Haraam (GxG)

By Messiahd

48.4K 2.2K 503

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 6

1.8K 105 18
By Messiahd

Yumukod si Heather upang pulutin ang in-can soda na nahulog sa sahig at malokong napangiti nang muli siyang humarap sa'kin.

"Snooping is not nice, honey." Sabi niya nang may makahulugang ngiti habang inaalog yung soda na para bang spray paint.

"Hoy, anong gagawin?" Nagtanong pa 'ko e may idea naman na 'ko kung anong kalokohan na naman ang nasa isip niya. "Wag!" Sigaw ko sabay harang ng braso nang itapat niya sa'kin ang soda at umakmang bubuksan ito.

Ilang segundo ang lumipas pero wala akong narinig na ingay o naramdamang kahit ano kun'di pagtawa mula kay Heather. Marahan kong ibinaba ang kamay.

"Messing with someone is not my thing." Saad niya nang muli ko siyang harapin. "Here." Kinuha niya ang kamay ko at ibinigay ang soda saka na 'ko tinalikuran. Binalikan niya ang kaninang ginagawa.

"Kainis ka." Reklamo ko.

"Kainis ka." Paggaya naman niya sa mas OA na pananalita.

Imbes na bumalik sa higaan ay muli kong tiningnan ang ginagawa niya. "Ako yan 'no?"

"So?"

"Ba't mo 'ko pinipinta?

"Kasi ikaw nasa isip ko." Sagot niya na parang wala lang.

Ako ang larawan ng kanyang obra ngayon. Hindi nude art. Sa pagkakatanda ko, ito yung kung kelan ako nakatulog sa sofa matapos naming mag-usap ni kuya Emil over the phone.

Teka, ako ang nasa isip ni Heather?

Ako ang nasa isip niya kahit may iba siyang kausap sa phone?

Muli akong napatingin sa ginagawa niya. "Pwede bang akin na lang yan?" Hiling ko.

"Edi sa'yo na. Scratch lang naman 'to." Bumaling siya sa'kin at ibinigay ito.

"Scratch?" Taas ang isang kilay na tanong ko.

Nasinghap ko pa ang aroma ng kapeng ginamit. Pansin kong hindi pa tuyo ang ibang parte.

"Wait," Binawi niya ito sa'kin at muling inilapag sa mesa. "May kulang pa pala." Saad niya habang isinasawsaw ulit sa kape ang watercolor brush at saka nagsimulang gumuhit sa pinaka-ibaba.

HNYKO

Yan ang inilagay niya at muling ibinigay sa'kin. "Mahal ang commission ko pero libre na yan sayo." Maloko siyang ngumiti.

"Ano 'to? Honey Ko?" Tukoy ko sa markang inilagay niya sa ibaba. "Ilang beses ko bang sasabihing Vanessa ang itawag mo--"

"Initials ko yan." Pagputol niya sa pananalita ko. "Heather Naz Kusser Yusafzai Oppenheim." Amused niyang sabi. "Wag kang assuming."

Tinignan ko ulit yung nilagay niya. HNKYO pala. Akala ko HNYKO.

Sa totoo lang, napahiya ako sa sinabi niya pero di ko pinahalata. Leche 'tong babaeng 'to. "Eh k-kasi Hon ang tawag mo lagi sa'kin. Malay ko ba." Maang kong sabi.

"Yun naman pala e. Sanay ka na. So wala ng problema, hon?" Muli siyang nagpakita ng ngiti na para bang humihingi ng approval.

"Filipino ka ba talaga?" Tanong ko bigla "Baka kasi sa ibang salita, may ibang meaning ang Hon."

Bigla niyang inagaw sa isang kamay ko ang hawak na soda saka nagsimulang maglakad. "Sa ganitong 'Get together' dapat alak ang meron." Saad niya habang palabas na ng kwarto. "Hindi soda."

Naiwan ako sa kinatatayuan, hawak ang obra niyang scratch lang daw.

Muli ko itong pinagmasdan.

Ang yabang naman ng babaeng yun.

Pero ang galing niya. Nagawa niyang ipinta ang larawang hindi na niya nakikita. Yung nasa isipan na lang niya.

Iniwan ko ang artwok sa mesa para hayaang matuyo bago sundan si Heather.

Naabutan ko siya sa salas, may hawak na baso habang nasa TV ang atensyon.

Parang may sariling buhay ang mga paa ko na kusang naglakad palapit sa kinaroroonan niya. Simula't sapul hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan dito.

Napansin ko ang bote ng alak sa may centre table. Muli akong napatingin sa hawak niyang baso na casual niyang iniinuman.

Napahinto ako sa harap niya. "Alak ba yan, ha?" Sita ko sa kanya.

