Dispareo (PUBLISHED UNDER PSI...

By Serialsleeper

9.3M 392K 274K

"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa... More

Prologue
I : The Missing Ones
II: What's going on?
III : The biggest skunk
IV: Left Behind
V: Remnants
VI : No way out
VII: Three Days Ago
VIII: Dead Ringer
IX: Beneath the seams
XI: A promise to keep
XII: Camouflage
XIII: What we had
XIV: What destroyed her
XV: The Last Supper
XVI: Home Invasion
XVII: To love and protect
XVIII: Dazed and Torn
XIX: Whatever happens, whatever it takes
XX: The worst kind of skunks
XXI: Nothing but a broken heart
XXII: Promises we can't and can keep
XXIII: Amelia
XXIV: Hitting all the birds with a deadly stone of revenge
XXV: Sacrificial Lamb
XXVI: Make a wish
XVII: For the greater good
XVIII: 778
Epilogue
Note
DISPAREO 2 : Prologue
I : Aftermath
II : Weakling
III : Paranoia
IV : Stakeout
V : Something's wrong
VI : Consumed
VII : What's real and what's not
VIII : Dead Girl Walking
IX : Discrepancy
X : Cielo's Labyrinth
XI : If I were you, I'd run like hell
XII : Someone to fear
XIII : Unlawful
XIV: Yet another bloodshed
XV : Waldo
XVI : Houston, we have a problem
XVII : Not so lucky
XVIII : Hell and help
XIX : Believe me, he's evil
XX : Dazed and torn
XXI : Upper hand
XXII : Protagonist Problems
XXIII : Speechless
XXIV : To love and protect
XXV : Villainous
XXVI : Fear came true
XXVII : The Plot Twist
XXVIII : 778
Epilogue
Note
DISPAREO 3 : Prologue
I : No place for 778
II : In memories of her
III : Rise of the body snatchers
IV : The death of another
V : Pay Attention
VI : Snooze
VII : Never thought i'd ever
VIII : For the greater good
IX : A promise to keep
X : The things we do
XI : Prove me
XII : The thing about protection
XIII : Transparent and Apparent
XIV : In for a surprise
XV : The Return
XVI : The Closure
XVII : Here comes Dondy
XVIII : 778
EPILOGUE (Part 1 of 2)
EPILOGUE (PART 2 OF 2)
Commentary
Special Announcement:
Dispareo Trilogy

X: Lucid

143K 5.8K 3.3K
By Serialsleeper


CHAPTER X:

Lucid

Third Person's POV

Habang hawak ang kanyang nakabukas na backpack ay mabilis at walang paligoy-ligoy na isinilid ni Cielo ang lahat ng mga bagay na maaring mapakinabangan. Mula sa first aid kit, alcohol, biskwit, tinapay at mga bote ng tubig, determinado si Cielo na ipagkasya ang mga ito sa loob ng backpack niya.

"Cielo... Cielo sinong may-gawa niyan sa'yo?"

Nahinto si Cielo sa ginagawa at napatitig sa kawalan nang marinig ang nanginginig na boses ni Dana mula sa kanyang likuran. Imbes na lingunin ito ay napabuntong-hininga na lamang si Cielo at muling bumalik sa ginagawa.

"You're smarter than me. Go help me find some supplies that can help a head wound heal." Ma-otoridad ngunit kalmadong sambit na lamang ni Cielo habang nakatalikod parin mula sa dating kaibigan.

Bahagyang napatingala si Dana at pinunasan ang luha sa pisngi gamit ang nanginginig niyang kamay. Huminga siya ng malalim at napalunok na tila ba pilit paring itinatago ang pag-iyak.

"D-did he do that to you?" Muling sambit ni Dana ngunit muli, hindi parin kumibo si Cielo. Napahawak na lamang si Dana sa kanyang noo at hindi na niya napigilan pa ang pag ragasa ng luha.

