Compilation Of My One Shot St...

By marielicious

747K 17.5K 3.5K

AIWG related short stories. More

Compilation Of My One Shot Stories
[Entry #1] Will You Be Mine?
[Entry #3] Crush Kita... Bye!
[Entry #4] My Cousin's Cousin
[Entry #5] Autograph
[Entry #6] Dear Diary
[Entry #7:] Childhood Crush
[Entry #8:] This One's A Revelation

[Entry #2] Pa-like naman

86.9K 2.1K 634
By marielicious

--

Dedicated to miss Asrah028... One of my inspirations here in wattpad.. :)

--

 Wayne's GIF on the side =)

[Entry #2] Pa-like naman

[Juna 09, 2013]

 

***

 

“Pa-like naman? Nasa baba po yung link ng page. Thank you po!”

Yan ang pinagkakaabalahan ko one Saturday night… Ang magpa-like ng page sa facebook. Grade ng group ko kasi ang nakasalalay dito oh!

But what if…

Sa isang X10 gang member na nagngangalang Mark Wayne Madrigal ko nasend ang message na ito?

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!! Juna Joy, bakit ang shunga mo!? Kamusta naman yun????!!!”

Ultimate crush ko pa man din siya! Huhuhu! Nakakahiyaaaaaaaaaa!!!(/>,<\)

 

***

“Juna Joy, dinalhan na kita ng dinner mo. Hindi ka na naman bumaba eh.” Nabigla ako nang makita kong may isang tray ng pagkain ang nakalapag sa study table ko. Tinanggal ko muna ang headset sa tenga ko at hinarap si Manang Luding.

“Manang, salamat po!” :D

Nginitian niya lang ako saka siya lumabas na ng kwarto ko. Syempre, kinain ko na ang pagkaing dinala sa akin ni Manang. Actually, gutom na talaga ako eh. >______< Pero hindi ko maiwanan ang ginagawa ko.

Ano nga ba ang ginagawa ng isang magandang babaeng nagngangalang Juna Joy sa mga oras na ito? (?_?”)\

Heto ako ngayon at iniisa-isa ang mga naka-online sa online list ng facebook ko. Nagpapalike kasi ako ng facebook page namin. Puspusan ako sa pagpapalike kasi gusto ko namang ma-exempt ang group namin sa three consecutive quizzes sa isang subject. Masakit kasi sa brain magpa-quiz ang professor namin eh. Obviously, the group who will gain the highest number of likes in their facebook page will be exempted in our upcoming quizzes. 2 weeks nalang bago ang University Week… Kailangan kong magpromote pa!

Pagkatapos kong kumain ng dinner ko ay ibinaba ko na ang pinagkainan ko sa sink saka ako umakyat na sa kwarto ko at bumalik ulit sa tapat ng PC ko.

Apat na oras na akong nakaharap sa PC ko kaya medyo sumasakit na ang mga mata ko. Grabe! Kung hindi lang dahil sa exemption sa quiz, hindi ako magbababad ng ganito dito. >3<

“30 minutes nalang… Pagkatapos nito, matutulog na ako. Mahapdi na mata koooo~” sabay kusot ko pa dito. 11:30PM na sa clock ng PC ko. Waaaah! Jusme, tama na siguro ang ginawa ko. Eh halos naiirita na sa akin ang mga pinipi-em ko sa facebook eh. Yung iba naman dinededma ako, pero may mababait naman na nilalike ang pinapalike ko. Chineck ko muna ang facebook page namin and yeaaah! 300likes na. Kanina lang 250 likes yan eh! Hahahaha! Nadagdagan ng 50. ^_______________^

Nung nakita kong may nag-pop sa online list ko na bagong log-in pa lang ay agad ko itong clinick without seeing kung sinuman yun! Eh antok na ako eh –o-

Copy-paste lang yung ginawa ko sa chatbox niya then enter.

 

“Pa-like naman? Nasa baba po yung link ng page. Thank you po!”

Last shot. Pagkatapos nito, maglologout na ako. Antok na antok na-----------

O________________O

 

 

*blink blink*

 

*iling-iling*

 

*kusot sa mata*

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!! Juna Joy, bakit ang shunga mo!? Kamusta naman yun????!!!”

Ultimate crush ko pa man din siya! Huhuhu! Nakakahiyaaaaaaaaaa!!!(/>,<\)

 

Nagtatatakbo ako sa loob ng kwarto ko na akala mo ay nasisiraan na ako ng ulo! Kyaaaaaaaah! Eh pa’no ba naman kasi hindi ako magpapanic, eh sa Mark Wayne Madrigal yun!!! >___________<

Pangalan pa lang, ulam na noh? Eh pa’no pa kaya ang itsura niya? Titigan mo pa lang siya, mabubusog ka na! Huhuhu! Nakakahiya! T_________T Baka magalit sa akin? Alam kong mabait yun pero hellooooooo!?! Gangster pa rin naman yun… May pagkaisip-bata pero gangster pa rin… Approachable siya pero gangster pa rin… Jolly pero gangster pa rin…

At yung gangster na yun ay 3 years ko ng crush…

Crush? To the point na lahat ng kanyang status updates, posts, pictures at kung ano-ano pa ay nila-like ko. Pero I’m sure naman hindi niya na yun mapapansin kasi madami siyang auto-likers. Hindi naman ako yung stalker type pero minsan kapag nagsasabi siya kung nasaan ang current location niya sa facebook ay pumupunta ako pag may time. ARGH! Basta crush ko siya… Period!

