Haraam (GxG)

By Messiahd

48.4K 2.2K 503

"Love one another" -A phrase that's both written on their holy books. But how could they love each other if i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 12

1.6K 88 15
By Messiahd

"Heather?" May pag-aalalang tawag ko sa pangalan niya habang niyuyugyog siya upang magising. "Heather gising." Marahan ko siyang tinapik sa pisngi. "Heather."

Marahan siyang napamulat. Hindi lang eyelids niya ang namumula pati sclera ng mata niya.

"Ang taas ng lagnat mo. Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ko para alam ko kung ano ang ipapainom sa kanya, baka kasi magkaroon ng drug interaction kapag paiinumin ko siya ng panibagong gamot.

Namumungay ang mata niyang nakatingin sa'kin at bigla na lang napangiti. "Nasa langit na ba ako? Kasi may anghel sa harap ko." Sabi niya sa namamaos na boses.

Nahampas ko tuloy siya sa braso. Nag-aalala ako sa kalagayan niya pero nagawa pa niyang magbiro.

"Kainis ka talaga."

Tumayo na lang ako para kumuha ng bimpo at naghanap ng basin para paglagyan ng tubig saka siya binalikan. Nakapikit na ulit siya. Piniga ko ang bimpo sa palanggana at sinimulang punasan si Heather sa mukha.

Hindi pala dahil sa make-up kaya namumula ang pisngi at labi niya kun'di dahil sa lagnat.

"Heather." Tawag ko habang abala pa rin sa pagpupunas.

"Hm?" Tugon niya, nananatili pa ring nakapikit.

"Uminom ka na ng Paracetamol?" Tanong ko ulit.

"Hindi. Yakapsule at kisspirin mo ang hinihintay ko."

Buti na lang napigil ko ang sariling mahampas ulit siya. May sakit na nga, nagagawa pang magbiro at bakit ba kasi dito siya natulog?"

"Heather, lumipat ka na do'n sa kama mo, nahihirapan ka lang dito."

"Matagal na 'kong nahihirapan." Hindi ko inaasahang sagot niya. Dinedileryo na kaya siya?

Huminto ako sa ginagawa para pagmasdan si Heather, nananatili pa rin siyang nakapikit. Ang ganda talaga niya.

Inilagay ko sa basin ang bimpo at itinabi ito. Tumayo na rin ako at muling bumaling kay Heather, hinawakan ko siya sa kamay at maingat na hinila. "Tara na sa kwarto."

"Anong gagawin natin?" Alam kong nagbibiro na naman siya pero di ko na lang pinansin, inalalayan ko siya sa pagbangon at inakay papunta sa kwarto hanggang maihiga ko siya sa kama niya.

Binalikan ko sa sala ang mga ginamit na panbanyos sa kanya, itinapon ang tubig ng palanggana sa sink at muling binanlawan ang bimpo, pinigang mabuti pagkatapos ay nagtungo ulit sa kwarto. Itinupi ng maayos ang medyo basang bimpo at ipinatong sa noo ni Heather.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Mn."

Sandali ko ulit siyang nilisan para kumuha ng Paracetamol sa lalagyan ko ng mga gamot. Mabuti na lang at meron akong medicine kit sa mga gamit ko.

Muli ko siyang binalikan dala ang gamot at isang baso ng tubig. "Heather, inom ka muna ng gamot."

Walang imik siyang bumangon at ininom nga ang bigay ko saka ulit nahiga at niyakap ang nakabalot sa kanyang kumot. Nanatili akong nakaupo sa tabi niya at pinagmasdan lang ang maganda niyang mukha.

Hindi naman sakit ang lagnat, sintomas lang ng sakit. Pero anong sakit ni Heather bakit bigla siyang nilagnat? Hindi naman siya sinisipon at parang wala ding ubo. Mukhang maayos din siya kanina no'ng tinitignan ko siya sa café.

Gusto ko siyang ipaghain ng mainit na sabaw sa paggising niya pero hindi ko naman alam magluto ng kahit ano.

Hinagilap ko ang cellphone para tawagan si Emil.

"Hello? Ba't ka napatawag? Anong oras na."