"Cielo anong nangyari sa loob ng tatlong taon?!" Hindi na napigilan pa ni Dana na mapasigaw, "Hindi ako kagaya mo Cielo. Kung wala kang pakialam sa kung anong nangyari sa akin sa loob ng tatlong taon, pwes ako meron kaya tatanungin kita... What the hell happened to you? Where were you for the last three years?! Why did you leave? How could you leave like that?! Why didn't you even say goodbye... I'm giving you a chance to explain yourself and all you have to do is tell me the truth."

Naghintay ang luhaang si Dana ng sagot ngunit makaraan ang ilang sandali ay umiling-iling lamang si Cielo.

"Why can't you just shut-up..." Malamig at gaya ng dati, walang kaemo-emosyong sambit ni Cielo habang nakatalikod parin kay Dana.

"A-ano?" Agad napakunot ang noo ng luhaang si Dana.

"Just shut-up okay?! Not everything is worth talking about because what happened in the past is all the past! So please! So please just shut your mouth and get me some goddamn supplies for Shem's bleeding head!" Biglang napabulyaw ang tila bag alit nang si Cielo dahilan para mapapitlag si Dana dahil sa gulat.

Maging sina Harper at Axel na nagpapahinga lamang sa sahig ay nagulat nang marinig ang biglaang pagbulusok ng galit ni Cielo kaya naman agad silang nagtungo sa hilera ng mga gamot kung saan naroroon ang dating magkaibigan.

"Y-you bitch.." Sarkastikong napangisi si Dana at muling pinunasan ang luha, muling rumehistro ang galit sa mukha niya, "So that's it huh? I'm just part of your past? Well, thank you for making me realize that all I am is a ghost of a memory." Walang kaemo-emosyong sambit ni Dana at agad na naglakad palayo habang nakataas ang noo. Sa kabila ng lahat, ayaw parin niyang magmukhang mahina at nanlulumo.

Bahagyang napalingon si Cielo kay Dana habang naglalakad ito palayo.

Napapikit si Cielo at naikuyom na lamang ang kamao at hinayaan ang luha niyang pumatak.

Makaraan ang ilang sandali ay napabuntong-hininga na lamang si Cielo at pinunasan ang luha. Bahagya siyang napaatras at napatingala sa direksyon ng malaki at bilugang salamin. Napabuntong-hininga na lamang siya nang makita ang sarili. Oo nga't wala na ang bahid ng dugo at talsik ng utak sa mukha at mga kamay niya ngunit nanatili naman sa suot niyang jacket ang ilan sa mga ito. Napangiwi na lamang si Cielo at hinubad ang suot na jacket at itinali ito sa kanyang bewang. Tinanggal niya ang kulay itim na wrist band sa kanang kamay at ginamit ito upang itali ang mahabang buhok. At nang makitang puno na ang backpack ay dali-dali niya itong isinara at isinukbit sa likod.

"Cielo aalis ka?"

Napatitig na lamang si Cielo sa kawalan nang marinig ang boses ni Harper. Imbes na sagutin ang tanong nito ay nagsimulang maglakad si Cielo patungo sa direksyon ng pinto kaya naman dali-dali siyang hinarang ni Axel.

"Cielo hindi pa ligtas sa labas. Hintayin muna nating sumikat ang araw." Giit ni Axel na agad namang sinang-ayunan ni Harper.

"Our plan was to find you and warn you that you'll die if you try to leave and cross the border. Don't ask me why but that's what the others said, that those who try to leave dies once they take a step on the border. Alam niyo na ngayon and seeing you guys can stay safe and alive since you could even cook-up Molotov cocktails and Axel is here to protect you, then I have to continue where the plan left off... I'll take some medicines for Shem and the others. And if possible, I'll return here with them." Paliwanag ni Cielo pero agad na umiling-iling si Harper at tumayo sa harapan ni Cielo na animo'y hinaharang ito.

"Cielo it's safer here! I know this sounds mean but Shem and the others aren't your responsibility! And besides ni hindi nga natin sigurado kung nandun pa sila! You can take a leap of faith all you want but if it involves risking your life, then it's nothing but plain stupidity!" Giit ni Harper dahilan para mapatingin sa kanya si Cielo na animo'y nairita sa narinig.

