Diary of My Girl (COMPLETED)

By antan_hannya

27.9K 543 87

I can see, but I shouldn't be seen. I can speak, but I shouldn't be heard. I can touch, but I shouldn't be... More

Diary of My Girl
Chapter 1: The Boss
Chapter 2: Gangster-Millionaire
Chapter 3: Isang Basura! Basura nga ba?!
Chapter 4: Treat Me
Chapter 5: Work For Me
Chapter 6: We Meet Again
Chapter 7: Be With Me
Chapter 8: I'll Prove You
Chapter 9: I am Here
Chapter 10: Who Is She?
Chapter 11: Dilemma
Chapter 12: Hi-yup!
Chapter 13: My Diary
Chapter 14: I Have Her
Chapter 15: I'll Save You *For Editing
Chapter 16: Gone *For Editing
Chapter 17: Day One
Chapter 18: My Choice
Chapter 20: I Met Him
Chapter 21: The Puppy Story
Chapter 22: My First Love's First Love
Chapter 23: The Sea of Pain
Survey
Chapter 24: Paalam, Allen
Chapter 25: Free
Author's Note

Chapter 19: Servant's Loyalty

725 20 3
By antan_hannya

VOTE this Chapter! o hindi ko na ito itituloy?! hahaha :D

Next chapters would be available only to my FANS/FOLLOWERS ;)

If you're bored waiting for the next chapters, please read my first wattpad novel MY TIME WITH YOU starring Tiffany Hwang, Chace Crawford, Choi JongHoon, and Miura Haruma <3

LEN'S POV

(a/n: Song Seunghyun as Len picture on the right-->)

Sulli went out. I know who she'll meet...but I still allow her to go.

Hindi ko naman sya pagmamay-ari para pigilan syang makipagkita kay Andrew Lee, nakababata lang raw nya...blah blah blah.

May hindi ako maipaliwanag na sakit sa sikmura ko na parang pumipilipit sa lamang loob ko. Ha.Ha.Ha. Ang sagwang pakinggan. Is this jealousy? Psh. I don't even like her in the first place. Resulta lang ata ito ng pagkakabugbog sa akin? I am even hoping that Andrew will take her away...far away from me.

Bakit?

'Coz it will save me a lot of trouble if she'll be the first to turn away from me. Goodbye is easier that way.

A cold unvarying voice uttering my name "Lenard" broke the solemn silence in my hospital room.

I was expecting him, but not this soon.

I eyed him with a smirk on my lips. "Naniningil ka na ba?"

He copied my smirk "Bakit? Pwede na ba?"

The chair at my side screeched on the floor as he dragged it and sat on it.

"Kailangan ko na ng sagot, Lenard." he demanded straight to the point.

I answered with a sigh. Hindi ko pa napag-iisipan ang tungkol dito.

"Kailangan pa bang maglaban tayo para sagutin mo ang simpleng tanong ko? Kayang-kaya kitang talunin sa kundisyon mo ngayon, Lenard." paalala nya.

"Kung magsasalita ba ako, paniniwalaan mo ang sasabihin ko?" pakikipaglaro ko ng salita sa kanya while I'm still weighing Jason's last will against what I think would be better.

Kumunot ang noo nya at saka sumandal habang nag-iisip ng malalim tulad ko.

Ilang segundong katahimikan.

"Maniniwala ako kung kapani-paniwala ang sasabihin mo, Lenard." seryoso nyang sambit.

Umiling ako ng nakakaloko. "Kung ganun, hindi ka maniniwala."

"ANONG?!" tumayo sya para hilahin ang collar ko at akmang uundayan ako ng suntok.

Napangisi ako, binigyan nya ako ng ideya para paikutin ang usad ng hinihingi nyang sagot. "Iyan ang kahinaan mo Vincent. Hindi mo ma-kontrol ang emosyon mo."

Tinitigan nya ako na parang pinag-aaralan bago nya ako binitawan na nagpalagapak sa akin sa kama. Napangiwi ako sa sakit, pero agad ko ring nabawi ang aking kompostura bago ako magmukhang mahina sa paningin nya.

