ILan ang Puso mo?

By AlleyaLove

132 0 0

Sabi don sa post na nabasa ko,ang bawat tao ay may iisang puso.Kung nararamdaman mong nagmamahal kana ng higi... More

Home Sweet Home!
Maganda ka at dapat alam mo yan
Hindi tayo pakakainin ng pride
Set a goal & make it real
Save by the bell
Love at first sight

Little black dress

5 0 0
By AlleyaLove

Today is the day. First and last canvassing mamayang gabi at pinangako ko saking sarili na kahit ano paman ang maging resulta ay malugod kong tatanggapin na walang pinagsisihan dahil alam ko na merong magandang kapalit ang lahat ng ito. Fiesta! Speaking sa nasabing okasyon,ang pera na mapupunta sakin ay magagamit ko panghanda at higit sa lahat,mapapadalhan ko ng panguwi ang aking panganay na kapatid kasama ang kanyang anak na alam ko ngayon palang ay sobrang excited na,at gayon din naman kami lalo na si mama na nasasabik makompleto kaming pamilya.

buzz.buzz.

Naramdaman ko agad ang vibrate mula sa cellphone na nakapatong saking dibdib habang ako ay nakatihaya sa mahabang upoan sa labas ng sala at kaagad kong binasa ang mensahe na galing sa kaibigan kong si Ysa at ayon dito ay may nahanap na silang kasuotan na maari kong pagpilian para sa event na gaganapin mamaya. Casual dress ang code ng attire sa gabi ng canvassing kung kaya't minabuti ko ng manghinge ng tulong saking ala fashion designer at kumare kong si mads Ysa na kaklase ko na simula elementary hanggang highschool.

Reply message:

To mads Ysa-  Thankyou mads. I'll be there @ 1,see you. :-)

From mads Ysa-  No worries. Seeyha later.:-)

"Ma,kukunin ko lang po yong dress na gagamitin ko mamaya ha?" habang nagmamano sa kamay nito.

"Ingat nak,uwi ka ng maaga."

Ngumiti lamang ako at nagumpisa ng tumungo sa sakayan kung saan andon narin si mimi nakaabang sa akin dahil sa pag pupumilit nitong sumama upang personal na makita ang mga materyal na gagamitin ko mamaya. Maluwang itong nakangiti na kumakaway pa ang isang kamay nito sakin.

"Wow ha,mukhang mas excited kapa yata sakin." Natatawa kong puna dito

"Syempre. Iniisip ko lang kasi kung ano ang magiging hitsura mo mamayang gabi kaya excited na ako,tara na dali." Habang hinihila ako pasakay sa trycikel.

"Nakakahiya mang umamin pero ako din hindi na ako makapag antay gumabi." At tawanan nalamang kami ni mimi.

Sa matulin na pagpapaandar ni manong sa kanyang motor ay isang imahe ng pamilyar na anyo ang aking nakita,ngunit hindi ako sigurado. Para bang gusto kong patigilin ang makina ng motor at bumaba upang siguradohin kung tama ba ang aking nakita o namamalikmata lamang ako.Nang sa wakas ay tumigil nanga ang sinasakyan namin at pumarada na sa harapan ng isang bakal na gate.

"Manong oh,bayad ho. Sa susunod paki dahan-dahan lang po ng pagmamaneho." Deritso kong sabi sa driver

Ngumiti lang si manong at kaagad naring umalis at ang nakakainis lang kung kelan wala ng sakay tsaka naman nagpaandar ng katamtamang tulin lamang.Hindi ko maiwasang mapataas ng kilay at muling binalikan ng tanaw ang isang bahay sa di-kalayuan kung saan para bang may nakita akong kakilala.

"Sey!!!" Malakas na sigaw nito sa akin na dahilan upang ako ay mapalundag sa gulat at napahawak nalamang ako sa dibdib.

