Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
X: Lucid
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

XI: A promise to keep

163K 5.9K 5.4K
By Serialsleeper


CHAPTER XI:

A promise to keep

Third Person's Pov


"Diana!" Nahinto ang batang babae sa paglalakad at agad na napalingon sa batang lalakeng tumawag sa pangalan niya.


"Bakit?" Tanong ng batang si Diana na dala-dala pa ang dalawang sorbetes.


"Ang takaw-takaw mo naman, ibigay mo nalang sakin yang isang ice cream." Nakangiting sambit ng batang lalake kaya naman dali-daling napadila si Diana at agad na inilayo mula sa bata ang dalang mga ice cream.


"Sorry ka nalang Raze, sa amin tong dalawa ni Cielo. Pabili ka nalang sa papa mo tutal mayaman kayo." Giit ni Diana dahilan para makunot ang noo ni Raze.


"Cielo? Siya ba yung nakatira dun sa malaking bahay na malapit sa gubat? Yung malapit sa chapel?" Tanong ni Raze kaya agad tumango-tango si Diana.


"Sabi ng Papa mo bantayan ko daw muna si Cielo. Tas ikaw naman, babantayan mo kami para 'wag kaming malapitan ng lolo niya." Giit ni Dana pero napasimangot lamang si Raze sabay kamot sa buhok niyang magulo.


"Di mo ako binigyan ng ice cream kaya di ko kayo babantayan." Napadila ang batang si Raze at agad na nagtatakbo patungo sa ibang mga batang lalakeng naglalaro ng sipa. Naiinis man, binalikan na lamang ni Diana si Cielo na nag-iisa lamang na nakaupo sa swing.


Hindi maiwasan ni Diana na makaramdam ng awa para kay Cielo. Tahimik lamang ito at malayo sa ibang mga batang masayang naglalaro. Ang luhaan nitong mga mata ay nakatitig lamang sa kawalan at bakas parin ang mga sugat at latay sa kanyang katawan.


"Cielo anong gusto mo? Chocolate or Mango Ice cream?" Agad niyang tayong nang maupo sa tabi nito.


Gamit ang kamay na may bahid ng natuyong putik, pinunsan ni Cielo ang luha at napabuntong hininga, "Chocolate."


"Patay," Bahagyang tumawa si Diana na animo'y nahihiya, "Natikman ko na kasi yung chocolate kanina."


"Ba't mo pa ako pinapili kung kinainan mo na pala ang chocolate?" Agad na tanong ng kunot-noong si Cielo.


"Sorry, hihi." Sabi na lamang ulit ni Diana sabay ngiti ng napakalapad at iniabot kay Cielo ang Mango ice cream.


"Salamat sa ice cream at salamat din kasi sinave mo ako." Sabi ni Cielo habang nakatitig sa kawalan at hawak ang ice cream.


"Welcome... Ba't pala ganun ang lolo mo? Di ka ba niya love?" Inosenteng tanong ni Diana na nagsisimula nang marumihan ang mukha dahil sa kinakain.


"Hindi ko alam." Nanlulumong sambit ng batang si Cielo kaya lalong nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.


"Ilang taon ka na?" Pag-iiba na lamang ni Diana ng usapan.


"8." Tipid na sagot ni Cielo.


"8 din ako! Ano apelyido mo?" Usisa pa ni Diana na animo'y natutuwang may makilalang kaedad lamang niya.


"Snow... gaya ng nyebe sa amerika." Sabi pa ni Cielo.


"Alam ko anong snow, matalino kaya ako." Taas-noong pagmamayabang ni Diana, "Alam mo ba, lagi akong perfect pagdating sa mga test! Pati sa math, ang talino ko kaya love na love ako ng mama at papa ko. Baka zero ka lagi kaya di ka love ng lolo mo?" Inosenteng tanong nito kaya napabuntong-hininga na lamang si Cielo.


"Astaroth..." Mahinang sambit ni Cielo.


"Ha?" Agad na nakunot ang noo ni Diana.


"Nagalit si lolo sakin kasi nakita niyang sinulat ko yun sa lupa." Kwento ni Cielo.


"Asta ano? Pangalan ba yan? Sino yan?" Tanong naman ni Diana.


"Hindi ko din alam. Pumasok lang naman yun bigla sa isip ko eh." Naguguluhang sambit ni Cielo.


"Hay, sana Astaroth nalang ang pangalan ko." Sabi pa ni Diana kaya nakunot ang noo ni Cielo.


"Bakit? Ayaw mo ba sa pangalan mo?" Ani Cielo.


"Parati akong tinutukso ng mga classmates ko. Ayaw din nila akong makalaro kasi madaya daw ako dahil sa pangalan ko." Nanlulumong sambit ni Diana kaya lalo pang naguluhan si Cielo.


"Nandadaya ka ba kapag naglalaro kayo?" Tanong na lamang ni Cielo.