"Pagluto mo nga ako ng sabaw." Request ko,  sa aming magkapatid siyang lalaki ang may alam sa kusina.

"Nagdadrugs ka ba o naglilihi? Ba't ka biglang naghahanap ng sabaw sa ganitong oras?"

"Sige na Emil. Na-miss ko luto mo." Sabi ko nalang kahit hindi. Wala naman akong choice kasi siya lang ang kilala kong pwedeng hingan ng pabor.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Gusto mo ng nilaga?"

"May sabaw yun?"

"Malamang."

"Sige."

"Anong nilaga?"

"Kahit ano."

"Nialagang bato, gusto mo?"

"Gago, seryoso ako. Sige na kasi."

Late night na, hindi pa rin ako tulog. Kahit parang an'dami ng nangyari ngayong araw hindi ako makaramdam ng antok. Maya't-maya akong napapatingin kay Heather.

Sa ngayon ay narito ako sa kusina kasama si Emil. Mahigit isang oras pagkatapos ko siyang tawagan kanina ay dumating siya ritong dala ang pinamalengke niya para sa pagluluto.

"Akala ko para sayo. Para kay artist pala." Saad niya habang hinuhugasan ang sweet corn. 'Artist' ang tawag niya kay Heather.

Hindi ko siya inimikan, sandali ko siyang nilisan para i-check ulit si Heather sa kwarto. Tulog pa rin.

Binalikan ko si Emil sa kusina. "Hindi kami nakakakain ng lutong bahay na masustansya kaya siguro nagkakasakit na siya."

"Ikaw din abangan mo na sa buhay mo ang diabetes, fatty liver at kidney failure." Wika niya habang abala ngayon sa paghiwa ng mga sangkap. "Hindi rin ba marunong magluto yang kasama mo at panay kayo takeout ng pagkain sa labas? Kumpleto mga kitchen utensils niyo rito oh, ano yang mga yan? Display?"

"Malay ko. Bago lang ako rito. Baka may kasama noon na alam magluto." Mukhang walang pakialam kong sagot pero ang totoo ay napapaisip rin kung bakit may mga gamit sa kusina si Heather samantalang wala naman siyang alam sa pagprepara ng pagkain maliban sa pagtimpla ng kape gamit ang coffee maker at magpainit ng pagkaing nag-overnight sa fridge gamit ang microwave.

At kung meron man siyang kasama rito, kaano-ano niya?

Curious na nga, mas lalo pang na-curious sa lovelife ng alien kong kasama. Hindi kaya may kinakasama siya dati rito?

Yung nakita kong lalaking kasama niya sa café, kaano-ano niya kaya yun?

Single kaya si Heather ngayon o in a relationship?

May naging boyfriend kaya siya?

Ilan na kaya ang exes niya?

Nawala ako sa iniisip nang marinig ang malakas na boses ni Emil. "Ha? May sinasabi ka?" Absent-minded kong tanong.

"Sabi ko pakiabot ng sandok." Sagot niya pero hawak na ngayon ang tinutukoy. "Lutang ka diyan. May problema ba?"

"Wala. Matagal pa ba yan?" Segway ko.

"Matagal lumambot ang karne. Baka mamayang umaga pa 'to matatapos maluto, sakto para sa midnight snack?" Natatawang sabi niya. "O sa agahan."

Magbubukang liwayway na nang natapos sa pagluluto si Emil. Hindi lang yung request kong sabaw ang ginawa niya, nagluto pa siya ng dalawang klase ng ulam para naman daw makakain kami ng normal na pagkain. Ipapainit ko na lang sa microwave. Tinuruan niya rin ako kung paano magsaing, imbalance naman kasi kung may ulam nga wala namang kanin. Siya rin ang unang bumanat ng mga niluto niya. Kain construction, akala mo kung bibitayin na. Hinayaan ko na lang total gastos naman niya at siya pa ang gumawa. Mag-i-stay pa sana siya rito pero may nakaplanong lakad sila ng pamilya ng girlfriend niya ngayong araw.

Tulog pa rin si Heather. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa pisngi upang pakiramdaman ang temperatura ng kanyang katawan. Medyo nag-subside na ang lagnat niya. Napatingin ako sa orasan, kailangan na ulit niyang uminom ng gamot. Kumuha ulit ako ng isang basong tubig at gamot na kailangan niya.

