Why Her? Why Not Me? (One Sho...

By deeksee

5.6K 199 62

They say love hides behind every corner. Then, I must be walking in CIRCLES. More

Why Her? Why Not Me? (One Shot)

5.6K 199 62
By deeksee

Written by: deeksee/ @DixieJSalgado

All Rights Reserved 2013.

NO PLAGIARISM PLEASE.

-----------------------------------------------------------------------

WHY HER? WHY NOT ME?

They say love hides behind every corner,

Then, I must be walking in CIRCLES.

***

"Takot ka magmahal kasi takot ka masaktan at nang dahil sa takot na yan, hanggang kaibigan ka lang." Yanna.

Napatigil ako sa sinabi ng isa kong bestfriend na si Yanna. Kaya nga ba ayoko pa ulit magmahal kasi natatakot akong masaktan?

"Ayon. Kung ako kasi sayo Chichi, nagawa ka na ng paraan. Pa'no kaya kayo uunlad kung andyan ka lang nakatunganga?" Rin.

"Okayyy! Ayoko gumawa ng paraan kasi ako kaya ang babae. Tsaka, crush ko lang naman si J eh."


Crush ko lang naman talaga si Andrew eh. Oo, Andrew talaga ang pangalan niya. Yung "J" codename lang namin yun nila Yanna at Rin kay Andrew. Pero bakit ganito? Parang iba na ang nararamdaman ko? At parang...

"S-SINO TO?!" Bigla n alang may nagtakip ng mga mata ko.

"Hulaan mo..." Boses lalaki. Alam na alam ko ang boses na 'to. Tandang tanda ko pa nga ng una ko 'tong marinig eh.

"Naghihintay tamang panahon para sabihin ko

Ikaw lamang walang iba ang iibigin ko.

Nangangako sa'yo habang buhay ikaw lamang

Ang mamahalin ikaw walang hanggan..."

Nakaupo ako noon sa isa sa mga bench at nang bigla na lang akong nakarinig ng isang tugtog. Parang naka-earphones na ako ha, ang ganda kasi ng kanta. Tapos ang galing pa nung nakanta. Kaya hinanap ko kung saan yun nanggagaling hanggang sa makita kita na natugtog dun sa ilalim ng puno, mag-isa.

Pinanood lang kita habang patuloy ka pa ring nakanta. Grabe ang galing mo talaga, nang biglang...

"HAAAAATSINGGGGG!"

Sht.

Bigla kang napalingon sa akin at naputol ang pagkanta mo. Nakakahiya -_-

"Ah-- eh-- s-sorry k-kung naistorbo kita. S-Sige, bye."

At kumaripas na ako ng takbo. Bakit ba kasi ang wrong timing lang ng pagbahing ko eh.

"Andrew, sa susunod nga kung tatakpan mo ang mata ko at magpapahula ka, huwag na huwag ka magsasalita ha. Obvious kasi eh."


At agad mo naman inalis ang kamay mo sa mga mata ko. Hmm, ang bango mo!

"Sungit naman nito. Hi Yanna! Hi Rin! Musta na?" At tinanong mo ang mga kaibigan kong kasalukuyang pinagdidilatan ako ng mga mata.

"Ah--eh-- ayos! Ayos kami. Rin, samahan mo nga ako sa gate. Andoon na yung sundo ko eh. Chichi, una na ako ha. Bye!" Yanna.

"O-Oo nga! Tsaka, pinapatawag rin ako ni Sir ngayon. Una na kami ha. Bye Chi! Bye Andrew!"

At tuluyan na nga silang umalis at iniwan kaming dalawa ni Andrew. Oh lupa, lamunin mo na ako!

"Chi, aalis ka na rin ba?" Tanong mo sa akin. Woo jusko, nakatingin ka sa akin!

"Ah--eh-- hindi pa. Wala pang tao sa bahay eh."