Napangiti siya. "Bakit? Gusto mo?"

"Grabe. Tanghaling tapat ah."

Bigla niya 'kong hinawakan sa kamay at hinatak para mapaupo sa tabi niya. Masyadong mabilis ang pangyayari at tila nawalan ako ng reflects. Inilapit niya ang mukha sa'kin. "Sometimes, it's okay to be rebel." Pabulong niyang sabi.

"Hindi ako umiinom." Itinulak ko siya palayo sa'kin ngunit nanatili pa rin sa kinauupuan.

"Edi namatay ka na sana." Umayos siya ng upo. Crossed legs.

"I mean, ng alak."

Inabot niya ang bote na nasa ibabaw ng centre table. "Wala namang masama sa ginagawa ko." Saad niya habang sinasalinan ulit ang baso.

Sa simpleng pagkilos niya, napaka-sopistikada nitong tingnan. Kanina parang chill lang siya kaya approachable, ngayon naman nakaka-intimidate. Pero weird pa rin— Hindi. Misteryosa.

"Umiinom lang naman. Hindi naglalasing."

Napaisip ako sa sinabi niya habang nakatitig sa bote ng Jameson.

Sa totoo lang, ilang beses ko na rin namang nasubukang uminom ng alcohol kasama si Klein. Pero pinagbibigyan ko lang siya para hindi kami mag-away. Hindi ako nagpapakalasing dahil alam ko ang limitasyon ko at ang bilin sa'kin ng mga magulang ko. Buti na lang talaga. Kasi kung sinunod ko yung mokong na yun sa lahat ng trip niya, baka kapag nalasing ako e pagsamantalahan niya 'ko. Eh gago yung ugok na yun. Hindi na nakatiis kaya naghanap na ng ibang makukuha.

Ngayon lang nag-sink in sa'kin na baka yun lang ang habol ng lalaking yun.

Spanish for milk.

Pero umabot kami ng three years. Imposible namang wala siyang binigay na pagmamahal at pagpapahalaga sa tatlong taong pinagsamahan namin?

Mahal naman siguro niya 'ko. Baka naghanap lang ng iba kasi hindi ko kayang ibigay ang lahat sa kanya.

Pero kung talagang mahal niya 'ko, dapat alam niya'ng maghintay para sa tamang panahon. Hindi yung hahanapin niya sa iba ang bagay na hindi ko pa kayang ibigay.

"Hey," Nagising ako sa diwa dahil kay Heather. "Are you okay?"

Napatingin ako sa kanya at sa basong hawak niya. Kinuha ko iyon at tinungga ang laman.

"Punyeta. Nagmahal ako ng fuckboy." Naiiyak kong saad habang pinupunasan ang labi gamit ang sariling kamay.

Dahil sa narinig na pagtawa ay ngayon ko lang ulit namalayan na may kasama pala ako. Absent-minded akong napatingin ulit sa katabi ko.

Ako ba ang pinagtatawanan niya?

"May problema ka ba?" Tanong niya nang tumigil ito sa pagak na pagtawa. "Hulaan ko, sa love life 'no?"

Obvious nga siguro ang pagiging devastated ko kay Klein.

Ibinalik ko kay Heather ang baso na siya namang tinanggap nang hindi nawawala ang amused na ngiti sa mga labi.

Tumayo ako. "Ayoko niyan."

"Pag naipon yan, sasabog."

Natigilan ako dahil sa sinabi ni Heather. Muli akong humarap sa kanya.

"Kapag kinimkim mo yang hinanakit mo o kung anumang issue mo sa buhay, mas mahihirapan ka." Sabi niya habang nilalagyan ulit ng alak ang baso. "Yung tipong, di ka makatulog kaiisip. Parati kang lutang dahil ulit sa kaiisip. Our mind is stubborn. It won't stop thinking about the things we shouldn't think from the first place. But sometimes, talking about it with someone, helps."

Di ko ugaling mag-share ng kaeklatan sa buhay ko. Natatakot ako na baka pagtawanan lang ako, i-tsismis sa iba o isiping nagpapaawa.

Napatingin ako kay Heather nang uminom ito. Bumalik ako sa tabi niya.

"Eh ikaw? Bakit ka umiinom? May problema ka?" Tanong ko at para na rin mapunta tungkol sa kanya ang usapan.

Parang mas gusto ko kasing pag-usapan ang kahit ano tungkol sa kanya kesa mag-share ng kababawan ko.

"Wala lang. Trip ko lang."

"Lahat ng bagay may dahilan."

"Kaya siguro nabuo ang salitang ‘Trip ko lang’ para sa mga wala talagang dahilan." At saka ulit siya uminom nang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

"Alcoholic ka siguro."