"Da-ya-na, madaya daw ako base sa pagkabigkas ng pangalan ko." Paghihimutok ni Diana kaya bahagyang tumawa si Cielo. Naiinis man sa kini-kwento, hindi maiwasan ni Diana mapangiti lalo pa't nagawa na niyang patawanin ang bata.


"Tanggalin kaya natin ang 'ya' para 'wag ka na nilang tuksuhin pa?" Suhestyon ni Cielo dahilan para makunot ang noo ni Diana.


"Pwede ba 'yun?" Tanong ni Diana.


"Oo...siguro?" Muli, napangiti si Cielo.


"Dana..." Mahinang sambit ni Diana at unti-unting napangiti hanggang sa mapa-thumbs up kay Cielo.


"Snow, simula ngayon friends na tayo ha?" Sabi pa ni Dana kaya si Cielo naman ang agad na napangiti at napa-thumbs up.


Napatulala na lamang si Dana nang magbalik sa isipan niya ang nakaraan. Nakaupo parin siya sa sahig habang hawak ang paper bag at kumpara sa naunang kundisyon ay maayos na siya ngayon. Naluluha man, nagagawa na niyang huminga ng maayos at unti-unti narin siyang nagiging kalmado.


"What happened to you Cielo..." Mahinang sambit ni Dana at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. Napailing-iling siya na animo'y pilit na winawaglit ang mga alaalang pilit na naglalaro sa isipan niya ngunit sadyang hindi niya ito mapigilan.


"Bye teacher! Bukas nalang ako sasali sa cleaners ha? Manonood pa ako ng Shaman King eh!" Bago pa man makasagot ang guro ay dali-dali nang nagtatakbo palabas ng classroom ang batang si Dana habang hinihila ang kanyang stroller bag.


Abot tenga ang ngiti nito at tila ba walang pakialam sa mundo hanggang sa mapansin niya si Cielo na mag-isang nakaupo sa ilalim ng isang puno at tila ba may ginuguhit.


"Cielo!" Sigaw ni Dana at dali-daling naupo sa tabi nito. Tinangka niyang tingnan kung ano ang ginuguhit ng bata ngunit dali-dali niya itong itinago na tila ba nahihiya.


"Patingin! Diba friends na tayo? Dapat kong makita 'yan!" Giit ni Dana kaya kahit nagdadalawang-isip, ipinakita na lamang ni Cielo ang laman ng kanyang notebook.


"Ano 'yan? Bulate?" Naguguluhang sambit ni Dana dahilan para agad mapangiwi si Cielo.


"Anong bulate? Ahas 'yan! May dila oh?" Giit naman ni Cielo.


"Bakit? Yung bulate ba walang dila?" Tanong pa ni Dana kaya napakamot na lamang si Cielo sa kanyang ulo at napabuntong-hininga.


"'Wag kang mag-alala, mukha mang bulate ang ahas mo, magaling ka parin namang mag-drawing kesa sa amin. Nga pala ba't andito ka pa? Hinihintay mo ba ang sundo mo? Gusto mo sabay nalang tayo? Wala kasi akong sundo at ayoko ring maglakad ng mag-isa." Sabi pa ni Dana kaya bahagyang ngumiti si Cielo at umiling-iling.


"Wala sina Mama at Lola sa bahay, mamaya pa yata ang dating nila. Ayoko munang umuwi kasi natatakot ako kay Lolo." Nanlulumong pag-amin ni Cielo bagay na ikinalungkot ni Dana.


"Galit parin ba siya dahil dun sa Astaroth na pangalang iginuhit mo sa lupa?" Usisa ni Dana.


"Hindi ko alam pero pagkatapos nun lagi na siyang galit sakin kahit wala akong ginagawa," Unti-unting nagsimulang bumuhos ang luha ni Cielo na dali-dali niya namang pinunasan.


"Sinasaktan ka parin ba niya?" Tanong ni Dana at agad na napatingin sa braso ni Cielo na may panibago na namang mga latay at sugat. Nang mapansing nakita ito ni Dana ay dali-daling itinago ni Cielo ang kanyang braso.


"Isumbong natin siya kay Chief Razon!" Agad na bulalas ni Dana.


"Magagalit lang lalo si Lolo, 'wag na." Pagpupumilit ni Cielo.


"Eh yung mama at lola mo? Magsumbong ka sa kanila!" Pagpupumilit naman ni Dana.


"Ayoko na silang mag-away. Lalo lang magagalit sakin si Lolo." Naluluhang sambit ni Cielo.


Naiinis man, pinapangunahan parin si Dana ng awa para sa kaibigan kaya wala siyang magawa kundi mapabuntong-hininga.


"Gusto mo doon ka nalang muna sa bahay? May dolls ako dun tas magluluto si Mommy ng champorado para sa atin." Giit ni Dana kaya agad na napangiti si Cielo ng malapad.


"Talaga?!" Hindi maitago ni Cielo ang tuwa.


"Oo naman! Gusto mo everyday pa! Tara para maabutan pa natin si Amidamaru sa Harusame!" Taas-noong sambit ni Dana at agad itong inakbayan.