"E ano kung iyon ang kahinaan ko?!" bulalas nya habang sinusubukang kontrolin ang itinuro kong kahinaan nya.

"Sabihin na lang natin na 'yan ang rason kung bakit ako ang namumuno sa King-Cross sa halip na ikaw, Vincent." Napatingin sya sa akin na parang nanghihingi ng dagdag na paliwanag.

Dito na papasok ang kasinungalingang napagpasyahan ko.

'Patawad Jason. Kailangan kong magsinungaling para sa ikabubuti ni Vincent. Kaibigan ko sya, kaya hindi ko ipapasa sa kanya ang mga pasanin ng isang lider ng King-Cross.'

"Ang kahinaan mong 'yan ang maglalagay sa'yo sa alanganin. Alanganin na katumbas ng kamatayan, Vincent."

Nakuha ko ang buong atensyon nya. Konting salita pa, at sana mapaniwala ko na sya.

"Alam mong hindi biro ang maging isang gangster, Vincent. Lalo na ang maging lider ng isang makapangyarihang grupo."

"Maraming buhay ang nakasalalay sa pamumuno mo.

Maraming kang dapat isa-alang-alang bago bumuo ng desisyon.

At kahit pa sa tingin mo at ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, palagi pa rin 'yong kulang.

Maraming magdurusa sa pinagpapahalagahan mong kasamahan kung magkakamali ka ng kalkulasyon at plano.

Kada kasaping nabawas sa'yo ay parang bahagi ng katinuan mo na unti-unting nawawala sa'yo.

Gabi-gabi, dadalawin ka ng mga bangungot ng nakaraan.

At kahit manalo ka sa laban, hindi ka lulubayan ng kunsensya mo na hindi magpapatulog sa'yo dahil sa kasawian ng iba na kapalit ng pagkapanalo mo.

At tila laging may taling nakapulupot sa leeg mo, na anumang oras ay kikitil sa buhay mo."

"Hindi ganung buhay ang gusto ni Jason para sa'yo, Vincent. Hindi buhay na maraming kargo at ala-lahanin. Hindi buhay na nakabingit sa kamatayan ang gusto ng kapatid mo para sa'yo."

"Ikaw ang pinakamahalagang tao para sa Boss na inirerespeto ko, Vincent. Kaya hiniling nyang ako ang mamuno sa King-Cross at pumasan ng mga pasaning ayaw nyang pasanin mo."

"Sinungaling ka pa rin Lenard. Kahit kailan hindi maiisip ng kapatid ko ang mga sinasabi mo. Dahil si Kuya, naniniwala na tanging malalakas lang ang may karapatang mabuhay. At walang puwang para sa mahihina sa mundong ito. Sobrang naalog ba ang ulo mo kaya hindi mo maalala na 'yon ang Rule #1 ng King-Cross? Ha? Ruthless Boss?"

I shook my head. Namaliit ko pala sya. He knew his brother well. Pero alam kong, may epekto pa rin ang mga kasinungalingang sinabi ko sa kanya. I may not have convinced him today, but I know my words had its impact on him.

"You demanded for your brother's will and I gave it to you. Ikaw na rin ang nagsabi, bahala ka kung maniniwala ka o hindi." I'm lucky to be blessed with a lying tongue.

'Brood over my lies, Vincent. I am doing this for your own good.'

"Nagkamali ako na sinagip pa kita. Dapat hinayaan ko na lang pala na mamatay ka.." he smiled a mischievous one before smirking with triumph in his face "Allen Song."

WHAT DID HE..?

"Walang sikretong hindi nabubunyag, Mister Millionaire. Hindi lang si Kuya Jason ang may alam ng tunay mong pagkatao. Hindi lang rin ako." tumayo na sya at bago lumabas ay nag-iwan sya ng babala. "Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung anong huling sinabi sa'yo ng kapatid ko. Malay natin, baka sa sobrang inip ko paghihintay sa sagot mo, e madamay na ang pamilya mo." he smirked before going.

