The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Twelve :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Thirty One :)

271 8 1
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda 2015

Drunk

"Let's cancel the movie marathon!" suggestion ni Trisha. Tama naman kasi sya. Hindi naman kasi kami nagpunta ng Palawan para sa mag movie marathon. Kayang kaya naming gawin yun kahit nasa Manila kami. We went here to enjoy our vacation and to feel the nature!

"I agree! C'mmon guys. Gusto kong maglibot and see some places. I wanna see Amanpulo, try out some water activities and most importantly, be with you guys." dagdag ni Ivan.. Tumungo tungo naman si Trisha sa sinabi ng boyfriend nya. Tahimik lang ako na nakinig sa kanya.

"Okay then. Let's wait for Ice. Hindi naman natin matitiis si Cream eh. Alangan namang mag third wheel pa yan?" sinamaan ko ng tingin si Adam. Kahit kailan talaga. Napakasama ng ugali ng isang to.

Sabay sabay kaming napalingon sa may pintuan. Currently, nasa room kami nila Ice at Adam since dito naman talaga kami nakatambay kanina pa before Trisha and the gang came by. "Ice, dude!" tumayo si Ivan at sinalubong si Ice. They did some fist bump. I dont understand why guys do that. May rule ba na ganun sa mga lalaki? Doing the fist bumb or some code hand shakes whatever. Kaming mga girls nga eh ngiti lang okay na. Boys are really hard to decipher.

Kinuha ko ang juice ako at uminom. Nakaramdam kasi ako ng uhaw. Tumabi si Ice sakin sabay pulupot ng braso nya sa bewang ko. "Ehem." Napatingin ako kay Trisha na nagwi-wiggle ng brows nya sakin. She's trying to send me a message but I can't decipher it. Ano bang ipinaglalaban ng babaeng ito?

Sinundan ko ng tingin ang mata nyang titig na titig sa nakapulupot na kamay ni Ice. Napatawa ako ng mahina at umiling. Minsan lang kasi talaga kami ni Ice magPDA sa harap ng barkada. Ayaw kasi namin ng PDA talaga. Mas feel kasi namin ni Ice na maglandian ng kami lang.

"Saan ka pala galing Ice? Ang tagal nyo ata magusap ni Dad?" tanong ni Adam sa kanya. Ice rested his chin on my shoulder making Trisha squeal.

"Shet! Minsan naisip ko paano kaya pag nakita ko kayong mag PDA kasi kahit simpleng holding hands lang, di nyo ginagawa. Tas ngayon na nakikita ko na kayo, parang gusto kong mainis." feel na feel na pagsasabi ni Trisha. Ngumisi si Ice sa sinabi nyang iyon.

"We love to keep the PDA to our selves. Parang nawawalan kasi ng meaning kapag nakikita ng iba. Ewan ko, pareho kami ng view ni Ice about PDA eh. Which I find weird. Hahaha." sabi ko kay Trisha na di pa din maalis ang ngiti sa labi.

"What was that again Adam?" Ice asked. Medyo natabunan na naman kasi si Adam sa usapan. Napaka daldal naman kasi ni Trisha. Si Kendy nga eh nakakalimang salita pa lang ata simula ng dumating sila dito. Ewan ko ba sa girlfriend na yan ni Adam. Pakiramdam ko ibang tao ang nakikita ko sa nakikita ni Adam eh. Kasi kapag kaharap kami Kendy, she's tahimik but when she's with Adam, mukha syang mataray. Ewan ko lang. That's what I see.

"I asked about bakit ang tagal mo?"

"Ah, napasarap ang kwentuhan with Dad eh."

"Anong napag-usapan nyo?" I asked with curiosity.

"Your Dad was there too! I asked your hand in marriage." He grinned and stole a kiss from me.

"Yes naman!" malakas na hiyaw ni Ivan. Tiningnan ko ng masama si Ice.

"I'm just joking! Niloloko lang kita no. Business talaga ang pinag usapan namin." Niyakap pa nya ako ng mahigpit.

"Sige ka. Mag joke ka pa ng sala, pag naasar yang si Cream. Manghaharana ka na naman." pag-aalaska ni Adam. Dumampot si Ice ng unan at binato iyon kay Adam.

