Love [HunLi FanFic]

By jullama20

10.2K 561 85

Love? For you it is just a word, But once you felt it? It becomes your everything. - @kaidi_forever More

Characters:
Love #1 Edited
Love #3
Love #4
Love #5
Love #6
Love #7
Love #8
Love #9
Love #10
Love #11
Love #12
Love #13
Love #14
Love #15
Love #16
Love #17
Love #18
Love #19
Love #20
Love #21
Love #22
Love #23
Love #24
Love #25
Love #26
Love #27
Love #28
Love #29
Love #30
Love #31
Love #32 Fast Forward
Love #33
Love #34
Love #35
Love #36
Love #38
Love #39

Love #37

66 6 1
By jullama20

Alyssa's POV

Bakit ganon?

Ginawa ko lang naman yun dahil kahit anong gawin ko hindi ko makuha si Sade.

Masyado na ata akong naging desperada sa mga bagay na ginawa ko.

Sa mga kwentong gawa-gawa ko lang.

Na lahat imahinasyon ko lang... Hanggang ngayon.

/tok tok/

Isang tao lang naman ang kakatok sa pinto ng kwarto ko dahil nagpumilit siyang samahan ako dito sa condo ko.

"Pasok." matamlay na sabi ko sakanya.

Pumasok siya sa kwarto ko at may bitbit na tray.

"Kumain ka muna." sabi niya sakin at inilapag yun sa bedside table ko.

Sa totoo lang kanina pa ko gising pero tinatamad lang ata ako lumabas ng kwarto.

"Dapat hinintay mo nalang ako sa baba." sabi ko sakanya.

"Alam ko namang hindi ka lalabas kaya dinalhan nalang kita." sabi niya at nginitian ako.

It's been a while.

I guess it's time for me to be contented, and live my life without Sade in it.

This is my chance to say my apologies to them especially to Stephanie. And of course to my mom, I disobey her and hurt her feelings. I think she is so disappointed in me and now she's regretting that I am her daughter. Can't blame herㅡthem, I deserve all of this for being cruel... and for being selfish.

But then, may tao paring inaalagaan ako may tao paring nagmamalasakit sakin.

"You know I don't deserve you." sabi ko sakanya. Pero nginitian niya lang ako,

"But you need me. Kahit hindi mo pa sabihin."

Bigla nalang akong napaiyak dahil sakanyaㅡLeo.

"H-hindi naman kailangan e-ehh."

"Sshhh. Ba't bigla bigla ka nalang umiiyak? " sabi niya at sinimulan na niya kong yakapin.

"Y-ou don't need to be l-like this t-to me."

"I love you, okay? I love the both of you. Ginagawa ko to kasi gusto ko. Gusto kitang alagaanㅡkayo." sabi niya habang hinahaplos haplos yung tyan ko.

"I'm sorry! I'm r-really really sorry. Sorry... sorry." sabi ko at niyakap narin siya.

Krystal's POV

"Bakit hindi pa ngayon, ba't bukas pa?" barinong tanong ko kay Mark na nagbabalat ng orange.

"Ganun talaga. Atat mo eh." natatawa tawang sagot niya.

"Tawa ka pa dyan. Ang sabihin mo kaya ayaw mo kong palabasin dito eh may other woman ka na. Hmpp." inis na sabi ko sakanya at humarap sa opposite direction.

"How did--" at humarap siya na parang gulat.

"TINGNAN MO NAAAA!!!"

Sabi na ehh. Meron nga ehh! Huhuhuhuhu! Bakit kasi naaksidente pa kami ehh.

"HAHAHAHA! I'm just joking." lumapit siya sakin at pinunasan yung luha ko dahil sakanya.

ARGGGGHHHHH!!

"Tigilan mo nga ako. Dun ka sa babae mo."  sabi ko at pilit iniiwasan yung mukha niya. Ngiting ngiti pa, wala namang nakakatawa. =____=

Buti nalang nililibot ngayon ni Kendrick si Lian sa hospital kaya hindi niya naririnig yung bangayan namin dito.

