Haraam (GxG)

By Messiahd

48.3K 2.2K 499

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 13

1.6K 100 50
By Messiahd

Bumalik na naman ang lagnat ni Heather pagsapit ng hapon kahit pinainom ko na siya ng gamot.

"Kung di ka pa gagaling, baka hindi ka makapasok bukas." Saad ko habang inilalabas ang mga pinamili kanina sa grocery.

Nasa sala siya, naka-indian sit sa sofa at may nakaakap na blanket sa katawan habang nanonood ng documentary na kasalukuyang palabas sa TV.

"Anong gusto mong gawin ko? Kausapin 'tong sakit ko na umalis na?"

Hindi ko na lang siya inimikan. Pagkatapos ayusin ang pinamili ay nagpainit ako ng sabaw sa microwave para ibigay sana sa kanya pero namalayan ko na lang na narito na rin siya sa kusina at kinakain na ngayon ang binili kong potato chips na para sa'kin.

"Kaya ka nagkakasakit kasi unhealthy foods kinakain mo."

"Ikaw din naman." Sabi niya kahit may laman ang bibig. "At may sakit ako kasi napilayan nga ako, not because of junk foods."

Nang tumigil ang timer ay inilabas ko ang bowl na may mainit na sabaw mula sa microwave at ibinigay ito sa kanya saka inagaw ang nilalantakan niyang potato chips.

Humila ako ng upuan para saluhan siya sa hapag. "Sa'n mo ba nakuha yang pilay mo?"

Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko o busy siya sa paghigop ng sabaw kaya wala siyang isinagot.

"Kung Muslim ka, ba't wala kang cover sa ulo?" Tanong ko ulit. Hindi ako feeling close gaya niya, curious lang ako.

"Hijab ang tawag do'n." Pagtatama niya. "And it's not necessary for us to wear that thing. Parang sa Christians lang din. Required ba na um-attend kayo sa mass every sunday? Lahat ba kayo nagsisimba? Hindi naman diba? Gano'n din sa'min yung pagsuot ng veil, it's not a religious obligation. Ewan ko ba sa iba, masyadong devoted. Conservative kuno."

Hindi na lang ako nagkomento, ang pinaka-ayaw kong usapan kasi ay ang tungkol sa religion pero bigla ulit akong may naalala tungkol sa kanya.

"Ang mother mo ang Pakistani at siya talaga ang Muslim diba? Sabi mo nag-convert lang yung father mo into Islam para sa mother mo?" Kung sa paksang pinaka-ayaw ko rin lang ang laman ng usapan, gusto kong ituon na lang ito tungkol sa kausap ngayon. Mas intereso kasi ako sa buhay niya.

"Oo, ang tanga 'no? Nag-iba ng religion in the name of love?" At kung makapagsalita parang wala ring galang sa magulang niya. "'Kala ko ‘Love knows no boundaries’, pero bakit may mga taong bigdeal ang pagkakaroon ng differences lalo na sa religion? Diba sabi ‘Love one another’. Bakit sa iba yun ang hindrance?"

"Ewan ko." Wala naman talaga akong masabing komento at gusto kong hayaan lang siyang magsalita habang pinagmamasdan ko ang lahat sa kanya; ang  mukha niya, ekspresyon, galaw...lahat.

"Halimbawa sa isang religion na meron dito sa Pilipinas," Sentimyento ulit niya. "hindi sila pwedeng magpakasal sa hindi nila ka-religion. So, paano yung taong yun na may mahal na kaloliko? Kailangan magpa-convert yung mahal niya sa religion nila para maging sila? Nasa'n ang pagmamahal do'n kung may kondisyon? At paano kung maghihiwalay din pala sila? Edi, naagrabyado pa yung paniniwala no'ng letcheng nagmahal?"

Bukod sa wala akong pakialam sa topic ay talagang wala rin akong masabi sa mga opinyon niya.

"Kaya ikaw, kung nagmahal ng A at isa kang B. Wag mong piliting maging A para lang mapatunayang mahal mo siya. Wag niyong gawing bigdeal ang pagkakaiba niyo sa religion, race, status o sa kahit ano."

"Okay madam." Sagot ko na lang habang pumapapak ng potato chips. "Ano palang ibig sabihin nitong halal?" Tanong ko na naman nang mapansin ang nakatatak sa likod ng plastic nitong kinakain ko.

"A food that is allowed to eat by Muslims."

"Ba't may gan'to pa?"

"Kasi nga maraming bawal kainin ang mga Muslims. Number one na do'n ang pork."

"Bakit?"

Nagkibit-balikat siya. "Kasi daw marumi." At para bang napaisip siya bigla. "Shit. Ang dami ko palang nakaing haram."

"Haram?" Curious kong tanong ulit.

"It means forbidden." Sagot niya. "Contrary to the word 'Halal' which means permissible."

"Marami bang haram sa Islam?"

Muli siyang nagkibit-balikat. "Wag mo na lang alamin, di ka naman Muslim at nakakabanas yang mga religious protocols na yan."

