The Best Actor + The Drama Qu...

By bttrflyksss_

34.8K 665 264

Paano mo masasabi na totoo na ang ginagawa, pinaparamdam at pinapakita ng isang tao kung sanay naman talaga s... More

The Best Actor + The Drama Queen = LOVE
I. The Drama Queen
II. The Best Actor
III. The Encounter
IV. The Transferees
V. Second Encounter
VI. Vice-President?!
IMPORTANT ANNOUNCEMENT
VII. President Vs. Vice-President
VIII. Audition
IX. Dinner
XI. The Broken-Hearted and The Heartbreaker
XII. Where Do Broken Hearts Go?
XIII. Research
XIV. Getting To Know Each Other
XV. Detention
XVI. Awkward Part I
XVI. Awkward Part II
XVII. Hurting Inside
XVIII. Conscience
XIX. Phone Call
XX. Date
XXI. 30 Minutes
XXII. Closure
XXIII. Cinderella
XXIV. Strange Beat
XXV. Empty
XXVI. Engagement
XXVI. Coincidence
XXVIII. His Promise
XXIX. Nursing Him Part I
XXIX. Nursing Him Part II
XXX. Fruits of Jealousy
XXXI. The Bet
XXXII. Confession
XXXIII. Fears
XXXIV. The Fansclub President
XXXV. Best Birthday Ever
XXXVI. News Flash
XXXVII. P.A.
XXXVIII. The Other Side 1
XXXIX. Drunk
XL. Official (Unedited)
XLI. Practice (Unedited)
XLII. Unexpected Meeting (Unedited)
XLIII. Surprise (Unedited)
XLIV. Glimpse of the Past (Unedited)
XLV. Forgiven (Unedited)
XLVI. Rebound
XLVII. Full Tank
XLVIII. Sh*t Happens (Unedited)
XLIX. The Other Side 2 (Unedited)
L. Rejected
LI. Hug (Unedited)
LII. Sorry (Unedited)
LIII. The Talk (Unedited)
LIV. Kyle Dela Vega (Unedited)
LV. Leaked (Unedited)
LVI. Against the World (Unedited)
LVII. Set Up (Unedited)
LVIII. My Girl (Unedited)
LIX. EKStreme Tower Part 1 (Unedited)
LIX. Space Shuttle Part 2 (Unedited)
LIX. Ferris Wheel Part 3 (Unedited)
LX. Happiness (Unedited)
LXI. The Other Side 3
LXII. Flower of Love (Unedited)
LXIII. Worth It (Unedited)
Will Delete This Part Soon
LXIV. Invitation
LXV. Disaster
LXVI. "Kiss Me"

X. In Like?

616 10 7
By bttrflyksss_

X.                 In Like?

*************************************************************************************

[ CALVIN’S POV ]

“Ilipat mo sa NBA. Malapit ng magsimula ang laro ng Spurs at Miami.” utos sa akin ni Patrick kaya sinunod ko na lang siya

Nakahiga lang kami ni Patrick dito sa may sala namin habang hinihintay ang laro ng Miami.

“Asan na ba si kuya? 8:30 na wala pa rin siya?” tanong ko habang nakatingin sa wall clock

“Baka di pa tapos kumain?” sagot sa akin ni Patrick

“Di pa tapos kumain eh kaninang alas-syete sinabi niyang paalis na siya.” sabi ko

“Yaan mo. Matanda na yun. Di naman siguro siya maliligaw pauwi sa atin.” si Patrick na di nakatingin sa akin

“Nga pala, seryoso ka talaga dun sa nililigawan mo noh?” tanong ko sa kanya

“Oo. Kaya back off dude.” sabi niya sa akin ng seryoso

“Chill bro. Di ko naman aagawin sayo eh. Ano na nga ba ulit ang pangalan nun?” ako

“Dianne Sanchez” sabi niya ng may ngiti sa labi

“Nak ka ng? Tinamaan ka talaga nung batang nakadiaper na may pakpak at may hawak na pana?” ako

May pagkaplayboy din naman si Patrick pero syempre mas lamang ako. *smirk*   Pero mukhang ibang usapan na ata to. Ngayon ko lang siya nakitang nakangiti ng ganyan dahil sa isang babae.

