EHS 3: His Sweetest Karma

De missgrainne

3.7M 94.9K 3.9K

Living in an island away from the people and her heart-wrenching past became Hillary's safe haven. Not until... Mais

TEASER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 16

141K 3.9K 193
De missgrainne

CHAPTER SIXTEEN

"KANINA ka pa tulala, Hillary. Ano ba ang nangyayari sa iyong bata ka?" nag-aalalang tanong ni Manang Rosa.

Umiling lang si Hillary at hindi nagsalita. Nanatiling nasa malawak na karagatan ang paningin niya mula sa bintana kung saan siya nakaupo. Inihilig niya ang ulo sa gilid at napakagat sa ibabang labi para pigilin na naman ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.

Ilang buwan na ba siyang ganito? Ilan buwan na ba niyang hindi nakikita si Axer? Hindi na niya alam dahil ayaw niyang bilangin ang mga araw na nangungulila siya sa presensiya ng lalaking walang ginawa kundi pasayahin siya pero nagawa pa rin niyang saktan dahil selfish siya, dahil akala niya si Paul pa rin ang mahal niya pero hindi na pala. Wala na siyang nararamdaman para sa dating kasintahan dahil iba na ang pangalan na isinisigaw ng puso niya.

"Hillary, may invitation card na ipinabibigay si Elisse para sa iyo dahil binyag ni Baby Stella sa Linggo. Sana raw ay makapunta ka dahil isa ka sa mga ninang."

"Pakilapag na lang po diyan sa mesa. Salamat po," wika niya.

Tumango lang ang matanda bago umalis ng bahay. Kung hindi lang nito nililinisan ang bahay niya ay magmumukha na iyong haunted house katulad ng mga bahay na naisulat niya sa mga horror story na ginagawa niya. Pakiramdam niya, mukha na nga rin siyang zombie kaya kahit ang humarap sa salamin ay hindi na niya magawa hindi dahil natatakot siya sa hitsura niya kundi natatakot siya na baka bumalik na naman iyong dating Hillary. Noong nasaktan siya sa unang lalaking minahal.

Ngayon ay doble ang sakit na nararamdaman niya, para siyang walang buhay.

She was incomplete.

"Kung naging matapang lang sana ako at sinabi sa kanya ang totoo, siguro ay magkasama pa rin kami, siguro hindi namin nasasaktan ang isa't isa at siguro masaya kami pareho ngayon. Pero, Hillary, duwag ka kasi. Duwag ka kasi hindi mo sinabi sa kanya iyong nararamdaman mo, duwag ka kasi hinayaan mo siyang umalis nang hindi mo man lang nilinaw sa kanya ang lahat. Kung may dapat mang sisihin ay ikaw iyon kasi hindi ka naging matapang, mas pinili mong magpakaduwag at hayaang iwan ka niya." Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha at pinipilit huwag gumawa ng ingay na akala mo may makakarinig sa kanya. "You thought he won't leave you, akala mo nandiyan lang siya palagi para sa iyo. Akala mo kasi hindi ka niya iiwan kasi mahal ka niya, but you're wrong, Hillary. Marunong din siyang mapagod at katulad mo, nasasaktan din siya sa ginawa mo," sermon niya sa sarili habang panay ang punas ng mga luha sa kanyang mukha.

Natapos na naman ang isang araw nang ganoon-ganoon lang. Kinuha niya ang invitation card sa mesa at binasa. Kailangan pa niyang pumunta sa bayan para makabili ng panregalo kay Baby Stella. Isa ang baby na 'yon sa mahirap bigyan ng regalo kasi wala ka nang maiisip na puwedeng ibigay. Nasa bata na ang lahat kahit baby pa ito. Mukhang papasakitin ni Baby Stella ang ulo niya sa pag-iisip ng puwedeng iregalo.

Parang ang tito lang nito na laging pinapasakit ang ulo niya noon. Pero pati puso niya pinasakit na rin ni Axer. Actually, buong pagkatao niya ay pinasakit nito.

Biglang namilog ang mga mata niya nang may biglang maalala at dali-daling naligo para pumunta sa bayan.

Checkup pala niya ngayon!

Because she was... pregnant.

Marahan niyang hinaplos ang tiyan at napangiti. Nagbunga ang ginawa nila ni Axer at hindi niya 'yon pinagsisisihan.

"YES, NATALIE, papunta ako sa bayan. Bakit?" tanong ni Hillary sa kaibigan habang nagmamaneho. Hindi niya alam kung bakit bigla itong tumawag.

"See you tomorrow sa christening ni Baby Stella."

