HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Thirty-One

14.3K 332 80
By hunnydew

Sobrang naguluhan talaga ako simula nung inisip kong may gusto nga ako sa bespren ko.

Kasi naman diba? Di nagsasabi si Louie na magbabago na pala. Nagulantang tuloy kami ni Chan-Chan. Kaya di ko rin masisi kung bakit nagdagsaan bigla ‘yung admirers niya mula sa kung anu-anong year.

 

Pero alam niyo ba kung anong ginawa ko nun para lang makumpirma ko kung may gusto nga ako kay Louie o wala?

Tinaguan ko siya.

Oo! Grabe yon! Halos isang linggo ko silang hindi sinamahang mag-lunch para lang di ko makita si Louie. Ginawa ko pa talagang dahilan si Mason para lang makaiwas. Alam ko, nagtataka na sila ni Chan nun pero ano namang gagawin ko? Ayoko namang tuluyang mainlababo kay Louie. Kadiri kaya, huhu.

Meron pa nga, one time, pinuntahan talaga ako ni Louie sa classroom nung lunch time. Eh kasi naman, wala pala si Chan-Chan.

“Charlie!” tawag niya sa’kin. Nakatalikod ako nun tas nanigas talaga ako kasi kahit ‘di ako lumingon, alam kong si Louie ‘yon. “Sabay na tayong kumai—“

“Ah, ano! May ano… ahh… may pinapagawa pa sa’kin si Mason eh. Sorry talaga bespren ah, nestaym na lang ulit,” sabi ko sa kanya at tumalikod na. Sakto namang dumating si Ray, ‘yung kabarkada ni Mase na pumupunta sa bahay namin dati. Nagulat nga ako kasi magkakilala pala sila ni bespren. Siya tuloy ‘yung naaya ni Louie na magpishbol.

Nainis tuloy ako kay bespren non kasi parang alam niyang di pa ulit ako nakakakain ng pishbol simula nung iniwasan ko siya. Tss. Kaya hinatak ko na lang si Mason sa pishbolan pero ‘yung malayo dun sa tinderang suki namin.

“Magkakilala pala si Ray tsaka si Louie noh? Teka, nililigawan ba ni Ray si bespren ko?” tanong ko kay Mase habang ngumunguya ng pishbol. Pinagtiyagaan ko na lang kahit hindi ‘yun kasing sarap nung tinitinda nung suki namin.

Si Mason naman, nag-order ng apat na pirasong siomai with rice. Pero kibit-balikat lang ang naisagot niya sa’kin. “Ewan. Bakit? Nagseselos ka?”

Muntik akong mabilaukan nun kaya nilagok ko ‘yung gulaman. “Hindi ah! Bakit naman ako magseselos? Buti nga may tutulong na sa kanya para maka-move on na si bespren dun sa sira-ulong Aidan na ‘yon eh,” depensa ko naman kasi ‘yun naman ang totoo.

Pinagpatuloy ko ‘yung pagkain ko habang nakatanaw kila Louie at Ray sa di-kalayuan. Hindi naman talaga ako nagseselos. Kasi hindi ko naman alam kung anong pakiramdam nun. Ang totoo nga, masaya ako para kay bespren eh kasi mukhang may papalit na kay Aidan, hehe.

Tapos naalala kong kabarkada nga pala ni Mase si Ray kaya tinignan ko siya. Nakatanaw din siya kila Louie kaya nagtanong na ako. “Ikaw ba? Hindi ka ba nagseselos?”

Binaba niya ‘yung mga kubyertos niya at tinaasan ako ng kilay. “Bakit naman?”

“Ehhh kasi…  kung nililigawan nga niya si Louie…tas kabarkada mo siya…ano… hindi ka ba nagseselos dahil mas lagi nang kasama ni Ray si Louie? Kasi di na siya masyadong makakasama sa barkada niyo?”

Natawa nalang si Mase bago pinaalala sa’kin ‘yung nanyare nung Grade Five ako—nung pinatawag sila Mama sa school kasi akala nila karelasyon ko si Krystal.

Edi sempre naalala ko rin ‘yon –yung umiyak si Mama tas isang linggo akong di kinausap tsaka ‘yung mga sinabi nila sa’kin na babae ako at ‘wag daw akong magkakagusto sa parehas kong babae dahil baka raw mamatay si Mama.

Sinaksak ko talaga sa kukote ko yung mga sinabi niya! Mahirap na. Sempre mahal ko sila Mama. Baka mamaya dahil sa’kin pa kung biglang madedz sila diba? Ayoko naman nun. Tsaka ayoko namang lagi nalang umiwas diba? Kailangang harapin ko si Louie! Sabi nga nila… mine over matter. Ako lang ang makakatalo sa mga walang kwentang bagay na naiisip ko, hehe.