He left shaken and dumbfounded.

Napasabunot ako sa buhok ko.

Si Papa, si Kuya Leo at si Chloe. There are enough agents to protect them, but still...ayokong maranasan nila ang buhay na puno ng takot.

I forced myself to stand. Umaandar ang oras, kailangan ko ng kumilos at tapusin ang mga gulong sinimulan ko, bago ako magpahinga ng tuluyan.

Kailangan ko ng burahin ang eksistensya ni Lenard Manalo bago pa mapahamak ang pamilya ko!

"Boss" sulpot ni Jin na nasa tabihan ko na pala. "Alam kong maganda ang intensyon mo, pero kahit sosyal ang tawag sa 'white lie', kasinungalingan pa rin 'yun."

He's got a point. So do I.

I was clenching my jaws still shaken by Vincent's warning. "Alam ko Jin. Ginulo ko lang ang isip nya, para bigyang daan ang ideya ng pagbabagong buhay."

"WOAH! BOSS! Pengeng tissue! Na-nose bleed ako!" umarte pa talaga na nanonose bleed sya. Uso na pala ang invisible blood ngayon?

"Pffft." siraulo talaga timang na 'to! Kahit seryosong usapan, nasisingitan ng kalokohan.

"WAAAAH!!! BOSS? Tumawa ka? AYOS! napatawa ko si Boss! WOOH! Lalala lala. Iinggitin ko si Chino-dude latuuur! hihihihi." bumungisngis pa si Bartolome.

Only this retard can make me laugh.

Kahit kulang-kulang ang turnilyo nyan sa ulo, may halong ka-cornyhan, pero pinagpapahalagahan ko ang gagong 'yan.

Sayang...dahil pareho lang kaming naglolokohan. Alam ko na kilala nya kung sino talaga ako, at alam ko kung sinong nagpadala sa kanya sa buhay ko. But we pretend to be ignorant of the truth.

I've started parting ways with Vincent. Now, it's time for Jin.

I started out of nowhere. "You've been a good right-hand Jin. King-Cross wouldn't be where it is, without your help."

"BOSS! WAG MO NAMAN AKONG INGLISHSPOKENING! Mauubos dugo ko nyan kannose bleed e!" kaengotang biro na naman nya. But I suppressed a laugh. It's time to get serious.

"White lies are still lies, sabi mo Jin. Wala ka bang ipagtatapat sakin?" sinulyapan ko sya and found him nervous.

"w-wala n-naman Boss. M-meron ba dapat?"

Was he this clueless na alam ko na ang totoo?

"Then, should I be the first to unfold the truth about my identity, Agent Jin Schweitzer?" I challenged.

"Boss...pa-panong...Agent?"

"I knew it all along, Jin." sumandal ako sa pader at tinitigan sya ng may neutral na ekspresyon.

Days after magkasagutan kami ni Papa about me leading a gang, Jin Almendras came to King-Cross. Dun pa lang nakapanghihinala na.

It is King-Cross' Rule to give every challenger a chance. Pinalaban ko sya against our group's best fighters to see how strong he is. His moves are well-trained and not formed from experiences from gang fights. Doon nasiguro kong, he's not a gangster, but an agent na ipinadala ng tatay ko. Para ano? para bantayan ako? Tch. It was an annoyance. 'I am not a child anymore needing protection.' Pero nakisakay pa rin ako sa larong gusto ng tatay ko.

I faced him again and with out-powering sobriety I said "Agent Jin, you're now looking into the mirror image of who Allen Song was. Listen, but the person you're in-charge of, no longer exists. Allen Song is now just Lenard Manalo. The King in the gangster world, not the successor of your Master."

"Boss, hindi naman..."

"Your mission ends here, Agent Jin. Your cover has been discovered. Now you could go back to your real Master."

"Pero Boss? Boss..." he called me several times more, pero hindi ko sya tiningnan. My eyes were soft and I don't want to show him those kind of eyes in this goodbye.