"If she wants to leave then let her be. Diba Cielo ganyan ka naman?" Bulalas pa ni Dana na naglalakad papalapit sa kanila. Muli, nakataas ang kilay niya nang iniabot kay Cielo ang isang paper bag na puno ng mga gamit na kailangan sa sugat ni Shem, "Here's what you need, good luck nalang sa'yo." Dagdag pa nito.

"My God! Why can't you stop acting like a stupid brat?! It's been three years! Build a bridge and get your stupid brain over it! Dana, isa ka nalang at tatamaan ka na sakin!" Biglang bulyaw ni Harper na nanlilisik na ang mga mata bagay na labis ikinagulat ni Dana at pati narin ni Cielo. Kilala si Harper bilang tahimik lamang at mapagkumbaba mula pa noong pagkabata kaya naman hindi nila inaasahan ang naging reaksyon nit okay Dana.

"You're seriously taking her side?" Gulat man, tinatagan parin ni Dana ang sarili at hindi nagpakita ng bakas ng kahinaan sa pamamagitan ng pagngisi, "Harper it wasn't just because she left for—"

"It doesn't matter! Nothing matters! Everyone's getting killed and we don't have time for your abandonment issues! This is about staying alive by staying together because we are stronger in numbers! Go be an overdramatic teenager after all of this is over!" Giit pa ni Harper bagay na labis ikinagulat ni Dana.

"Grabe mga siraulo nga talaga kayo." Natigil silang lahat sa pagtatalo nang makisali sa usapan nila ang tawa ng tawang si Wacky na kagagaling lamang ng banyo at tila ba napakaginhawa na ng pakiramdam.

"Do me a favor and leave me alone. All of you." Biglang sambit ni Cielo at walang ano-ano'y agad na lumabas mula sa pinto at agad na sinubukang iangat ang harang. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang tulungan ni Axel.

"Sasama ako." Giit ni Axel kaya agad nakunot ang noo ni Cielo, "M-may kailangan din akong kunin." Dagdag pa ni Axel ngunit lalo lamang naguluhan si Cielo.

"I'm coming with you." Biglang bulalas ni Harper at agad na kinuha ang kanyang backpack bagay na labis ikinagulat ni Dana.

"Harper are you serious?!" Bulalas ng hindi makapaniwalang si Dana, "You guys! Magpapakamatay ba kayo?! Mga bobo ba talaga kayo?!" Giit pa ni Dana ngunit hindi na siya sinagot pa ni Harper.

Subukan man ni Dana na pigilan ang tatlo, wala na siyang nagawa pa nang walang ano-ano'y biglang lumusot si Cielo mula sa maliit na espasyo at nagtatakbo palayo dahilan para agad siyang sundan ni Axel.

"Stay here with them. We'll be back." Maotoridad na sambit ni Harper kay Dana sabay turo kay Wacky at agad na sumunod sa dalawa.

"Idiots!" Mahinang sambit ni Dana at napilitan na lamang na isara ang dinaanan ng tatlong kaaalis lamang. Tuluyang bumuhos ang luha niya nang makaalis ang tatlo pero sa kabila nito ay mas pinili niyang kumuha na lamang ng mga bagay na magagawang harang sa pinto.

"Yung totoo, ano ba talaga ang nahithit niyo?" Natatawang sambit ni Wacky dahilan para maibato ni Dana ang hawak na kahoy sa sahig. Marahas niyang pinunasan ang luha sa pisngi niya at nilingon ang binata.

"Damn it Wacky! Alam kong bobo ka but can you please drop the act?! You know we're telling the truth but you just can accept it! Denying all of this won't change the fact that this is happening! That what's happening is real!" Giit ni Dana na tila ba nagpupuyos na sa galit dahilan para mawala ang ngisi sa mukha ni Wacky.

"T-teka Dana kalma—" Natigil sa pagsasalita si Wacky nang mapansing lalo lamang na tumitindi ang pag-iyak at tuluyan nang napapahagulgol ang dalaga.

