Artistahin: FINAL CUT

Da PaulitoX

696K 13.5K 2.4K

Ang huling yugto sa kwento ng ating INTERGALACTIC BAE Altro

Prologue
Chapter 1: Ferdinand
Chapter 2: A-Game
Chapter 3: Tiny
Chapter 4: Catching Up
Chapter 5: Violet
Chapter 6: Simoy
Chapter 7: Jump Start
Chapter 8: Kaba
Chapter 9: Zero
Chapter 10: Ohayo
Chapter 11: Possessed
Chapter 12: Professional
Chapter 13: Buddy
Chapter 14: Shoot
Chapter 15: Audition
Chapter 16: Chance Encounters
Chapter 17: Frenemies
Chapter 18: Dreams
Chapter 19: Bonding
Chapter 20: Nuclear Bombshells
Chapter 21: Torpedoes
Chapter 22: Side Car
Chapter 23: Sisa
Chapter 24: Advisers
Chapter 25: Selected
Chapter 26: Babe
Chapter 27: Studio Visit
Chapter 28: Reality
Chapter 29: Failure
Chapter 30: Studio Revisited
Chapter 31: Shades
Chapter 32: Keeper of Secrets
Chapter 33: Hunter
Chapter 34: Stalker
Chapter 35: Yayo
Chapter 36: Serenade
Chapter 37: Aftermath
Chapter 38: Newbies
Chapter 39: Airwaves
Chapter 40: In Character
Chapter 41: Take One
Chapter 42: Take Two
Chapter 43: Day Off
Chapter 44: Take Three
Chapter 45: E-Effect
Chapter 46: Threat
Chapter 47: Bespren
Chapter 48: In Demand
Chapter 49: The Date
Chapter 50: Change
Chapter 51: Face Off!
Chapter 52: Lights
Chapter 53: Cameras
Chapter 54: Unscripted
Chapter 55: Cut!
Chapter 56: Torture
Chapter 57: Cristine
Chapter 58: Action!
Chapter 59: Promise
TEASER

Epilogue

14.5K 319 200
Da PaulitoX

Epilogue

(Two Weeks Later)

Sa loob ng isang mamahaling restaurant nakaupo si Enan at Greg at abala sila sa kanilang mga phone. "Ang tagal nila, gutom na ako" sabi ni Greg. "Ganito lang yan pare, kung gusto mon a kumain go ahead tapos bayaran mo narin. Kung kaya mo pa magtiis then magtiis kasi pagdating nila libre yung pagkain" sabi ni Enan.

Sa parking area kapaparada ni Jessica ng kotse niya, paglabas niya sakto naman pumarada sa tabi niya yung kotse ni Cristine. Agad bumaba yung artista at nakipag beso kay Jessica. "Happy weeksary" bati ng artista kaya natawa si Jessica at tila nahiya.

"Jelly ikaw nagdrive?" tanong ni Jessica. "Yes, all around na ako. May bump ako sa salary" landi ng bading. "Hala kawawa naman si manong" sabi ni Jessica. "Don't worry Enan found him a job that pays better. Alam mo naman bansag ni Enan sa akin kuripot" sabi ni Cristine kaya nagtawanan sila.

"My God Jelly! Pati ba dito mag hoverboard ka?" tanong ni Cristine. "Nakakatamad maglakad" sabi ng bading. "Teka diba regalo yan kay Enan?" tanong ni Jessica. "Oo, binigay niya sa akin pero wag niyo sasabihin kasi baka mainggit daw si Greg" sabi ng bading.

"Bigay ng isang maganda at mayaman na fan" sabi ni Cristine. "Buhay pa ba siya?" tanong ni Jessica kaya umariba sa tawa yung tatlo. "Tara na sa loob baka nag aantay na yung dalawa. Wait, sina Mikan at Violet nandito narin kaya?" tanong ni Jessica.

"I think that is her car over there" sabi ni Cristine. "Si Violet nalang, baka nandon na sa loob" sabi ni Jessica kaya pumasok na sila sa restaurant. Nakita na nila sina Enan, Greg, Violet at Mikan sa malaking lamesa kaya nagtungo na sila doon.

