stalked | aldub (#Watty's 201...

By Amanda_Wilson

1.8K 144 116

Stalked by: Amanda Wilson Starring : Maine Mendoza as Alisha Santiago Alden Richards as Earl Cortez Date st... More

: prologue
: stalk 1 *Sleepy Head*
: stalk 2 *Movies*
: stalk 3 *Request Confirmed*
: stalk 4 *Shopping*
: stalk 5 *Dubsmash*
: stalk 6 *Drown*
: stalk 7 *A letter*
: stalk 8 *Cheering*
: stalk 9 *Practice*
Not an update
: stalk 10 *The letter*
: stalk 11 *Surprise*
: stalk 12 *Discovered*
: stalk 13 *First touch*
: stalk 14 *Celebrated*
: stalk 16 *Back to normal*
: stalk 17 *Level 999.9*
: stalk 18 *I liker her*
: Stalk 19 *Plan*
: stalk 20 *Van*
: stalk 21 *Gift*
: stalk 22 *YOLO*
: stalk 23 *What is love?*

: stalk 15 *Continuation*

52 5 2
By Amanda_Wilson

Do vote and comment for fast updates.

This Chapter was UNEDITED which means there's a lot of typos and I apologize for that.

-----

Alisha's POV.

"WHAT A NICE PERFORMANCE BY TEAM A AND TEAM B!! " sabi ng emcee gamit ang mic. Todo hiyawan naman ang nga audience. "ANG BABAGSIK!" hiyawan ulit. "ANG GAGALING!" Hiyawan nanaman. "PERO SIYEMPRE, ISA LANG ANG TATANGHALIN NA KAMPYON!" bigla namang umiba ang modo ng mga audience. Nawala ang mga sigawan. Kahit isa walang nag salita.

Nandito kami ngayon sa gitna, katabi namin ang Team B na todo pa cute sa audience lalo na sa mga Alumni. Mga alumni kasi ng school ang mag ju-judge.

"TEAM A! TEAM A 'YAN! TEAM A!! DIBA GUYS?! TEAM A!! " Napatingin naman ako doon sa sumigaw.

Si FRED???!!  May sayaw sayaw pa siya na nalalaman.

"OO NGA TEAM A! "

"TEAM A KAMI!  TEAM A KAMI? TEAM A KAMI!"

"TEAM NA ANG MANANALO!"

"UWIAN NA TEAM B! "

Tinaasan sila ng kamay ng emcee as a sign of -keep-quite-. Tumigil naman sila sa pagsisigaw nila.

"Well, let's see." sabi ng emcee at lumapit sa amin.

"Ilalagay ko ang kamay ko sa ere kung saan sila nakatayo. Kung sino ang pinaka malakas na hiyawan ay...  may plus 15 points!" sabi ng emcee.

Hiyawan naman sila. Yung mga alumni napa tawa nalang.

Inilagay niya ang kamay niya sa harap namin. "SINO GUSTO MANALO ANG TEAM A-"

"WOAAAAHHHHHHH!!!!! WAAAAA!!!!"
Todo sigawan naman sila kahit hindi pa tapos makapag-salita ang emcee.

Tinakpan ko nalang ang tenga ko at Tumingin kay Karina na nasa tabi ko kahit siya napatakip din sa kanyang tenga. Ang lakas talaga mg impact namin ano?

"How about Team B!!"

Hindi naman ganoon ka sama ang mga schoolmates namin. Kaya may nga pumalakpak din naman. Pero hindi kami ma reach dahil ang lakas ng nga hiyawan sa amin. Sa kanila "pwede na".

"Mukhang, may idea na ako kung sini ang mananalo ah! " excited na wika ng emce at na pa hawak sa kanyang leeg.

Waaa! Kinakabahan na talaga ako. For sure kinakabahan din ang mga kasamahan ko. Waa! Good luck nalang talaga satin. Huhu!

Lumapit na ang emcee sa isang judge na nasa table, kinuha ang isang envelope kung saan nakasulat ang nanalo.

Napahawak naman kami sa isa't isa. Kainis lang! Hindi ko katabi si Earl! Napatingin ak sa likod para hanapin siya. Ayun! Nakayuko siya, kinakabahan din siguro.

Tumunog na ang drum roll. Kainis ah? Mas lalo akong kinabahan. Uso talaga yang drum roll na yan lalo na sa mga paligsahan.
Dinagdagan ang kaba ng mga contestants.

