Kiena Point of View:
Nakita ko yung ginawa ni Skyler don sa mga babaeng nang away sa akin sa Cr. Actually 5 sila bat 3 lang inano ni Skyler? Gusto ko sanang makipag friends sa kanya kaso natatakot ako!
Tumambay na lang ako sa cafeteria nag iisip kung anong kakantahin ko enebe eng herep nemen nete -,-
"Let's Marvin Gaye get in on~"
Psh parang ampanget naman non tss.
"Alam mo ba ibig sabihin ng Marvin Gaye?" May bumulong sa akin pag tingin ko si Clyde lang pala tss kala ko naman kung sino eh.
Umiling ako bilang sagot sa kanya. Himala at kinausap niya ako pero yung mga babae dito sa cafeteria papatayin na ako sa tingin!
"Ibig sabihin non French Kiss! Gusto mo ba ng French kiss? Pag bibigyan kita!"
Sinipa ko naman siya napangiwi naman siya goodluck na lang kung sino ulet mambubully sa akin tss -_-
"Bastos!" Inis na sabi ko sa kanya. May kinuha siya sa bag niya.
"Nakalimutan mo Panty mo oh! Alis na ako bye" Whuut? Bat nasa bag niya yon? Nakakainis pano nga ba napunta sa bag niya yon? Yung nag alis ako ng damit sa sampyan tapos hinagis ko sa sofa sakto nandon yung bag niya siguro limusot don. Arggggghhhhh nakakainis ka! Tss pwede naman sa bahay na lang ibigay eh. Narinig ko naman yung mga bulungan sa cafeteria.
"Mygaad! Sabi na malandi din yan eh!"
"I can't take this anymore! May nangyari sa kanila ni Parker iww malandi"
"Patago kung lumandi!"
"Yuck di na virgin"
"Gross!! Mabuntis ka sana!"
Kung ano ano naririnig ko mula sa kanila. Poteeeek! Asawa ko si Clyde kya natural lang na may mangyari sa ami-- este wala palang nang yari mag babayad ka Clydeeeeeee!!
"Virgin pa ako!!!! Virgin pa akooooo!!!" Sigaw ko sa knila nag tawanan naman lahat ng mga tao sa cafeteria. Napatingin ako don sa isang lalaking umiinom ng tubig at umiling iling.
Noooooooo!
Baka maturn off sa akin si Dominic naman oh. Patay ka talaga sa akin Clyde pag dating sa bahay! :3
Luke Point of View:
Ang cute tignan ni Kiena at Clyde kanina sa cafeteria. Hahaha Halata naman na gusto nila ang isat isa nasa denail stage pa. Paalis na ako ng School ng biglang may sumakay sa kotse ko na babae.
"Monster!! Labas!!"
Kilala niyo naman kung sino diba? Syempre si Blue
"Dragon pleaseeee wala akong car ngayon samahan mo naman akong mamili ng susuotin ko sa college night!"
Nag papacute pa anong akala niya sa akin madadala ako sa pag papacute niya? Tss
"Ayako Monster Labas!"
"Sige na naman Dragon pleaseeee?"
Matitiis ko paba tong babaeng to? Eh mahal ko to eh higit pa sa pag kakaibigan ang tingin ko sa kanya. Shhh lang kayo? Pag nalaman lagot kayo sa akin eh.
"Okay! But in one condition!"
Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.
"Hindi ko gusto yang ngiting yan ha. Sige ano?"
"Be my date sa college night!"
Hugot ng lakas ng loob ang kailangan jan. Wooooo! Hahaha
"Nuuuy, Walang nakikipag date sayo no? Ayako nga may date na ako eh!"
-,-
Naunahan pa ako ng Lintek :3
"Edi wag kana mag pasama sa akin don kana sa kadate mo!"
Masyado bang halata? Hindi naman siguro.
"Nakooo po! joke lang oo na ikaw na date ko sa College Night :'>"
Yesssss! Kung gwapo na ako kailangan ko pa mag papogi! ^_^ gay shit masyado nyeta! Hahahaha
Kate Hilary Point of View:
Do you know me naba? Kung hindi pa. Im Kate Hilary Cortez Kade Hunter is my Brother ugggh he so Panget. Crush niyo ba siya? Nakooooo! Ate Annie is so pretty para kay Kuya no. College Night na tomorrow my gosh sinong bang Date ko? Hmm I'm Pretty naman bat ayaw akong yayain ni Zeke? Actually pila ang manliligaw ko bat hindi ako magustuhan nung lalakeng Gusto ko. Huhu sad life :(
"Hellooooo! Little Sis!"
Psh Speaking of the Ugly. Tss
"What?!! Ugly Kade :3"
"Kawawa ka naman wala kang date! HAHAHA"
anjan siya lagi para asarin ako pag hindi ako niyaya ni Zeke.
