EHS 3: His Sweetest Karma

By missgrainne

3.7M 94.9K 3.9K

Living in an island away from the people and her heart-wrenching past became Hillary's safe haven. Not until... More

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 19

168K 4K 67
By missgrainne

CHAPTER NINETEEN


"TOTOO ba iyong ibinulong mo sa akin kanina?" tanong ni Hillary kay Natalie nang sunduin siya nito sa mall upang ibigay ang mga gamit niya.

"Yes," tipid na sagot nito at hinawakan ang tiyan niya. "Take good care of your child next time."

Yumakap siya sa kaibigan. "Hindi ko alam. Paano na si Axer? Paano kapag nalaman niya?"

"It's your choice kung ipapaalam mo o hindi."

"I want to stay away. Ayaw ko pa siyang makita dahil galit pa rin ako sa ginawa niya." Kumalas siya rito. "Bakit ang sabi ng doktor wala na ang baby ko?"

"Nagkamali sila and I have this feeling na may isang tao na nag-utos na sabihing nakunan ka pero ang totoo, hindi naman," galit na sagot nito. "Hindi naman malala ang pagdurugo mo. Mabuti na lang at nadala ka agad sa ospital ni Axer."

Nagpapasalamat si Hillary dahil naisugod siya agad ng lalaki sa ospital pero galit pa rin talaga siya rito.

"Salamat uli, Natalie. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko kanina nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Para na akong mababaliw."

"Basta umiwas ka na lang sa mga nakaka-stress na bagay at tumawag ka lang kung may problema ka sa bago mong titirhan."

Tumango siya. "Paano na si Axer?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Hindi ko rin alam at ayokong makialam," malamig na sagot nito.

Bumuntong-hininga si Hillary. "Aalis na ako dahil masyadong malayo ang lugar na ibinigay mo," biro niya sa kaibigan.

Ngumiti lang ito. "Mag-iingat ka at ang baby mo."

Naghiwalay sila ng landas dahil babalik sa resort si Natalie para pumunta sa binyag ni Baby Stella. Siya naman ay nagmaneho na papunta sa address na ibinigay ng kaibigan.

Kinaya niyang mabuhay mag-isa at nanganak nang tanging nurse lang ang umaagapay. Paminsan-minsan ay dinadalaw siya ni Natalie at nagpupunta rin siya sa bahay ng daddy niya.

Masaya siya kasama ang anak at sobrang ipinagpapasalamat niya sa Diyos dahil hindi ito kinuha sa kanya.

Pero kahit masaya siya kasama si Ryxer ay parang may kulang pa rin. Hindi kumpleto ang buhay niya kapag hindi kasama ang isang lalaki.

Kapag hindi niya kasama si Axer.



"SWEETHEART..."

Napalunok si Hillary sa sinabi ni Axer. Naaalala na ba nito ang lahat?

"Hillary, tell me. Ikaw ba ang babaeng tinatawag kong sweetheart?!"

Natatakot siyang malaman ni Axer ang totoo. She couldn't afford another heartbreak. Kailan ba sila sasaya?

"Kuya—"

"Please, Elisse, I want to know the truth. Sabihin n'yo sa akin." Muling ibinaling ng lalaki ang tingin sa kanya. "Ikaw... Hillary... ikaw ang babaeng tagaisla na gabi-gabing nagpapahirap sa pagtulog ko at nagpapasakit ng ulo ko?"

Lumapit siya at niyakap ito. Sumubsob siya sa dibdib nito. "I'm sorry."

"B-bakit ka nagso-sorry?"

Umiling siya. Hindi pa siya handa sa kung anuman ang dapat nitong malaman dahil baka hindi siya nito maintindihan.

Naramdaman niyang gumanti ito ng yakap, hindi na alintana na maraming matang nakatingin sa kanila at pinapanood sila.

"I want to rest," bulong nito.

Tumango siya at agad na kinuha ang anak niya kay Mandy. "Kailangan niya nang magpahinga," paalam niya sa mga kaibigan na sinang-ayunan naman ang sinabi niya.