He has been a good confidant and a loyal member of King-Cross. I will always remember him as the kengkoy Bartolome na naglingkod at naging kasangga ko sa 3 taon kong pakikipaglaban.

It's just that our meeting started on the wrong foot. He is my father's agent, and I am his Master's son.

Every beginning must have an ending,...but before I end everything, I'll first break ties and make things right.

CHINO'S POV

I've always looked at Master with respect.

Hindi man nya ako natatandaan sa una naming pagkikita, he gained my loyalty since that day.

(flashback)

I am Chino Kim, taga-pagmana rin ng ilang milyong kayamanan ng aking ama. Pero pinili kong paglingkuran si Master Allen kesa magpakasasa sa kayamanang hindi ko naman pinaghirapan.

Pareho kami ng pinasukang school ni Master noon. Kilala sya sa school namin dahil isa syang Song at dahil na rin sya ang apple of the eye na pinagdidiskitahan ni Lady Min, heirness ng pamilya Kang.

I am 3 years younger than them and 3 years below their grade. Kaya hindi posibleng magkausap at magkakilala kami ni Master.

Pero isang pagkakataon, dinala ako ng paa ko sa likod ng high school building nila kahahanap ng bag ng kaklase kong iyakin na itinago ng mga bully naming kaklase.

Don't get me wrong. I am not a hero or something. I am just against the acts of bullying.

Malayo pa lang, napansin ko na ang sikat na si Allen Song sa itaas ng nakatambak na lumang mga silya. May kakaibang aura sya na kahit ayaw mo syang pansinin ay mapapalingon ka. Aura na nagsasabi sa akin na ang taong iyon ay nararapat igalang.

He seems absorbed by the book he was reading nang bigla na lang may nagbuhos ng isang timbang tubig sa kanya mula sa bintana ng 2nd floor.

Nainis ako kahit hindi ako 'yung nabasa. Pero mas nainis ako dahil umiling lang si Allen Song at nagpatuloy sa pagbabasa ng basa na rin nyang libro! "Bakit ba hindi ka lumalaban? Isa kang Song hindi ba? Pareho lang kayo ng katayuan ng mga Kang."

Wala akong pakialam kung may makakita na kinakausap ko sya. Hindi ako takot ipa-kick out ng Reyna, ayoko rin kasi sa school na iyon na may caste system base sa katayuan ng pamilya.

"Hmm?!" ngumiti sya kahit hindi naman ako nagpapatawa. "Sinabi mo na rin ang sagot, bata. Isa akong Song. Hindi ako dapat magbigay ng masamang imahe para sa pamilya ko."

"Mahina at kawawa ang tingin sa'yo ng mga estudyante dahil hindi ka lumalaban. Hindi pa ba iyon masamang imahe?"

Ngumiti sya ng makabuluhan. "Hindi basehan ang pagkikipaglaban para maipakita na malakas ang isang tao. At hindi kawawa ang taong may prinsipyo at gumagawa ng tama."

-_- "Hindi ko naintindihan." Naguluhan lang ako sa sinabi nyang 'yun kaya nilayasan ko na lang sya. Aksaya lang sa oras ang kausapin ang tulad nyang nagpapaapi. Walang naman kasing makukunsinteng mang-aapi, kung walang magpapaapi!

Kailangan ko pang hanapin ang bag ng kaklase kong iyakin.

"Bataaaa! Anong bang hinahanap mo?" sigaw nya sa akin noong nasa malayo na ako.

"Bag." sigaw ko pabalik sa kanya. Tch. Bat ko pa ba sya kinakausap?

O_O

tumalon sya mula sa itaas na pinagkakaupuan nya! Akala ba nya super hero sya?!

Tumakbo ako palapit sa kanya. "Buhay ka pa ba?!"

"hahaha." tumawa sya ng malakas. Tawa na hindi ko na muling narinig pa dahil sa isang pangyayari noong senior high school sya.

Ginulo nya ang buhok ko at tinapik ang ulo ko. "Hindi porket mukha akong kawawa e mahina na ako, bata."