"READY NA BA KAYO MALAMAN KUNG SINO ANG TATANGHALIN NA KAMPYON NGAYONG SCHOOL YEAR 2015?!" sigaw ng emcee.

Dug dug dug dug.

Sigawan naman ang mga audience.

"With 97%! Wow! Lapit na mag 100! Nakakahanga naman pala ng kanilang performance! " sabi ng emcee.

Bibitinin din pa eh!  Daming arte. Pero Infairness ah 97% ang taas.

Ang higpit ng hawak ko kay Karina.

"CONGRATULATIONS TO! "

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Dug dug

Earl's POV.

(Author's note: Listen to any kind of party music while reading this part if possible.)

Ang ingay sa Gym. Dami pang mga babae na dumidikit sakin. Asan na ba yung Karl na yun.

"Hi!" nagulat naman ako doon. Napatingin ako doon sa bumati sa akin.

Tae naman! Akala ko si crus--basta  yung ini-istalk ko. Mga babae lang pala na taga Team B. Ang lalandi p*ta.

Nag nodd lang ako at kumaway sakanila tapos lumakad palayo. Ano ba naman yan! Ang ingay! Asan na ba yun!

Ayun! Nakita ko ang mga kaibigan niya, isang lalaki hindi ako sigurado kung lalaki at isang babae. Lalapit na sana ako ng bigla ko siyang nakita, bumalik nalang ako sa pwesto ko habang nakatingin parin sakanya.

Tae! Tinotorpe naman ako! Kainis!

"Uy! Earl! Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. O ano nabigay mo ba kay-"

Dali dali ko namang tinakpan ang bibig niya. Ang daldal din eh. Sobra pa sa babae.

"Tae kang Karl ka! Sabi ko sayo ikaw na mag bigay eh! May code naman tayo na ginawa diba! " sabi ko sa malakas na boses. Sinabi ko tuloy na sakanya galing ang basta yun na yun.

"Hindi mo binigay? " tanong namn niya.

"Binigay syempre." simple kong sagot habang nakayuko.

"Oy! Ayos yan ah! Hindi ka na torpe? Proud ako sayo dude! o ano may sina ba? " tumawa pa siya. Ulol din toh eh.

"Sabi ko sayo galing." mahina kong sinagot. Kahit siya ganito ang mukha 0,0

"Ano?! Toung ina dude! Torpe mo dud. Dinamay mo naman ako? Pinalabas mo na ako-"

Binatokan ko.

"Kung maka pagsalita ka diyan mukhang ikaw pa ang may malaking problema ah?" sabi ko.

Ang torpe ko nga. Kainis!

Alisha's POV.

Kumakain ako ngayon ng burger kasama ko sina Karina at Fred.  As always . Ang saya kasi kami ang nanalo. Woot woot! Sabi ng isang judge kanina. Wala daw sa costume ang pag che-cheer.

Sabi pa ng isang judge ang galing ko daw kanina ng itinapon ako sa ere. Enebe!

Napansin ko si Earl magkausap sila ni Karl. Nag kukulitan ,sa huli binatokan ni Earl si Karl. Omg! Ang hot parin ni Earl. Kanina talaga, kinikilig padin ako. Pigilan niyo ako please.

Tumingin ako sa ibang direksyon, ang saya ngayon. Party party lang. Nag congrats sakin si choreographer.

Maya't maya dumaan si Karl sa harap ko.

"Uy Karl. " bati ko sakanya.

"O alisha! Galing mo kanina ah? " sabi naman niya. Humarang naman sa harap ko si Fred.

"Sana pala sumali nalang ako " bulong ni Fred. Napatawa naman si Karl doon.

"Salamat. " simpleng sagot ko.

Umikot ang mga mata ko para hanapin si Earl ng biglang nagsalita si Karl.

"Na tanggap mo ba ang box? " tanong niya.

Muntik ko na matapon ang burger na kinakain ko. Na flashback tuloy nung binigay sakin ni Earl ang box na pinabigay daw ni Karl. Gulo no?

"Ha? OoSalamat ah. " sagot ko.

"Galing yun sakin. Sana magustohan mo" dagdag niya.

"Bubuksan ko mamaya. Salamat" sabi ko.

----

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 387 37
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
56K 2.7K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
355K 6.8K 112
First šŸ¤©šŸ˜ read na guys
135K 3.2K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...