The Mafia Prince is my Stalke...

By lil_MissBlue

8.4M 236K 17.2K

What if malaman mo na ang stalker mo ay isang anak ng mafia? And worst anak siya nang leader ng mga ito? Anon... More

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?! (>_<)
¤ Chapter 1 ¤ The game is ON
¤ Chapter 2 ¤ The START
¤ Chapter 3 ¤ Moody Seatmate
¤ Chapter 4 ¤ Step 2
¤ Chapter 5 ¤ Nicknames
¤ Chapter 6 ¤ Savior
¤ Chapter 7 ¤ Kasalanan mo lahat 'to!
¤ Chapter 8 ¤ You're my Stalker?!
¤ Chapter 9 ¤ Can you help me?
¤ Chapter 10 ¤ We will help you
¤ Chapter 11 ¤ Meet my Friends
¤ Chapter 12 ¤ The Plan
¤ Chapter 13 ¤ I'm back and ready to make your life a living hell
¤ Chapter 14 ¤ Lagot kayo ngayon
¤ Chapter 15 ¤ Spotlight
¤ Chapter 16 ¤ Ayaw mo di huwag!
¤ Chapter 17 ¤ Kawawa ka naman
¤ Chapter 18 ¤ Couple's Pageant
¤ Chapter 19 ¤ Practice
¤ Chapter 20 ¤ A Day Before The Pageant
¤ Chapter 21 ¤ The Pageant
¤ Chapter 22 ¤ Binalaan kita
¤ Chapter 23 ¤ Jarred The Great
¤ Chapter 24 ¤ Sino kaya sila?
Jhen's Note
¤ Chapter 25 ¤ What a Great Day
¤ Chapter 26 ¤ I'm not a Liar
¤ Chapter 27 ¤ Lucky
¤ Chapter 28 ¤ Sino kaya ang dumating?
¤ Chapter 29 ¤ Group date?
¤ Chapter 30 ¤ Group date
¤ Chapter 31 ¤ My day
¤ Chapter 32 ¤ Ready?
¤ Chapter 33 ¤ Sophie is back
¤ Chapter 34 ¤ Ngayon alam mo na ang feeling
¤ Chapter 37 ¤ Sweet
¤ Chapter 38 ¤ The Decision
¤ Chapter 39 ¤
¤ Chapter 40 ¤
For my readers :)
Book 2? Special Chapter?

Chapter 35 and Chapter 36 :)

155K 4.4K 126
By lil_MissBlue

¤ Chapter 35 ¤ Pictures

"May dapat po tayong pag-usapan tungkol sa insidente kahapon." seryosong sabi ni Mrs. Santos.

"Wala na po kayong dapat pag-usapan. Alam na po namin kung sino ang may kagagawan ng insidente kahapon." sabat ni Monique.

"At sino naman?" galit na tanong ni Mrs. Santos.

"Sina Sophie at Samantha! Sila ang magkasabwat at may kagagawan ng insidente kahapon." smug na sabi ni Monique.

"At paano mo naman nasabing sila ang may kasalanan at kagagawan noon, Monique?!" naiinis na tanong ni Mrs. Santos.

"Simple lang, sila lang ang hindi sumakit ang tiyan! Sinadya nilang itapon ang pagkain nila dahil alam nilang sasakit ang tiyan nila kapag kumain sila." nakangiting sabi ni Monique.

Nabigla ang lahat nang pumalakpak si Mrs. Santos.

"Wow! Ang galing mo Monique! Hanga na ako sa kakapalan ng mukha mo. At nagawa mo pang magbintang ha?" sabi ni Mrs. Santos.

"Hindi ko kayo maintindihan, anong ibig niyong sabihin?" nakasimangot na tanong ni Monique.

"Alam ko na kayo ni Abby ang may kagagawan nang nangyari kahapon." sabi naman ni Mrs. Santos.

Napasinghap ang buong klase sa narinig nila. Gulat na gulat silang napatingin sa dalawang salarin.