Alam ng mga ito ang tungkol sa anak nila ni Axer dahil ayaw niyang ilihim ang pagkatao ni Ryxer. Tanging si Axer lang ang hindi nakakaalam tungkol sa bagay na iyon.

Agad silang pumasok sa kuwarto nila kanina. Agad din namang humiga si Axer. Itinabi niya ang anak sa ama nito.

"Sabihin mo sa akin kapag sumasakit ang ulo mo, ha," masuyong wika niya at hinaplos pa ang noo ng lalaki.

Tumagilid ito para makaharap ang anak nila. "I only remember a little. Ikaw lang at ang isla."

"Huwag mong pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa talaga kaya. It would take time for you to remember everything."

"Sweetheart."

Hindi niya alam kung tinatawag siya nito o pinag-aaralan ang salitang 'yon.

"Hmm?" she muttered.

"Is that my endearment to you?"

"Yes."

Nakita niyang bahagyang ngumiti si Axer. "Did you like it?"

"Noong una hindi pero noong tumagal, nasanay na rin ako," wika niya na natatawa. Alam naman niya ang mga tanong ng lalaki ay para lang malinawan ito sa mga nangyari sa buhay nito noong mga panahon na hindi pa nawawala ang alaala nito.

"Ano ba ako dati sa iyo?" tanong nito na ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean ano ka sa akin?"

He pursed his lips. "I mean, are we in a relationship?"

Ang alam niya ay hindi sila naging official couple.

Umiling siya. "No."

"Hindi mo ako sinagot?"

"I don't—"

"Niligawan ba kita?"

"You're just sending me flowers and letters."

"Did I do that? Really?" he asked in amusement.

She nodded.

"I never court women."

"I know."

"You did?"

"Yeah, because you are Axer Lance Wilson, the womanizer."

"Hey!" depensa nito.

She chuckled. "It's true." Humiga siya sa tabi ng anak kaya napapagitnaan nila ito. "Pero nagbago ka noong nakilala mo ang babae sa isla."

"Who happened to be you?"

"Yes," mahinang usal niya. "I broke your heart many times."

"Did you do that?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Sshh, lower your voice," saway niya dahil magigising ang anak nila na animo nakikinig sa love story ng mga magulang nito.

"Bakit tayo nagkakilala? Paano?"

"Long story," sagot niya at ipinikit ang mga mata na parang inaalala ang mga pinagdaanan nila.

"Make is short, sweetheart," malambing na wika ni Axer at marahan siyang hinaplos sa braso. "Dali na, ikuwento mo na."

Gusto niyang tulungan ito kahit man lang sa pagkukuwento ng buhay nilang dalawa noon.

"You went outside my house and you're drunk. I thought masamang tao ka—"

"Sa hitsura kong 'to? Napag-isipan mo ako ng ganoon? That hurts."

"Ikaw nga napagkamalan mo akong multo!" Sumimangot siya nang maalala ang pagsigaw-sigaw nito noon na multo raw siya.

"That was funny!" he said, chuckling. "Continue, sweetheart."

Sinupil niya ang nagbabadyang ngiti sa mga labi nang tawagin na naman siya nito sa endearment nila.

"Makulit ka at sunod ka nang sunod sa akin. Lagi mong pinapainit ang ulo ko at pinapakialaman ang mga underwear ko."

Narinig niyang tumawa ito. She missed everything about him. Tila ba nag-e-enjoy itong malaman ang ginagawa nito noon sa kanya.

Pero tatawa pa kaya ito kapag nalaman na nito ang sakit na pinagdaanan nilang dalawa?

"Kuwento ka pa, sweetheart."

"Tomorrow na lang. I'm sleepy na," tanggi niya dahil talagang tinamaan na siya ng antok dahil maaga rin siyang nagising kanina.

Naramdaman niyang bumangon si Axer at bago pa siya magmulat ng mga mata ay nahalikan na siya nito sa mga labi.