Si Natalie lang yata ang babaeng kilala niya na walang kalambing-lambing sa katawan. "Yes, pupunta ako. See you rin."

"Ano'ng gagawin mo sa bayan?" tanong uli nito.

"A-ano... bibili ako ng gift para kay Baby Stella." Hindi naman niya puwedeng sabihin dito ang kalagayan. Ayaw pa niyang ipagsabi sa iba, lalo na sa ama ng batang dinadala niya.

"Okay. Mag-ingat ka, Hillary," wika ng kaibigan na para bang sa tono ng pananalita nito ay hindi lang siya sa pagmamaneho dapat mag-ingat.

"Thank you, Natalie." And she ended the line.

Nag-mall muna siya dahil after lunch pa naman ang schedule ng checkup niya. Sa pagtingin man lang ng gamit ng bata ay malibang siya.

"Ano kaya ang bibilhin ko?" tanong niya sa sarili habang iniisa-isang tingnan ang mga gamit pang-baby. May nakita siyang isang set na baby dress with shoes, sumbrero at kung ano-ano pa na puwedeng gamitin ng baby. Kinuha niya ang kulay-baby pink na dalawang set at ipinabalot. Wala na kasi talaga siyang maisip at ayaw niyang pigain ang utak niya.



"NEXT WEEK ang next checkup and please huwag kalimutang inumin lahat ng vitamins, Miss Thompson," bilin ng doktor.

"Yes, Doc. Thank you," sabi ni Hillary at inilagay na sa bag niya ang ilang banig ng vitamins.

Three times na kasi niyang nakakaligtaang inumin iyong mga vitamins niya dahil naduduwal siya sa laki ng capsule.

"Hillary?"

Napalingon siya nang may tumawag sa pangalan niya. "M-Mandy?"

"Yes, sweetie," sagot nito at nagpalipat-lipat ng tingin mula sa kanya at sa silid na pinaglabasan niya. "OB-GYN? Are you pregnant?" Namimilog ang mga mata nito na muntik pang mapatalon.

Ibang version ni Mandy ang nakikita niya ngayon, hindi tulad noong una niya itong makita.

Hillary nodded and forced a little smile. Umaasang huwag nitong ipaalam kay Axer ang balitang 'yon.

"And the father is my friend? Axer Lance Wilson... that jerk?" Napapalatak pa ito.

She nodded once again.

Impit itong napatili at niyakap siya bigla. "He really found his match and may baby pa kayo! Congrats, Hillary."

"T-thanks," nahihiyang sabi niya kasi pinagtitinginan na sila ng mga napapadaan dahil umaagaw ng atensiyon ang babaeng nakayakap sa kanya.

Kumalas si Mandy sa kanya. "O-oh, I'm sorry. So... hmm... alam na ba niya or you want to surprise him?" she asked excitedly.

Lihim niyang kinagat ang loob ng pisngi. Paano niya ba sasabihin dito na hindi alam ng lalaki ang pagbubuntis niya? "Mandy, please don't tell Axer about this."

Kumunot ang noo nito. "But why? He has the right to know about his child, his own blood and flesh."

"Y-you don't understand, Mandy. Please huwag mo munang sabihin sa kanya," pakiusap niya at hinawakan ang magkabilang kamay nito. "Please?"

Dahan-dahan itong tumango. Nakahinga siya nang maluwag. Mabilis naman palang kausap ang babae. "Okay, I won't tell him pero sa isang kondisyon."

"What is it?"

"Dapat ninang ako ng baby n'yo."

Natawa si Hillary. Ang babaw ng kondisyon nito. "Yes, sure. Kahit hindi mo siguro sabihin ay kukunin pa rin naman kita kasi kaibigan ka ni Axer."

"I can be your friend too. We can be friends, Hillary." Kumislap ang mga mata nito.

"I would love that."

"So..." Inilahad nito ang isang kamay. "Friends?"

Tumango siya at tinanggap iyon. "Friends."

"Anyway, magkita na lang tayo tomorrow sa binyag ni Baby Stella. Axer will be there."

As expected. Alam niyang pupunta ang lalaki at hindi pa siya handang harapin ito o makausap man lang.

"See you tomorrow," pag-iwas niya upang hindi na mapag-usapan ang namagitan sa kanila ni Axer.

"May problema ba?" tanong ni Mandy at hinawakan uli ang isang kamay niya.

Pilit siyang ngumiti rito pero alam niyang hindi 'yon umabot sa kanyang mga mata.

"Sana magkausap na kayo bukas para maayos n'yo na 'yan. Kaya pala he acts different these past few weeks kasi may problema pala kayo. I saw him with different girls—" Napatakip ito sa sariling bibig at nanlalaki ang mga mata nang tumingin sa kanya.