"Okay lang. Panget kapa din! :P"
"Haha aya--"
"Hey Kade. Hi Kate :')"
Omygoooossssh! What is he doing here?!!! He so Handsome omyyy! Andito ba siya para yayain ako maging Date niya? Oh noooooo! I'm so kinikilig. Errrr~
"H-hello Zeke!"
Why me nauutal? Zeke lang yan my Long time Crush.
"Oh Pre, May date kana ba? Pag wala pa ajan si Kate wala pang date yan!" Kade
Iloveyou na Kade hehez.
"Baket Kate wala ka pang date?" Zeke
"Wala pa akong napipili eh. Hihi!"
"Ah!! Kade please naman oh help moko kay Kiena, gusto ko siya maka date bukas!!"
Wtf?!! Who is Kiena Girl? I thought ako na yayain niya. Kate Hilary Cortez why so Assuming? Umasa ako nasaktan ako masyado tss -__-.
"Pfttt- HAHAHAHA Osige Bye Sister!"
The Heck?!! Tutulungan niya? Pero yung kapatid niya hindi matulungan sa lovelife. Poteeeek I hate you Kadeeeeee -__-.
Kiena Hera Point of View:
Palabas na ako ng University ng makita ko si Kade at Zeke. Bromance? Tss nakaabay kase si Kade kay Zeke eh.
"Yow Kiena!" Bati sa akin ni Kade parang kabayo eh. Yow yow kabayow. Tss -_-
"Ano ba Kade, Pati lalaki pinapatulan mo?!! Patay ka kay Annie!"
"Grabe siya, Tingin mo sa akin Bakla? Sa Gwapo kong to!" Sabi niya sa akin nako nako. Kapal ng muka eh. Tss nakaakbay pa siya kay Zeke.
"Baket Hindi ba? Ano bang kailangan mo?!"
"Gusto ka kaseng makadate ni Zeke eh!"
Whuuut?! Date?!! Ayako wala akong hilig sa mga ganan.
"Sorry Zeke, Pero ayako eh may iba naman jan na gusto ka maka date hanap kana lang :')"
Mabait naman si Zeke, Gwapo palangiti madaming babae jan na gusto siya maka date.
"Hays, Olats na naman sige Kiena sorry sa abala! :)" Zeke
"Boom! Yung kapatid ko na lang kase. Wala pang date yon ;)" Kade
May kapatid pa pala tong si Kade? Sana hindi niya kaugali -__-.
~~
Nakauwe na ako ng bahay wala pa din si Clyde? Patay talaga sa akin yon. Nag luto na din ako ng makakain ko. Steak yung niluto ko. Yun lang alam kong lutuin eh.
"Haysss! Nakakapagod!"
Aba speeking of the Devil -,-
"Hoy bat mo kailangan I-ilabas yung P-panty ko don!"
"Di ko kasalanan yon baka may makakita nung panty mong doreamon sa bag ko!"
"Aba mahusay! Akala tuloy nung iba di na me virgin nakakainis ka!!"
Lumapit ako sa kanya at pinag susuntok yung dibdib niya. Sheyt ang lagkit niya naka jersey pa siya.
"HAHAHAHA tama na okay?! May pag Kain ba?"
Tinigil ko na yung pag hampas sa kanya.
"Oo pero wag kang kakain. Bahala ka jan"
"Edi wag nag tatanong lang ako! Lamunin mo lahat palibhasa buhay baboy."
"Talaga! Wag na wag kang kakain"
Umupo na siya at binuksan yung TV.
"Hmm Ang sarap steak favorite mo to Dba? Gusto mo!!"
"No thanks, Baka di masarap at may gayuma"
Kumaen ako sa TV niya iniingit ko siya. As if naman nalagyan ko ng gayuma yan no! Psh Kung si Dominic ang kakaen lalagyan ko yan. Chaaaaaaals hahahahaha
Nilagay ko na yung natira kong Steak sa ref. Iniwan ko na si Clyde bahala siyang magutom.
Parker Clyde Point of View:
Lestse! Nagugutom na ako bat kase nasabi ko pa yon Hera bat kase antaas ng pride ko? Pinanlalaba ko dapat yon eh. Teka? Di ako marunong mag laba
Yung tyan ko yung mga alaga ko sinasabing Clyde pakainin mo na kame
Tulog na kaya yon? Tulog na siguro!
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko para pumunta sa kusina sinisiguro kong hindi ako mahuhule ni Hera.
Lintik naman! Para akong Mag nanakaw sa ginagawa ko eh. Mag nanakaw ng pagkain :3
Ngayon nakarating ako sa kusina ng hindi alam ni Hera. Nag simula na akong mag bungkal sa ref.
BUDOL FIGHT! YUM!
Kaen lang ako ng kaen hanggang sa madali ko yung baso.