"Nga pala, ano ng nangyari sa trip natin? Tutuloy ba tayo?" Ivan asked. Kendy excused herself kasi may tumatawag sa kanya.

"I know a good place! Alam nyo yung famous lake dito sa Palawan? Kaya lang, you need to take atleast 150 steps ata para makita yun. But I heard the scenery is worth it. I read from an article na sobrang ganda daw ng lugar. Kung nagagandahan ka na sa picture, mas magagandahan ka pa daw pag nakita mo with your own two eyes." napatingin ako kay Ice. Ngayon ko lang narealize na of all the times na kasama ko sya, ito na ata ang isa sa pinaka mahabang sentences na nasabi nya. He's a man of few words pero damn, iba talaga sya pag nagsasalita. Para syang may power na maghypnotize. Kaya nyang kunin ang atensyon mo.

"Here he goes again. Mahilig magtravel yang si Ice eh. Pag walang pasok nasa kung saan saan lang yan. Malalaman ko na lang nasa Davao na pala sya or Bataan. Hindi man lang nag-aaya." pagbibida ni Adam.

"So ano na? Saan tayo pupunta?" Ivan asked.

"Let's witness the lake first. Para makita natin sya with the sunset. Maganda yun. Dont you think Baby?" Ice asked me.

"Sure. Let's try the lake." Bumalik naman si Kendy. Maybe, tapos na ang tawag na sinagot nya kanina.

"Sure ba talaga kayo?" reklamo ni Trisha habang nakatingin sa aakyatin namin. Napahigpit din ang hawak ko sa bag. Hindi pa man din ako mahilig mag-gala. Depende pa sa mood.

"Hey, okay ka lang?" Ice asked na medyo natatawa pa sakin.

"Yeah." Napalunok ako. Inakbayan ako ni Ice.

"Don't worry. I'm here." tumingin ako sa kanya at nakipagtitigan naman sya sakin.

"Tara na nga! Mag gugustuhin kong umakyat para makita ang lake kesa manatili dito na nakikita ang PDA ng dalawang to! Di talaga ako sanay. Nakakainggit kayo!" nagsimula ng umakyat si Trisha. Nagkatinginan naman kami ni Ice at natawa. Si Ivan, napakamot na lang sa trip ni Trisha. Adam and Kendy started na din. They were talking about something at mukhang masaya naman ang pinagkukwentuhan nila. May pahampas hampas pa si Kendy kay Adam. I cant help but adore both of them. Napaka low profile kasi talaga nilang dalawa. Bihira mag PDA like us pero kakaiba ang spark sa kanilang dalawa. Ewan ko ba. I'm not a fan of their love team. Not because I dont like Kendy. Siguro, never naman kasi talaga akong naging fan ng kahit na sinong love team.

"Ice!" We were about to take our steps ng may tumawag kay Ice. Napalingon din naman ako at nakita ko si Blue. She was with her brother Gray together with Nikka and Noah. Close silang apat?

"Cream!" kumaway sakin si Nikka. Ang lawak ng ngiti nya. Hinigit pa nya si Noah at lumapit sa amin.

"Nandito din pala kayo? Titingnan nyo din ang lake?" Blue asked. Ice answered her and they had their own conversation. Kahit medyo naiinis ako sa atensyon na binibigay ni Ice kay Blue ngayon, pinag walang bahala ko na lang.

"We went here to see the lake! I heard it's magical? You too?" excited at ngiting ngiti na tamong ni Nikka.

"Yeah. We figured its best to see it with the sunset."

"Right! Noah thought about it too. But it makes me sad because I cant swim when its dark. Its dangerous. But Noah promised to be back here tommorow so we could swim? Wanna join us?"

"Sure! Just inform me about the time okay?"

"Okay! We better be going. Noah is so eager to see the lake." napatingin naman ako sa taas namin kung saan malayo na si Noah. Masyadong na excite na makita ang lake.

"Cream, is it okay na maki join na lang kami sa inyo ni Gray? Kaming dalawa lang naman eh." Blue asked. Weird. Parang ang bait nya ata ngayon.