Pinigilan niyang huwag magulat. May kasamang iba't ibang babae si Axer? Parang ayaw tanggapin ng sistema niya ang nabalitaan.

"I'm sorry, Hillary. I didn't mean to say that. Please don't cry," wika nito at pinunasan ang mga luha niyang hindi niya napansin na tumulo na pala.

"Hey, I'm fine. Don't mind me." Pilit siyang ngumiti rito. "Emotional lang talaga ang mga buntis." Pinasaya niya ang boses pero mukhang hindi effective 'yon sa kaharap.

"Hindi ko man alam ang buong kuwento n'yo pero nakikita kong pareho kayong nasasaktan ng kaibigan ko. Actually, sa tagal naming magkaibigan ay ngayon ko lang siya nakitang naglasing dahil lang sa isang babae." She chuckled. "He really loves you, doesn't he?"

Ngumiti si Hillary at tumango. Alam niya kasing mahal siya ng lalaki pero naging abusado siya na isiping hindi siya nito iiwan dahil nga mahal siya nito. Pero... "Wait, anong naglasing? Kailan 'yon?" tanong niya.

"'Yong car accident namin. I saw him sa isang bar na nagbabasag ng mga baso. He's crazy! Then he told me about an island girl who happened to be you. Actually, I really want to celebrate that time kasi naman I did not expect na mabibigo siya sa pag-ibig," natatawang sabi nito.

Siya pala talaga ang dahilan ng paglalasing ni Axer noon. "I did not expect him to love me that much, impossible and unbelievable."

"But he did." Ngumiti si Mandy sa kanya. "He's really a good man. Kahit nagkaroon siya ng sandamakmak na babae noon, I know in my heart na ngayon ay iisang babae lang ang talagang gusto niya. And that's you, Hillary."

Lumakas ang loob niya sa narinig. Sana nga siya pa rin ang mahal ni Axer sa kabila ng mga pananakit niya rito. "Sana ako pa rin, sana ako pa rin iyong mahal niya," mahinang usal niya.

"Magtiwala ka lang."

Nagpaalam na sa kanya ang isa na namang bagong kaibigan at siya naman ay bumalik na sa resort. Ipinarada niya ang sasakyan sa likod-bahay. Nagulat siya nang mamataan ang sasakyan ni Axer sa katabing rest house.

"He's already here," usal niya at dali-daling pumasok sa bahay, saka ini-lock ang pinto.

Hindi mapakali si Hillary sa isipin na makikita niya bukas ang ama ng batang dinadala niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nagkita sila? Kakausapin kaya siya ni Axer? O papansinin man lang? Parang ayaw na niya tuloy magpunta sa binyag ni Baby Stella pero ayaw naman niyang magtampo si Elisse sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at umakyat na sa kanyang silid. Ang silid na tanging saksi sa pagmamahalan nila ng lalaki noon.



NAPABALIKWAS si Hillary nang may malalakas na katok mula sa pinto sa 'baba. Tiningnan niya ang oras.

Twelve midnight.

Napilitan siyang bumangon dahil baka magising ang buong tao sa resort dahil sa kalabog. Kung sino man ang intruder ay talagang makakatikim sa kanya.

Pagalit na binuksan niya ang pinto at pilit na isinara uli 'yon nang makita ang bisita niya. Pero masyado itong malakas kaya halos matumba na siya sa pakikipagtagisan dito maisara lang ang pinto.

"Hillary, sweetheart, don't you miss me? Don't you miss my kiss? Don't you miss everything about me?" tanong ni Axer na may hawak na bote sa isang kamay at halos hindi na makatayo nang tuwid dahil sa kalasingan.

"You're drunk."

"Am I?"

Umatras siya nang lumapit ito sa kanya.

"Scared, sweetheart?"

Hindi niya makita ang Axer na kilala niya noon. He was really different now. He was scary. Kaya parang lalong ayaw niya itong harapin.

"Come on, Hillary. I know you missed me." Hinagis nito ang hawak na bote ng alak at hinapit siya. "You want this?" Hinalikan siya nito nang marahas sa mga labi.

"A-ahm! S-stop, ahmm!" Pilit niya itong inilalayo sa kanya.

"Halik ba ni Paul ang gusto mo? Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin?"

Umiling siya. Parang demonyo sa paningin niya ang lalaki ngayon. Para itong sinapian ng masamang elemento. Ni wala siyang makitang kahit anong emosyon sa guwapong mukha nito. Blangko.

"We can talk tomorrow, Axer. Kapag hindi ka na las—"

"Who told you I want to talk to you?" pambabara nito sa kanya.

