Prince So Charming: The Wicke...

بواسطة HotNovember23

176K 4.4K 942

Talagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe... المزيد

Trailer
Prince So Charming
Chapter 1: The Prince's Come Back
Chapter 2: A Different Prince
Chapter 3: Playful Prince
Chapter 4: Her Other Prince
Chapter 5: Prince and I
Chapter 6: Stuck Between Two Princes
Chapter 7: Talking 'Bout Prince
Chapter 8: The Prince's Fiancée
Chapter 9: Prince Plays With Fire
Chapter 10: The Prince's Game
NOT AN UPDATE.
Chapter 11: Yearning Prince
Chapter 12: A More Princely Rival
Chapter 13: What Prince Feels
Chapter 13.2: Excuses
Chapter 14: Bipolar Prince
Chapter 15: The Pissed, the Prince and the Kiss
Chapter 16: Prince of Seduction
Chapter 17: An Emotional Prince
Chapter 18: She Who Owns the Prince
Chapter 19: Missing Prince
Chapter 20: Losing Prince
Chapter 21: Between Prince and Painful Memories
Chapter 22: Bugged By The Prince
Chapter 23: Frustrated With Prince
Chapter 24: Desperate to Get Prince
Chapter 25.2 Toying Prince
Chapter 26: Being with Prince
Chapter 27: Prince's Surprise (part 1)
Chapter 27: Prince's Surprise (part 2)
A/N, Spoilers, Chorvas
Chapter 28: Just Cindy and Prince
Chapter 29: Prince's Choice
Chapter 30: Betraying Prince (Part 1)
Please Read
Chapter 30: Betraying Prince (Part 2)
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Not an Update. Again?!
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46

Chapter 25: The Prince and the Suffering

2.9K 54 30
بواسطة HotNovember23

Help!!!!

Adik na 'ko sa paggawa ng trailers. Dati ko pa talagang gustong gawan ng trailer sina Cindy at Prince. (Wow, story muna bago trailer, genern?) Anyway, kailangan ko lang ng suggestion para sa casts :)

Korean, Japanese, Taiwanese or Hollywood celebs would do. Any suggestions? Kahit hindi love team. Kahit ramdom lang. Tipong... sinong nai-imagine nyo kapag nagbabasa kayo? Or kung magkakaroon ng adaptation (ang kapal ko!) yung story, sino ang gusto ninyong gumanap? Suggest kayo dali!!!

Mas gusto ko sa female lead ay yung short-haired. Maikli kasi ang buhok ni Cindy...

Suggest kayo ha? Please? Para makagawa ako ng trailer kasi matagal ko na talaga gustong gumawa.

Thanks nga pala sa bumati <3

#TamadMagProofRead

#WattpadPrinceSoCharming


-----

Chapter 25: The Prince and the Suffering


Mataas na ang araw nang makauwi si Prince. Ngunit ni anino ni Cindy ay hindi niya nakita. Inabot ng magdamag ang paghihintay niya rito. Nilamig na siya, nilamok at inantok sa labas ng bahay nito ngunit hindi ito umuwi.

Sinubukan niya rin itong tawagan pero hindi ito sumasagot. Dumating pa sa puntong hindi na niya ito magawang ma-contact. Malamang ay pinatayan siya ng telepono nang hindi siya makaistorbo. Mukhang galit pa rin ito sa nangyari.

Hindi. Higit sa galit, alam niyang dismayado ito sa kanya.

"Papatawarin na sana kita, alam mo ba?"

"Bakit ba ang dali sa 'yong sirain ang tiwala ko?"

"Sa kabila ng ginawa mo, ayokong saktan ka."

Mahal kita. Iyon na lang ang kulang. Kung nagawa nito iyong sabihin, paniguradong sasabog ang puso niya. Ngayon pa lang ay hindi na niya makuhang patawarin ang kanyang sarili. Nasasaktan siya-para kay Cindy. Marami siyang pinagsisisihan.

Dapat hindi siya sumama kay Aurora. Dapat nagpaliwanag siya. Dapat sinundan niya agad si Cindy.

Pero huli na ang lahat.

Umupo siya sa dulo ng kama. Sapo niya ang noo. Napasabunot pa siya sa sarili. Kanina pang sumasakit ang ulo niya. Dala marahil ng puyat. Hindi siya nakatulog kakaantay sa dalaga. Umuwi siya dahil balak niyang matulog kahit sandali. Kailangan niyang pumasok. Umaasa na lang siyang papasok din si Cindy.

Pero hindi nangyari.