"Kalma? You were locked in here for three days! Wala kang kaide-ideya sa mga nasaksihan ko sa pag-uwi ko sa bahay pagkatapos ng birthday party ni Church! Wala kang kaide-ideya sa mga nakita at naranasan naming lahat kaya pwede ba? Tumigil ka na sa kahibangan mo! Palibhasa maswerte ka kasi hindi ka taga-rito! Wala rito ang pamilya mo kaya walang ibang mawawala sa'yo maliban lang sa sarili mong buhay! Ako? Nakita ko mismo ang pagbabago ng sarili kong tatay! His dead body moved and got out the refrigerator and tried to kill me! My parents tried to kill me! You have no idea and you'll never get to feel it because your parents aren't in this place! Kami? Wala na! Wala na kaming mauuwiang pamilya at isa nalang himala kung may natitira pa kaming mahal sa buhay na hindi pa nagiging kagaya—" Natigil sa pagsasalita si Dana at paulit-ulit na napasinghap na animo'y kinakapos na ng hininga sa labis na pag-iyak. Nanginginig ang nakakuyom at tila ba naninigas nitong mga kamay at panay ito sa paghikbi kaya naman agad na lumapit sa kanya si Wacky at pinaupo siya sa sahig.

Walang tigil sa pag-iyak si Dana na tila ba hindi na nakapagpigil pa. Tila ba umabot na sa sukdulan ang mga emosyong matagal na niyang pinipigilan kaya wala siyang magawa kundi mapatitig na lamang sa sahig at umiyak ng umiyak kahit pa hindi na siya halos makahinga. Awang-awa si Wacky kay Dana kaya naman agad siyang naupo sa tapat nito at bahagyang iniyuko ang ulo para matitigan ito sa mga mata.

"S-sorry na, sige na kalma—ay ano, 'wag ka nang umiyak..." Naguguluhang sambit ni Wacky na nagsisimula nang mataranta dahil sa kilos ni Dana. Hindi man niya lubusang kilala ang dalaga ay hindi niya maiwasang maawa at manlumo dahil sa mga nasabi nito.

"Y-you have no idea... You—" Nahihirapan mang huminga dahil sa labis na paghagulgol at paghikbi ay pilit paring nagsasalita si Dana dahilan para tumango-tango na lamang ang nanlulumong si Wacky.

"Oo, oo, sorry, wala akong ideya, sige na tahan na." Pakiusap ni Wacky nang makitang nahihirapan paring huminga si Dana.

Dahil sa pag-aalala ay agad na nilibot ni Wacky ang kanyang paningin at nang makita ang isang kulay brown na paper bag ay dali-dali niya itong kinuha.

"Gusto ko lang naman makitang mahalaga pa ako sa kanya—" Tila ba wala sa sariling sambit ni Dana habang nakatingin sa kawalan sa pagitan ng kanyang mga hikbi, "M-mahirap bang ipakita 'yon? Kahit sorry—"

"Shh... Sige na, hinga ka lang dito." Kalmadong giit ni Wacky at napaluhod sa tabi ni Dana saka itinapat sa bibig nito ang manipis na brown paper bag, "Inhale exhale lang, sige na, hinga ka lang." Dagdag pa ni Wacky at napatingin sa balikat ni Dana. Gustuhin niya mang hawakan ito upang maalalayan ay hindi niya magawa dahil sa pagka-ilang at pag-aalalang lalo lamang itong ikakasama ng kalooban ng dalaga.

Nanginginig man, hinawakan ni Dana ang paper bag at nagsimula siyang huminga ng malalim at paulit-ulit sa loob nito kaya napabuntong-hininga na lamang si Wacky at agad na kumuha ng isang maliit na piraso ng karton at ginamit ito upang paypayan si Dana na tagaktak na ang pawis kaiiyak.

"N-noong bata pa ako, laging nagha-hyrodentilate yung kaklase ko sa tuwing pinagt-tripan namin siya kaya ang ginawa namin, lagi kaming bumibili ng paper bag bago namin siya pag-tripan. Astig namin diba?" Kwento na lamang ni Wacky kay Dana upang maalis sa isipan nito ang sama ng loob.