( Calvin on the right side --------------> )

“Siguro nga napana na ako.hahaha” sagot niya

“Mahal mo na?” ako

“Magseseryoso ba ako sa kanya kung hindi ko siya mahal? Utak naman bro.hahaha” siya

“Sige na! Ikaw na matalino satin! Ako naman pinakagwapo.” ako sabay smirk

“Dude di ka ba nabibigatan?” tanong niya sa akin

“Nabibigatan sa alin?” takang tanong ko

“Magbuhat ng sariling bangko?hahaha” siya na tawa pa rin ng tawa

“Ulol! Manahimik ka na nga diyan -__-!” asar na sabi ko

“Asar ka na agad dude?hahaha” siya

Di ko na lang siya pinansin. Bakit ba lagi na lang akong barado sa kanya. Di bale na gwapo naman ako. Nanood na lang kami ng napansin namin na dumating na si kuya.

~la la la la la la la la la~

~la la la la la la la la la~

~la la la la la la la la la~

~la la la la la la la la la~

(tune of Crush by David Archuleta - chorus)

O_O

Nagkatinginan kami ni Patrick at yan ang reaksyon namin. Dahil pagkapasok niya ay naghu-hum siya ng isang kanta at parang tuwang-tuwa pa siya. Ni hindi man lang ata kami napansin ni kuya dahil dire-diretso siyang pumasok sa may kusina.

“Dude, yung kuya mo yun di ba?” tanong sa akin ni Patrick

“Oo? Ata? E-ewan ko. Tara puntahan natin.” ako sabay tayo

Nagtungo ako sa kusina at nakasunod naman sa akin si Patrick. Bago makapasok sa kusina ay naririnig na namin si kuya na naghu-hum pa rin. Nagkatinginan kami ni Patrick.

“Anong nangyari sa kanya? May sumapi bang masamang espiritu sa kanya?” ako

“Bat ako tinatanong mo? Siya kaya tanungin mo?” si Patrick sabay pasok sa kusina

Sumunod din naman ako sa kanya. Nakita ko na umiinom ng tubig si kuya at mukhang di pa rin niya kami napapansin.

“Oh? Nandito pala kayo sa kusina? Kala ko tulog na kayo. Ang tahimik kasi sa may sala nung dumating ako. Bat hindi ko kayo napansin? Kanina pa ba kayo andiyan?” tanong niya sa amin pagkaharap niya

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya. Seriously? May sumapi ba talagang masamang espiritu sa kanya?

“Anong tahimik sa sala. Eh ang lakas na kaya ng volume nung tv natin.” sabi ni Patrick

“Oh? Talaga? Parang wala naman akong narinig kaninang pagpasok ko?” parang nagtatakang tanong niya

“Huy! Wag ka ngang umarte jan kuya. Batuhin kita diyan eh.” ako

“Anong umarte? Eh hindi naman ako umaarte ah?” siya na nakakunot ang noo

“Anong magandang nangyari? Magkwento ka na.” sabi naman ni Patrick saka umupo sa upuan

Napangiti lang si kuya saka umupo. Nagtataka man ay umupo na rin ako. Ano ba talagang nangyari?

[ RENCE’S POV ]

Nang matapos kaming kumain nagpagpasyahan namin ni Nica na magpunta muna sa park bago umuwi. Makalipas ang 20 minutes na pagmamaneho ay nakarating din kami sa park. Bumaba kami at umupo sa may bench.

“Ang ganda naman dito.” sabi ni Nica ng nakangiti at tinitignan ang kabuuan ng park

“Di ka pa ba nakakapunta dito?” tanong ko sa kanya

“Hindi pa eh.” sabi niya ng di nakatingin sa akin

“Bagong lipat ka lang ba dito?” takang tanong ko

“Hindi ah. Dalawang taon na kami dito.” sagot niya

“Matagal na tapos di ka pa nakakapunta? Niloloko mo ako noh?” ako

“Hindi ah. Hindi lang kami palagala. Well, malibang na lang kung nag-aya si Kath.” sagot niya

“‘Kami?’ Sinong tinutukoy mo?” ako

“Si Ange. Siya kasi yung kasama ko nung lumipat kami dito.” Siya

“Bakit ba kayo lumipat?” ako

“Ahh.... kasi... Mas malapit sa school. Oo tama kasi mas malapit sa school.” siya

“Ah ganun ba.” yun na lang ang nasabi ko

Nabalot kami ng katahimikan. Nakaramdam tuloy ako ng awkwardness sa pagitan namin. Wala naman akong maisip na pag-uusapan namin kaya mas pinili ko na lang tumahimik.