Late na siyang dumating sa hotel. Asang-asa siyang mukha nito ang una niyang makikita. Ngunit wala ito. Nang magtanghali, lumakad siya para puntahan ito sa bahay. Hindi niya rin ito natagpuan doon. Sa tingin niya nga'y hindi pa ito umuuwi. Nag-aalala na tuloy siya.

Bumalik na lang siya sa hotel. Marami siyang tinatrabaho—bagay na hindi niya magawang asikasuhing mabuti at walang patid ang pagtakbo ni Cindy sa kanyang isipan.

Sumandal siya sa backrest ng upuan niya. Nakasabit ang batok niya sa tuktok ng sandalan. Nakapikit siyang bumuntong-hininga. Nilalamon siya ng antok. Hindi siya nakatulog nang umuwi siya. Parang gusto niyang umidlip muna.

Gusto niyang malunod sa isang masayang panaginip. Baka kahit doon man lang ay makita niya si Cindy.

Kahit doon lang. Kahit sandali lang.


Nanlaki ang mga mata ni Prince nang makita si Cindy sa labas ng unit niya. Inahon nito ang sarili mula sa pagkakasandal sa pinto.

"Cindy?" rinig niya sa sariling tinig ang pagkamangha. "Anong ginagawa mo rito?"

Mapait itong ngumiti sa kanya. "Bakit? Ayaw mo? Ayaw mong nandito ako?"

Mabilis siyang umiling upang pabulaanan ang hinala nito. Gusto niyang lumapit ngunit hindi niya magawang humakbang. Para bang napako siya sa kinatatayuan at hindi niya maiangat ang alinman sa kanyang mga paa.

Yumuko si Cindy. Gayonman ay nahuli niya pa rin ang pagkagat nito sa pang-ibabang labi. "Madaya ka talaga. Ikaw 'yong may atraso sa 'kin pero ako pa rin ang pumunta sa 'yo."

Marahan siyang tumango. "Hinanap kita. Pinuntahan kita sa apartment mo pero—"

"Galit ako sa 'yo, alam mo ba?"

Agad kumuyom ang kamao niya. Alam niya. Alam na alam niya. Kaya ipinagtataka niya sa sarili kung ano ang pumipigil sa kanyang suyuin ito at hingan ng tawad.

"Hindi ba dapat," malungkot na pagpapatuloy nito, "niyayakap mo 'ko? Dapat kahit ipagtulakan kita, yayakapin mo pa rin ako. Tapos paulit-ulit kang magso-sorry. Sasabihin mo ring lahat gagawin mo mapatawad lang kita. Tulad ng lagi mong ginagawa sa tuwing galit ako sa 'yo. Kaya bakit hindi mo gawin ngayon?"

Hindi siya makasagot. Parehong tanong ang naglalaro sa isipan niya. Gusto niyang yakapin si Cindy, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pakinggan ng katawan niya. Hindi siya makahakbang. Hindi niya magawang lumapit. Ni hindi niya maitaas ang mga kamay upang kabigi't yakapin si Cindy.

"Pagod ka na ba?" tanong pa nito, nangingilid ang mga luha. "Pagod ka nang mag-sorry? Pagod ka nang suyuin ako?"

Hindi. Hindi sa ganon.

Ngayon maging tinig niya'y hindi na niya matagpuan. Nagagawa niyang ibuka ang bibig ngunit walang boses na lumalabas sa kanya. Hindi siya makapagsalita.

"Okay lang." Lumitaw na naman ang mapait na ngiti ng dalaga. Tuluyang gumulong ang mga luha nito. "Ayos lang. Naiintindihan ko. Ako na lang ang gagawa."

Humakbang si Cindy at umakap sa kanya. Nakapulupot sa baywang niya ang kanang braso nito, ang kaliwa'y nakapaikot sa kanyang batok. Dama niya ang init ng pisngi nitong napasandal sa kanyang gumagalaw na dibdib.

Kung boluntaryo lang siguro ang paghinga, maging iyon ay hindi na niya magagawa. Wala na siyang kontrol sa sariling katawan. Tumatambol ang puso niya, lumilipad ang isip. Pero hindi niya pa rin magawang mag-angat ng kamay upang gantihan ang yakap ng dalaga.

"I'm sorry." Isinatinig nito ang mga salitang naglalaro sa kanyang isipan. "I'm sorry, Prince." Patuloy ito sa pag-iyak at wala siyang magawa kundi ang makinig. "Sorry sinaktan kita. Sorry hindi ako nakinig sa 'yo. Sorry ipinagtulakan kita palayo. Sorry hindi kita ipinaglaban. Sorry kasi hindi ko tinanggap dati ang sorry mo. Alam kong galit ka. Kaya naiintindihan ko. Naiintindihan kong gumaganti ka sa 'kin ngayon. Masakit. Pero okay lang. Tatanggapin ko ang lahat ng galit mo. Kung iyon ang paraan para mapatawad mo 'ko sa kasalanan ko. Okay lang. Kahit masakit. Kahit sobrang sakit. Titiisin ko. Kasi mahal na mahal kita, Prince. Mahal na mahal kita."

