His BABYsitter (Complete)

By Eilramisu

7.5M 71K 3.5K

On-going revision.... More

Prologue
One
Two
Three
Four
*Private Chapter*
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
*Eleven*
*Twelve*
*Thirteen*
*Fourteen*
*Fifteen*
*Sixteen*
*Seventeen*
*Eighteen*
*Nineteen*
*Twenty*
*Twenty One*
*Twenty Two*
*Twenty Three*
*Twenty Four*
*Twenty Five*
*Twenty Six*
Babysit ~ Twenty Seven
Babysit ~ Twenty Eight
Babysit ~ Twenty Nine
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty
Babysit ~ Thirty One
Babysit ~ Thirty Two
Babysit ~ Thirty Three
Babysit ~ Thirty Four
Babysit ~ Thirty Five
Babysit ~ Thirty Six
Babysit ~ Thirty Seven
Babysit ~ Thirty Eight
Babysit ~ Thirty Nine
Babysit ~ Forty
Babysit ~ Forty One
Babysit ~ Forty Two
Babysit ~ Forty Three
Babysit ~ Forty Four
Babysit ~ Forty Five
Babysit ~ Forty Six
Babysit ~ Forty Seven
Babysit ~ Forty Eight
Babysit ~ Forty Nine
Babysit ~ Fifty
Epilogue

*Special Chapter*

109K 1.1K 145
By Eilramisu

Perfect. Smooth sailing. Happy. It's how I describe my relationship with Xienna. I love her very much. I can sacrifice everything for her. Hindi niya alam na alam ko na ayaw sa kanya ni mommy at daddy. Narinig ko minsan si mommy na kung anu ano ang sinasabi sa kanya. Kinausap ko si mommy tungkol dun. Sinabi kona narinig ko siya. Sinabihan ko siya na hayaan na lang niya ang relasyon namin ni Xienna kasi mahal ko siya. Mahal na mahal. Ganon na nga ang ginagawa ni mommy. Pag magkakaharal kami, hindi niya pinakikitaan ng masama si Xienna.

Nung third monthsary namin, sinurprise niya ko ng isang dinner date sa condo niya. Yun yung time na nagtiis at nagpigil ako dahil nirerespeto ko siya. Gusto kong maramdaman niya na hindi yun ang habol ko sa kanya. Pero sinabi niyang gusto niyang iparamdam sakin na mahal niya ko.

Nung napagtanto ko na hindi na siya pure... napahinto ako nung ginagawa na namin yun. Pero hindi ko pinahalata. Kaya kung tanggapin kung sino siya at kung anu ang nakaraan niya... ganon ko siya kamahal. In the first place, hindi katawan niya ang nagustuhan ko sa kanya. Kundi ang ugali niya. Sweet, thoughtful, understanding, simple and kind.

Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo dahil habang lumilipas ang mga araw, humahaba din ang pagsasama namin. Tumatagal din ang relasyon namin. Wala na nga akong ibang mahihiling pa eh.

Napatino niya si Hannah sa pagrerebelde kay mommy at daddy. Napatigil niya sa mga vices si Hannah. Pero nanumbalik lang yun nung malaman naming lahat na buntis siya dahil inilayo namin siya sa boyfriend niya.

Nagalit ako sa kanya ng sobra... pagkatapos ng lahat, yun lang ang igaganti niya samin. Iniwan niya si Riley sa may damuhan sa garden namin para lang makasama ang boyfriend niya.

Si Xienna ang tumulong sakin sa pag aasikaso kay Riley. Lalo na nung umalis ang parents ko for dad's medication.

Sa higit isang taon, si Xienna ang nakagisnan at nakasama ni Riley. Kahit na busy siya noon sa mga photoshoots niya, hindi pa rin siya nawalan ng time kay Riley kahit na hindi naman niya obligasyon yun.

Halos bumagsak ang pagkatao ko nung pinili niyang umalis para sa offer sa kanya sa France. Sobra kong na-down ang sarili ko nung nga panahon na yun. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit pa kailangan ni Xienna na mangibang bansa. Pwede kong ibigay sa kanya lahat ng kikitain niya sa France ng hindi na siya nagpapagod. Dalawang buwan ko siyang hindi kinausap... lagi ko siyang tinataguan nun. Nalulong ako sa pag ka-Casino. Pampalipas oras lang, para makalimutan ko siya. Nabalitaan ko na lang na umalis na pala siya patungong France.