"I thought..kasama mo sila Nikka?"

"Ay hinde. Nagkataon lang yun. Okay lang ba?" As if naman may magagawa ako diba? Pag humindi ako lalo lang kukulo ang dugo ng babaeng ito sakin. Hayaan na lang.

"Great! Gray, let's go! Ice!" hinigit nya si Ice paakyat. Naiwan tuloy ako. Bigla akong tinamad. Magpaiwan na lang kaya ako dito?

"Baby, lets go!" tawag ni Ice sakin. Ngumiti ako ng pilit sa kanya sabay akyat na din pataas. Wala na akong choice eh. Tahimik naman akong sinabayan ni Gray na kumukuha ng pictures. May suot syang cap at glasses para nga naman di masyadong makilala ng tao. Baka bigla na lang tong pagkaguluhan ng mga babae mamaya.

"Ang ganda!" hingal na hingal kong tinungtong ang paa ko sa huling baitang. Napahawak pa ako sa tuhod ko habang naghahabol ng hiniga. Narinig ko ang boses ni Trisha habang punupuri ang ganda ng lake. Di ko pa natitingnan kasi naghahabol pa ako ng oxygen.

"Water." inabutan ako ni Ice ng tumbler. Ngumiti ako sabay tanggap nun. "You okay?" pinunasan nya ang pawis ko na tumutulo na. Ngayon lang ulit ako napagod ng ganito.

"I'm fine. Nabigla lang ako." sabi ko sabay inom ng tubig. I shifted my gaze on the lake. Bahagya akong napatigil sa pag-inom ng tubig at pinagmasdan ang lake. Shit! Ang gnada nga!

Sa may unahan namin ay busy si Trisha at Ivan sa pagkuha ng selfie nila. Ganun din si Adam at Kendy na naka wacky face pa ng makita ko. Nikka ang Noah decided to look up in the sky and breathe the air. Ang ganda sobra. Tama nga sila. Mas maganda talaga pag nakita mo na in person. Grabe, sobrang magical ng lake. If I were you, magbo book na ako ng flight papuntang Palawan para makita abg Kayangan lake.

Naputol ang maganda kong mag appreciate sa Kayangan lake ng biglang umimik si Blue. "Ice, picture tayo!" hinigit na sya si Ice at pumwesto sa may kaliwa ko. Nakahanda na si Gray na kuhana ang dalawa. Umakbay pa si Blue kay Ice na syang kinainis ko. Grabe, wala dito ang girlfriend?

"Gray, can you take a picture of me and Cream too?" iniwan ni Ice si Blue pagkatapos ng isang picture at hinigit ako papunta sa may kabilang side. Sumunod naman si Gray sa amin. Palihim akong napatawa sa ginawang pang iiwan ni Ice kay Blue doon sa pwesto.

"Okay, smile!" sumilip si Gray sa camera at parang automatic na nag pose kami ni Ice. Nakalimutan ko bigla ang inis ko kasi na enjoy ko talaga ang picture taking na iyon. Nagselfie pa kami ni Ice ng naka wacky face. Nagpapicture din kaming buong barkada. Nilapitan ko na din sila Noah at nagpapicture kasama sila. Mamaya ko na titingnan ang mga pictures. Tumigil kami sandali at pinagmasdan ng tahimik ang lugar. I never thought something could be this beautiful.

"Ang ganda no?" Bigla ko na lang nasabi. Naramdaman ko na lang na sinabit ni Ice ang pinky finger nya sa pinky finger ko. Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong namula. Para kaming teenager na nagtatago ng relasyon sa iba. It was indeed a small gesture pero iba talaga ang epekto sakin ng mga ganung bagay. Alam na alam talaga ni Ice kung paano magpakilig ng babae.

"Sobra." gigil na sabi ni Ice. Napangiti ako sa sagot nya. Sinilip ko sya sandali kasi gusto kong makita ang itsura nya kapag naamaze sa isang scenery like this. Nabigla ako ng makita syang nakatingin sakin. Titig na titig. "Sobrang ganda." he smiled at hindi ko mapigilang mapangiti na din. Imbes na ibalik ang tingin ko sa lake, nakipagtitigan na lang ako kay Ice. Hinayaan kong malunod ako sa mga mata nya. It's really his eyes eh. Iba talaga. Iba sa mata ng mga taong kilala ko. Ice's eyes talks to me everytime na tinitingnan ko iyon.