“Mahirap bang maging artista?” tanong niya sa akin ng nakatingin

“Oo. Nakakapagod  pero masaya naman.” tipid kong sagot

“Kung ganun lagi pa lang pagod sina Song Joong Ki, Lee Chi Hoon at si Kim Soo Hyun.” sabi niya sa mahinang boses pero rinig ko naman

Matapos yung tanong niyang yun ay wala na ulit nagsalita sa amin. Sino ba yung mga binanggit niya? Wala akong naintindihan sa mga pangalan nila eh. -__-

“Sorry.” sabi niya sa akin

“Para saan?” takang tanong ko

“Nung dati. Yung natapunan kita ng pagkain sa Sweethearts.” sabi niya

“Hayaan mo na yun.” ako

“Sorry din pala.” dugtong ko

“Ha? Para saan?” kunot noong tanong niya

“Sa pagsigaw at pagmura ko sayo.” ako saka napatungo

“Ah yun ba? Ayos lang yun. Sanay na ako.hahaha” sabi niya na nagpa-angat ng ulo ko

“Sanay? Anong sanay ang sinasabi mo.” Ako

“Sanay na akong masigawan at mamura. Lalo na nung nagsisimula pa lang ako. Naku! Ilang kapalpakan ang nagawa ko nun dun sa unang branch ng Sweethearts eh.” siya habang natatawa

“Anong klaseng kapalpakan naman yun?” ako

“Yung iba parang ganun din sa nangyari sayo. Yung iba naman blah blah blah” siya

“hahahahahahahahahahaha” tawa naming dalawa

….

….

….

….

….

“hahahahahahahahahahaha” tawa pa rin naming

“Di-di ko naman si-sinasadya haha yun eh.haha” siya

“Sira ka talaga.hahaha” ako

Kung ano-ano kasing kapalpakan niya yung mga pinagkekwento niya.

“Pero may isa akong sinadya na tapunan talaga.” seryosong sabi niya

“Ha? Bakit? Sino?” ako

“Si Erik. Ex ni Ange. Ang gago eh. Ginawang rebound yung best friend ko. Tsk!” siya

“Alam ba ni Ange? Anong ginawa mo?” ako

“Oo. Nakita rin niya eh at nag-usap sila. Dumaan ako sa gilid nila saka ko tinapon yung soup sa kanya pati dun sa ipinalit niya kay Ange.hahaha” siya

“Wag kang tumawa kung di ka talaga masaya.” bigla kong sabi

“Anong napag-usapan nila?” dugtong ko sa sinabi ko

“Hindi ko alam eh. Hanggang ngayon hindi pa rin niya naoopen ang topic na yun.” siya

“Hay! Nakakaasar kasi eh. Dahil dun sa lalakeng yun kaya nag-iba si Ange. Yung dating madaldal na Ange naging tahimik. Yung palaging nakangiti at tumatawang Ange naging expressionless paminsan-minsan na lang siyang tumawa at kung minsan naman pilit na ngiti lang yung nakikita ko sa kanya.” patuloy na sabi niya na may  lungkot sa boses at sa mata niya

“Bakit ganun kayong mga lalake? Kung hindi rebound iba naman yung ginagawa niyo para masaktan yung mga babae?” tanong niya

“Wag mo namang lahatin. -__-” sabi ko

“Teka nga! Sa akin yang linyang yan ah. Gaya-gaya ka. -__-” sabi niya saka nag-pout

“hahaha naalala mo pa pala.hahaha wag kang mag-pout nagmumukha kang baboy.” sabi ko