"Heather," Bahagya ko siyang niyugyog sa balikat habang tinatawag siya sa pangalan. Sa pang-ilang ulit kong pagtawag ay nagising rin siya. "kailangan mo ng uminom ng gamot."

Inalalayan ko siyang bumangon para maupo sa kama. KoolFever na yung nakalagay sa noo niya para hindi maalis kahit anong galaw niya, pinabili ko si Emil sandali habang hinihintay maluto ang mga nakasalang kanina.

"What time is it?" Tanong niya matapos uminom. Ang hoarse ng boses niya.

Kinuha ko sa kanya ang baso. "Quarter to six. Gutom ka na ba? May sabaw diyan, gusto mo?" Tumango lang siya bilang sagot.

Tumayo na 'ko at paalis na nang bigla niya kong hinawakan sa braso at hinila sanhi para muling mapaharap sa kanya, mawalan ng balanse at bumagsak sa katawan niya.

"Ouch."

"Shit!" Kusang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkakatapon sa aming katawan ng hindi naubos na tubig mula sa hawak na baso.

"I'm sorry, I'm sorry." Tarantang sambit ng kasama ko.

"Ba't ka kasi biglang nanghihila?" Humiwalay ako sa kanya para tumayo, ngayon ko lang napansin na parang may iniinda siyang sakit sa kanyang kaliwang balikat. "Okay ka lang?" Muli akong nakaramdam ng pagkabahala.

"Yeah." Umisod siya sa kama at tumayo na rin. "Kaya wag mo na kong dalhan ng pagkain dito, kaya ko naman na'ng pumunta sa kusina." At siya na nga ang nangunang lumabas ng kwarto.

"Marunong ka palang magluto" Komento niya matapos humigop ng sabaw. Nakakatuwa siyang tingnan kasi para siyang bata at nakadikit pa rin sa noo niya yung KoolFever.

"Hindi ako yung nagluto. Yung kuya ko."

"May kuya ka? Pareho tayo. Ilan kayong magkakapatid?" Sunod-sunod niyang sabi habang kumakain.

Sinabayan ko siya sa agahan. Kung titingnan siya ngayon, parang hindi siya galing sa matinding lagnat.

"Kaming dalawa lang."

"Sa'n siya ngayon? Wait," Natigilan siya at parang napaisip. "Pumunta siya dito para lang magluto?"

"Actually...Yes." Sana naman okay lang sa kanya na may ibang pumunta rito. Hindi mukhang approachable si Heather sa ibang tao, baka ayaw niyang may ibang pumasok dito sa pad.

"Eh nasa'n siya ngayon? Ba't di mo man lang siya pinag-stay para naman may kasama tayo rito."

Nakahinga ako ng maluwag. "May lakad siyang importante e."

"Sa bagay, mukhang di naman tayo importante." Usal niya at mahinang natawa.

"Gago."

"Well, ikaw siguro mahalaga sa pamilya mo. Ako, sa mother-side hindi at parang gano'n din naman sa father-side."

Gusto kong itanong kung bakit pero ayokong magmukhang usisira. Ayoko ring magmukhang walang pakialam kapag di ko siya inimikan.

"Ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko na lang.

Napatingin siya sa'kin bago sumagot. "Four. Bunso ako at ako lang ang babae."

At dito nagsimula ang pagkilala namin sa isa't-isa. Nakakatawang isipin na medyo matagal na kaming mag-roommate pero ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito. Naikwento ko ang tungkol sa totoong mga magulang ko pati na ang mga foster parents ko. Pati lovelife ng kuya ko nasabi ko. Pero pagdating sa kanya, limited lang ang mga nalaman ko. Sa bawat pagkwento niya parating may preno, para siyang may iniiwasang sabihin. Mas lalo lang tuloy akong naging interesado kasi pa-mysterious e.

Tapos na kami sa pagkain pero hindi pa rin sa pag-uusap. Sa ngayon ay nagsasabi siya ng sintemyento tungkol sa pagiging diktador daw ng parents niya.

