The Used

By AknedMars

301K 5.9K 711

More

The Used
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15

Part 10

12.1K 270 15
By AknedMars

Part X

VOTE

COMMENT

RECOMMEND

THANKS A BUNCH

XXIX

 

Isang buwan na ang nakakalipas ng makatanggap siya ng isang balita. Kinakailangan niyang bumalik kaagad sa kanila kahit ayaw pa niya, nasa ospital daw ang kanyang ama at nagkasakit dahil sa labis na pag aalala sa biglaan niyang pagkawala. Kinabahan siya, ayaw niyang siya pa ang maging dahilan ng pag kakasakit nito.

Pag kadating niya sa siyudad ay agad siyang pumunta sa ospital kung nasaan ito. Mabuti nalang at gabi na, wala ng masyadong tao sa ospital. Pagkapasok niya sa kwarto ay agad siyang sinalubong ng mainit na yakap mula sa kanyang ina, at mahabang sermon mula sa kapatid niyang si Bridgette.

“Are you okay son?” tanong ng kanilang ina

“yeah, I’m fine mom” tumango lang ang kanilang ina at niyakap siyang muli, hindi na ito nagsalita pa.

“Kuya? San ka ba nagpunta ha? Anong drama naman yang ginagawa mo ha? Hindi ka naman ganyan ah, gumagaya ka na kay kuya Matt, siya naman ang ganyan ah, yung nawawala nalang bigla, pero hindi ikaw” dere-deretsong sermon sa kanya ni Bridgette.

“Hey, nandito ako” sabat ni Matt na nakaupo sa tabi ng asawa nito habang kalong ang natutulog niyang pamangkin “Pero tama si Bridge, hindi ikaw ang tipong missing in action bro, ako yon, wag ka ng gumaya pa”

Hindi niya pinansin ang mga kapatid niya, dumeretso siya sa tabi ng kanilang ama.

“Is he okay?” tanong niya.

“Yeap, he’s fine, kailangan lang ng pahinga” si Bridgette na ang sumagot ng tanong niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil don. Naupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi nito.

“Nandito nga pala si Ate Aya kanina, mga 30 Minutes bago ka dumating kakaalis niya lang” si Bridgette parin.

Bahagyang nanigas ang kalamnan niya ng marinig ang pangalan ni Aya.

“Bro, samahan mo ko” sabi sa kanya ni Matt at lumabas na ng silid, sumunod nalang siya dito. Nahalata siguro nito na nag stiff siya.

“San tayo?” tanong niya dito

“Sa 7-11 dyan sa labas, bibili akong diaper, wala pala kaming dalang extra diaper ni Maddi dahil sa pagmamadali eh” nauuna itong maglakad sa kanya, hindi nagsasalitang sumunod nalang siya dito.

Nasa 7-11 na sila, kumuha ito ng diaper sa track, nakasunod lang talaga siya dito. Kumuha ito ng dalawang canned beer, bumili rin ito ng isang kahang yosi pagsapit nila sa counter.

Lumabas na sila ng convenience store. Iniabot nito sa kanya ang isa sa dalawang beers na binili nito, naupo ito sa upuan sa labas. Nakamasid lang siya dito.

“Seat and please talk Migz, your silence is so disturbing” exaggerated ang pagkakahayag nito.

Naupo siya sa upuan sa tapat nito, inabutan siya nito ng yosi at lighter pagkatapos nitong magsindi ng isa.

“Hindi ba magagalit si Grace sayo niyan?” tanong niya.

“Magagalit yon, pero minsan lang naman, wag mo na problemahin yon” sabi nito.

“okay”

“So san ka nagpunta?” tanong nito sa kanya pagkatapos din niyang magsindi ng yosi.

“Some island in the south” tugon niya bago humithit.

“Was it good?” si Matt

“yeah, it is good”

“Dalhin mo kami don pag labas ni dad sa ospital, I wanna know if it’s really good”

“sure, no problem”

Silence.

“Was she really here?” wala sa loob na tanong niya.

“Who?” patay malisyang tugon sa kanya ni Matt.

“you know” mahinang sabi niya.

“yung recent ex mo?” sabi nito habang humihithit ng sigarilyo.

Napalunok siya ng wala sa oras, “EX” tumaginting yon sa tenga niya, yeah, damn it, ex na niya si Aya, ay ayaw niya non.

Shit. Mura niya sa sarili, umalis siya para makalimutan ito, pero bakit ngayon eh inaalala na naman niya ito? Paano siya makakapag move on kung ganito?

