Halimaw Sa Punong Balete

بواسطة iamkenth

1.7M 11.5K 754

What awaits you inside!!!! ***** Warning: This is 100% Kilig-Tawa Series! ****** Halimaw Sa Punong Balete ( C... المزيد

Pt. 001
Pt. 002
Pt. 003
Pt. 004
Pt. 005
Pt. 006
Pt. 007
Pt. 008
Pt. 009
Pt. 010
Pt. 011
Pt. 012
Pt. 013
Pt. 014
Pt. 015
Pt. 016
Pt. 017
Pt. 018
Pt. 019
Pt. 021
Pt. 022
Pt. 022.2
Pt. 023
Pt. 024
Pt. 024.2
Pt. 024.3
Pt. 024.4

Pt. 020

20.1K 347 31
بواسطة iamkenth

pt. 020

ANONG GINAGAWA NITONG SI BORG DITO SA BAHAY???

wala naman kaming usapan na magkikita kaming dalawa ngayon? naku ha!

Napatingin ako sa kaniya...

bigla kong naalala iyong mga sinabi niya kanina sa roof top na siya nalang daw huwag na si Trevor.

Napatingin ako kay Trevor.

NO WAY! amgwapo gwapo ni Trevor no, ipagpapalit ko kay----- napatingin ako kay Borg, ampogi ni Borg kahit mag-gagabi na.

ANO BAYAN!!!!

"anong ginagawa mo dito sa bahay?" <---AKO!!!

"Napadaan lang talaga ako----" Eh kasu naputol ang pagsasalita niya kasi si Mama....

"Ay nandito na pala kayo, aba at tinupad mo talaga ijo ang pangako mo na iuuwi mo ang anak ko bago magdilim ha?" Nakangiting sabi ni Mama suot suot niya ang kaniyang floral apron.

tapos, nagmano bigla si Trevor.

=_=

"Gandang gabi tita. Opo, ayaw pa nga sanang umuwi ni Koi, but i promised na iuuwi ko nga siya ng maaga." <--Trevor, pero hindi niya pinansin ang presensya ni Borg. Pero iyong tingin ni Borg sa kaniya, parang gusto niyang jumbagan. Subukan niya lang talaga at kakaratehin ko siya!! Kyaa!!

ang eksena, nasa doorway pa kami.

Iyong totoo? gusto pa ba nila kaming papasukin? tsaka!!! ano bang ginagawa ni Borg dito???

Nagmano ako kay Mama.

NAKU HA!!! hindi ako pala mano, sinimulan kasi ni Borg to eh.

"Tita, i should go na... may gagawin pa din kasi talaga ako." <--Trevor.

"Mabuti pa nga." <---Borg!!!

nababaliw na talaga tong halimaw na to eh.

"No, stay here for dinner, actually, itong si Borg, nakita ko kaninang pasilip silip diyan sa labas, kaya pinapasok ko nalang dito and i invited him to have dinner with us." <--Mama, taray ni Mama, nag eenglish na siya ngayon. Iyong totoo Ma? nanuod ka nanaman ng English movie no? *__*

aha! pasilip silip pala si Borg, napadaan pala ha? siguro akala niya kanina makikita niya ako sa bintana na parang si Rapunzel. Sorry nalang siya, nakipag date ako kay Prince Charming ko, sinundo niya ako riding his white horse.

"Kaya nga naman Trevor, kumain ka muna kasi napagod tayo sa lakad natin." Sabi ko, pinadinig ko talaga kay Borg. Akala niya ha! siguro naman, tatantanan niya ako. Ayun, napakamot batok siya, urgghes!! Ganda ng armfit ni Borg.

mahal ko na siya.

natulala nanaman ako.

Napalunok ako ng buong husay iyong may tunog na -- * ulgh * (*__*)

"Sige Tita. Total, namimiss ko na ang luto ninyo." <---Trevor.

AYUN SI MAMA, LAKI NG NGITI, complement na naman iyon para sa luto niyang pa-cham.

Pa-Chambang ulam. =_=

ANO PAPASUKIN BA NILA KAMI O HINDEE??? IYONG TOTOO?

"What's going on here?"

oh my gad!

MALALAMAN NA NIYANG BF KO SI TREVOR? matatanggap niya kaya si Trevor bilang Bf ko?

oh diba? di ko iniisip kong matatanggap niyang bakla ako. Keltok talaga ako nito kay Papa, gusto pa naman niya akong maging Superman dati, eh nagbago na ang lahat, bet ko na ngayon si Superman.

