Hey!! DAYDREAMER

By sarangheboy08ae

165K 3.3K 1K

PROLOGUE It started with a F L A M E S followed by H O P E and end up with C A M E L More

Hey!! DAYDREAMER
Day Dreamer 1>> 1st day
Day Dreamer 2>> lil DEVIL Ivy
day dreamer 3 >> meeting with the SC Officer
day dreamer 4 >>Smile City Restaurant
Day Dreamer 5 >> Sitting Arangement
Day Dreamer 6>> pasta for lunch
Day dreamer 7>> research paper
Day dreamer 8>> The Challenge
Day Dreamer 9>> mashed potato cravings
Day dreamer 10 >>One rainy night
Day dreamer 12>>the super bowl
Day Dreamer 13>> the sleeping beauty SAM
Day dreamer 14>>when Ivy go Gaga
Day dreamer 15>> Ang prinsipe at ang palakang kokak
Day Dreamer 16>> students sickness
Day dreamer 17>> cooking lesson with Nathan
Day dreamer 18>> ng si James ang magselos, lahat damay
Day dreamer 19>> The Show

Day Dreamer 11>> bukingan na

5.5K 158 58
By sarangheboy08ae

dont forget to vote, like and be my fan.

salamat 

Day Dreamer 11>>  bukingan na

NATHAN's pov

"IVANNNNNN......"

"IVANNNNNN......"

"IVANNNNNN......"

"AHHHHHHH" sumigaw ako. At biglang napatayo sa kama. Nagulat ako eh. Bigla nalang may pumasok sa kwarto ko at nagsisigaw.

"IVANNNNNN...."

"bakit IVY napano ka??????" si Ivy lang pala. Akala ko nasusunog na ang bahay.

"asan na iyong towel ko."

"anong towel??" iniisip ko kung anong towel ponagsasabi nito. Bakit sa akin niya naman hinahanap. Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang gamit?

"iyong pink towel ko."

"bakit sa akin mo hinahanap?" pink towel

"paano wala sa closet ko"

"so??"

"so na sayo"

"bakit extension ba ako ng closet mo?"

"eeeh Ivan naman eh."

"oh?"

"akin na labas mo na."

"sus hanapin mo diyan." nagkalkal nga siya sa mga closet ko. Grabe siyang magkalkal ha. Parang dinadaan ng ipo2 ang mga drawer ko.

"Eeeeh wala naman eh."

"wala nga sa akin."

"eeeeh ipinadala ko kaya sa iyo ng minsan mag voleyball ka."

"pinadala?" ano ba iyon. Bakit di ko matandaan.

"BAKA WINALA MO"  '__'

"baka..." at nagkibit balikat ako.

Pinagmasdan ko si Ivy. Bigla siyang tumahimik at tinitigan niya ako.

Bigla nalang.....

"ARAY....... ARAY...... ARAY....." habang inaalis ko ang kamay ni Ivy sa buhok ko.

"Nathan hanapin mo iyon." habang sinasabunutan niya ako.

"Hindi ko nga alam ang sinasabi mo."

"wala akong pakyalam kung hindi mo naaalala. Basta alam ko ipinahiram ko iyon sa iyo."

"ARAY IVY ANG SAKIT"

"wala akong pakyalam. dahil kapag hindi mo nahanap iyon kakalbuhin kita sa sabunot."

"OO na OO na hahanapin ko na." sabi ko sa kanya.

"Siguraduhin mo. Kung hindi grrrrrr..." sabi niya sa akin at tuloy tuloy na siyang lumabas.

baliw talaga iyong babaeng iyon ang sakit ah. Hinawakan ko ang ulo ko. Parang naalis ang anit ko sa sabunot niya.

ang sarap sana matulog eh. Makatulog nga ulit.

Humiga ulit ako at pinikit ko ang mga mata ko.

"AHHHHHHHHHH" napasigaw ulit ako. Pano may nambuhos sa akin ng tubig sa mukha.

"ano ba Ivy?"

"hoy hoy hoy ikaw"

"oh bakit ba natutulog ako ha"

"tumayo ka na nga diyan."

napaupo na naman ako. Sumosobra na ang Ivy na ito ha.