"... Para nila kaming puppet na mina-manipulate. Kung ano ang gusto nila, dapat sundin namin."

"Dahil lang do'n, dictator na agad sila sa paningin mo?"

"Sa lahat kaya ng bagay gusto nila sila ang masunod. Kung anong dapat na suotin, iasal, gawin, gagawin. Basta lahat. Ultimo sa pakikipagkaibigan. Sila ang pumipili kung sinong dapat naming kaibiganin. Pati sa school. Sila ang masusunod kung sa'n dapat kami mag-aral. Pati nga sa--"

Ayan na naman, bigla ulit pumreno ang bibig. Hinihintay ko ang sunod niyang sasabihin pero mukhang wala na talaga.

"Kung ganun ang tingin mo sa parents mo, bakit parang independent ka naman ngayon?" Tanong ko dahil gusto ko talagang malaman kung bakit.

"Let's just say, we're the same. We're both runaways." Akala ko hanggang do'n na lang yung sagot niya pero hindi. "But for sure, they're not looking for me."

"Baka nga nag-aalala na yung pamilya mo. Babae ka pa man din at minor pa."

"Hindi naman importante ang babae sa pamilya namin. And if ever they try to look for me, hindi dahil sa nag-aalala sila sa'kin."

"Bakit?"

Napahawi siya sa buhok at sa ginawa niyang yun ay napansin niyang may nakadikit sa noo niya. Tinanggal niya ang KoolFever saka ako tiningnan na para bang kinukwestyon ng 'Seriously?'. Hinayaan ko na lang siya nang ilapag niya ito sa mesa at mukhang wala ng balak na ibalik ito sa kanyang noo.

"For now, I don't want to bother my self thinking about my family. I just wanna enjoy and live my life as long as I am free."

"If you don't mind me asking, in a relationship ka ba ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.

Muli siyang napatingin sa'kin nang may pagtataka pero nakangiti na para bang amused. "Ba't mo inaalam ha?" Tanong niya pabalik nang nakataas ang isang kilay.

Ang hot niyang tingnan sa ginawa niyang expression. Baka nga siguro siya nilagnat kasi hot siya? Spanish for milk!

"Nakita kita sa isang pavement café, may kasamang lalaki at parang may nagpho-photograph pa sa inyo."

Bahagya siyang natawa. "So, you've seen me wearing maxi dress? How do I look?"

Natagalan bago ako makasagot. "Maganda."

Napaismid siya at biglang tumayo at umalis. Parang nawalan ng gana.

Wala akong napalang sagot. May mali ba 'kong nasabi?

"Uminom ka ng gamot mamayang 2pm!" Sigaw ko bago siya tuluyang makalayo.

Nagligpit ako ng pinagkainan at hinugasan ang mga ito. Pagkatapos ay nagtungo ako sa kwarto. Naabutan kong nagpapalit ng tee shirt si Heather.

"Ugh!" Daing niya bigla nang subukang itaas ang kaliwang kamay para maisuot ang damit

Napalunok ako ng laway nang makakita ng abs. Ngayon ko lang napansin. Dati kasi nag-iiwas agad ako ng tingin kapag nagpapalit siya ng damit sa harapan ko.

"Okay ka lang?" Segway ko nang mahuli niya 'kong nakatitig sa katawan niya. Parang may sariling buhay ang mga paa kong lumapit patungo sa kanya.

"May pilay ako."

Yun malamang ang dahilan kaya siya nilagnat at yun din ang iniinda niya kanina nung bumagsak ako sa katawan niya, mas lalo yatang napuruhan dahil sa nangyari.

"Will you please help me?" Paki niya. Inalalayan ko siya sa pagsuot niya ng damit. Napansin kong may pasa siya sa kaliwang balikat. "Thanks." Wika niya matapos maisuot ang tee shirt.

Nawala ang mga katanungan sa isip ko nang maramdaman kong hinigit niya 'ko sa bewang at isinama sa pagbagsak niya sa kama.

"Hoy! Ano ka ba? Yang pilay mo?" Kaagad akong lumayo para i-check ang kalagayan niya. Bumangon na rin ako pero nanatiling nakaupo sa tabi niya. "Hindi ka ba nasaktan?"

