Krisha's Point Of View
The time has come.
Heto na.
Heto na.
Waaaaah!
First day of school.
Magkikita kita na naman kami ulit.
Well hindi naman kami nawawalan ng communication sa isa't isa kahit bakasyon pero iba parin yung saya at excitement na mararamdaman mo sa fact na magkakasama kayo ng Barkada mo sa buong school year.
Hay, naalala ko tuloy yung mga pinag gagagawa namin noon.
"Krishaaaa! Anong oras ba sila dadating dito? Maghanda ka na diyan para di na kayo matagalan pa mamaya. Baka malate pa kayo. Matutulog na muna ako ulit, ask Inday if you need something ha? Mag-ingat kayo."
Tama na nga yang pagbabalik tanaw mo Krisha. Sinisigawan ka na ng mama mo oh.
"Sige Ma. Salamat!"
Andito ako ngayon sa kwarto ko, nagsusuklay ng buhok sa harap ng bintana, inaabangan ang pagdating nila.
Time check: 7:02 AM
Asan na ba kasi sila? 7:30 magsisimula yung program para sa first day of school at saka malayo pa yung bahay namin papuntang Marian Academy, Mga 10 minutes na byahe.
Kinuha ko muna yung cellphone ko, umupo sa kama at nag tweet: Goodbye sophomores, hello juniors! #FirstDayHigh
Beeeeppp beeeeeep!
Tumayo agad ako sa pagkakaupo at pumunta sa bintana.
Bumungad naman saakin ang isang magarang sasakyan na may mga gwapo't magagandang nilalang ang lumalabas. Wooh matutuwa sila kapag sinabihan ko sila ng gwapo at magaganda, sorry na lang sila hanggang sa pag-iisip ko lang yun. Haha
Sinimulan ko ng isuot yung bag at rubber shoes ko. Buti na lang talaga pwede pa mag civilian kasi mas comfortable ako sa suot na to.
"Krisha bilisan mo naman!"
"Kriiinnggg! late na talaga tayooo!"
Yes, Kring-Kring yung tawag nila saakin. hindi yung kring ng bells at alarm clock. Yung magandang Kring Haha
Pagkatapos ko itong masuot, agad-agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan namin. Yes, you've red it right. Sasakyan namin, sasakyan ng barkada. Mahirap na kapag magcocommute pa at saka minsan kasi sabay sabay yung lakad ng barkada lalo na kapag gumagala kaya nagpabili na lang kami sa mga parents namin. And luckily, pinayagan naman kami pero may dalawang kondisyon. Una, isang sasakyan lang dapat at pangalawa, dapat hindi ito ang maging dahilan ng pag-aaway-away namin, if ever.
Hindi pa kami pwedeng magdrive kasi wala pa kaming lisensya kaya naghire na lang din yung parents namin ng isang driver. At dun namin nakilala si Tata, ang fun-to-be-with driver ng barkada.
Kung tinatanong niyo if kasya kami sa isang kotse, syempre hindi. Yung iba naman, almost boys, may mga motor na kaya dun na sila sumasakay. Hindi naman mga simpleng motor yun kundi yung mga latest, mamahalin at mga matitibay.
Sumakay agad ako sa kotse. Hindi pa nga ako nakakapag seatbelt eh pinaandar na. Di naman halatang nagmamadali sila.
"7:09 na. Bakit ba kasi ang tagal niyong dumating?" Tanong ko sa kanila.
"To kasing si Tata, nakalimutan na first day of school ngayon. 6:30 na siya bumangon tapos ang lalayo pa ng mga bahay niyo, hay nako!" Sagot naman ni Joan.
Tata lang talaga tawag namin sa kanya. Ayaw niyang tinatawag siyang uncle, manong o kahit kuya pero may anak at asawa na yan.
"Di kasi kayo nagtext na kailangan maaga kayo ngayon kasi first day." pag-angal ni Tata.
"Uhm Ta, actually tinext kita kagabi, mga reason mo talaga luma na! Tsaka sorry naman Joan kung dun pinatayo nila mama yung dreamhouse nila ni papa ha?" Sarkastiko kong sagot.
"Ano kaya mangyayari ngayon? Sana mabuti at magaling magturo yung new adviser natin noh?" Biglang sulpot na tanong ni Charmel.
"Haay namimiss ko tuloy si Ma'am Peews." Sagot ni Erby Kaye.