"Mimi naman nakakaiinis kana.Hindi nakakatuwa yang panggugulat mo sakin ha,alam mo ng nerbyosa ako gusto mo naba akong mamatay?" Well,hindi galit pero seryoso nakakaasar na talaga tong si mimi na ginagawa nalang joke ang lahat. Mataray kong sabi dito na parang hindi naman natinag sa aking mga salita.

"Patay agad? Diba pwedeng atake muna?Haha.Alam mo ba kung bakit ko ginawa yon?" Nakataas kilay habang nakapamewang ito saking harapan "Kasi your being weird nanaman my dear friend,at yong kay manong anong problema? Tapos bigla ka nalang matutulala jan."

"Alam mo mimi tara na." Upang maiwasan ang maraming katanongan lumakad na lamang ako sabay hablot sa kamay nito papalapit sa harap ng gate na kaagad namang bumukas at ang nakangiting si Ysa ang tumambad saming harapan.

"Hi mads! Tara pasok kayo." Pagkatapos naming bumeso sa isat-isa.

Tumungo kami agad sa silid nito na nasa pangalawang palapag ng bahay at doon maayos na nakahilira ang magkakaibang kulay at style ng dress na maaring pagpilian.Nag-umpisa na akong tumingin ng nababagay sakin at sa tulong ng aking butihing kaibigan na talaga namang may talent sa fashion ay kaagad akong nakapili ng isusuot at isinukat upang masiguradong kakasya ito sakin.Ilang minuto pa ay komportable na akong lumakad sa harapan ng dalawa at sa totoo lang nakakatuwa ang kanilang mga reaksyon.

"Wow! Little black dress. It's perfect!" Bakas ang tuwa at excitment sa boses ni mads Ysa na siyang dampot sa isang kahon at inabot sakin. Kaagad ko naman itong binuksan at sobrang mangha ko saking nakita,isang paris ng stiletto at sa tingin ko ay nasa 5inches ang taas ng heels.Sobrang bagay sa dress na aking napili.

Hindi ko napigilang mapayakap saking kaibigan "Thanyou,thankyou talaga mads. Napakalaki ng naitulong mo sakin dahil wala talaga akong idea kung saan maghahagilap ng maisusuot mamaya,kaya super thankyou ng marami mads." Sincero kong sabi dito at ito naman ay nakangiti din sa galak.

"Ano kaba,that's friends are for. Anytime kung may maitutulong then I will,kaya welcome mads Lindsey and goodluck mamaya." Masiglang sabi nito.

Nagkipag kwentohan lang sandali at umowi narin kami ni mimi.Pagkarating namin sa bahay ay deritso na sa silid upang ayosin lahat ng kagamitan na kakailanganin mamaya,ng masiguradong maayos na ang lahat ay minabuti kong magpahinga saglit at si mimi naman ay nagpaalam narin,ngunit isa ang sigurado,hindi ito aabsent mamaya.Haha!

Nagising ako sa katok at tawag ni mama na nakahain naraw ang haponan sa lamesa.Mabilisan naman akong kumilos at kaagad naring naligo pagkatapos kumain dahil malamang ay papunta narin ang aking make-up artist,kung kaya naman ang robe na project ko pa noong highschool ang pansamantala kong isinuot at maya-maya pa ay dumating nanga ang taong may pinag-palang kamay sa pagpapaganda,at speaking ng pagpapaganda I'm excited!

Sa gitna ng sala ay doon nila ako piniling ayosan upang ang liwanag ng ilaw ay saktong tatama saking mukha.Kaagad naman sinimulan ang pagaayos sakin at parang papel lang akong sinusulatan at robot na tsaka lamang gagalaw kapag sila ang humawi o sabihin nilang sa ibang direksyon ako humarap strict artist. Mabilis lang natapos ang hair and make up na ginawa sakin at hindi naman naiwasang mapure ng artist na sabi pa "Napaka amo ng mukha mo at napakadaling ayosan,hindi na kailangan umeffort." Oh well,im flattered.