"Cindy," sa wakas ay nagawa niyang makapagsalita. Kahit mahina lang. Kahit pakiramdam niya'y wala pa ring boses na lumabas mula sa bibig niya.

Humigpit ang yakap ni Cindy sa kanya. Lalo rin nitong isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. "Huwag mo na ulit akong iiwan, Prince. Please."

Tumango siya. Sa wakas ay sinusunod na siya ng kanyang katawan. Nagawa niya na ring gantihan ang yakap nito.

"Tama na, Cindy. Huwag ka nang umiyak. Huwag kang mag-alala, hindi na ulit kita iiwan." Buong pagmamahal niyang hinaplos ang likod nito. Marahan. Paulit-ulit. Gusto niyang ipadama ritong wala na itong dahilan pa para magpatuloy sa pag-iyak.

"Tahan na. Mahal din kita," iyon ang gusto niyang sabihin. Pero hindi niya nagawa.

Bigla kasing umingay. May tunog na lumamon sa mga huling salita niya. Malakas. Istorbo. Tunog ng cellphone niya.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata.

Panaginip?

Kumunot ang noo niya nang maisip na naalimpungatan lang siya. Dismayado siya matapos igala ang tingin sa paligid. Naroon pa rin siya sa opisina. Nakatulog lang siya. At talagang panaginip lang ang lahat.

Pikit-mata siyang bumuntong-hininga. Noon niya lang napansin ang parehong tunog na pumasok sa kanyang panaginip. Nagri-ring nga ang cellphone niya.

Putol na ang tawag nang mabalingan niya ang telepono. Dinampot niya pa rin iyon at tiningnan. Higit sa rumehistrong bilang ng missed calls, mas ikinalaki ng mata niya ang pangalan ng tumawag.

Cindy.

He immediately unlocked his phone and called her back. Her phone started ringing. Once. Twice. Thrice. It rang until he lost count. Then ringing stopped. But no one picked up.

Okay, baka hindi niya hawak 'yong phone.

Sinubukan niya muling tawagan si Cindy. Mukhang tama ang hinala niya dahil sa pagkakataong ito, may sumagot na sa kanya. Isang mahinang boses.

"Prince?"

"Ako nga," may kabang sagot niya. Mas mabilis pa sa kanyang panaginip ang ginagawang pagtakbo ng kanyang puso ngayon. Kinakabahan siya at hindi niya sigurado kung bakit. "Nasaan ka? Nakauwi ka na ba? Sa'n ka nag-stay kagabi?"

"Puntahan mo ako," malayong sagot nito.

Awtomatiko siyang napatayo. "A-Asan ka? Nasa bahay ka na ba? Pupuntahan kita. Nasa'n ka?"

Ngunit wala na siyang nakuhang sagot. Putol na ang tawag. Sinubukan niyang tawagang muli si Cindy. Panay ring lang ang naririnig niya. Nagmadali siyang umalis para puntahan ito sa apartment, nagbaka-sakali siyang naroon na nga ito.

"Cindy?" May himig ng pag-aalala ang tawag niya habang kinakalampag ang bahay nito.

Sumilip siya sa bintana ngunit hindi niya makita ang loob. May kurtina kasi. Ang sigurado niya lang ay bukas ang ilaw sa sala.

Muli siyang sumigaw. Umulit din siya ng katok. Wala pa rin. Kumapa siya sa bulsa para sa susi ng pinto. Mabuti at hindi niya isinauli ang pangalawa niyang kopya.

Itinutok niya ang susi sa doorknob. Kita niya ang panginginig ng sariling kamay. Nangangapa siya sa pagsuot ng susi sa keyhole. Parang mabibitawan niya pa ang hawak.

Pinagpapawisan siya ng malamig. Daig niya pa ang magnanakaw. Parang lalabas ang puso niya sa sobrang kaba. Nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay masusian niya ang busol. Kasing lamig yata niyon ang kamay niya. Agad niyang iginala ang tingin nang makapasok sa loob.

"Cindy?" tawag niyang muli.

Walang sumagot. Ipinagpatuloy niya ang paglakad. Bukas ang pinto ng kwarto. Patay ang ilaw. Mukhang wala ito roon. Pero humakbang pa rin siya palapit.

