''Drag Race (GxG)'' - Complet...

By ABRASTRO

58.8K 2.6K 92

By: RastroForever A Drama-Romance Story It's hard to walk away from a winning streak. But it's harder to leav... More

Chapter 1 - Opportunity Knocks
Chapter 2 - Deals on Wheels
Chapter 3 - The WalkOut
Chapter 4 - Bet to Date
Chapter 5 - First Date
Chapter 6 - GettingToKnow
Chapter 7 - AnotherDate
Chapter 8 - Sleep Over
Chapter 9 - Dejavu
Chapter 10 - Gay or What?
Chapter 11 - The Answer
Chapter 13 - Ambition
Chapter 14 - Slip of the Tongue
Chapter 15 - Whirlwind Romance
Chapter 16 - The Sorry
Chapter 17 - The Hurt
Chapter 18 - The Sacrifice
Chapter 19 - LifeLine - FinishLine
Chapter 20 - The PartingWays
Chapter 21 - Love is Like a RACETRACK

Chapter 12 - My Plus One

2K 114 0
By ABRASTRO

INT JAMIE'S HOUSE - LATER

Dali daling pumasok sa bahay sina tamz at Jamie habang patuloy parin ang buhos ng ulan. Umakyat si Jamie sa taas patungo sa kanyang kwarto nakasunod naman si Tamz sa kanyang likod.

JAMIE: Ang ginaw (kinukuskos ni Jamie ang kanyang dalawang kamay para uminit, habang si tamz naman ay pumunta sa CR upang kumuhang tuwalya ng biglang kumulog ng malakas.) Aaaaahhhhhhhh (sigaw ni Jamie, tumakbo ito palapit kay tamz at yumakap ng mahigpit na ikinagulat naman ni Tamz).

TAMZ: Diyos ko naman Jamie, pati ako sayo natataranta ehh (gulat a pahayag ni Tamz), Alam mo,alam mo, mabuti pa magrelaks ka diyan kukuha lang ako ng pampunas (sabay na hinimas ni Tamz ang balikat ni Jamie maya-maya lang ay nagtungo ulit ito sa cru pang kunin ang tuwalya, hindi pa man siya nakakarating sa CR, kumulog ulit, at sinundan pa ito ng pangalawang kulog at pangatlong kulog na mas malakas pa, napatakbo ulit si Jamie tungo kay tamz at nagsisigaw)

JAMIE: Kulog!!! Kulog!!! Kulog!!! (naghalo ang panginginig ni Jamie sa lamig at sa takot kung kaya pati sa Tamz ay natatranta sa kanya, mahigpit na mahigpit siyang niyayakap ni Jamie)

TAMZ: Ja--ja-jamie saglit lang naman hindi ako makagalaw (sambit ni Tamz)

JAMIE: Kulog!! Kulog!!

TAMZ: Oo alam kong kulog yun,relaks Jamie, relaks? (hinawakan ni Tamz ng dalwang kamay ang mukha ni Jamie) Relaks? Relaks okay? (pumiglas si Jamie at palakad lakad ito sa kwarto)

JAMIE: Tamz, takot na takot ako sa kulog, kung alam mu lang, takot na takot ako sa kulog (halos nagwawala na sa takot si Jamie sa sabay sabay ng pagkulog, paikot-ikot siya sa paglalakad na siyang ikanagulat naman ni Tamz, lumapit it okay Jamie)

TAMZ: Jamie, nahihilo na ako sa kakalakad mo, relaks okay?

JAMIE: Hindi mo ako naiintindahan eh takot nga ako sa kulog,(biglang nag-alsa ng boses si Jamie halos nangagarag pa dahil sa lamig). Hindi mo ako naiintindihan tammy, hindi....

Napahinto si Jamie sa pagsasalita ng bigla siyang sinungaban ni Tamz at hinalikan sa labi. Nanlisik ang mga mata ni Jamie sa gulat, maya-maya lang ay nagtitigan ang dalawa, gulat na gulat parin ang reaction ni Jamie kay tamz, tinitigan ni tamz si jamie, at napabuntong hininga.