"Ops! Teka muna bawal kapang tumingin sa salamin kasi kailangan mo pang isuot ang mahiwagang dress." Hinawakan ako bigla sa kamay ni mimi ng mapansin niyang papalapit ako sa full size mirror na nasa labas lang din ng sala.

Tumungo naman ako sa aking silid at isinuot na nga ang black dress at sa sobrang excitment na aking nararamdaman at kagustohang makita ang sariling repleksyon sa salamin ay mabilis akong tumakbo papalabas ulet sa sa sala at kaagad humarap sa salamin.Sino ang babaeng nasa aking harapan? Katanongan na kaagad nag cross sa aking isip,ako ay timik lang na nakatayo at maiging pinagmamasdan ang aking kabuoan sa harap ng salamin. "Shet! Ang ganda ko." Sigaw ng aking isip.

"Ehem! Baka naman matunaw kana niyan kakatitig mo sa sarili mo diyan sa salamin pinsan." Agaw atensyon ni mimi habang nakatayo sa aking likuran at noon ko lamang napansin na marami palang taong nakamasid sa akin maliban sa dalawang make up artist,si mama at mga kapatid ko ay andoon narin pala ang ilan sa mga kapit bahay namin na akala mo may show na pinapanood. Kaagad naman akong nakaramdam ng hiya sa mga matang nakatingin sakin.

"Ma,tara na po." Mabilis na kaming kumilos at syempre pa hindi maaaring makalimotan na magpasalamat sa mga taong nag paganda sakin,lakas maka Marian Rivera ng make up ko e.:-p

"Cinderella teka lang,yong shoes mo nakalimotan." Nakakatawang paalala ni mimi sabay hablot sa kahon at ipinasuot na ito sakin "Perfect! oh ayan wag kang tatakbo mamayang hating gabi ha?" Panloloko nito.

"Hahaha! Sira ka talaga,bakit naman ako tatakbo kung wala namang hahabol? Maliban nalang kung maglalaro ako ng basketball." Napangiti ako bigla saking sinabi dahil naalala kona naman yong gwapong lalake sa gym.

"Asus.. pangiti-ngiti may naiisip." Panunukso ulit ni mimi.

Sakto lang ang dating namin sa gymnatorium at naroon nadin ang ibang candidata kung kaya mabilisan na kaming tinipon ni sir.Rico na siyang chairman ng nasabing event at ilang minuto lamang ay nagumpisa na ang programa.Maraming tao as expected at nakakaaliw ang mga performers,nakakabawas kaba kaya naramdaman kong unti-unti na akong nagiging kalmado.Nag umpisa ng ipakilala ang bawat candidata at isa-isa nang umaakyat sa intablado at sa wakas ay pangalan ko na ang umaalingawngaw sa buong paligid at maagap naman akong tumayo at nag umpisa ng lumakad paakyat sa stage.Deritso ang lakad at tingin ko sa deriksyon na aking binabaybay upang maiwasang ang tensyon sa mga taong nanonood,hindi ko alam kung sino-sino ang mga ito at kung gaano karami basta ang tanging alam ko lamang sa mga sandaling ito ay kailangan kong mag focus at magawa ng tama lahat ng tinuro saming mga candidata. At nagawa nga naming lahat ito ng maayos.

"Goodluck Lindsey wag kang mag alala win or lose full support kaming lahat sayo." Ayon sa isang guro kung saan ako nag rerepresent.

"Thankyou maam." Nakangiting sabi ko dito.

Nakabalik na kaming lahat sa kanya-kanyang lamesa na inihanda sa bawat candidata.Kakatapos lang sumayaw upang lumikom ng dagdag na boto at sa performance ko hindi rin naman sayang ang perang nilagay ng mga tao sa box ko at ngayon nga ay nag aantay nalang ng resulta ang lahat.