"Ako din eh. Hay namiss ko na din sina Julia at Chiena. Nagtransfer pa naman daw sila."
Lahat kami napatingin ng seryoso kay Kim dahil sa sinabi niya.
"Seryoso?! Akala ko nagjojoke lang sila noong sinabi nila na magtratransfer sila." makikita ang pagkashock ni Dyanne habang sinasabi niya yun.
"Ako naman alam kong may pagkaseryoso si Chiena sa sinabi niya pero di ko akalain na pati si Julia lilipat. Ayaw na ba talaga nila sa Marian? Haha" komento ni Abe.
"Si Julia may family problem kasi kaya tingin ko yun yung dahilan kung bakit siya nagtransfer. Yun din kasi sabi ni Mama." Lahat naman kami napatingin kay Dyanne.
"Si Chiena naman maraming pamilya dun sa Cebu tsaka andun din yung boyfriend niyang si Ace, diba? Kaya alamss na."
Lahat kami napa "asus" at "alams na" sa sinabi ni Trizia.
Beeeepp beeeeeppp
"Aray ta! Ano ba?" Reklamo ni Marvin.
Eh kasi naman to si Tata, kita at rinig naman niyang seryoso yung usapan namin.
"Oh eh bakit? Ayaw niyong bumaba? Ayaw niyong pumasok o gusto niyong malate?"
Tinignan naman namin ang paligid. Nasa Marian Academy na pala kami. Di man lang namin napansin.
"Ay haha di namin napansin. Sorry ta."
Unang lumabas si Marvin dahil siya ang katabi ni Tata sa driver's seat. At sumunod naman kami.
Saktong pagkababa namin lahat, eh dumating din yung ibang boys na nakamotor kaya hinintay na lang din naming umalis si Tata at ipark nila yung mga motor nila.
"Sige una na ko. Maghihintay ako dito mamayang 11:30 para maihatid ko kayo kung san niyo gusto maglunch."
"Sige Ta. Byeee!" Sigaw naming lahat habang tinitignan siyang magpaharurot.
Nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Nahagip naman agad ng dalawang babae sa likod namin ang paningin ko. Mukha silang may pinag-uusapan na malapit lang sa pwesto nila dahil halata naman sa mga galaw at boses nila. Nakakaintriga tuloy...
"Oh my gosh. Andyan na sila."
"Eh sino ba sila?"
"Ay. Hindi mo sila kilala teh?"
"Sorry naman kung transferee ako ha. Pero infairness, mga cute sila."
"Hindi lang cute, gwapo't magaganda na, mababait, matatalino at nakakatuwa pa sila!"
Napasmile ako sa narinig kong pinag-uusapan ng dalawang babae na nakasunod sa likod namin. Naflatter ako bigla sa sinabi ni Ate. Tingin ko ako lang nakarinig kasi nagkukulitan lang naman yung mga kaibigan ko na walang pakialam na pinagtitinginan na sila.
"7:20 na. 7:30 magsisimula yung program. Diretso na lang tayo sa Marian Academy Hall ha? Sumunod na lang muna tayo sa The Amazing Squad." Narinig kong sabi ulit ng babae sa likod namin.
"Ahh. So sila yung The Amazing Squad na naririnig ko?"
"Yes, sila na nga. Magbarkada na sila for how many years. Wala naman silang fans club dahil mga normal na tao lang din naman sila pero may mga humahanga lang talaga sa kanila at isa na ako dun."
"Bakit The Amazing Squad at bakit mo naman sila hinahangaan?"
"Hinaan mo boses mo girl baka marinig tayo. The title suits naman eh diba? Malalaman mo kapag you'll get to know them more. Ay teka samahan mo na ko sa cr, naiihi na ko."
Napasmile na naman ako. I didn't mean to eavesdrop pero kasi medyo napalakas nila yung boses nila at saka nag oobserve ako sa paligid kaya madali ko silang napagmasdan.
Habang papunta pa lang kami sa hall, nag search muna ako sa google gamit ang phone ko.
Amazing - causing explicit content of amazement.
Squad - group of people that performs similar tasks and have a deep bond.
synonyms: crew, gang, fam, etc.
The girl is right, amazing squad really suits.
Nakakaexcite tuloy kung ano ang mangyayari sa school year na to.
I kinda feel na magiging unforgettable ang school year na to, na magkakaroon ako ng mas maraming memories na worth to be treasured.