Paikot-ikot, Patingin-tingin...

By miko__akihiro

2.6K 285 165

Isang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry]. More

PAUNANG SALITA
TULA 1: Paikot-ikot, Patingin-tingin
TULA 2: Lumapit-lapit, Lumayo-layo
TULA 3: Sumunod-sunod, Huminto-hinto
TULA 4: Ngumiti-ngiti, Umiyak-iyak
TULA 5: Bumalik-balik, Inisip-isip
TULA 6: Pasulyap-sulyap, Paligoy-ligoy
TULA 7: Sumabay-sabay, Hinatid-hatid
TULA 8: Nanligaw-ligaw, Umayaw-ayaw
TULA 9: Tinulak-tulak, Niyakap-yakap
TULA 10: Pare-pareho, Panga-pangako
TULA 11: Pinaglaban-laban, Binitaw-bitawan
TULA 13: Umuulit-ulit, Sumasakit-sakit
TULA 14: Move on-move on, Holding-holding on
TULA 15: Palakad-lakad, Palayo-layo
TULA 16: Nasawi-sawi, Ngumiti-ngiti
TULA 17: Tumatamis-tamis, Pumapait-pait
TULA 18: Papalit-palit, Palipat-lipat
TULA 19: Humiling-hiling, Umasa-asa
TULA 20: Hinaya-hayaan, Dinamay-damayan
TULA 21: Nauupos-upos, Nauubos-ubos
TULA 22: Pabalik-balik, Kumakapit-kapit
TULA 23: Umiwas-iwas, Nagtagpo-tagpo
TULA 24: Binalik-balikan, Inayaw-ayawan
TULA 25: Nalito-lito, Lumayo-layo
TULA 26: Nalimot-limot, Naglaho-laho
TULA 27: Pinigil-pigilan, Pinayag-payagan
TULA 28: Luminga-linga, Nag-abang-abang
TULA 29: Niyakap-yakap, Hinalik-halikan
TULA 30: Nawasak-wasak, Nakumple-kumpleto
PASASALAMAT

TULA 12: Kinalimut-limutan, Nahihirap-hirapan

54 8 10
By miko__akihiro

Ilang beses

na sinubukan kong

kalimutan siya

Pero bakit

nakadikit

na parang glue

ang mga alaala niya

sa isip at puso ko?


Hindi naman siya multo

Pero bakit kahit saan ako tumingin

siya ang nakikita ko?

Ano bang mayroon

ang isang tulad niya?

Bakit hindi ko magawang

kalimutan siya?


May namataan akong

isang nakatalikod na dalaga

Nang nilapitan ko

nalaman ko

na hindi pala siya

Ako lang pala

ay namamalikmata


Lagi ko siyang naaalala

Bakit ba?

Ayaw ko na sana

Pero sa isip at puso ko

hindi siya mabura

Ako'y nahihirapan na


Nahihirapan ako

dahil wala siya sa tabi ko

Nahihirapan ako

dahil hindi ko siya maialis

sa alaala ko

Lalong-lalo na

sa aking puso


Para akong sirang plaka

Paulit-ulit ang mga salita

Para akong sira

Parang palaka

Parang sirang plakang palaka

Kokak nang kokak

Tugtog nang tugtog

Tungkol sa isip ko

na siya lang ang alam

Tungkol sa puso ko

na siya lang ang laman


Kailan ba siya mawawala

sa puso ko at alaala?

Kailan ko masasabing

nakalimutan ko na?

Kailan ko masasabing

ang damdamin

ay wala na?

Masasabi ko kaya?


Kahit anong

gawin kong

pagmumura

tumitindi lang lalo

ang pagmamahal ko

sa kanya


Bakit pa kasi siya dumating

kung hindi rin lang naman

magiging habambuhay

na akin?


Paglingon ko muli

sa musical instruments section

nakita ko siya


Nakita niya ako






Continue Reading

You'll Also Like

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
49 0 36
Pinagsama samang tugma sa tula ng manggagawa. Pinagsama samang damdamin at kataga sa puso ng mambabasa. Pinagsama samang alaalang bumuo sa may akda. ...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]