"huwag mo akong ma hoy hoy diyan. Matanda ako sa iyo."

"aray" bigla pa naman akong binatukan.

"iyan ang bagay sa iyo. Ng maalog naman ng konti iyong mga brain cells mo. Tumayo ka na diyan."

sabay hila niya sa akin. Dahil sa hindi ako nakapaghanda nalaglag ako sa kama.

"sumosobra ka na ha."

"magtigil ka. maligo, magbihis, kumain at pumasok ka na sa school. Nag absent ka na kahapon ha."

nag absent nga ako kahapon. Umuulan kasi eh. Baka baha sa may daanan papuntang school. Hehehe joke lang. Tinamad lang talaga dahil nga umuulan.

"tumayo ka na sabi eh." sabay sipa niya sa akin.

tumayo ako. At tinignan siya ng masama. Sumosobra na siya. Masyado kasi brutal to kapag galit.

"huwag mong sabihing matangkad ka sa akin." at tinignan niya akong masama. Tumahimik lang ako. At ginamitan ng mahabang pasensiya.

"kapag hindi mo nakita ang towel ko. Patay ka sa akin Ivan. Tandaan mo patay ka sa akin." tsaka na siya nag walk out.

Nakakainis talaga iyong babaeng iyon. Naiinis ako talaga sa kanya. Dahil sa towel lang na hindi ko naman alam kung anong towel nagkakaganyan na siya. Ang dami niya namang towel sa closet niya ha.

Grrrrrrrrrrrr.

Bakit pa kasi sumunod iyon sa akin sa mundong ibabaw nakakainis. Panira talaga ng araw.

Naiinis man ako pero kailangan ko ng maligo. Kakatamad talaga bakit kasi kailangan pang mag aral.

Naligo na ako at bumaba para sana mag almusal. Kaso nakita ko si Ivy sa may dining table may hawak na tinidor at nakatingin ng masama sa akin.

Gutom ako kaya lumapit ako kaso si Ivy bigla pa naman tinusok ang hotdog at kinagat.

"Tandaan mo Ivan e memorize mong maigi PATAY KA SA AKIN KAPAG HINDI MO NAIBALIK NG MAAYOS ANG PINK TOWEL KO GRRRRRRRRRR." at kumagat ng kumagat sa hotdog. Nakakatakot siya ha.

Tumakbo ako palabas baka ibato sa akin ni Ivy iyong plato nakakatakot siya ha. Ano ba kasi iyong towel na iyon bakit kasi hindi ko maalala.

 

SAM's pov

 

sa school

 

nakayuko ako dito SC Office may meeting kasi kami eh. Next  week na kasi ang welcome party para sa mga new students. Kailangan pang mag practice. Hindi ko pa nga alam kung anong kakantahin namin nina Steph at Noime.

"Sam okay ka lang?" si Lee. Pumasok siya sa office at tumabi sa akin.

"Oo naman atchung..." bumabahing po ako sorry naman ^_^

"palala ata iyong sipon mo?"

"Hindi naman atchung" sinipon ako sa sobrang bonggang shower last night. Barado pa ang ilong ko kaya medyo ngo2 kung magsalita.

"uminom ka na ba ng gamot?" ang serious niya ah.

Umiling ako.

"bakit umiinom ka ng gamot para agad kang gumaling."

"kasi....."

"kasi??"

"hello everyone good morning" si james biglang dumating at tumabi din sa amin.

"good morning din" bati ko sa kanya

"atchung" oooops puro ba atchung lang ako ngayon.

"Oh Sam may virus ka yuck hehehe" baliw talaga ito.

"sorry" barado na nga ang ilong napapaos pa.

"dapat uminom ka ng gamot agad" sabi niya

"iyon din nga ang sabi ko sa kanya eh."

"ano sabi niya" si james

"hindi ata siya uminom eh" si Lee

tama bang pag usapan ako sa harapan ko.