"Dana!" Tila ba nagbalik ang atensyon ni Dana sa reyalidad nang bigla niyang makita si Wacky sa kanyang harapan dahilan para agad siyang mapatingala sa direksyon.


"B-bakit na naman?" Tanong na lamang ni Dana.


"Aalis kami ni Church, hahanapin namin ang mga kapatid niya. Dito ka lang muna." Giit ni Wacky at agad na iniabot sa dalaga ang isang maliit na bote ng tubig.


"Ano?!" Agad na napatayo si Dana dahil sa sinabi nito, "I told you what happened outside—"


"Naniniwala kami kaya lalabas kami. Mga bata pa ang kapatid ni Church, kailangan nila ang kuya nila." Giit ni Wacky dahilan para agad na mapalingon si Dana sa direksyon ni Church na abala sa paglalagay ng mga gamit at makakain sa loob ng kanyang backpack.


"But they could be dead or even be one of those skunks!" Pabulong na sambit ni Dana upang 'wag silang marinig ni Church, "Don't you think it's stupid to risk your life for something uncertain?! Odds are, everyone's gone and turned into something horrible that's out to kill the rest of us!"


"Naririnig mo ba ang sarili mo?" Hindi maiwasan ni Wacky na mapakunot ang noo, "Dana mga kapatid ni Church ang gusto niyang hanapin, hindi kaibigan o kung ano man. Kapatid niya Dana, Pamilya. At isa pa mga bata lang silang walang kalaban-laban at kailangan nila ang kuya nila."


"I know! And I also know the possibility that they could be gone!" Muli, pabulong na giit ni Dana sa pag-aalalang maririnig sila ni Church.


"Dana, ang pamilya hindi sinusukuan." Muling giit ni Wacky at tinulungan si Church sa pagkuha ng mga gamit na kakailanganin nila.


Naiwan si Dana na nakapako sa kinatatayuan. Labis siyang naapektohan sa mga salitang binitawan ni Wacky lalo na nang bumalik ang isang munting alaalala sa kanyang isipan.


"Seriously, this high school retreat is the best thing that's ever happened to me." Hindi maiwasan ni Cielo na mapangiti habang pinagmamasdan ang tanawin mula sa bintana.


"Malayo ka sa lolo mo tas kasama mo pa sa iisang bahay si Ramonsito este Raze. Oo nga naman." Pang-aasar ni Dana na panay ang pagkuha sa litrato.


"Pumayag ka na kasing ka-loveteam si Churchill para rock and roll to the world na." Pang-aasar pabalik ni Cielo dahilan para umarte si Dana na para bang nasusuka.


"Guys pabalik na dito ang speaker!" Anunsyo ni Raze at pasimpleng napangiti kay Cielo dahilan para magsibalikan ang lahat sa mga upuang nakapalibot sa buong kuwarto.


"Gusto kong kumuha kayo ng isang kandila. Sisindihan niyo ito at iaalay sa taong labis na nagpabago sa inyong mga buhay at lakipan niyo ito ng isang pangako. Maaring wala rito ang pag-aalayan niyo ng kandila, maaring mga magulang niyo o kapamilya." Paliwanag ng Pari at agad na nilibot ang paningin na animo'y naghahanap ng unang matatawag.


"Let's start with you, young lady." Sabi ng speaker at agad na inabot ang hawak na kandila kay Cielo.


"Go snowy!" Natatawang sambit ni Dana na tila ba nang-aasar.


Nag-aalangan man, walang nagawa si Cielo kundi tumayo sa harapan ng lahat dala ang isang kandilang hindi pa nakasindi. Dahil sa kaba ay nanginginig ang mga kamay niya at pilit niya itong tinatago sa bulsa ng kanyang jacket.


"Don't be nervous, just let your feelings out. Ipagmalaki mo ang taong labis na nagpasaya at nagpabago ng buhay mo." Nakangiting sambit ng pari kaya tumango-tango na lamang si Cielo at napabuntong-hininga.


"Hi... Uhm... I don't know where to begin," Bahagyang natawa si Cielo dahil sa nararamdamang hiya.


"Begin at the beginning my pabebe friend!" Kantyaw ni Dana na tawa ng tawa sa kaibigan.


"Go Cielo!" Pinalakpakan naman ni Raze ang kasalukuyang kasintahan.


Muli, napabuntong-hininga si Cielo at unti-unting napatitig sa sahig.


"I grew up in a family that isn't ideal for everyone. Truth is... I wasn't really happy. I was always unhappy." Nakangiti man, bakas ang matinding lungkot sa mukha ni Cielo habang nagbabahagi dahilan para matahimik ang lahat lalong-lalo na si Dana na siyang nakakaalam sa lahat ng mga sikreto't pangyayari sa buhay ni Cielo.


"Noong mga panahong nag-iisa ako at takot na takot, maswerte ako at may nakilala akong isang batang babaeng maarte pero mabait naman. That kid turned out to be my friend, the best friend I could ever have and I can't find the words to express how thankful I am for having someone like her by my side." Naluluha man, pinilit ni Cielo ang kanyang sarili na ngumiti. Hinawakan niya ng mahigpit ang kandila at saka sinindihan.