Namutla naman ang dalawa sa kanilang narinig.

Pero talagang hindi magpapatalo si Monique pagdating sa kakapalan.

Tumawa siya, a stiff laugh actually.

"Huwag nga kayong magbiro ng ganyan Mrs. Santos. Hindi magandang biro 'yan. Seryoso ang usapan na ito." sabi ni Monique.

"Seryoso ako Monique, baka ikaw ang nagbibiro. Mabuti pa umamin ka na Monique." sagot naman ni Mrs. Santos.

"Bakit ba ninyo pinagpipilitang kami ang may kagagawan nang nangyari kahapon!? At umamin? Bakit kami aamin sa kasalanang hindi naman namin ginawa. Wala naman kayong patunay na kami ang may gawa nung kahapon. Samantalang sina Sophie at Samantha ang obvious na obvious naman na may gawa. Sino ba ang nagsabi nang kasinungalingang yan sainyo?" umiiyak na ngayon na sabi ni Monique.

Hanga na talaga ako kay Monique. Ang galing niya talagang umarte and no wonder kung bakit napapaikot niya ang lahat ng tao sa mga kamay niya.

"Wow ang galing mo nga talagang umarte. Tama yung sinabi niya, kung hindi ko lang alam ang totoo baka naniwala na ako sainyo." sabi naman ni Mrs. Santos.

"Tama na! Tama na ang kasinungalingang 'yan! Wala naman kayong patunay kaya wala kayong karapatan na pagbintangan ako!" sigaw naman ni Monique.

Wow, sa'yo hindi pwede? Samantalang saakin kanina kung makapagbintang ka, tsk tsk tsk.

May kinuha si Mrs. Santos sa loob ng isang pink na envelope.

"Sabihin mo nga kung hindi pa sapat na ebidensiya ito, Ms. Monique?" nanghahamon naman na sabi ni Mrs. Santos sabay taas ng dalawang picture sa kamay niya.

Dali-daling lumapit ang mga classmates ko para tignan ang mga ito. At sumunod din ako.

Yung unang picture, nandoon sina Abby at Monique nag-uusap sa school kitchen.

"Bakit sila nandoon?"

"Diba yan yung pagkain?"

"OMG!!"

Yung pangalawa naman ay yung may ibinubod si Monique na substance sa pagkain.

"Oh my! Kung ganon sila nga ang may kagagawan1"

"Grabe sila!"

"Paano nila nagawa yun?"

Wow, ang galing ko palang kumuha ng picture. Ang linaw at napakaganda ng kuha.

Sina Monique at Abby naman lalong namutla at nanigas sa upuan nila.

"Ngayon sabihin mo Monique, hindi pa ba sapat na ebidensya ng ginawa niyo ang mga ito?!" galit na tanong ni Mrs. Santos.

Napayuko nalang sina Monique.

"Buti nalang at nakuhanan ito ni Samantha at agad na ibinigay saakin. Kung hindi siguradong mapagbibintangan ang mga inosenteng tao sa ginawa niyo." pahabol pa ni Mrs. Santos.

Everyone was shocked by the revelation especially Monique and Abby.



¤ Chapter 36 ¤ Hurt

Napangiti lang ako, mukhang umaayon sa mga plano ko ang mga pangyayari.

Itinaas ni Monique ang tingin niya at kaagad na dumapo sa hindi makapaniwalang mukha ni Samantha.

"Paano mo nagawa saamin 'to" naibulong ni Monique. "Traydor ka." sabi pa niya na ikinagulat ni Samantha.

"Paano niyo nagawa ito, Monique at Abby?"

"Ang sama niyo!"

Sabi naman ng mga classmates namin.

I know they feel betrayed right now.

Mabuti 'yan sa inyong lahat. Alam niyo na ngayon ang pakiramdam ng traydorin at talikuran.

"Monique, kailangan namin makausap ang mga magulang mo!" galit na sabi ni principal.

Ito na siguro ang tamang oras para i-showcase ko ang talent ko.