Ice leaned to me and whispered, "I love you." Hinalikan nya ako sa ulo. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang sinseridad ng pagkakasabi ni Ice noon. Ice is a man of few words. Bibihira din syang mag I love you. Actually, parehas kami. Nawawalan kasi ng meaning kapag paulit ulit na sinasabi eh. But when Ice tells it to me, tagos na tagos.

"I love you too." I answered. He smiled and enveloped me with a hug. We both stared at the lake and waited for the guys para makababa na ulit kami. Ang daming nangyari ngayong araw.

Hindi binitawan ni Ice ang pinky finger ko. Nakasabi pa din ang pinky finger nya doon hanggang sa makababa kami. Nagpahuli kami sa barkada dahil paniguradong aasarin na naman kami ni Trisha sa unusual na pag pPDA namin ni Ice. Minsan lang to kaya busugin mo na ang mata mo sabi ko sa kanya kanina. Nag belat lang sya sakin kanina sabay higit kay Ivan pababa.

"Let's pig out!" aya ko sa kanila.

"Tamang tama! Gutom na talaga ako." hinimas ni Adam ang tyan nya. Tumingin sya kay Kendy at nagtanong kung gutom na ba ito. Kendy answered, if I'm not mistaken, yes.

"Saan masarap kumain?" tanong ni Ivan.

"Kahit saan na lang! Pare pareho namang kainan yan! Ang mahalaga, may makakain." sagot ni Trisha.

"Hanap na lang tayo ng malapit. Dun sa medyo intimate." imik ni Kendy. Wow, bibihira lang talaga magsalita si Kendy kaya nakakapanibago.

"I agree!" taas kamay pa ni Adam. Papansin! Napairap tuloy ako.

We ended up having dinner at a small place. Its cozy and it felt like home. We stayed there for two hours. We just ate and grabbed the chance for a free wifi. Nagpalit ako ng DP sa lahat ng social networking sites ko. I posted some pictures sa IG ko. Though di naman talaga ako madalas magpost, feel ko lang talaga na i-share ang experience ko na ito. I shifted my screen to facebook at tumambad sakin ang mga pinost nila Trisha na pictures din. Ice changed his profile picture. Hindi ko alam kung paano ito nakuhanan at sino ang kumuha nito. Makatalikod kaming dalawa. Ito yung time na nagtanong ako kung maganda ba ang lake and he said, sobra.

"I like you're DP Ice." comment ni Adam. Tumingin sya saming dalawa ng nakangiti

"Yeah. Thanks for the picture." So, si Adam ang kumuha?

Tahimik din kaming umuwi. Mga pagod na din kasi at gusto ng umuwi. Malapit na kami sa tinutuluyan namin ng magsuggest si Ivan na maginom daw sa may beach. We all agreed to it since matagal na din mula nung huli naming inuman. Sa bar pa ata iyon.

Nagset up kami ng camp fire sa may beach. Ang ganda pa ng langit kasi sobrang nagniningning ang mga stars. Bilog pa ang buwan kaya nagreteflect talaga sa dagat.

"May dala akong cards. Tara mag duda!" umupo sa buhanginan si Ivan at nag start mag balasa ng cards.

"Game ba kayo?" Excited na tanong nya.

"Anong parusa ng matatalo?" I asked. Ivan grinned. I dont like that reaction.

"Ang dalawang may pinakamaraming talo after 10 games ay matutulog ng magkasama sa iisang kwarto."

"Are you serious?" I asked. Dahan dahan namang tumungo si Ivan at muling nagbalasa ng baraha.

"What if bottom 2 si Trisha at Adam, okay lang sayo na magkasama sila sa isang kwarto?" I asked him.

"Hindi no!"

"See? Ang pangit ng parusa mo. Ganito na lang, kung sino bottom 2, lulubog sila sa dagat for 10 minutes." I challenged them.