Hindi na siya sumagot pa sa tanong ni Matt sa kanya.

“You know what bro, hindi kami makikialam sa inyo, well ewan ko lang si Bridge, pero kami, hindi talaga, kung ano man ang gusto mo, sige lang, bahala ka, pero sana, sundin mo kung ano talaga ang magpapasaya sayo” si Matt.

Tumango lang siya ilang tugon dito.

Nilaklak na nito ang beer na binili nila, ganun na rin ang ginawa niya.

“We should get back” sabi nito tapos ay tumayo.

“yeah, I need to talk to mom too.”

“lagot ka pag nasolo ka na ni Mom”

Ngumiti nalang siya. Damn, he feels miserable.

 

XXX

 

Dumalaw siya sa tatay ni Migz, alam niya na wala siya sa lugar para gawin yon dahil hindi na naman siya kasintahan ni Migz, isa pa, nawawala din ang lalaki at wala ni kahit isa sa kanila angmay alam kung saang lupalop ng mundo ito naroroon.

Bumuntong hininga siya.

Hindi na nga yata talaga siya babalikan pa ni Migz, kahit pa siguro sabihin niya dito na dinadala niya sa sinapupunan niya ang anak nilang dalawa. Pero hindi man siya balikan nito, hindi niya ipagkakait sa pamilya nito ang magiging anak nila. May karapatan ang mga ito sa batang isisilang niya.

Wala pa siyang pinagsasabihan nito, ayaw niyang magulantang ang pamilya nito, saka nalang siguro niya sasabihin ang kalagayan niya.

Kailangan niyang magpakatatag para sa kapakanan ng anak nilang dalawa.

Hindi na rin niya hihilingin pa na balikan siya nito, hihilingin at hahangarin nalang niya ang kasiyahan ng lalaking minamahal, hindi man sa kanya ang kaligayahang iyon ay malugod na niya iyong tatanggapin.

XXXI

 

“Alam mo anak, kung saan ka magiging Masaya, duon ka lumagay” sabi sa kanya ng kanyang ina matapos siya nitong sermonan ng napakahaba at matapos niya ring sabihin dito ang dahilan ng biglaan niyang pagkawala na labis na nagdala ng kaba sa lahat.

Alam na naman daw nito na si Aya ang dahilan kung bakit niya piniling umalis.

“Hindi sagot ang pagtakas sa mga bagay, lalo na kung tungkol yan sa relasyon, walag magyayari kung tatakas at lalayo ka lang. napatunayan ko nay an” Si Matt mula sa likuran niya. Ngumiti siya, minsan ng ginawa iyon ng kapatid niya at batid niyang lalo lamang naging miserable ang buhay nito nang mga panahong iyon, isa pa, talagang may sayad ang kapatid niyang ito.

“Gawin mo kung ano ang makakapagpasaya sayo anak” sabi muli sa kanya ng kanyang ina.

“Yeap, tapos saka ka na mag – isip, tama na muna yang kakaisip mo, tatanda ka agad niyan” si Matt tapos ay ngumisi sa kanya.

“kelan mo pa natutuhan ang mga bagay na gaya nito ha? Makapagsalita ka kala mo matanda ka pa sakin ah” nang aasar na sabi niya dito.

“simula ng ipagkanulo ako nila Mom kay Graciella, marami na akong natutuhan” tumatawang sabi nito, sinabayan na niya ito ng tawa ng Makita niyang pinaningkitan sila ng mata ng kanilang ina.

Susundin niya ang sinabi ng mga ito.

Gagawin niya kung ano ang makakapag pasaya sa kanya.

- BUMALIK NA SI MIGZ! MAARTE.BRRR

- PREGGERS SI AYA, MEHEHEHEHE AYAW KASI GUMAMIT NG PROTEKSYON BAKA UMAKSYON NI MIGZ, AYAN, NA PREGGERS SI AYA, PALIBHASA BUMBERO SI MIGZ, PANAY ANG BOMBA! YAY!

VOTE

COMMENT

RECOMMEND

THANKS A BUNCH

SPREAD THE LOVE, NOT THE LEGS.

- AknedMarsMacho

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
5.1K 293 25
A man who happens to remember every detail of the lifes around him, sakit na pipiliin nyang alisin sa buhay nya para hindi na maging miserable, pero...
1.2M 3.5K 8
(COMPLETED) [The Architects Series #4: Lilian Del Valle] Lilian Del Valle grew up without the presence of a father. Growing up, she already knew wha...
Unwanted By CreepyPervy

General Fiction

2.6M 73K 41
After being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrad...