Pagkagising ko ay Lunes na pala. Pasokan na naman. Bumangon na ako na walang ka gana-gana. Nagshower na ako, sipilyo, bihis, ayos, labas ng kwarto, kain ng agahan, punta sa motor at alis na patungong academy.
Nagheadset lang ako. Hindi ko alam kung paano na ako kikilos sa harap ni Andrew ngayon. Sana hindi ko nalang nalaman ang totoo. Pero mukhang nakalimutan na niya ako. Pero gusto ko pa rin siyang maka-usap tungkol dito. Gusto kong makahanap ng sagot kung bakit siya umalis.
Nagsimula na ang klase namin at nasa tabi ko nga si Andrew pero di ko siya pinapansin kahit kinukulit niya ako. Siguro nakalimutan na rin niya ako.
Third period namin ng hapon at absent ang guro namin kaya pinansin ko siya. Nasa classroom kami ngayon.
"Andrew."
"ano?"
"mag-usap tayo."
"about what?"
"just follow me." Tumayo ako at lumabas ng classroom. Sumunod naman si Andrew.
Dinala ko siya sa likod ng building. Wala namang tao sa paligid at malayo rin sa mga tao na maaaring makarinig. Sumandal si Andrew sa pader. Napaka cool nito tignan.
Humugot ako ng malalim na hininga para mapalakas ang loob ko. Lumapit ako at tumayo mismo sa harapan niya. Nakadungaw naman siya sa'kin. Tangkad talaga niya.
"kilala mo ba ako?" Deritsa kong sabi. Tumingin ako sa kanya ng deritso.
"yeah. You're Francine." Simpleng sagot niya.
"yan lang ba ang alam mo sa'kin?"
"ou."
Nadismaya ako, at the same time parang... Nasaktan? Shit! Sana hindi ko nalang siya tinanong. Ang sakit na hindi ka na maalala ng kababata at ng unang minahal mo. Tumalikod na ako at humakbang na palayo. Nakakatatlong hakbang na ako nang...
"Isi." Tawag niya.
Napatigil ako bigla sa narinig.
"alam kong ikaw si Isi." Dagdag nito.
I turned and he's already infront of me.
"natatandaan mo pala." Sambit ko.
"hindi naman kita nakalimutan kahit kailan."
"Vivi, bakit ka ba nagbalik? Para saktan na naman ba ako? Ganon ba talaga kalaki ang disgusto mo sa'kin? Ni reject mo na nga ako, umalis ka pa." Tinatapangan ko ang sarili ko.
"Isi i'm sorry. I didn't mean to hurt you." Sabi niya at tinangka pa akong hawakan pero umatras ako at itinakwil siya.
"yun nga ang masakit eh. Nasasaktan ako dahil hindi mo man lang ako minahal. Hindi mo kasalanan kung hindi mo ako kayang mahalin."
"Isi nagkakamali ka. Mahal kita Isi. Mahal kita!" Sabi niya at agad akong hinatak palapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Pilit akong kumawala sa mga bisig niya. Mabuti at binitawan niya ako.
"kung mahal mo nga ako bakit mo ako nireject and worst iniwan pa?!" Tinulak ko siya.
"kasi alam kong masasaktan ka dahil aalis na ako. Ni reject ko na lang ang pagmamahal mo para makahanap ka ng iba. Yung siguradong hindi ka iiwan." Lumapit uli siya sa'kin.
"bakit kailangan mo pang umalis?"
"dahil sa lolo ko Isi. Gusto niyang doon na ako mag-aral sa California para makapasok sa Hollywood. Todo ang tanggi ko non pero mamamatay na kasi siya kaya tinupad ko ang gusto niya. Hindi na din ako bumalik dahil alam kong nasaktan kita at wala na akong mukhang ihaharap sa'yo. Masakit din para sa'kin yun Isi. Yung iwan ka. Ang sabihin na hindi kita gusto kahit ang nasa puso ko naman ay talagang mahal kita. Masakit saktan ang taong mahal mo Isi." Napakaseryusong sabi niya. Tinangka niya uli akong hawakan pero umiwas ako at umatras.
"huwag mo'kong hawakan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa'yo." Umatras ako.
"Isi..." Titig na titig siya sa'kin.
"mahal? Hah! Mahal? Alam mo kevin Ward, kung noon sana nagpakatotoo ka lang, sana hindi aabot sa langit ang galit ko sayo eh... Maiintindahan ko naman kung pinaliwanag mo lang. Hindi yung naniwala ako sa kasinungalingan in six years! Tapos ganyan lang kadali ang lahat sayo? Langya Kevin!" Sigaw ko sa kanya na puno ng galit ang boses ko.
Nanlilisik ang mga mata ko. Gusto ng tumulo ng mga luha ko pero talagang pinigilan ko. "nakalimutan na kita eh. Nakalimutan ko ang itsura mo at totoo mong pangalan! Nakapagmove-on na sana ako dahil may bagong tao na akong nagugustuhan. Unti unti na kitang nagugustuhan bilang si Andrew." Dinuru-duro ko pa siya.
"Isi kalimutan nalang natin ang nakaraan. Magsimula tayo ulit." Hinawakan niya ang kamay ko pero kumawala ako don.
"no! Yun din ang akala ko! Akala ko may bago na ako! Akala ko makakalimutan ko na ang nakaraan ko! But i'm wrong!"
"Isi patawarin mo ko." Pilit niya akong niyayakap pero nagpupumiglas ako. Itinulak ko siya ng buong lakas pero hindi naman masyadong gumana yun dahil napaatras ko lang siya ng konti.
"alam mo ba kung ano ang pinakamasakit?! Yung akala mo nakapagmove-on ka na sa past mo! Pero yun pala, MY PRESENT! IS STILL MY DAMN PAST!" Ibinuhos ko na ang lahat don. Yumuko ako dahil hindi ko na talaga mapigilan. Hindi ko na kayang pigilan. Tuluyan ng nahulog ang mga luha ko.
"sana hindi ka na lang bumalik. Sana hindi na kita nakilala ulit. I hate you Andrew. I hate you Vivi and worst, I hate you, Kevin Ward!" Yan ang huling sinabi ko at tinalikuran na siya. Iniwan ko na siyang mag-isa sa lugar na yun.