"T-Tara, kain tayo." Yakag mo sa akin. Teka, date ba ito? Naku, sana nga.

"Tara!"

At lumabas na tayo ng school at pumunta sa mall. Sana lagi na lang tayong ganito ano. Hahaha! Pumasok tayo sa isang restaurant at kumain. Grabe, tinititigan kita. Ang pogi mo talag! Hahaha. Hindi ka maputi, matangkad ka, ma-appeal.

"Chi, nakwento ko na ba sayo si Jane?"

J-Jane? Sino yun? Hindi mo pa nasasabi sa akin yun ah.

"H-Hindi pa. Sino yun?" Pa-inosente kong tanong.

"Si Jane, yung taga-kabilang section namin."

Ah. Si Jane Madrigal. Yung maganda dun sa isang section pero syempre, mas maganda ako!

"Ah. Oo, parang narinig ko na nga pangalan nun. Oh bakit?"

"Wala naman. Ano, m-maganda ba siya para sayo?"

Napatigil ako sa pagkain nang marinig kong itanong mo sa akin yun. Bakit mo tinatanong kung maganda siya para sa akin?

"Bakit, gusto mo siya ano?"

At ngumiti ako sayo. Kung alam mo lang kung gaano kahirap ipakita na masaya ako sa harap mo.

Lumipas ang mga araw at ayon, may gusto ka na nga sa kanya. Grabe noh, ang manhid mo rin pala para hindi maramdaman na may gutso ako sayo. Wala pa nga yatang isang buwan nang una mo siyang makita pero ano? Gusto mo na agad siya. Samantalang ako na halos dalawang taon mo nang nakakasama pero hanggang ngayon eh kaibigan pa rin ang turing mo sa akin. Bakit Andrew?

Why her? Why not me?

Yan ang lagi kong tinatanong sa sarili ko. Alam ko naman na marami akong pagkukulang bilang tao. Pero hindi pa rin ba sapat yung mga pinaparamdam ko sayo?  Ayoko rin naman ikumpara ang sarili ko kay Jane kasi magkaiba kami. Obvious naman diba, sayo pa nga lang magkaibang magkaiba na kami eh.

Ano ba kasi ang meron siya na wala ako, Andrew?

Naalala ko tuloy yung mga araw na nakwento mo sa akin si Jane.

Isang bes sabi mo nakasalubong mo siya sa hallway. Malayo pa lang nakita mo na siya. Ganun naman talaga diba kapag gusto mo ung tao. Yung kahit ang layo layo niya pa sayo eh nakita mo na agad siya kasi nga pagdating kay Jane parang telescope yang mata mo. Tapos nginitian ka pa niya. Sobrang saya mo habang kinekwento mo sa akin yun.

Bakit ako? Halos araw araw na nga tayong nagkakasalubong diba. Nagbabanggaan pa nga tayo kapag nagkikita diba. Lagi rin kitang kinakausap at nginingitian. Abot tenga pa nga lagi yung ngiti ko sayo diba. Pero siya, simpleng ngiti lang masaya ka na? Grabe noh.

Napapasaya ka nga niya.

Tapos meron pa nung isang bes nagkasabay kayo sa jeep. Uwian na kasi nun tapos hindi tayo sabay umuwi kasi may meeting pa akong inattendan. Tuwang tuwa ka kasi hindi mo ako kasabay at si Jane pa ang nakatabi mo sa jeep kasi siksikan na. Tapos sabi mo kinausap ka pa niya. First time kitang nakita nun na kiligin.

Bakit ako, Andrew? Halos araw araw na nga tayong sabay umuwi eh. Lagi pa nga tayong nagsisiksikan sa jeep at tricycle kasi sinasabi mong nataba na ako at hindi na tayo magkasya. Walang humpay din naman yung paguusap natin diba? Parang diary na nga natin ang isa't isa kung magshare tayo ng mga nangyayari sa atin araw araw eh. Iba talaga pag si Jane noh.