Nang nakasindi na ang kandila ay napatingin si Cielo sa direksyon ni Dana at nakita niyang maluhaluha narin ito habang nakataas ang kamao na tila ba binabantaan si Cielo ng isang suntok.


"Leche ka, 'wag mong paiyakin." Wala mang boses na lumalabas, nababasa naman ni Cielo ang galaw ng labi ni Dana.


Lumapit ang lumuluhang si Cielo sa direksyon ni Dana at iniabot sa kanya ang nakasinding kandila.


"Minsan nagkakapikunan tayo at nag-aaway. Minsan naiirita ako sa'yo dahil sa sobrang kaartehan mo. Minsan ang sarap mo ring bigwasan ng holy water, pero sa kabila ng lahat ng kabulastugan mo, mahal kita na mahal kita na para bang isang kapatid. Hindi man tayo magkadugo, ikaw ang pamilya ko." Lumuluha man, hindi mapigilan ni Cielo na mapangiti habang sinasabi ang lahat ng mga ito kay Dana.


"Bruha ka, ba't mo ako pinapaiyak?!" Lumuluhang sambit ni Dana habang pilit na pinupunasan ang luha at singa. Wala siyang magawa kundi tanggapin ang kandilang bigay ni Cielo.


"Thank you for being a very good friend. Thank you for always protecting me. Thank you for always staying by my side. Thank you for always being there. You gave me so many happy memories and I will never forget any of it... Not even a single one. Kahit wala na ngayong laglag piso na mortal kombat, ikaw parin si Reptile at ako parin si Sub-zero. Ikaw parin si Becky at ako parin si Princess Sarah na inaalipusta ni Tandang lolo Menchin. Let's make more happy memories together okay? I'll be the maid of honor on your future wedding, I'll be the godmother to your kids, we'll undergo and survive the mid-life crisis together, I'll be the one who'll kick your husband's balls when he tries to cheat on you and I'll be that friend you'll gossip with for the rest of your bitchy life. Promise ko sa'yo, kahit anong mangyari magkaibigan ta'yo." Bulalas ni Cielo at agad na niyakap ng mahigpit ang kaibigan.


"I'm coming with you." Bulalas ni Dana nang makitang papalabas na ng pharmacy sina Wacky at Church.


****


"Keep your head down and just act natural." Maotoridad na sambit ni Dana dahilan para kapwa maguluhan ang dalawa.


"Anong act natural? Tumakbo na tayo tutal wala pang nakakakita sa atin!" Giit ni Church dahilan para agad siyang samaan ng tingin ni Dana.


"We've been running away from them for three days now and we always end up close to death! Kung tama ang observation ko, normal sila kung kumilos at magsalita, nagiging bayolente lamang sila oras na may makita silang hindi gaya nila." Giit ni Dana


"Gaya nilang ano?" Naguguluhang sambit ni Wacky.


"Shut up or I'll slash your handsome face until maging magkamukha na kayo ni Church." Mahinang sambit ni Dana at agad na inirapan ang binata.


"Aray?" Nakangiwing sambit ni Church na hindi maintindihan kung ba't bigla siya nitong idinamay.


"Is that really necessary?" Hindi maiwasan ni Dana na mapangiwi nang makitang hawak ni Wacky ang kanyang video camera habang maingat silang naglalakad sa gitna ng isang kalsadang nababalot ng kadiliman at nakabibinging katahimikan.


"Evidence 'to!" Katwiran ni Wacky sabay libot ng camera sa buong lugar.


"Shhhh!" Sita sa kanila ni Church.


"Alam niyo ba kung saan pupunta?" Pabulong na tanong ni Wacky sa dalawa.


"Church saan ka nakatira? Saan tayo dadaan?" Tanong naman ni Dana.


Nasapo ni Church ang kanyang batok habang pilit na nililibot ang kanyang paningin. Bakas ang matinding lito at kaba sa pagmumukha niya.


"Church?!" Muling tanong ni Dana.


"S-sandali! Nalilito ako!" Katwiran ni Church dahilan para marahas na mapakamot si Dana sa kanyang ulo.


"God! Why did I have to be stuck with you idiots?!" Napapadyak na lamang si Dana sa sobrang inis.


"Ikaw ang ibig niyang sabihin." Senyas ni Church kay Wacky.


"Kigwa ka." Walang emosyong sambit ni Wacky sa kaibigan.


"If we die, we turn into crazy violent monsters just like them so don't die." Paalala na lamang ni Dana sa mga kasamahan.


Nilibot ni Dana ang kanyang paningin hanggang sa may maaninag siyang liwanag hindi kalayuan sa kanila. Higit na kinilabutan si Dana nang mapagtantong unti-unting nagiging malapit sa direksyon nila ang liwanag.


"Anong—" Bago pa man matapos ni Wacky ang sinasabi ay agad napahawak ng mahigpit si Dana sa braso niya at sa braso ni Church na animo'y pilit na pinipigilan ang mga ito.


