Flirty and Twenties

By AshantiEverly

81K 1.4K 43

Love at first sight. Isang pangungusap na ginagawang katawa-tawa ng iilan. Pero, para sa kay Grysa Montecris... More

Buod
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
✍ Updates!

Kabanata 32

2.1K 40 0
By AshantiEverly


Brandon? Will you let me stay with you forever? Will you still let me love you even if you loved another? Will you mock me because of what I feels for you? Lastly, will I win your love?

-Sipi mula sa journal ni Grysa para kay Brabdon

"Ma naman..." ang tanging nasambit na lamang ni Grysa. Anong gagawin niya? Although masaya siya na nandito ang dalawa, magkakaroon naman siya ng problema.

Hindi naman iyan problema kung sasabihin mo na kay Brandon ang totoo.

Napatingin siya sa direksyon ni Brandon.

Kinarga nito si Cathy habang kumakain ng cotton candy ang bata. Parang piniga ang puso niya sa nakikita. They looked perfect. Brandon was holding Cathy like she was the most fragile thing in the world. It was new for her. That look from Brandon.

Don't melt, Grysa. Isipin mo iyong hirap mo sa pagbubuntis. Isipin mo iyong hindi na mabilang na mga beses na tinawag mo ang pangalan niya ngunit hindi siya dumating. Isipin mo iyong mga araw na halos mamatay ka na sa sobrang sama ng pakiramdam mo dahil sa pagbubuntis. Isipin mo ang lahat ng iyon bago ka bumuo ng desisyon na maaring pagsisisihan mo ulit.

Yeah. That's right. Hindi niya dapat kalimutan ang mga bagay na iyon.

"Sige, ma. Pupunta na kami riyan. Goodbye." Ibinalik niya ang cell phone sa bulsa. "Aalis na kami, Brandon."

"Ang bilis naman. Hindi pa kami tapos ni Cathy."

"It's been two hours, Brandon," naiirita niyang wika. Hindi man lang siya nabagot sa loob ng dalawang oras na iyon maging si Cathy. Kitang-kita na ginawa ng lalaki ang lahat ng paraan upang hindi sila mabagot mag-ina. "May emergency. "

"Ihahatid ko na kayo."

"No!" Nagsalubong ang kilay nito. "I mean no," aniya sa mas mahinahong boses. "Inaabala ka na namin. We can handle it. Sasakay na lang kami ng taxi." Kinuha niya rito si Cathy. "Magpaalam ka na kay Tito Brandon, Cathy."

Huminto ito sa pagkain ng cotton candy at ngumisi ng malaki. "Sa susunod ulit, Tito Brandon. Ipasyal mo ulit kami ni Mama."

"Sure, baby. Take care. Both of you." Hinagkan nito ang noo ng bata. Muntik niya itong mabitiwan nang ganoon ang ginawa nito sa kanya.

Nag-init ang magkabila niyang pisngi.

May balak ba itong patayin siya dahil sa malakas na pintig ng puso?

"Until next time, Grysa?" sabi nito na hindi pa rin nilulubayan ang pagkakatitig sa kanya.

Napalunok siya. "I...I don't know. S-sige." Mabilis siyang tumalikod sa lalaki at mabilis na lumakad na parang may humahabol.

MAHIGPIT na yakap ang sinalubong ni Grysa kina Cade at Cameron. Kumalas lang siya sa dalawa nang magreklamo ang mga ito.

"Na-miss kayo ni Mama," maluha-luha niyang wika. Ipinagpasalamat na rin niya na lumuwas ng Maynila ang mama niya at dinala ang dalawang lalaki. Hindi na yata niya kayang muling mawalay sa dalawa.

"Kaya nga kinulit namin si Lola, Mama," pambibida ni Cameron.

"Huwag kang maniwala riyan, Mama. Siya itong iyak nang iyak para makapunta rito," saad ni Cade.

Nanulis ang nguso ni Cameron. Natawa na lang siya. "Panira ka talaga, Cade."

"Cameron, anong sabi ko? Kuya ang itawag mo kay Cade. Mas una siyang lumabas kaysa sa iyo."

"Bakit siya ang nauna? Sana ako. Mas gusto ko na ako ang kuya."

Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Kuya ka naman talaga. Kuya nga ang tawag ni Cathy sa iyo, 'di ba?" mahinahon niyang sabi.

"Gusto ko si Cade rin," pagmamaktol pa nito.

"Para kang bata," turan ni Cade. "Hindi na tayo babies. Big boy na tayo."

"Babies pa naman talaga tayo. Tama naman ako, Mama, 'di ba? Ang bilis sigurong tumanda ni Cade."

"Cameron..."

Agad nitong tinakpan ang bibig. "Oops. Cathy, laro tayo."

Kinuha nito ang kamay ni Cathy at nagtakbuhan na ang dalawa.

