From A Distance

Por hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... Más

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

13. Ligaw

21.8K 280 21
Por hunnydew

Dahil sa papalapit na JS Prom, samu't-saring pagpupulong ang kailangang daluhan ni Mason bilang pangulo ng sanggunian ng kanilang paaralan. Isinasama rin siya ng mga guro upang makipag-usap sa mga potential sponsors para sa pagtitipon na iyon.

Damang-dama na rin niya ang excitement ng mga kamag-aral kaya naman pursigido siya upang maging memorable iyon para sa kanilang lahat.

Subalit sa gitna ng pagiging abala niya ay marami siyang nakakasalubong na kamag-aral na bigla na lamang magtatanong.

"Mase... ano, kakapalan ko na ang mukha ko pero... pwede ba kitang maging partner sa Prom?" tanong ng kaklase nilang babae habang hinihintay ang susunod na guro matapos ang lunch break. Hindi lang ito ang unang nagtanong kay Mason. Marami-rami na ring third year at fourth year students ang lumapit sa kanya.

Tanging tipid na ngiti lamang ang tugong naibibigay niya sa mga nagtatanong.

"Asa ka naman, Vera!" sabat naman ni Aaron. Mabuti na lamang at hindi rin siya iniiwan ng mga ito. Sila kasi ang nagsisilbing taga-sagot niya sa mga nagtatanong. "May partner na si Mase, 'no!"

Sumimangot naman ang kamag-aral nila. "Nagbakasakali lang! Ito naman! Hindi naman masamang magtanong diba?" balik naman ng dalaga bago inirapan si Aaron at nginitian si Mason. "Si Clarisse ba 'yung partner mo?"

"Anong-ako ang partner ni Clarisse! AKO!" pagdidiin ni Aaron. Si Clarisse del Rosario ang tinaguriang pinakamaganda sa mga graduating students. Ito rin ang inilaban nila sa pageant noong nakaraang taon na naipanalo ni Louie Kwok.

"Eh bakit ba ikaw ang sagot nang sagot?" naiirita nang singhal ni Vera dito. "Kitang si Mason ang kausap eh!"

"Kapatid niya 'yung partner ni Mase, okay?" sagot ni Nile.

"EHHH?! SI CHARLIE?!" tila di-makapaniwalang balik-tanong ni Vera at ni Aaron na siyang tahimik na nagpatawa kay Mason.

"Oh, bakit gulat na gulat kayo?" tanong ulit ni Nile sa kanila.

Nagtinginan muna si Vera at Aaron bago nagtanong ang binata. "Akala ko si ano 'yung partner ni-Teka, magga-gown si Charlie?!"

Muling sinagot ni Nile ang tanong nila. "Ang stupid ng tanong mo. Malamang diba? Ano bang tingin mo kay Charlie? Babae din 'yun, tanga."

"Akala ko kasi magta-tux 'yon eh, hahahaha," pabirong tugon ni Aaron kaya binatukan na lang ulit ni Nile ang kaibigan.

Tumingin na lamang si Mason sa labas ng bintana at lihim na natawa. Naalala kasi niya kung paano nagkagulo ang kanilang pamilya nang malaman nilang mandatory ang pagtitipon na iyon. Ibig sabihin, kailangang pumunta ng bunso nilang naka-gown. Sa katunayan, umuwi pa sila Kuya Marcus at Kuya Chino upang mapagplanuhang mabuti ang isusuot ni Charlie. Balak pa ngang pumunta ng buong pamilya sa mall upang tumingin ng gown para sa bunso subalit sinabi naman nitong ang matalik na kaibigan na lang daw ang bahala sa isusuot.

"Tara Vera, tayo nalang ang mag-partner," suhestiyon ni Nile at pumayag na rin lang ang kaklase.

Napatingin si Mason sa kaibigan. Minsan nang nasabi ni Nile sa kanyang nagkakalabuan na ito at ang kasintahang si Mickey. Ayon kay Nile, nahihirapan na daw si Mickaela na kasalukuyang nasa Canada. Hingi nga naman kasi madali ang long distance relationship. Gayunpaman, pinipilit pa rin ng binatang ayusin ang nanganganib na relasyon.

Sa pag-alis ni Vera, siya namang pagdating ni Ray na malapad na naman ang ngiti at may buhat na paperbag.

"Ano na naman 'yang dala mo?" pag-uusisa ni Aaron.

"Gift ko kay idol, pre. Simula ngayon, liligawan ko na siya."

Hindi pa naniwala si Nile at Aaron sa tinurang iyon ng kaibigan hanggang sa ipinabasa na nito sa kanila ang palitan nila ng text message ni Louie. Si Aaron ang malakas na nagbasa ng mga mensahe ni Louie habang si Nile naman ang nagbasa sa mga text ni Ray. Tahimik lamang na nakinig si Mason.

"Idol, pwede bang manligaw sa'yo?" humahagikgik na pagsisimula ni Nile.

"Uminom ka ng gamot mo. Baka sakaling mahimasmasan ka, hahaha," natatawa naman si Aaron habang nagbabasa. "Puhaha! Pre, ayos ah, pati sa text binabara ka!"