Agad tumayo si Enan, tinuka si Jessica sa pisngi sabay inalalayan umupo. "Hi labs" pacute ni Cristine sabay nagtukaan yung dalawa sa labi. "Did you drive?" tanong ni Enan. "No Jelly did" sagot ng artista. "Jelly magkano yang ganyang hoverboard?" tanong ni Greg.

"Ah..regalo lang sa akin" sabi ni Jelly. "Teka diba ganyan yung niregalo sa iyo.." sabi ni Mikan kaya nanlaki ang mga mata nina Jessica at Cristine. Pagkaupo ni Enan napakamot siya, "Greg pare, di ko siya binigay sa iyo kasi delikado. Hayaan mo nalang si Jelly ang gumamit" banat niya.

"Aha! So ganon pala yon ha" reklamo ng bading. "Kasi si Jelly magaling mag balance, ikaw pare matangkad ka tapos mahirap mo hanapin center of gravity mo. Si Jelly parang ballerina yan e pero pag kaya mo talaga pare sige sa susunod na may magregalo sa iyo ko ibibigay" sabi ni Enan.

"Ah talaga? May susunod pa? May magreregalo pa talaga?" tanong ni Cristine. "Labs naman, malay mo sponsors magbigay diba?" lambing ni Enan. "Oh that pretty and rich stalker?" tanong ni Mikan. "Exactly" sabi ni Jessica. "She was at the concert, siya yung sigaw ng sigaw nung nagperform kayo ni Jessica if I remember" sabi ni Mikan.

"Madami ata tayo pag uusapan mamaya labs ha" banta ni Cristine. "Hindi ko naman siya pinansin non e. Kaya nga sabi niya snob daw ako" sagot ni Enan. "So pano mo nalaman snob ka? Nag usap kayo e" hirit ng artista kaya umawat na si Greg. "Cristiny relax, loyal sa iyo si Enan. Kinakausap niya lang yung mga babae tapos iniiwan na niya sa ere" sabi ng binata.

"Uy happy weeksary Jessica" sabi ni Violet. "Salamat, kayo naman grabe kayo. Weeksary pa talaga, sad part e mag leave ako sa work pag pageant na" sabi ni Jessica. "One week din ang taas ng rating ng show niyo ni Enan sa radio. Ang kalog kalog niyo sobra" sabi ni Violet.

"Siya nakaisip e, goal kasi namin to keep everyone lively for two hours" sabi ni Jessica. "The best episode nung kasama si Jelly" sabi ni Violet kaya natawa yung bading. "Ang sarap ng batuhan natin non ano Jelly? Pero eto ha marunong din pala kumanta si Jelly, naks" landi ni Enan.

"Kaya nga gusto ko mag guest para madiscover din ako" sabi ni Jelly. "Ang lalim ng boses mo pare" banat ni Greg kaya lalo sila nagtawanan. Lumapit na yung waiter kaya si Mikan tumayo. "Yung special, complete package for all of us then keep the tab open" sabi ng dalaga.

"Kita mo na Greg, I told you galante tong si Mikan" sabi ni Enan. "Wala ito ano, I owe you all a lot. Uy Cristine salamat talaga sa pag star mo sa music video ha" sabi ni Mikan. "No problem, basta pag kailangan mo ready ako any time" sabi ni Cristine.

"At syempre sa dalawang lucky charms ko, Enan and Jessica. Kung pwede nga gawan ng copies yung Platinum award ko dapat bibigyan ko din kayo e" sabi ni Mikan. "Wait, what? Platinum na? Hindi pa ako nakabili" sabi ni Violet. "Uy nagpaparinig" landi ni Enan kaya natawa yung dalaga.

"I will give you a copy. Grabe nga e, nag gold na siya within a day then kahapon lang platinum na daw. Grabe I really owe you a lot" sabi ni Mikan kay Enan. "Worth the memos hahaha, okay lang yon wala ako paki. E sa gusto ko iplug album mo sa show ko" sabi ng binata.

"Show na natin yon Andoy, kasama na ako" paalala ni Ikang kaya laugh trip silang lahat. "Hey isa pang good news. May sineset up silang concert ko pero eto...ang gusto ko lang na guest e kayong dalawa" sabi ni Mikan.

Napanganga sina Enan at Jessica habang yung iba tuwang tuwa na. "Hindi nga" sabi ni Jessica. "Yup, I know we can sell out the arena. Sabi ko iset na nila as soon as possible habang patok na patok pa kayo sa listeners. So parang tatlo lang tayo doon" sabi ni Mikan.