I’m one of those who like him from afar… Hirap abutin ‘teh! Kumbaga sa aso, K9 siya, samantalang ako askal lang. Sa pusa, Persian Cat siya, samantalang ako pusakal lang. Sa bigas, siya yung Jasmine, ako naman NFA. Sa cellphone, 3210 ako, samantalang siya, Iphone5. At sa TV, siya ang touch screen TV with internet samantalang ako, Black and White TV. Now tell me, mapapansin niya ba ako?

ASA KA JUNA JOY! Ni hindi man lang nga ako mabalingan kahit one second na tingin ni Wayne eh. (_ _”)

Naglulundag-lundag muna ako ng sampung beses bago ako bumalik sa harap ng PC ko. Medyo pumikit muna ako at dahan-dahang minulat ang isa kong mata para masilip kung may seen na ba o hindi niya pa nababasa. WAAAH! I know naman, na hindi niya ako irereply pero……

O____________O

“KYAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH! NIREPLYAN NIYA AKO! NIREPLYAN NIYA AKO! AAAAAAHHHHHHHHHHH!”

 

***

Mark  Wayne: Sure :) Yan lang ba papalike mo?

***

Napahawak nalang ako sa dibdib ko habang paulit-ulit na binabasa ang reply niya. Geez! Hindi pala siya isnabero. Omo! Ansave ng smiley niya sa akin ^_______^ Lakas tuloy makadugdug ng puso ko. ^////////////^

Nanginginig ang dalawa kong kamay habang tinatype ko ang irereply ko sa kanya. Ano bang irereply ko?

Thank you, Wayne! Mwah! :*

 

Napailing nalang ako at dali-daling binura ang itinayp ko. Parang malandi ang dating eh! >.>

Thank you po :)

ENTER.

 

“Hoo! Jusme Lord! Sa chat pa lang kinikilig na ako. What more kung nakausap ko siya sa personal?” Bulong ko sa sarili ko habang pinapaypayan ang mukha ko gamit ang kamay ko. Nawala yata ang antok ko at ginising niya ang diwa ko! :D

Maya-maya lang ay nagreply na siya…

***

Mark Wayne: No probs. :D Taga-E.H.U ka rin?

***

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nagreply ulit siya. Haluuuh! Nakikipagchat na talaga siya sa akin? :O

Opo… :)

ENTER.

Alam niyo yung makikitang *toot toot* is now typing… sa FB? Parang hinihigit ko yung hininga ko. Hahaha! Naeexcite kasi ako sa bawat reply niya eh. Jusme! Kinikilabutan ako… Kilabot in a good way naman kasi nakachat ko ang isang Mark Wayne Madrigal na sikat sa buong E.H.U. My gulaaaaaay! Hindi yata ako----------

O______________O

>_________________<

“Geeeeeeeeeeeeeeeeeeeez! Bakit nagbrownout pa?!”

Oh my. Pa’no ko mababasa ang reply ni Mark Wayne ko? T_T

 

***

 

Kinabukasan, Sunday. Hindi ako nakatulog magdamag kasi hindi mawala sa isip ko na nakipagchat sa akin ang long time crush ko. Ang kaso… Nagbrownout naman! Anak naman ni American Platypus oh! Hindi man lang ako nagpaalam sa kanya. Baka sabihin nun sa akin ang rude ko. Huhuhu! Wala na, turn off na yun sa akin. Weeeh? Makaturn off eh noh? Akala mo may gusto sa akin si Wayne. Hahaha!

“Ikaw kasi! Wala ka namang silbi. Bakit kung kailan kailangan kita, saka ka pa dead bat?” Kung may buhay lang ang phone, malamang kanina pa ito nahilo sa kakayugyog ko dito. Nakakairita kasi itong cellphone ko! Where are you when I needed you the most? Ay, drama? =___= Ito kasing phone ko ang tinakbuhan ko nang mawalan ng kuryente kagabi but unfortunately, dead batt naman ito. Anong silbi ng mobile internet ko diba? T__________T

Ilang araw na rin ang nakalipas nung makachat ko si Wayne pero hindi na yun naulit. Actually, 4 days na rin ang lumipas eh. Wednesday na naman kasi. Kung itatanong niyo kung may nagbago ba matapos ko siyang makachat? Oh well meron naman! :D Kung dati, sinusundan ko siya ng tingin, ngayon naman ay iniiwasan ko na siyang tignan. Eh kasi naman eh, nahihiya ako! Pa’no kung makilala niya ako diba? Eeeeeeh! I know impossible! Pero malay mo nga? Ang rude ko pa naman nun, nagdisappear ako bigla.