"Teka, hindi pa tapos," sabi ni Nile at hinablot nito ang cellphone na nakay Aaron. "Hahaha, ikaw pa lang ang gamot sa nararamdaman ko ey-TAKTE YAN! Ang corny pre!"

"Patingin ng sagot! Ahh... eto! Ehem ehem: Asus, 'yung totoo, Ray? Nakailan ka ngayon? Hahahaha." Tinapik-tapik pa ni Aaron ang balikat ng kaibigan. "Humihithit ka ba ng katol kagabi?"

Inabot ni Nile ang cellphone at muling nagbasa. "Nakailang ano? Haha. First time ko pa lang namang sabihing-PUHAHAHAHA!"

"Ang sama niyong dalawa," angal ni Ray na namumula na ang buong mukha. "Mase, sabihan mo nga sila."

"Ano bang sinabi mo?" panggagatong pa ni Mason at sumimangot na lamang ang kaibigan dahil pinagkakaisahan na naman ito.

Humahangos si Nile bago nagpasyang ipagpatuloy ang pagbabasa. "Fi-first time.. haha... first time ko pa lang namang sabihing... hahaha.. I love you. BAHAHAHAHA!"

"Kawawa naman Mommy mo, di mo pala siya love, awts," muling pagbabasa ni Aaron. "Aw, pare, supalpal ka na naman."

"Lol, onga noh. Smiley. Ang witty mo talaga. Which makes me love you more. HAHAHAHAH! Ang keso! Ang keso mo!" Kumuha ng notebook si Nile at ibinato ito kay Ray na nakangisi bago tinapos ang pagbabasa ng naturang mensahe. "Seryoso pala ako." Kumunot ang noo ni Nile habang pinipindot ang cellphone. "O, hindi naman nag-reply si Louie, pa'no mo nasabing pinayagan ka niyang manligaw?"

"Silence means 'yes'," sagot ni Ray na mas malapad pa ang ngiti. "Kaya naman, Mase," baling nito sa kanya. "Diba Vice mo naman si Sebastian Flores? Pwedeng humingi ng favor?"

---

Hindi pa rin mawari ni Mason kung paano siya napilit ng kaibigan na siya ang maghatid ng unang regalo nito kay Louie. Hindi niya inaasahang gagamitin ng kaibigan ang kanyang koneksiyon sa matalik na kaibigan at kaklase ni Louie na si Chan-Chan upang maging daan sa unang araw ng panliligaw nito sa idol.

Plano raw ni Ray na araw-araw bigyan ng stuffed toy si Louie na ipapaabot sa mga kaibigan upang makita raw kung ano ang expression ng dalaga. Sa katunayan, silang tatlo Nile at Aaron ang nakatoka sa mga susunod na araw. Sa Biyernes na daw personal na magbibigay ng regalo si Ray sa iniirog.

Napatingin si Mason sa relo niya. Malapit nang mag-ring ang bell kaya pinag-iisipan niyang ipabigay ang regalo sa kapatid. Marami na rin kasing napapatingin sa kanya at nagbubulungan dahil sa bitbit niyang Blue Magic na paperbag habang naglalakad papunta sa mga third year classroom.

"Ano yan? Ano yan?" pangungulit ng kapatid nang makita ito sa labas ng classroom...

Kasama si Louie.

Nilapitan siya ng kapatid at kukunin sana ang bitbit na paperbag subalit iniwas ito ni Mason at nilapitan ang kaibigan ng bunso. Bakit pa niya hahagilapin si Chan-Chan kung nasa harap na niya ang pagbibigyan? "Louie," tawag niya bago iniabot ang regalo na kinuha naman ng dalaga.

Dinig na dinig ni Mason ang gulat na paghigop nang hininga ni Charlie. "Hoy Mase! Ano yon?!" Nung hindi umimik si Mason, ibinaling nito ang atensiyon sa matalik na kaibigan. "Anong laman bespren? Patingeeen!"

Tahimik na binuksan naman ni Louie ang naka-stapler na paperbag at kinuha ang kulay light green na stuffed toy mula dito.

"Huwaaaawww... teddy burrr!!!" manghang-manghang sambit ni Charlie na tila nagniningning pa ang mga matang nakatanaw sa manikang oso. "Teka! Bakit mo binigyang ng teddy burr si Louie?"

"Ahhh... s-salamat-" tila nahihiyang sagot naman ni Louie. "B-bakit nga pala-"

"NILILIGAWAN MO BA SIYA?!" malakas na tanong ni Charlie at nanlaki ang mga mata ni Louie na tumingin kay Mason.


Kaya mahinang binatukan ni Mason ang kapatid. "Galing kay Ray 'yan. Sige, alis na 'ko."

"Eehhh?? Galing kay Ray?! Sabihan mo bigyan din ako ng teddy burr! Hehehe, joke lang," pahabol pa ng kapatid bago tuluyang makalayo si Mason upang ibalita sa kaibigang naiabot na ang unang regalo kay Louie.

Seguir leyendo

También te gustarán

5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
Brave Hearts Por HN🥀

Novela Juvenil

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
367K 24.6K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...