"Ladies and gentlemen the results have been tabulated and veryfied by the chairman of the board and the public accountant,and now we're going to announce the places of each candidates and ofcourse the soon to be crowned as "Binibining San Miguel 2015"." Ang lahat ay nag palakpakan.

Walo lahat kaming kalahok at ang totoo ay inaasahan kona na baka pangatlo sa huli lamang ako o baka nga mas mababa pa doon o kung talagang mamalasin e baka nga panghuli.Nakakalungkot man pero tanggap kona.

"Our 7th runner up goes to ms.___. 6th,5th,4th--"

"Ako nayan sigurado." Mahina kong sabi sa kapwa candidata na magkakahawak kamay habang nakatayo sa gitna ng stage.

Hindi parin natawag ang aking pangalan at patuloy parin sa pag anunsyo ang host "3rd,2nd runner up--"

"Anong nangyayari bakit hindi parin ako tinatawag? O baka naman kaya nagkamali ang tabulator my gahd help!" Hindi narin mapakali ang isipan ko kung kaya't kung ano-ano nalang ang aking naiisip. Dalawa nalang kaming natitira at isa samin ang maaring manalo at imposibleng ako yon.

"Winning the tittle of Binibining San Miguel 2015 goes to----" Pa suspense pa ang host kaasar.huhu "Goes to Miss.Lindsey Jean Del Castillo,congratulations!"

Para akong biglang lumutang sa kasiyahan at pagkabigla,hindi ako makapaniwala at halos walang salitang lumalabas sa aking bibig dahil ni sa panaginip hindi ko ito inaasahang mangyayari.Ang nakakabinging palakpakan ang siyang pumukaw saking ma emosyong damdamin ngayon at kulang ang salita upang magpa salamat sa mga taong bomoto sakin.

Maraming bumati,yumakap at nakipag kamay sa akin,sobrang saya. At lalo pa akong natuwa ng malaman ko kung gaano kalaki ang pera na aking pinanalo sa competisyon dahil kalahati ng halaga ay sakin mapupunta. Nabanggit naman sakin ni mama na dumating pala ang tito ko na pinsan ni papa,businessman ito may sariling hotel sa Subic at buy and sell ng mga sasakyan sa ibang bansa in-short,milyonaryo. Edi wow! Magtataka paba ako kung bakit ako ang nanalo? Haha. Ayon sa kwento ng mga kamag-anak ko ito daw ang pinaka malapit na pinsan ni papa at halos mag kapatid na ang turing nila sa isat-isa,noong nabubuhay pa si papa ay medyo gipit pa si tito Omar at malaki ang naitulong ni papa upang ito ay umangat.Siguro bilang pag tanaw narin ng utang na loob kung kayat tinulongan niya ako upang makamit ang korona na aking minimithi. Thankyou papa,my forever hero.:-)

"Ma,gusto ko pong makausap si tito Omar para personal narin akong makapag pasalamat."

"Oo anak dapat lang talaga na magpasalamat ka,halika samahan kita sakanya." Inakay ako ni mama papalapit sa grupo ng tao na masayang nag kwekwentohan.

"Omar." Tawag ni mama sa lalaking nakatalikod at abala sa pakikipagusap sa iba pang kalalakihan,agad naman itong lumingon at maluwang na ngiti ang kaagad na puminta sa magandang mukha nito "Isturbohin ka namin sandali pasensyana ha,gusto ka kasing kausapin ng anak ko."

"Oo naman walang problema,congratulations nga pala iha ang ganda mo kung buhay ang papa mo siguradong proud na proud siya sayo." Malugod nitong sabi.

"Thankyou po tito Omar. Ang totoo po niyan hindi ko alam kung paano magpapasalamat sainyo,kahit ngayon lang tayo nagkakilala ng personal alam ko pong napakabuti mong tao." Sincero kong sabi dito

"Don't mention it masaya ako na kahit sa ganitong paraan nakatulong ako besides walang katumbas na halaga ang utang na loob ko sa papa mo kaya walang anuman,enjoy what you've earned and congratulations." Ang silakbo ng aking damdamin ay umaapaw ng emosyon kung kaya bago pa ito tumalikod ay kaagad ko itong niyakap ng mahigpit at gayon din naman ito sakin.