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. "As far as I know, hindi pa naman ako dependent sa alcohol."

"Alam mo? Nawiwerduhan ako sayo."

"The feeling is mutual." Sagot niya habang nilalagyan ulit ang baso. "Nawiwerduhan din ako sa sarili ko."

Pagkabaling niya sa'kin ay muli kong kinuha sa kamay niya ang baso na para bang iniabot talaga sa akin. Sumimsim ako sa inumin.

"Stop doing that." Saad niya. "Get your own glass if you wanna join me here." Biglang naging maotoridad ang kanyang boses.

"Arte mo naman."

"No. Hindi dahil sa maarte ako." At ngayon naman parang defensive siya.

Bakit feeling ko sa lips ko siya nakatingin?

Nawala sa isip ko ang sinabi niya. Bigla akong naging conscious. "M-may dumi ba sa muk'a ko?"

Napabuga siya ng hangin saka tumayo.

"Teka, sa'n ka pupunta?" Tanong ko nang magsimula siyang maglakad paalis.

"I'll just get another glass para tig-isa tayo."

Bumalik siyang may dalang baso. Umupo sa dating pwesto. Nagsalin ng alak.

"Oh, anong problema mo?" Tanong niya.

"Ha?"

"Anong problema mo at nang mapag-usapan natin. Malay mo, makapagbigay pa 'ko ng advice or matulungan kita in any way that I can."

"Tungkol sa'yo ang gusto kong mapag-usapan." Wala sa isip kong sabi na para bang kusa na lang itong lumabas sa bibig ko.

Napatingin siya sa'kin. Ayan na naman yung amused niyang ngiti.

"Are you interested—"

"Hindi ah. Gusto lang kitang makilala." Sabat ko na para bang may pinagtatakpan.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?

"Gusto mo 'kong makilala? Bakit? Kasi interesado ka sa'kin." Bottoms up niyang ininom ang nasa kanyang baso nang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

"Interesante ka kasi."

Hindi pa 'ko lasing sa lagay na 'to pero agad-agad na lang lumalabas sa bibig ko ang sagot na para bang hindi naman galing sa isip ko?

"I wanna know you too." Hindi ko inaasahan ang narinig mula sa kanya. "Pero di ka friendly. Ang sungit mo."

"Ikaw din naman."

Naalala ko ang sinabi ni Anica na hindi daw siya nakikipag-usap sa iba. At gano'n din ang naobserbahan ko sa subject namin kung saan kami magkaklase.

"Matunaw."

Nanumbalik ako sa ksalukuyan dahil sa sinabi ni Heather.

"Hindi kita tinititigan. Naka-blank stare ako."

"Sungit."

"Mas mukha ka kayang masungit. Kaya walang kumakausap sa'yo." Inilagay ko ang hawak na baso sa mesa. Meron pang laman pero ayoko na. Di ko naman trip ang uminom. "Anyway, ano palang course mo?"

Sa isang minor subject lang naman kami magkaklase at nagkataong summer class pa kaya hindi required ang uniform at kadalasan ay merge kami sa ibang department. Kaya minsan kapag may bagong mukha sa klase, hindi namin alam kung anong kurso nila.

"Medlabsci."

Napakunot noo ako. Iisang department lang ang Medical Laboratory Science at ang Pharmacy sa unibersidad na pinag-aaralan namin. At kami ang may pinakaonting population sa lahat ng college departments kaya halos magkakakilala kaming lahat mapa-freshmen o graduating. Pero bakit parang ngayon ko lang siya nakita?

"Shifter ka o transferee?" Pagtataka ko.

"Transferee. Pero mag-shishift na rin ako kasi di ko naman preferred ang medlabsci."

"Ano bang gusto mo?"

"Aylabyu." Sagot niya saka natawa.

"Corny mo."

"Ang seryoso mo kasi."

"Saang school ka galing?"

"Medical school."

Hindi siya makausap ng matino. Nakakainis. Hindi na nga lang ako magtatanong.

Ibinaling ko na lang ang atensyon sa panonood ng kung anong meron sa TV.

"Ikaw?" Tanong niya bigla. "Anong course mo?"

"Pharmacy." Walang tinging sagot ko sa kanya.

"Future drug dealer ka pala."

Di ko na lang siya pinansin. Manonood na lang ako kesa makipag-usap sa non-sense na kagaya niya.

"Do you fancy gay couples?" Tanong na naman niya. "Do you ship Alec Lightwood and Magnus Bane?" Tukoy niya sa gay characters na kasalukuyan kong pinapanood.

"My foster parents are gay." Matabang kong sabi.

Hindi na ulit siya nagsalita pa. Nakita ko from my peripheral vision na naglagay ulit siya ng alak sa kanyang baso saka bumalik mula sa pagkakasandal.