"Cindy, nandito ka b—"

"Prince?"

Dali-dali siyang napalingon nang marinig ang mahinang boses ni Cindy mula sa likuran. Natagpuan niya nga ito. Nakaupo ito sa sahig, nakasandal sa likod ng sofa, tila nagtatago. Kaya pala hindi niya ito nakita kanina. Nakayakap ito sa magkabilang tuhod habang kaharap ang pares ng wala nang lamang bote ng alak.

Agad niyang nilapitan si Cindy. Mugto ang mga mata nito, magulo ang buhok at amoy-alak. Bakit hindi kung dalawang bote ng extra stong beer ang itinumba nito.

Sinimangutan siya nito. "Bakit ngayon ka lang?"

"Ano—"

"Galit ako sa 'yo, alam mo ba?" putol nito sa pinag-iisipan niyang paliwanag.

Isang marahang tango lang ang nagawa niyang isagot.

"Hindi ba dapat niyayakap mo 'ko? Dapat kahit ipagtulakan kita, yayakapin mo pa rin ako. Tapos paulit-ulit kang magso-sorry. Sasabihin mo ring lahat gagawin mo mapatawad lang kita. Tulad ng lagi mong ginagawa sa tuwing galit ako sa 'yo. Kaya bakit hindi mo gawin ngayon?"

Kumunot ang noo niya. Parehong-pareho ang mga linyang iyon sa sinabi nito sa kanyang panaginip. Ang pinagkaiba lang, walang lungkot sa tinig nito. Sa halip, tila tono ng pagtatampo ang nahimigan niya. Idagdag pa ang simangot nito, para lang itong batang nagagalit dahil hindi pinansin ng kalaro.

"Kapag ginawa ko ba 'yon, magiging ayos na ang lahat?"

Muli siya nitong sinimangutan. "Ayos ka ah? Sapak, gusto mo?"

Napayuko siya sa narinig. Isang ngiting dulot ng sarkasmo ang gumuhit sa kanyang mukha. Bakit nga ba niya naisip ang bagay na iyon? Masyado nang marami ang kasalanan niya para mapatawad nang ganon kadali.

Itinulak siya nito upang bigyang-daan ang sarili. Nais nitong tumayo. Tumayo rin siya. Muntik pa itong mahulog nang makaramdam ng hilo. Gumala ang mga mata nito sa paligid. Sa pakiwari niya'y umiikot ang tingin nito dahil sa kalasingan.

Maagap siya kaya nasalo niya ito. "Okay ka lang?"

Mabilis itong kumalas sa kamay niya. "Huwag mo 'kong hawakan. Alam mo bang nandidiri ako sa 'yo?"

Higit sa pagtulak nito sa kanya, mas nasaktan siya sa winika nito. Pero hindi siya makaalma. May dahilan ito para pandirihan siya.

Marumi siya.

Humakbang ito ngunit huminto ring agad. Napakapit pa ito sa balikat niya; ang isang palad ay nakapatong sa noo. Nakapikit ito, tila may iniindang sakit.

Kinalimutan niya muna ang nauna nitong tinuran. Inalalayan niya ito paupo sa sofa. "Dito ka muna. Ititimpla kita ng kape."

"Tapos ano?"

Katatalikod niya lang nang magsalita ito.

"Ibubuhos mo sa damit ko? Gaganti ka? Tapos bibilhan mo 'ko ng damit? Sige, maganda yan. Pagdating mo, may lalaki na 'kong kasama rito. Nasaan ba ang cellphone ko?" Tumayo ito iginala ang tingin para hanapin ang gadget. "Papuntahin ko kaya si Johan?"

"Cindy!" saway niya rito.

"Oh, bakit? May reklamo ka?" wika nito, nasa hitsura pa rin ang kalasingan. "Bahay ko naman 'to ah. Pwede kong papuntahin dito ang kahit sinong gusto ko."

"Sige, gawin mo," hamon niya. "Gawin mo para patas na tayo."

Ito naman ang natigilan. Lumingon ito sa ibang direksyon, tila napaisip. "Hindi. Ayoko na pala. Sa 'yo patas lang tayo pero paano naman ako? Nasaktan ako eh. Nasaktan ako sa nakita ko. Eh ikaw? Hindi ka masasaktan dahil wala ka namang puso!"

"Huwag mo 'kong insultuhin," sagot niya sa nagpipigil na boses. "Alam mong mahal kita."

"Oo na!" ganting sigaw nito. Parang wala na rito ang tama ng alak. "Ganyan ka magmahal eh. Masakit. Umalis ka na nga. Bakit ka pa ba nagpunta rito?"