"I really want to hug and kiss you kanina pa, pinipigil ko lang ang sarili ko. I don't know why I feel like this, para bang sobrang na-miss kita," sabi nito nang nakanguso.

Feeling niya kaunting araw na lang ay babalik na ang dating Axer na nakilala niya.

"It's okay. Matulog ka na rin."

"I want to hug you."

Hindi niya alam kung request ba iyon o ano. Basta natagpuan na lang niya ang sarili na yakap-yakap ito.

"Can I sleep beside you?"

"You don't need to."

"I want." At mabilis itong humiga at binigyan lang siya ng space katabi si Ryxer.

Sinunod na lang ni Hillary ang gusto ng lalaki. Bahagya pa siyang hinapit nito papalapit at niyakap na para bang mawawala siya sa tabi nito anumang segundo.

"Huwag kang aalis, Hillary," usal nito.

Tumango siya kahit nakapikit na.

"Promise me."

She took a deep breath silently. "Yes, promise nandito pa rin kami paggising mo bukas."

She meant it. Gusto rin niyang naman makasama ang lalaki at gusto niyang mabawasan ang kung anumang nararamdaman nito dahil lang sa kanya.

"Thank you."

Iyon ang gusto niya noon pa, ang makasama ang ama ng anak niya na kukumpleto sa buhay niya.



NAALIMPUNGATAN si Axer sa mahimbing na pagtulog nang may isang bagay na pumatong sa dibdib niya at sumiksik sa katawan niya. He smiled when he saw Hillary sleeping beside him. His eyes went down to Baby Ryxer. Ang gaan-gaan ng loob niya rito. Kung gaano kagaan ang loob niya sa babaeng nakayakap sa kanya ay ganoon din ang nararamdaman niya sa bata na ngayon ay nakayakap sa mommy nito na nakayakap naman sa kanya. Para silang isang perpektong pamilya.

Hinawi niya ang kaunting buhok na tumabing sa magandang mukha ni Hillary at pinagapang ang daliri doon. Simula nang maaksidente siya ay ngayon lang siya nakaramdam na parang wala siyang problema, na parang walang nangyari sa kanya. Ngayon lang din siya nakatulog nang maayos.

"Who are you in my life?" mahinang usal niya.

Naramdaman niyang gumalaw ang babae at nagtaas ng tingin sa kanya. Bago pa siya makangiti ay nauna na ito.

"Hindi ka makatulog?" tanong nito na papikit-pikit pa ang nga mata.

"Nagising lang ako pero matutulog din uli ako mamaya lang. Go back to sleep."

Tumango si Hillary at sa hindi malamang dahilan ay hinalikan na naman niya ito sa mga labi. Alam niyang nawala na ang antok nito dahil sinasagot nito ang bawat halik niya.

Ang saya-saya ng pakiramdam niya. Para talagang miss na miss na niya ang babae na halos ayaw niya nang bitawan ang mga labi nito kung hindi lang nila kailangan ng hangin.

Humilig ito sa dibdib niya. "Sleep, Axer."

"Yes, sweetheart." At muli niya itong niyakap.

He felt complete.

Kung papipiliin siya, parang ayaw na niyang bumalik ang mga nawalang alaala dahil masaya siya ngayon na kasama si Hillary at ang anak nito na pinangarap niyang sana ay anak na lang niya.



"SWEETHEART, Baby Ryxer is crying. I don't know what to do," sumbong ni Axer na karga ang anak nila.

Nasa bahay sila ng lalaki ngayon. Ewan ba ni Hillary kung bakit pumayag siyang doon muna sila mag-stay na mag-ina. Iyon din ang gusto ng mga kaibigan nila para daw mabilis maka-recover si Axer. Dahil ngayon lang daw uli nila nakitang masigla at masaya ito sa nakalipas na dalawang taon.

Naghugas siya ng kamay at pinunasan ng tuyong tela. Kasalukuyan kasi siyang nagluluto. "Akin na baka nagugutom lang."