"The water is freezing Cream! Mamatay tayo sa lamig nyan." imik ni Adam.

"But, thats more convinient kesa sa suggestion ni Ivan."

"Lets just take a vote." Suggestion ni Kendy. Tumungo ako bilang pagsang ayon sa sinabi nya.

"Anyone in favor of Cream's suggestion, raise your hand." nagtaas agad ako ng kamay. Ganun din si Kendy at Trisha. Yung tatlong boys, hindi nagtaas. Siniko ko si Ice. "Raise your hand!" utos ko.

I heard him murmured something bago sya napilitan magtaas ng kamay. "Ang daya! You convinced him!"

"Wala namang rules ah?" Nag belat ako kay Ivan at ngumiti ng tagumpay. We started playing duda and swear, sobra akong natatawa kapag nagsasabi si Ivan ng duda kay Trisha. Sinasamaan sya ng tingin ni Trisha. Ang cute lang.

After ten games, ito ang naging tally. Ivan-1 Trisha-2 Adam-3 Kendy-0 Ice-3 Cream-1

"Shit!" reklamo ni Adam. Kitang kita ko ang frustration ni Adam sa mukha nya. Di naman kasi talaga matatalo yang si Adam kung di nya sinasalo si Kendy. Galing nga eh. Wala ni isang talo si Kendy. Isa rin tong si Ice, sabi naman sa kanya na okay lang na lumubog ako sa dagat kasi halatang halata nila pag nagsisinungaling ako. Nagkataon pa na si Adam ang katabi ko kaya ayun. Isang beses lang ako natalo tuloy.

"Ang pakitang tae nyo kasi!" pangangantyaw ni Ivan. "Lulubog na yan! Lulubog na yan!" starting the chant, nakisabay na din kami. Agad kong hinanap ang SLR ko at hinanda para mapicturan ang itsura nung magkapatid habang nakalubog sa malamig na tubig ng dagat.

Unang tumayo si Ice. Inis man, sumunod na din si Adam. "Take it off! Take it off!" Hiyaw ni Trisha. Tumingin ako kay Ice at nakatingin sya sakin.

"What? Take it off! Ginusto mo yan!" natatawa kong sabi.

"My body was meant for your eyes only Cream." hirit nya.

"Well, saka mo na lang sabihin sakin yan pag kasal na tayo. So, take it off! Take it off! Take it off!"

Huniyaw agad si Trisha ng maghubad si Ice. "Shet! Libreng parada ng abs! Tang ina! Yung v-line! Gosh!" Hindi ko mapigilang matawa sa babaeng ito. Kung makapag comment parang walang katabing boyfriend.

"Oh ano Adam? Nahihiya? Siguro wala kang pandesal no? Monay lang?" pag aasar ko.

"Ipakain ko sayo to eh." sabay hubad ng shirt. Pede bang mag mura? Shit lang! Tumitira ba sa gym ang dalawang to? Bakit...shet! Disturbing mental images!

"Sinong may monay?" Adam asked habang nakataas ang kilay sakin. Sa akin din nya hunagis ang damit nya. Kapal talaga neto. Pasalamat sya mabango ang pawis nya kundi!

"10 minutes?" sigaw ni Adam.

"10 minutes. Wag ka sakin magreklamo. Si Cream ang gumawa ng rule!" sugaw ni Ivan. Nagsilapitan naman kami sa may shore. Natatawa ako sa reaksyon ni Adam. Panay ang mura nya.

"Tangna! Ang lamig ng tubig! Cream! 5 minutes na lang oh!"

"No. No. No! 10 minutes!"

"Lubog na kasi!" hiyaw ni Trisha.

Binuksan ko ang cam ko at nagsimulang kumuha ng picture.

"Puta ang lamig!" punong puno ng tawa ang lugar namin. Priceless ang reaction ni Adam. Si Ice naman cool lang. Sanay sa malamig ang peg.

"Stop whinning Adam. Hindi naman malamig." natatawang sabi ni Ice hababg nakalubog sa tubig.