"Honey, you're here na pala." <--Mama, dinaanan kami ni Trevor. Humalik siya kay Papa sa lips.

iwwww.. tong mga matatandang to naghalikan pa sa harap namin mga bata, hindi makatarungan.

"Bakit nandito kayo sa labas? Anong meron?" <--Papa.

"Wala Pa, ayaw ata nila kami papasukin sa loob eh." <--Ako.

tapos biglang nagmano si Trevor----- 

napatingin si Papa kay Trevor.

sumunod si Borg-------- 

napakunot noo na ni Papa talaga.

eeeeehhhhhhhhhkkkk! ano ba tong mga lalaking to oh!! hindi naman nila ninong si Papa eh, hindi ko sila kinakaya.

mano na nga lang din ako.

"Ay Papa, si Trevor---- kaibigan ko po, sa school." Pakilala ko.

"Uhmmm." <----Papa, napatingin siya kay Mama, ngumiti si Mama.

ANO BANG IBIG SABIHIN NG MGA NGITIAN NA IYON OH!!!

hindi ko na pinakilala si Borg, kilala na siya ni Papa no.

BASTA SA WAKAS... NAKAPASOK NA RIN KAMI.

pumasok muna ako sa kwarto ko. hayyy... inamoy amoy ko ang rosas na binigay sa akin ng BF ko.

BF talaga? wohohohoho ^0^

Ewan, ang ganda ganda ko talaga... iba talaga, tinalo ko na ang Miss Universe at Miss Galaxy. Ako na talaga. Weeeeee-----

AT ANG EKSENA SA KUSINA. napapagitnaan ako ni Borg at Trevor. Si Papa nakatingin sa dalawang lalaking nasa gilid ko, si Mama nakangiti. Syempre, panay ang sabi ng dalawa na masarap daw ang luto ni Mama. Kami lang ata ni Papa ang nagkakaintindihan na hindi talaga pang restaurant ang luto ni Mama, kahit nga pang-bahay hindi talaga, baka naman sira lang talaga panlasa ng dalawa.

Pero bakit parang kinakabahan ako ng buong husay?

"eherm.."

Parang bumagal ang pag-nguya ko sa kinakain ko napatingin ako kay Papa tapos lulunukin ko na sana iyong kinakain ko...

"Kayo bang dalawa nililigawan ninyo ang anak ko?" <-------PAPA!! EEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!

nabilaukan ako talaga ng buong husay.

napatigil ang lahat sa kanilang pagkain, si Mama nasamid habang nainom ng tubig.

Si Borg, napangiti lang-- cool pa din..

si Trevor, parang natulala din sa sinabi ni Papa.

"nagbibiro lang ako."

haayyyyyyyyyy... nakahinga ako ng maluwang.

May Gad tong si Papa oh. Para akong naparalized tlaga kanina. *__*

Binilisan ko nalang pagkain ko.

Tapos, ayun... natapos na ang lahat.

Pero, naku.. kanina, kung ano anong pinagtatanong ni Papa kay Trevor at Borg.

Kung may probinsya ba sila? anong mga Courses nila, ilang taon na sila, sino mga magulang nila, at kung ano ano pa.

Para naman akong babae talaga oh! #__#

Hinatid ko na silang dalawa sa labas...

"Salamat kanina nga pala Trevor, sobra akong nag-enjoy."

"Ako din naman, so kita tayo sa school bukas?" <--Trevor.

"Yeah." nakangiti kong sabi.

Tapos may dumaan ng sasakyan, pero hindi pa nagpara si Trevor.

"Oh bakit hindi kapa sumakay?" <---Borg.

"Bakit hindi ikaw ang unang sumakay?" <--Trevor.

"Diyan lang ako sa kabilang kanto, i can walk." <---Borg.

"So, much better na mauna ka ng umalis, diyan ka naman pala eh." <--Trevor.

Di ko na alam kong kanino talaga ako titingin!! ito nanaman silang dalawa oh!

"Wait stop stop... alam ninyo? ang gulo ninyong dalawa eh. Ganito, pagdating ng sasakyan, ikaw Borg, maglakad kana pauwi sa inyo at baka masaraduhan ka naman no. At ako nama'y papasok na sa loob ng bahay? okay ba iyon?" <---Ako.

nagkatinginan silang dalawa.