"Dahil pinapunta mo 'ko." Iyon lang ang naisip niyang isagot. Hindi niya pa kayang ipagtanggol ang sarili sa paratang nito. May punto si Cindy. Kung susumahin ang lahat ng ginawa niya rito mula nang bumalik siya, masakit nga siyang magmahal.

"Ah, oo." Tumango ito, tila naalala ang ginawang pagtawag sa kanya kanina. "Nasusuka kasi ako kanina kaya naisipan kitang tawagan. Kaso ang tagal mo, umatras tuloy yung suka ko. Sayang, hindi kita nasukahan sa mukha."

"Iyon lang ba talaga?" Nasasaktan man ay gusto niya pa ring makumpirma ang tinuran nito. Baka sakaling magbago ito ng sagot. Baka bawiin nito ang nawika. Baka lang...

"Oo," malupit na tugon ng dalaga. "Iyon lang. Kaya umalis ka na." Naglakad ito palapit. Para itulak siya at muling bigyang-daan ang sarili.

Kuyom ang kamao, isinantabi niya ang nararamdaman. Dahil alam niyang higit pa roon ang iniinda ng kanyang kawawang prinsesa. At handa niyang gawin ang lahat mapawi niya lang ang lahat ng negatibong damdamin nito ngayon.

Ang una niyang naging hakbang ay habulin ito at yakapin mula sa likod. Mahigpit. Puno ng pangungulila.

"I'm sorry."

"Bitiwan mo 'ko."

Halos sabay silang nagsalita. Hindi siya sumunod. Sa halip ay lalo niyang hinigpitan ang akap dito.

"Sorry, Cindy. Alam kong maraming beses na akong nag-sorry sa 'yo kaya hirap ka nang pakinggan ako. Alam ko ring hindi sapat na humingi lang ako sa 'yo ng tawad. Alam kong dapat may gawin ako para mapagbayaran ang kasalanan ko. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Masyado na 'kong maraming nagawang pagkakamali. Kaya hindi ko sigurado kung may paraan pa para paniwalaan mo ulit ako. Pero kung meron man, sabihin mo lang. Lahat gagawin ko, Cindy."

Tumawa lang ito. "Narinig ko na 'yan, Prince. Wala bang bago?"

"Ako," diretsong aniya. "Magbabago na 'ko. Kung kailangan kong ipadukot ang mga mata ko para hindi na 'ko makatingin sa iba, gagawin ko."

Tumawa itong muli. "Sira! Bakit mo naman gagawin 'yon? At lalong bakit ako maniniwala sa 'yo? Eh isa kang talamak na sinungaling! Pagod na 'kong magpauto sa 'yo. Kaya bitiwan mo na 'ko bago pa 'ko lalong magalit sa 'yo."

Pumalag ito sa loob ng bisig niya kaya lalo niyang hinigpitan ang yakap.

"Seryoso ako, Cindy," may diing turan niya. "Mahal na mahal kita. At hindi ko gustong saktan ka. Kaya sorry. Pero maniwala ka, hindi ko 'yon ginustong mangyari. Patawarin mo lang ako pangako ko hinding-hindi na 'ko uulit. Hindi na 'ko magkakamali. Hindi na kita hahayaang masaktan lalo na kung dahil sa 'kin."

"Kapag pinatawad kita?" Tumawa na naman ito saka pilit na kumalas sa yakap niya. Hinarap siya nito. "So, kapag hindi kita pinatawad ngayon, sasaktan mo ulit ako?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi, Cindy. Patawarin mo man ako o hindi, aayusin ko na ang sarili ko. Magbabago na 'ko. Hindi na kita sasaktan. Pangako 'yon."

"Gusto mo ba talagang mapatawad kita?"

"Oo," agarang tugon niya.

"Gagawin mo lahat?" mas mapanghamong tanong nito.

"Oo."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Pwes, maglaro tayo," anito matapos ngumisi nang makabuluhan. "Ang gusto ko hayaan mo 'kong gantihan ka. Pumayag kang ikaw naman ang paglaruan ko."

----

Wait, what? Hindi ito ang gusto kong mangyari... ang balak ko talaga ay yung baliw-baliwan idea ni elise pero masyado palang madrama... at may nagsabi rin na miss na niya yung malditang Cindy. Hmm... pasensya na sa execution. Sa tuwing kasarapan ng pasusulat ay napapahiga na lang ako at nag-iimagine (tamad magtayp) kaya kapag gusto ko nang mag-type, nalilimutan ko na yung mga linyahang nauna kong naisip. Yikes. Sorry for that.

UD? Sorry, ito pa lang ang naisusulat ko. :(



واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...