Dahil Wednesday na naman ngayon, at one week and a half nalang ay university week na namin ay balik promotion na naman ako sa facebook. But this time, pati sa twitter kinareer ko na. Kung dati 300 likes lang ang meron kami, ngayon naman ay naging 1,200+ likes na XDDD

Kagaya ng dati, copy paste pa rin ang ginagawa ko.

 

“Pa-like naman? Nasa baba po yung link ng page. Thank you po!”

 

Dahil natatamad na akong mag-isa-isa sa online list ko ay nagscroll ako sa newsfeed ko at napangiti ako nang makita ko ang status ni Wayne today. Online pala siya ngayon… >.>

BOOOOOOORED =__________=

 

Yun ang status niya! Syempre, nilike ko naman agad. Hanggang like lang naman ako at hindi ako nagcocomment. Nahihiya kasi ako.

Nagpunta ako sa profile niya at pinagmasdan ang mga pictures niya. “Naku, kapag naging tayo, Wayne, hinding-hindi kita hahayaan na mabored.” Napailing nalang ako sa sinabi ko. Ehem, minsan talaga, mas malandi ang iniisip ng utak kesa sa kinikilos ng katawan ng tao eh. >____>

Maya-maya lang ay biglang may nagpop sa notification ko. Medyo napataas ang kilay ko nang makita kong isa itong game request…

But fudge! Hindi ito basta-basta game request lang…

It’s a game request from Wayne!

I frowned while staring at it. “Pet Society?! Hala, naglalaro si Wayne ng Pet Society?!” O______o

Natawa naman ako dun! Hahahaha! :D Bakit sa lahat ng lalaruin na game sa facebook, eh Pet Society pa? XD

Bumalik ulit ako sa newsfeed ko, at nakita ko na naman nag-status ulit si Wayne.

Playing Pet Society… x) Boring eh. Penge naman ng gift sa pet ko na si Sweetie LOL. Lakas ng trip ko.

 

Hindi ko alam kung nababaliw na rin ba ako pero I just found myself playing Pet Society, too. I even gave his pet a gift. Ang cute nga ng pet niya dun eh… Isang white na cat na naka-cute get up pa. I named my pet, Bloom. Isa siyang pink cat naman na sinuutan ko ng girl outfit. Wala namang sense laruin yung game, kasi aalagaan lang naman at papaliguan ang pet mo then viola, tapos na. Nahawa lang talaga ako kay Wayne x)

Medyo natutuwa na ako sa paglalaro ko ng Pet Society nang biglang may nagpop sa chatbox ko. Pagkatingin ko…

Si Wayne? O_______O

Dugdugdug! Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Medyo, parang nagrumble pa ang sikmura ko. Huhuhu T_______T Masama na ito.

***

Mark Wayne: Hi Miss :) Kamusta na?

***

“Oh my gosh!” Napainom ako bigla sa baso ng tubig sa harapan ko. Nakikipagchat siya sa akin!!!

Ayos lang naman po. Ikaw po? ^^

Yun ang reply ko. Uwaaaaah! Ohmy! Naalala niya siguro ako? Eh bakit naman siya makikipagchat sa akin kung hindi niya ako naalala diba? :O

***

Mark Wayne: Bored :( Kamusta na yung pinapalike mo na page sa akin last week?

Me: Ayos na po. Mejo, marami na likes. Tnx po ulit ha?

Mark Wayne: It’s nothing… Gusto mo tulungan kitang i-spread yung page niyo?

***

Napasapo ako sa dalawang pisngi ko. Uwaaaah! T-tulungan niya ako? Halaaaaaaa, mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya kasi nalaman kong mabait pala siya. Oh my! Anong sasabihin ko? Hindi kaya FC dating ko nito?

***

Me: Nakakahiya naman po…

Mark Wayne: Wag mo nga ako i-popo. :3 Ayos lang naman. Bored nga ako diba?

Me: Eeh, salamat. ^_^

Mark Wayne: Wala yun… Nga pala, ang ganda ng name mo! :D

***

Halos malaglag na ang puso ko sa nabasa ko. Bumabanat eh! Emeghed! Is this really happening? Ka-chat ko ang isang Mark Wayne Madrigal?

Kinikilig ako…….. >////////////////<

 

Halos 2 hours ko rin nakachat si Wayne ngayon. Madaldal kasi siya eh. Grabe, dito na nga ako kumain ng lunch at snacks sa harapan ng PC ko eh at ganun din siya. Katulad nga ng sinabi niya, tinulungan niya ako sa pagspread ng page namin. Sa paglipas ng oras, hindi na ako naiilang kachat siya. Napakajolly kasi niya at parang hindi siya isang mataas na tao kung umasta. Isa kasi ang pamilya niya sa owner ng E.H.U kaya may hiya pa rin naman ako sa kanya. Kung ano-ano na nga lang pinag-uusapan naman namin eh… Nagsorry pa ako sa kanya for leaving without bidding goodbye nung una kaming nakapagchat.