"Okay."

"...Pakisabi nga pala kay Tita, salamat sa dinner."

"Okay sige, sasabihin ko." Sabi ko.

At may dumating na FX, sumakay si Trevor, tapos si Borg, pinalakad ko na.

nakatayo lang muna ako...

Umalis na iyong FX, si Borg naman naglalakad papalayo...

Pero, hindi na siya na tingin sa akin...

naku ha! pag ito hindi tumingin in count of three, ibig sabihin hindi niya ako mahal talaga.

1.....2......

lumingon...

urggghhhhhhhess!

"HOY HALIMAW KA TALAGA UMUWI KA NA! PATINGIN TINGIN KAPA!!!" sigaw ko sa kaniya, dinilaan ko siya..

"...bleeh!"

tapos takbo na ako sa loob ng bahay.

diretso sa kwarto...

haaaayyyyyyy...

pahinga konte...

OH PAG-IBIG NGA NAMAN OH... napangiti ako. ^__^

siguro, dapat kay Borg naman ako makipagDate.

pero?? hindi naman ako inaaya nung halimaw na iyon eh! nakakainis!! bahala nga siya.

half bath, sipilyo-- tapos, dumapa na ako sa bed ko.

Tulog...





TIKTILAOK.... 

bilis bilis talaga ng gabi, parang kapipikit ko lang, umaga na agad.

Pagtingin ko sa phone ko...

messages 2.

Borg_Pogi: "Morning Ganda." 

---urgghes! kinikilig naman ako sa text niya. anubeeehhh alam ko na iyon na maganda ako no!!

Bf_Trevor: "Great Morning Koi :-*" 

---atleast kahit 'Koi' lang meron naman kiss no.

almusal... 

ligo...

bago umalis...

"Anak, next week nga pala, magkakaruon ng Reunion ang HS batch namin ng Papa mo, baka umagahin kami ng uwi."

"Sige Ma, next week pa naman iyon no, excited much ka din eh. Papasok na po ako." Nagkiss ako sa cheek ni Mama, si Papa, maagang umalis.

SA SCHOOL....

As usual ang eksena sa umaga, maaga palang nasa Puno na si Borg, halimaw talaga, baka nakakalimutan niyang sa akin ang tronong iyon.

Tapos, si Nayette, dumating din...pero bago dumating si Nayette, kung ano anong tinatanong ni Borg tungkol sa date namin ni Trevor.

Kaya tinanong ko siya...

"Nagseselos kaba?"

ay naku wag niyo ng alamin kong anong sinabi niya no..

urghess!!!

pero, sige na nga... sabi niya..

...sobra daw, hindi na daw niyang kayang makita kaming dalawa na magkasama...

Tinanong ko siya----

"Bakit ako?"

binalik niya tanong niya sa akin..

bakit daw si Trevor pa?

sagot ko, kasi nga-- Gusto ko si Trevor.

sagot niya sa tanong ko?

"Gusto kasi talaga kita Koi."

EEEEEEHHHHHHHK!! ayun pinalo palo ko siya ng notebook ko, nakakainis kasi eh.

ayun dumating na si Nayette, cute daw naming tignan kesyo ang sweet daw namin,

SWEET? eh hinahampas ko nga siya...

Ginugulo ni Borg ang puso ko no!

tapos... dumating din si Trevor, kaya ayun, sumimangot ulit si Borg... Halimaw talaga, pakiramdam ko nga, gusto niyang dukutin ang puso ni Trevor at pigain ng buong husay, kapag naging monster na si Borg, malamang wala ng laban si Trevor, pero kung mahal talaga ako ni Trevor, baka makipaglaban siya kay Borg.

MAHAL TALAGA? kafal ng mukha ko.

hanggang sa mag-Bell nalang.

Hinatid nila kami ni Nayette sa room namin..

at hindi ko pa talaga nakikita si Betty, naku nagbigti na ata talaga.

PERO HABANG NASA KLASE AKO....

iniisip ko parin ang mga sinabi sa akin ni Borg, actually lahat lahat ng mga sinabi niya sa akin... hindi ko alam kong bakit bet na bet niya ako, kulang nalang sabihin niya na maging kabet niya ako kapag naging kami ni Trevor.