"bad yan Sam dapat umiinom ka ng gamot tignan mo iyang ilong mo kamukha mo na si reindeer hehehe"

"oo nga Sam. Kanina ko pa nga iniisip kung sinong kamukha mo si reindeer pala hahaha"

"TUMIGIL NGA KAYO" actually sumigaw ako kaso dahil sa namamaos nga para lang akong bumubulong.

Kaya ang resulta

"HAHAHAHAHAHAHA" at nag duet pa sila.

"Tama na nga yan James inaaway niyo si bestie ha. Gusto niyong palabasin ko kayong dalawa?" salamat naman Steph

lumapit siya sa akin at dinama ng kamay niya ang noo ko.

"OMG maiinit ka ha. Bakit kapa pumasok?" akala ko naman isa pa ito eh

"Ano ba matanda na ako. Wala yan"

"wuuuu wawa naman bestie ko" sabay yakap niya sa akin. Ganyan talaga si Steph kapag may sakit ako. Parang nanay ko lang.

"Steph hindi ako makahinga"

"sorry bestie" sabay kawala niya sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at ang pumasok ay sina Mon at Nathan. Tapos lumapit din sila sa amin at umupo doon kung saan kami mag mi meeting.

Aba himala pumasok na. Akala ko naman nagkasakit siya tinamad lang pala. Nag worry pa naman ako.

"Uy Nathan wala kana bang sakit?" si James

"Ha? Ako?"

"Oo"

"Hindi naman ako nag kasakit ha."

"Sakit ng katamaran hahahaha"

"GAGO"

"yan nga si Sam super worry niyan sayo diba Sam?" si James at tumingin pa sa akin. Ano ba naman. Blush blush blush

"ah eh... Ah eh" blush blush sige James may araw ka rin. Tatawa tawa kapa diyan.

Itong Nathan na to tumingin naman sa akin. Susme hay.,... Help

"o Sam lalo ata namula ang ilong mo hahaha?" si Lee. Ewan ko ba pano ko naging crush ang isang ito akala ko mysterious type baliw din naman pala.

"Tigil na nga kayo si Sam na naman nakita niyo." si Mon. Mabait talaga iyan eh. Pinaka mabait sa kanila.

"tignan niyo lalo tuloy siyang nagiging cute" si Mon ulit sabay pisil pa sa pisngi ko. Binabawi ko ang lahat ng pinuri ko sa kanya. Kauri niya rin mga bff niya. Mga baliw.

"tigilan niyo na nga si bestie sakalin ko kayong lahat eh."

hay my hero at last.

"mag mee...ting na n...ga ta...yo" sabi ko nahihirapan kasi magsalita.

NATHANs pov

malapit na ako sa SC office ng makasalubong ko si Mon.

"Bro" tawag ko sa kanya

lumingon naman siya agad.

"Uy" sabay bff shake hand.

"late la ata?"

"ah hindi naman ok lang. Buti pumasok ka na?"

"si Ivy kasi panira ng mood"

"as ussual. Tara na nga sa loob umaambon na naman oh."

binuksan niya ang pinto at pumasok na kami. Nagtext kanina si Lee andito na at pati si James pala.

Ng makapasok na kami nakatingin silang lahat sa amin. Lalo na s Sam. Parang may mali sa kanya.

"Uy Nathan wala kana bang sakit?" si James yan ang una niyang sinabi pag lapit namin sa kanila. Nakaupo kasi sila sa meeting table.

"Ha? Ako?"

"Oo"

"Hindi naman ako nag kasakit ha." dahil naman talaga ako nagkasakit.

"Sakit ng katamaran hahahaha"

"GAGO" napamura tuloy ako. Akala ko naman concern sa akin.

"yan nga si Sam super worry niyan sayo diba Sam?" si James at tumingin siya kay Sam. Napatingin naman ako kay Sam. Parang may mali talaga sa kanya eh.

"ah eh... Ah eh" sabi naman ni Sam. Paos siya as in walang boses?

"o Sam lalo ata namula ang ilong mo hahaha?" si Lee. ah iyon ang mali sa kanya pula nga ang ilong. Sinisipon siguro.

