XBANG: Xking Salvador

By pinkyjhewelii

2.3M 70.6K 14.5K

XKing Salvador More

XBANG Series 1 : XKing Salvador
X1
X2
X3
X4
X5
X6
X7
X8
X9
X10
X11
X12
X13
X14
X15
X16
X17
X18
X19
X20
X22
X23
X24
X25
X26
X27
X28
X29
X30
X31
X32
X33
X34
X35
Epilogue

X21

46.2K 1.4K 286
By pinkyjhewelii

JILLIANE

Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa pagkakagawa nitong hide-out ng Xbang. Sino nga bang mag-aakala na sa loob ng luma at abandonadong building ay may full entertainment room pala. Hindi lang iyon. Kumpleto pa sa gamit. May kusina, kwarto, salas. Lahat na.

"Hey, woman. Nag-iisa ka?"

Tumingin ako kay Kieffer na mukhang kararating lang. Nakasuot pa siya ng pang-racer na outfit.

"Ang boring sa taas, e." Sagot ko. Boring naman talaga si Shawn at hambog. Hindi ko kasi sila maintindihan. Why do they need to act like that to each other?

"Boring? Bakit? Walang tao sa taas? Sinong kasama mong pumunta dito?"

"Hindi. Hindi. Ando'n sina Shawn, Xking at Seth. Gusto ko lang talagang magpahangin dito sa labas." Palusot ko. Baka isumbong pa ako nito kina Shawn, e.

Tumawa si Kieffer. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi ko.

"They like you."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"Wala. Basta, keep up the good work. Haha!" Aniya saka umakyat na sa taas. Weird din ang isang 'yon, e.

Sinong bang mag-aakala na ang kinatatakutang gangsters ay may hidden personality pala? Good side. Hindi lang naman pala talaga sila puro bad side ang mayroon. Kaya ko 'yong patunayan dahil ako mismo, nakakasama ko sila.

Lumabas ako sa building. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang simoy ng hangin, ang katahimikan ng kagubatan..

Seriously, saang lugar kaya 'to? Ilang beses na akong nakakapunta dito pero hindi ko talaga matandaan kung saan banda ito.

"Why are you here?"

Nilingon ko si Shawn. He's serious.

"Wala lang." Sagot ko.

"Tch. Is it because of me? Or what? Naistorbo ko ba kayo ni Xking?"

Tinatanong niya talaga ako niyan? E, sa pagkakaalam ko, si hambog ang huling dumating at kami ang nagmo-moment sa sofa.

Whuuutt. Moment. Big word.

"Hindi 'no. Huwag ka ngang ganyan. Hindi ko lang kasi kayo maintindihan. Ano 'yung titigan niyo kanina? Parang may lazer beam, e."

Sumimangot lang siya. Kita mo na, hindi masagot.

Tiningnan ko siya sa mata. "Umamin ka nga sa akin, Shawn.."

"What?"

"Type mo ba si Xking? May lihim ba kayong relasyon? Ang lagkit yata ng titigan niyo kanina, e."

Sumama ang tingin ni Shawn sa akin. "What do you think of me? A gay?"

Ngumiti ako ng bahagya. "Just asking. Kasi ano e, 'yun nga. Kasi kayong dalawa kung magtitigan kanina. B-Bakla ka? Hayaan mo, secret lang natin. Promise, hindi ko ipagsasabi." Nag-swear pa ako.

"You're insulting me, Jilliane. Tch. Gusto mo bang patunayan ko sa iyong hindi ako bakla?"

Nanlaki ang mata ko. Patay. Lagot. "Hehe. Joke lang, Shawn. Ito naman hindi na mabiro. Kalma lang."

"Tch. Let's go somewhere."

"Huh? Saan na naman?"

He smirked. Ay, ang gwapo. Promise. Itong si Shawn, lagi lang talagang masama tumingin at nakasimangot. Pero kung madalas siyang ngumingiti o nagiging playful, lumalabas ang ka-guwapuhan niya.

"A date."

"Date?" Ulit ko.

Tumango siya. "Let's go?"

"Pero teka, papaalam muna ako kay hambog."

Bigla niyang hinablot ang braso ko saka hinila palapit sa kotse niya na nakaparada.

"Hindi mo siya tatay kaya hindi mo kailangang magpa-alam sa kaniya." Aniya saka ako basta itinulak papasok ng kotse niya sabay sara ng pinto.

Napahawak ako sa sentido ko. Grabe 'tong si Shawn.

Sumakay na rin siya sa driver's seat.

"Pero hahanapin ako no'n! Siya ang nagsama sa akin dito, e."

Malalagot ako sa hambog nito, e.

"Hayaan mo siya. Let him ask Dora to find you. Tch."

"Sino si Dora? May babae ba si Xking? May asawa na siya? Tinatagong anak?" Sunud-sunod na tanong ko.