"Shhh..." Nagsisimulang manginig ang mga kamay ni Dana sa takot at kaba ngunit pilit niya itong itinatago parasa dalawa.


"T-tara na... Tumakbo na tayo..." Halos pumiyok ang mahinang boses ni Church sa takot nang mapagtantong ang nakikita nila ay tatlong mga lalakeng may dala-dalang mga sulo at animo'y may hinahanap.


"It's too late, nakita na nila tayo, we have to act—" Bago pa man matapos ni Dana ang sinasabi ay bigla na lamang humawak si Church sa braso nilang dalawa ni Wacky.


"Tara na! Takbo na!" Umalingawngaw ang ubod ng lakas na sigaw ni Church dahilan para manlaki ang mga mata ni Dana sa gulat at galit.



Sa isang iglap ay kumaripas ng takbo ang tatlo habang hinahabol ng mga bayolenteng kalalakihang walang ibang hangad kundi wakasan ang kanilang mga buhay.


"Why did you run?! Why didn't you listen?!" Tumatakbo man para sa kanilang mga buhay, hindi parin maitago ni Dana ang galit.


"Andiyan na sila!" Sigaw ng takot na takot nang si Church.


"Dito!" Sigaw ni Wacky at agad na lumiko sa isang daanan at agad naman siyang sinundan nina Church at Dana.


"Dead end! Dead end!" Hindi mapigilan ni Dana na mapasigaw sa takot matapos silang lumiko sa isang eskenita at makita ang isang rehas na bakod sa dulo nito.


"Akyat!" Sigaw ni Wacky at agad na hinila si Dana patungo sa direksyon ng rehas. Dali-dali niyang hinubad ang suot na backpack at itinapon ito sa kabilang dulo ng rehas para 'wag siyang mahirapan sa pag-akyat.


"You're both dumb idiots! I hate you to death!" Sigaw na lamang ni Dana at agad na hinagis ang suot na backpack patungo sa kabilang dulo ng rehas gaya ng ginawa nina Church at Wacky. Nakasuot man ng kulay asul na dress na napapaiba-ibawan ng jacket, walang pag-aalinlangan itong inakyat ni Dana.


Labis ang pag-alon ng bakod nang akyatin ito ng tatlo. Dala ng labis na takot at pagmamadali ay walang kahirap-hirap nila itong naakyat.


Nang makaabot sa kabilang dulo ng bakod ay agad na napatalon si Wacky upang mabilis na makababa. Sumakit man ang paa dahil sa taas ng pinagbagsakan, hindi niya ito inalintana at sa halip ay agad na itinaas ang kanyang mga kamay upang matulungan si Dana.


"Churchill talon!" Sigaw ni Wacky kaya napatalon rin si Church at naghanda upang alalayan si Dana.


Nang makaabot si Dana sa tuktok ng bakod ay napalingon siya at otomatiko siyang napatili nang makitang malapit na silang maabutan ng mga humahabol sa kanila. Dala ng sobrang takot at desperasyon ay agad siyang napatalon patungo sa kabilang bahagi ng bakod. Tinangka siyang saluin ng magkaibigang sina Church at Wacky. Nasalo man siya ng mga ito, hindi naman sapat ang lakas ng mga ito para makayanan ang pwersa ng pagbagsak niya kaya sa huli, nadapa silang tatlo at pare-parehong bumagsak sa sahig.


"Leche kayong dalawa!" Nanggagalaiting nagsisigaw si Dana dahil sa sakit na dulot ng pagbagsak sa sahig.


"Tara na!" Nahihilo man, pilit na tumayo si Church at tinulungang makatayo sina Dana at Wacky na bagsak parin sa sahig.


"Wala kaming kasalanan sa inyo! Mabubuti kaming tao! Wala kaming kasalanan!" Paulit-ulit na nagsisigaw ang nanggagalaiting si Dana habang pinupulot ang mga backpack nila samantalang si Church naman ay inaalalayan ang duguang si Wacky.


"T-tara na!" Giit ni Wacky kaya muli silang nagtatakbo lalo pa't nagsisimula nang tumakbo patungo sa direksyon ng rehas ang mga humahabol sa kanila.


Iika-ika man at namimilipit sa sakit, pilit na tumatakbo si Wacky na nakasunod lamang kay Dana at Church na nasa unahan. May nararamdaman siyang likidong umaagos mula sa noo niya ngunit pilit niya itong binabalewala pati narin ang labis na sakit sa kanyang paa.


"Doon!" Giit ni Dana sabay turo sa direksyon ng isang subdivision na walang kailaw-ilaw maliban lamang sa ilaw na nasa karatula nito.


"Madilim doon! Wala nang mga ilaw! Mahihirapan tayo!" Giit ni Church.


"Pwes mahihirapan din silang hanapin tayo! Bahala kayo, basta dito ako!" Giit ni Dana at agad na nagtatakbo patungo sa direksyon nito kaya walang ibang magawa sina Church at Wacky kundi mapasunod sa kanya.