“WHAT?” pasigaw na tanong niya

“Ang sabi ko wag kang mag-pout nagmumukha kang baboy.” ako

“BABOY?” siya na pasigaw pa rin

“Aray naman! Kelangan talagang sumigaw?” sabi ko

"Bawiin mo yang sinabi mo kundi malilintikan ka sakin!” banta niya

“Ayoko nga!hahaha” ako na natatawa dahil namumula na siya sa inis

“Ayaw mo ha!” siya sabay sabunot sa akin

“A-aw! A-aray ko naman! Huy!” ako habang pinipigilan yung kamay niya sa pagsabunot sa akin

“Bawiin mo yung sinabi mo!” siya na diniinan pa lalo ang pagsabunot sa akin

“A-aray ko! A-alisin mo muna yung pa-pagkakasabunot mo.” ako

“Bawiin mo muna!” siya

“Oo na! Hi-hindi ka na mukhang ba-boy pag nagpapout ka. So-sorry na.” sabi ko saka ko naramdaman na binitawan na niya ang buhok ko

Napayuko na lang ako at hawak-hawak ko ang ulo ko. Ang sakit naman manabunot ng isang to. Siya pa lang ang nakakasabunot sa akin ah. Ni hindi ko nga pinapahawak ang buhok ko sa kahit kanino eh. -__-

“Uy! Tara na! Iuwi mo na ako.” sabi niya

Di ko siya pinansin. Sumasakit ang ulo ko eh. Ang sakit talaga ng pagkakasabunot niya sa akin.

“U-uy? Ayos ka lang ba?” siya na parang natataranta ang boses

“Ang sakit ng ulo ko. Pakiramdam ko naalisan ako ng maraming buhok. -__-” sabi ko

“OA ka naman. Wala nga akong nakuhang buhok mo eh. Ikaw kasi eh.” sabi niya

“Ako pa may kasalanan? Ikaw nga yung nanabunot diyan eh.” sabi ko

“Kung binawi mo kasi kaagad yung sinabi mo edi di na sana kita sinabunutan.” pangangatwiran niya

“Oo na ako na mali.” ako sabay angat ng tingin medyo nawawala na rin yung sakit ng ulo ko

“Sorry na.” siya

“Tara na.” ako sabay tayo

“Hala! Galit ka? Sorry na nga eh.” siya

“Hindi. Pero gusto ko ng magpahinga.” sabi ko

“Mamaya muna kaya tayo umuwi? Masakit ulo mo di ba? Baka maaksidente tayo.” sabi niya

“OA ka. Dahil lang sa sakit ng ulo maaaksidente agad? Tara na. Malalim na ang gabi.” ako saka nagdiretso na sa sasakyan kaya sumunod na siya

Habang nagmamaneho ako ay tanong siya ng tanong kung masakit pa ba ulo ko. Patingin-tingin rin siya sa akin paminsan-minsan.

“Hindi na ba masakit?” tanong ulit niya

“Ang kulit mo rin Nica ano? Ilang beses ka bang inire ng nanay mo? Ayos na nga ako. Kung di ka pa titigil sa pagtatanong baka yan naman ang maging dahilan ng pagsakit ulit ng ulo ko.” sabi ko sa kanya

“Nakokonsensiya kasi ako eh. Sorry na. Ihinto mo na yung kotse mo pagkatapos ng dalawang bahay.” sabi niya

Tinigil ko na rin naman yung sasakyan pagkalagpas ng dalawang bahay.

“Ah? Gusto mong pumasok?” tanong niya ng makababa na kami

“Ayos lang? Nauuhaw na ako eh makikiinom sana ako.” sabi ko

“Sige. Halika.” sabi niya saka na siya nauna papasok

“Tuloy.” sabi niya ng mabuksan na niya ang bahay

 Nang makapasok na kami ay saka niya binuksan ang ilaw.

“Sandali lang. Ikukuha kita ng tubig. Upo ka muna sa sofa. Feel at home! Switch mo yung tv kung gusto mo.” sabi niya sa akin kaya umupo na ako matapos kong i-switch yung tv

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng apartment. Ayos lang naman. Malinis at komportable ang bahay kasi pang unisex ang mga gamit dito sa loob. May ilang picture frames akong nakita sa side table nila at may tatlong kwarto naman yung bahay.

