Liham/Letter.

By nyanine

998 13 7

Letter a written, typed, or printed communication, especially one sent in an envelope by mail or messenger... More

Pretty Ugly
We are; You aren't
Paalam sayo
Bid Goodbye

Ngayong araw na ito

403 5 4
By nyanine

Ngayong araw na ito, bumigat ang aking pakiramdam

di dahil sa ulan, di dahil ako'y nagkasakit

meron lang akong dinadamdam.

Ang bigat sa pakiramdam

dahil ni isa'y walang nakakaalam

kung ano ang kalagayan ko

pero kung may magtatanong sakin kung okay lang ba ako ang isasagot ko ay "ayos lang ako."

dahil di ko kayang ilabas ang nararamdaman ko sayo.

Na ikaw ang nagbigay ng sakit na nararanasan ko

ngayong araw na ito.

Di mo alam kung ano napagdaanan ko ngayong araw na ito

at pati ang mga nakalipas nang mga taon.

Pero salamat dahil napapansin mo na umiiba ang emosyon ng mukha ko

Kaya lang, minsan di ko mapigilan ang sakit

at galit

Pero ayos lang, dahil paglipas ng ilang oras ito'y nawawaglit

sa isip ko dahil nakakalimot ako;

sa puso ko dahil napapatawa mo ako.

Pero kahit ganoon ang ginawa mo di mo kayang alisin ang bigat ng pakiramdam ko

na nagsimula na bago pa tayong nagkakilala

at nung napalapit ang loob ko sayo lalo na nung tinuri kitang kaibigang totoo

na ako'y mamahalin mo at laging nandyan tuwing nalulungkot ako at magiging kaakibat ko ng buong buhay ko

hanggang sa dulo.

Pero ito ako nagsususulat ng tula para sayo

para mailabas ang bigat na nararamdaman ko

simula noong araw na iyon

hanggang sa ngayon.

Ka'y tagal ko nang naghahanap ng taong magpapasaya sakin ng lubusan

nung nakilala kita tuwang tuwa na ako

dahil nakakita na rin ako sawakas ng taong matagal ko nang hinahanap

ang isang katulad mo, ang isang tunay na kaibigan.

Kaya lahat ng saloobin ko

nararamdaman ko

problema ko

gayun din ang mga sikreto ko nasabi ko na sa iyo.

Simula nung napapalapit na tayo sa isa't isa

tila biglang nagkaproblema sa ating dalawa.

Ang problema ko noon

na tinatakasan ko dati pa

nawala dahil dumating ka.

Kaso, ang problema ko noon

ay nakahabol na sakin

ngayon.

Di ko alam kung ano nang gagawin ko

dahil wala akong mapagsabihan ng saloobin ko

ng nararamdaman ko

ng problema ko

na nararamdaman ko sa loob ng aking isip at puso

dahil lahat ng iyon

ikaw lamang ang napagsasabihan ko non.

Kaya ngayon di ko na alam ang gagawin ko

para mapagaan ang bigat na nararamdaman ko
ngayong araw na ito.

Nababaliw na ako nang dahil sayo

dahil di ko alam kung ano ang gagawin ko

sa problema nating dalawa.

Humupa na ang galit ko

pagkatapos kong magpalamig ng ulo

handa na akong kumausap sayo.

Pero nung okay na ako,

ikaw naman ngayon ang nagkaganoon

nakadama ng galit

ng sakit

na nababatid ko na noon

na matagal mo na ring tinatago iyon

at ngayong araw na ito

nalaman ko na naranasan mo rin ang bigat ng pakiramdam ko.

Di mo alam ang pinagdaraanan ko

gayun din ako sayo

kaya siguro nagkaproblema tayo

naging ganito at lumala lalo

dahil pinabayaan natin

kasi di natin alam ang ating gagawin.

Kaya bahala na lang kung sino unang kikilos

kung sino mauuna na makikipag ayos

at magsabi ng "patawarin mo ako

sa lahat ng nasabi ko

sa mga nagawa ko

na nagpasakit sa iyo

at bumaklas sa iyong puso

at naipasa ko sayo ang bigat ng pakiramdam ko

kaya ka nagkaganto."

O kung sino ang mauunang bibitaw

sa ating dalawa.

Hanggang dito na lang muna ako

di pa ako tapos at di rin pa tapos ang pagkakaibigan natin.

Dahil naniniwala ako

na magkakaayos din tayo.

Abangan mo ang susunod na susulatin ko para sa iyo

na sana mabasa mo

ngayong araw na ito.

Dahil ang bigat ang pakiramdam ko

nang dahil sa iyo,

nang dahil sa naiisip at nararamdaman ko.

Pero sana mapatawad mo ako

at wag kang lalayo

at aalis sa tabi ko.

Nagmamahal,
ang kaibigan mo










Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 853 47
Story of your soul in your 15 Words. If you give me 15 random words (off the top of your head), I'll make a poetic piece out of it. P.s. Requests are...
1.3K 399 46
Drenched from the blood in my veins, this book speaks of the different aspects of the dark. Catastrophically, the woeful brooks flow through these pa...
10.4K 673 14
Virat: mahi... Please Mahi: cheeku