"Teka ano ngang pangalan mo iha?"

"Lindsey po."

"Halika Lindsey pakilala kita sa mga kumpare namin ng papa mo dito sa San Miguel." Habang naka patong ang isang kamay nito sa aking balikat ay hinarap namin ang mga kumpare nitong abala parin sa pagkwekwentohan.

"Gentlemen meet my niece Lindsey Castillo." Pagpapakilala sakin ni tito Omar

"Aba e si binibining San Miguel ito ah,congratulations iha napakaganda mong bata." Pamumuri ng isang may edad na lalake habang nakikipag kamay sakin

"Thankyou po."

"Paano namang hindi gaganda eh maganda ang lahi,anak ito ng pinsan kong si Nilo." Pag mamalaki ni tito Omar.

"Anak ng tipaklong! Aba'y wala ngang duda iba talaga si kumpareng Nilo ano." At nagtawanan kaming lahat sa sinabi nito.

Habang nag nagkakatuwaan padin ang magkukumpare nag paalam na ako sa mga ito.Akmang tatalikod na sana ako ng biglang may bumangga sa kanang balikat ko.

"Aw--" Yon lamang ang tanging salita na aking nabigkas sapagkat ang taong nakabangga sakin ay walang iba kundi ang mismong lalake na aking pinagsamantalahan ng tingin noong rehearsals at biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib.

"I'm sorry miss--." Bigla itong natigil sa pagsasalita ng mapunta ang tingin nito sa aking mukha at tila yata natatandaan ako nito,matiim natitig ang sumunod.

"Uhmm.. Inigo that's my niece Lindsey. Lindsey meet Inigo my good friend son." Walang alinlangan na inabot ang kamay niya saking harapan at ako naman ay hindi nanaising magpahiya ng sinomang tao sa harapan ng iba. Inabot ko ang kamay niya at dahan-dahang naglapat ang aming mga palad at hindi ko alam kung ilusyon ko lamang ngunit naramdaman ko na parang humihigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at may mga sandaling pinipisil niya ito kung kaya bago paman ako mahulog sa sa kakaibang pakiramdam ay binawi ko ang aking kamay at mabilisang lumayo sa mga ito.










Hi everyone,:)

I'm really sorry for keeping you wait sobrang  hectic schedules kasi the past weeks. Anyways guys,im having a vacation because christmas is coming,Yey!:D Meaning during my leisure time makakapag update na ako ng chapter,looking forward to that.Thanks for reading my works.:*)

By the way,tito Omar seems to be a very nice guy at ang daming connection well..being a businessmen he should and speaking of which,ibig bang sabihin ay kasali sa business circle si Inigo? Does it mean milyonaryo narin ito? Huhum--! Stay tuned at kilalanin natin ang lalaking pinagsamantalahan ng tingin.Hahaha.XOXO

-MJ-
❤❤❤

Continue Reading

You'll Also Like

6K 58 81
Sa Pagmamahal,hindi naman porke't mahal mo na siya,makukuha mona!Sadyang minsan may mga taong nakatakda din para sa atin.Hindi mo naman pwedeng ipili...
6.7K 197 28
People say.. FOLLOW YOUR HEART.. But which way do you go... when you're heart breaks into TWO? Love is certainly the most amazing feeling! Loving so...
261K 1.4K 7
"Let me go! I want to dieeeee... Jenny shouted habang pinipigilan siya ng isang estranghero. Nagpupumiglas siya at pinipilit kumawala pero parang bat...
347 27 19
She's the one who want to be happy but i think that cannot be happened. Sya yung babaeng ayaw sa mundo. Ayaw ng mabuhay dahil sa mga taong mapanghusg...
Wattpad App - Unlock exclusive features