Nagpokerface si Shawn. "Seriously, Jilliane? Haven't you tried to watch TV? Damn it."

"Anong connect ng TV sa tinatagong asawa ng hambog? So, Dora pala ha. Aha! Ma-search nga sa facebook. Anong epilyedo no'n? Salvador ba? Dora Salvador? Rhyme, ah."

Shawn massage his temple then looked at me. "Jilliane, sumasakit ang ulo ko sa iyo."

"Grabe. Inaano ba kita?" Tanong ko.

"Nevermind. Just ask Seth who Dora is." Sabi niya saka nagsimula ng mag-drive.

Oo nga. Matanong nalang si Seth. Alam no'n lahat ng tsismis, e. Grabe ba't ganon. Kung kelan namang naniniwala na akong gusto talaga ako ni hambog saka ko naman malalaman na may babae pala siya. Ilang taon na kaya ang Dora na 'yun? Nagseselos ba ako? Hmp. Ie-enjoy ko nalang ang date namin ni Shawn. Bahala 'yung hambog na 'yun. Magsama sila ng Dora niya.

-

XKING

David is really serious about Jilliane. He's really into her, huh? Pati ako, kakalabanin niya para sa babaeng iyon. The fuck.

"Brad, sina Jilliane at Shawn nagbe-bed scene sa labas." Sabi ni Seth.

"What the fuck?"

Humagalpak siya ng tawa. "Joke lang, brad."

Tch. Why do they need to tell jokes like that? It's not even a joke to me. Anyway, where the hell is Jilliane right now? Pati si David wala.

"Where's Jilliane?"

"Ilang beses ko bang uulitin? Hindi ako hanapan ng taong nawawala. Saka hindi naman niya ako baby sitter." Sagot ni Ocampo. Kahit kelan, napaka-pilosopo. I wanna punch his mouth right now.

Umupo si Sandoval sa tabi ko. "Nakita ko sa baba kanina si Jilliane. Nagpapahangin daw siya kasi ang boring niyo. Haha!"

I glared at him.

"Hindi nakakatawa 'yun, Xking. Hindi ako tumatawa. Aba, boring daw kayo. Kayo nila Shawn." Patuloy niya.

Boring? Damn it. I remember how she shouted at us a while ago that we're boring. Seriously? A moment with Xking Salvador will never be boring.

"Where's David?" Tanong ko pa.

"Hindi pa ba obvious? Malamang pinuntahan si Jilliane. 'Yung si loverboy talaga, napaka-showy." Tawa-tawang sabi ni Ocampo.

Tumayo ako saka lumabas ng hideout. Bumaba ako para hanapin si Jilliane but she's nowhere to be found.

Kasama na naman ba niya si David? What's in him? I can't find any interesting facts about David. He's boring and warfreak. Fuck. Ano bang ideal man ng babaeng 'yon?

I dialled her number. Good thing na ibinili ko na siya ng cellphone. She's always missing in action.

Maya maya pa ay sumagot na iyon.

"Where are you, woman?" I asked.

I heard David's voice. "Come on, Xking. Give us privacy, please. We'll be having our date, so back off."

Then I heard the end tone.

What the fuck? Did he just tell me to back off? Ako pa? Siya ang nakikigulo. Damn it! Jilliane is mine. She's fucking mine and I don't share what's mine.

David is testing my temper. Really. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakita kong hinahawakan lang niya o hinahalikan si Jilliane. He will surely meet satan.

"Brad, easy. Mahal mo na ba?"

Nilingon ko si Zaine. He just got off his car.

"Mahal?" I asked.

"By your actions, you seemed in love with her. Do you love her?" Ulit niya.

No. I don't love her. I'm just using her for my revenge. I just want her to fall for me. That's all.

"Mind your own business, Villela."

"Your lovelife is my business, too." He grins. "We are brothers. Secrets are prohibited."

I glared at him. "I'm serious. And stop that love life issue. I don't need one."

"Brad, hindi masamang mag-share. I know how private you are. But you know, when it comes to love, you can count on us. Xbang."

I heaved a sigh. "There's no love. That's it."

"But the way you act and look at her, it's different. I can see love in your eyes."

Villela is one hell of a romantic warfreak guy. Damn it. I don't even know how he bacame like that. It makes me want to vomit. I'm allergic with the word romantic. But I pretend to be one just for my plan. Just for my revenge.

"Stop it, Villela."

"You're jealous with Shawn?"

"Habang nakakapagpigil pa ak+n tumigil ka na sa pag-uusisa, Villela. I'm not in the good mood."

He smirked. "You're jealous that's why you're not in the good mood. Wala namang masamang magselos. Mahal mo e. Gusto mo e." He said. "Pa'no, taas na ako. Don't hesitate to talk to me when your confused with your feelings. I can help you with that."