Hindi mapigilan ni Dana na mapasinghap lalo na nang bumungad agad sa kanya ang bangkay ng isang guwardyang nagkalasog-lasog at wala nang ulo sa mismong bungad ng subdivision. Nanlulumo man at nandidiri, pilit siyang nagpapakatatag at ganun din ang dalawa.


"Teka sandali..." Biglang bulalas ni Church kaya naman agad na napahinto sina Wacky at Dana sa pagtakbo.


"Ano naman?!" Iritadong sambit ni Dana.


"May naririnig ako!" Giit ni Church at walang ano-ano'y bigla na lamang nagtatakbo patungo sa direksyon ng isang truck na nakabangga sa isang bahay na animo'y tinupok na ng apoy.


"Ch—" Napapadyak na lamang si Dana dahil sa labis na inis. Napalingon siya sa direksyon ni Wacky ngunit nagulat siya nang makita niya itong nakapako sa kinatatayuan habang nakakuyom ang kamao. Nakatitig ito sa sahig na animo'y namimilipit dahil sa labis na sakit.


"I'm okay." Bulalas ni Wacky bago pa man makapagtanong si Dana.


"No we're not. None of us are." Giit ni Dana at agad na inalalayan ang iika-ikang si Wacky papunta sa direksyon na pinuntahan ni Church.


"Church ako mismo ang papatay—" Natigil si Dana sa pagsasalita nang maabutan nila si Church sa likurang bahagi ng truck at hindi na siya nag-iisa. Nakaupo siya sa damuhan habang nakaharap at pilit na pinapatahan ang isang batang lalakeng umiiyak. Ang batang lalake, yakap-yakap niya ang ama niyang duguan at naghihingalo habang nakasandal sa truck.


"M-mayor?" Agad na bulalas ni Dana nang mamukhaan ang lalakeng yakap ng bata. Dali-dali niyang ibinagsak sa sahig ang dalang backpack at kinuha ang isang maliit na tuwalya at bote ng tubig.


"Baby, baby please bumitaw ka muna kay Daddy." Pakiusap ng nanlulumong si Dana upang malapatan ng paunang lunas ang Mayor ngunit sadyang ayaw bumitaw ng batang natatakot mawalay sa kanyang ama.


"P-pip, sundin mo si Ate." Hirap na hirap mang huminga, pilit na nagsasalita ang mayor at ngumingiti sa kanyang anak sa kabila ng dugong umaagos mula sa kanyang bibig.


"Pip uminom ka muna ng tubig." Kalmadong sambit naman ni Churchill at dahan-dahang hinawakan ang kamay ng bata upang mahila ito palayo mula sa kanyang ama.


"G-good boy ang anak ko, susundin niya ang sinasabi ng ate at kuya." Malambing na saad ng ama saka hinalikan ang noo nito kaya kahit labag sa kalooban ay unti-unting napapabitaw ang bata sa kanya at napasandal na lamang kay Church.


"Hala ang ganda naman ng pajama mo, spaceships at firetruck ba 'yan?" Maging si Wacky ay napaupo narin sa sahig at sinusubukang aliwin ang bata upang 'wag nitong makita ang paghihirap ng ama.


"Sir, sir you're going to be okay. You're going to be okay for your son." Paulit-ulit na sambit ng luhaang si Dana nang makita ang malaking kutsilyong nakasaksak pa sa sikmura ng alkalde. Inilapit ni Dana ang nangingnig niyang mga kamay sa direksyon ng kutsilyo. Gustuhin niya mang tanggalin ang kutsilyo ay hindi niya magawa sa takot na baka ikapahamak lamang ito ng alkalde.


"K-kapag tumigil sa pagtibok ang puso ko, kunin mo 'yan. Gamitin mo 'yan para 'wag kong masaktan ang anak ko... Pakiusap..." Biglang bulong ng alkalde dahilan para agad na mapatakip sa kanyang bibig ang lumuluhang si Dana.


"No... You're going to be okay, you're going to be—" Natigil si Dana sa pagsasalita nang bahagyang umiling ang alkalde na animo'y alam na kung ano ang kanyang kahihinatnan.


"Ate, ate please help Daddy." Umiiyak na pakiusap ng batang si Pip dahilan para maikuyom na lamang ni Dana ang kanyang kamao habang pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na lalong maluha.


Inakbayan na lamang ni Churchill si Pip at pilit itong pinasandal sa braso niya at inalalayan itong uminom ng tubig. Nakita naman ni Wacky ang reaksyon ni Dana kaya dali-dali niyang nilapitan ang dalaga upang matulungan.


"Ako na, maupo ka nalang diyan." Mahinang sambit ni Wacky kaya naupo na lamang si Dana sa isang tabi at napayakap sa kanyang tuhod habang pilit na pinapatahan ang sarili.


"P-protektahan niyo siya, pakiusap..." Sambit ng alkaldeng wala nang boses kaya naman walang pag-aalinlangan na tumango-tango si Wacky.