"Magaling na 'ko. Ang galing ng nurse ko e. Akala ko ba pharmacy ka?"

"Puro ka biro."

Umusog siya palapit sa'kin at niyakap ako sa bewang. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko na naman kasi inaasahan ang ginawa niya. Pabigla-bigla!

"Thank you for taking care of me."

"W-wala yun. Syempre ano...roommate kita kaya ano..." Hindi ko alam pati sasabihin. Hindi ko mawari kung may pilay ba talaga yung kaliwang balikat niya o ano, kasi nagawa niyang ilingkis ang parehong braso sa bewang ko. Bahagya ring nakaunan ang ulo niya sa tiyan ko.

"You're so caring and thoughtful." Napangiti ako sa sinabi niya. "Just like my mom." Pero agad ring napalis ang ngiti sa labi ko. Nanay pala ang tingin niya sa'kin. Badtrip.

"Akala ko hate mo ang mommy mo?"

"Huh?"

"Sabi mo kasi manipulative ang parents mo, kaya I assumed na you hate them. Your mom and your dad."

"Hm, perhaps? Pero hindi ko naman nakakalimutan ang magagandang traits nila towards me. Hindi lang naman kasi yung negative ang nakikita ko, pati rin naman positive. And just to clarify, I don't hate my parents. I just don't like certain things about them."

Wala akong masabi. Hindi ako makapag-isip ng sasabihin dahil hindi ako komportable sa ayos namin ngayon.

Namayani ang katahimikan kaya mas lalo lang naging awkward para sa'kin.

"Ba't mo nga pala gustong malaman kung sino yung kasama ko sa café?" Pagbasag ni Heather sa katahimikan ngunit nananatili pa ring nakaakap sa'kin. "Are you jealous?"

Nawala yung nararamdaman kong pagka-awkward at nanumbalik yung inis na nararamdaman ko sa kanya dati.

"Eh kung batukan kaya kita? Ba't naman ako magseselos?"

"Kasi you're into me?"

"Gago. Aware ka bang pareho tayong babae?"

"So what?"

Kunsabagay. Sila Jade nga may gusto sa kanya e. Pero hindi naman ako gaya nila. "Gago. Sila Herras at Santos yung may gusto sayo." tukoy ko kay Jade at kay Anica.

"I know." Kumalas siya sa pagyakap at napabangon para umupo, sumandal siya sa pader na kinadidikitan ng aming higaan. "Because of this." Itinuro niya ang mukha. "Maraming nagkakagusto sa'kin dahil lang sa mukha o sa katawan ko siguro. That's normal."

"Narsisista ah." Natatawang komento ko. Pero hindi naman siya nagmistulang mahangin dahil totoo nga naman ang sinabi niya. Head turner talaga siya.

"What I mean is, karamihan sa tao, the most important thing is physical appearance. No one falls in love with personality at first sight."

"Ganun naman talaga siguro. Mauuna talaga yung panlabas kesa panloob." Napatingin siya sa'kin. "Hindi underwear tinutukoy ko ah." Sabi ko kaagad bago pa siya makagawa ng joke sa naging komento ko. Pero parang wala naman sa mukha niya ngayon ang magbiro. Hindi ko siya mabasa dahil sa pagiging blangko ng ekspresyon niya.

"Hindi ako ganun." Poker faced niyang sagot. "I appreciate people by the way they see things and how they deal with it. I like rare people. At wala akong pakialam sa itsura or katawan nila kasi di naman dun nanggagaling ang intelligence and true beauty."

"Kunsabagay." Kibit-balikat ko. Wala akong masabi. Masyadong impressive para sa'kin yung perspective niya sa buhay, parang hindi na nga makatotohanan kung minsan.

"And I want someone who will fall in love with my thoughts, my works, my flaws and for everything that I am. Not because of this." Muli niyang itinuro ang mukha. "Because I'm not just a pretty face."

Siya nga pala si Heather, ang kakaibang babaeng nakilala ko.

Continue Reading

You'll Also Like

46.7K 605 35
Stubborn Love (Denny & Raikko from JABIL) is now complete and available on Dreame. Search for my profile name, Destinesia or search for "Stubborn lov...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
3.5M 114K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...