“Tingin ko naman hindi mo crush si best friend mo,” sabi pa ni Mase. “Baka humahanga ka lang kasi siya nagdadalaga na, samantalang ikaw, isip-bata na nga, boyish pa rin. Nagagawa na niya ‘yung hindi mo pa naiisip na ginagawa mo.” Isa ‘yun sa mga madalang na araw na marami siyang nasabi.

Napaisip talaga ako don!

Kaya nagpasya na akong sabayan na ulit kumain si Louie nung mga sumunod na araw pero sempre, nagdahan-dahan pa rin ako. Hanggang sa na-realize kong tama pala si Mason.

Paghanga lang pala ‘yung inakala kong pagkakagusto ko kay Louie. Normal lang naman ‘yung humanga ka sa kaibigan mo diba? Parang paghanga ko lang din kay Chan-Chan kasi… ano ba? Kasi mas maganda siya sa’kin kung nakadamit babae siya tsaka magaling siyang sumayaw? Mga ganon.

Buti na lang talaga pinaisip sa’kin ‘yon ni Mase! Ang galing talaga ng kapatid ko, hehe.

“O ano? Ayos ka na?” pangangamusta ni Mason sa’kin nung sigurong napansin niya na hindi na ako aligagang sumasama ulit kila Louie.

Nag-thumbs up ako sa kanya. “Oo, ayos na, ayos na. Salamat ah,” sabi ko sa kanya na nakabungisngis habang nakahawak sa gitara ko at nagpapraktis.

Ngumiti lang si Mason bago niya iniba ‘yung usapan. “Alam mo na kung anong tutugtugin mo sa Prom?”

“Ahh, nag-iisip pa ako ng magandang kanta eh,” sabi ko na lang habang tumitipa sa gitara ko na niregalo sa’kin nila Papa nung First Year ako.

Ni-boluntold kasi ako nila Chan-Chan at ni Maja, ‘yung class president namin na tutugtog ako sa JS Prom.

Di niyo alam ‘yung boluntold?  Ano yon…  Yun yung di ka kinausap pero sinabihan ka nang may gagawin ka tapos di ka pa pwedeng pumalag. At dahil di ka na pedeng magreklamo, gagawin mo nalang para matapos ‘yung usapan.

Ayon nga. Halos lahat ng mga nakakasalubong kong third year o kaya fourth year students, puro JS Prom ‘yung naririnig ko. Masyado silang eksaytment. Ano bang meron sa Prom-Prom na ‘yun? Diba sayawan lang naman ‘yon?

“Magdala ka nalang ng pamalit mo,” dagdag pa ni Mason.

Naguluhan naman ako dun kaya kunot-noo akong nagtanong. “Bakit kailangan ko pang magdala ng pamalit? Hindi ba pwedeng kung ano ‘yung suot ko nun, ‘yun na rin ang damit ko sa stage?

“Ha? Naka-gown kang tutugtog?” naguluhan ding tanong ni Mase.

Napakapit ako noon sa gitara ko nung naintindihan ko‘yung sinabi ng kapatid ko. “GOWN?! Diba bestida ‘yon na pinaganda?! AYOKO NGA! Ayoko na! Di na lang ako pupunta! Sasabihan ko nalang sila Chan-Chan at Maja na magboluntold ng ibang magpe-perform!”

Mukha na nga akong ewan kapag naka-uniform tas magga-gown pa? Ano ‘yon? Edi nagmukha lang akong contestant sa Ms. Gay Universe?! Tss.

 =====

A/N: Kinabahan kayo dun noh? Hahaha.. akala niyo tuluyan nang naging tibo  si Charlie noh?? Bahahaha

Enweyy…wag niyong sinasaulo ‘yung mga wrong gramming ni Tarlie-buyoy ahh. Wag tularan!

 

Dictionary ni Charlie:

nestaym = next time

pishbol = fishball

nanyare = nangyari

Mine over matter = mind over matter

Boluntold = Volunteer + Told = Voluntold

 

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...
2.7K 366 47
Wattys 2022 and 2023 Shortlisted "'Wag muna," mahina niyang pakiusap habang nakatulala sa harapan. Nakatitig lamang siya sa kawalan. "'Wag muna, plea...
6.4K 384 30
Since birth, Euphoria and Franzean is inseparable. Their friendship is stronger than any relationships. But as they say, feelings can ruin friendship...
6.8K 301 7
"Hindi ka ba makatulog? Gusto mong patulugin kita? Habangbuhay..." ________________________________ All Rights Reseved Lena0209 July2015