"P-pangako... Gagawin namin ang lahat." Nanlulumong sambit ni Wacky habang sinusubukan paring pigilan ang pagdurugo ng iba pang mga saksak ng alkalde sa pamamagitan ng pagdampi ng tela sa mga ito.


Hindi na nagawang makasagot pa ng alkalde, panay lang ito sa pagsinghap at kasabay nito ang unti-unting pangingisay ng buong katawan niya.


Hindi maiwasan ni Church na maluha dahil sa nasaksihan. Alam ni Church na ito na ang katapusan ng alkalde kaya naman agad niyang niyakap ang walang kamalay-malay na si Pip upang 'wag na nitong makita ang paghihirap ng ama.


"Andiyan lang sila! Hanapin niyo nang makabalik ang iba pa nating kapatid!"


Laking gulat nilang lahat nang marinig ang boses ng isang lalake, lalo na nang maaninag nila ang liwanag na tila ba nanggagaling mula sa napakaraming mga sulo. Nanlaki ang mga mata ni Wacky at kapwa sila nagkatinginan ni Dana.


Dali-daling tinakpan ni Church ang bibig ni Pip, at lahat sila'y hindi gumalaw upang 'wag silang makagawa ng kahit na anong ingay na makakapagturo sa kinaroroonan nila.


Dahan-dahang itinaas ni Dana ang kanyang kamay na animo'y binabantaan ang mga kasama na 'wag gumawa ng kahit na anong ingay o kilos. Napalingon naman si Wacky sa direksyon ng alkalde at nakita niyang hindi na ito gumagalaw kaya naman agad niyang idinampi ang dalawang daliri sa leeg nito.


Napalingon ang nanlulumong si Wacky kay Dana at sa pamamagitan ng tingin, nagawa ni Dana na maintindihan ang ibig nitong sabihin.


Napakagat na lamang si Dana sa kanyang labi at hinayaan ang kanyang luhang umagos. Labis siyang nakaramdam ng awa para sa alkalde lalo na sa anak nitong walang kamalay-malay na nalagutan na ng hininga ang ama.


"Take it." Walang boses na sambit ni Dana kay Wacky sabay turo sa kutsilyong nakasaksak parin sa sikmura ng alkalde.


"Ano?!" Senyas ng naguguluhang si Wacky.


Bilang sagot, tumango-tango ang lumuluhang si Dana kaya agad na napalingon si Wacky kay Church na yakap-yakap parin at pilit na hindi pinapatingin si Pip sa direksyon ng kanyang ama.


Nanginginig man ang mga kamay, pinilit ni Wacky na tatagan ang kanyang sarili at napahawak sa hawakan ng kutsilyo. Huminga ng malalim si Wacky at napapikit na lamang sabay hugot ng kutsilyo. Dahil sa ginawa, agad na bumulwak ang umagos ang napakaraming dugo mula butas na gawa ng kutsilyo.


"Wacky..." Bulong ni Dana at agad na hinawakan ang braso ng binata.


Idinilat ni Wacky ang mga matang puno ng takot at panlulumo. Napalingon siya sa direksyon ni Dana at walang ibang ginawa ang dalaga kundi tumango-tango na tila ba pinapalakas ang kalooban niya.


"Cut his head off..." Walang boses na sambit ni Dana ngunit agad na umiling-iling ang naguguluhang si Wacky.


"Magiging kagaya siya nila, papatayin niya tayo!" Pabulong na giit ni Dana pero umiling-iling parin si Wacky na hindi kayang gawin ang inuutos niya.


Nanlulumo man, alam ni Dana ang panganib na maidudulot ng alkalde ngayong nalagutan na ito ng hininga kaya naman dali-dali niyang inagaw mula kay Wacky ang kutsilyo. Maraming mga posibilidad—maaari silang saktan ng alkalde, maari silang matagpuan ng mga tumutugis sa kanila—at ayaw ni Dana na mangyari ito kaya kahit labag man sa kanyang kalooban, hinawakan niya gamit ng dalawang kamay ang kutsilyo.


Huminga ng malalim si Dana at bahagyang itinaas ang mga kamay upang bumwelo. Napapikit si Dana at ibinagsak ang kutsilyo sa direksyon ng ulo ng alkade ngunit bago man niya ito tuluyang magawa ay bigla niyang naramdaman ang isang malamig na kamay na humawak sa braso niya.


Nang idinilat ni Dana ang kanyang mga kamay ay laking gulat niya nang makitang nakadilat na ang mga mata ng alkalde at ngayon ay kulay itim na ang mga ito. Marahas na hinahawakan ng alkalde ang kanyang mga braso, sa sobrang higpit ay namimilipit na si Dana sa sakit.


"Nasaan si Amelia?!" Biglang sigaw ng alkalde gamit ang napakalakas at napakalalim na boses na animo'y nanggagaling pa sa kailaliman ng lupa, sapat para magdulot ng matinding kilabot sa lahat ng mga makakarinig.