Ibinigay ni Axer sa kanya ang anak nila na agad namang tumahan nang makarga niya.

"Bakit hindi na siya umiiyak?" maang na tanong nito.

"Nami-miss niya siguro ang amoy ko," she said, chuckling. Hindi sanay ang anak niya na matagal nalalayo sa kanya. Isa pa, silang dalawa lang ang magkasama nitong mga nakalipas na taon.

"How about my smell?" Inamoy ni Axer ang sarili. "Mami-miss niya rin ba?"

Kung hindi lang niya karga ang anak, siguro ay nakurot na niya ang magkabilang pisngi ni Axer dahil ang inosente nito sa paningin niya. Well, noon kasi ay umaarte lang itong inosente kapag may gusto ito pero ngayon ay wala talaga itong alam, lalo na ang tungkol sa kanilang dalawa.

"Yes, baka mamaya paggising niya ikaw naman ang hanapin niya. Siguro napagod lang si baby kasi kanina mo pa siya nilalaro."

Mula kasi nang magising sila, magkasama na ang mag-ama at hindi mapaghiwalay. It seemed that Axer was very fond of children. Pati kasi kay Baby Stella ay nakikipaglaro ito. Kaya madalas kung ano-ano ang hitsura nito dahil kapag ang pamangkin nito ang kalaro ay kung ano-ano ang ginagawa sa mukha at buhok nito. Pero kapag si Ryxer ay puro boys' stuff lang ang ginagawa ng dalawa.

"Let's go to the mall later. Isama natin si Ryxer," aya nito.

"Yes. Mag-grocery na rin tayo dahil mauubos na ang stocks dito sa bahay."

Isang linggo na silang nagsasama at pinag-leave muna ang mga katulong sa bahay dahil na rin sabi ni Axer. Gusto kasi nito na silang tatlo lang ang magkasama at sa mga ito lang ang oras niya.

"Uuwi sina Mommy tomorrow night from States," sabi nito na tiningnan ang niluluto niya at tinikman. "Ang sarap nito, sweetheart."

Hindi niya pinansin ang lalaki dahil binalot na siya ng kaba sa kaalamang mami-meet na niya ang parents nito. Baka magalit ang mga ito sa ginawa niya kay Axer, sa mga sakit na ibinigay niya rito noon dahilan kung bakit wala itong memorya ngayon.

"Hey, you okay?" untag sa kanya ng lalaki.

She blinked and forced a smile. "Yes. Aakyat muna kami sa kuwarto," paalam niya.

"You don't need to be nervous. I think my parents already know about you," pahabol na sigaw nito.

Napilitan siyang lingunin ang lalaki na ngayon lang niya napansin na naka-topless pala at boxer shorts lang. Maganda pa rin at kaakit-akit ang makasalanang katawan nito. Kaya wala pang isang linggo ay sold out na noon ang mga magazine na ito ang cover.

"How did it happen? I haven't met your parents yet."

"Ask my little bratty sister. I'm sure siya ang nagsabi kina Mommy." Nagkibit-balikat si Axer at naglakad papunta sa direksiyon niya.

Bahagya siyang nag-iwas ng tingin dahil nakaramdam siya ng kakaibang init sa loob ng katawan niya nang pasadahan ng mga mata niya ang kabuuan nito.

"Women love my body and I'm very sure you are one of those," mayabang na sabi nito.

Inirapan lang niya ito at naglakad na sila paakyat ng kanyang anak.

"It's not my fault kung nahuhumaling sila sa akin, sweetheart. Ikaw lang naman ang babaeng gustong makita ng mga mata ko."

Hindi niya alam kung binobola ba siya nito o ano, basta napangiti siya.

Inilapag ni Hillary ang anak sa malaking crib. Kinuha niya ang puting tuwalya at ibinigay sa lalaki. "Take a bath. Kanina ka pa pinagpapawisan." Muli niyang tiningnan ang katawan nito na bakas ang malamantikang pawis na nakapagpalunok na naman sa kanya. Matutuyuan na talaga siya ng lalamunan dahil sa kaharap.

