A/N: Ladies and gentlemen, the anniversary chapter: nakalimutang i-publish edition. Shems!
--x--
HAPPY ANNIVERSARY SA KWENTONG ITO!!!
Sa totoo lang hindi ko alam kung kelan ko 'to inumpisahan e. Pero naalala ko pa rin na mga comment tungkol sa mga commercial lang 'yung nilagay ko sa earlier chapters nito. Tsaka pagtulog sa banyo bago pumasok sa school... pero hindi ko na 'yun ginagawa (...yata) ahh anak ng kalabaw HINDI KO NA MAALALA.
Anyway, gagawin ko ngayon ang hindi ko nagawa noong nag-umpisa ang kwentong ito. Self-introduction.
....
Ako si Unprettier ang bebe niyo, mahilig ako sa french fries at kwek-kwek at garlic bread. Sinubukan kong maging vegetarian noon pero huli na ang lahat noong maalala kong hindi nga pala ako kumakain ng gulay. Hindi ako fashionista, au contraire.
Nagsimula ang kwentong ito dahil gusto kong mag-share tungkol sa mga naririnig kong commercial sa radyo at dahil alam kong nabwibwisit na ang mga kakilala ko sa akin dahil apakadaldal ko kapag kasama ko sila so ayun lang.
--x--
COMMERCIAL!!! Sa ngayon e hindi pa kami makakinig sa radyo dahil hindi nagpapa-radyo ang service namin (bago na service namin, wala na 'yung luma huhubels) at dahil ang ingay-ingay namin (by namin I mean "ako"?...) sa service. Kaya 'yung mga adverts na lang sa TV ang pagtuunan natin ng pansin.
...
'Yung commercial ng McDo. 'Yung kumakantang wallet. Nabwibwisit dun 'yung kapatid ko. Oo alam kong luma na 'yun. Minsan ko lang napapanood 'tong ad na 'to dahil hindi naman ako gaanong nanonood ng TV. Basta kumakanta 'yung wallet ng "I've got nothing at all" yata. Walang kwenta akong narrator.
...
Tapos 'yung bumubulang halimaw ng Surf. Nakakatawa kasi ang cute nung halimaw na 'yun at kung gumawa ang Surf ng bumubulang halimaw na stuffed toy e bibilhin ko talaga pero lol wala akong pera.
...
Tapos 'yung commercial ng JOY dishwashing liquid. 'Yung "sebulok". Sa totoo lang mukhang mozzarella cheese 'yung mga sebo. O baka gutom lang talaga ako... walang kwenta akong narrator.
===
Brochure. Booklets. Hand-outs.
Maraming nakakalat na ganyan sa bahay at ako ang may pakana.
Sangkatutak na brochure, booklets at hand-outs galing sa... Nestlé Cream, Walter Mart Supermarket, SM Supermarket, Knorr Cubes, Baking Powder na nakalimutan ko na ang brand, mga laruan galing sa Singapore, Alaska Condensada, Corned Beef, Mama Sita, Taco Bell, Burger King, Yellow Cab Pizza, KFC, Jolibee, Starbucks, BBB Burgers, Matress na nakalimutan ko na ang brand, Mga Tourist Spots sa Manila, Mga Tourist Spots sa Singapore, at... marami pa. Pero karamihan diyan ay naitapon na dahil "basura" lang daw 'yun at kalat sa bahay. Ay awtsu.
===
Nakalimutan kong ikwento 'to rito noon. May 11, 2013 yata nangyari 'to, 'di ako sure.
Edi papunta kami nung mga ka-service ko sa summer class namin. Tapos, biglang may humarang na parada nung pulitikang kakagaling lang sa isang high-class na subdivision.
'Yung mga nangangampanya ay nagsimulang magbato ng kendi.
Sumigaw kami ng "DITO!!! DITO KAYO MAGBATO!!!" pero... 1.) Hindi kami maririnig nung mga nagbabato ng kendi dahil tatlong kotse at isang truck ang layo namin sa kanila at 2.) Nasa loob kami ng sasakyan. Mabibigyan ng kendi ang windshield, hindi kami. Hindi kumakain ng kendi ang windshield.
Nabwisit na 'yung mga driver dun sa kalsada kaya nagbusinahan sila simultaneously. Ang galing, parang symphony ng orchesta. Pero instead na musical instruments, mga busina at mura ng driver 'yung naririnig ng audience. Bravo.