"If you need dancers...ahem" banat ni Violet. "Oo nga no, sige sige. Wait kailan ba yung competition niyo ni Enan?" tanong ni Mikan. "Next week, you all should watch. Ang galing nila" sabi ni Cristine. "Napanood mon a routine nila?" tanong ni Jessica.

"I invited her sa practice namin one time nung nalaman ko sila na ulit. I had to kasi medyo.." sabi ni Violet. "Mahirap siya panoorin for me at first pero trust me kung hindi sila manalo ewan ko na. Baka doon na ako magagalit" banat ni Cristine.

"Grabe ka naman labs" reklamo ni Enan. "Joke lang no, pero I appreciate it so much Vi, kasi if sa event na ako mismo nanood baka sugurin kita sa stage sa sobrang daming touching, kiskisan ng mukha at...pero at least I watch the practice at basta manood nalang kayo" sabi ng artista.

"Uy isama naman natin si Greg" sabi ni Jelly kaya lahat napatingin sa binata. "Busy yan, wala na ginawa yan kundi makipagtext" banat ni Enan. "Naks, sino si Lea ba?" tanong ni Cristine. "Lea? I used to know a Lea" sabi ni Jessica kaya napalunok si Greg.

"Ang katext niya ay anak ng veteran actress" sabi ni Enan. "Pare naman" reklamo ni Greg. "Kilala ko, sinabi niya sa akin. He tells me everything" landi ni Cristine. "Uy wait, hindi ganon. Friends lang kami at magkasosyo kami sa start up business. Well sila ni Enan magkasosyo pero ako nagmamanage kasi busy si Enan so parang naging tatlo na kami" paliwanag ni Greg.

"Anong business?" tanong ni Cristine at Jessica ng sabay. "Basta its about food. Nadine and I had a talk one time sa set..." kwento ni Enan. "Wait, bakit hindi ko mo pa nakwenweknto ito sa akin. Nadine and you huh" banat ni Cristine kaya natawa si Jelly.

"Makinig ka muna kasi bago ka magselos" bulong ng bading. "As I was saying, ang rason bakit siya sumasama sa mom niya kasi ayaw niya magbantay sa shop nila. Car parts and repairs something, buti daw sana kung shop ng clothes or food daw"

"So sakto naman diba nakikipag usap ako sa kapitbahay ni Tiny na assistant manager ng bank. Nagpapaturo ako sa investment, nasabi niya the best investment is a business. Pero may risks din daw yon, good investment pag maunlad yung business so while talking with Nadine ayon nasabi ko gusto ko mag invest, parang pabiro lang naman na makikisosyo ako sa negosyo nila"

"Then sabi niya may balak din siyang magtayo ng own business, mga cupcakes, muffins, cakes kasi daw hilig niya mag bake at Culinary ang course niya. So yung mga natirang ipon ko doon ko ininvest, tapos ginamit ko yung contancts ko sa mga kinantahan kong mga kasal...syempre kasabwat na si Chelsea konti kasi lagi siya kinukuha sa mga kasal for photoshoots"

"Okay naman so far, honestly si Greg nagmamanage for me. Kaya naging tatlo na kami. Si Greg ang taga deliver at bouncer narin" banat ni Enan. "Wow, bakit di mo ako sinama Andoy?" tampo ni Jessica.

"Wait lang kasi, risk nga e. E its doing fine and yung ibang clients namin malalayo so we need to set up another shop and we will need more investors" sabi ni Enan. "Me" sigaw ni Jessica. "Count me in" sabi ni Cristine. "Sama mo narin ako" dagdag ni Mikan kaya nagliwanag mukha ni Greg. "Oh Em Gee, I have to tell her the good news" sabi ng binata.

"Mamaya na tayo mag usap usap, pero diba okay yung ganito. At least may investment na tayong lahat while we are young. Well ako alam ko hindi ako mawawalan ng trabaho kasi Intergalactic bae ako, ewan ko lang sa inyo" banat ni Enan kaya umariba ang lahat sa tawa.

"Namiss ko yung pag ganyan mo talaga" sabi ni Cristine. "Oo nga Enan, parang hindi ikaw pag di ka nag gaganon e" sabi ni Violet. "Eh I just wanted you all to see the real me already" sabi ng binata.

