Scribbles

By peylaaaaa

273 11 3

Ang mga Tula. bow! More

Tunay na Kaibigan
Ikaw
Akala ko
AlDub You
Kailan Kaya?
---
---
Happy 4th Monthsary, Aldub!
Paano na tayo?
Stars...

Tamang Panahon

16 0 0
By peylaaaaa

Sabi nila lahat ay nasa tamang panahon
Dapat lang matuto mag antay sating pagkakataon
Hindi man sigurado kung ngayon
Pero darating din tayo doon


Hindi natin alam kung kailan ang takdang panahon
Pero tiwala lang dahil baka malapit na ang inaantay nating pagkakataon
Nagsimula man ito sa simpleng ngitian noon
Malay natin dalin tayo sa mas TAMANG PANAHON


Pigilan man tayo ng sandamakmak na kung ano ano
Harangan man nila tayo
Kontrabida man sila sa ating kwento
Wag magaalala kakayanin natin to


Basta magtiwala lang tayo
Wag na wag susuko dahil malayo layo na tayo
Di ko bibitawan ang kamay mo
Ikaw at ako, Kapit lang tayo


Ako'y naniniwala ika'y biyaya
Buhay ko'y binigyan ng saya
Ngiti ay di mawala sa aking mukha
Kaya laking pasalamat na ikay nakilala


Kay tagal ko itong ipinapanalangin
Pag ibig ay dumating sa akin
Sa pagkakataon pa na di ko akalain
Ay ikaw ang binigay niya sa akin


Binigyan kulay ang puso kong lumbay
Ka'y tagal ko itong inaantay
Dumating ang tamang tao sa aking buhay
Ikaw na nga siguro ang kanyang bigay


Kaya sulit ang lahat ng pagaantay
Sa tamang panahon ating kay tagal inantay
Dahil ang Diyos ay sakto magbigay
Kaya ikaw ang God gave me you ang aking buhay


Continue Reading

You'll Also Like

811 183 23
'Noble Heart: Words of Passion' ay isang likhang sining ng mga salita na hinabi mula sa iba't ibang tauhan na isinulat ni Jcena Mortiff. Sa loob nit...
187K 6.6K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
781K 8.3K 52
Highest Rank in Poetry - #1 Minsan. Kailangan mo lang ilabas lahat ng galit. Para naman mabawasan, Ang sa puso'y hinanakit. Ito ay para sa mga taong...