***

Mark Wayne: Wala yun. Hahaha! Akala ko nga, natakot ka sa akin eh. :3

Me: bakit naman?

Mark Wayne: Eh kasi... Hmm, wala lang. XD

Me: Hehehe… Hindi ka naman monster para katakutan! Ang bait mo nga eh ^^

Mark Wayne: Wow, salamat… Mas mabait ka naman… Anyway, Juna Joy, I gotta go na pala… May lakad pala kasi kami ng tropa ko.

Me: Sure… TYFYtime :)

Mark Wayne: Chat tayo nextym ha? Ang saya mo ka-chat eh…

***

Napangiti na naman niya ako. Eeeeeeh! Ang galing naman. Akala ko, bored na ako kachat. Juna Joy, paano siya tatagal ng 2 hours na pakikipagchat sayo kung nabobored siya sayo? =____=

***

Me: Suuuure. Ingat sa lakad niyo. ^_^

Mark Wayne: Bye bye Juna Joy… Wag mo akong kakalimutan ha? Baka nextym na makipagchat ako sau, hindi mo na ako kilala nyan! :(

Me: Haha! Di ah… baka ikaw!

Mark Wayne: Nope… Sige bye :)

MARK WAYNE MADRIGAL HAS SIGNED OUT

***

 

“Ang cuuuuuuuuuuute mo talagang lalaki ka! Ang sarap mong gawing key chain… Ang bait-bait mo pa! Kaya naman ano eh…..” Sabi ko habang dinudutdot ang picture niya sa screen kaso nagulat ako nang makita kong nagkaroon na naman ng green na ilaw sa gilid ng pangalan niya sa chatbox.

“Online ulit siya?”

My brows formed a straightline when I saw this ---> Mark Wayne is now typing….

Akala ko ba log out na siya?

***

Mark Wayne: Hi Juna Joy! ^_^

Me: Ui, kala ko ba out ka na?

Mark Wayne: I forgot to ask for your number. Pero kung ayaw mo ibigay, ito nalang ang number ko… 0918*******

***

 

Napatili nalang ako sa isip ko nang mabasa ang message niya na iyon…

At dun nagsimula lahat…

 

***

2 days makalipas na nang makapagkwentuhan kami sa chat ni Wayne. 2 consecutive nights na kami nagchachat noon. As in wow lang! Hindi ako makapaniwala na kachat ko siya. Of all girls, why me? Ang kaso… Sa 2 days na yun, hindi man lang kami nakakapag-usap sa personal. As in parang wala lang… Close kami online, but personally? Nah. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero bakit ako ang unang gagawa ng move diba? Pa’no kung hindi pala siya yung ka-chat ko at isa pala yun poser? Edi pahiya ako =___________=

Saturday, after class. Nakasabay ko ang blockmate at groupmate ko na si Kaye Anne sa pagpunta sa car park. Hindi ko siya masyadong close pero nakakausap ko naman siya. Needless to say, she is Wayne’s friend. Actually, three girls lang sila na close ng X10 gang and I don’t know the reason at all. Hindi naman ako chismosa eh >_>

“Kaye, gusto mong sumama sa amin mag-miryenda? Dun lang sa Tiendesitas Café'?” I ask Kaye Anne.

“Naku, sorry Juna Joy. May pupuntahan pa kasi ako ngayon eh. Actually, baka hinihintay na rin ako ng mga kasama ko.” Sagot naman niya.

“Ay ganun ba? Okay lang, may next time pa naman diba?” Nakangiting tumango nalang siya sa akin. “Kaye, diba friends mo naman ang X10?” Nakacross fingers pa ako sa likod ko. Gusto ko talagang itanong ito sa kanya eh!

“Friend indeed. Bakit, may crush ka ba sa isa sa kanila? Yiiie!” sabay sundot niya sa tagiliran ko. Napaiwas naman ako ng tingin kasi nakaramdam ako ng pag-iinit ng pisngi ko.

“Parang nagtanong lang naman eh. Ikaw naman, mabait ba si…. Ano…---“

“Si ano?” (~~,)

I tucked my hair behind my left ear,“Si… Silang lahat? Hihihi…”

“Akala ko naman may particular person kang itatanong. Oo naman, marespeto yun sa mga babae. Masasarap pang kasama, hindi lang dahil sa maganda ang view kundi dahil may busilak na puso sila kahit na gangsters pa sila,” saka siya nagbow sa akin.

“Wow, nacurious lang naman ako. Yun lang. Sige Kaye, una na ako,” then I waved goodbye to her at pumasok na sa kotse ko.

Ang lalim ng iniisip ko habang nagdadrive ako. Ewan ko ba! Masaya naman akong close ko si Wayne online and over the phone pero bakit ganun kami sa personal? >3<

That afternoon, diretso lang ako sa kwarto ko at gaya ng nakagawian, nag-online ako pero ngayon sa mobile lang. Nakakatamad kasi eh…

Pagkalogin na pagkalogin ko, bigla nalang nagmessage sa akin si Wayne. Napabuntong hininga nalang ako habang binabasa ang message niya.