"Tumigil ka nga, ikaw na yan mula noon. Kahit na umaariba ka sa skit mo kitang kita naman namin sino ka" sabi ni Jelly. "Kahit na gumaganon ka lumiitaw parin naman yung totoong ikaw" sabi ni Mikan. "Ganon ba?"

"Well sabi ko nga irresistible ako e. hahahaha" banat ni Enan. "Wait, diba mag two weeks narin kayo?" tanong ni Jessica. "Shhhh he does not want to count, sabi niya ang bilang nauubos, so we just enjoy everyday being together" sagot ni Cristine sabay nagholding hands sila ni Enan.

"Oh wait tuloy ba tayo sa Saturday?" tanong ni Jessica. "Ay oo, of course. May extra two slots so Mikan and Vi gusto niyo sumama?" tanong ni Cristine. "Ano ba yon?" tanong ni Mikan. Nagdaldalan yung mga girls kaya si Enan sumandal at napangiti.

Tinignan niya yung kamay niya, hawak niya kamay ng nobya niyang si Cristine kaya tinitigan niya yung mukha ng dalaga habang nagsasalita ito. Paglingon niya sa kanan nandon si Jessica ang kanyang matalik na kaibigan at kababata.

"Excuse me, may titignan lang ako" paalam ng binata. Sa malayong table siya naupo mag isa, nilabas ang kanyang phone sabay nagsimulang magtext.

"Madaming beses na akong nagbalak sumuko sa buhay. Nung bata ako wala na ako ginawa kundi umiyak dahil sa masasakit na panlalait. Walang tigil na batikos mula umaga hanggang hapon, sa gabi nalang ako nakakaginhawa sa loob ng aking kwarto pero alam ko sisikat ulit ang araw at maaulit lamang ang lahat"

"Walang nagbago sa paaralan kaya lang tumibay ako. Akala ko lang yon. Masakit parin kahit sanay ka na, mahirap mag aral at mamuhay araw araw pag ganon nalang lagi. Hanggang sa nakilala ko si Ikang"

"Madami ang nagbago mula noon. May tagapag tanggol ako, may nakakausap na akong kaibigan. Natuto na ako tumawa, natuto ako makihalubilo...kahit siya lang malaking bagay na yon para sa akin"

"Habang tumatagal hindi parin sapat yon. Siya lang kasi lagi kong kasama habang yung karamihan ganon parin ang turing sa akin. Pero nakakalakad na ako..nagtatago nga lang ako lagi sa likuran niya"

"Dahil sa kanya natuto ako mangarap, sumasabay lang ako sa mga pangarap niya sa totoo kasi hindi ko makita sarili ko na wala siya sa buhay ko kaya ganon nalang yon para sa akin"

"Sumaya ako, akala ko lahat maayos na ngunit bigla siyang nawala sa buhay ko. Hindi ko na alam ano gagawin ko. Bumalik yung takot ko at wala na ako pagtataguan. Kinaya ko parin pero tila naulit lamang pagkat bumalik ako sa mundo noong wala pa si Ikang"

"Hindi ako sumuko, lumaban ako, inisip ko kasama ko parin siya. Nakayanan ko imanhid ang sarili ko konti pero masakit parin. Kinailangan ko makibagay sa iba't ibang tao para lang matanggap nila ako. Bawat tao ibang pakikitungo at pakikibagay kaya sa tagal halos nakalimutan ko na sino ako"

"Umibabaw na ang isang gagawa gawang karakter na mas natatanggap ng lahat. Ang Artistahing ako. Kailangan mapasaya ang lahat, ang kapalit sariling kasiyahan. Importante ang matanggap, masarap sa pakiramdam ang matanggap ng iba...pero hindi lahat kaya kong paamuin"

"Tuloy ang buhay, tanging kasiyahan ko nalang ay nagmumula sa aking imahinasyon. Paa sa lupa, hindi ko naman talaga magagawa ang mga gusto ko, hindi ko naman makakamit ang mga nakakamit ng iba sabi ko kaya sa imahinasyon ko nalang sila nagagawa"

"Nagkaroon ako ng mga kaibigan, bilang lang sila pero naturing ko silang mga kaibigan. Kahit papano nagbuhay normal ako kaya lang nandon parin yung pang araw araw na laban ko mula nung bata pa ako. Hindi na ata maalis yon pero nakakayanan ko na siya"