"Ano?" hindi ko talaga maintindihan ang pinagsasasabi nya.

"Umupo ka na lang dyan. Ako na ang maghahanap ng bag mo."

>;( "Hindi ko 'yun bag. Tsaka hindi ko kailangan ang tulong mo."

"Hindi sa'yo? Sa kaibigan mo pala?! Mabait ka pala bata!" Ginulo pa nyang lalo ang buhok ko.

Hinawi ko ang kamay nya. "ANO BA?! Hindi ko sya kaibigan! Naaawa lang ako sa kanya." -_- paglilinaw ko.

"K.Dot kiddo. Basta dyan ka na lang, hayaan mong ang eksperto na ang maghanap ng bag ng kaibigan mo."

Nakakaloko. "Sinong eksperto? Ikaw?!"

"Oo. Ako. Ikaw ba naman ang araw-araw taguan ng gamit mo? Saulo ko na lahat ng sulok ng school na ito, bata. Hahaha. Ano bang kulay at itsura ng bag mo?"

-_- Proud pa sya dun? Weirdo. Bahala sya. "Dark brown. Bag pack na may isang malaking bulsa."

"Copy that."

Naglakad na sya palayo. Kabaitan ba 'yung pinapakita nya sa akin? O pagkauto-uto? Kaya sya nab-bully e. Tss.

Habang naghihintay, sinubukan kong umaykat sa tumpok ng sirang upuan na kinaatayuan nya kanina.

Nainis lang ako. Hindi ako makaakyat! Pano kaya sya nakaakyat dun?

"Masteeeeer!!" sumisigaw na dumating si Gavin Park, yung feeling butler na kabuntot lagi ni Allen Song. Minata ko sya mula ulo hanggang paa. Mukha naman syang matinong tao, pero bat naisipan nyang magpaalipin kay Allen Song? Sabi nila namatay ang tatay nya dahil kay Allen Song, kaya bakit nya 'yun paglilingkuran? Kinokinsensya nya ba sya?

Nginitian nya ako, pagkakita nya sakin. "Magandang umaga. Napansin mo ba si Master Allen?"

Mukha ba akong lost-and-found officer?

"Umalis." maikli kong sagot tsaka ako lumupagi sa damuhan. Nakiupo rin sya sa tabihan ko.

"Hindi mo sya hahanapin?" tanong ko sa kanya.

Tumingala sya sa langit at parang tangang nakangiti. "Babalik naman sya dito."

"Pano mo naman nasigurado? Pano kung nilunod na pala sya sa pool ng mga alipores ni Lady Min? o kaya pina-salvage sa kung saan?" -_-

"Pfffft. HAHAHA! Nakakatawa ka bata."

Bata? Bata?!! "Grade 6 na ho ako Manong! Tsaka walang nakakatawa sa sinabi ko. Akala ko Master mo sya? dapat lagi ka nyang kabuntot di ba?"

"Hmm...Tiwala, Mister Grade 6. May tiwala ako sa Master ko. Babalik sya dito dahil alam nyang dito ko sya babalikan."

-_-

"Sabi nila, sya ang dahilan kung bakit namatay ang tatay mo. Hindi ka ba galit sa kanya?"

"Hindi. Bakit ako magagalit sa kanya? Hindi makitid ang utak ko para sisishin sya ng wala naman syang kasalanan. Sa katunayan, ako ang nagagalit sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit nahihirapan si Master. Sinisisi kasi nya ang sarili nya dahil nawalan ako ng ama. Kahit ulit-ulitin kong wala syang kasalanan, nalulungkot pa rin si....MASTEEEER?!"

Napalingon ako sa dereksyon na sinisigawan ni Gavin. Si Allen Song. Ang basang sisiw kanina ay puno naman ngayon ng pulbos. -_-

"Bata! Eto na ang bag ng kaklase moooo!" masaya pa sya e mukha na syang espasol.

"Master?!" agad tumingin sa paligid si Gavin para hulihin kung sino mang maygawa sa Master nya nun. Akma na syang tatakbo para hanapin ang may sala. Pero inakbayan na parang sinasakal sya ni Allen.

