement!",sabi niya.
"Unwelcome,that's a rejection!",sagot ko at tinalikuran siya.
Rinig ko pa ang pagpipigil niya ng sigaw.
Hahahahaha!!!
Sarap asarin ng lalaking may babaeng puso..!!!
Jules P.O.V
Tamaan ka sana ng kidlat nang hindi mo maramdaman ang buwan ng pag -ibig ..asungot!!!
Pinagmasdan ko ang likod ng bian na mykang yun.
Masamang tingin ang idinerekta ko sa likod niya.
Naiinis ako at gusto ko siyang sapakin ng vase sa likod.
Matagal akong lumabas ng hardin para lang hindi siya abutan sa loob ng flowershop.
Kaya pakantakanta nalang ako at ito kinakausap ang mga bulaklak na parang sasagot sila sa akin.
"Tralalala..lalala,magpaganda kayo para sa ekonomiya!",pakanta kong sambit.
Mayamaya ay tinawag ako ni mommy.
"Julits,halika..tulongan mo ako rito",rinig ko mula sa kanya.
"Nandiyan na modra!",tumatalon talon pa ako patungo sa kinaroroonan niya na nasa shop.
Nang makalapit na ako kung nasaan siya.
"Julits,paki entertain yung kakarating lang na customer",utos niya.
"Okay..modra!",nakangising sagot ko.
Lumapit ako sa sinasabing customer at ganun nalang ang pagkamangha ko nang mapaharap siya sa akin.
Oh my bad..ika nga ng maganda kong bf..na si coleen.
Sampalin na ako ngayon dahil para akong nakalutang ng tingnan ang kanyang kabuuan.
Naka sun glasses siya at mabango siyang amuyin kaya ganun nalang siya kagwapo kung tingnan.
Yan talaga ang crush kong si Stephen Luke Dela Verde!!!
February nga at mabait si God sa akin ngayon dahil kahit papanu ay binigyan niya ako ng dahilan para namnamin ang sarap ng buwan ng pag-ibig.
Thank's God...your'e so good!!!
Nakatitig ako sa kanya at lumilingon lingon rin siya sa akin kapag may itatanong siya.
Alerto rin ako sa pagsagot na animo'y isang interview ang pag - uusap namin,gusto ko kasing ma hired ng puso niya.
Echoos!!!~_~
May ilang segundo rin na kapag napatingin siya sa akin ay nangungunot ang noo niya na para bang pamilyar ang mukha ko sa kanya.
Ganyan nga stephen,alalahanin mo ang mukhang to na sobrang crush kah!!!
Ngingiti ngiti pa akong pumuntang counter station kung saan nandun si mommy at sinabi ko ang order nito.
"Julits..okay kalang bah ha?,bakit sobrang pula ng mukha mo?",nag aalala pa niyang tanong pagkatapos kong sabihin ang order.
"Okay pa sa lahat ng okay ma",ngiti kong abot tenga na sa kakangisi at kita pa ang mga puting ngipin.
Nang nakuha na ni mommy ang order ay inutos niya na sa employee namin para asikasuhin.
Pasimple pa akong tiningnan si stephen na kasalukuyang napapatingin sa mga bulaklak na naka display.
Bouquet of flowers ang inorder niya,special seguro ang pagbibigyan niya ng mga ito kasi yung mga bulaklak na mamahalin ang napili niya at yung isa naman ay arrange flower na katulad ng mga bulaklak para sa patay.
Nag order rin siya ng tatlong rose kung saan pink ang kulay ng isa at pula naman yung dalawa.
Nang matapos na ang kanyang order ay siya na mismo ang lumapit sa counter ng mapansin ito at binigay ang credit card dito.
"Thank you for coming sir",sabay abot ni mommy pabalik ng credit card niya.
Halos di na masukat ang ngiti ko sa sobrang laki nito ng nakita ko ang ngiti rin ni stephen pabalik kay mommy.
Oh my bad talaga...
Kuhanan na ako ng basin ngayon para paglagyan ng tumutulo kong laway pati camera narin ng mapicturan ko siya at maipost ko sa instagram.
Nang tumalikod na si stephen papaalis ay napasunod ako sa kanya hanggang sa matapat ako sa kotse niyang nasa labas ng shop namin.
Nang sumakay na siya rito ay saka ko nabalingan ng atensiyon ang kasama niya na naka upo rin sa front seat na kasama niya saka pa ako natingnan ng paalis na ito,gulat din siya gaya ko,di inaasahang pareho na makita ang isa't isa.
Oh my bad...
Coleen!!!
------------------------------------------------------------;
End of chapter 29...
Proceed to chapter 30.
Nag advanced february sila..hehe!!!