Hindi lang naman kasi si Monique ang magaling umarte 'no.

Tumayo ako at nagtungo sa pinto.

Nabuksan ko na ang pinto at akmang lalabas na nang tawagin ako ng principal.

"Ms. Sophie, where are you going?"

"Home." matipid kong sagot.

"Bakit umuuwi ka na?" tanong naman ng mga classmates ko.

Hinarapan ko sila at binigyan ng cold look.

"Bakit may gagawin pa ba ako dito? Hindi pa ba sapat na pagbintangan niyo ako? Bakit natatakot kayo na mawalan ng pagbibitangan?" sabi ko at sila napayuko naman sa hiya.

Dapat lang talaga kayong mahiya sa sarili niyo.

Paano niyo nagagawang magbintang ng walang patunay?

Oo, tama naman sila na ako ang may kagagawan pero paano pala kung hindi?

Bakit ba kasi bawat sabihin ni Monique kaya nilang paniwalaan? Hindi ko sila maintindihan.

"Mrs. Principal ihahatid ko nalang po ang transferee paper ko sainyo bukas, para makalipat na ulit ako." baling ko naman sa principal.

"Bakit ka lilipat, hija?"

"Bakit ano pa bang gagawin ko dito principal? Sawa na akong isiksik dito ang sarili ko sa mga taong ayaw naman ako. Baka may mangyari na naman dito tapos ako ulit ang mapagbintangan." I paused para tingnan sa mata ang mga classmates ko.

"Wala parin naman kasing nagbago simula ng umalis ako dito, eh. Binago ko ang sarili ko para lang matanggap nila ako pero... wala parin pala. Kumpara kay Monique isa lang akong langaw. Lahat ng sabihin niya tama, ako kasinungalingan." tuglong ko pa and they all flinched because of my tone.

Its dripping with sarcasm yet full of hurt. I can't help it.

Ayaw ko man aminin pero...masakit.

"Sabagay, sino ba naman kasi ako para paniwalaan nila diba? Ako lang naman yung Sophie na inaapak-apakan at pinagtatawanan nila noon. Akala ko dahil binago ko na ang sarili ko magugustuhan at makikita na nila ako gaya ng pagtingin nila kay Monique. Isang sobrang bait at mala-anghel na tao, hindi pala. Kulang parin pala ang effort ko." sabi ko pa at napailing.

Binaling ko ang tingin ko kay principal.

"Kaya sabihin mo nga principal? Bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko dito kung alam kong meron namang lugar kung saan tanggap ako at hindi binabalewala ang halaga ko? Tao lang din naman kasi ako na nagsasawang masaktan at sawa ng umasa. Alam ko ito ang hinihintay niyong sabihin ko pero... suko na ako. Hindi niyo na nga siguro ako makikita kung sino talaga ako."

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Bakit ganon? Ang sakit parin pala aminin at sabihin ang totoo kahit na alam mo na iyon noon pa man 'no? Ang sakit-sakit.

Napayuko silang lahat at gaya ko lumuluha rin sila habang bumubulong ng 'sorry'.

"Sorry? Alam niyo bang sinira niyo ang buhay ko noon?! Sobrang durug na durug na ang puso ko dahil sainyo.., kaya siguro mabuti kung umalis nalang ako."

Pinunasan ko yung luha sa mata ko.

"Babalik po ako dito bukas ng umaga." paalam ko.

Tapos tuluy-tuloy na ako palabas ng school.

Stop crying Sophie.., it should be all an act. Go get a grip.., ang hina hina mo talaga.

Hindi mo na dapat sayangin ang luha mo para sa kanilang lahat. They're not worth your tears.

Sila dapat ang umiyak at hindi ikaw. 

Continue Reading

You'll Also Like

303K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
154K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.2M 7.5K 10
Denise Monica Vega is COLD. HEARTLESS. BITCH. Lahat nalang na masamang katangian, nasa kanya na. They don't know that behind those bad traits of hers...
1.8M 40.9K 62
One guy with Two personality. Will you fall for him?