From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

9. Libreng Pakain

22.8K 292 15
By hunnydew

Simula nang di-inaasahang pagkapanalo ni Mason sa pagka-Vice President, naging abala na ito sa paaralan nila. Nariyan ang kabi-kabilang pagpupulong kasama ng mga guro o di kaya ay ang mga class officers ng bawat year level. Halos buwan-buwan ding mayroong activities na kailangang pamunuan ng student council upang siguraduhing maayos ang pamamalakad ng mga ito.

  

Isama pa sa mga inaalala niya ang pag-aaral. Ayaw ni Mason na mahuli siya sa mga leksiyon kaya naman pagkauwi nito ay nagpupuyat pa para makahabol sa mga lessons o di kaya ay upang gumawa ng mga proyekto.

Paminsan-minsan na lang din kung mag-text si Chan-Chan tungkol sa kaibigan. Class president nga pala ng Second year, section one ang binatilyo at madalas na makasama ni Mason sa mga pagpupulong kabilang ang iba pang mga presidente  ng bawat klase. Batid yata nitong maraming inaatupag si Mason kaya hindi masyadong nang-iistorbo. O di kaya ay napag-alaman sigurong kusa namang nagsasabi si Charlie kaya wala na rin siguro itong masabi sa text.

 

At nakakalungkot mang isipin subalit hindi na ulit sila nakapag-usap ni Louie matapos ng nakakaaliw na pagkikita nila sa MOA.

“Mase! May bago ba tungkol kay idol?” pangungulit na naman ni Ray habang nakatungo si Mason at may pinipirmahang mga dokumento.

Nagbuntong-hininga siya bago pagod na tumingin sa kaibigan.

Na napansin naman ni Nile kaya muli, ito na lamang ang nagsalita para sa kanya. “Pare, nakita mong busy, guguluhin mo pa para sa walang kwentang bagay.”

“Hindi naman—“ angal sana ni Ray subalit pinangunahan na ito ni Aaron.

“Alam mo, nakaka-badtrip na ‘yang pagka-torpe mo ah. Hindi mo ba napapansing naaabala na kami dahil diyan sa pagsi-stalk mo kay Kwok? Ano namang napapala namin at lalo na ni Mase sa pananagap niya ng balita tungkol kay Louie?” pabalang na sagot ng kaibigan.

Nanlumo naman si Ray at mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Subalit hindi siya tinantanan ng dalawa.

“Oo nga,” pagsang-ayon naman ni Nile. “Kung talagang gusto mo si Louie, ikaw ang gumawa ng paraan. Hindi ‘yung lagi ka nalang umaasa sa’min. Kaya hindi ka pa rin napapansin nun eh.”

“Nahihiya kasi ako—“

“Walang mararating ‘yang hiya-hiya mo—“

“Oo nga. Bading ka yata eh—“

Ibinaba ni Mason ang ballpen na ginagamit at minasahe ang gilid ng noo. Sumasakit na kasi ang ulo niya sa dami ng kanyang inaalala, dadagdagan pa ng pagsasagutan ng mga kaibigan. “Tama na,” mahinahon niyang awat sa mga ito na tumahimik naman at tinunghayan siya. “Ray, kung wala kang balak ligawan si Louie, itigil mo na ‘yang kahibangan mo,” pagtatapos niya bago tumayo upang pumunta na lamang sa silid-aklatan upang doon tapusin ang mga gawain.

Mabuti na lamang at sa wakas, huminto na nga sa pangungulit si Ray na ikinatuwa naman ng dalawa pa nilang kaibigan. Subalit hindi pa rin ito nagsimulang manuyo kay Louie. Hopeless case na yata sa pagkatorpe.

Sa sobrang dami ng mga ginagawa ni Mason bilang Vice President, hindi na niya namalayan ang tila mabilis na pagtakbo ng panahon. Sa kasamaang-palad, hindi na rin niya masyadong nasusubaybayan ang kapatid tulad ng dati. Ipinaubaya nalang niya kay Chan-Chan ang pagbabantay kay Charlie na sinang-ayunan naman nito.

At kung abala na siya noong third year, halos hindi na rin siya nakakakain sa pagdagsa ng responsibilidad niya nang tumakbo at manalo siya sa pagka-Presidente ng sumunod na taon. Kahit tahimik lamang daw kasi siya, marami naman siyang naitulong sa mahusay na pamamalakad ng student council noong nakaraang taon. Kaya naman nakuha rin niya ang loob ng mga high school students.

 

Sabi naman ni Charlie, mas dumami raw kasi ang admirers ni Mason kaya siya nanalong Presidente – isang  bagay na hindi na lamang niya pinansin.

Nasa headquarters siya ng student council nang biglang kumatok at pumasok ang kapatid kasunod si Nile na may bitbit na ilang plastik ng Jollibee.

“Kuya Mase, may bisita ka,” tawag ni Chan-Chan na siya namang Vice President habang nagtatakang sinundan ng tingin ang mga dala ng mga bisita.

“Kain-kain din ‘pag may time.” Maluwag ang ngiti ni Charlie nang ilapag nila ni Nile ang malalaking plastik ng kilalang fast food chain.

 

Kumunot naman ang noo ni Mason. “Ano yan?”

“Pagkain?” sarkastikong sagot naman ni Nile. “Kumain ka muna kaya. Sige ka, mawawalan ka ng fans dahil nangangayayat ka na,” natatawang mungkahi nito.

“Hindi kami nagpa-deliver,” nagtatakang sambit naman ni Mason at tinignan ang iba pang officers na nakatunghay na sa mga pagkaing dinala dahil humahalimuyak na ang mabangong amoy ng chicken at spaghetti mula dito. Sakto namang nag-ring ang bell na hudyat ng lunch time.

 

“Wuhahaha, galing kay Louie ‘yan! Nagpakain siya sa buong batch namin. Sabi ko bigyan din kayo lalo na ikaw kasi di ka na yata kumakain.” Kahit nakangisi pa rin ang kapatid, dinig ni Mason ang pag-aalala sa boses nito. Bumaling naman si Charlie sa mga papaalis na officers. “Oy! Sa’n kayo pupunta? Para inyo nga ‘to! ‘Pag di kayo kumuha, ako ang kakain ng lahat neto!” pagbabanta pa nito.

Tinanguan naman ni Mason ang mga kasamahan bago sila nagsikuha ng mga pagkain nila. Doon na rin kumain sila Charlie at Nile.

“Hoy, Chan, tignan natin kung may Peach Mango Pie pa sa baba. Tara,” pagyakag ni Charlie sa matalik na kaibigan at halos kaladkarin pa ito palabas ng silid nang matapos kumain. Halatang tuwang-tuwa sa libreng pagkain ang kapatid. Masyado kasi itong matakaw lalo na kapag libre.

Aalis na sana ang kapatid kasama si Chan-Chan at Nile nang pigilan niya ang mga ito. “Sandali, sasama na ako sa’yo. Magpapa-thank you lang.”

Habang naglalakad sila pababa sa palapag kung saan naroroon ang mga silid ng mga third year, naitanong ni Mason kung ano ang okasyon at nagpakain bigla si Louie.

“Ano.. ahhh… Berdey niya, hehe,” nakangiwing sagot naman ni Charlie. Halatang nagsisinungaling.

Matagal nang alam ni Mason na buwan ng Mayo ang kaarawan ni Louie dahil hindi pumalya ang kaibigang si Ray sa paghuhulog ng birthday card sa locker nito. At si Charlie pa mismo ang nagsabi sa kanilang magkakapatid ng petsa ng kaarawan ni Louie noong nakaraang taon.

Mas lalo tuloy na na-curious si Mason sa tunay na dahilan ng pagpapakain ni Louie.

“Uhm… Louie, belated,” nag-aalangang bati ni Mason nang makita itong palabas ng silid dahil tinawag ni Charlie. “Thank you sa food,” dagdag pa niya.