I missed you, Juna Joy.

 

“Sana ganyan ka rin kasweet sa akin sa personal, Wayne.” :(

The next day, Sunday. Wala akong magawa sa bahay kaya maghapon akong nakahiga lang sa kama. Nasa kalagitnaan ako ng pag-idlip nang biglang magring ang phone ko… Pagkatingin sa caller ID, automatic na nagdrum ang puso ko. Si Wayne.

Naghesitate ako kung sasagutin ko ba kasi first time ko siyang makakausap kasi kundi chat eh text lang naman kami nakakapagkwentuhan. >.> But after some seconds ay tinap ko nalang ang answer key at niloudspeaker pa ito.

[“Hello, Juna Joy… :)”]

Napatakip ako sa bibig ko at napapikit ang dalawa kong mata para pigilan ang kilig ko! Jusme! Bat pati boses niya ang gwapo? Lalong-lalo na nung tawagin niya ang pangalan ko parang may paru-paro sa tummy ko?

[“… Juna Joy? Hello? Are you there? Yuhoo!”]

“Pfft! H-Hello?” Gulp.

[“Nagsalita ka rin! Hi, Juna Joy! Ang ganda ng boses mo. Wait, am I disturbing you?”]

Hindi ka nakakaistorbo! Shemay! Iniisip nga kita eh… >/////////>

[“Huy… Hala, nahihiya ka ba sa akin?”]

“Ahm, hehehe… Oo.” -/////-

[“Wow, ang ganda talaga ng boses mo. Alam mo, may kaboses ka.”]

Napakunot-noo ako. “Sino?”

[“Yung 3rd girlfriend ko.”] Sabay tawa niya ng mahina. Grabe, pati pagtawa niya parang musika sa pandinig ko! Ano bang klaseng nilalang si Wayne? Bakit lahat nalang sa kanya eh gwapo?

“Eeh… Ganun?”

[“Nakakadalawang girlfriend lang ako. Baka ikaw yung third ko?”]

>/////////////<

“M-meganun?” Yun nalang ang nasabi ko pero siopao naman… AAAAAAAHHHHH! Para akong kinikiliti sa sobrang kilig. >//////<

[“Juna Joy, pwede bang magsalita ka lang?”]

“Bakit?”

[“Wala lang. Gusto ko lang pakinggan ang boses mo.”]

“Eeeeeh! Wag kang ganyan….” Saka ako kumagat sa unan na kanina ko pa yakap-yakap. Sheez! Para na akong mabibingi sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko!!!

[“Edi wag… Madali naman ako kausap! Hahaha!”]

“Ay?” :<

[“De joke lang… Skype tayo, Juna Joy? Wala kasi akong magawa dito sa party eh.”]

Nagbuntong-hininga muna ako. “Ayoko! Pangit ako eh… Baka matakot ka sa mukha ko.”

[“Eh? Hindi kaya. Ang ganda mo kaya. Kung sa personal nga, maganda ka, sa skype pa kaya?”]

O___________O

[“Hehehe! Dali na…”]

“Hmm… Ok…” Then I gave him my skype ID and hang up.

T-teka, nakita niya na ako sa personal?

***

After that phone conversation ay nagskype nga kami. Grabeng skype namin, umabot kami ng 3 hours. Ang kulit nga niya eh! Kung saan-saan siya pumupwesto makahanap lang ng signal. Currently kasi ay nasa isang probinsya siya to attend a birthday party kasama ng buong gang niya. Eh bored daw siya kaya nakipagskype siya sa akin. Hanggang sa nagdisconnect kami parehas kasi kakain lang daw siya ng dinner. After two hours ay tumawag naman siya sa akin.

Oo! Kami na ang palaging in-touched.

[“Hi Juna Joy…”]

“Hello, Wayne. Hindi ka na busy?”

[“Nah…”]

Humiga muna ako sa kama ko at tumitig sa kisame. “Wayne, may tatanong ako.”

[“Ge lang…”]

I took a deep breath. “Kung nakita mo na ako sa personal, bakit ayaw mo akong lapitan?”

He chuckled, [“Eh kasi lagi kang may kasama. Nahihiya ako sa kasama mo. Bakit ba hindi kita maabutan na nag-iisa ka?”]

“Ikaw din naman eh!” Sabay tawa namin. Then silence….

[“Ang sakit ng ulo ko…”]

“Inom ka ng gamot.” Aww! Tara dito sa tabi ko. Bibigyan kita ng kisspirin at yakapsule :””>

[“Maya na. Mawawala rin ito. Nakainom kasi ako.”]

“Pahinga ka na, Wayne.”

He sighs, [“Ayoko pa. Juna Joy, bakit magaan ang pakiramdam ko sayo?”]