Sinikap kong kalimutan siya at ituon ang atensyon ko sa company na inihabilin sakin ni daddy. Pakiramdam ko nag tagumpay ako. Hindi ko nga alam na sa tinagal ng relasyon namin ni Xienna... maikling panahon lang ang kinailangan ko para makalimutan siya.

Nangailangan ako ng mag aalaga kay Riley. Umalis kasi ang private nurse niya. Hindi ko na siya pinaintindi pa kina Manang Lucia. Marami na silang ginagawa at matanda na din sila.

Katatapos ko lang maligo... good thing, pupunta dapat ako nun kay Riley para i-check siya. Dun ko nga narinig ang doorbell. Nagmadali ako sa pag bukas ng pinto. Nawala sa isip ko na naka towel lang ako. Kaya napangiti ako sa kawalan.

Naabutan ko ang isang babae na nakatingin sakin... hindi pala, nakatingin pala sa abs ko. Maganda siya... at ang lakas ng sex appeal. Mahihiya na dapat ako sa itsura ko... pero ng dahil sa mga tingin niya sakin, parang pakiramdam ko tumaas ang level ng self-confidence ko. Nakangiti pa rin akong lumapit sa gate para pagbuksan siya. Hindi ko alam kun naka plastered na ba ang mga ngiti ko. Hindi ko kasi maiwasan na maging poker face sa aura niya. Gusto kong tumawa nung nakita ko siya na pinapaypayan ang sarili niya at bigla na lang noyang pinunasan ang baba niya. This girl is titillating.

"Miss. Yung gate." Nakahawak kasi siya sa may gate, baka pagbukas ko bigla siyang sumubsob.

Hindi ko alam kung bakit para siyang bigla na lang napaso na napabitaw sa gate. Sa hiya siguro.

"S-sorry. Ang init pala dito no? Hooo." Hindi ko alam kung bakit siya naiinitan. Medyo malamig pa ang hangin, mag Fe-february pa lang kasi. Natawa na talaga ako sa kanya. There's something about her...

"Haha, hindi naman. Teka, you are?" Gusto kong malaman ang pangalan niya. Basta... gusto ko lang.

"Ciara Maria Elizalde at your service Sir!" Elizalde... hmm, sounds familiar.

"And?" I wanna know something about you that makes my heart jump in excitement, better than knowing your name.

"Nina Lopez recommend me as your new babysitter." ALRIGHT!! Bakit ko nga ba nakalimutan na tumawag sakin si Nina kagabi at sinabing anytime, dadating ang kapalit ni Nurse Rina.

"Ah, ok! Come in." Baka kasi hindi siya maging komportable kung ititiwangwang ko lang ang katawan ko sa labas. Mabuti ng nasa loob kami.

Simula nun, naging panatag na ang loob ko na isang mabuting babae ang mag aalaga kay Riley. Napapadalas ang uwi ko sa galing trabaho dahil nagkaroon ng problema sa shipping.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko gustong gusto ko ng umuwi sa bahay. Kahit hindi na matapos ang inspection sa mga shipping lines. Basta nandun lang ako.

Hanggang sa mangyari ang hindi dapat inaasahan. Nagulat ako sa sarili ko nung gabing yun. Hindi ako naging ganun ka-aggressive kay Xienna. Pero hindi ko kasi maipaliwanag ang naramdam ko kay Ciara nung gabing yun. Kakaiba eh. Sobrang kakaiba. Nalaman ko na virgin pa pala siya. Napahinto nanaman ako... hindi dahil sa nagagalit ako sa sarili ko dahil ako pa ang nakauna sa kanya, na kinuha ko ang iniingatan niya na siguro... sa lalaking mahal niya ibibigay. Pero para kong tanga na gustong magtatatalon, dahil sakin niya ibinigay yun. Kabaliwan na siguro... pero yung ang nararamdaman ko. Hindi ko siya pinilit... kusa niyang ibinigay, at hindi ako ipokrito para hindi matuwa.

