My Life Saver

By IamYourMsAyen

1.5K 55 6

ni-re-revise ko na lang po :) My live saver ft. Oliver Posadas Started: June 29, 2013 Stopped: Oct 13, 2013 M... More

MY LIFE SAVER
My Life Saver
Chapter 1: Cancer!
Chapter 3: Is this our Last kiss?
Chapter 4: let's go back to the past
Chapter 5: His name is Lance
Chapter Six : Kiss ?
Chapter 6 : Bad news
CHAPTER 7 : Baby blue eyes
Chapter 8 MUNTIK NA!!
Chapter 9 birthday planning
CHAPTER 10

Chapter 2: My secret decision

128 6 0
By IamYourMsAyen

Dalawang araw na ang nakakalipas. Wala pa rin si Lance, hindi pa siya nagigising. Pinauwi na ako nila mommy dito sa bahay para makaalis sa stress sa hospital.

kasama ko sila ate Jillian, Kuya Mart, baby Chelseah, pati si mommy at daddy ngayon para sa dinner sa gilid ng garden pool namin. Sariwa kasi ang hangin dito, ito ang kailangan ko.

"Kamusta na si Lance, Lavenia?" pinutol ni dad ang katahimik habang kumakakain kami. Pagkatanong niya, uminom siya ng wine at tumingin sakin

"Hi-hindi pa rin po siya nagigising simula nung inatake siya" na uutal na kong sumagot dahil pinipigilan kong umiyak.

Apat na araw na Lance, kailan ka ba gigising?

"Sana Nia handa ka na sa pwedeng mangyari" sabat ni kuya Mart. Nag-iisang lalaki si Kuya saming magkakapatid. Last year na niya ngayon sa Pag-aaral ng business. Siya ang magiging sunod na president ng campany ng angkan namin. Tradisyon iyon. Lalaki dapat ang magpapatakbo ng kumpanya.

"Anak nandito lang kami. Magpakatatag ka. Hindi namin kayang mawala ka rin." malungkot na sabi ni mommy

"Ate gagawan kita ng ice cream"- sabay pout ni Chelseah. 8 years old lang tong bunso namin.

"Tutulong din ako para sa paghahanap ng donor ni Lance" masayang sabi ni Dad.

"Gusto ko pong bumalik sa dati nating bahay"- mahina kong tugon pero alam ko namang maririnig nila 'yon. Gusto kong bumalik sa dati naming bahay. Gusto kong alalahanin ang simula.

Gusto kong balikan ang lahat para bago ako mawala, mabalikan ko man lang ang saya namin noong bata pa kami.

"sa Zambales?" pagtatanong ni Ate Jillian. Siya ang pinakamatanda samin. Sa Sydney sila nag-aral ni kuya nung Grade school sila pero valedictorian siya nung grumaduate ng College dito. Ngayon ay dalawang taon na siyang lisensyadong teacher.

"Opo" maiksing tugon ko.

"Para saan? Sino kasama mo?" pag-aalalang tanong ni mommy.

"Isasama ko po ang barkada mommy. Payagan niyo na po ako" pagmamakaawa kong sagot. Hindi ko na sinabi ang dahilan dahil alam kong hindi nila ako papayagan.

"Tingin ko makakabuti iyon sayo. Kailangan mo ng mapayapang paligid." pagpayag ni daddy.

Natapos ang dinner namin at pumunta na ko sa kwarto ko.
Hanggang tatlong araw lang akong pinayagan ni mommy.

Nung mahiga ako. Kinuha ko ang phone ko para maaya ko na sila.

To: Randel Peraira; Jake David Lapaz; Adam Lion; Kevin Gerbosa; Nicole Yagoobian;Rockilyn Alvarez; Ryna Dino; Jasha Ko;

Guys. Pwede ba kayo bukas? Punta tayong Zambales. 5am sharp. Sa Hospital na tayo magkita-kita bago tayo pumunta sa Airport, papaalam lang ako kay Lance. Good night. Thanks x

~message sent~

Pumayag naman ang lahat.
Nag-ayos na ko ng dadalhin kong gamit.

Gagawin ko talaga 'to. Ibibigay ko na ang puso ko sa kaniya, siya naman na ang may-ari nito.
Mas makakabuting walang makaalam nito para wala ng tumutol pa. Mahal kita Lala. Hindi ko kayang ikaw pa ang mawala. Ilang beses mo na akong niligtas..



Ako naman ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 446 26
a BOYxBOY love story tunghayan ang makulit, nakakatawa, at napasweet na kwento ang ating dalawang bida .. subaybayan kung paano sila sinubok at pinag...
860K 42.1K 97
Kung gusto mong tumawa, humalakhak, mabwisit, maimbyerna, mang-gigil, umiyak, kiligin at ma-inlove, ano pang inaantay mo. Basahin mo na to. HAHAHA
335K 3.4K 29
DISCLAIMER: This story is not mine. All credits go to the rightful owner. I just re-post this story because it's damn worth sharing. Pinabasa lang sa...
Wattpad App - Unlock exclusive features