Naku naman! Nagreact na naman ang puso ko! >////////<

“Ewan ko…” sabay tawa ko pa. Baka lasing na siya kaya ganyan siya magsalita? >.>

[“Juna Joy…”] I suppressed my giggle after hearing him call my name in a sweet tone.

“Hmmm…?”

[“May hagdan ba dyan sa inyo?”]

“Hah? Oo…” Bat naman niya yun natanong?

Yung boses niya naging seryoso. [“Aakyat kasi ako ng ligaw sayo…”] Silence. [“Boom!”]

O////////////O

“Hahahahahaha!” Boy pick talaga si Wayne >/////////////> Sana naman tinotoo niya!

[“Hindi yun joke! Totoo yun. Pwede ba manligaw? Teka, hindi ako marunong manligaw ha? Sinasabi ko lang sayo kasi baka magexpect ka ng todo Hahaha!”]

O//////////////O

“Seriously, Wayne?”

[“Oo nga…”]

“Ehem… Weh?”

[“Bat ayaw mo maniwala? Juna Joy, I am serious. Gusto kita… Gustong-gusto… Alam kong mabilis pero ganun talaga eh.”] Saka siya nagsigh. [“Hindi naman ganun kabilis pero matagal na kitang napapansin. Simula pa nung unang pasukan ngayong first sem, lagi kitang nakikita.”]

Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. What the fudge? Talaga? :o

[“At ayun, lagi pa nga kitang nakikita kung saan. Hindi kaya tinadhana tayo? Hahahaha! Joke lang…”]

=_______= eh paanong hindi mo ako makikita, eh laging nagbabanggit ka sa status mo ng current location mo at sinusundan lang kita >_______>

[“Then, one Saturday may isang babaeng nagpalike sa akin ng link ng page… Bored na bored ako pero sa isang PM mo lang sa akin, napangiti mo agad ako.”]  Then nag clear throat siya at kumanta?

 *insert Sa Isang Sulyap mo tune here.* [“Sa isang PM mo, ay nabihag ako~* Ako’y natulala kaya ni-like ko iyon~* Sa isang PM mo~ Nabingiwit mo akoooo~* BOOM!”]

Pfft! Sabay kaming natawa sa ginawa niya. Loko-loko talaga

[“To think na nabubwisit ako sa mga nagpapalike ah! Exempted ka….”]

“Joke ba yan?”

He chuckles, [“Nope, I am not joking. I like you, Juna Joy… I really do. Simple ka lang kasi at ayun ang napansin ko sayo. Hindi ka katulad ng ibang babae na nagpapansin sa akin. Hmm, pero kung ayaw mo sa akin, okay lang… At least nasabi ko sayo ‘to diba? You might be thinking that I’m just playing with you but hell no…”]

“…”

[“Ahm, basted na ba ako, Juna Joy? Aww! Kawawa naman ang puso kong nabihag mo. Yuuuuck! Ang korny ko na. Hahaha!”]

Natawa naman ako. Jusme. Bat ang cute cute niya? Here I am, nininerbyos pero siya itong inaalis ang pagkakaba ko.

I took a deep breath…

“Wag ka nang umakyat ng ligaw, Wayne.”

[“Ay? :(”]

“Yumuko ka nalang… Nahulog na kasi ang puso ko sayo. Pfft! Hahaha!”

[“Weh? Gusto mo rin ako?”] Bakas sa boses niya ang tuwa.

I nodded. Ay shunga! Itsura namang nakikita niya ako. “Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang cute na isip-bata na katulad mo?”

[“Hahaha! So, tayo na ba?”]

“Ewan ko…” Sabay tawa ko naman.

[“Sorry ka Juna Bee… Ayon sa vocabulary ko, ang salitang ewan ay ‘oo’.”]

“Ewan ko sayo~ Hahaha!”

[“Thank you, Juna Bee. Araw-araw nalang kitang liligawan ngayong tayo na. Saka mo nalang ako bastedin kapag break na tayo para double celebration ng pagkamatay ng puso ko. De joke lang! Hahahaha!”]

“Hahaha! Loko ka talaga!”

And yeah, in just a snap, naging kami. Easy-to-get? Whatever you may call me, pero anong magagawa ko eh kung naduling ang crush ko at niligawan ako? Why not take the opportunity?

At kung ganitong klaseng opportunity, makakatanggi ka pa ba?

***

Monday nung maabutan ko siyang naghihintay sa labas ng room ko. Hindi pa nga makapaniwala ang mga blockmates ko na kami na daw eh. Miski ako hindi ako makapaniwala sa sarili ko. It’s so good to be true lang :D

“Hi Bee…” Sabay salubong ng ngiti niya sa akin. First time ko siyang makausap ng harap-harapan at talagang nanginginig ang mga tuhod koooooooo~ :””>

“W-Wayne… hello…” Lumapit siya sa akin since parang na-glue na yung mga paa ko sa sahig.

Nagpout siya bigla. “Call me Bee… Daya mo!” >3<

I giggle, “Take two… Hi, bee…” :”””> Then he smiled at me and reached for my left hand.

