Noong una'y di ka napansin
Ngunit kaklase ko'y tinawag ako
Kaya sayo'y biglang napatingin
Mula noo'y di na maalis ang tingin ko sayo
Palihim kitang pinagmamasdan
Kaklase mo'y iyong kadaldalan
Ako'y kinuhit ng aking kaibigan
Ikaw raw ay kanyang hinahangaan
Kaya ako'y biglang natahimik
Di ko alam kung anong sasabihin
Aamin bang ako sayo'y may pagtingin
O hindi nalang ako iimik
Gusto nyang malaman ang iyong ngalan
Ako'y napatingin sayo ng marahan
Tinawag ka namin
Ngunit di mo kami binigyang pansin
Pinakuhit ka namin sa aming dating kaklase
Di ka pa rin lumilingon kasi
Nang kami'y lingunin
Ako'y napatikom
Ngiti mo'y sadyang ganda
Bagay na bagay sa maamo mong mukha
"Ano daw pangalan mo?" Munti naming tanong
"MK" tangi mong tugon
Ako'y lubhang nagtaka
Sobrang iksi ng ngalan nya
Isip ko'y nagtatanong
Anong ibig sabihin ng letrang iyon
Muntik ng maging MMK biro ko pa
Napalingon kang bigla
Napatikom naman akong bigla
Baka magalit ka , hindi ko iyon makakaya