"Nung umayos na konti ang lahat, sinubukan ko manligaw pero ako'y bigo. Naibalik ako sa dati, hindi ata talaga para sa mga katulad ko ang mga bagay nag anon. Hanggang imahinasyon laman talaga siguro"

"Isang gabi dumating siya, hindi naman mapapasaakin ang isang katulad niya kaya sa kalokohan ko akoy nagbiro para mapasaya lang mga kaibigan ko. Ang birong yon umiba sa aking mundo, napasok ako sa isang kontrata kung saan magiging nobya ko ang isang katulad niya"

"Kahit peke pumayag ako kasi hindi na ito tatakbo lamang sa imahinasyon ko. Oo peke siya ngunit mabubuhay ako araw araw kasama siya. Kahit ganito lang sabi ko para lang maranasan ko naman yung nararanasan ng iba"

"Hindi ko inaasahan na mahuhulog talaga loob ko sa kanya. Dahil sa kanya madaming nagbukas na mga pintuan at bintana. Nagbiro parin ang tadhana, sinubukan ako nito at napilitan ako sumali sa isang pageant"

"Alam ko naman ito na yung pinakamalaking insulto na maari kong matanggap. Pagtatawanan ako ng lahat pero sabi ko sa sarili ko gagawin koi to para masanay na ako. Pag nakayanan ko yung mga sabay sabayang lait at kantyaw e makakayanan ko na yung paisa isa, araw araw sa buong buhay ko"

"Iba ang nangyari, hindi ko alam bakit nagkaganon pero maganda ang epekto nito sa buhay ko. Lumabas na ako'y matapang, ang tagapagtaguyod ng bandila ng mga katulad kong kinapos sa itsura"

"Mula noon ganon parin tingin ng karamihan sa akin ngunit mas madaming humanga sa mga kaya kong gawin. Mga kaya kong gawin. Mga kaya kong gawin at hindi sa aking itsura"

"At dahil sa mga kaya kong gawin dumami ang mga kaibigan ko. Mga totoong kaibigan na naniniwala sa akin. Importante silang lahat sa buhay ko pero tuloy parin ang pang araw araw na pasakit mula sa iba"

"Ngayon habang sinusulat ko ito tinitigan ko ang aking nobya. Oo aking nobya na si Cristine. Isa siyang magandang artista. Mamayang alas sais papasok na ako sa trabaho ko bilang DJ...oo kasama ko si Ikang mamaya kasi natanggap narin siya"

"Hindi ko pa alam kailangan ipapalabas yung sine na binibidahan ko, oo naging artista din ako. Dati naman na diba? Hahahaha"

"Masaya ako. Masayang masaya. Mali ang pag iisip ko mula nung bata ako. Para sa lahat ng katulad ko hindi na natin mababago ang pagiisip ng iba. Hindi na natin maalis yung pagkutya nila sa atin"

"Magpakatatag kayo. Wag niyo na asahan magmilagro pa at magbago itsura niyo. Wag niyo sasayangin ang oras na makipaglaban sa kanila. Husayan niyo yung mga kaya niyong gawin. Kahit ano mangyari husayan niyo ang mga kaya niyong gawin at mga talento"

"Hindi lang nila karapatan ang mangarap, pati tayo pwede mangarap. Abutin niyo pangarap niyo, kaya lang yung daan natin sadyang mas mahirap kumpara sa mga pinanganak na may maayos na pag iitsura"

"Kahit mas mahirap yung daan lumaban parin kayo. Kahit hindi katanggap tanggap ang ngiti niyo...ngumiti parin kayo. Isang araw yung ngiti niyo matatanggap din ng lahat yan"

"We are all destined for greatness. Do not let our appearances hinder our dreams. The road we must travel will not be the same road others may take but that road of ours lead to the same place...the place of dreams"

"We belong there, we have our own stot in that place. Do not give up along the way for once you reach that place everything will be worth it. Reaching your dreams will be sweeter for we passed through the pits of hell"

"Sana magbigay akong inspirasyon sa marami. Sa mga katulad ko hindi na natin kailangan antayin na umuso tayo. Hindi naman tayo naiiba, ipakita natin sa kanila yon. Kung ano kaya nila gawin kaya din natin o mas higit pa"

"Hanggang dito nalang muna. Fernando Gomez aka Enan"

"Pare ano yan?" tanong ni Greg kaya agad tinago ni Enan ang kanyang cellphone. "Wala pare tara na" sabi ng binata. "Parang diary yon ah" biro ni Greg. "Sus, ang diary para sa mga pangit lang yon. Iba to. Ang tawag dito virtual log, ganon ang gamit ng mga gwapo" banat ni Enan sabay ngisi.