“Tara bee… Liligawan pa kita…” :)

“Yieeeeeeeeee!” Kantyaw ng mga nanunuod sa amin.

Pinakilala ko na rin siya sa parents ko at nag-approve sila sa boyfriend ko on our 2nd week. I also met her mom sa isang mall at nakapagbonding pa kami. Like any ordinary couple, nagkakaroon kami ng petty fights pero itong si Wayne ang naglalambing sa akin para maayos agad ito. Minsan moody siya pero isang hug ko lang sa kanya, napapawi agad yun. Masaya na… Kasi ang pinapangarap ko noon ay nasa kamay ko na…

Not until that happened….

One day, hindi ako nahatid ni Wayne sa bahay. Hindi rin niya ako nahatid sa school noon. I understand, kasi naman busy siya sa studies niya. Hindi naman niya ako nakaligtaan na tawagan… But troubles do happen…

“Oh my God!” Napatingin ako sa gulong ng kotse ko. Apat na gulong, may butas. Halatang sinadya. Hindi ko naman na ginawang big deal yun… Kaso naulit ulit eh. Isang araw, kumain kami ni Wayne sa isang restaurant. Kotse ko ang gamit ko. Paglabas namin ng resto, nakita nalang namin ni Wayne na basag na ang mga bintana ng kotse ko. Napaiyak ako nun kasi first ever car ko yun eh. Niregalo sa akin ni Papa tapos yun lang ang mangyayari.

Akala ko hanggang dun nalang yun… Pero hindi eh. Weeks passed and that day came, nakita ko nalang ang locker ko na wala ng pinto and worst, nawala ang lahat ng gamit ko. There was also a time na dinikitan ako ng bond paper sa likod ko at nakasulat dito na… ‘I am the greatest flirt in town.’

Hindi ko yun sinasabi kay Wayne kasi ayoko siyang mamroblema about sa akin… Ayoko ng ganun. Minsan pa nga, binabastos na ako ng mga lalaki kasi may kumakalat daw na issue na bayarang babae raw ako. Kung sinuman ang nagpakalat nyan ay wala akong kaalam-alam! I ignored everything… Kasi naman, hindi yun totoo.

One Tuesday afternoon, after kaming maglunch ni Wayne ay bigla nalang may tumawag sa akin sa phone. Unregistered number.

“Sino yan, bee?” Wayne asks.

I shrugged, “Unregistered eh.”

“Wag mong sagutin…” Sabay agaw niya sa akin ng call tapos nireject niya kaso tumawag ulit kaya inagaw ko na sa kanya.

“Bee, baka importante ito.” Sabay talikod ko sa kanya at humakbang palayo sa kanya.

I tapped the answer button and placed it on my ear.

“Hello, who’s this?”

[“Hi, Juna Joy. Can’t wait to see you break up with Wayne.”]

“Huh?”

[“Wayne is just playing with you. Nagpauto ka naman?”]

Biglang sumikip ang dibdib ko. “Excuse me? Sino ba ito?”

[“I’m her girlfriend. So, just break the hell up with him and get lost, you slut!”]

“Ano bang sinasabi mo? Why don’t you show yourself to me nang magkaalaman na?” Obvious naman na siya itong gumagawa ng kung ano-ano sa akin eh. Nakakatawa ngang sabihin pero may page na rin ako sa facebook wherein binababoy nila ang mga pics ko at binabalandra… Syempre, masakit sa part ko.

[“Shut up okay? Naiirita na rin ako sayo eh! Kung makalingkis ka kay Wayne akala mo kung sino ka! Aish, nakakaawa ka!”]

Then she hangs up.

 

***

After that conversation with a stranger, mas lalo na akong binully. Nalaman na rin yun ni Wayne kaya pinagtanggol niya ako.

“Tigilan niyo nga si Juna Joy!! Subukan niyo pa siyang gaguhin at magkakabasagan tayo ng ulo dito! Lalaki man o mapababae, basta ginalaw niyo si Juna Joy, makakatikim sa akin!!”

Kaso wala eh… Paulit-ulit nalang na pambubully… Nagsasawa na ako.

Kaya naman isang araw, napagdesisyunan kong makipagkita kay Wayne sa isang mall… Pizza Hut to be exact. Isang pizza house.

“Bee, I’m breaking up with you…” I said without looking into his eyes. Hindi ko kaya pero kailangan.

“What? But why?”

“Ayoko na…” :( Napabuntong-hininga ako.

Hinawakan niya ang kamay ko pero iniiwas ko agad ito. Sakto pa naman na first monthsary namin ngayon.

“Hindi alam ni Papa ang tungkol sa atin. Kagabi lang niya nalaman at sinabi niya sa akin na makipagbreak agad ako sayo. Ayaw niya kasi na nakikipagboyfriend ako.” Pero sa totoo lang, gustong-gusto siya ng parents ko para sa akin. :(

“Ano? Hindi ba alam ng parents mo ang tungkol sa atin?”

