Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 42

126K 4.9K 1.2K
By Yanalovesyouu

                  

"Nakakainis! Argghh—aww!"

"Waaa! Ayos ka lang ba Alexis?"

"Mangmang talaga"

"Sipain ba naman ang haligi ng bahay"

Ang sakit ng paa ko leche! Bakit ba kasi ang tigas ng pader? Argghh! Nakakabadtrip!

Padabog kong isinara ang pinto ng apartment at saka tinignan 'yung tatlong kuto ng masama. "Huwag niyo akong bwisitin, baka hindi ko kayo matantsang tatlo, isasangag ko kayo" mataray na sambit ko.

Bwisit na mga bampira at salamangkera at salamangkero 'yun, hina-highblood ako.

"Waaaa bakit ba mainit ang ulo mo Alexis? Ano bang nangyari?" Lumipad sa may balikat ko si Luella kaya kaagad ko syang inalis at isinabit sa isang pako na nakausli sa may pader ng bahay. Mainit ang ulo ko ngayon kaya ayoko ng makukulit. Iika-ika akong naglakad palapit sa may kama para humiga. "Arghh!" I shouted and threw my pillows.

"Hindi kaya may masamang nangyari doon sa lugar na tinungo niya? Ano nga ba ang tawag sa lugar sa iyon Calista?"

"Hindi ko mawari kung tama ang aking pagkakatanda, ngunit sa pagkakaalam ko ay ahmm, Publishing Mouse?"

"Ahhh oo tama! Magaling din pala ang iyong memorya. Ano nga kaya ang nangyari sa mangmang na ito roon?"

Binato ko ng unan 'yung dalawang daga na tsismisan ng tsismisan "Anong Publishing Mouse?" tanong ko habang tumatawa.

"Mali ba?" Nagtatakhang tanong ni Calista at saka tumingin sa palakang katabi niya. "Pinagmumukha yata tayong mangmang ni Alexis, Calista" Mas lalo akong natawa dahil tumitingkad na naman ang pagkapula ni Neesha, sensyales na napipikon na naman sya.

"Mangmang naman talaga kayo" Nakangiting sabi ko.

"Ano ang iyong tinuran?"

"Huwaaaa! Pinagsasalitaan tayo ng masama ni Alexis"

"Luella! Tulungan mo naman kami, inaapi kami ni Alexis"

Pinagmamasdan ko sila habang tinutulungan nilang umalis si Luella sa pagkakasabit sa pako sa pader. Buti pa 'tong tatlong bulate na 'to. "Hayy!" Mabilis na nawala ang mga ngiti ko nung maalala ko na naman ang nangyari sa pagpupulong. Pati ang mga memories namin nila Samara at Eureka na magkakasama noon sa college naalala ko rin.

"Ano'ng gagawin niyo kapag nalaman niyong tinraydor kayo ng mga kaibigan niyo?" Tanong ko sa kanilang tatlo. Sabay-sabay silang tumingin sa'kin ng nakakunot ang mga noo.

"Napaka-imposible namang mangyari niyan. Kung magiging traydor lamang din naman pala, iyan ay hindi na maituturing na isang tunay kaibigan"

"Tama! Kailanman ay hindi ko iyan maiisipang gawin 'yan sa aking mga kaibigan"

"Pero kung sakaling maging traydor ang mga kaibigan niyo ano ang gagawin niyo? Tapos nalaman niyo pa na may masama silang pinaplano sa pinakamamahal niyo" Seryosong tanong ko.

"Hindi ko na sila bibigyan ng mga sariwang katas ng mga bulaklak kung ganon" Nagsimulang umiyak si Calista pagkatapos niyang sabihin iyon.

Inilipat ko ang mga tingin ko kay Neesha na pulang-pula na sa galit. What the heck?! I've seen her before pero hindi ganitong ka-pula. I mean, this is the first time na makita ko syang galit na galit. "Hinding-hindi ko sila mapapatawad kung ganon. Kaibigan ko sila, pinagkatiwalaan ko sila, ngunit—ngunit nagawa  nila akong traydurin, tapos pati ang pinakamamahal ko pagtatangkaan pa nila ng masama? Ano bang nagawa kong masama para gawin nila sa'kin iyon? Gagawin ko ang lahat upang makaganti sa kanila" Nakakuyom pa ang mga kamao ni Neesha habang galit na galit na sinasambit ang mga katagang iyon. Mukhang masyado syang nadala ng emotions niya.