"Tigil na nga kayo. si Sam na naman nakita niyo." si Mon

"tignan niyo lalo tuloy siyang nagiging cute" si Mon ulit sabay pisil pa sa pisngi ni Sam. Akala ko pa naman seryoso siya.

"tigilan niyo na nga si bestie sakalin ko kayong lahat eh."

"mag mee...ting na n...ga ta...yo" sabi ni Sam so paos nga siya.

Nagsalita siya ng nagsalita tungkol sa gagawin para next week. Siya lang nag sasalita kaso kapag medyo nahihirapan siya itunutuloy ni Ramon siyempre siya ang VP.

"so Mon kayo na bahala sa ikakanta at isasayaw ninyo ha?" nahihirapan na talaga siyang magsalita. Bakit pa siya pumasok kung ganyan may sakit na siya.

"Ok miss president" sabi ni Mon

"kanya kanya practice na lang ba?" tanong niya pa.

"siguro ganoon na nga lang para mas maging wise sa oras di ba." si Ramon

"guys thanks for participating esp. Lee, James and to you Nathan" tapos nakipag shake hand siya sa akin.

Tinitignan ko lang ang kamay niya ang liit kasi eh.

"uy Nathan matutunam na si Sam sa kakatingin mo." si Lee. Tama ba naririnig ko si Lee nagsasalita ng mga ganyang bagay. Di niya ba halata na sa kanya may crush si Sam.

"isa ka pang gago eh. Hindi lang pala gago manhid pa. Sayo kaya may gusto itong si Sam."

biglang namutla si Sam. Kitam sabi na eh. Tama ang hinala ko eh.

"Talaga Sam??" tanong naman ni Lee kay Sam.

"ah eh" yan naman lagi sagot niya kapag nahuhuli siya. Sobrang simple niya talaga napaka transparent pa.

"That's nice Sam. The feeling is mutual" sabi ni Lee biglang napatingin sa kanya ang lahat.

"Oh oh bakit bawal ba mag joke?? Hahahaha" ^_^

tinignan ko si Sam biglang nalungkot. Sorry basted hahahaha wawa ang baby.

"tama na nga ang kulitan nag bell na oh." sabi ni Sam at una siyang lumabas.

"Hala ka Lee ginalit mo" sabi ni James habang ginagalaw galaw niya  iyong hintuturo niya.

"bakit anong ginawa ko? Di ba nag jojoke ka lang Nathan?"

inakbayan si Lee nina Mon at James.

"Alam bro akala ko bright ka. S-L-O-W ka din pala. Kuha mo?" sabi ni Mon. At nag martsa na sila papuntang room. Iiling iling din ako.

Mali ang ginawa mo Nathan sabi ng konsensiya ko. Nawala kasi sa focus eh.

Sa loob ng room hindi ako pinapansi ni Sam. Pero bakit si Lee kinakausap niya.

SAMs pov

 

 

sa loob ng classroom

 

Loko talaga itong singkit na ito. Sukat akalain mong sabihin niya kay Lee na may guto ako sa kanya. Grrrrr

buti na lang hindi naniwala si Lee. Dahil kung hindi ewan ko kung anong gagawin ko.

"Sam musta na pakiramdam mo?" si Lee habang ang lelecture kami. Mabuting estudyante diba nag lelecture. Actually ako lang nagsusulat siya ewan ko kung anong ginagawa.

"ah ok lang"

"hmmmmm"

tinignan ko kung ano ginagawa niya bigla niya pa naman tinakpan.

"bawal" sabi niya. Nagkibit nalang ako ng balikat. At pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko.

Itong singkit na ito pa simple pa obvious naman na tinitignan ako. grrrrr kakainis.

bago matapos ang klase at mag uwian na may inabot sa akin si Lee. Isang note na may naka draw na bulaklak.

At ang nakalagay

THE FEELING IS MUTUAL I MEAN IT

ano daw? Nawindang ata ako doon.

Tinignan ko siya di siya nakatingin sa akin at tumayo na siya para lumabas ng classroom.

Hihihihi nagbunga din ang tiyaga ng pagbuntot sa kanya. Sa wakas napansin niya na rin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...