Napailing nalang ako. Romantic na gangster? Damn it. Zaine Villela as it is.

Sumakay na ako sa kotse ko. I feel like going home. Nawala na ako sa mood. And something..came up on my mind.

Magpanggap na may sakit. Then, I'm sure, Jilliane will immediately go home.

Oh, fuck. Where did I get that fucking idea? Is that really came from my mind? I can't believe it. Damn it.

-

JILLIANE

Masayang-masaya ako kasi nakapaggala na naman ako. Aaminin ko, masaya talaga kasama si Shawn. Hindi kasi siya KJ. Kumbaga, nasasakyan niya ang mga trip ko at nakikita kong hindi siya napipilitan dahil nag-e-enjoy din siya.

Kakatapos lang namin magpakasawa sa quantum. Hindi ko alam kung gaano kalaking pera ang nagastos niya sa tokens pero sabi nga niya, don't mind it.

"Hm, fuck. I never thought na ganito ito kasarap." He said.

Napangiti ako lalo habang pinapanood si Shawn na kumakain ng ice cream na may iba't ibang toppings. Narito kasi kami sa isang ice cream parlor. Ang sarap ng mga ice creams. Halos lahat ng flavor narito.

"Don't tell me, hindi ka pa nakakatikim ng ice cream?"

Umiling siya. "I never tried. All my life, I want to be cool. Like this, that's why I ended up being a gansgter. I thought, eating ice cream could lessen my appeal."

Nagpokerface ako. "Yung totoo?! Grabe, kahit nga pinakamayamang tao sa mundo kumakain ng ice cream. Kahit hayop. Tapos ikaw.."

"Tingin mo sa akin, hayop?"

Lalo akong nagpokerface. "Hindi. What I mean is, para kang taga bundok. Talagang ngayon kalang nakakain ng ice cream. Amazzzinnngg!" Sabi ko.

Ang gangster ba talaga ay hindi kumakain ng ice cream?

"Akala ko din mababawasan ang angas ng dating ko kaag kumain ako ng ice cream. Tch. I thought this is only for children."

Natawa ako. "Hay naku, Shawn. Kahit kelan talaga. Hindi nakakabawas ng angas ang pagkain ng ice cream. Kaya sige lang, kain ng kain."

"Sweet."

Na-flattered ako bigla. "Hindi sa gano'n. Hindi naman ako sweet. Kumbaga sinasabi ko lang ang totoo. Ma-angas ka pa din kayang tingnan kahit kumakain ka ng ice cream."

"What I mean is, this icecream is sweet. Not you. Tch."

Napahiya ako do'n. "Hehe. Oo sweet talaga 'yang ice cream. 'To talaga!" Itinuloy ko ang pagkain ko ng ice cream ko.

Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang new phone ko na number lang ni hambog ang naka-save. Pero kanina, kinuha na ni Shawn ang number ko. Nagulat kasi siya na may phone na daw pala ako. At least, matatawagan na daw niya ako.

"Hello?" Sagot ko sa tawag.

"G-Go home please."

Kumunot ang noo ko. Anong nangyayari sa hambog? Si hambog ba 'yon? "Xking?" Tanong ko.

"I'm fucking sick. Please go home."

Nanlaki ang mata ko. Hala! May sakit ang hambog. "Sige, sige."

Pinatay ko na ang tawag saka tumingin kay Shawn.

"What happened?"

"Si hambog kasi may sakit. Kailangan ko ng umuwi. Next time nalang ulit, Shawn. Promise, nag-enjoy ako sobra!"

He just smirked at me. "Nice excuse." Aniya.

"Ano?"

"Nothing. Ihahatid na kita."

Umiling ako. "Hindi na. Magta-taxi na lang ako. Okay? Masyado mo na akong napasaya ngayong araw na 'to. Uwi ka na and magpahinga. Thank you sa araw na 'to."

He sighed. "Fine. But please, take care."

Tumango ako. "I will. Ikaw din. Una na ako ha? Bye!" Paalam ko saka tumayo na.

Lumabas na ako ng ice cream parlor saka nag-abang ng taxi.

Bakit naman kaya nagkasakit ang hambog? Okay pa naman siya kaninang umaga. Napaano kaya 'yun? Hay naku, magiging nurse muna yata ako ngayon. Nakakahiya tuloy kay Shawn. Pero at least, matagal din kaming nagka-bonding.

Pinara ko na ang taxi na dumaan saka sumakay. Sinabi ko ang address saka sumandal.

Humawak ako sa bandang dibdib ko. Bakit kumakabog? Para kanino ang pagkabog nito? Kay Shawn na kasama ko kani-kanina lang? O kay hambog na pupuntahan ko pa lang?

Continue Reading

You'll Also Like

9.5M 287K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
34.5K 1.7K 18
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
800K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.