Napapakilig ka niya.

Tapos meron pa. Ewan ko ba kung saang lupalop mo siya noon nakita na naka-ayos at naka-makeup. Sabi sa akin ng tropa mo na natulala ka daw sa kanya nun. Di ka pa nga yata nun makatulog kasi kinabukasan pahirapan ka daw gisingin at napaka-itim nung mata mo. Siguro nga ang ganda ganda niya nung araw na yun noh.

Kasi ako, kahit napapanood mo ang mga laban ko sa mga pageants, hindi ka ni minsan natulala sa akin. Naalala ko nga eh, kung hindi pa kita tatanungin kung ayos ba ang itsura ko or kung maganda ba ako hindi mo pa sasabihin na "Oo naman Chichi. Wala kayang panama yang mga kalaban mo.". 

Napapatulala ka niya.

At siguro inlove ka na nga sa kanya. Kasi kahit yung kaisa isang bagay na hindi ko magawa eh nagawa niya sayo.

Nung isang araw, bigla kang nagtext sa akin. Kinilig pa nga ako eh. Kasi biglaan yun at naalala mo pa rin pala ako itext. Pero wala ka pala sa mood nun makipag-bolahan. Sabi mo kasi, nakita mo si Jane kasama si Bryan at mukhang masaya sila. Ang lungkot lungkot mo nun. Sabi mo pa sa akin nawalan ka na ng pag-asa sa kanya. Uniyakan mo siguro siya nun buong gabi kasi hindi mo na nagawa pang magreply sa akin.

At yun naman ang hindi ko magagawa sayo. Ayoko kasing nalulungkot ka eh. Pinapahalagahan kasi kita Andrew. Siguro nga manhid siya, pero sa tingin ko mas manhid ka. Kasi ginawa ko na ang lahat para mapansin mo eh. Pero parang balewala lang sayo ang lahat. Kasi para sayo, si Jane lang ang mahalaga. At ako, ito isang hamak na kaibigan lang. Kaibigan na takot magmahal kasi natatakot rin masaktan. Kita mo Andrew.

Napapaiyak ka niya.

Sana lang Andrew hindi ka mawalan ng pag-asa sa kanya. Nakita ko kung gaano mo siya kagusto at siguro hindi mo magagawang sukuan lang siya. Huwag kang tutulad sa akin ha. Kasi ako, napagod din ako eh. Napagod rin akong mahalin ka. Narealize ko na wala rin naman patutunguhan to eh. Kasi mahal kita, pero may mahal kang iba. Ganun lang siguro talaga ang buhay.

Pero maswerte pa rin ako kasi kahit hindi mo mabalik sa akin ang pagpapahalagang yun, nakita ko naman yun kay James. Minahal niya ako Andrew. Naisip ko na siguro dapat ko rin naman bigyan ng atensyon yung mga taong nasa paligid ko. Kasi sa loob ng mahabang panahon, sayo lang umikot ang mundo ko. At akalain mo bang, natutunan ko rin siyang mahalin. Swerte na nga siguro ako sa kanya.

Hinihiling ko na lang na sana isang araw magkita ulit tayo. Sana sa araw na yun, pareho na tayong masaya. Di man sa piling nang bawat isa't isa pero sa buhay na kasama natin ang mga taong nagpapaligaya sa atin.

Pero mukhang sadyang mapaglaro ang tadhana.

Biglang dumilim ang paligid ko. May nagtatakip ng mga mata ko.

"S-SINO TO?!" Pagsigaw ko. "James, tigilan mo na to. Alam kong ikaw yan. Akala ko b--"

Pero nagulat ako sa nakita ko. Hindi si James ang nagtatakip ng mata ko.

And it's you again, Andrew.

------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

87K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
TOO LATE By eyynis

Short Story

118K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
799K 39.4K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
82.3K 2.2K 28
GXG