*plaaks
Nako patay na! Bumukas yung ilaw sa taas at alam kong baba na si Hera. Pinatay ko yung ilaw sa kusina at pinasok yung ibang pag kaen don. Yung steak hawak hawak ko pa.
"May tao ba jan?"
Naririnig ko na yung mga yabag ng paa niya baboy kase eh. Nag tago ako sa gilid ng ref madilim dito at hindi ako makikita.
"Clyde anjan kaba?"
Binuksan niya yung ilaw malapit sa akin at pag bukas niya nakita niya ako.
"MULTOOOO"
Wtf! Ako multo? Sa gwapo kong to.
Hahabulin ko sana siya ng mahawakan ko siya nadulas kame pareho at everything went black!!
Kiena Hera Point of View:
Nagising ako ng parang may nakadagan sa akin at ang sakit ng ulo ko. Shit! Ansama ng panaginip ko kagabe may multo at at hinabol ako waaaah!
"Hmm"
Teka? Sino tong gwapong to? At talagang nakaibabaw pa siya sa akin ha? Gwapo naman neto pero may kamuka? Yung asawa kong demonyo. Teka?
O__O
"Ahhhhhhh"
"Ang Ingay!"
"Walanghiya ka Clyde, Anong ginawa mo sa akin bat ka nakahubad? Mygodness! Pinag samantalahan moko!"
Pinag hahampas ko siya! Pinagsamatalahan ni ang inosenteng ako!
"Mahiya ka nga sa sinasabi mo! Bat kita pag sasamantalahan? Wala ka ngang hinaharap eh maliit walang akong mapapala sayo! Sando sando pa wala rin naman!"
What? Pinapalabas niya bang flat chested ako? Abat itong lalakeng to makakatikim sa akin to.
"Hoy lalake, Para sabihin ko sayo hindi ako flat chested. Ang totoo nan size ng bra ko WORLD CAP to eh yung sayo? Hindi kapa nga ata binata eh ang liit nan cheee!"
Bwisit na lalakeng yon sabihan pa ba naman ako na flat chested? Bwiset World Cup to.
---
Third Person Point of View:
Habang abala si Clyde sa pag hahanap niya ng susuotin sa ball mimiya ay dumating ang mommy niya para sunduin si Kiena.
"Hi Dear, pwedeng mahiram si Kiena?"
Sabi ng Mommy ni Clyde
"Edi hiramin nyo gusto nyo wag nyo ng ibalik!" Ani'nya sa mommy niya. Pinag hahampas naman siya ng mommy niya.
At umalis na.
Abala ang lahat sa pag hahanda ng susuotin nila para sa Ball mimiya. Ng may natanggap na text message si Clyde galing kay Unknown.
Hi LD! I'm here at the airport come and pick me up Hurry! Take care LD :*
Kumaripas ng takbo si Clyde palabas ng bahay at pupunta na ng Airport.
Labis ang tuwa ni Clyde ng mabasa niya ang text ng kanyang childhood bestfriend.
Kiena Point of View
On our way to Don Caster, Dominic pick me up! Tinawagan kase ni Mommy si Clyde pero hindi sinasagot san kaya nag sususuot yon? Teka bat ko nga ba hinahanap yon? Wala naman akong pakielam don.
"Are you Okay? Seem you look sad"
"What? Ako? Sad? Hahaha baket naman?"
"Kase hindi si Clyde kadate mo?"
Patawa to si Dominic bat naman ako malulungkot eh mas okay na ngang si Dominic partner ko ngayon kase sa ugok na yon.
"Whuut? Hindi ah. Hayaan mo siya di ko siya kailangan :3"
Woaaah! Andaming gwapo busog na naman Mata ko Neto. Chaar! Nasa gate na kame ng school andaming umattend ng Ball.
"Kiena is that you? You look great!" Blue
Nakita ko si Blue ang ganda niya ngayon bagay sa kanya yung damit nya kulay pula yung suot niya!
"Woaaah! Tayo na lang date ngayon?" Luke
"Ganda naman ng friend ko" Justin
"Nakakabighani!" Trevor
"Aba huuy! Wag nyo pag fiestahan date ko! Maka matunaw hahahaha! Let's go?"
"Teka si Clyde?" Annie
"I'm here"
Sulpot nung lalake at may kasama pang magandang babae. Sino siya? Pero mas maganda pa ako. Mag tatanong pa sana ako nung pag tingin ko kila Blue nanlalake yung mga mata nila.
"Hi Guys, I'm back!"
nakangiting sabi nung babae sino ba yon? Weird! Kame lang ba nila Justin at Annie ang Hindi nakakakilala sa kanya? Artista ba yan? Lahat sila sabay sabay na sumigaw eh.
"YOU'RE REALLY BACK!"
***