Medyo odd para sa'kin na umiinom siya ng alak sa ganitong oras. Alas nueve ng umaga. Summer pa naman, mainit ang panahon. Kagaya ng iniinom niya, mainit sa katawan. Mabuti na lang air-conditioned 'tong pad. Normal lang ba talaga para sa kanya ang ginagawa ngayon?

"Oh, it's happy hour somewhere, my dear." Linya ni Magnus Bane mula sa pinapanood ko.

Spanish for milk.

Parang sinadya na pati fictional character sa isang TV series ay may sagot sa mga tumatakbo sa isip ko.

At bigla na lang din naging color black ang screen ng TV.

Napatingin ako kay Heather na hawak ngayon ang remote. "Ba't mo pinatay?"

"Mapapanood mo din yan ulit kung gusto mo." Ibinalik niya ang remote sa ibabaw ng coffee table.

"Ba't mo nga pinatay?"

Tumingin siya sa'kin. "Hindi mo kasi ako pinapansin." at saka na naman ngumiti.

"E kanina pa naka-switch yung TV, wala namang nanonood kaya ako na lang."

"Kaya ko nga pinatay." Kibit-balikat niya. "Bakit, avid fan ka ba ng Shadowhunters? Ang cool ni Izzy Lightwood 'no? Pero mas cool kung hindi rin siya straight kagaya ng kapatid niya."

Hindi ko masyadong binigyang pansin ang pinagsasabi niya nang mapako ang tingin ko sa kulay abo niyang mga mata.

"Heather, naka-contact lens ka?" Katangahan kong tanong.

Malinaw pa sa sikat ng araw na may dugo siyang dayuhan kaya natural kung iba ang kulay ng mata niya. Bakit ba kasi yun ang natanong ko?

"Hindi. Bakit?"

"Wala." Sabi ko na lang.

"If you're wondering about the color of my eyes. I got it from my dad."

"Ano bang lahi mo?" Yan ang kanina ko pa talaga gustong itanong.

Muli siyang napangiti. Yung ngiting parang may kalokohang naisip. Kapag ganyan, inaasahan ko ng kapilosopohan ang sagot niya. "I'm a mix of Siberian husky and Golden retriever."

Sabi na nga ba.

"Seryoso ako, okay? Ano nga kasi?" Feeling ko tuloy nagmukha pa 'kong demanding dahil sa naging reaksyon.

"Does it matter?" Kwestyon niya. Napalis na rin sa kanyang mukha ang ngiti sa mga labi.

Wala akong naging sagot. Natagalan din bago ulit magsalita si Heather.

"Okay," Pagbasag niya sa sandaling katahimikang nabuo. "My dad is part norweigian, part filipino. My mom is pakistani." Lumagok siya sa inumin bago muling magsalita. "I was born in Pakistan, raised in England and now I'm living here."

"Ikaw lang?" Pagkibit-balikat lang ang naging sagot niya. "Ano pala yung sinabi mo kanina na hindi naman importante?" Tanong ko ulit.

Napabuntong hininga siya tsaka uminom bago ako sagutin.

"Hindi lang ako komportableng mag-introduce ng sarili. I mean, sa race? that's just the tip of the iceberg. Sa ibang bagay, hindi ko na alam saan mag-uumpisa or pa'no i-explain."

"Bakit?"

"I just don't get it. Kaya siguro hindi ko masabi kasi hindi ko maintindihan. Like why do we have labels for everything? Giving characteristics or defining my self is not my thing. And one thing I hate the most is giving labels. Nagkakaroon kasi ng sense of exclusivity or stereotypes. Say for example sa race, sa gender, sa religion sa status o sa kahit ano that makes us separated. Kaya ayokong sabihin kung ano ako. Kasi ang pagkakaalam ko, tao ako. We're all human. Does it matter kung may iba akong lahi or pure-blooded filipino or what?"

Natameme na naman ako. Akala ko wala siyang sense kausap. Ngayon ko lang na-figured out na may pagkamalalim pala siya.

O sadyang kumplikado lang?

Hindi simple ang perspective niya sa buhay.

"We could be a girl or a boy or gay. A kid or an adult. Rich or poor. A Christian, Muslim, Hindu or whatever. White, black or brown. In any situation that's completely different from everyone else, it doesn't matter. If we're born in this planet, we are one. We are all the same."

Continue Reading

You'll Also Like

46.3K 580 35
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...
15.8M 595K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
65.2M 1.3M 73
Imogen Harrison has been dating campus heartthrob Parker Yapchengco. But no one knows about it. Bagaman pumayag si Imogen na ilihim nila ni Parker an...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...