"Dana!" Napasigaw si Wacky at dali-daling hinila si Dana palayo sa alkalde ngunit napakahigpit parin ng hawak nito sa dalaga. Si Dana naman ay hindi makakilos sa labis na gulat at sakit.


"Takbo! Churchill ilayo mo na ang bata dito!" Bulalas agad ni Wacky pagkat alam niyang dahil sa pagsigaw ng alkalde ay mahahanap na sila ng mga tumutugis sa kanila.


"P-papa?!" Iyak ng batang si Pip at agad na napalingon sa kanyang ama.


"Shit!" Napamura na lamang si Churchill at dali-daling napatayo at napatakbo habang karga ang umiiyak at nagpupumiglas na Pip na walang ibang gusto kundi lapitan at manatili sa tabi ng ama.


Nakita ni Wacky na nalaglag na ni Dana ang kutsilyo kaya naman dali-dali niya itong pinulot at sinaksak sa sentido ang alkalde dahilan para mabitawan nito si Dana. Sinamantala ni Wacky ang pagkakataon at dali-dali niyang hinawakan ang kamay ni Dana at kumaripas ng takbo kasama ito.


"Amelia!" Umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ng alkalde at walang pagdadalawang-isip niyang tinanggal ang kutsilyong nakasaksak pa sa kanyang sentido. Hindi niya alintana ang napakaraming dugo na umaagos mula sa kanyang ulo lalo na ang mumunting piraso ng laman na unti-unting sumasagitsit mula sa kanyang mga sugat.


Unti-unting napatayo ang alkalde. Pinagmasdan niya ang paa, pataas sa kanyang hita hanggang sa kanyang mga kamay. Hindi niya mapigilang mapangisi lalo na nang maramdaman niyang malaya na niyang naigagalaw ang kanyang mga kamay.


"P-primo?"


Narinig ng alkalde ang boses mula sa kanyang likuran at nang mapalingon siya ay nakita niya ang isang lalake na may hawak na sulo. Gaya niya, duguan rin ito, may mangitim-ngitim na ugat sa leeg at kapwa purong kulay itim ang mga mata.


"Ang anak kong si Amelia... Ipagpatuloy niyo ang paghahanap nang makuha na natin ang matagal na nang nararapat sa atin." Maotoridad na sambit ng alkalde.


****


"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Ayoko sayo! Gusto ko sa papa ko! Papa! Papa!" Panay ang pagpupumiglas at pagpupumilit kumawala ng batang si Pip mula kay Churchill.


"Shh! Shh! Tumahimik ka kung ayaw mong itapon kita sa kangkungan!" Lalo lamang hinihigpitan ni Church ang paghawak sa karga-kargang bata. Pagod na pagod man at nahihirapan, lalo niyang binibilisan ang pagtakbo dahil sa labis na takot. Hindi na niya nagagawa pang makapag-isip ng maayos kaya panay lamang siya sa pagtakbo.


Saglit na napalingon si Churchill at nakita niya sa kanyang likuran sina Wacky at Dana na kumakaripas sa pagtakbo. Tumigil siya upang hintayin ang dalawa. Habang naghihintay, paulit-ulit niyang nilibot ang kanyang paningin at labis siyang nanlumo nang mapagtantong nasa highway na naman sila kung saan nila nakasalubong ang mga kanina pa humahabol sa kanila.


"A-asan si Papa?! Bad kayo! Bad kayo!" Panay ang pagwawala ni Pip lalo na nang makita niyang hindi kasama nina Wacky at Dana ang kanyang ama.


Binalewala na lamang nila ang bawat protesta ng bata. Pilit na tinakpan ni Church ang bibig ni Pip habang tumatakbo sila at pilit na naghahanap ng mapagtataguan. Ngunit nang mapaliko sila sa isang kalsada ay laking gulat nila nang makasalubong nila ang grupo ng mga bayolente at wala sa sariling mamamayan.


"Skunks..." Napasinghap si Dana at dali-daling napalingon. Laking gulat niya nang makitang mayroon narin mga tao sa likuran nila, lahat may hawak na sulo, lahat walang ibang hangad kundi wakasan ang mga buhay nila.


"Nalintikan na..." Mahinang sambit ni Wacky na animo'y pinagbagsakan na ng langit at lupa dahil sa napagtanto.


Sa isang iglap, natagpuan nila ang kanilang mga sarili na napapalibutan ng mga bayolenteng nilalang na tila ba nanunuya pa dahil sa ngisi na nasa kanilang mga mukha.


Napaatras ang tatlo hanggang sa mapasandal na lamang sila sa likuran ng isa't-isa. Nililibot nila ang kanilang paningin, umaasang makakahanap sila ng lugar na matatakbuhan ngunit sadyang wala na silang magagawa pa dahil napapalibutan na sila ng mga ito.


END OF CHAPTER 11

Note: Super sorry for the delayed update. Hope you like this hihi :)

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3




Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 99.3K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
4.1M 123K 44
This is a Sequel from "The Seductive Doctor" from the Savage beast series. One day, You'll have your own star. But in life, you can't have it all. ...
865K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...