But that's exactly what I am feeling right now. Naiinis ako, gusto kong magwala sa inis at galit. Pakiramdam ko pinagtaksilan ako ng lahat.

"Ngunit kung tunay ka ring kaibigan, hinding-hindi mo babalaking gawin 'yan sa mga itinuring mong kaibigan. Hindi ba tama ako Alexis?" Lumingon ako kay Luella. Ano'ng pinagsasasabi nitong tutubing 'to? At talagang kinakampihan pa niya sila Samara? "Hindi mo alam ang sinasabi mo dahil wala ka sa posisyon ko. Hindi ikaw ang niloko at hindi rin ikaw ang nasasaktan!" Bulyaw ko sa paru-paro.

"May punto si Alexis, Luella! Kahit sinuman ang nasa ganoong posisyon ay paniguradong magagalit din. Sino ba naman ang hindi masasaktan kung ang mga mismong kaibigan mo ang tatraydor sa'yo?!" Galit na galit pa rin si Neesha, and for the first time in forever nagkasundo kaming dalawa ni Neesha.

**

"Hayaan mong ako ang magturo ng leksyon sa mga kaibigan mo kapag napatunayan nating tinatraydor ka nga nila" Bahagya akong natawa sa mga sinabi ni Neesha. Naglalakad ako, habang sya naman ay lilipad-lipad malapit sa may kaliwang balikat ko. Papunta kami ngayon sa may park, ayun lang kasi ang naiisip kong lugar na wala ng masyadong tao ng ganitong hatinggabi. "Para namang may magagawa ka. Sa liit mong 'yan?"

Lumipad sya sa harapan ko at tumigil sa tapat ng mukha ko habang naka-crossed arms at nakatingin ng masama sa'kin. "Tila yata masyado mo ng minamaliit ang kakayanan ko, mangmang" Mas lalo akong natawa dahil bumalik na naman sya sa pagiging masungit.

"Hindi naman masyado, slight lang" Natatawang sagot ko. Naglakad na ulit ako kahit na daldal pa ng daldal yung paru-paro.

Malapit na kami sa park nung tumigil sya saglit sa pagsasalita, kaya ako naman ang nagsalita. "Mga magagaling na salamangkero at salamangkera ang mamanmanan mo," Paalala ko, nakakapag-alala kasi dahil baka kung ano ang gawin nila sakanya kapag nahuli sya.

Pero ang mas iniisip ko eh kung ano'ng isasagot ko kapag hinanap sya sa'kin nung dalawang palaka.

"Alam ko" Tipid na sagot nung butiki.

Huminto ako saglit sa paglalakad upang humarap at tignan sya ng mata sa mata. "Huwag kang papahuli" Dugtong ko.

"Maaasahan mo ako sa bagay na iyan" Sagot niya. I smiled at her. There's no doubt, magkasundo na kami nitong tutubing 'to.

**

Hinihintay kong mapuno ng tubig ang takure na hawak ko nung marinig ko ang usapan nung dalawang bubuyog.

"Ang sabi sa akin ni Neesha ay may importanteng bagay lamang daw syang aayusin sa ating mundo" Nag-aalalang pahayag ni Calista. Kahit naman ako, kung ako ang nasa posisyon nilang dalawa mapapaisip din ako kung ano ang gagawin ni Neesha sa kabilang mundo.

"Ano naman daw iyon? Hindi naman sya namaalam sa'kin. Hindi kaya may itinatago syang sikreto sa atin?"

"Hindi ko alam Luella, ngunit hindi maganda ang kutob ko rito"

"May iniutos akong kunin ni Neesha sa kabilang mundo. Sabi niya kasi sa'kin may pupuntahan sya, so ayun sinabi ko kuhanin na rin niya 'yung naiwan kong gamit. Kayo talagang dalawa, tamang duda kayo minsan kaya hindi kayo magka-lovelife eh. Tingnan niyo ako, tiwala ako sa bebe Lucian ko"

"Hindi naman sa ganon, bihira naman kasing humiwalay sa amin si Neesha, nais niya laging magkakasama kami, kaya nakakapagtakha lamang"

"Tama ka riyan, nagagalit pa 'yun kapag may naalis na isa sa aming tatlo"

"Hahahaha ano ba kayo, mga tutubi talaga, masyadong paranoid. May gagawin lang sya dun at kukuhanin niya 'yung pinakuha ko. Ayun lang okay? Other than that, hindi ko na alam"

"Sa amin ba Alexis, wala kang nais na ipag-utos?" Nakataas na kamay na tanong ni Calista. Actually meron. Gusto kong bantayan ang kilos ng ama ni Lucian at ng kirida niya. Mas lalo naman 'yung haliparot na anak na ipapakasal pa sa bebe ko.