===
2nd year. Last day of school. March 28.
Final exams namin 'to, at para sa iba, ito na ang deadline sa pagpasa ng requirements... kaya wala na kaming nagawa kundi magnakawan ng envelope at folder sa isa't-isa kahit na sa huli, kawawa kaming lahat dahil kesa bumili, nagkuhaan pa. 'Yung "hiniraman forever" (translation: arbor) ko ng folder sa AP, kinuhaan ako ng envelope sa Filipino - seryoso, binura niya 'yung pangalan kong naka-marker gamit 'yung bolpen. LANG. Kitang-kita pa rin ang pangalan ko 'run. What goes around comes around, eka. Kaya quits lang kami.
Isa pang kasalanan ng section namin nung 2nd year: Nagdala ng mga gadget nung last day.
===
Sabi kasi nung kaklase ko, minsan daw ini-interbyu 'yung mga mag-a-apply sa college. Something like that.
Medyo nerbyos. Masyado akong kengkoy para sa mga high-class university.
Kunwari raw ini-interbyu na ako. Tapos kunwari sabay kaming iinterbyuhin nung kaklase ko. Para ma-compare ninyo. At oo nga pala: HINDI TOTOO ANG INTERVIEW NA ITO... not yet.
...
The interview starts... NOW!
Interviewer: What is your favorite novel?
Kaklase: Fault in Our Stars by John Green.
Ako: Uhhhhhh... Naruto?!?
.
Interviewer: Who is your favorite author?
Kaklase: John Green, Neil Gaiman, Paulo Coelho.
Ako: Si... ano po... Bob Ong! Hehe... tas 'yung gumawa ng Pugad Baboy.
Interviewer: (hindi maipinta ang mukha)
Ako: Ay. AYY!!! Hindi po. Uh... favorite author ko? (seryosong facial expression.) Jose Rizal po...
.
Interviewer: Your clothing brand of choice.
Kaklase: Forever 21.
Ako: 3 for 100 discount rack sa mall.
.
Interviewer: Favorite movie?
Kaklase: Forrest Gump.
Ako: (medyo kinakabahan) ...Ang... (lunok) Tanging Ina N'yong Lahat.
.
Interview: Sa tingin mo... bakit deserving ka na makapasok sa school na ito?
Kaklase: Because blah blah blah a future for my family and countrymen blah blah to help stabilize the Philippine economy blah blah the state of the country in terms of politics blah blah blah eradicate poverty blah blah.
Unprettier: Kung hindi ako makakapag-aral dito, hindi ako makakahanap ng magandang trabaho. Kung wala akong magandang trabaho, hindi ako yayaman. Kung hindi ako yayaman, wala akong pera. Kung wala akong pera, hindi ko mabibigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya ko. At titira na lang kami sa bakanteng lote habang nangangaroling para may pambili ng pagkain.
.
Interviewer: Last but not the least... what is your motto?
Kaklase: “Yesterday is history, tomorrow is a mystery, today is a gift of God, which is why we call it the present.”― Bil Keane.
Interviewer: And you, miss... what is your motto?
Ako: ...'Di bale nang pagod basta may pera?
.
Pagkatapos ng interview, binigyan ng interviewer si Kaklase ng calling card at binigyan niya si Unprettier ng lollipop. The end.
===
Noong natapos kami sa title defense namin sa thesis, masaya kami. Super. Alam mo 'yung mga bida sa sine na dahil sa sobrang saya e hina-high-five lahat ng nakakasalubong niya sa corridor? Ganun ang feeling.
===
One month later, namumulok na ang thesis at ang mga utak namin. At ang tatlong palakol namin sa timetable. At ang aming hopes and dreams. At ang pag-asa naming makakuha ng 80+ sa report card. At ang lovelife ni Unprettier.
===
On my free time, nagbabasa ako. Minsan. Sa ngayon binabasa ko 'yung BTCHO, nanghiram ako ng kopya sa kaklase ko. Inside joke: Required reading yata sa klase namin ang Wattpad story (literally published) books.
Nakakatuwa kasi para sa akin, hindi naman siya gaanong cliché. Hindi 'yung tipong mapapa-next page ka na lang dahil sa sobrang paga-cliché nito. Unique siya. For me, that is. Yey!
--x--