Kung baga kasi--- ako gusto ko si Trevor, si Borg gusto ako... dati hindi ako napapansin ni Trevor, dati hindi ko napapansin si Borg. Ngayong okay na kami ni Trevor, biglang umeksena si Borg.

PERO--- NAIISIP KO DIN, BAKIT GUSTONG GUSTO KO NA MAKITA DIN TALAGA SI BORG NGAYON.

anu bayan!!!! nalilito lang ako!

nalilito lang ako...

"Mr. Bautista... Can you please answer the number 8 question."

Baka naman kasi, mahal ko na din talaga si Borg??

eeeeeeehhhhhhkkk! hindi pwede! hindi pwede!!!

pero bakit hindi pwede???

"Mr. Bautista! I said answer the question number 8?"

ha ano daw? number 8? saan ba nang gagaling iyong boses ni Sir??? naku naman oh.

Oh Borg.. Borg...

Halimaw kang tunay, kinakain mo ang puso at isipan ko... T^T

"I SAID ANSWER QUESTION #8!!!!" <----ayun, nahimasmasan ako.

my gad!! nasa room nga pala ako.

"ha ah eh??" <--ako, bigla talaga akong tumayo.. napatingin ako sa white board.. may table od elements..

may nakita ako 

letter B---- 

letter O--- 

letter R--- 

letter G----

"Borg sir." <--ako.

"Anong Borg???" <----Sir!!

eeeeehhkkkkkkk!! ano ba iyong sinagot ko.

TAWANAN ANG BUONG KLASE. mga engkantong to!!!

"Naku Mr. Bautista, kelan ko ba makukuha ang attensyon mo? lagi nalang bang lilipad lipad ang isipan mo?" <---Sir.

Biglang nagbell..

YES!!! SAVE BY THE BELL!!

"I'm sorry Sir, hindi ko po talaga alam ang sagot." <--ako.

nagtayuan na mga klasmates kong atat sa pag uwi!! yehey!! eh ang kasu---

"Wala munang tatayo!!!" <--SIR!!!

upuan ulit mga classmates kong mga adik sa uwian.

nakatingin sa akin ng masama si Sir...

"Once na bumagsak ka sa Prelim Mr. Bautista, ibabagsak kita sa klase ko..." 

---ano iyon??? bakit ganun? my gad!! anong gagawin ko? :-(

"...okay class dissmiss!"

"Ano ba iyan neng, kung ano ano kasing iniisip mo eh, bakit ba kasi Borg ang sinagot mo???" <---nayette.

"Hindi ko alam teh, ano beh! pero, paano na yan teh, lagot na ako nento, pag bumagsak ako sa Prelim, baka pagbawalan na ako nila Papa at Mama na lumandi, at baka sisisihin nila si Borg--- at Trevor." sabi ko, nasabi ko na kasi na, kilala na ni Papa si Trevor.

"Hay naku neng, ayusin mo iyan, bale, pakokopyahin kita, huwag kang mag-alala." Sabi ko.

"paano mo ako mapapakopya teh, hindi tayo magka-batch sa pagkuha ng exam. Huhuhu. lagot na ako nento." <---ako!!!

nagyakap kami ulit ni nayette... eksena kami, nagpasukan na iyong mga 2nd year na gagamit ng room. kami ni Nayette, nagdadrama pa sa loob.

PERO LUMABAS NA DIN KAMI, kasi pumasok na iyong Professor nila no.

LAKAD KAMI SA HALLWAY, papunta sa field, gusto ko munang mag-isip isip no, kailangang makapasa ako sa Chemistry na yan no! pag bumagsak ako, katapusan ko na.

KASALANAN TO NI BORG EH!!!

eh bago kami makapasok sa Field...

"HOY BAKLA!!!"

si Charmeleon

si Onix

si Ivysaur

"Aba! wala ata ang Trainer niyo at pagala-gala kayo dito sa Field."

eh naku naman kasi mag itsura ng mga to no, kung gabi lang baka isipin ng mga taong makakakita sa kanila, hindi sila pokemon, isipan pang mga zombie sila.

"Hindi kami nakikipaglokohan sa iyong baklita ka ha!!"

buti nalang starYu si Nayette at bubugahan niya ng water splash niya ang apoy ni Charmeleon.

tapos iyong dalawa pa, feeling mga model, nakapoise pa.

iyong totoo?