"Meron sana, kaso hindi ko alam kung kaya niyo kaya nahihiya ako" I said with a sweet smile.

"Kayang-kaya namin 'yan!" Energetic na sagot ni Calista. I glanced at Luella na mukhang nag-aalinlangan. Bakit kaya ganto reaction nitong bubuyog na 'to?

She kept quiet kaya nagsalita ulit ako, trying to be sweet. "Uhh-gusto ko kasi sana malaman kung ano nangyayari sa mansion nila Lucian. Naba-bother kasi ako diba ikakasal si Lucian kay Narkissa" Humikbi ako para mas award-winning ang pag-iinarte ko. Minsan na nga lang ako magdrama hindi ko pa ba lulubusin? "Kahit naman siguro kayo diba? Masakit makita na ikakasal sa ibang babae 'yung mahal niyo. Syempre gusto niyong malaman kung ano na ang nangyayari" Sinimulan ko ng umiyak kahit wala namang lumalabas na luha sa mga mata ko.

Letse! Bakit ba kasi hindi ako naiiyak?

Tiwalang-tiwala naman kasi ako na ako ang mahal ni Lucian babes. Kahit sabihin na nating maganda si Narkissa at parehas silang bampira. Saka subukan lang niyang ipagpalit ako kay Narkissa naku! Bubunutin ko lahat ng ngipin nilang dalawa.

Pinagmamasdan ako nung bulateng si Luella kaya tumalikod ako sa kanya at nagtakip ng mukha, nilakasan ko pa ang hikbi para epek na epek ang drama ng lola niyo.

"Kung sabagay naiintindihan ko ang iyong nadarama Alexis" Kitams! May sa malandi rin 'tong si Luella, naka-relate kahit walang lovelife.

"Huhuhu masakit talaga 'yun diba? 'Yung binuo mo na ang future niyo together tapos hindi naman pala kayo ang magkakatuluyan. At ang masakit pa doon, mahal niyo naman talaga ang isa't-isa, pero wala kayong magawa para labanan ang tadhana. Ang kailangan mo nalang gawin ay umasa, na baka sakaling magbago ang desiyon—"Sumilip ako saglit sa mga puwang sa daliri ko para tingnan 'yung dalawang kuto. Yehes! Umiiyak na sila, epektib! "...na baka may pag-asa pang mabago ang kapalaran niyo. 'Yun lang naman ang gusto ko eh" Itinuloy-tuloy ko ang paghikbi.

"Huhuhu ano ba ng gagawin namin Alexis?" Umiiyak na tanong ni Luella. Sabi ko na eh! "Mag-iispiya lang ba kami sa mansion ng prinsipe ng kadiliman?" I nodded na parang bata.

"Okay!" Hyper na sagot ni Calista.

On the other hand, kumusta naman kaya 'yung rakistang daga? Ano na kayang nangyari sa kanya sa kabilang mundo? Kinakabahan ako, minsan may sa tanga pa naman 'tong mga hamster baka mahuli sya. Matalino pa naman si Samara at madaling makahalata.

**

Hindi na ipinagpabukas pa nung dalawang uod ang pagpunta sa mansion nila Lucian. Mabuti rin naman para sa'kin 'yun dahil malapit na rin ang kabilugan ng buwan. Malapit na silang ikasal ni Lucian babes at malapit na rin ang paligsahan ng mga salamangkero at salamangkera.

Bakit ba kasi sabay pang mangyayari 'yan? Ugh!

Padabog akong umupo sa kama.

"Bakit nakasimangot na naman ang mahal ko?" My heart jumped. Tumingala ako para tingnan kung sino ang lalaking nagsalita. Enebe! Bebe Lucian talaga kahit kailan ang hilig mang-surprise. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling nung mga nakaraang araw?" Tanong ko sa kanya.

Umupo sya sa tabi ko kaya umisod ako ng konti palayo sa kanya para humarap sa gawi niya. "Maraming kailangang ayusin para sa nalalapit na pag-iisang dibdib," Kinuha niya ang isang kamay ko at saka hinalikan. "Patawad mahal ko"

Talaga palang tuloy na tuloy 'yung kasal nila ni Narkissa 'no? Bakit parang ang martyr naman ng datingan ko dito? Nakakalungkot din pala.