Nagsisi ako sa ginawa ko nung gabing yun. Dahil nagising ako na wala na siya sa tabi ko. Hindi ako pumasok nun sa trabaho. Hinanap siya ni Riley... hinahanap din siya ng mga mata ko.

Buti na lang nakapunta na ko sa dati niyang tinitirahan. Nagbaka sakali lang naman ako kung nandun ba siya. Hindi ko alam yung tuwang naramdaman ko nung nalaman ko na nandun pa rin siya.

Ini-increase ko ang sweldo niya para lang bumalik siya. Simula noon, parang nagiging mailal siya. Hindi ko naman siya masisisi. Babae pa rin at gusto ko siyang respetuhin. Kaya binigyan ko din siya ng space.

Ang balak ko, ipasyal si Riley sa Tagaytay... kasama si Ciara. Pero nagbago yun ng dumating si Hannah. Kaya napagdesisyonan ko na mag outing na lang kami. Para at least mawala sa isip ni Riley si Hannah na nagsisisigaw na siya ang mommy niya.

Hindi ko na talaga matiis at gusto ko ng malaman kung anu ba talaga ang nararamdaman ko para kay Ciara. I wanted her to make me realize what's her worth to me. Alam kong kabaliwan, pero mas mababaliw ako kung isasawalang bahala ko na lang yun. Hindi siya pumayag at parang nagalit pa ata. Pero bakit siya tumutugon sa mga halik ko?

Hanggang sa nag walk out siya at nag alala ako ng sobra dahil ang tagal niyang hindi bumalik. Hinanap namin siya ni Riley sa resort, hanggang sa mapunta kami sa may pool area. Sumikip ang dibdib ko nung makita ko na may kausap siyang ibang lalaki. Okay lang na isipin ng lalaki na yun na asawa ako ng babaeng kinakausap niya at anak namin si Riley. Wala akong pakialam. I want her for myself... ONLY! Possessive? Yes. I've never felt this way before... even with Xienna.

Hanggang sa makabalik kami sa Alabang. Hindi niya ko pinapatulog. Bigla na lang siguro napasukan ng hangin ang utak ko at pinasok ko siya sa kwarto niya. I seduced her. Yun na lang ang option ko para mapa-yes ko siya. At nagtagumpay ako.

Isang gabi... nabasa ko ang news sa tabloid. Xienna's back, and she's engaged. Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko nung mga oras na yun. Naisip ko na walang closure... walang formal break up. Nag-iisip ako ng paraan para matapos na ang lahat. Kahit ba na engage na siya. Basta ang gusto ko... closure. Nagkaroon naman ng problema sa cargo. Isang linggo akong balikan sa Batangas Pier para maayos na ang problema na yun.

Nang naging okay na ang lahat, nagkayayaan naman kami nila Jake sa Casino. Pumayag ako, dahil alam ko sa sarili ko na last na yun. Sandali lang akong naglaro. Nandun lang ako sa may bar. Nagulat ako nung bigla may yumakap sa likod ko... pagharap ko, si Xienna.

Dahil okay na nga ako, nagkausap kami. At least, panatag na ko dahil may closure na. Hindi na ko nag react nung bigla akong yakapin ni Xienna. Gumanti na lang din ako ng yakap. Napansin ko na may nakatingin samin. Pagtingin ko sa harapan ko, nakita ko si Nina na nakatingin samin habang nakataas ang kilay. Bumitaw ako kay Xienna sa yakap. Dahil baka kung anu ang isipin ni Nina. Naglalakad siya papuntang direksyon namin. Nagulat ako nung binangga niya si Xienna.

"Oops! May tao pala. Sorry!" Napailing ako sa ginawa ni Nina. Alam ko naman na hindi talaga niya gusto si Xienna. Lalo na ngayon na girlfriend ko ang bestfriend niya.

Nang matapos na kaming mag usap ni Xienna, hinanap agad ng mata ko si Nina. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa nakita niya kanina. Nahanap ko din siya papunta sa way ng powder room. May kausap siya sa cellphone. Medyo kinabahan ako.