“Nope… Kaya nga nakikipagbreak na ako. Nagalit na kasi sila sa akin.” :(

“Bee naman, pwede mo naman akong ipakilala sa kanila diba? Tutal naman, hindi ka na bata. Graduating ka na oh. Baka naman maiintindihan nila tayo…”

“Sorry talaga… Pero ayoko na…” Saka ako tumayo na at lumabas na ng restaurant.

I left him dumbfounded. Nakakainis! Kahit ayokong makipaghiwalay, ginawa ko pa rin. Dati ko pa lano ito eh, kaso hindi ko kinaya. Hayyy… At least, kahit isang buwan lang, naging kami. Naranasan ko kung paano maging boyfriend ang isang Mark Wayne Madrigal… Alam ko naman na kung kami talaga eh magiging kami pa rin sa huli. But for now, I need peace of mind. Siguro naman ngayong break na kami, hindi na ako mabubully…

And atleast, naabot ko ang pinapangarap ko sa pamamagitan ng paglike ng facebook page ko.

I chuckled while wiping my tears with my palm. Dahil lang sa paglike, naging kami. Mabilis naging kami, mabilis din kaming naghiwalay. Well, that’s life so just deal with it. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala.

I drove home safe and sound. Dumiretso agad ako sa harap ng PC ko at dali-daling pinalitan ang relationship status ko.

 

Juna Joy changed her relationship status from in a relationship to SINGLE.

“At least, naging parte ako ng buhay mo kahit isang buwan lang. Huwag mo lang sana akong kalimutan…” I mumbled to myself as another tear fell from my eye.

Kasabay nang muling pagpatak ng luha ko ay ang pagdagsa ng likes at comments ng mga friends ko. Kesyo daw na alam nilang hindi kami magtatagal. Yung iba naman nakisimpatya sa akin.

Ilang minute lang ay bigla nalang nagring ang phone ko. I took my phone on the top of my study table and look at its caller ID. Biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko aftrer seeing it’s Wayne.

“Hello, Wayne?”

Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. [“Lagi nalang ako yung iniiwan. Hindi ko alam kung bakit. May mali ba sa akin?”]

His voice. Sa isang buwan na naging kami, ngayon ko lang narinig na ganyan ang boses niya. I know, he’s hurt and so I am.

“Wayne, walang mali sayo. Masaya nga ako kasi naging tayo kahit sa saglit na panahon lang eh.”

He faked a laugh, a bitter one though. [“I understand. Alam ko naman na gusto ako ng parents mo eh. Obviously your mom and even your Dad… Nagmeet kami one time and he told me that he trusts me. Hindi mo alam yun kasi ayaw pasabi ng Dad mo sayo.”]

Lame alibi, Juna Joy. Nameet na pala niya si Papa.

[“I am not that dumb not to know the reason why you broke up with me. Pero kung yan ang desisyon mo, I’ll accept it. Basta, ako nalang yung humihingi ng sorry sa ginawa nila sayo. Sorry din kasi hindi kita naipagtanggol sa kanila. Ugh, ipinagtanggol naman kita pero matitigas mga mukha nila eh. I am sorry…”]

Yeah, yung fan girls mo. >:C

[“Basta, chatmates pa rin tayo ha? Kahit hindi na tayo, huwag mo akong kalimutan ha? Kasi ako si Mark Wayne Madrigal… Ang Mister Pogi ng E.H.U.”] Saka siya nagsigh na naman. [“Kaya ayoko nang naggigirlfriend eh, nagiging kawawa. Tatanda na yata akong binata neto.”]

Napatawa na naman niya ako for the nth time. Ang hirap pakawalan kapag hawak mo na ang isang lalaking katulad niya…

“I know… Ikaw na ang pinakagwapo. At Wayne, hindi naman ako naging kawawa kasama ka. Naging masaya nga ako eh. Huwag ka nang magalit sa mga fan girls mo. Mahal ka lang talaga nila. Bye, Wayne.”

[“Bye Juna Joy… Huwag mo akong i-uunfriend sa facebook ha?”]

I giggled while wiping my tears as I hang up my phone.

Humarap ako sa PC ko. Maglologout na naman sana ako nang may magpop sa chat box ko. Isang lalaki na hindi ko kilala… Pero napag-alaman kong taga-E.H.U rin dahil sa suot nitong uniform sa Display picture niya.

I clicked on it to see the message…

“Hi Miss Juna Joy… Pwedeng favor? Palike naman ng link. Salamat!”

~~~

A/N: So, this. I hope nagustuhan niyo ito... :) By the way, isa rin itong teaser sa up-coming story featuring Wayne and some mysterious girl na darating pa lang sa buhay niya. Si Juna Joy, kung natatandaan niyo ay yung girlfriend ni Wayne sa AIWG2 na nakipagbreak sa kanya.. At siya rin yung nanalo few months ago sa in-a-relationship game sa facebook. So, yeah. Vomment guys?

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
351K 23.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.1M 48.3K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.