"Krys. Alam mo namang kahit puro bangas ka mahal na mahal kita. Kahit may benda ka pa sa ulo mahal na mahal kita. At kahit mukha kang tutang nagtatampo, mahal na mahal kita. Kaya, don't worry." sabi niya at sinubuan ako ng orange.

"At ginawa mo pa talaga kong asho?!" tanong ko sakanya kahit hindi ko pa ubos yung orange.

"Ayaw mo nun? Hindi ko type ang chiks, ang gusto ko tuta at hindi lang basta tuta. Cute na tuta." sabi niya at pinisil ang magkabilang pisnge ko.

Aray ko ang shakeeeettt!!

Itulad ba naman ako sa aso? =___=
-

Sade's POV

Nandito ako sa Leda's. May media interview kami ni Stephanie dahil sa magazine na kami ang cinover.

Hindi pa  nadating si Stepahanie kaya hindi pa kami pinapalabas.

On the way na daw siya.

Dug dug dug.

Shit. Everytime na naiisip o nagkikita kami never nawala yung pagbilis ng tibok ng puso ko, kasi hindi naman nawala yung nararamdaman ko sakanya. Kaya sobrang sakit nung hindi natuloy yung anniversary namin. We broke up before that.

That time I was planning for my surprise, I even consulted to my mom about what do girls like during anniversaries.

But all of those were wasted nung biglang sumulpot si Alyssa saying that I am the father of her child.

Tangang tanga ako sa sarili ko dahil dun. Pakiramdam ko ako yung pinakabobong tao na naturingang gumraduate ng valedictorian. At pakiramdam ko na walang kwenta yung pagpapagamot ko ng mata nung naghiwalay kami.

Maya-maya ay dumating narin si Stephanie.

"Sorry I'm  late." sabi ni Stephanie at sinabit yung bag niya sa door knob ng stock room.

-

"Meron lang kaming huling tanong para sa inyong dalawa. Kung meron kayong gustong gustong sabihin o itanong sa isang tao, ano yun at bakit?" tanong ng isa sa mga media na nasa harapan namin.

"Uhmm. Siguro gusto kong magsorry, sorry kasi hindi ko naipagtanggol ng relasyon namin," tumingin lang ako sa kanya habang nagsasalita ako.

"na sobrang naging duwag ako sa problemang dumating samin. Na nawalan ako ng pag-asa na pwede pang gawan ng paraan and that I could ever win her back again. i doubted us that time. But then nagkakaron na ulit ako ng tiwala sa sarili ko at sa tadhana ko, kaya ngayon gusto kong itanong sakanya kung may pag-asa pa na maibalik yung dating kami, kasi I just thought I'm so helpless and incomplete when I'm not with you. Yun lang salamat." pagkatapos kung sumagot ay sumandal na ko sa upuan ko, pero kahit ganon hindi ako makapag relax dahil si Stephanie na ang sasagot.

"Wahh. That was deep mister Miller." I just smiled.

-

Stephanie's POV

Anong sasabihin ko? Nakatingin lang siya sakin na parang wala siyang balak lumingon sa ibang bagay o lugar. Mas lalo akong kinakabahan.

Kumakabog na nga yung dibdib ko eh >_<

"Ako... Balak ko ring magsorry," tumingin rin ako sakanya gaya ng pagtingin niya sakin. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng media dahil wala silang alam sa personal attachement namin ni Sade.

"kasi just like you wala akong ginawa para ipagtanggol tayong dalawa. I never listened sa version mo and I became blinded dahil sa sinasabi ng iba. I didn't trust you. Sorry. Sorry kasi mahirap nang ibalik kung ano man yung nakasanayan natin noon. Everything has changed. We changed as well. Pero kahit ganyan, sana kumpletuhin natin ang isa't isa, kasi kahit ako pakiramdam ko kulang ako pag wala ka."