Nung humarap siya sa direksyon ko, hindi man lang siya nagulat na nandun ako. Parang ini-expect na niya.

"Nina... s-si Ciara ba yung kausap mo?" I asked her nervously. Baka kasi ma misinterpret niya yung yakapan namin ni Xienna kanina.

"Yes." Diretsong sabi niya.

"Look. Mali ka ng iniisip Nina..."

"Anu ba sa tingin mo ang iniisip ko Hanzen?"

"About me and... Xienna."

"Why? May tinatago ka ba?" Hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan siya maka-react. Bestfriend niya ang pinag-uusapan dito.

"Nina. We're over. Tapus na yung samin ni Xienna. Si Ciara na ang mahal ko... anong sinabi mo sa kanya?"

"Wala naman Hanzen. I just warning her... scared much?" Tumawa siya ng pagak at umalis na.

Nakahinga naman ako ng maluwag nung wala naman sinabi sakin si Ciara. Hanggang sa nakilala ko ang parents niya dahil sa kabaliwan ni Hannah.

Sinabi ni Xienna na mag i-stay siya sa bahay. Pumayag naman ako dahil okay na nga ang lahat between us. Alam kong nag dududa na si Ciara na si Xienna ang ex ko. Ayaw kong makaramdam siya ng selos at insecurity. Kaya itinago ko ang lahat. Pero nalaman pa din niya nung napuno na siguro siya. Gumawa ako ng paraan para hindi siya magalit sakin.

Hanggang sa dumating na nga si Xienna. At pinakisamahan na lang din niya, kahit pilit. Hindi ko alam na ganun ang gagawin ni Xienna. Nung nasa garden... naloko niya ko. Akala ko okay na ang lahat, pero pinaniwala lang niya ko na okay na nga.

Hinalikan niya ko, na ikinagalit ko. Ayaw kong lokohin si Ciara. Ayaw kong magtaksil sa kanya. Kaya napagsalitaan ko si Xienna mg masama.

Nagpaparinig si Ciara tungkol dun sa 'halik' na naganap sa garden. Kung alam ko lang sana... hindi ko dapat hinayaan na makapasok pa si Xienna sa buhay namin ni Ciara.

"Tignan mo ang nangyari Xienna. Hindi man sabihin ni Ciara... pero alam kong nakita niya yung nangyari kagabi." Hinila ko Xienna papunta dito sa living room.

"Bitawan mo nga ako Hanzen. Nasasaktan ako." Pabalya kong binitawan ang braso niya. "Awww!"

"Ang gusto ko... nakaalis ka na dito pag uwi ko. Akala ko ba okay na ang lahat?! Pero ano tong kaguluhang ginagawa mo?"

"Mahal kita Hanzen!! Mahal pa rin kita!! Gusto ko, ikaw pa rin ang kasama kong tumanda."

"Kung dati mo pa yan sinabi, baka matuwa pa ko. Pero iba na ngayon Xienna. Sa sinasabi mo, nanliliit ka sa paningin ko. Kaya kung ako sa'yo, iimpake mo na ang gamit mo at umalis ka na dito."

Lumabas na ko ng bahay at nag drive na. Hindi ko alam na napaparami na pala ang inom ko sa loob ng office ko. Ako na lang siguro ang natitira dito sa building. Gust kong palamigin muna ang ulo ni Ciara. Mag uusap kami pag uwi ko.

Pagkauwi ko, sinalubong agad ako ni Manang Celia. "Hanzen. Umalis si Ciara. Pinasama na muna namin si Riley sa kanya."

"Bakit ho?" Nagpigil akong sumigaw bilang respeto na din kay manang.

Ikinuwento niya sakin lahat ng nangyari. Tuluyan na kong nagalit kay Xienna. Pati si Riley, idinamay niya. Hinanap ko si Ciara. Tinatawagan ko ang cellphone niya, pero hindi niya sinasagot. Nagpunta ako ng hospital. Sinilip ko ang room ni daddy Monchi. Pero wala dun si Ciara. Nag stay lang ako sa loob ng kotse ko na nakapark sa may parking lot ng hospital. Tinatawagan ko si Nina. Salamat at sinagot na din niya.