"Anong hindi malamig? Shet!" kitang kita mula sa pwesto ang pangangatog ni Adam. Ice even splashed some water on Adam which made him curse more.

"Namo Ice! Babawiaan kita!"

"Cream, isnt it too.much? Malamig yung tubig." napatingin ako sa katabi ko. Hawak na ni Kendy ang shirt ni Adam. May hawak na din syang towel. Kaya pala nawala. Kumuha ng towel.

"No. It's okay Kendy. Isa ka sa pumayag diba?"

"I agreed because I dont want Adam to sleep with any girls." Napatigil ako sa pagkuha ng picture at napatingin kay Kendy.

"Were not just any girls Kendy. I'm Adam's bestfriend. Trisha is his long time friend. So walang kaso yun." Medyo nagpantig ang tenga ko pagkarinig ng sinabi ni Kendy. Ano bang problema ng isang to?

"But...a girl and a boy can never be just friends." malamlam na pagkakasabi nya.

"I refuse to believe that Kendy " tinuon ko na lang ulit ang pansin sa pagpicture dun sa dalawa na naglalaro na sa tubig. Gustuhin ko mang awayin si Kendy ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Baka mamaya, awayin na din ako ni Adam. Mahirap na.

"Grrrr. Babawian kita Cream." sabi ni Adam sakin pag ahon mula sa dagat. Nag belat ako sa kanya sabay kuha ng picture. Sinalubong naman sya ni Kendy na nag abot sa kanya ng towel. "Ang lameeeeg!" nangangatog ngatog pa nyang sabi. "Grabe. Sa susunod sisiguraduhin ko na ako ang gagawa ng rules. Palubugin kita sa tubig ng naka bikini eh." Nagpunas sya ng katawan. Yung isang towel ay nakayakap sa balikat nya. Yung isa naman ay pinagpupunas nya sa ulo nya.

"Shit!" sabi ko ng makaramdam ng basa. Di ko namalayan ang pagyakap sakin ni Ice mula sa likod. "Basa ka!" reklamo ko. Mas hinigpitan pa nya ang yakap para di ako makawala. "Ice!" natatawa kong sabi.

"Wala tayong towel. Ang lamig sa tubig." bulong nya.

"Akala ko ba di malamig?"

"Di naman talaga nung una. Nung nagtatagal na, nangangatal na ako." natawa ako sa choice of words nya.

"Nangangatal? Seriously Ice? Parang di ako makapaniwala na sinabi mo ang word na yun."

"Shhhh. Nilalamig ako." Since wala naman akong choice, nabasa na din naman ako ay hinayaan ko na si Ice sa pwesto nyang iyon. Naghiwalay lang kami nung maghagis ng towel si Ivan mula sa likod.

"Tigilan nyo nga ako sa PDA na yan!" sabay alis na din. Natawa na lang kaming dalawa. Kinuha ko yung towel at nilagay sa ulo ni Ice na medyo basa pa. Yung buhok nya ay basang basa din.

"Magpalit ka na ng damit. Magkakasakit ka!"

"Samahan mo ko."

"Bat sasamahan pa kita?"

"Nabasa ka din. Tara. Baka magkasakit ka na naman. Nagiging baliw ka pa naman pag may sakit ka."

"What?" Ngumisi lang sya sakin sabay higit na din.

Laking pasalamat ko at magkahiwalay kami ng kwarto. Kung nagkataon, napagnasahan ko na naman ang katawan ng isang yun. Nauna syang matapos kesa sa akin. Nakarinig na lang ako ng katok kaya nagmadali ako sa pagbibihis. Agad komg binuksan ang pinto at nakita ko sya. Back to normal.

Naabutan naming nag aayos na ng lamesa sila Ivan at Trisha para sa gagawing inuman. Ang tindi talaga namin. Hanggat walang natutumba ay walang titigil. Pagkaupo namin ay agad na nagsalin si Ivan sa shot glass. Napataas ata iyon dahil halos mapuno na ang baso. "First taste si Cream!" inihain nya sakin ang shot glass at ang chaser.

"Bakit ako?" tanong ko sa kanya.

"Alphabetically arranged tayo."

"Baliw ka ba? Edi una si Adam!" binalik ko sa kanya ang baso.