"Ikaw rin, sweetheart. Kanina ka pa pinagpapawisan. Let's take a bath... Together." He smiled wickedly.

Hinampas niya ito sa braso at itinulak papasok sa banyo. "Parang mas lalo pang nadagdagan ang kalokohan mo, Axer," sita niya at siya na mismo ang nagsara ng pinto. Narinig pa niya itong tumawa.

His laugh, his smile and his scent, lahat iyon ay na-miss niya. At handa siyang masaktan uli kung iyon lang ang dahilan para makasama niya ang lalaki. Gagawin niya ang lahat, kahit ano pa 'yan basta magkaayos na sila ni Axer. Masyado nang mahaba ang panahong sinayang nila na puro sakit lang ang ibinigay nila sa isa't isa.

This time, siya na ang kikilos para mapasakanya na ito at mabuo na ang pamilya niya.



"SWEETHEART, ready na kami ni baby."

Napatalon si Hillary nang marinig ang boses ni Axer mula sa likuran niya. Wala pang kalahating oras, gising na agad ang anak niya?

She looked at him. "Ginising mo siya." It was not a question; it was a statement.

"Of course, not. Nagising siya when I closed the bathroom door awhile ago," depensa nito. ''Di ba, baby?" tanong pa nito sa anak nila na mukhang naiintindihan na tumango-tango pa at nilaro ang mukha ni Axer.

"Wait for me here. Magbibihis lang ako."

"You don't need to change your clothes. You look fine with that simple dress and I like it." And he winked at her.

Pasimple niyang tiningnan ang sarili at tumango-tango. She was wearing a printed light blue dress above her knee. Medyo lumaki lang ang balakang at ang dibdib niya simula nang manganak siya pero hindi naman siya matabang tingnan. Hot mama 'ika nga.

"Parang kang hindi nanganak, sweetheart. Mukhang lalo ka lang sumeksi." Pinasadahan ni Axer ang buong katawan niya at huminto ang mga mata sa dibdib niya. Kasabay ng pagkislap ng mga mata ay ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi nito. "May isa pa pala tayong bibilhin."

"Ano?" maang na tanong niya.

"Bottle for milk ni Ryxer and maraming milk niya."

"He has a lot."

"'Yong hindi mauubos para hindi na siya mag-breastfeed sa iyo," nakasimangot na sabi nito.

Pati ba naman ang anak nila ay pinagdadamutan ni Axer? Seriously?

"Nag-stop na siya, matagal na. Minsan na lang kapag emergency talaga at isa pa, wala na akong gatas sa dibdib ko."

Kung dati nahihiya siyang pag-usapan ang dibdib niya, ngayon ay hindi na masyado dahil para naman sa anak nila ang ginagawa niya.

"Good." At tumalikod na si Axer. "Para ako naman," he muttered silently, enough for her not to understand it.

"Ha?" Inunahan niya itong maglakad papunta sa driver's seat dahil ayaw niyang mag-drive ito.

"Sweetheart, I can drive."

"Mamaya ikaw naman kapag pauwi."

"No!" mariing tanggi nito at mataman lang siyang tinitigan.

She rolled her eyes and got out of the car. Kinuha niya si Ryxer dito at umikot sa passenger seat. "Bagalan mo lang, Axer."

Tinapunan siya nito ng mabilis na tingin at ngumiti. "Don't worry, hindi ko kaya ipapahamak ni Ryxer. Na-miss ko lang mag-drive."

Malapit lang ang mall sa bahay ni Axer kaya naman nakarating sila agad. Sumasabay lang siya sa paglalakad nito habang tulak-tulak nito ang stroller ng anak nila. It turned her on to see Axer with their child. Pero siguradong marami pa rin ang babaeng mahuhumaling dito kahit pa malaman na may anak na ito.