Saglit na inilayo ni Dana ang bibig mula sa paper bag at tinaasan ng kilay si Wacky, "It's Hyperventilate... Bobo..." Mahinang sambit ni Dana kahit pa humihikbi parin ito.

"Pucha," natawa na lamang si Wacky ng bahagya "Mamaya ka na maghasik ng kalaitan, huminga ka muna." Dagdag pa ni Wacky at itinapat sa bibig ni Dana ang paper bag.

Makaraan ang ilang sandali ay napalingon si Wacky sa kanyang likuran at nagulat siya nang makita si Church na nakatayo hindi kalayuan sa kanila. Nakatingin lamang ito sa kawalan na tila ba napakalalim ng iniisip bagay na ikinakunot ng noo ni Wacky.

"Pre kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Wacky at tumayo na lamang. Nilapitan niya si Churchill at napagtanto niyang lumuluha ito.

"A-ang mga kapatid ko..." Mahinang sambit ni Churchill na tila ba labis ang panlulumo kaya agad na nasapo ni Wacky ang batok.

"Pre, hindi natin sigurado kung—"

"Ibinilin sakin ni Mama at Papa ang mga kapatid ko at iniwan ko sila sa bahay para lang sa party! Sila-sila lang ang nasa bahay!" Natatarantang sambit ni Churchill at agad nasapo ang ulo.

****

Maingat na tumatakbo sina Harper, Cielo at Axel sa isang eskinitang napakadilim at napakatahimik. Wala silang ibang nakakasalubong pero sa kabila nito ay tensyonado parin sila at naghahanda sa kahit na anong mangyari.

"Guys doon lang tayo! Ligtas tayo doon!" Pabulong na giit ni Harper habang pilit na hinihila sina Axel at Cielo sa direksyon ng nag-iisa at napakalaking katedral ng bayan ng Drayton.

"Go there if you want! I'm heading this way!" Giit ni Cielo at agad na iwinakli ang kamay ni Harper na nakahawak sa kanya.

"Axel! We will be safe there!" Giit naman ni Harper kay Axel ngunit nagtaka siya nang bigla na lamang nagtaas ng kamay ang binata na tila ba pinapatahimik sila.

"Axel?" Kunot-noong sambit ni Cielo.

"N-naririnig niyo ba 'yon?" Tanong ng nakatulalang si Axel na tila ba pilit na pinapakinggan at pinakikiramdaman ng maigi ang paligid bagay na agad ring ginawa nina Harper at Cielo.

Isang nakakapangilabot na katahimikan sa gitna ng kadilimang tila ba walang hanggan. Ni-isang bituwin ay wala ang langit at ang buwan ay hindi mahanap at animo'y nagtatago lamang sa nagkakapalang ulap, tila ba nakikisama ang gabi sa kasamaang bumabalot sa bayan ng Drayton.

Sa gitna ng katahimikan ay biglang naulinigan ng tatlo ang sunod-sunod na putok ng baril. Mahina lamang ang naririnig nila at tila ba nanggagaling ito sa ilalim ng kalsadang inaapakan kaya naman agad na itinutok ni Cielo ang hawak na flashlight sa sahig na animo'y may hinahanap.

"Cielo turn that off! Let's bail!" Giit ni Harper pero hindi tumigil si Cielo sa paghahanap hanggang sa makita niya ang isang bilugang bakal sa sahig na nagsisilbing takip sa isang manhole. Agad na napalingon si Cielo kay Axel at kahit walang sinasabi ay dali-daling napaluhod si Axel sa sahig upang mabuksan ito.

"Go to the Cathedral if you want, we're going down here." Giit ni Cielo kay Harper dahilan para mapabuntong-hininga na lamang ito at mapapadyak ng bahagya.

Nang makitang sapilitang binubuksan nina Cielo at Axel ang takip ay walang nagawa si Harper kundi mapaluhod na lamang rin sa sahig upang tumulong.

"On the count of three, let's pull." Ma-otoridad na sambit ni Axel kaya kapwa huminga ng malalim sina Cielo at Harper na tila ba inihahanda ang sarili.