TAMZ: hi-n-hindi ko na alam kung papano ka pa patatahanin (mahinahong sambit ni Tamz habang si Jamie naman ay still with a shocking face ang speechless na nakatinging parin kay tamz, napakagat na lamang ng labi si Tamz tila nailing nung mga sandaling iyon), ku-ku-ha lang ako ng towel (saad ni tamz bago tumungo sa CR).

Pagpasok ni Tamz sa CR humarap siya sa salamin at tiningnan ang kanyang sarili.

TAMZ: Kaya mo ito tamz! (sambit niya sa kanyang sarili), para sa pangarap mo kakayanin mo ang lahat ng ito. (kinuha niya ang towel, huminga ng malalim at lumabas sa cr, pagkalabas na pagkalabas niya nadatnan niyang si Jamie na mahimbing ng natutulog, basing basa parin at hindi pa nakapagpalit ng damit, lumapit siya kay Jamie at nakangiting pinagmamasdan . Maya-maya lang ay humiga na rin siya para matulog.

INT. BEDROOM - MORNING

Nagising si tamz sa sinag ng araw, bumangon ito at tiningnan si Jamie na balot na balot sa kumot tila ba'y nilalamigan.

TAMZ: Jamie? Okay ka lang? (kinapkap niyaang noo nito), naku ang taas ng lagnat. (nataranta si tamz agad naghanap ng bimpo, maliit na palangana na may salod na tubig at hinaluan ng alcohol, ipinahid ito sa katawan at inilagay ang bimpo sa noo, buong oras na yun ay hindi humiwalay si Tamz sa tabi ni Jamie nakaupo laman ito sa couch at binantayan hanggang sa magising, makalipas pa ang dalawang oras, nagising narin si Jamie).

TAMZ: Jamie? (agad itong lumapit sa kanya at kinapkap ulit ang noo nito kung may lagnat pa ba), kamusta ang pakiramdam mo? (dagdag ni Tamz)

JAMIE: Anung nangyari? (nanghihinang sambit ni Jamie)

TAMZ: Ang taas ng lagnat mo kanina, halos balot na balot na yang katawan mo sa kumot. May masakit ba sayo?(alalang tanung ni tamz)

JAMIE: Medyo masakit nga yung katawan at ulo ko. (sagot ni Jamie)

TAMZ: Naku, di mo naman sinabi sa akin na mahina ang resistensya mo pagdating sa mga ganung bagay, masakitin pala ang girlfriend ko. (Sabay hinimas ni Tamz ang buhok ni Jamie)

JAMIE: Girlfriend? (napatawa si Jamie sa sinabi ni Tamz)

TAMZ: Aba teka lang, okay ka lang ba talaga?

JAMIE: Oo naman

TAMZ: Ang alam ko mataas ang lagnat mo kanina pero hindi ko alam na nakaka-amnesia na pala ang lagnat ngayon.

JAMIE: Sira! (agad na pinahid ni Jamie ang dalawang kamay niya sa kanyang mukha na pinagpapawisan, habang si tamz naman ay pinagmamasadan siya), huwag mo nga akong tingnan! (sambit ni Jamie habang naiilang sa pagtitig sa kanya ni Tamz)

TAMZ: Alam mo bang nakakaasar yang ganda mo? Kahit bagong gising ang ganda mo parin tingnan, alam mo yun? (seryosong seryoso si tamz ng sabihin niya ang mga iyon kay Jamie nang biglang "grrrrrr, grrrrr," nagulat ito at napangti), Sige, ako'y bababa na at maghahanda ng makakain.

JAMIE: Sige (ngiting pahayag ni Jamie)

Hindi paman tuluyang lumubas si Tamz sa kwarto,

JAMIE: Tamz?

Lumingon si Tamz jay Jamie, at napatingin naman si Jamie kay Tamz,

JAMIE: Paano na yung pusta mo? (Seryosong tanong ni Jamie na ikinagulat naman ni Tamz, matagal na napatititig si Tamz kay Jamie at gulat na gulat ang mukha nito), Anu ng mangyayari sa pusta mo? E diba ang usapan niyo lang naman ay ang idate ako? Pano na yan ngayon? Kasama pa ba ito sa pusta? (mabusising tanong ni Jamie)

TAMZ: Huh? Hi-Hindi,(lumapit si tamz at umupo sa tabi ni Jamie, hinawakan niya ang kamay nito) anu ka ba? Hindi ito kasama sa pusta (tinitigan ni Tamz si Jamie sabay hinaplos ang kanyang palad sa mukha nito)

JAMIE: Seryoso ka ba talaga...