"Sweetheart, ano dito ang brand ng milk ni baby?" tanong nito sa kanya nang nasa grocery na sila.

"There. Get that brand for one to three years old," turo niya sa mga nakahilerang gatas.

Literal na namilog ang mga mata niya nang halos ubusin nito ang hilerang iyon.

"Hey, it's too much. Aabot na next year iyang mga kinuha mo, Axer," sita niya at pilit ibinabalik ang ibang naka-box at nakalatang gatas na pinagkukuha nito.

Kunot-noo at nakanguso ito nang tingnan siya. "Para hindi na siya mag-breastfeed sa iyo, sweetheart."

Maarte niyang inilagay ang mga daliri sa kanyang noo at dahan-dahang bumuntong-hininga. If only you forgot, Hillary, he's still Axer Lance Wilson, ang lalaking nang-uubos ng pasensiya mo. "Bawasan lang natin, Axer."

Tumango ito at tinulungan siyang magbalik ng sandamakmak na gatas.

"How about his diaper? Bumili na tayo ng marami rin," muli na namang wika nito.

Naglakad pa sila nang kaunti para makakuha ng mga diaper ni Ryxer. Siya na mismo ang kumuha baka kasi kunin na naman ng lalaki lahat ng makita nito.

"Okay na 'to. May bibilhin ka pa ba?" tanong niya habang tsini-check ang mga pinamili nila. Mabuti na lang at kasama niya si Axer dahil hindi niya kayang buhatin lahat 'yon. Kulang na lang kasi ay bilhin ng lalaki ang lahat kahit hindi pa naman kailangan ng anak nila.

"Wala na. Puwede na tayong umuwi, sweetheart, kung gusto mo."

"Mabuti pa nga dahil maglalaba ka pa ng mga damit ni baby."

Kumislap ang mga mata ni Axer. "I know how to wash clothes. Elisse envied me because I know how to do that kind of stuff," proud na proud na wika nito na akala mo isang malaking achievement na ang paglalaba ng mga damit.

"That's good for you. At least magagamit mo na ang skills mo sa paglalaba," sabi niya at pinisil ang isang pisngi nito. "Marami-rami kang lalabhan mamaya." At naglakad na siya papunta sa counter tulak-tulak ang pushcart na punong-puno ng mga pinamili nila.

"Sweetheart, ako na diyan, mabigat iyan. Ikaw na muna dito kay Ryxer."

Mabuti na lang at kaunti ang pila sa counter. Tinaasan niya ng kilay ang mga college student na naroon na napatingin sa kanya, kay Ryxer at sa ama nito na hindi man lang nabawasan ang karisma sa mga babae.

"You seem to be jealous," tukso ni Axer sa kanya.

Masyado bang obvious ang masasamang tingin na ipinupukol niya sa mga pobreng kolehiyala?

Sumiksik siya rito pati ang anak niya. Hindi niya alam kung gusto lang niyang takpan ito sa mga tumitingin dito or she wanted to mark her territory at sabihing, akin ang lalaking ito.

Nataranta yata ang kahera nang makita si Axer kaya naman mabilis nilang nabayaran ang mga pinamili nila. Nagpahatid pa sila sa staff hanggang parking lot para mailagay lahat 'yon sa sasakyan nila.

"Thank you," wika ni Hillary sa staff na tipid lang na ngumiti na para bang nahihiya sa kanya pagkatapos ikarga ang mga pinamili nila sa sasakyan.

Umalis din naman ito agad. Samantalang si Axer ay nasa sasakyan na. Silang mag-ina na lang ang kailangan para makaalis na.

Papasok na sana siya sa sasakyan nang may isang sasakyan na tila nawalan ng kontrol sa bilis ng andar at galing pa sa kasalungat na direksiyon ng daan. She didn't want to risk her son's life, so she stepped away from the car. Pero hindi rin niya kayang i-risk ang buhay ni Axer na ngayon ay walang kaalam-alam na may paparating na humaharurot na sasakyan sa direksiyon nito.