Mahina akong natawa sa huling sinabi niya. Parang tungkol lang din sa rules ng gobyerno ang tinutukoy niya.

"May religion dito na block voters ang members diba? Nakakatawa sila." Nangingiti siyang umiling. "Masyadong masunurin. Ako nga na maraming bawal sa religion, nakakagawa pa rin ng di dapat. Sila kaya? Hindi talaga kumakain ng dinuguan kahit yun na lang ang available at mamamatay na sila sa gutom?"

"Ewan ko pero sila lang daw maliligtas." Natatawang sabi ko.

"Do you know how to swim?"

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Oo, bakit?"

"Baka kasi mag-swimming tayo sa dagat-dagatang apoy. Sila lang pala maliligtas e."

Muli akong natawa. Wala man lang kabanalan sa pananalita niya lalo na't about religion ang pinag-uusapan.

"Ang sama mo." Birong komento ko.

"Because I talk shits about certain religion?" Suminghal siya. "Kesa naman yung banal in public pero demonyita sa kama."

Ubos na ang mga kinakain namin pero hindi ang usapan. Ang daldal talaga niya pag kaming dalawa lang. Kung saan-saan na nadako yung usapan namin. Hindi lang sa religion, pati sa mga conspiracy theories, science, aliens, society at kung ano-ano. Minsan nga hindi ko na siya pinapakinggan, nakatitig na lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya.

Ngayon ay katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ng dinner.

Pinuntahan ko sa sala si Heather para painumin ng gamot. "Wala ka bang balak magpatingin sa doktor?" Naupo ako sa sofa katabi niya.

"Para sa'n pa e nandyan ka naman." Sagot niya matapos uminom at inilagay ang baso sa coffee table.

"Baka na-dislocate yang shoulder mo. Pa'no gagaling yang pilay mo?"

"Basta gagaling din 'to. Ayaw ko sa hospital."

"Bakit?"

"Basta."

Di ko na lang siya kinulit kung bakit. Naisip kong baka takot siya sa doktor or anything na makikita sa hospital.

"Sino nga pala yung kasama mong lalaki sa pavement café?" Pagbabakasakali ko na naman. Ewan ko ba pero interesado talaga akong malaman kung sino ang lalaking yun sa buhay niya.

"Ba't mo ba kasi tinatanong? Type mo? Sorry but he's homosexual."

"Bakla yun?" Di makapaniwalang tanong ko.

"So am I."

Mas hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang yun. "H-hindi ka straight?" Ibig sabihin kagaya siya nila Anica!

Inalis niya ang tingin sa TV at bumaling sa'kin. "Do you think I'm gay just because I don't consider my self straight? Mn, Actually, I don't give my self any label to stick with. Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan?" Saka rin ibinalik ang atensyon sa pinapanood. "I don't consider my self as Muslim, neither Asian nor European, I'm not gay. I'm hundred percent human."

Di ko inaasahang mapangiti. "Pero alien ka para sa'kin."

Saglit siyang napatingin sa taas na para bang nag-iisip. "Di naman malaki ang ulo ko at di ako color green." Alam kong nagbibiro siya.

"Ewan ko sayo." Pero kahit di naman nakakatawa yung sinabi niya, napapangiti pa rin ako. "Pero...kaano-ano mo ba talaga yung lalaki?" Pagbabalik ko ulit sa kaninang tanong.

"Di ka rin naman makulit 'no?"

"Di ka rin naman secretive 'no?"

Umiling siya. "Masyado nga akong open sa'yo e."

"So, sino nga yung lalaki? Alam ko it's non of my business pero--"

"He's a cover boy."

"Cover boy?" Yung sa mga magazines ang unang pumasok sa isip ko.

"At cover girl din niya 'ko."

"Model kayo?"

Bahagya siyang natawa. "No. What I mean is, we're pretending that we're in an intimate relationship. Boyfriend-girlfriend."

"Kunwa-kunwari lang na kayo?"

"Yeah." Saglit siyang lumingon sa'kin. "At kung napansin mo rin na may nagpi-picture sa'min, it's part of our make-up relationship. Gumawa kasi si Rashif ng mga dummy accounts sa social medias na syempre connected sa mga nakakakilala sa'min, do'n niya ilalagay yung mga kunwaring stolen pictures na yun para malaman nilang..." Nagkibit-balikat siya. "alam mo na yun."

"Rashif yung pangalan ng kunwaring boyfriend mo?" Usisa ko. Pagtango lang ang naging sagot niya. "Ba't niyo yun ginagawa?"

"Kasi nga bakla si Rashif pero walang nakakaalam maliban sa'kin. At para totally mapagtakpan ang kabaklaan niya, kailangan niyang ipakita sa iba na may dini-date siyang babae."

"Eh ikaw, nagkagusto ka na ba sa same sex?" Tanong ko na naman.

"Yeah." Muli siyang humarap sa'kin. "I'm looking at her right now."

Continue Reading

You'll Also Like

29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
94.4K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...