Next thing I knew. Yakap na niya ko at sobrang nasisilaw na ko sa flash ng camera ng media.

"Naguguluhan na kami. Pwede bang iexplain niyo kung anong nangyayari?"

"Pwede bang iclarify niyo yung sagot niyo?"

"So ibig sabihin may past relationship kayong dalawa?"

Sunod sunod na tanong ang narinig namin.

"Sorry, we won't answer any more questions. I thought that was the last." sabi ni Sade at nag pack up narin lahat pagkatapos nun.

-

Jazz's POV

Nandito kami sa ospital kasi balak na naming sunduin sina Lian pati na rin si Krystal. Pwede na silang lumabas ng hospital kaya wala na silang dahilan at ayaw narin nila magkaroon ng dahilan para magstay pa doon. ^___^ Sino bang ginustong manatili sa ospital na wala ka namang magawa at ang tanging mararanasan mo lang naman ay boredom? No one, I guess.

"Ma-ma!" cute na sabi ni Pauline. Ang cute cute talaga ng anak ko. Nakakapagsalita na siya ng mga 2 syllabled words kagaya ng mama, papa, eomma, appa, unnie, oppa at mga animals. Oh diba? Sabi nga nila gifted child daw si Pauline kasi wala pa siyang one year old sa November pa pero nakakaimik na siya ng ganun kadaming words.

"Tara." sabi ni Paul at bumaba mula sa driver's seat para pagbuksan kami ng pinto.

Bumaba na kami at pumasok sa ospital.

Kasabay ng pagpasok namin ay ang pagdating ng isang ambulansya.

Daredaretso lang kami sa paglakad nang may marinig kaming pamilyar na boses.

Boses ng buntis na manganganak... Alangan namang majejebs? ^___^

Alyssa.

Ano naman kaya ang nangyari? Sa pagkakaalam ko 7 months palang yung tyan niya. Hindi pa niya kabuwanan ngayon.

Okay lang kaya siya?

Mukha namang nakita ni Paul na nag-aalala ako kaya naman inakbayan niya ko.

Kahit naman masama ugali ni Alyssa alam ko parin yung pakiramdam ng panganganak. Sobrang sakit na parang tinatanggal yung kalahati ng katawan ko. Aish grabe ayoko ng alalahanin pa.

-

"Ate paabot na nga lang to kay Lian. " sabi ni Kendrick sakin habang inaabot ang isang face towel. Nginitian ko lang siya ng nakaloloko at inabit ko na rin kay Lian yung tuwalya.

Naggagayak na sila at tumutulong narin kami.

Si Baby Pauline nadun kasama yung dalawang bangasan. Hahahahaha!

Pagkatapos ng paggagayak namin pumunta muna kami sa canteen para maglugaw manlang.

Kumakalam narin yung sikmura ko kasi hindi ko na nagawang mag-almusal kasi dumaan ako kayna mommy para dalhin yung gamit namin. Dun kasi kami muna magstetay, magkakaroon kasi ng maliit na family reunion dahil 40th anniversary sina mommy at daddy.

-

Kendrick's POV

Nandito ako sa bahay nina ate Jazz.

Dito na kami umuwi galing sa ospital. Maaga pa dahil alas kwatro palang ng hapon.

Pagkatapos dito pupunta na kami sa bahay para sa anniversary nina mommy at daddy.

Kasama narin si Lian at sina Krystal at Mark. Syempre invited lahat ng tropa, pati sina Bernard, Belle, syempre sina Steph at Sade.

"Tubig." biglang inabot sakin ni Lian yung baso na may laman na tubig.

Alangan.

"Sweet. Thankyou." sabi ko at ngumisi sakanya, nakita ko namang namula siya kaya napatawa lang ako ng mahina.