"Bakit ka umiiyak?"

"Ako umiiyak?" Pinunasan ko ang mga mata ko at syet! Umiiyak pala ako. "Huwag kang feeling, napuwing lang ako. Maalikabok kasi. Kita mo naman 'tong apartment ni Aling Fatima mukhang isang ihip ko lang bibigay na" Buti pa sila Samara at Loki kahit sumi-secret love affair walang hadlang sa love story nila. Bakit sa'min ni bebe Lucian parang ang hirap? Maganda naman ako, gwapo naman sya.

"Wala ka bang planong magsanay? Nalalapit na rin ang paligsahan ng mga salamangkero at salamangkera. Hindi ba't nais mong manalo?" Tanong niya sa'kin.

"Yup, malapit na nga. Nagpa-practice din naman ako dito sa mundo ng mga tao ah, mas feel ko lang dito" Para syempre mabantayan ko ng maigi ang mga kilos nung haliparot na si Narkissa. Saka dito gaganapin ang kasal nila sa mundo ng mga tao eh. So mas maganda kung nandito ako. "Mas komportable pati akong magsanay dito kaysa sa kabilang mundo, ang sikip kasi sa feeling. Pakiramdam ko nakabantay ang lahat sa kilos ko. Ang hirap kaya ng ganun"

Tumawa ng mahina si Lucian babes kaya napangiti ako. "Madali kang matutunton kapag dito ka gumamit ng kapangyarihan, mahal ko. Mas ligtas magsanay sa kabilang mundo"

May point din naman. Nahihirapan nga ako dito. Pero kasi si Narkissa eh. Arghh! "Okay fine! Babalik na rin ako agad sa kabilang mundo para magsanay. Pero hindi muna siguro ngayon, sa isang araw na siguro" Sagot ko.

**

Third Person's PoV

Malayang lumilipad-lipad si Neesha kahit na maraming salamangkero at salamangkera ang nag-eensayo sa paligid niya. Ginawa rin syang invisible ni Alexis para hindi sya makita ng mga wizards.

"Kinakabahan ako sa posibleng gawin ni Prinsesa Alexis sa paligsahan" Pahayag ni Mikael.

"Maging ako ay nakadarama ng ganyang kaba, lalo pa sa ipinapakitang ugali ngayon ng prinsesa" Pag sang-ayon ni Samara.

"Kailangan hindi si bes ang manalo sa paligsahan, kung kina-kailangang mandaya tayo para manalo laban sa kanya, gawin na natin. Kinakabahan ako sa naiisipan niyang gawin. Alam kong may pina-plano sya kaya gusto niya maging reyna ng kaharian ng Queinsville" Kumunot ang noo ng mumunting fairy sa naririnig niyang usapan ng mga kaibigan ni Alexis.

"Hindi natin matatalo ang prinsesa sa simpleng pamamaraan, pero maaari nating subukan" Sagot ni Samara.

"Hindi ba't sabay-sabay naman ang mga manlalaro sa paligsahan? Maaari natin syang pagtulungan" Sagot ni Scarlett Haverfield.

"Maaari kong alisin ang alaala niya matapos isagawa ang pinaplano nyo para hindi niya isipin na dinaya natin sya" Pinagtinginan si Loki ng mga salamangkero at salamangkera. Kakarating lamang nito. "Nanggaling ako sa pagpupulong ng mga konseho. At desidido silang kitilin ang buhay ng prinsesa Alexis kung hindi ito makikipagtulungan laban kay Lord Lucian" Pahayag nito.

Hindi na nagugustuhan ng munting fairy ang mga naririnig niya.

"Hindi nila magagawang patayin ang Prinsesa, masyado itong makapangyarihan" Sagot ni Samara. "Ang tanging naiisip ko lamang na paraan ay si Lord Lucian mismo ang kikitil ng buhay niya" Dugtong pa nito.

"At si Alexis lamang din ang makakagawang kumitil ng buhay ni Lord Lucian" Singit ni Seamus.

Bagamat naguguluhan si Neesha sa mga naririnig ay wala itong magawa. Alam niyang makapangyarihan ang mga salamangkero at salamangkera na nag-uusap, isama mo pa ang bampira, at isa sa mga konseho na si Loki.

'Kailangan malaman ni Alexis ang lahat ng sa gayon ay makagawa rin sya ng plano laban sa mga taksil niyang kaibigan'

Continue Reading

You'll Also Like

2M 134K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
1.4M 58.7K 50
PUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoeni...
24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
31.4M 534K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...