"Susundan ko lang ang dalawa. Baka kung saan na iyon magsusuot."

"Salamat, Ma. Mamaya na lang tayo mag-usap."

Tumango lang ito at umalis. Alam na nitong kapag nag-aasal matanda na si Cade, hahanap siya ng paraan upang mapasaya lang ang bata.

Yumuko si Grysa at kinuha ang maliit na kamay ni Cade. "May problema ba ang baby namin?"

Nagsalubong ang kilay nito katulad na katulad ng ginawa ni Brandon kanina. Sa pagitan nina Cameron at Cade, kay Cade niya mas nakikita si Brandon. Hindi lang kasi hitsura ang dahilan kundi maging sa ugali nito.

"Mama, hindi na nga ako baby. Big boy na ako."

"Talaga? Kung big boy ka na, huwag kang magpakarga sa akin."

Naging malikot ang mga mata nito.

Napangiti siya. Paborito ng bata ang kargahin ito.

"Sige na nga. Baby big boy pa lang ako."

"Halika nga rito." Kinarga niya ang bata. Inihilig nito ang ulo sa balikat niya.

May problema nga ito.

"Cade, alam mo namang nakikinig ako sa kung anumang sadabihin mo, 'di ba? Sige na. Ano bang gusto mong sabihin?"

Umupo siya sa sopa. Tinapik-tapik niya ang likod nito.

Katahimikan.

"Sabi ni Lola, dito raw nakatira iyong isa ko pang lola. Gusto ko siyang makita, Mama."

Napahinto siya sa ginagawa. "Sinabi niya iyon? Ano pa?"

"'Di ba kapag nandito iyong isa kong lola, maari ring nandito si Papa?"

Matalinong bata. "Gusto mo bang makita ang papa mo?"

Naramdaman niyang umiling ito. "Ayoko sa kanya. Si Lola lang ang gusto ko. Pwede ba iyon, Mama?"

"Pag-iisipan natin iyan, Cade."

"ANO? Babalik ka na ulit doon sa Mindanao, Ma?" bulalas ni Grysa.

Nanghina siyang napaupo. Ang sabi ng Mama niya, kailangan daw itong umuwi agad dahil may importante itong gagawin. Ayaw namang sabihin kung ano iyon.

"Grysa...nandiyan naman sina Charinda."

"Ma...abala iyong dalawa sa kasal. Paano ako makakapunta sa simbahan kung walang magbabantay kina Cade at Cameron? Hindi ba talaga pwedeng sabay na tayong umuwi?"

"Pasensya na talaga pero hindi pwede. Na-ospital kasi iyong anak ng anak ng kapitbahay natin. Alam mo naman na walang magbabantay sa bata dahil may trabaho iyong magulang. Kung liliban naman ito sa trabaho, ano na lang ang ipapambayad nito sa ospital?"

"Sinong na-ospital, Ma?"

"Itong batang ito. Sinabi ko na kanina. Hindi ka lang nakikinig."

"I'm sure wala kang sinabi. Nakikinig ako sa iyo kanina pa."

Kinuha nito ang bag na pinaglalagyan nito ng mga damit. "Sige na, sige na. Baka mahuli ako sa plight ko."

"Flight, Ma."

"Oo na. Mag-ingat na lang kayo rito. Iyong mga apo ko. Huwag mong pabayaan."

"Ma, sina Cade!"

Tumigil ito at hinarap siya. "Alam mo, Grysa. Para matapos na iyang problema mo, pumunta ka roon sa bahay ng mga bata at sabihin sa kanya ang totoo. Sisiguraduhin kong mapapanatag na ang loob mo. At isa pa. Wala namang problema dahil wala siyang asawa. Ganoon ka rin. Minsan, kailangan nating sumugal ulit para sa pag-ibig. Kung mananalo, tanggapin mo. Kung matalo, tanggapin mo. Ganyan lang kadali."

Naningkit ang mga mata niya. "Saan ni'yo naman narinig ang mga salitang iyon? Sa pagkakaalam ko, hindi ka si Dr. Love."

"Naku. Bakit ko pa hahanapin si Dr. Love kung nandiyan ka?" saad nito saka kumindat at tuluyang umalis.

Kumindat ang mama niya? Kumindat ito! Anong nakain noon?

"Mama! Mama!" Narinig niya ang mga boses sa labas. Bumukas ang pinto at iniluwa ang tatlo. "Saan pupunta si Lola?"

"Uuwi na siya Cathy."

"Tayo? Saan tayo pupunta?"

Tumingin siya kay Cade. "Dadalaw tayo sa isa pa ninyong lola."


Continue Reading

You'll Also Like

94.2K 1.7K 33
Suarez #3 [Completed] "Little do you know, how I'm breaking while you fall asleep." As I sing the first line of the song. Bawat lyrics na aking kinak...
376K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.6K 153 31
(COMPLETED) This story is unedited so sorry for some errors.