Nagpunta agad ako dun at sinuyo si Ciara. Naipaliwanag ko na ang lahat. Buti na lang at nagtiwala ulit siya... binigyan niya ko ng second chance.

Excited na ko sa fourth monthsary namin. Pinaghandaan ko talaga yun ng sobra. Tiniis kong wag siyang batiin. Part yun ng surprise ko. Gusto kong mag propose sa kanya. Kinuntsaba ko pa si Nina.

Akala ko okay na ang lahat. Sobrang saya ko na sana nung narinig kong mag ye-yes na dapat siya. Pero naputol ang lahat ng iyon ng dahil sa pekeng video. Isa lang naman ang nasa likod nun... si Xienna. Ang huling beses na may nangyari samin ay nung nag monthsary kami, yun din ang araw na nalaman kong aalis pala siya. Kalokohan ang video na yun. Sinubukan kong ipaliwanag kay Ciara, pero sarado pa ang isip niya para pakinggan ako. Hindi ko siya masisisi. Marami na siyang nasaksihan tungkol samin ni Xienna. At lahat ng yun ay pawang panlilinlang lang samin ni Xienna. Para ngang gusto kong magduda at masuka sa idea na 'minahal ko si Xienna.'

Sa sobrang desperado ko, nagpanggap akong naaksidente nung ayaw na talagang ipaalam sakin ni Nina kung nasan si Ciara. Nakiusap ako kay Jake na tulungan ako. Pumayag naman siya sa plano ko. Siya na daw ang bahala kay Nina. Sobrang saya ko nung nagkaayos kami ni Ciara. Pero gumuho lahat ng yun ng marinig niya ang usapan namin ni Jairon, pinsan ni Jake.

"Hanzen..." Nagulat ako dahil nandito si Xienna sa garden, kasalukuyan kasi akong nag iisip dito sa gazebo. I clenched my fist when she started walking towards me.

"Anung ginagawa mo dito?" Sabi ko sa kanya na hindi ko man lang siya tinignan.

"Gusto ko lang mag sorry." Nakuha niya ang atensyon ko at nakita ko siyang nakayuko.

"It's too late Xienna." Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa kamay.

"Please Hanzen. Sorry! Gusto ko ng itam ang kasalanan ko." Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. Paano niya magagawa yun? Eh wala na si Ciara. Hindi ko na alam kung nasan siya. Kahit si Nina, hindi alam. Nagpunta ako sa bahay nila sa Quezon City. Pero nag bakasyon daw sila at hindi alam kung saan at kung kailan ang balik.

Nakasampung private investigator na ko. Pag wala silang maibigay na info sakin, naghahanap ako ng iba.

"I'll help you to find her." Napatingin ako sa sinabi ni Xienna. Seryoso ba siya?

"Alam mo ba ang sinasabi mo Xienna?"

"Oo, alam ko at sigurado ako. Gusto ko lang maitama ang nagawa ko. Alam kong madami na kong naging kasalanan. Kaya please, trust me."

"Nagpapatawa ka ba? Marami ka na ngang kasalanan, pagkakatiwalaan pa kita."

"I'm dead serious. Na realize ko na mali ako. Na naging selfish ako. Kaya gusto kong makabawi."

"Sige. Tinatanggap ko ang tulong mo." Biglang umangat ng tingin si Xienna. Wala naman sigurong mawawala eh. Desperado na kong makita si Ciara. Mahigit isang buwan na nung huli kaming magkita. Nagtatanong na din si Riley. Hindi ko na alam kung anu ang isasagot ko sa kanya. Iniwanan ko na siya at pumasok na ko sa bahay.

Dalawang linggo na nanaman ang lumipas. Wala pa rin akong makuhang balita kay Ciara. Nag ring ang cellphone ko at agad ko naman sinagot.

"Hanzen. Pupunta ako dyan sa bahay niyo. Nahanap ko na si Ciara." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang lahat ng sistema ko nag function dahil sa sinabi ni Ciara.

Pagkadating ni Xienna tinanong ko kaagad kung san niya nahanap si Ciara.

"Pwede bang pagpahingahin mo muna ako?" Ang sabi lang niya sakin.