“Rence, tubig oh.” sabi niya sabay abot sa akin ng isang basong tubig

“Tatlo kayong nakatira dito?” tanong ko

“Hindi. Kami lang dalawa ni Ange dito.” sabi niya

“Ganun ba. Anong oras ba darating si Ange dito?” tanong ko

“Mayang 10:30 pa out niya eh. Saka less than 30 minutes na byahe kaya siguro before 11 andito na rin siya.” sabi niya

“Ah ok.” sabi ko saka na ako tuingin sa tv

“Ah Rence, hindi naman sa pinapaalis na kita pero di ka pa ba uuwi sa inyo?” tanong niya sa akin

“Bakit? Gusto mo na ba akong umuwi?” tanong ko

“Ano bang klaseng tanong yan? Eh kasi late na. Baka mapano ka pa sa daan.” sabi niya

Binalot kami na katahimikan. Ano nga ba namang klaseng tanong yung sinabi ko? Tsk! Di ka na naman nag-iisip Rence. Nag-stay pa ako ng konti sa bahay niya tahimik lang naman kaming nanonood. Maya-maya'y napagpasyahan ko na ring umalis.

“Sige alis na ako. Kaya mo bang mag-isa dito?” tanong ko

“Oo naman.” sabi niya ng nakangiti

Naglakad na kami palabas ng apartment niya.

“Thank you ulit sa paghatid Rence.” sabi niya ng nakangiti

“Wala yun. Saka nag-enjoy naman ako. Sige una na ako.” paalam ko sa kanya habang nakangiti

“Nag-enjoy rin naman ako eh. Bye! Ingat ka sa daan.” siya

“Sige.” sabi ko saka ko na pinaandar yung kotse

[ CALVIN’S POV ]

“Masaya ka na niyan kasi naihatid mo si Nica?” tanong ko

“Jenica ang itawag mo sa kanya yun ang pangalan niya.” sabi sa akin ni kuya habang naka-poker face

“Jenica naman pala eh. Eh bakit Nica sinabi mo?” tanong ko sa kanya

“Gusto ko eh. Pake mo ba?” sagot sakin ni kuya

“Eh gusto ko ring tawagin siyang Nica pake mo?” ako na iniinis siya

“Tigilan mo nga ako. Mag-isip ka ng itatawag sa kanya. Ako lang pwedeng gumamit ng Nica.” sabi niya

“Possesive ka pala dude?” biglang singit ni Patrick

“Di ‘Babe’ na lang ang itatawag ko sa kanya.” sabi ko

“Baka gusto mong masuntok ko yang mukha mo?” banta sa akin ni kuya

“Joke lang naman kuya.hahaha ang sarap mong pagtripan eh. Sige na nga, Jenica na lang itatawag ko sa kanya.” ako

“Tinamaan ka sa kanya ano?” tanong ni Patrick

“Huh?” tanong naman ni kuya

“Ang hina mo kuya. Ang ibig sabihin lang naman ni Patrick eh kung in love ka na sa kanya?” ako

“Hindi. Siguro ‘in like’ pwede pa. Sige! Una na ako, inaantok na ako eh.” siya sabay tayo at tungo sa 2nd floor ng bahay

Nagkatinginan naman kami ni Patrick.

“May nag-eexist bang word na ‘in like’?” tanong ko kay Patrick

“Ewan ko. Pero mukhang ang ibig niyang sabihin ay may gusto siya kay Jenica. Sige! Akyat na rin ako.” sagot ni Patrick

Si Kuya? May gusto sa isang babae? Bago yun ah?

*************************************************************************************

Ansaveh?!

Share your thoughts.. :))

---Mae <333

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 24 34
Naranasan niyo na bang magmahal ng totoo? Yung doon pa talaga sa taong di mo aakalaing mamahalin mo? Naranasan niyo na bang magmahal ng sobra sobra...
579 15 16
Paano nalang kung ‘yung taong mahal mo, mahal din nang kaibigan mo? Itatago mo na lang ba ang nararamdaman mo? Isasakripisyo mo ba ang sarili mong ka...
264 15 16
Is it just enough to say that you love him but your heart says no dahil siya parin ang mahal mo? Tama pa bang mahalin mo siya kahit na alam mong buma...
1K 19 23
Nag mahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Iniwan ka na rin ba? Niloko ka na ba? Kung oo. Alam ko na masakit yun. Masakit. Yung tipong handa mo ipaglaba...
Wattpad App - Unlock exclusive features