"Siya nga pala, alam na ba ni Cristine yung tungkol sa New York?" tanong ni Greg. "Shhhh wag kang maingay. Gusto ko maging surprise yon kaya lang pre ang hirap, dapat daw ayusin ko pa katawan ko. They want me ripped daw, so ano yon pupunit punitin nila damit ko?" banat ni Enan.

"Langya ka, ibang level ka na pare" sabi ni Greg. "Basta wag kang maingay muna. Baka maudlot nanaman. Tsk, eto na sinasabi ko e, pag lumabas ako in public pag aagawan na ako ng buong mundo"

"New York is just the beginning my friend. I told you, ayaw niyo kasing maniwala e"

"Inaantay na ng buong mundo ang pagdating ng Artistahin!"

THE END

AUTHOR'S NOTES

Maraming salamat sa inyong lahat. Sana nagustuhan niyo ang aking munting handog. Apat na libro ng Artistahin sa dalawang taon, sana nakagawa pa ako ng madami ngunit kailangan po din kasi magtrabaho at maghanap buhay.

Ang totoong balak ko sana sa last book e choose your own story type pero sadyang mahirap gawin yon dito sa Wattpad. Kasi pag may crossroad pwede ka mamili ano magiging desisyon ni Enan, at bawat desisyon na yon syempre iba din kinalabasan.

Ganon talaga dapat balak ko since madami nang teams pero naiimagine niyo ba yung crossroad sabay please proceed to page...or click here if you want this..clic here if you want this...pero wala pa ganon sa wattpad. Mahirap na proseso para sa readers na maglipat lipat.

Sa blog sana pero alam niyo na ang dami masyadong pirata, kahit nag dito madami. Sobra sila mag effort para pumirata, sana ginamit nalang nila oras nila sa mas mabuti...well anyway move on.

Sa buhay natin madami tayong crossroads, bawat desisyon o aksyon natin may katapat na outcome. Pag pinili koi to...ganito mangyayari...ano kaya mangyayari pag hindi ko ito pinili?

Sabi nga nila for every action there is a counter reaction. Ang nagawa mo ngayon maaring makaapekto ito sa hinaharap o sa ibang tao...kaya...

Eto ang mga binabalak kong future E-book projects. I may or may not work on them.

Dahil sa isang desisyon sa kalagitnaan ng Final Cut...

Maaring magbunga ang librong ito..

BESPREN: IKANG AND ANDOY

KRAS: ENAN AND MAGS

ANG HULING SAYAW (Starring Enan and Violet)

Bertwal: Airwaves (Starring Enan and Patricia)

Heart Beats II (Starring Enan and Mikan)

Ganyan po sana ang outcome kung natuloy yung totoong balak ko na choose your own story pero hindi kinaya.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. SANA PAGKATAPOS KO MAGTRABAHO E MAKAHANAP ULIT AKO NG FREE TIME PARA MAKAGWA ULIT NG IBANG AKDA.

THANK YOU FOR READING ARTISTAHIN FOR 2 YEARS. Sorry kung hindi ako masyado interactive sa readers kasi hindi talaga ako ganon. Ang gusto ko yung kwento ko ang focus, hindi ko na kailangan magpacute, magpromote, ang gusto ko lang may mapangiti, mapatawa at mapasaya gamit ang kwento ko. Thank you for your kind comments, it keeps us writers inspired and challenged to do better.

NAG ENJOY TALAGA AKO SA PAGSULAT NITO.

HANGGANG DITO PO MUNA


Continua a leggere

Ti piacerà anche

2.3K 190 152
Hidding more to said you are the great pretender Date started Dec 23 22 Date Finish March 27 23
350K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
6.8K 673 200
This book is dedicated para sa mga taong nagmahal, nasaktan, iniwan at ipinagpalit ng mga taong mahal nila. In short para sa mga taong may mga hugot...
156K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...