"Sorry sorry. Minsan ka nga lang pala maging sweet." sabi ko at ininom yung tubig ng bigla niya kong binatukan dahilan para maibuga ko yung natitirang tubig sa bibig ko.

"Shut up." sabi niya at inirapan ako.

"Saranghae~" sabi ko at hinalikan siya sa cheeks.

"Tss. Nado, oppa." Namiss ko yung pagtawag niya ng oppa sakin. Itinigil kasi niya yun eh, hindi ko alam kung baket.

Inakbayan ko siya at lumabas kami ng bahay. Biglang namang dumating ang isang sasakyan.

"Magkasama sina Sade at Steph unnie oh." sabi ni Lian at tiningala ako.

Tiningnan kong mabuti yung laman ng sasakyan. Sila ngang dalawa, mukhang ayos na silang dalawa ah.

Pagbaba ni Sade ay umikot pa siya papunta sa kabilang pinto at pinagbuksan si Stephanie.

Okay na nga. Haha!

Pagkalabas ni Stephanie ay agad siyang inakbayan ni Sade.

"Meet again, my girlfriend." nakangiting nakangiting sabi ni Sade habang papalapit samin.

"Congratulations guys." sabi ko sakanila at nakipagkamay sakanila. Ganun din ang ginawa ni Lian.

"Congrats! Sabi ko na nga ba eh. Kayo talaga ang para sa isa't isa." sabi ni Lian.

-

Stephanie's POV

Nadito na kaming lahat sa bahay nina tita Jacky nanay nina Jazz at Kendrick.

Nagkakasiyahan na kami dito sa table namin dahal walang ibang ginawa si Paul kundi magpatawa na sinisigundahan naman nina Dwane at Bernard.

"May poreber ka na talaga." bulong ko sa katabi kong si Luna.

She chuckled.

"Oo nga, akala ko nga future ko na tumandang dalaga. " pagbibiro niya.

"Blooming ka nga eh." sabi ko sakanya.

"Yey thanks. Tingnan mo yang dalawa oh, parang aso't pusa walang tigil sa pagbabangayan. Pero ang sweet nila tignan." bulong sakin ni Luna habang parehas kaming nakatingin sa dalwa ni Krystal at Mark. May semento pa sa kamay si Krystal kaya sinusubuan siya ni Mark pero bago makasubo si Krystal ay aasarin naman ito ni Mark. Jusko pag naging mag-asawa yan puro bangayan yan.

Napatingin ako sa bag ko ng maramdaman kong nagvivibrate yung cellphone ko.

Leo calling...

"Saglit lang guys ha." sabi ko sakanila. Napatingin sakin si Sade and he mouthed. Pasaan ka?

Itinaas ko yung phone ko and mothed Leo. Kumunot yung noo niya saglit pero ngumiti rin siya at tumango.

I answered the call at agad ko siyang narinig na umiiyak.

"Alyssa's gone." sabi niya sa kabilang linya.

"Why? What happened?!" buti nalang nadito ako sa labas ng bahay kundi baka nagpanic narin yung mga kaibigan ko.

"Hindi niya kinaya. M-mas pinili niya yung bata kesa sa sarili niya..." rinig na rinig ko kung pano siya humikbi.

Napalingon naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong niya sakin.

"Alyssa's gone." halatang nagulat siya sa sinabi ko.

Kahit naman nagkaroon ng hindi magandang pangyayari ay naging magkapatid ang turingan nila.

"Everything will be alright Leo. Pinili niyang hindi iligtas ang sarili niya and that what makes her a good mother." sabi ko sakanya.

"Yeah. Salamat, i'll hang up." medyo nahimasmasan na ata siya dahil hindi ko na marinig yung paghikbi niya.

"Be strong." sabi ko at dun na niya binaba yung tawag.

Niyakap ako ni Sade pagkatapos.

-

@Exo_KimDo13 ❤


Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 335K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
305K 32.3K 23
Kim X Jeon (Season I)
3.8K 193 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
2K 154 6
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.