"I thought y-you want to—"

"Yes. I want you and your body, Hillary."

She bit her lower lip. "I want you and your body, Hillary."

"Lasing ka lang kaya mo sinasabi ang mga 'yan. Axer, please umuwi ka na." Hindi naman sa itinataboy niya ito, ayaw lang niya itong kausapin dahil hindi sila magkakaintindihan. Sobrang lasing ng lalaki at isang tulak lang ay baka tumumba na ito.

"Ganyan mo ba ipagtabuyan ang ex-lover mo?" pang-uuyam nito sa kanya. "Nakalimutan mo na ba ako? Mas magaling ba siya sa kama?" tanong nito.

Dumapo ang palad niya sa pisngi nito.

He glared at her. "Ouch, bitch!"

Pigil na pigil ni Hillary ang umiyak dahil sinabihan siya nitong bitch. Wala na nga ang Axer na nakilala niya. "Please... leave." Natatakot siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya.

"You can have me tonight para malaman mo kung ano talaga ang langit." Hinapit siya nito at inihiga sa sofa nang walang kaingat-ingat samantalang noon ay para siyang babasaging bagay kung ituring nito.

"Please don't do this," pakiusap niya dahil marahas nitong tinanggal ang suot niyang damit.

"You would like this, Hillary. Huwag ka nang magpanggap na inosente ka." Marahas siyang hinalikan ni Axer sa mga labi, kasabay n'on ay ang marahas din nitong pagtanggal ng natitirang saplot sa kanyang katawan. Wala itong pakialam kahit masaktan pa siya.

"T-tama na, please," pakiusap niya nang maramdaman ang pagkalalaki nito sa pagitan ng mga hita niya. He thrust roughly inside her. Na para bang sinasabing, gagawin ko ang gusto ko at wala kang pakialam.

"A-Axer, it hurts." She winced.

He continued thrusting inside her. At kahit nauuntog na ang ulo niya sa sofa ay wala itong pakialam.

"You're not a virgin anymore so stop lying, sweetheart, I know that you're not hurting. Masarap, Hillary, masarap," bulong nito sa tainga niya at patuloy sa pagpaparusa sa katawan niya.

Even though she wanted to admit that she longed for this intimacy between them, that didn't change the fact that she was hurting so much now. Nasasaktan siya kasi wala itong pag-iingat gumalaw. At kung hindi lang nakahawak ang isang kamay niya sa sofa ay pareho silang babagsak.

"T-tama na, please," pakiusap ni Hillary habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata. Hindi niya alam kung ano ba ang masakit, ang pagpaparusa nito sa katawan niya o ang malaman na hindi na siya nito nirerespeto at kung tratuhin ay para siyang walang kuwentang babae?

Idiniin ni Axer ang katawan sa katawan niya habang hawak ang magkabila niyang braso at inilagay 'yon sa uluhan niya. Nagpatuloy ito sa mabilis at marahas na paggalaw sa ibabaw niya dahilan para dumaing siya sa sakit. Pati ang tiyan niya ay sobrang nababangga na—iyong baby niya...

"Baby," mahinang usal niya kasi sumasakit na iyong puson niya at natatakot siya na baka makunan siya.

"I'm not your baby, bitch. I told you sweetheart lang ang itawag mo sa akin!" galit na wika ni Axer sa kanya habang hindi tumitigil sa paggalaw.

Napapikit si Hillary sa halo-halong sakit na nararamdaman. Napakapit siya sa magkabilang balikat nito nang hindi na niya mapigilan iyong sakit sa bandang puson niya dahil kanina pa iyon nadadaganan nang nadadaganan.

Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya at ang pagdilim ng paningin niya. Kasabay n'on ay ang paghinto ni Axer sa paggalaw sa ibabaw niya at ang pagmumura nito nang paulit-ulit na para bang biglang natauhan. Hindi na niya gaanong naintindihan pa iyon dahil kinain na siya ng dilim.

"Damn it, Hillary, bakit hindi mo sinabi sa 'kin?! Damn!"

Continue lendo

Você também vai gostar

7.6M 232K 50
Successful yet snobbish, that's how most people describe the hottie doctor, Howell Banchero. He's determined to continue his family's legacy and just...
435K 6.2K 24
Dice and Madisson
7.5M 364K 82
Carter Altaraza is lethal, skilled, and ruthless on the battlefield. But after the war, there are no warriors--there are only survivors. And then Ala...
3.8M 157K 44
When secret agent McLaren Lane starts dreaming about a little girl, buried memories from his past resurface--a past shockingly intertwined with Celin...