"One... Two—" Hindi pa man natatapos si Axel sa pagbibilang ay laking pagtataka ng tatlo nang maramdaman nilang tila ba kusang umaangat ng dahan-dahan ang takip. Wala silang magawa kundi tumulong na lamang sa pag-aangat nito, ngunit laking gulat nila dahil sa mismong pag-angat nila sa takip ay siya namang paglabas ng isang matangkad na lalaking tila ba may-edad na. Napakarumi na nito dahil sa magkahalong putik at dugo sa kasuotan, kahit ang hawak nitong malaking baril ay punong-puno narin ng putik. Sa sobrang gulat ng tatlo ay napapitlag at nadapa ang mga ito sa sahig.

"M-mang Franco?" Bulalas ng naguguluhang si Cielo nang mamukhaan ito ngunit imbes na sagot ang makuha ay laking gulat niya nang bigla na lamang sumigaw ang guwardya ng Mayor.

"Andiyan sila! Takbo!" Bulalas ni Mang Franco nang tuluyang makalabas mula sa manhole at mas lalo pang nagulat at nagsigawan ang tatlo nang makita ang higit sa anim kataong humahabol sa guwardya at tila ba nag-uunahan pa ang mga ito na makalabas mula sa manhole.

"Tumakbo na kayo!" Muling giit ni Mang Franco at agad na pinagbabaril ang mga kalabang humahabol at halos makalabas narin mula sa manhole na pinanggalingan. Dali-dali namang napatayo si Axel dala ang palakol at tumulong sa gwardya.

Dahil sa sobrang lakas ng mga putok ng baril ay tila ba nawalan sila ng maayos na pandinig at halos mabalot na ng usok ang kinaroroonan nila.

Tila ba nagsirko-sirko ang paningin ni Cielo, nagsimula siyang mahilo at malito dahil sa mga nangyari kaya nanatili siyang nakabagsak sa kalsadang puno ng dugo hanggang sa laking gulat niya nang mapansin ang isang kulay itim na ahas na gumagapang patungo sa kanya.

Nararamdaman ni Cielo ang kamay ni Harper humigit sa kanya upang tumayo ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa ahas na tila ba lumalapit sa kanya.

"Amin ang bayang ito!" Tila ba nabalik ang pakiramdam ni Cielo sa paligid nang bigla niyang makita ang isang babaeng gumagapang patungo sa direksyon niya. May malaki itong butas sa noo, wasak na ang bungo nito kaya naman kitang-kita na ang paglabas ng mga maliliit na kulay puting uod mula sa ulo nito.

Tila ba nanigas si Cielo sa takot nang bigla na lamang napahawak ang babae sa kanyang paa. Lalo siyang natakot nang makita ang paglabas ng mga kulay itim na ahas mula sa bibig at mga mata nito. Ang mga ahas, tila ba nag-uunahan ang mga itong makalapit kay Cielo bagay na labis niyang ikinatakot.

"Cielo!" Napasigaw si Harper nang makitang nakahawak na kay Cielo ang babae kaya naman dali-dali siyang napatayo at natatarantang sinipa sa ulo ang babae ngunit laking gulat niya nang makitang bumaon lamang sa pisngi nito ang kanyang sapatos. Dahil naaagnas na ang balat at laman nito ay kitang-kita ni Harper ang pagsabit ng inuuod nitong balat sa kanyang kulay puting sapatos.

Agad umalingawngaw ang makapanindig-balahibong tili ni Harper dahil sa kanyang nasaksihan. Sinubukan niyang alisin ang paa mula sa pisngi nito ngunit mistula na itong dumikit at sumabit sa naaagnas nitong mukha.

Nang marinig ang tili ni Harper ay agad na napalingon si Axel sa direksyon ng mga ito at dali-dali siyang nagtatakbo upang sumaklolo nang makitang halos madapa na si Harper dahil bumaon ang paa nito sa ulo ng babaeng naagnas na samantalang si Cielo naman ay mistulang takot na takot habang nakatingin sa kawalan.