"Axer!" tawag niya para sabihin na umabante ito dahil tatamaan na ang sasakyan!

Pero parang natulos siya sa kinatatayuan nang lumingon sa kanya si Axer, kasabay n'on ay ang pagbangga ng humaharurot na sasakyan sa sasakyan nito at ang pagtilapon ng isa pang motor sa harap nito dahilan para mabasag ang windshield ng sasakyan. Kitang-kita ng mga mata niya na tumama si Axer sa manibela pero wala siyang magawa. Ni hindi siya makapagsalita nang makita ang mga dugo sa mukha nito.

Hindi na niya alam kung paano sila nakalapit ng anak niya sa lalaki.

"H-Hillary..." tawag nito sa kanya at pilit itinataas ang isang kamay para mahawakan siya kaya lang ay naipit ito ng kung anong bagay.

"D-don't move, sweetheart. Please stay still, don't close your eyes," utos niya rito. Hinayaan niyang lumabas ang ilang butil ng luha sa mga mata niya sa sobrang takot at pag-aalala sa maaaring sapitin ng lalaki.

"I w-want to rest, sweetheart. The pain is unbearable." Unti-unting ipinikit ni Axer ang mga mata.

"D-don't! Axer! Help, please!" Karga ang anak at nagpalinga-linga siya na umaasa na may tumulong sa kanila dahil hindi niya alam kung paano alisin si Axer doon. Hindi niya ito kayang makita sa ganoong hitsura.

Muli niyang nilapitan ito nang may mga security guard na napansin ang banggaan.

"They're here. They will help you. Please, Axer... open your eyes, sweetheart."

He forced a little smile. "Kiss me first, Hillary, and say that you love me." Nanatiling nakapikit ang mga mata nito.

Umiling siya kahit hindi siya nito nakikita. "I can't unless bubuksan mo ang mga mata mo."

He chuckled. "Hardheaded." Pilit siya nitong nilingon at binuksan ang mga mata kahit nahihirapan na. "Don't cry, sweetheart. I hate to see you crying."

Tumango si Hillary at pinunasan ng isang kamay ang kanyang mga mata habang ang isang braso ay karga si Ryxer na walang kamuwang-muwang sa nangyayari. "Mahal kita, Axer, mahal kita," sabi niya na pilit pinipigil na huwag mabasag ang boses. Hinawakan niya ang pisngi at hinaplos ang noo nito. "Hindi mo kami iiwan, 'di ba?"

Ngumiti ito. "Mahal kita, Hillary, kaya bakit—ouch!" sigaw nito nang bumagsak ang ibang salamin ng windshield.

"Axer!" natataranta niyang tawag dahil bigla na lang itong pumikit. "Hey, ano ba, huwag mo naman akong takutin nang ganito!" dagdag niya at bahagyang tinapik-tapik ang pisngi nito para magmulat ito ng mga mata.

"Axer!" sigaw niya sa pangalan nito dahil tila ba hindi na siya nito naririnig. Napaiyak na siya nang tuluyan at pilit itong niyayakap.

"Axer, please open your eyes. D-don't leave me, huwag mo kaming iwan ng anak mo," pakiusap niya.

Nanghihinang tinawag niya muli ang pangalan nito. Pati ang anak nila ay umiiyak na rin.

"Axer... open your eyes, please."

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 232K 50
Successful yet snobbish, that's how most people describe the hottie doctor, Howell Banchero. He's determined to continue his family's legacy and just...
5.1M 115K 30
Bago namatay ang kapatid ni Miguel ay ibinilin nito sa kanya ang babaeng nakatakda nitong pakasalan. It took him two years before he finally found th...
7.5M 364K 82
Carter Altaraza is lethal, skilled, and ruthless on the battlefield. But after the war, there are no warriors--there are only survivors. And then Ala...
6.3M 207K 55
Famous for her magnetic beauty, Tatianna attracts men without even trying--one of them being a SeƱorito from the powerful Guerrera family, a man will...