“Ahh… wala ‘yun,” nakangiting sagot naman ni Louie habang nakatanaw sa mga kaklaseng sarap na sarap sa pagkain.

Kaya naman lubusan nang nagtaka si Mason sa inaasal nito. “Ba’t parang hindi ka naman kumain?”

“Busog pa ako eh,” tugon naman ni Louie kahit mukha namang nagugutom na dahil kanina pa lumulunok. Bakit kaya ayaw nitong kumain ng pina-deliver?

 

Baka sawa na sa fast food?

“Naku, baka malipasan ka ng gutom,” sabi ni Mason. Nakakahiya naman kung lahat kumakain pero ‘yung nanlibre, nagugutom. “Tara sa canteen,” pag-aaya niya at hinila na ang kamay ni Louie patungo sa direksiyon ng canteen nila. Bahala na kung sundan sila nila Nile at ng kapatid.

Pagdating nila sa kainan, tila nahihiya pa rin yata si Louie dahil hindi ito umiimik kaya nagpasya na si Mason na bumili na lamang para dito. Isang cup ng kanin, tinolang manok, leche flan at pineapple juice ang inorder niya para sa kasama. Gusto pa sana niyang dagdagan iyon bilang pagpapasalamat sa pagpapakain nito sa kanyang kapatid at sa mga kasamahan nila ni Chan-Chan sa student council. Subalit mukhang nagda-diet naman yata ang dalaga. Baka pihikan sa pagkain.

“Hindi ka kakain?” tanong ni Louie nang makaupo sila.

Kaya umiling nalang si Mason. “Sa’yo ‘yan. Busog na ‘ko. Kumain ako nung pinadala mo sa office diba?” Natawa na lamang siya nang nilantakan na agad ni Louie ang binili niyang pagkain para dito.

Ngayon lang niya napagtanto na matapos ang pagkikita nila sa MOA noong nakaraang taon, ngayon lang ulit sila nagkausap. Gayunpaman, tila hindi naman nagbago ang katotohanang panatag ang loob ni Mason sa pakikipag-usap dito. Sa katunayan, maliban sa bunso, si Louie pa lang yata ang nag-iisang babaeng nakakausap niya nang mahaba-haba.

Napansin yata ni Louie ang pagmamasid ni Mason kaya iniangat nito ang mata at nagtatakang tinignan si Mason. “Bakit?”

“Wala,” nakangiting sambit naman niya. “Kakaiba ka palang kumain kapag busog. Paano na lang ‘pag gutom ka pala?”

Kung maaari lamang bawiin ni Mason ang nasabi, ginawa na niya. Tila nahiya kasi si Louie habang pinagpatuloy ang pagkain nito.

“Gusto mo pa ba?” tanong ulit ni Mason para makabawi dahil mabilis ding naubos ng dalagita ang pagkain.

Umiling na lamang ito. “Thank you.”

 

“Pinakain mo kaya ‘yung mga officers ko. It’s the least that I can do,” nakangiting sabi niya.

“Sira. Hindi mo naman responsibilidad na pakainin ako,” nakangiwing sagot naman ni Louie.

Minsan, sa mga kwento ng kapatid, nasabi ni Charlie na nakakabobo raw kausap si Louie tungkol sa mga seryosong bagay. Dinudugo raw ang utak ng kapatid kaya ayaw nitong makipagdiskusyon sa kaibigan. Naisip tuloy ni Mason na malaman kung paano mag-isip si Louie.

“Hindi mo rin naman responsibilidad na pakainin ako,” balik ni Mason at natahimik bigla ang kausap.

Sayang nga lang dahil nagpaalam na si Louie.

Mas maganda siguro kung mas mahaba ang naging pag-uusap nila. Sa ganoong paraan, mas makikilala ni Mason kung sino nga ba talaga si Louie Kwok.

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
101K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
1.1M 84.4K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
757K 16.3K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...