TAMZ: shhhhhhh (agad tinahan ni Tamz si Jamie), Gusto kita, (mahinahon sa sambit ni Tamz, sabay lumunok ng laway), sobrang gusto kita, yun yung nararamdaman ko ngayon,(muling hinaplos ni Tamz ang mukha ni Jamie), ganun din bang nararamdaman mo?(dagdag ni Tamz)

JAMIE: Hindi ko alam, (napiwas ng tinging si Jamie sa kanya), dati ka na bang ganyan? (tanung nung ni Jamie kay tamz)

TAMZ: Ngayon lang!(seryosong sagot naman ni Tamz), At sayo lang ako nagkaganito, pero hindi ko ipipilit sayo ang isang bagay kung ayaw mo, maiintindahan ko. (Tumayo si Tamz), ipaghahanda lang kita ng pagkain, tapos aalis na rin agad ako, (tumalikod si tamz at lumakad palabas sa kwarto)

JAMIE: Tamz, (napahinto si tamz, at napangiti agad itong lumingo kay Jamie)

TAMZ: Yes? (huminga ng malalim si Jamie)

JAMIE: Ngayon ko lang din naramdaman ito (mahinahon na sambit ni Jamie), masaya ako nung nagkakilala tayo, pero mas naging masaya ako nung nagkakasama na tayo. Iniisip kita pag di kita nakikita, pero mas naiisip isip kita pag hndi kita kasama at nakakausap, namis kita nung nagkagalit tayo, pero mas namis pala kita nung naging okay na tayo, (napapaluhang sambit ni Jamie), Hindi kona gugustuhin pang maulit yun, pero mas lalong hindi ko gugustuhin pag tuluyan kang mawala, kase, kase gusto ko rin kita. (napaluha si Jamie nung inamain niyang gusto rin niya si tamz, Lumapit si Tamz sa kanya at yumakap)

JAMIE: pero? Papano yung mga kaibigan mo? Paano yung pusta niyo? Paano....(muling hinalikan ni Tamz si Jamie sa labi kaya napahinto ito sa pagsasalita, nang tiningnan ni tamz si Jamie)

JAMIE: Anu nanaman yung idadahilan mo ngayon? (mahinahong tanong ni Jamie with a serious face reaction, napakagat ulit ni tamz ang kanyang labi ng makita niya ang seryosong mukha ni Jamie)

TAMZ: Ang dami mo kaseng tanong, (mahinahong sagot ni Tamz), hidi ko alam kung papano ka patigilin.

JAMIE: Nakakadalawa ka na! (seryoso parin ang mukha ni Jamie, kung kaya napakamot na lamang ng ulo si Tamz, tumingin it okay Jamie..) Hindi na ako mag-sasalit (dagdag ni Jamie)

TAMZ: Isa pa? (ngiting sambit ni Tamz while asking for one more using her finger)

JAMIE: Tigilan mo ako!(Sagot ni Jamie na ikinagulat ni naman ni tamz, agad itong tumayo)

TAMZ: Joke lang! Biro lang, ang aga-aga ang init ng ulo.

Nang mga puntong iyon ay nakikisabay na lamang si Tamz sa kung anu man meron sila ni Jamie, subalit sa tuwing naiisip niyang totoo ang nararamdaman ni Jamie para sa kanya, halos hindi siya mapalagay sa kung anung dapat niyang gagawin datpawat mas nagiging madali naman para sa kanya ang pag-abot sa kanyang pangarap!

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

17.4K 861 50
She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others...
182K 5.6K 49
"Hey, Crush? Ba't ba kasi kita gusto kahit alam ko naman na masasaktan lang ako?" Date Started: 4/26/18 Date Ended: 5/8/18
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
142K 4.9K 57
Rhian-The New Teacher Glaiza-The Student Chynna and Katrina-Glaiza's friend and classmate Solenn-Rhian Co-teacher This is a fanfic story of Glaiza an...