"Tsk tsk tsk. Inigo Adam ang buong pangalan ni Adam. Ano ka ba?"

"What?"

"Hindi mo alam baby?" Napatingin ako kay Ice na nagsisimula ng mamapak ng nachos.

"Seryoso ba yan?" tanong ko sa kanila. Sabay sabay silang tumungong tatlo. Nasaan na ba yang si Adam ng matanong.

"Inom na Cream." muling inihain ni Ivan sa akin ang baso.

"Ayokooo. Si Adam dapat!"

"Ugh. Sabi ng si Adam nga ay Inigo pa. Dont worry, susundan ka ni Ice tapos saka si Adam then si Ivan then Kendy and last, me! Bawal mandaya ah?" imik ni Trisha na nagpalit din pala ng damit nya.

"Ilang bote?" I asked.

"Three." Ivan and Trisha answered in unison. Napalunok naman ako.

"Go Cream! Isang lagok lang!" hiyaw ni Trisha. Sinamaan ko sya ng tingin. Ice iffered na sya na lang ang iinom nung sakin but the guys disagreed. Kanya kanya daw dapat.

Ilang pinggan ng nachos, fries, sisig at liempo ang naubos namin sa tatlong bote na dinagdagan pa ng dalawa. Nasurprised pa ako na medyo hindi pa naikot ang paningin ko. Sa tingin ko, kakayanin ko pa namang maglakad kahit papaano.

Tumba na si Trisha sa lamesa. Ivan is drunk too but he's trying his best na itayo si Trisha at dalhin sa kwarto ng girls. Adam is not drunk. Napa alaman ko na sa aming anim, si Adam ang may pinakamataas na tolerance sa alak. Okay, he smells completely of alcohol but still, alam pa din nya at aware pa din sya sa nangyayari sa paligid nya. Actually, both Adam and Kendy are not drunk. Sila ang pinakamatino sa aming apat. Sunod ako. Dahil si Ice ay nangungulit na. Halatang lasing na dahil kung ano ano na ang sinasabi.

Tumayo ako at halos mapatumba. Mabuti na lang at naalalayan ako ni Kendy. Gusto ko syang kausapin at tarayan. Tanungin sa kung ano ang ibig sabihin nya nung a guy and a girl can never be just friends fiasco nya. Pero wala na akong energy para doon. Gusto ko na lamang mahiga ay maitulog ang kalasingan ko.

Tunayo din si Ice pero tuluyang natumba at napahiga sa buhangin. Tinawanan pa nya ang sarili nya. Inalis ko ang pagkakahawak ni Kendy sakin at nilapitan si Ice para tulungan.

"Mukha kayong timang." comment ni Adam na nakatingin sa aming dalawa. Sinamaan ko sya ng tingin at tinuro. "Ikaw! Di porket mas gwapo ka kay Ice eh sasabihan mo na kami ng timang!" natawa si Adam at nilapitan ako.

"Did you just said na gwapo ako?" malabo na ang paningin ko pero alam ko na nakangisi sya sakin. Tinulak ko sya at sinubukang tingnan si Ice na tulog na ata sa buhangin.

"Kends, paalalay naman si Cream. Ako na bahala kay Ice." nilapitan ako ni Kendy pero sinenyasan ko sya na wag na. "Kaya ko to. Kaya ko to. Ako! Si Cream. Kaya ko to!" sa unang subok ko ng paghakbang ay muntik na naman akong matumba.

"Kaya pala." mahina nyang sabi. Tiningnan ko si Kendy at tinanggal ang kamay nya a sumusuporta sakin. "Kaya ko to!"

Muli akong naglakad at nakaya ko naman ng di natutumba. "Sabi ko sayo kaya ko eh!"

Hindi ko na alam ang nangyari. Minulat ko ang mata ko at nakahiga na ako sa kama.


Not edited.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 7.2K 42
Batid ni Czarina na sukdulan hanggang langit ang galit sa kanya ni Rorik, kahit hindi man nito ipakita. Naiintindihan niya iyon. Sino ba naman ang ma...
2.2M 97K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
1.2M 49.1K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...