"OA mo talaga Gavin! Hahaha. Ang itim ko raw kase kaya pinulbuhan nila ako. Ambait nila no? Hahaha."

Kumunot ang noo at malungkot na tumitig si Gavin kay Allen. Bago sya biglang ngumiti at dumikit pang lalo sa Master nya para pareho na silang maging espasol.

Para akong nanonood ng pelikula tungkol sa tunay na pagkakaibigan habang nakatingin sa kanilang dalawa. Ang sikat na Master&Servant tandem.

Humanga ako.

Pwede palang mangyari ang ganito?

Mula noon, hindi na sila nawala sa paningin ko. I'm always looking at them with envy. I'm always staring at them with want to be part of their bond.

Sa panonood kong iyon, nagkadereksyon ang buhay ko. Nalaman ko ang gusto kong gawin.

I want to be a loyal servant. And I want Allen Song to be my Master.

(end of flashback)

Kailangan kong balaan si Master Allen. I must tell him what Lady Min wants to happen, and what his father, Master Lenard have decided.

Nasa labas na ako ng kwarto nya sa ospital ng marinig ko ng hindi sinasadya ang usapan nila ni Agent Jin.

"Your mission ends here, Agent Jin. . ."

Napabitaw ako sa door knob at napayuko sa narinig ko.

I've always been watching my Master kaya kahit konting pagbabago ng tono nya, at simpleng unconscious na galaw nya ay nababasa ko ang tunay nyang saloobin.

I know he is serious when he said "Kill me. Pagod na ako." and now he is giving signs na desidido na talaga sya. Cutting attachments to people around him, one-by-one. 'Yun ang ginagawa ni Master.

I am his butler. What my Master wants and what my Master wishes, I must aid him even if it's against my will.

SULLI'S POV

Inside and out, Andrew is a good person at naniniwala akong who ever he choses to be his partner would be a lucky woman.

Hindi ko ipagkakailang gusto ko sya.

Pero sapat bang 'gusto' mo lang ang isang tao para sumubok ng isang relasyon?

I know it won't do.

Oo, si Andrew ang nakikita ko sa harapan ko, pero ibang lalaki naman ang ipinaaalala ng puso ko.

Bakit ba kahit sigurado ako sa sincerity ni Andrew, it is hard to say 'Yes' to his proposal?

The reason is clear to me.

Love.

I like Andrew, but my heart was driven crazy by Lenard.

Ayokong saktan si Andrew, pero hindi ko gustong paasahin sya at ikaila na may mahal akong iba.

"I'm sorry, Andrew." I said as trail of tears left my sockets.

Andrew smiled and wiped my tears. "I expected that answer. I just tried my luck." kita ko ang pangingilid ng luhang pilit nyang pinipigilan.

Inilagay nya sa palad ko ang sing-sing at nakangiti pa ring sinabi "It's for you to keep, Sulli. Your name is engraved in it. Isipin mo na lang, simpleng regalo 'yan ng isang kaibigan."

"Sorry Andrew."

"Shhh. Ok lang Sulli. You don't have to feel sorry for me. Ganito na lang..." He offered his pinky finger for me to make a promise with him. "Kunwari walang ganito na nangyari. We'll still be friends. Walang magbabago."

I know this pact hurt him more than it struck me. But he has always been the stronger one between us two.

I nodded and forced a smile, "Friends. Walang magbabago."

Later that day, I see him off flying back to the States.

I immediately went back to the hospital...

only to find...

Lenard gone...

and just a note left on his bed.

"Sulli,

I still have many things to explain to you, but I have to leave for now. I won't be gone too long. I'll come back. So, don't miss me that much, alright? :)"

He's so unfair.

---------

a/n: boring ba 'yung POV ni Chino? Just tell me at papaikliin ko T_T

AGAIN: Next chapters would be available only to my FANS/FOLLOWERS ;)

VOTE.VOTE.VOTE <3

WT: 6-7to10-13 P: 6-10-13

Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...