"I don't have time for sh!ts, Xienna. Where and how is she?" Hindi ko na napigilan ang pag sigaw ko sa kanya.

"She's in... uhmm, An--R-rizal. Nakita ko siya dun. Sinundan ko siya sa bahay nila nung nakita ko siya."

"What's her exact location, Xienna? Tell me!!"

"Nakiusap siyang wag ko daw ipapaalan sa'yo. Masaya na daw siya sa R-rizal. M-may boyfriend na siya dun. Masaya na siya. S-she's t-two weeks preggy. Kaya sana maging masaya ka na lang din daw sa kanya."

Gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Pero hindi ko pinahalata sa kanya. "Gusto siya kausapin. Gusto kong malaman sa kaniya ang katotohanan."

"Wag mo na kasing ipagpilitan ang gusto mo. Mag move on ka na Hanzen. Dahil si Ciara, masaya na ng wala ka sa buhay niya." Hinigit mo sa braso si Xienna.

"Bawiin mo yang sinabi mo!" Sinigawan ko na siya.

"Hanzen... nandito ako oh! Ako ang magmamahal sa'yo ng totoo. Hindi kita ipagpapalit."

"Shut the fvck up!!"

"Sabit lang naman si Ciara satin eh. Tayo talaga ang dapat na para sa isa't isa. Ngayong wala na si Ciara, ipagpatuloy na natin yung naudlot nating relasyon."

"I SAID SHUT UP!" Hindi ko maiwasang sigawan siya!

"HINDI KA NA MAHAL NI CIARA, HANZEN! GUMISING KA SA KATOTOHANAN." Itinulak ko siya palayo. Dahilan para mapaupo siya sa may bermuda grass. Tinalikuran ko siya at naglakad ako palayo. "WAG KANG MAGTANGA TANGAHAN HANZEN! HINDI KA NA NIYA MAHAL. AKO ANG TOTOONG NAGMAMAHAL SA'YO. MASAYA NA SIYA SA PILING NG IBA!"

Hindi ako maniniwala sa kanya. Si Ciara... kailangan kong makita si Ciara. Gusto ko siya ang magsasabi sakin nun. Gusto ko sa kanya ko mismo marining yung mga sinabi ni Xienna. May tiwala ako kay Ciara na ako mahal niya ko. Nabubulag lang siya sa galit. Mahal ako ni Ciara.

"Mahal niya ko." Kasabay ng bulong ko sa sarili ko ang pagpatak ng luha ko. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita.

Siya lang ang mahal ko at mamahalin ko habang buhay

(c) Eilramisu

Grabe! Nakakaloka ang special chapter na ito. Ke haba haba. Nose bleed ako T___T

Mag comment kayo ah? Para naman worth it. Mwahaha =)) Lapit ng mag 400k reads ang HBs, at dahil yun sa inyo. Kaya nga hinabaan ko na tong chapter na to, PASASALAMAT NA DIN. Dahil lahat na ng remaining chapters, puro kay Ciara na. 

*** Ang mag comment ng bitin... sapakan na! Lol xD 

NOTE: MATATAWAG PA BA SIYANG ON GOING KUNG II-END AGAD? KAYA NGA SIYA BITIN EH, KASI HINDI PA NGA TAPOS. INTINDIHIN NIYO NAMAN PO AKO =))))))))))))))))))))))))) 

LOVE YOU ALL ♥

HAPPY FATHER'S DAY NGA PO PALA KUNG MERON AKONG READERS NA AMA NA. KUNG WALA, EH DI SA MGA PAPA, DADDY, TATAY, DADA, PUDRA, PAPSIE, ERPAT or kung anung tawag niyo sa ama niyo. ♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.4M 34.8K 50
THE BRATTY BITCH. Story of Amber Cyan Walters I've got the best parents, brothers and sister, and I've got the best family pero may kulang di ko maha...
548K 6.3K 25
you've met him by chance. you love him by choice. but he's commited with someone else. is there a chance that you could have him forever? or you'll j...
4.1M 23.3K 107
[on-going- book 2 (nakadugtong po rito so check it out!] [completed- book 1 ] Babala: Mainit! Nakakapaso A story of a man who will find himself in...