Sa isang mabilis na paggalaw ay agad na tinaga ni Axel ang ulo ng babae dahilan para maputol ito. Tila ba nawalan si Harper ng balanse sa kanyang sarili at bumagsak sa tabi ni Cielo. Diring-diri si Harper nang makitang nakakabit pa sa kanyang sapatos ang ulo ng babae. Diring-diri man, sinubukan ni Harper na tanggalin ang ulo mula sa kanyang sapatos sa pamamagitan ng paghila ng buhok nito ngunit laking gulat ni Harper dahil nang hilahin niya ang buhok nito ay sumama lamang dito ang malapot at nabubulok nang anit nito na pinamamahayan narin ng uod.

Nang makitang halos maiyak na si Harper sa pandidiri ay agad na binitawan ni Axel ang palakol at siya na mismo ang nagtanggal ng ulo mula sa sapatos ng dalaga gamit ang dalawang kamay. Tila ba hindi iniinda ni Axel ang pagbaon ng kanyang mga daliri sa naagnas at inuuod na nitong ulo.

"Cielo tara na!" Agad na napasigaw si Harper nang tuluyang matanggal ni Axel ang ulo sa kanyang sapatos. Dali-dali siyang tumayo at hinigit ang braso ni Cielo ngunit hindi gumagalaw si Cielo, nanatili lamang itong nakatiitig sa kawalan na para bang takot na takot.

"Cielo!" Sigaw ni Axel ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang mapatitig sa mga mata niya si Cielo at nakita niya ang luhang pumatak mula sa takot na takot nitong mga mata.

"Takbo na!" Sa muling pagsigaw ng guwardya ay agad na silang napatakbong lahat.

*****

Humahangos ang apat nang nakapasok sila at pansamantalang nagtago sa loob ng isang sasakyan. Nakaupo sila sa sahig at pilit na itinatago ang kanilang mga sarili mula sa bintana sa takot na may ibang makakita sa kanila.

"A-asan sila?" Agad na bulalas ng nahimamasmasan nang si Cielo kay Mang Franco lalo pa't nag-iisa lamang ito nang makita nila.

"H-hindi ko alam." Napalunok ang lalake at nasapo ang kanyang pawisang mukha, "Bigla silang sumulpot, nagkahiwa-hiwalay kami sa ilalim. S-si Mayor, ang anak niya—" Tila ba naguguluhan nitong sambit.

"Si Shem?" Tanong agad ni Harper, "That boy with an overgrown hair, where is he?" Dagdag pa ni Harper pero umiling-iling lamang ang guwardya.

Napalingon si Axel sa direksyon ni Cielo upang malaman ang magiging reaksyon nito ngunit bigla na lamang naagaw ang atensyon niya ng isang lalakeng nakatayo sa labas ng sasakyan at tila ba sumisilip sa kanila habang nakangisi. Di gaya ng mga nagtatangkang pumatay sa kanila, ang nakikita ni Axel ay isang lalakeng nakasuot ng kulay puti, wala itong kahit na anong dumi o bahid ng dugo sa katawan. Normal lamang ang leeg at pati narin ang mga mata nito.

"A-axel?" Agad na nakunot ang noo ni Cielo nang mapansing nakatitig si Axel sa labas ng sasakyan. Sinundan niya ng tingin ang direksyon nito ngunit lalo siyang nagtaka nang makitang wala namang tao sa labas.

"Axel?" Muling tanong ni Cielo at hinawakan ang braso nito.

"A-andiyan na naman siya... Hindi mo ba siya nakikita?" Nauutal na sambit ni Axel dahilan para muling ibalik ni Cielo ang paningin sa labas ng sasakyan ngunit gaya ng dati ay wala siyang nakitang kahit na sino sa labas.

END OF CHAPTER 10.

THANKS FOR READING!

COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED <3



Continue Reading

You'll Also Like

The Hardest Thing By L

General Fiction

105K 2.8K 43
© 2018 - The hardest thing I have to do was live without you. [Completed]
KAHIMANAWARI By talesofdemi

Mystery / Thriller

1.7M 67.5K 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...