"Hoy ka din! Ano bang problema ninyo ha? kung wala ng mapakain sa inyo ang trainer niyo, ayan ang mga damo sa Field, ubusin nyo!!"

"neng, umalis na tayo dito, mukhang palaban na sila ngayon..." <--nayette.

"Hindi teh, hindi tayo magpapatalo sa tatlong panget na iyan!" <---ako, nilakasan ko talaga.

"What did you call us? "panget"?" <--Onix.

"Correction, panget na pokemon."<---ako!!

ANG INIT INIT MUKHANG MAGKAKARUON NG DUEL KAMI DITO AH. kailangan kong gumamit ng scape rope. pero kapag ginawa ko iyon? anong iisipin ng mga baklang pokemon na ito? na duwag ako? naku ha! sige, gera na kung gera!!!

THIS MEANS WAR!!

"Alam mo hindi namin ibaba ang level namin sa iyo no! gusto lang naming sabihin tantanan mo si Trevor, dahil ikaw ang nakikita naming dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Betty... malandi ka!" <----Ivysaur.

"nahiya naman ako sa level nyo, teh... face palang oh? wala na.. ( tinuro ko face nilang tatlo, nagtinginan sila ) ako malandi? hindi ako naglandi, kusa akong nilapitan ni Trevor. You don't know a thing about me, s don't jugde the book by its cover, better yet jugde your face!"

"EH HAMPASLUPA KAPALA TALAGANG BAKLA KA EH!!!!!"

"HAMPASLUPA PALA HA?? BAKA GUSTO MONG IHAMPAS KO MUKHA MO SA LUPA! TOTAL SA ILALIM KA NAMAN NG LUPA NAKATIRA!"

biglang napaatras si Onix. natakot ata. kailangan hindi ako magpatalo sa kanila no.

"Hindi na ako makakatagal pa sa baklang ito!!!! HUMANDA KA SA AKIN!!!!" <---charmeleon!! nag-e-evolve, my gad!! nagiging Charizard na siya, lalo siyang pumapanget.

kailangan kong maging kalma!

sige, sumugod ka, putol sa akin ang buntot mo!!

"Neng! tumakbo na tayo!!!" <---Nayette!

"Hindi teh! lalaban tayo! it's now or never!!!!"

Inihanda ko ang aking mga daliri dahil once na lumusob sa akin ito, kakalmutin ko itong panget na ito!!! Grrrr...

AYAN NA SIYA SUSUGOD NA!!! PATAY KA NGAYONG BAKLA KA!!!

"HUMANDA KAAAA!!!!! ROOOAAARRR"

mga 10 meters kasi layo nila sa amin.

EEEEEEEHHHHHHHH

SIGE LUMAPIT KA!! EWAN KO LANG TALAGA!!!

TAKBO SIYA PAPALAPIT SA AKIN....

PLAKAK!!!

SUBSOB MUKHA NIYA SA LUPA..  

NAGMISTULANG HAMPASLUPA SIYA!!!

nadapa ang Pokemon, tonga kasi nakita na niya may Balat ng saging sa gitna namin eh.

dugo ang ilong, gasgas ang panget niyang mukha, braso niyang mabutlig, tuhod niyang maitim...

IYAK ANG POKEMON...

"huwaaaaaaaaaaaaaaaa!!! sakit!!! huhuhu"

BWAHAHAHAHAHAHA!!! <----ako!!! galing ko talaga!!!

lumapit sa kaniya ang dalawa pang Pokemon. inakay nilang dalawa...

"Buti nga sayo! bakla ka kasi.. sugod kapa ha! ano? kinain ka ng lupa no? mukha ka kasing lupa! bwahahahahhaa!!" <---ako!

"HINDI PA TAYO TAPOS!!!!"

nagkatinginan kami ni Nayette. naghawak kamay kami.

"YEHEY!!! natalo natin sila!!!" <----ako.

"YEEEHHEEEYYY!" <---nayatte.

ang saya saya namin no. sumang-ayon sa amin ang balat ng saging.

KLAP! KLAP! KLAP!

Napatingin kaming dalawa.

"Wow, galing mo talaga, napatakbo mo silang lahat ah." <-----lalaki.

URGH!! ANONG GINAGAWA NG LALAKING TO DITO? NAKU HA!!!




Sundan.........

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.6M 71.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Rebel Hearts بواسطة HN🥀

قصص المراهقين

1.8M 76.1K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...